• Tidak ada hasil yang ditemukan

Banghay Aralin sa Filipino 7 (Unang Markahan - Ikatlong Linggo)

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Banghay Aralin sa Filipino 7 (Unang Markahan - Ikatlong Linggo)"

Copied!
6
0
0

Teks penuh

(1)

Unang Markahan Ikatlong Linggo

Unang Araw Ika–26 ng

Hunyo 2013

Lingguhang Tunguhin

a. Natutukoy ang mga detalye ng napakinggang teksto (PN1Ba).

b. Nasasagot ng wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig (PN1Ab) I. Paksa

Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Isang Dosenang High School Student” mula sa Aklat na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong

II. Kagamitan

 Video/Larawan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng mag – aaral sa silid – aralan

 Speaker III. Pamamaraan

A. Panimulang PagtatayaQUIZ – KINIG

Magkakaroon ng pagsasanay ang mga bata base sa pagsunod sa panuto gamit ang kanilang tainga. Sasabihin ng guro ang mga tanong at panuto sa pagsagot at kailangang makasunod ang mga mag – aaral.

B. Pagganyak

Pagpapakinig sa mga mag – aaral ng mga boses mula sa video na nagpapamalas ng iba’t ibang uri ng mag – aaral sa silid – aralan.

C. Presentasyon

Dugtung – dugtungan – tala – sulatan

Mula sa napakinggang “inang – salita” (Mag – aaral), dugtungan ito sa pamamagitan ng mga katangian ng mga mag – aaral na nakikita sa paaralan. Tandaang ang sasabihing susunod na salita ay dapat na kaugnay sa huling salita na napakinggan.

• Paglalagom ng mga salitang narinig at naitala D. Pagpapayaman

1. Pangkatang Gawain

PANGKAT I: Mula sa napakinggang dulaan, itala ang mga katangian ng mga mag – aaral sa unang pangkat. Ilahad ito katulad ng pag – uulat ng mga announcer sa radyo. PANGKAT II: Ilahad ang mga katangian ng mga mag – aaral sa ikalawang pangkat sa pamamagitan ng pagguhit.

(2)

katangian ng mga mag – aaral sa ikatlong pangkat. Ang palaro na isasagawa ay nararapat na nasa anyong pakikinig (Quiz Bee – Dictation)

PANGKAT IV: Sa anyong padula sa radyo (Tiya Deli), isasadula ang mga narinig na katangian ng mga mag – aaral.

2. Pag – uulat ng pangkat

3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro

E. Sintesis

Paglalahat sa mga klase ng mga estudyanteng inilarawan sa napakinggang dulaan. Halimbawa, magsasama – sama ang mga clowns, geeks, anak ni Rizal, atbp. Sang – ayon ba kayo na clowns silang lahat? Na geeks silang lahat? Na anak ni Rizal silang lahat? Bakit?

IV. Takdang Aralin

Magsaliksik sa internet. Hanapin ang sipi ng “Isang Dosenang High School Student” mula sa aklat na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong at basahin ito.

(3)

Ikatlong Linggo

Ikalawang Araw Ika–27 ng Hunyo

2013

Lingguhang Tunguhin

a. Nakapagbibigay ng mga opinyon hinggil sa akdang binasa (PB1Ca).

b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).

c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad).

I. Paksa

Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Isang Dosenang High School Student” mula sa Aklat na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong

II. Balik - Aral

Dugtungan – Pasahan

Isang uri ng laro na kung saan magbibigay ang guro ng “inang – salita” at dudugtungan ito ng mag – aaral sa pamamagitan ng pagpapaliwanag o paglalarawan dito. Matapos makapagpaliwanag ay malayang pipili ang mag – aaral ng kanyang kamag – aral na magdudugtong sa salitang kanyang ibibigay.

III. Pagganyak

Pagpapalaro ng bingo card. Bawat mag – aaral ay may tig – isang bingo card. Nakapaloob sa bingo card na ito ang iba’t ibang kagamitan, abubot na mayroon ang estudyante. Ang unang makapagblock ng card, siya ang panalo.

IV. Presentasyon

Pasalitang pagpapabasa mula sa siniping akdang “Isang Dosenang High School Student” mula sa aklat na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong. Gawing masining.

V. Pagpapalawig

1. Pangkatang Gawain

PANGKAT I: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ang pag – uulat sa anyong talkshow.

• Ano ang inyong reaksyon sa inyong binasa? Natuwa ba kayo? Nagustuhan ba ninyo? Sang – ayon ba kayo sa sinabi roon? Pangatwiranan.

• Magbigay ng mga konkretong halimbawa ng pag – iistereotype upang maging malinaw sa mga mag – aaral kung ano ito. (Halimbawa, kapag nakasalamin sa mata ang isang tao, ano ang karaniwang iniisip ninyo tungkol sa

(4)

sa inyo.)

• Iugnay ninyo ang stereotyping sa akdang inyong binasa. Sang – ayon ba kayo sa pag – uuri – uri ng mga tao gaya ng inyong nabasa? Anu – ano ang mga maaaring maging epekto ng stereotyping sa mga tao? Isa – isahin at ipaliwanag.

• Anong maganda o makabuluhang kaisipan ang mabubuo ninyo matapos ang ating pagbasa at talakayan? Ipahayag ninyo sa isang pangungusap.

PANGKAT II: Sa anyong “Maalaala Mo Kaya”, maglahad ang pangkat ng mga nauugnay na karanasan sa iyong sarili at kapwa mag – aaral patungkol sa tekstong binasa.

PANGKAT III: Sa anyong “Magpakailanman” ni Mel Tiangco, magsalaysay ng sariling karanasan patungkol sa tekstong binasa.

