• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Paboritong Libro Ni Hudas - Bob Ong

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Paboritong Libro Ni Hudas - Bob Ong"

Copied!
56
0
0

Teks penuh

(1)

< ' > PATAY NA 'KO?!?!

<.- -.> Ilang beses mo bang gustong marinig ang 'oo'? Kung may bayad ang bawat tanong, mayaman na 'ko.

< ' > Totoong patay na 'ko??? <.- -.> Bawal magsinungaling dito. < ' > Pero bakit... < ' > Sino'ng... < ' > Paanong... < ' > Asaan ako? < ' > Sino ka? <.- -.> Patay ka na.

<.- - .> Nasa lugar ka ng mga patay.

<.- -.> Receptionist ako sa lugar ng mga patay. <.- -.> May tanong ka pa?

< ' > . < ' > ... < ' > ..

< ' > Paano na ang mga anak ko?

< ' > H-hindi ko naman talaga gustong-

<.- -.> Maayos ang buhay nilang lahat. Nagpakasal ulit ang asawa mo. Nasa Ameri ka na ang bunso mo. At kakapanganak lang sa ikatlo mong apo sa tuhod kanina haba ng nagsasalita ka.

< ' > HUH?!?!

< ' > Kakamatay ko pa lang ah?! <.- -.> Mag-iisang oras ka na dito. < ' > Alam ko!?

<.- -.> Dito...pero sa lupa, higit apat na dekada ka nang patay. < ' > Pa'no nangyari 'yon?

<.- -.> Ang isang araw dito, isanlibong taon sa lupa. 2049 na. Kung binabasa mo yung handout na ibinigay sa 'yo sa halip na tanong ka nang tanong, kanina pa da pat malinaw sa 'yo ang lahat.

< ' > Pero...hindi...niloloko mo ba ako??

<.- -.> Minsan gusto kong sumagot ng 'oo' pag tinatanong ako ng ganyan. < ' > Pero...bakit...paanong...??? <.- -.> Tignan mo. < ' > Ano 'yan? < ' > ... < ' > Huh? < ' > . < ' > !!! < ' > .. < ' > Saan 'yan? <.- -.> Sa Pilipinas.

< ' > E bakit ganyan 'yan? Sino 'yan? <.- -.> Si Marvin.

< ' > Marvin?

<.- -.> Marvin. Marvin Agustin.

< ' > Yung artista? Matanda na? Ano'ng ginagawa n'ya d'yan? <.- -.> Presidente s'ya ng bansa mo.

< ' > Huh?!!!

<.- -.> Ayos naman ah! Gusto nga s'ya ng mga tao e. < ' > E sino 'yan - asawa n'ya?

<.- -.> Saan?

< ' > Ayan, sa kanan.

<.- -.> Ah, vice president 'yan. < ' > Sino'ng naging vice president??

<.- -.> Si Tootsie Guevarra. Yung magaling kumanta. < ' > Huh?!?

(2)

< ' > Ano'ng ibig mong sabihin? < ' > Nasaan na si GMA?

<.- -.> Matagal nang wala si Macapagal.

<.- -.> 2049 na. Wala nang utang ang Pilipinas sa ibang bansa! < ' > Talaga?

<.- -.> Hay naku! Wala ka pala talagang alam e. < ' > Bakit, ano pa ba ang mga nangyari?

<.- -.> Balik na ulit ang Pilipinas sa mapa. Mayaman at respetado na ulit ang b ayan mo.

< ' > Talaga? Hehe....

<.- -.> Oo, ang ingay mo kasi kanina e...di ko nga masyadong naintindihan yung speech ng Papa sa Roma...papapanoorin dapat kita.

< ' > O, may ano?

<.- -.> Pilipino ang bagong Papa. < ' > Huh?

<.- -.> Nanonood ka ba ng MTV? < ' > Hindi.

<.- -.> Ng That's Entertainment? < ' > Hindi rin. Bakit?

<.- -.> E hindi mo pala kilala. < ' > Sino?

<.- -.> Yung bagong Papa. < ' > Ano ba'ng pangalan? <.- -.> Pope Rose I

< ' > Sinong Pope Rose I?

<.- -.> Hindi 'yon ang totoo n'yang pangalan, pero artista s'ya dati. <.- -.> Donita Rose yata ang screen namae n'ya e.

< ' > Si Donita Rose??? Yung VJ - naging pope?! <.- -.> Oo - galing, 'no?

<.- -.> Nga pala, alam mo bang pwede na ngayong mag-asawa ang pari? < ' > Huh?

<.- -.> Pwede na, basta madre ang mapapangasawa, para hindi raw lumabas ang per a ng simbahan. Ayos, 'no?

< ' > Ganyan na ba ngayon sa lupa? < ' > Hmmm....

< ' > Pero kung tutuusin, okay! <.- -.> Oo naman!

< ' > Sandali, wala na bang krimen?

<.- -.> Nabawasan, kahit papa'no. Nakikita mo 'yang babaeng nasa tabi ng driver ?

< ' > Alin?

<.- -.> 'Yan, yung nasa jeep na neon. < ' > O, ano?_Ayos yung jeep ah!

<.- -.> Nakikita mo yung hawak n'yang cellphone? <.- -.> XC90 'yan!

< ' > Ano'ng XC90?

<.- -.> 'Yan ang cellphone ngayon ng masa. May laser gun 'yan, at protektado ng magnetic shield ang may-hawak.

< ' > Hahaha...tangna, astig! "Tanging Yaman"

<.- -.> Tsaka nakita mo yung mga naka-barong kanina na walang kamay? < ' > Oo.

< ' > Itatanong ko nga dapat sa 'yo kung bakit gano'n e. <.- -.> Mga kongresman 'yun na nangupit sa kaban ng bayan. < ' > Huh?!

<.- -.> Oo, pinuputulan kasi ng kamay ang mga corrupt officials para hindi na u mulit. Okay nga e.

< ' > Kelan pa?

<.- -.> 'Tagal na 'yon...panahon pa ni President Sin 'yon e. < ' > Si Sin? - yung Cardinal???

(3)

lica yung Bundok Banahaw sa Nayong Pilipino. < ' > Bundok Banahaw?

<.- -.> Oo.

<.- -.> Ay! Oo nga pala, hindi mo alam...wala na kasi yung Bundok Banahaw. Bana haw Mall na ngayon. Hahaha!

< ' > Ginawang mall?!? Sira ba ulo nila?..Ba't natatawa ka pa?!

<.- -.>Wala rin kasing nangyari e, hindi rin naman kumikita yung mall.

< ' > Syempre, sino namang gago ang matutuwa sa ginawa nila?! "Tanging Yaman" <.- -.> Huh? Hindi, natutuwa ang mga tao sa ginawa nila, kaya nga lang wala nan g namamasyal sa malls ngayon dahil puro TV na lang ang pinagkakaabalahan ng mga tao.

< ' > TV? Ano'ng meron? <.- -.> Telenovela.

< ' > Huh? MERON PA RING TELENOVELA HANGGANG NGAYON?

<.- -.> Uy, mas magaganda na ngayon ang mga telenovela kesa nung kapanahunan mo : Nasa Puso Ko, Ikaw Ay Akin, Mahal Na Mahal, Tayo Ay Iisa, Mahal Kita, Sa Pilin g Mo, Ang Mahalin Ka, Lumayo Ka Man, Tunay Na Mahal, Tayong Dalawa, Mahalin Mo A ko, Tanging Ikaw Lang, Pagmamahalan Natin, Ikaw At Ako...nakalimutan ko pa yung iba e, pero magaganda mga kwento n'yan!

< ' > 'Yan ang mga programa ngayon? ARAW-ARAW?!?! <.- -.> Araw-gabi. Saya nga eh!

< ' > Walangya! "Tanging Yaman"

< ' > Ano ba 'yan...bakit laging tumutugtog yung Tanging Yaman? Kanina ko pa na ririnig 'yan e, paulit-ulit!

< ' > At saka nagkakalimutan, marami akong tanong sa 'yo ah, bakit ayaw mong sa gutin?

< ' > At sino ka ba??? VENY

Isang linggo na 'ko dito ngayon sa Baguio. Nagsusulat. Payapa ang kalooban. Put i ang labi. At itim ang mga kuko dahil sa ginaw. Ayos naman ang naging biyahe ko . Katabi ko sa aircon bus ang lalakeng wiling-wili sa pakikipagkwentuhan sa kaib igan n'ya tungkol sa isang bus na nabangga at nalaglag sa bangin. Anim na oras a ng biyahe. Anim na araw kung nasakyan mo yung bus na nasakyan ko. Meron kasing s top-over sa tuwing makakabasa ng "eatery" sa daan yung driver.

