• Tidak ada hasil yang ditemukan

Noli Metangere Buod ng Bawat Kabanata

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Noli Metangere Buod ng Bawat Kabanata"

Copied!
9
0
0

Teks penuh

(1)

Kabanata I : Ang Pagtitipon

Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage.

Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina.

Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.

Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.

(2)

Kabanata II: Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata.

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata.

Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.

Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.

Ating tunghayan ang Kabanata patungkol kay Crisostomo Ibarra. Ang

bahaging ito ay inilalaan bilang gabay sa pag-aaral ng ikalawang

kabanata ng Noli Me Tangere. Layunin din dito na makilala ang

pangunahing tauhan sa kabanata, makapagbigay ng talakayan at

kuro-kuro patungkol sa mga naganap na pangyayari at maihalintulad ito sa

kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Ang salaysay ng buod ng Noli Me Tangere, Kabanata II ay matatagpuan sa Si Crisostomo Ibarra.

MGA TAUHAN:

o Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin - ang nag-iisang anak ni Don

Rafael Ibarra at binatang nakapag-aral ng medisina sa Europa. Likas siyang may talino at mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon bunga na rin ng pagtataguyod ng ama.

(3)

o Kapitan Tiago - matalik na kaibigan ni Don Rafael Ibarra at

nakipagkasundo sa huli na ipakasal ang kanilang mga anak sa takdang panahon.

o Tinyente Guevarra - isa sa mga sumalubong at natuwa sa pagdating

ni Ibarra

o Padre Sibyla - Lihim nitong pinasubaybayan si Ibarra. Isa itong

katangian ng pari- ang pagiging mapanuri sa isang tao lalo na kapag mayroong liberal na pananaw. Sa kanyang pagmamasid ay pinag-aaralan niya ang pagkatao ni Ibarra at ang kanyang mga natuklasan ang kanyang gagamitin sa sarili niyang kapakanan

o Padre Damaso - Nagpakita kaagad ng disgusto kay Ibarra ng ito ay

kanyang makita sa bahay ni Kapitan Tiago

o Kapitan Tinong - isa sa mga Kapitan sa bayan ng Binundok at ang

layunin ng pag-anyaya niya kay Ibarra ay upang magtamo ng karangalan kung dadalaw sa kanyang tahanan si Ibarra

MGA GABAY SA PAG-AARAL:

Ano sa tingin mo ang (mga) dahilan ng pagbalik ni Ibarra sa lupang tinubuan?

Ano ang iyong masasabi sa ginawang pagpapakilala ni Ibarra sa pamamagitan ng kaugaliang natutunan nito sa ibang bansa?

Ano naman ang iyong gagawin kung makakaharap ka ng isang katulad ni Padre Damaso at gagawin nito sa iyo ang ginawa nito kay Ibarra?

Anu-ano ang mga kaugaliang Pilipino na unti-unting nawawala sa panahon ngayon?

Kung ikaw ang papipiliin, gagawin mo pa rin ba ang mga nakaugaliang iyon sa iyong kapwa, magulang o kapatid?

(4)

Kabnata III: Ang Hapunan

Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at

nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan.

Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa

kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.

Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata.

Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na

lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra.

(5)

Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.

Ang ikatlong kabanata ng Noli Me Tangere ay patungkol sa mga pangyayaring naganap sa oras ng hapunan. Ang salaysay ng buod ng Noli Me Tangere, Ang Hapunan ay matatagpuan saKabanata 3.

Inilalahad sa pahinang ito ang mga tauhan sa kabanata at mga gabay na katanungan.

MGA TAUHAN:

o Crisostomo Ibarra - tampok na panauhin ni Kapitan Tiago at para sa

kanyang pagdating ang inihandang hapunan

o Padre Damaso - inakalang siya pa rin ang pinaka-importanteng

panauhin sa handaang iyon at mapagkunwaring inialok ang kabisera ng upuan kay Padre Sibyla. Nagpakita siya ng hindi mabuting asal sa harap ng mga panauhin lalong lalo na kay Ibarra. Nagngitngit ito lalo sa galit ng mapunta sa kanya ang mga pangit na parte ng tinola

o Padre Sibyla - nasisiyahan sa okasyon at tagasaway ni Padre Damaso

kapag hindi nito mapigilan ang kagaspangan ng ugali

o Tinyente Guevarra - hindi mapigilang magmasid sa kulot na buhok ni

Donya Victorina.

o Donya Victorina de Espadaña - Inis na inis sa Tinyente ng

matapakan nito ang kola ng kanyang saya.

o Maria Clara - dumating din ng gabingi iyon si Maria Clara mula as

kumbento. Ang kanyang pagdating ay kinahanga ng lahat dahil sa angkin niyang kagandahan

MGA GABAY SA PAG-AARAL:

Ano ang iyong opinyon sa pagpapahalaga ni Ibarra sa karunungan at edukasyon?