PANGKAT IV: Sa paraang interbyu, maglahad ng mga karanasan mo at ng iyong mga kapwa mag – aaral na maiuugnay sa tekstong binasa.

2. Pag – uulat ng pangkat

3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro

VI. Sintesis

Sa inyong mga karanasan bilang isang mag – aaral, anong bagay ang sa palagay ninnyo na maaaring maging simbolo ng inyong sarili? Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag.

VII. Takdang Aralin

1. Ano ang pang – uri? 2. Ano ang pang – abay?

3. Magbigay ng limang (5) pangungusap na gumagamit ng pang – uri at pang – abay. Salungguhitan ng isang beses ang pang – uri at dalawang beses ang pang – abay.

(5)

Ikatlong Linggo

Ikatlong Araw Ika–28 ng Hunyo

2013

Lingguhang Tunguhin

a. Nakikilala ang payak na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng simpleng panuring (pang – uri at pang – abay) (PU1Ac).

I. Paksa

Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Isang Dosenang High School Student” mula sa Aklat na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong

II. Balik - Aral

Sa anyong pag – uulat (24 oras), ibabahagi ang mga natalakay kahapon.

III. Pagganyak

Pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng mga mag – aaral. Ilalarawan ang mga ito ayon sa kanilang mga katangian.

IV. Presentasyon

Mula sa siniping akdang “Isang Dosenang High School Student”, ang mga mag – aaral ay maghahanap ng mga salitang naglalarawan. Mula dito magkakaroon ng talakayan tungkol sa mga salitang kanilang nahanap. Bibigyang – diin ng guro ang pagkakaiba ng pang – uri at pang – abay.

V. Pagpapalawig 1. Pangkatang Gawain

PANGKAT I: Sa paraang pag – awit, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang – uri at pang – abay sa paglalarawan. PANGKAT II: Sa paraang pagrarap, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang – uri at pang – abay sa paglalarawan. PANGKAT III: Sa pamamagitan ng masining na pagkukuwento, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang – uri at pang – abay sa paglalarawan.

PANGKAT IV: Sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas, ilarawan ang bawat miyembro ng pangkat. Gumamit ng pang – uri at pang – abay sa paglalarawan.

2. Pag – uulat ng pangkat

3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral 4. Pagbibigay input ng guro

VI. Sintesis

Anong mga bahagi ng pananalita ang ginagamit natin sa paglalarawan? Ibigay ang pagkakaiba ng pang – uri at pang – abay. VII. Kasunduan

(6)

Ikatlong Linggo

Ikaapat na Araw Ika–01 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin

a. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay ng iba (PA1Ac/Ad).

I. Balik – Aral

Cabbage Technique – Sa pamamagitan ng mga tanong na nakasulat sa papel at ibinilog na parang isang repolyo, iikot ito habang tumutugtog ang isang awitin at ang huling may hawak ng repolyong papel sa pagtigil ng musika ay sasagutin ang tanong na may kaugnayan sa nakaraang aralin.

II. Pagganyak

Pagpapakita ng isang video clip tungkol sa isang taong nagsasalaysay ng kanyang sariling buhay/buhay ng iba.

III. Pagtalakay sa Aralin

Pahapyaw na pagpapaliwanag tungkol sa pagsasalaysay. IV. Pangwakas na Pagtataya

Susulat ang mga mag-aaral ng isang talata na pasalaysay tungkol sa kaniyang sariling buhay/buhay ng iba. Iuugnay nila ang kanilang buhay/buhay ng iba sa isang bagay na sisimbulo sa kanilang katauhan.

V. Rubriks

 Nilalaman 50%

 Kohesyon (Pagpapalutang ng Diwa) 30%

 Wastong Bantas 20%

Kabuuan 100%

VI. Takdang Aralin

Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita na hango mula sa kuwentong “Alamat ni Tungkung Langit” ni Roberto Anonuevo.

1. napapatigagal 2. pasigan

3. sinasagkaan 4. dayaray 5. naghunos

Referensi

Dokumen terkait

Sa isang bahagi ng kanyang report, ito ang ipinahayag ni Yee na maaaring gamitin ang Online Computer Game upang masukat ang kakayahan ng isang taong nag-aapply

Naghandog ng isang salu-salo si Kapitan Tiyago sa pagdating ni Crisostomo Ibarra na nag-aral ng pitong taon sa Europa.Nang ipakilala ng kapitan ang binata sa panauhin,nagalak

Sa pag-aaral na ito, kinakailangang malaman kung ano ang sanhi at epekto ng pambubulas sa isang estudyante lalo na sa kanyang pisikal, mental, at behavioral na kalagayan..

Sa pagsasadiwa ng Patakarang Pangwika, isang bagong kategorya sa Gawad Chanselor ang binuo, ang “Natatanging Mananaliksik sa Filipino.” Pangunahing layunin nito na kilalanin ang mga

Ang Paaralang Bayan din ang naging isang tuntungan sa pagbubuo ng pederasyon ng mga homeowners association mula sa iba't ibang purok sa South Daang Hari na siyang mangunguna sa

MULA SA IKALAWANG PUNONG GURO NG AKADEMIKS: Mga minamahal na mag-aaral, guro, at iba pang kasapi ng Lasalyanong komunidad, isang punong-puno ng pagpapalang panibagong taon para sa

Bano ako dahil sa kinatagal-tagal kong nakatira sa Ulingan, ni hindi ko man lang nalaman na may court pala doon.. Sa lugar kung saan pare-parehas kaming

Mula sa mga balita na inilalabas ng pambansang network hanggang sa proseso ng produksiyon at interpretasyon na umiiral ay konsistent ang samahan sa pagtugon sa layunin at paninindigan