Alam mo ang gusto ko sa Baguio, masyadong makapal ang hamog sa daan. Hindi kita ang bangin. Hindi ka malulula dahil hindi mo alam kung mamamatay ka na. Hihinta yin mo na lang kung ang sasalubong sa bus n'yo e mga taga-Department of Tourism o pulutong ng mga nagkakantahang anghel.

Masarap maghanap ng lugar na matutuluyan dito sa Baguio, lalo na kung bobo ka s a direksyon, tulad ko. Pag naligaw ka kasi dito, hindi lang basta kanan-kaliwa a ng balikan, kundi taas-baba. Mumurahin ka ng mga paa mo. Kakapusin ka ng lakas k ahit uminom ka pa ng Motolite. Hindi uubra dito yung mga tatlong oras na lakaran na ginagawa mo sa Maynila tuwing strike ang mga jeep.

Pero di naman nagtagal at nakakita rin ako ng matitirhan. Dahil masyadong inter esante, itatago ko na lang ang nasabing hotel sa pangalang "Bahay ni Lolo." Naki ta ko ito sa tuktok ng isang bundok. Natawag ang pansin ko dahil sa "Monthly Rat e" na nakasulat sa karatula nila. Ayos. Tumuloy na 'ko sa loob. May dalawang occ upant pa na nasa pintuan, tanda na "mabili" nga ang nasabing hotel. Pero pagpaso k ko, napansin ko kaagad ang ambiance nito na medyo...um, "archeologic" ang dati ng. Nginitian ko ang receptionist, sabay tanong: "Ano ho ba ang 'most affodable' n'yong kwarto?" May 50's na salamin sa mata, 50's na pumada, at 50's na mukha a ng matandang lalake na kausap ko. "Ha, ha..." tumawa s'ya na parang nanlilibak. "Most affordable." Inulit n'ya. Di ko alam kung wrong grammar ako. Palagay ko ng a...dapat yata 'most affordest'. Kumuha s'ya ng papel at ballpen. Kinabahan ako, akala ko meron pang entrance exam. Inilista n'ya ang rate kasabay ang paliwanag : "4,000 ang kwarto. Plus 2,000 deposit. Plus 500 kung gusto mo ng cable TV. Plu s 500 kung gusto mo ng LPG tank. Plus 500 na bayad sa maglilinis ng kwarto pag-a lis mo."

(4)

ng naman tinirhan?!? Hindi naman ako magkakatay ng dinosaur para dumumi 'yun ng ganoon! Pero iniabot n'ya kaagad sa akin ang susi ng kwarto. "Eto, silipin mo yu ng room 201." Kapansin-pansin ang laki ng keychain. Rectangular na kahoy na hind i mo pwedeng ibulsa. Kung dadalhin mo 'yun sa grocery shop e tiyak na papakiusap an ka ng guard na i-deposit 'yon sa baggage counter.

Tinakbo ko ang hagdanan, parang booby trap ang bawat baitang. Makunat at parang bibigay anumang oras. Nagdahan-dahan ako, pero pagdating sa taas e muntik akong gumulong ulit pababa sa sobrang gulat. Holy smokes, nasa bahay ako ni Dracula! Isang 'abandoned' room ang nakita ko. Sabog-sabog ang mga gamit. May dalawang so fa na matanda pa yata kay Manuel L. Quezon. May fireplace na mukhang sumisindi m ag-isa. At may mga life-size na rebulto ng iba't-ibang klase ng aso sa maalikabo k na sulok. Hindi ko makita ang room 201. Tinignan ko ang isa pang hagdan paakya t. Hindi ko kaagad naisip na pwedeng akyatin 'yon dahil may nakaharang na dalawa ng 'aso' sa unang baitang, parang 'off-limits', pero inakyat ko pa rin. Pagpasen syahan mo na kung gagamitin ko ngayon ang salitang mabilingmabili sa kabataan Shit! Walang ipinagkaiba ang '3rd floor', nakatayo pa rin ang balahibo ko sa bu ong katawan. Tahimik ang lugar, may kadiliman, walang tao. Pero nakita ko ang ro om 201. Ipinasok ko ang susi sa doorknob at binuksan ang pinto, nakahanda sa kir at na kuba na sasalubong sa akin. Wala naman. Pero nakahanda pa rin akong makaki ta ng pugot na ulo nang buksan ko ang refrigerator sa loob ng kwarto. Wala rin. May heater sa bathroom, pero sa switch pa lang ay alam ko nang ikakukuryento ko 'yon. Nag-isip ako, pero hindi masyadong matagal dahil ayokong abutan ng dilim s a loob ng Bahay ni Lolo. Lumabas ako ng kwarto at naglibot sa hallway. May fortu ne plant sa gilid ng pinto ng bawat kwarto, lalo lang nagpapadilim sa lugar. Kin umbinsi ko ang sarili na lakarin ang dulo ng hallway at pakinggan kung may mga d emonic worship at sacrifice na nagaganap sa ibang kwarto. Wala naman. Pero napan sin kong marami sa mga kwarto ang naka-padlock. Dalawa lang ang ibig sabihin: (1 ) Walang tao at hindi pa ito okupado, o (2) Ikinulong ng may-ari sa loob ang mga occupant para ialay sa mga kampon ng kadiliman pagdating ng alas-dose ng gabi. Hindi na 'ko nagtagal. Bumaba ako at iniabot kay lolo ang jumbo keychain. Di na ako nagpaliwanag. Di na rin s'ya nagtanong. Parang sanay na sanay na s'yang tan ggihan ng tao. Nilisan ko na ang lugar bago ko pa makita doon si George Estregan na nakasuot-Drakula, kasama ang mga zombie na kinalaban nila Estong Tutong. Ala m kong masyado akong 80's, pero totoo lahat ng sinabi ko. At maniniwala ka ba na nang ikinuwento ko ito sa mga taga-Baguio e wala sa kanilang nakakaalam kung sa an ang Bahay ni Lolo, hindi nila kilala ang kalye kung saan ko ito nakita, at wa la rin ito sa mapa?

Halata bang nasobrahan ako sa pagbabasa ng Hiwaga Komiks? [Cue X-Files theme here.]

Halos isang dekada na ang nakakaraan nang una akong magulantang sa isang bagay na nakita ko sa TV - ang palasyo ni Michael Jordan!

Biruin mo, posible pala sa mundo na magkaroon ang isang tao ng bahay na may tou rnament-size tennis at basketball court sa bakuran. At gulat na gulat na ako sa lagay na 'yon, hindi ko alam na halos pangkaraniwan na lang pala ang mga gano'ng karangyaan sa mundo ng mga sikat at mayaman. Dahil kung ikukumpara sa bahay ng TV producer na si Aaron Spelling, sisiw pa pala ang bahay ng batikang basketboli sta. Mas malaki ang bahay ni Spelling. Meron itong sariling sinehan, doll museum , gymnasium, Olympic-size swimming pool, bowling alley, skating rink, six garden s, 12 fountains, four bars, three kitchens, at garahe para sa labing-anim na sas akyan. Walangyang bahay! Sa sobrang laki pwede nang gawan ng sariling time zone. Pero katulad ng sinabi ko, pangkaraniwan lang ang mga ganyang bahay sa mga maka pangyarihan. Dahil ang bahay naman ni Bill Gates, na kinikilala ngayon bilang "M ost Intelligent House," ay nagkakahalaga naman ng $55 million dollars. Ang mga t aong pumapasok dito ay binibigyan ng electronic PIN na dini-detect ng sensor sa bawat sulok ng bahay. Sa ganitong paraan, naise-set ng bisita ang mga appliances na gusto n'yang automatic na aandar pag pasok n'ya ng anumang kwarto. Para nga naman hindi na sumakit ang mga buto nila sa pagsasagawa ng nakakahingal na traba ho gaya ng pagpindot sa mga feather-touch remote control.

(5)

, kusina na parang hotel lobby, bakuran na may sinehan, at kubeta na mukhang cat hedral. Maski yata si Kamatayan hindi makakatapak sa mga bahay na 'yon nang wala ng I.D. Minsan iisipin mo rin, anong klaseng trabaho ba meron ang mga taong 'yon para kumita ng ganoon kadaming pera? Parang gusto kong mag-apply sa kanila ng t rabaho...kahit man lang bilang anino.