Makatwiran ba ang kanyang mga isinalaysay na paghahambing tungkol sa pag-unlad ng Europa at sa kanyang bayang tinubuan?

May katotohanan pa ba sa panahon ngayon ang mga sinabi ni Ibarra tungkol sa kalagayan ng Europa at ng kanyang bayan? Magbigay ng halimbawa.

(6)

Kabanata 4: Erehe at Filibustero

Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon.

Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari.

May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero.

Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog.

Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.

(7)

Ang ikaapat na kabanata ng Noli Me Tangere ay tungkol sa pagiging erehe at

pilibustero diumano ni Don Rafael Ibarra. Ang buod ng kabanatang ito ay matatagpuan sa Kabanata 4.

Inilalahad sa pahinang ito ang mga tauhan sa kabanata at mga gabay sa pag-aaral.

MGA TAUHAN:

o Don Rafael Ibarra - likas na matulungin sa mahirap at mga naaapi.

Dahil sa pagtulong nito sa isang batang binubugbog ng Kastila, sinamantala ito ng kanyang mga kaaway upang maparatangan ang Don

o Padre Damaso - kura paroko sa bayan ng San Diego at

mapagbalatkayong kaibigan ni Don Rafael. Walang awa niyang sinira ang reputasyon ng kanyang kaibigan

o Tinyente Guevarra - Ang naging susi kung paano nalaman ni Ibarra

ang mga paghihirap ng kanyang ama habang siya ay nag-aaral ng medisina. Ito rin ang nag-iisang tumulong sa kanyang ama sa kabila ng pagtalikod ng lahat.

MGA GABAY SA PAG-AARAL:

Ano ang kahulugan ng erehe at pilibustero? Marapat nga bang tawagin si Don Rafael na isang erehe at pilibustero?

Ano ang mapupulot na katangian sa katauhan ni Don Rafael?

Ano ang gagawin mo kung makikita mo ang isang bata na walang awang sinasaktan ng isang matanda, katulad ng nasaksihan ni Don Rafael?

Ano sa tingin mo ang dahilan bakit may mga kasulatan o babasahing ipinagbabawal ang mga prayle?

Anong uri ng hustisya mayroon sa bayan ng San Diego ng mga panahong iyon? Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang mga ganitong sitwasyon?

(8)

Kabananata 5: Isang Tala sa Gabing Madilim

Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra.

Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara.

Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.

Ang ikalimang kabanata ng Noli Me Tangere ay ang pag-iisip ni Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama. Matutunghayan ang buod ng Kabanata V ng Noli Me Tangere, Isang Tala sa Gabing Madilim

Narito ang mga pangunahing tauhan sa Kabanata V:

o Crisostomo Ibarra - naghihinagpis si Ibarra sa sariling silid habang

nagsasaya sa kabilang bayan ang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang ama

o Maria Clara - tinaguriang pinakamaganda sa bayan ng Binundok at

lahat ng tao ay humahanga sa kanya

o Padre Sibyla - siyang siya sa pagmamasid sa mga kadalagahang

naroroon, lalong lalo na sa kagandahan ni Maria Clara

GABAY SA PAG-AARAL:

Kung ikaw si Ibarra, paano mo tatanggapin kapag nalaman mo na isa sa iyong mahal sa buhay ay katulad ng sinapit ni Don Rafael?

(9)

Referensi

Dokumen terkait

Sa isang bahagi ng kanyang report, ito ang ipinahayag ni Yee na maaaring gamitin ang Online Computer Game upang masukat ang kakayahan ng isang taong nag-aapply

Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng

Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na

Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang

Tumatak sa akin ang mga sesyon na iyon dahil sa unang pagkakataon, nalaman kong hindi dapat sisihin ng isang babae ang sarili kung siya’y naabuso.. Na karapatan

IBARRA, MARIA CLARA, PADRE SALVI, PADRE DAMASO, PADRE SIVYLA, KAPITAN TIYAGO, TINYENTE GUEVARA, DOÑA VICTORINA, SISA, BASILIO, ALALAY, ALALAY2, GWARDYA, ELIAS, SCENE 1.. Tahimik

Kasama ni Simoun si _____ noong gabing pumaroon siya kina Kapitan Tiago.. Naghanda ng _____ si Simoun noong gabing iyon upang

Napagbalingan ni Donya Victorina ang binatang si Linares at inutusan ito na hamunin ang alperes dahil kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi malaman