Sa ipinalabas na listahan ng Forbes ng mga pinakamayamang tao sa taong 2002, pu mupwesto sa bandang gitna si Lucio Tan sa net worth na $1.7 billion. Ibig sabihi n, pwede s'yang magpagawa ng tatlumpung "Intelligent Houses," at meron pa s'yang sukli. Magbigay ng 1,147.50 pesos sa bawat Pilipino. Mag-text nang mag-text wal ang tigil sa loob ng isangdaan at apatnapu't-pitong siglo. Bumili ng 45.9 metric tons ng shabu. Gumawa ng pelikulang "Jose Rizal" nang walongdaan at limampung u lit. Bilhin sa halagang $1,603,773.58 ang bawat pares ng sapatos ni Imelda Marco s. Ipakasal sila Jackie Ejercito at Beaver Lopez nang anim na libo at walongdaan g beses. Magpasweldo ng apatnapu't-dalawang dosenang koponan ng PBA sa loob ng l imang taon. At bilhin lahat ang winning combinations ng lotto para manalo ng jac kpot nang anim na raan at limapu't-anim na beses.

Kung uubusin mo ang pera n'ya sa loob ng isang araw, dapat kang gumastos ng 983 ,700 pesos kada segundo. Kung pagpapatung-patungin ang $1 bills n'ya, hihigitan nito nang 768 na ulit ang taas ng Philippine Bank of Commerce sa Makati. Matatak pan ng 162 na ulit ang land area ng Megamall. At aabutin ang isang tao ng dalawa mpu't-anim na taon para maisalansan lahat ito sa sahig.

Pero kung inaakala mong kay Lucio Tan ko isasanla ang kaluluwa ko, nagkakamali ka. Dahil kahit na tumubo pa ng 100percent ang pera n'ya kada taon, kailangan n' ya pa ring maghintay ng tatlong dekada para mahigitan ang kasalukuyang net worth ng pinakamayamang tao sa planeta - si Bill Gates. (Note: Sa limang minutong igi nugol mo sa pagbabasa nito, nadagdagan na naman ng $17,525.65 ang kaban ng kayam anan ng dating CEO ng Microsoft.) (Second Note: Magdasal ka para labanan ang dem onyo. Alam ko ang iniisip mo sa mga sandaling ito...malaking pagkakasala 'yan sa Diyos!)

Ibinalik na pala ang Superfriends sa TV, pero Justice League na sila ngayon. At bawas na sila. Marami nang superheroes ang nawala. Laid-off. Kung kelan mas kai langan ng mundo ng mga tagapagligtas. Hindi ko gusto ang Justice League. Lalo na ang X-Men. Solid ako sa Superfriends. Walang iwanan.

Ang alam ko kasi dati, caucasian si Green Lantern. Pero sa Justice League, Afri can-American s'ya. Ano 'yun - lokohan? Pwede bang maging itim ang dating puti? S ino ang susunod na magpapalit ng lahi at magkakakulay, si Benjamin Franklin? Nakasama rin pala sa cast si Hawkgirl. Pero nasaan si Hawkman? Inilagay na ba s a arrozcaldo? Kaya lang naman nagkaroon ng Hawkgirl e dahil may Hawkman. Sumama na ba si Hawkman kay Robin na isa pa ring missing in action? Sino na lang ang ma gbibigay ng mga bagong damit, relo, at sapatos kay Batman ngayong wala na si Rob in? At sino ang nag-vote off kay Aquaman? Sino pa ang aasahan nating ngayon na m agliligtas sa mga hipon na pinagsasamantalahan ng mga balyena? Nasaan na ang Won der Twins? Ano na ang nangyari kay Apache Chief? At higit sa lahat, bakit nila p inaalis sa grupo ang kaisa-isang Asian superhero na hindi ko nga alam ang pangal an?! Nasaan ang justice at equality doon???

Bubuo lang sila ng grupo ng mga best of the best, sablay pa! Pero kung sa bagay , mahirap nga 'yon. Dahil mismong yung mga imaginary super humans na ginawa nila e may problema. Tignan mo: Bakit halos lahat ng lalakeng superhero e naka-tight s? Bakit kailangan nila ng kapa? Bakit nasa labas ang briefs nila? At anak naman ng tiyanak, bakit hindi sila gumamit ng brief na ayos pa ang garter para hindi na nila ito sinturunan?

'Yan ang problema ng mga western superhero na napansin yata at iniwasan na ng m ga Hapon nang sila naman ang gumawa ng mga kathang-isip na tagapagligtas. Sa una pa lang, inisip na nila na kung magta-trabaho ang kanilang superheroes bilang i sang grupo, importanteng meron silang prescribed uniform. Pantay-pantay sila, wa lang magsusuot ng kapa at aastang hari tulad ni Superman. Walang may bitbit na s idekick tulad ng Robin ni Batman. Walang amoy asin tulad ni Aquaman. At walang M r. and Mrs. na kakain ng dalawang paycheck tulad nina Hawkman at Hawkgirl. Nung una e puro nakaitim lang at parang laging makikipaglibing ang mga Japanese

(6)

superheroes, pero naisip yata nila na kakailanganin ng bawat isa ang pangalan. At magkakakila-kilala lang sila sa ilalim ng uniform at maskara (o helmet) kung meron silang palatandaan sa kasuotan. Doon nila naisip na mag-color coding: red, green, blue, yellow, at pinl. Eureka! Two-birds in one stone. May sarili na sil ang identity dahil sa kulay, may sarili pa silang pangalan. Dadagdagan lang ng " noun" ang "color", superhero na sila. Halimbawa: Blue Lion, Pink Ranger, Red Sta r, Yellow 4, at Green Joke. Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang mga limitado at gasgas na pangalan na mabubuo sa mga salitang Super, Wonder, Mighty, Man, Wom an, Girl, Boy, at Dog, na paborito naman ng mga kanluraning bansa.

Pero hindi pa tapos! Dahil tulad ng mga puti, may value-added service lagi ang mga Hapon. Sa oras ng matinding pangangailangan, pwedeng magsama-sama ang limang superhero para bumuo ng isang higanteng robot na kayang pumuksa ng mga higanten g kuto, linta, bagoong, biskwit, at alikabok. Mismo. Hindi lang 'yan, dahil bago sila makipaglaban, lagi silang may formation. Haharap sila sa camera para sa ri tual na group photo opportunity, parang pang-class picture. Alam na nila kung si no ang pupwesto sa kanan, kaliwa, gitna, taas, at baba, at kung sino ang mag-i-i split, sisipa, tatalon, susuntok, at susungayan sa ulo. Systematic. Very organiz ed. Ang nakikita ko lang na kahinaan ng Japanese superheroes e lagi silang nakaa sa sa mga subtitles at voice talent ng magda-dub sa mga sinasabi nila. Pero okay lang 'yun. Idol ko pa rin sila. Dahil kahit sa mga anime, mas okay ang costume nila Eugene na parang laging a-attend ng rave party, kesa kila Superman na paran g laging a-attend ng aerobics class.

Walang-wala ang mga 'Kano sa imahinasyon ng mga Hapon. Tignan mo na lang si Ast roboy. Sabihin mo - SINO - sa buong kasaysayan ng Amerika - ang superhero na may machine gun sa pwet? Wala. Kung may kinalaman ito sa trauma ng mga Hapon noong ikalawang Digmaang Pandaigdig e hindi ko alam, pero sigurado akong hindi ko ipag papalit si Astroboy sa sandosenang Justice League. Kung magiging superhero ako, gusto ko maging tulad n'ya. At kung kakapusin man ako ng lakas, papapanoorin ko lang ang mga kalaban ko ng possessed na video ni Sadako, na magiging dahilan ng kamatayan nila pagkalipas ng isang linggo!

< ' > Ba't ayaw mong magpakilala? <.- -.> ..

<.- -.> ... <.- -.> . < ' > Sino ka? <.- -.> Sandali...

< ' > Bakit ayaw mong sumagot? <.- -.> Ssshhh!

<.- -.> 'Wag kang maingay. <.- -.> Hindi mo ba naririnig? < ' > ANG ALIN???

<.- -.> SSSSShhhhh!!! Sinabi'ng 'wag maingay e. Pakinggan mo. < ' > Eh wala naman akong nariri-

< ' > Sino 'yun? <.- -.> Hehehe... < ' > Tao ba 'yun?

<.- -.> Oo...nagdarasal.

< ' > Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi e! < ' > Ba't ka tumatawa?

<.- -.> Tignan mo naman magdasal...humihiling na panalunin ko sila sa basketbal l game.

< ' > O, ano namang masama do'n?

<.- -.> 'Yun din ang hinihiling ng kalaban nilang team e! <.- -.> Ngiyahahahaha!

< ' > Hahahahaha! < ' > Oo nga 'no!

<.- -.> Marami pa 'yan.

<.- -.> 'Yan ang libangan ko dito e...ipunin ang mga pinakanakakatawang dasal n g mga tao.

(7)

< ' > Sandali, bakit puro Pilipino ang nagdarasal? < ' > At ba't marunong kang mag-Tagalog?

<.- -.> Gusto mo 'kong mag-Latin?

<.- -.> Hindi ako Tagalog magsalita, pero Tagalog ang lenggwaheng kayang intind ihin ng utak mo kaya ang akala mo ngayon ay sa Tagalog tayo nag-uusap.

<.- -.> ...Kahit na ang totoo ay mga isipan lang natin ang gumagana ngayon at w ala sa ating talagang nagsasalita.

< ' > Ayos ah...high-tech! <.- -.> Bilib ka na?

<.- -.> Eto, pakinggan mo, meron na namang nagdarasal.

< ' > Yung babaeng humihiling na sana payagan s'ya sa outing ng daddy n'ya? <.- -.> Hindi, yung matandang mabagal magsalita.

< ' > Yung humihiling na sana tumigil na ang mister n'ya sa pambababae? <.- -.> At?

< ' > Pagkapanalo ng kapatid n'ya sa barangay election? <.- -.> At?

< ' > Paggaling ng asthma n'ya? <.- -.> At?

< ' > Kaligtasan ng anak n'ya sa Middle East? <.- -.> At?

< ' > World peace? <.- -.> At?

< ' > Na matapos na ang pagpaparehistro ng kotse n'ya? <.- -.> At?

< ' > Ano'ng at? Marami pa eh... <.- -.> At ano pa nga...?

< ' > At matapos na ang hinuhulug-hulugan nilang bahay? <.- -.> At?

< ' > Marami pa s'yang sinasabi e... < ' > Ano'ng nakakatawa doon?

<.- -.> Wala nga. Kaya ako natatawa kasi hindi na s'ya nakakatawa.

<.- -.> Hindi naman s'ya nagdarasal e. Para lang s'yang umoorder sa waiter sa r estaurant.

<.- -.> Minsan nga gusto kong humingi ng tip e! <.- -.> Ngiyahahahaha!

< ' > HAHAHAHAHA!!!

<.- -.> Kahapon meron ding nagdasal, umiiyak pa, sana raw pumasa s'ya sa exam. <.- -.> Paano ko naman ipapasa, e wala naman s'yang isinagot sa mga test papers n'ya!

< ' > Hahahahaha!!!

<.- -.> Paano ko pa s'ya matutulungan sa lagay na 'yon? Buti kung humiling s'ya ng matibay na resistensya habang naglalamay sa kaka-review. O kaya e ng konting talino para mas maintindihan n'ya ang mga pinag-aralan nila. O kaya e ng tiyaga , tibay ng loob, pasensya, o sipag...pwede 'yun, pero yung magsa-submit s'ya ng blankong test paper tapos kailangan ipasa ko s'ya, para na rin s'yang humiling n a manalo sa lotto kahit na hindi s'ya bumibili ng ticket!

< ' > HAHAHAHAHA!!

<.- -.> Sandali, sandali...eto pa isa...pakinggan mo...

< ' > Yung humihiling na sana makapag-asawa s'ya ng matalino, gwapo, mabait, at mayaman?

<.- -.> Oo.

<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!

< ' > O, ano naman masama doon? <.- -.> E lalake 'yan eh!

< ' > BWAHAHAHAHA!!!!!!!!! <.- -.> NGIYAHAHAHAHA! <.- -.> Waheeheeheeheee! <.- -.> Naririnig mo ba? <.- -.> Nyahahahaha!

(8)

<.- -.> OO!

<.- -.> NGIYAHAHAHAHAHAHA!!!!! < ' > HAHAHAHAHA!!!!

<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!

<.- -.> Ewan ko, kaya nga 'ko tawa nang tawa, kasi naririnig ko na naman 'yan. <.- -.> NGIYAHAHAHAHA!

< ' > Bakit, ano ba 'yon?

<.- -.> Siguro nagdarasal, pero paano ko naman s'ya tutulungan e hindi ko maint indihan kung ano ang ibig n'yang sabihin sa "Hauuummmmmm..."?

< ' > HAHAHAHAHA!!! <.- -.> NGIYAHAHAHAHA!

< ' > Sakit na ng tiyan ko, mamamatay ako dito sa katatawa! <.- -.> Ha? Patay ka na, eh!

< ' > BWAHAHAHAHA!!! <.- -.> NGIYAHAHAHAHA! <.- -.> Waheeheeheeheee! <.- -.> Nyahahahaha! GERAN

Chalkdust: Mga Kwentong Chalk Revisited.

Mambabasa, hindi ko alam ang pangalan mo, pero ituring mong espesyal na araw it o ng buhay mo (tandaan ang petsa at oras) dahil ngayon mo makikilala ang mga miy embro ng "Horror Fame," ang natatangi at eksklusibong Hall of Fame club ng mga t eroristang teacher na nakilala ko.

LEVEL: 1

CHARACTER: (Mrs) Balance Sh*t PLANET: Accounting

ATTRIBUTES: Matanda na, pero nung nagkaroon ng outing sa beach, nasorpresa ang buong klase dahil naka-swimsuit s'ya. Ayos! Parang Rosanna Roces...year 2049! POWER: Mild lang naman. Medyo nagulat lang kami dahil first time namin noon mag karoon ng subject na 3 hours straight...at boring! Kaya nang medyo may nakaintin di sa lesson at nag-recite, pinalakpakan s'ya ng lahat nang may halong kantiyaw. Kala namin matatawa si Balance Sh*t, kaso bigla itong tumitig sa amin na parang nagsusuri ng amag sa pandesal. Sabay sabi sa matigas na boses: "Nobody claps in my class!"

LEVEL: 2

CHARACTER: (Ms) Anger Management PLANET: Management

ATTRIBUTES: Semi-regular

POWER: Lakas mang-asar. Power-tripper. Gugulangin ka sa recitation, wala kang m aisasagot sa kanay na aayunan n'ya. Intro n'ya nung first meeting: "All you have to do to pass the subject is give up your life." Kaya na-give up ko ang subject n'ya.

LEVEL: 3

CHARACTER: (Ms) Rule PLANET: Adviser, Grade 1

ATTRBUTES: Matanda. Dalaga. At hindi codename ang pangalan na 'yan.

POWER: Pakyawan na namimitpit ng kamay. Pag pumasok s'ya ng room at naabutan n' ya kayong maingay, automatic dapat ipatong n'yo na ang mga kamay n'yo sa desk. N asanay na nga kami sobra sa ganoon. Minsan kami na ang humihingi nito sa kanya: "Oh, please, spank me, ma'am! I'm a baaaaad boy, spank me! Spank! Spank! Spank!" TRIVIA: S'ya rin ang nagpakilala sa amin ka Jimmy Swaggart

LEVEL: 4

CHARACTER: (Mr) Commandant PLANET: CAT

ATTRIBUTES: Classified

POWER: Moody. At hindi mo s'ya gugustuhing makabangga pag mainit ang ulo. Dahil makikita mo talaga na nanginginig ang buong mukha n'ya. Parang lalabasan ng mga centipede. At maririnig mong tumutunog ang mga ngipin n'ya. At nambubulyaw s'ya

(9)

. At...at...at titigil na 'ko dahil kilala n'ya 'ko at malapit lang ang bahay ni la sa amin.

LEVEL: 5

CHARACTER: Ma'am Babes PLANET: Philippine History

ATTRIBUTES: (Nabanggit na sa ABNKKBSNPLAKo?!)

POWER: Pareho ang istilo nila ni Anger Management. Parehong-pareho. Alaskador. At 'wag na 'wag kang magbibitiw sa kanya ng mga hindi kalkuladong salita dahil p ag iba ang naging interpretasyon n'ya noon, aabot ka sa Supreme Court kakapaliwa nag.

LEVEL: 6

CHARACTER: (Ms) Santiago PLANET: Philosophy

ATTRIBUTES: (Pseudonym lang ang pangalan na 'yan. Peksman!)

POWER: Kung teacher ka at hindi ka marunong gumamit ng index cards para patayin sa sindak ang mga estudyante mo tuwing recitation, kailangan mong mag-seminar k ay Santy. Oo, index cards. Doon nakalagay ang pangalan ng bawat estudyante. Lagi n'yang binabalasa 'yon bago mag-umpisa ang klase. At doon n'ya binubunot ang pa ngalan ng magre-recite. Iihawin ka talaga ng buhay. At mas gugustuhin mo pang um ako ng anomalya sa harap ng mga nag-iimbestigang senador, kesa sumagot sa mga ta nong ni Santiago.

LEVEL: 7

CHARACTER: (Ms) Matabang Teacher PLANET: Filipino

ATTRIBUTES: (Nabanggit na sa ABNKKBSNPLAKo?!)

POWER: Pagsamasamahin mo ang index cards ni Santiago, pagkamabusisi ni Ma'am Ba bes, at ang nanginginig na mukha ni Commandant - 'yun s'ya! Hindi ko makakalimut an nang itanong n'ya dati sa klase kung ilan ang butas sa bangkang sinakyan nila Ibarra at Maria Clara. Tatlong estudyante na ang nabunot n'ya sa index card at wala pa ring nakakasagot sa kanya. Kaya ang napag-initan e yung pang-apat - AKO! linsiyak na buhay...e hindi naman talaga nabanggit sa libro kung ilan ang butas ! At hindi ko maarok kahit ngayon kung ano naman ang kabuluhan ng mga butas ng b angkang 'yon sa buhay ko.

TRIVIA: Naisip ng kaklase ko kinabukasan na pwedeng masagot ang tanong kung gag amitan ng logic.

LEVEL: 8

CHARACTER: (Mr) Cools...(Kulot!) PLANET: Music

ATTRIBUTES: (Withheld)

POWER: Mabagsik! Naturingang music teacher, tensyonado lagi ang room. Walang hu mihinga. Panlilisikan ka ng mata at hindi ka tatantanan hangga't wala ka sa tono . Pero paano ka naman kakanta kung nagtatambol sa kaba ang dibdib mo?! Pinakanta n'ya kami dati ng Do-Re-Mi isa-isa, inabot ako ng bell pero hindi ako nakaalis sa unang "do." 'Kala ko nga paglilinisin n'ya na lang ako ng room hanggang sa cl osing ng schoolyear.

LEVEL: 9

CHARACTER: (Mrs) Falafox PLANET: Mathematics

ATTRIBUTES: Mestiza...pero makapanindig-balahibo!

POWER: Pangalan pa lang, tunog chemical weapon na. Hindi ko nga alam kung paano ako naka-survive, pero matindi s'yang bangungot. Pamatay gumawa ng first impres sion. Bago namin s'ya nakita, balita na sa buong eskwelahan na kumakain s'ya ng bata. Pero nagulantang pa rin kami pagpasok n'ya ng room. Bigla s'yang nagpakuha ng 1/4 sheet na papel. (Nanghingi pa 'ko, at 1 whole ang ibinigay ng kaklase.) Pinasulatan n'ya ng numbers 1-10 ang papel, quiz. (Itinupi ko na lang ang papel ko dahil wala na talagang oras para pumunit ng 1/4.) Sunud-sunod n'yang idinikta ang mga tanong, multiplication. (Na-miss ko ang mga naunang tanong, numbers 5 t o 6 lang ang nasagot ko, mali pa pareho!) Ipinapasa n'ya kaagad ang mga papel. ( Ipinasa ko naman ang sa akin, kahit na may multiple violations.) Pagdating sa ka nya, andaming nasabon dahil nakitang mali ang mga sagot sa papel. Diretso kaagad

(10)

sa basurahan ang quiz papers. Pero wala ka sa reaksyon n'ya nang makita ang pap el ko na itiniklop lang sa apat para maging 1/4. "SINO SI ROBERTO ONG?!" Maingat akong nagtaas ng kamay...pero ibinaba ko rin kaagad, pangharang sa mukha sakali ng magtalsikan ang shrapnels. Eto walang biro, nakita kong nilabasan ng mga pula ng ilaw ang mata n'ya! Antalim ng tingin, pwedeng ipang-slice ng monggo. "WHEN I SAY ONE FOURTH SHEET OF PAPER, I WANT ONE FOURTH SHEET OF PAPER!!!!!" Sabay pun it sa papel ko hanggang sa magkahiwa-hiwalay ito sa dalawanlibong piraso. Gano'n katindi si Falafox. Tuwing klase n'ya iisipin mong sana naging buni ka na lang. LEVEL: 10

CHARACTER: (Ms) Tigang PLANET: Social Studies

ATTRIBUTES: (Binanggit sa ABNKKBSNPLAKo?! Oo, pre-requisite 'yan!)

POWER: S'ya ang pinakanakagigimbal na guro na nakilala ko! Nagka-phobia ako sa Martes at Huwebes dahil 'yun ang schedule n'ya sa klase namin dati. Hindi ko ma-enjoy ang vacant period dahil kasunod noon ang subject n'ya. Mahirap papasukin s a room ang mga paa ko. Tumatayo ang mga balahibo ko. At nanunuyo ang lalamunan h abang namamawis naman ang buo kong katawan. Ganyan kasarap sa klase n'ya. Para k ang nasa rollercoaster na may loops na kasindami ng isla ng Pilipinas. Laging ma y assignment, tambak ng project, hitik sa discussion, maya-maya ang quiz, mahaba ang exam, maraming requirements, at walang lusot sa recitation. Naalala ko nung pumasok ako dati nang walang assignment dahil nakalimutan ko. Nagulat na lang a ko dahil ako pa ang pinasagot n'ya sa first question. Nakatingin s'ya habang bin ubuksan ko ang notebook kong alam ko namang walang laman. Ang n'ya alam, nagdada sal na 'ko noon na sana lumindol at bumuka ang lupa, tapos magkasunog, magka-giy era, bumagyo, bumaha, at magunaw na ang mundo! Basta't 'wag n'ya lang malaman na wala akong assignment. Kaso wala e, hindi ako nakalusot. Pero hindi naman s'ya nagalit. Sabi n'ya lang cute ako. At mas bagay ako sa labas ng room.

TRIVIA: S'ya ang paborito kong teacher. At kung ang bawat tao sa mundo ay magka karoon lang isang teacher sa buong buhay n'ya, s'ya ang pipiliin ko!

Dahil matulungin ako sa mga classmates ko noong highschool, isang coed ang tinu ruan kong magmura. Oo, magmura! Yung "bad word." May mali kasi sa paraan n'ya ng pagbigkas nito. Narinig ko minsan na nagsabi s'ya ng "Siyeeeht!" Sabi ko, salit ang Amerikano 'yon. At bagama't hindi eksakto, katapat noon sa Tagalog ang expre ssion na "Lintik!" At hindi mo ito sinasabi nang mabagal, gaya ng "Linteeehk!" D apat mabilis, kasi galit ka, o na-bad trip; "LINTIK!" Kaya hindi rin akmang sabi hin ang "Shit!" bilang "Siyeeeht!" kasi nagmumukha kang retarded. Dapat forceful : "Syit!" Isang bagsakan: "Syit!" Parang idinudura mo ang salita: "Syit!" Nainti ndihan n'ya naman ang ibig kong sabihin. Nagpasalamat s'ya sa libreng tutorial. Bilang ganti, pumayag na s'yang pahiramin ako ng notebook sa Values Education. Kung bakit naisip ng mga Amerikano na gamitin ang salitang "S" para iparating a ng negatibong damdamin, e hindi ko alam. Dahil bilang Pilipino e hindi naman nat in ginagamit ang salitang "T." Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit bukambi big naman ng mga Filipina ang "P" pag nagugulat; samantalang ang mga Amerikana e hindi naman bumabanggit ng "V"...bagama't malinaw na pinagkakaisahan ng dalawan g lahi ang babaeng magulang sa mga katagang "PIM" at "SOAB."

Malabo para sa 'kin kung paano bumubuo ng mura ang mga tao sa buong mundo. Sa A merika, isa pang madalas gamitin ay ang "AH." Pero nagtataka ako kung paano nila naisip na tawaging ganoon ang isang tao. Bakit may ganoon ring salita sa Afrika an, French, Greek, Hindi, Russian, at Vietnamese? Sino ang unang tinawag na BNP sa kasaysayan ng mundo, at bakit? At ano ang amo'y n'ya???

Ipis. Ipis naman ang problema ko ngayon. Di 'to dapat kasama sa usapan, kaso ha bang sinusulat ko ang Pulitzer Prize winning article ko sa itaas e extra nang ex tra ang isang ipis dito ngayon sa kwarto. Gumapang s'ya sa sahig, umakyat sa din gding, at umikot-ikot sa nakasabit na gitara (na di ko naman natutugtog!) Siguro nahilo sa insecticide na ginamit ko kahapon...o naamoy ang hinubad kong t-shirt .

Galit ako sa ipis. Na-perfect ko na ang iba't-ibang klase ng pagpatay sa kanila . Tsinelas at nilukot na diyaryo ang pinakamabisa. Syempre kailangan yung mana-k

(11)

nock out mo sila pero di sila mapipisa dahil magtatalsikan lang ang lamanloob ni la sa sahig at dingding n'yo.

(Habang itina-type ko ang huling paragraph, isang ipis ang napatay ko. Pero may isa pang ipis na biglang lumitaw. Pinalo ko, pero natakasan n'ya ang bangis ng tsinelas ko...tumalon sa keyboard...OOOPS, YESSSS... WOOO-HOOOHOOOOO!!!!!! PATAY NA!!!!!)

Kahit tumagaktak ang pawis ko sa gabi, di ako nagbubukas ng bintana dahil ayoko ng may nakakapasok na ipis sa tulugan ko. May mga "season" kasi ang ipis na (... MAY NAKIKITA NA NAMAN AKONG PANIBAGONG IPIS!!!) parang politician na nangangampa nya at nagpupumilit pumasok sa bahay n'yo. Tuwing uulan yata 'yon o mating seaso n. Ewan. Basta pana-panahon. Trip-trip. Tulad ngayon.

Istorbo sa pagtulog ang ipis. Lalo na yung tipong magigising ka dahil merong na gla-live show sa mukha mo. Kaya isang mumunting kaluskus lang alam ko kaagad kun g ipis. Bumabangon ako kaagad, nagbubukas ng ilaw, at nag-aamok kahit alas-dose ng madaling araw. Parang Coyotes vs. Road Runner. Meep-meep!

Sabi nila, pre-historic life forms pa raw ang ipis. At kahit wala na tayo dito sa mundo, malamang sila andito pa rin. (Interesanteng isipin na tuwing isusulat ko ang salitang "ipis" e "isip" ang nata-typre ko sa keyboard. Dahil kaya isip-i pis ako?) Hanga ako sa mga ipis. Biruin mo, nagawan ko sila ng instant article! (At mukhang "season" nga nila ngayon. Meron na namang hinayupak na lumilipad-lip ad!)

Bakit nga ba kailangan natin ng ipis? Bakit may ipis sa mundo? Bakit ginawa ng Diyos ang surot, langaw, kuto, pulgas, daga, at tungaw? Ano ang gamit nila? Naka gat na 'ko dati ng surot sa bus. Masakit, hindi nakakatawa! Kaya minsan hindi ko maintindihan kung bakit nagra-rally ang mga tao para tuluyang sipain ang mga Am erikano sa bansa, pero walang nagpapaalis sa mga surot! Bakit ba kailangan magka roon sa mundo ng hayop na nangangagat ng pwet? May kinalaman ba 'yon sa balance of nature? Masyado na bang marami ang pwet sa mundo kaya kailangan itong pakonti in ng mga surot?

Balik tayo sa mga mura.

May kapitbahay kami dati na pag may kaaway ay gumagamit ng parehong English at Tagalog sa pagmumura. Uha, sa Tagalog n'ya inilalabas ang mga sama n'ya ng loob. Pagkatapos noon, sasabihin n'ya ulit ang lahat sa English. Automatic translatio n, parang easter message ng Santo Papa. Pero talo s'ya sa isa pa naming kapitbah ay na kahit walang kaaway e hitik sa mura ang salita. Oo, kahit masaya s'yang na gkukwento. Namumutawi sa labi n'ya ang mga salitang ikakaiyak ng mga guardian an gel. Ang masama pa lalo, ginagawa n'ya ito sa kalye, mga bandang ala-una ng mada ling araw, sa boses na may lakas at pwersa na tatalo sa pagre-report ni Mike Enr iquez.

"Hahaha! E di tumakbo kami, pre! PNI (maternal body part), may mga aso pala! Ha hahahaha!!! KNI (maternal body part pa rin)! Hinabol kami, PNI, nagkahulan, pre! PNI talaga! Kumaripas kami ng takbo! KNI! Hahahahaha! PNI'ng 'yan!!!"

('Wag kang mag-alala. Sa maniwala ka't sa hindi, maligayang-maligaya ang kapitb ahay namin habang nagkukwento.)

Pero kung iisipin, sino nga kaya ang unang Pilipinong nagmura, at bakit? Si Jos e Rizal? "PNI! Bakit nila ako dadalhin sa Bagong Bayan?" Si Andres Bonifacio? "P unitin natin ang mga PI'ng cedula!" Si Julian Felipe? "Wala ka sa tono, AH!" Si Lapu-Lapu? "TI! Akala ko itak lang ang sandata nila!?!" O si Malakas? "S! Bakit ngayon lang kita nakita? Matagal ka na ba dito sa loob ng kawayan?"

Patuloy pa rin sa paglusob ang mga ipis. Parang alam ko na kung paano naimbento ang mura.

Napapadalas ang basa ko ng tabloid nitong mga nakaraang araw. At napansin kong bestseller pala ang article tungkol sa suicide. Ang problema lang, tila yata mas yadong pang amateur ang maraming tao sa pagsasagawa ng grand entrance nila sa la ngit...o sa ibaba nito. Kaya naisip kong pagtuunan ito ng pansin para sa kapakan an ng mga nagbabalak. Heto ang aking tips para ligtas, maginhawa, at di malilimu tang pamamaalam sa mundo:

1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang pr oblema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hin

(12)

di ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellph one at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

2. Kung desidido ka na sa gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahil an para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagpapak amatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag-inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglalaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandaan na maa ari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumil i lamang ng isa na hiyang sa 'yo. Bukod d'yan, marami rin sa mga paraan na ito a ng makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.

3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong b uhay, kaso lang bad trip sila lahat. Pero 'wag ding kalimutang humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buha y mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpaka matay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.

4. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. I pagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. Iwasan ang mga kanta sa Salbakutah. Dapat medyo mellow at meaningful...tulad ng mga kanta ng Sexbomb. 5. Isulat nang maayos ang suicide note. Print. Iwasang magbura. Gumamit ng scen ted stationery at number 1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng sticker. Ila gay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Idikit sa noo.

6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamamatay, kaya dapat memorable an g get-up. Pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng da lawang pares pampalit pag pinagpawisan ka.

7. Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumpo rtable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung bibili na ng cable-re ady, kesa magpapalit ng pa balang araw.

8. Pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. Ang puntod ng mga taong ipinangana k sa year of the Rat, Dragon, Rabbit, Snake, Tiger, Chichen, Pork, at Beef at da pat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-c remate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.

9. Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di kaya'y sa h uling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.

10. Kung meron ka nang NBI at police clearance, affidavit of loss, voter's ID, cedula, promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, pw ede mo nang isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka ma babalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.

Maraming nagtatanong kung bakit Bob Ong ang pangalan ko. Yung iba natutuwa, yun g iba napapangitan, at yung iba tinatawag na lang akong "Andrew"...o kung ano ma n ang gusto nilang itawag sa akin. Nagkainteres tuloy akong hanapin dati kung an o nga ba ang ibig sabihin ng pangalang Bob Ong. Baka kasi sakaling "Gift from Go d," o "Noble leader," o "Wise one," o "Jackpot prize lotte winner." Ang resulta, napag-alaman kong ang pangalang Bob Ong ay nangangahulugang "Messenger from Abo ve" (Naks! Banal ako!) Pero babawiin ko dahil pauso ko lang 'yan.

Kulang ang entry sa Dictionary of Names na nakita ko. Bukod d'yan, mas nakakali to lang kadalasan ang mga interpretation ng tao tungkol sa pangalan mo, panagini p, guhit ng palad, birthday, Numerology, at Zodiac Sign. Halimbawa na lang yung mga Horoscope, bakit ba nila sinasabi sa 'yo kung mainitin ang ulo mo, marunong kang magmahal, malas ka sa negosyo, o darating sa 'yo ang swerte kung magsusumik ap ka? Bakit sinasabi pa nila ang mga bagay tungkol sa 'yo na ikaw mismo alam mo ? Bakit hindi nila sabihin: "Horoscope for January 33, 2005: Leo: Suswertihin ka sa araw na ito pag pumunta ka sa 84-C Bayabas St., Project 8, Quezon City, dahi

(13)

l may magbibigay sa 'yo ng kalahating milyong piso. Pero bilisan mo lang dahil h indi lang ikaw ang Leo sa mundo." Di ba mas may pakinabang ang ganyan? Alam ko, may conflict. Sasabihin nila na hindi pwedeng iasa mo na lang ang buhay mo sa hu la. Pero tingin ko mas okay 'yun, kesa yung huhulaan ka ng numerologist ng "Ang lucky number mo ay 17.5" Wala naman kasing praktikal na benepisyo kung malalaman mo ang lucky color mo, lucky stone, o lucky number. Wala namang umiikot na berd ugo sa mundo na namumugot ng ulo ng mga taong hindi alam ang lucky number nila. At wala rin namang batas na nagpaparusa sa mga maling hula. Kaya sa loob ng ilan g siglo ay patuloy pa rin ang mga manghuhulang tumitingin lang sa kisame habang nangangapang nagsasabi ng: "Umiwas sa mga madidilim na lugar...Huwag magpalipas ng gutom...Tumulong sa kapwa..."

Sa kabilang banda, hindi ko naman sinasabing lahat ng tinatawag nating "superst ition" ay kalokohan. Dahil ang ilan sa kanila ay base sa scientific truths na na gkataon lang na nabalot ng mapamahiing tradisyon. Katulad ng paglalagay ng tinid or sa nilulutong ulam. Akala ng iba ay base ito sa sabi-sabi ng matatanda. Pero ang totoo ay talagang nakakatulong ang tinidor sa pantay, mabilis, at mas maayos na pagkakaluto ng mga karne, dahil gawa ito sa metal, mabisang heat conductor. (Gumamit lamang ng mga tinidor ng Jollibee at McDonald's kung gusto mong maging medyo kakaiba ang lasa ng ulam.)

Isa pang halimbawa ay ang paglalagay ng sinulid sa noo ng sinisinok na sanggol. Akala natin ay isa ito sa mga popular na "superstition" o matandang pamahiin. P ero ang totoo, ang sinulid ay nakakapagpabuti sa metabolismo at mabilis na sirku lasyon ng dugo ng mga nagbibinatang tikbalang. (Volume 7,1968 World Book Encyclo pedia)

Marami pa sa mga kinagisnan nating pamahiin ang base sa Science, hindi lang nat in alaml; kahit na sabihin na ng iba na tayo rin ang gumagawa ng swerte at malas base sa personal na pananaw natin sa mundo at sariling interpretasyon sa mga na ngyayari araw-araw.

Kailan nga lang e nagka-interes ako sa Feng Shui. Inisip kong ito ang sagot sa mahinang reception ng channel 4 sa TV namin. Dahil dito, nauwi ako sa mahabang o ras ng masinsinang pananaliksik. At napag-alaman ko na para swertihin ka sa buha y at hindi tubuan ng hadhad sa kilikili, dapat ay nasa tamang posisyon sa kusina ang kalan mo, nasa tamang posisyon sa bahay mo ang kusina, at nasa tamang posis yon sa mundo ang bahay mo. At lahat 'yan ay ayon sa kung kailan ka ipinanganak: taon, buwan, araw, oras, minuto; at kung ano ang kasarian mo, taga-saan ka, at s ino ang ibinoto mong presidente noong 1998.

Noon ko lang nalaman na ako pala ay isang Brown Rabbit na ipinanganak sa taon n g Green Tiger. Ang equivalent ko ay Soil. At ang Lucky element ko ay Water. (May nagsabi ring Wood...pero mas trip ko ang Water dahil hindi inaanay.) Ang mga ka lkulasyon na 'to ay base sa Chinese Stem-Branch Calendar System. Ang Stems ay an g mga Element na Metal, Water, Wood, Fire, at Earth. Samantalang ang Branches na man ay ang labindalawang hayop na kaugnay ng mga nabanggit na elemento. Sinasabi ng ang Five Elements daw ng Chinese Yin-Yang ang naglalarawan ng Balance. Pag ba lanced daw ang Five Elements, suswertihin ka. At pag hindi naman e mamomroblema ka. Kaya ang magiging Lucky Element mo ay kung ano man ang magba-balance sa lima . Kadalasan, ito ay ang elementong pinakamagaan. Kung pagbabasehan ang Balance T heory, malalaman natin ang mga...ALAM KO NA!!! MAGPAPAKABIT NA LANG AKO NG CABLE ! < ' > Diyos ka ba? <.- -.> Huh? < ' > Narinig mo 'ko. < ' > Diyos ka ba? <.- -.> Bakit mo naitanong?

< ' > Bakit mo sinasagot ng tanong ang tanong ko? <.- -.> Pero sinagot mo rin ng tanong ang tanong ko. < ' > Naririnig mo ang dasal ng mga tao...

< ' > ..

< ' > Pero hindi...hindi ka posibleng maging Diyos... <.- -.> Bakit...dahil hindi ka naniniwalang may Diyos?

(14)

< ' > Hindi lang ako.

<.- -.> Isa na namang tao na ang paniniwala ay wala siyang pinaniniwalaan. Inte resante talaga kayo kahit kailan. Hehehe...

< ' > Kumbinsihin mo 'ko. <.- -.> Na ako ang Diyos? < ' > Na MAY Diyos!

<.- -.> Para ano?

< ' > Kausap na kita. Patay na 'ko. Bagsak ako sa exam. Pwede na bang malaman a ng tamang sagot bago man lang ako mahatulang masunog sa kumukulong lawa ng apoy. ..kung meron na?

<.- -.> Kung meron mang ano?

< ' > Kung meron mang lawa ng walang-hanggang apoy. <.- -.> Ahh...

<.- -.> Merong babae at lalake sa mga tropical tree species. Para dumami sila, kailangan nila ang mga paniki para maglagay ng male pollen sa female flowers. Sy empre kung masyadong magkalayo ang male at female species, hindi na kayang lipar in 'yon ng paniki. Tapos na ang lahi ng mga punong 'yon.

< ' > Ngayon...?

<.- -.> Kaya may mga hayop na nakatira sa ilalim ng lupa, sa ibabaw ng lupa, at sa puno, ay para hindi sila nagsisiksikan. Kanya-kanya silang trabaho, palitan - yung iba sa gabi, yung iba sa umaga.

<.- -.> May mga lugar sa mundo na kung saan kahit isng uri lang halaman ang maw ala, ikakamatay na ito ng mga 30 species ng hayop. At dahil eto ring mga hayop n a 'to ang nagkakalat ng mga buto ng halaman, apektado rin ang paglaganap ng mga puno.

<.- -.> Kahit taniman ulit ang mga nakalbong kagubatan e hindi na nito maibabal ik ang mga hayop at insektong minsang nanirahan dito, dahil may mga uri ng hayop at halaman na sa isang partikular na milya ng mundo mo lang makikita.

< ' > _

<.- -.> Hindi lahat ng lupang-gubat ay sa ilalim kumukuha ng sustansya, dahil m insan ang mga pinagkukuhanan nilang decomposing rocks ay masyadong malalim. Bale ang nagiging nutrient source ng lupa ay sa ibabaw, yung ulan at mga basurang gu bat - mga tuyong dahon at iba pa. Yung mga nutrient na itinatangay ng patak ng u lan mula sa mga dahon, sanga, prutas, lumot, alikabok, at pugad ng langgam ang n agiging 'meal on wheels' ng lupa. Syempre, mas malaki ang tulong ng mga termites sa larangan na 'to dahil sila ang tagadala ng mga dahon-dahon sa ilalim ng lupa , kumbaga e foreign investors. Pag tinubuan na ng fungus ang mga dahon na dala n ila, made-decompose ito at lilikha ng nitrogen, phosphorus, calcium, at iba pang sustansya na kakailanganin naman ng mga bagong halaman.

<.- -.> Pero pag wala na ang mga puno, diretso na ang patak ng ulan sa lupa. At dahil sa mas malakas na ang pwersa ng patak ng ulan, nasisiksik at tumitigas an g lupa. Pag umaraw, diretso na rin ang init na natatanggap nito, kaya tumitigas lalo at nagbibitak-bitak. Tatlo ngayon ang masamang nangyayari dahil dito. Una, dahil wala nang puno na dinaraanan ang bawat patak ng ulan, wala na itong pasalu bong na sustansya sa lupa. Pangalawa, dahil bitak-bitak na ang lupa, lumulusot n a ang tubig ulan papuntang ilog, hindi na lupa ang nakikinabang sa mga nutrients . Pangatlo, dahil sobra naman ang nutrients na napupunta sa ilog, namimiligro an g buhay ng mga aquatic species dito.

< ' > Wala yata akong naiintindihan...

<.- -.> Dahil umiikot ang mundo sa axis nito 1,000 miles per hour sa equator. K ung naging 100 miles an hour lang ang ikot nito, mas hahaba nang sampung beses a ng mga araw at gabi. Masusunog sa init ng araw ang mga tanim sa umaga, at ang mg a halamang milagrong makakatagal e magyeyelo naman sa gabi.

<.- -.> Ang araw ay may na umaabot sa 10,000 degrees Fahrenheit. Tamang-tama la ng ang layo nito sa mundo para magbigay ng kinakailangan init. Kung mababawasan ng kalahati ang radiation na naibibigay nito, magyeyelo ang mundo; kung madodobl e naman, maiihaw.

< ' > Sandali...

<.- -.> Ang pagkakatabingi ng mundo ang dahilan kaya may iba't-ibang panahon. K ung hindi nakahilis ang mundo, gagalaw nang north to south ang ocean vapors at m

(15)

atatambakan ng yelo ang mga continents.

<.- -.> Kung naging mas malapit pa ang buwan, magiging masyadong malaki ang tid es. Lulubog sa tubig ang mga continents dalawang beses sa isang araw. Mawawala p ati ang mga bundok.

<.- -.> Kung mas kumapal pa ng sampung talampakan ang balat ng lupa, mawawala a ng oxygen...kasama na ang buhay ng lahat ng hayop.

<.- -.> Kung ang karagatan ay lumalim pa ng ilang talampakan, hihigupin na nito ang carbon dioxide at wala nang halaman na mabubuhay. Tiyak na ang katapusan ng mga hayop.

< ' > Maganda ang mga kwento mo, nabasa ko na lahat 'yan sa libro, pero- <.- -.> "Maganda." Ha, ha. Gusto ko ang sinabi mo -

"maganda." < ' > ?

<.- -.> Ang maputing balahibo ng kuneho, nagsasayawang alon sa dagat, mangilan-ngilang bulaklak sa disyerto, iba't-ibang kulay ng bahaghari, mga ginintuang tuy ong dahon sa taglagas, kumikislap na tala, mga naglalarong isda sa karagatan, na gyeyelong bundok, pakpak ng mga paruparo, mga luntiang halaman, hugis ng mga ula p, balat ng sanggol, amoy ng ylang-ylang, awit ng mga ibon, ilaw ng alitaptap - 'yan ang mga maganda!

<.- -.> Alam mo ba kung paano naging maganda ang mga 'to? < ' > Gusto mo bang isagot ko na dahil ginawa sila ng Diyos?

<.- -.> Meron na bang aso na nakapagpinta ng tahimik na batis dati sa lubha s'y ang nagandahan dito? O daga kaya na napaluha sa tuwa dahil sa damdaming taglay n g papalubog na araw? O unggoy na sumulat ng tula para sa makulay na paraiso sa i lalim ng dagat?

< ' > Huh?

<.- -.> Naniniwala ka bang magkapareho lang ang mga tao at hayop? < ' > ..

<.- -.> Bakit sumasamba ang tao...o naghahanap ng sasambahin? Bakit may ngiti? Bakit may konsensya, tampo, halakhak, kahihiyan, awa, pangarap, at pag-aalala? B akit gumugulo ang buhay ng tao pag marami s'yang asawa? Bakit ang hayop, hindi? < ' > Naguguluhan ako....

<.- -.> 'Wag kang mag-alala. Normal lang ang maguluhan kahit na umaabot pa ng 3 pounds ang utak at naglalaman ng sampu hanggang sampung bilyong neurons.

<.- -.> Pero alam mo ba na ang central galaxy ng Abell 2029 galaxy cluster, na may 1,070 million lightyears na layo sa earth, ay merong diameter na 5.6 million lightyears? Walumpng ulit ang laki nito kesa sa Milky Way!

<.- -.> Pero tanging ang utak lang ng tao - sa buong kalawakan - ang natatangin g bagay na nagpipilit umintindi sa sarili n'ya. Nakakatawa nga kung iisiping ang damdamin mo, pagkatao, ala-ala, at isipan, ay nagmumula lang pala lahat sa mali it na karneng nasa ulo mo.

< ' > DIYOS KA BA?

<.- -.> Pero isipan man ng tao, o mga makinang gawa n'ya, e nagmimistulang laru an lang kung ikukumpara sa disenyo at talinong nagpapatakbo sa mga cell sa kataw an n'ya.

< ' > Magmilagro ka nga!

<.- -.> Hindi pa ba sapat na milagro ang paraan ng pagkukumpuni ng katawan mo s a kanyang sarili tuwing nasusugatan o napipilayan ka?

< ' > Marami kang sinasabi, pero wala ka namang nasasagot! <.- -.> Anong sagot pa ba ang gusto mo?

< ' > Kung ikaw ba ang Diyos.

<.- -.> Paano ka maniniwalang ako, kung hindi ka man lang naniniwalang meron? < ' > Dahil marami akong gustong itanong, kung ikaw!

<.- -.> Kung malalaman mong may Diyos, may gusto ka bang baguhin sa naging takb o ng buhay mo dati? Kung may dapat ka pang baguhin sa naging buhay mo noon, nang angahulugan bang nabuhay ka sa paniniwalang walang Diyos?

<.- -.> Sabihin mo nga sa akin, apektado ka ba kung meron man o walang Diyos? DEPIR

(16)

entong Barbero." Kaya nga kung uupo ka na ngayon sa barber's chair e uumpisahan ko na ang gupitan para di sayang ang oras.

Hindi ko alam sa mga batang babae, pero ang batang lalake, sa sandaling tubuan ng buhok kahi na kasinghaba pa lang ng mga himulhol ng damit, e pinagdidiskitaha n na kaagad gupitan ng mga sabik na magulang.

Mommy: Honey, tignan mo, may buhok na si Junior! Daddy: Oo nga! Madali, kunin mo yung papel de liha!!!

Kabaligtaran sa mga kanluraning bansa na bihasa sa mga do-it-yourself na home r enovation, ang dinu-do-it-yourself dito sa Pilipinas ay ang ulo ng mga batang la lake.

Mommy: Kamusta ho ang baby ko, Doc?

Doctor: Congratulations, Misis! Lalake ang anak n'yo. Daanan n'yo na lang sa re ception yung complimentary electric razor paglabas ng hospital.

Pansinin mo, sa Amerika ba mukhang shaolin ang mga bata? Hindi. Pero sa Pilipin as, oo. Bakit? Dahil ito ang nagiging resulta ng paggupit ng isang maalam na bar bero bilang pagsaklolo sa mga batang pinagpraktisan ng tatay nila. Last resort. Ito ang tinatawag ng simbahan na "Sins of the Father." Paano ito nagaganap? Daddy: Dumdidumdidum...hmmm...ano kaya ang magandang gawin ngayong Linggo ng um aga? (Sa ilang sandali ay magiging scientist ang tatay at makakadiskubre ng isan g bagay.)

Daddy: Anak...mahaba na ang buhok mo! (Sa ilang sandali ay barbero na ang tatay at hostage na ang anak.)

Daddy: 'Wag kang magulo...sandali lang 'to! (Sa ilang sandali ay barbarian na a ng barbero.)

Daddy: Sige, masusugatan ka!!! (Sa ilang sandali ay surgeon na ang barbarian.) Daddy: Idiin mo lang yung bulak para tumigil ang pagdurugo! (Bawas dito, bawas doon. Sa ilang sandali ay kailangan nang magsinungaling ng surgeon.)

Daddy: Konti na lang, anak, hawig mo na si Niño Muhlach noong 1978. (Sa bandang h uli ay maaalala ng tatay na meron na ngayong Bantay Bata, saka n'ya lang aaminin sa sarili na mukha nang itlog na may bangs sa bumbunan ang sariling anak.) Daddy: Naku, may laban pala ngayon si Holyfield sa TV! Takbo na lang kayo ng mo mmy mo d'yan sa barberya sa kanto, anak. Balikan mo na lang yung isa mong tenga mamaya...hindi ko alam kung saan gumulong e...

Sabi nga nila, highly skilled ang Pilipino. Ultimo pagpapagupit sa mga anak, ay aw iasa sa mga barbero. Pero kung sa bagay, iba na nga rin naman yung nakakatipi d. Lalo na kung sa mga pambatang barbershop sa mga malls mo pa pagugupitan ang a nak mo ngayon. Para ka na ring nag-downpayment pambili ng bahay na may swimming pool sa rooftop.

Nung kabataan ko, si Mang Ausan lang magiting na barbero sa lugar namin. Maliit lang ang barberya n'ya. 3-in-1. Barberya, bahay, tindahan. Hindi pwedeng i-ikot ng 360 degrees ang barber's chair dahil mauuntog ka sa altar ng Our Lady of Fat ima. Kailangan ding tumigil ni Mang Ausan sa paggugupit maya-maya dahil (1) nagt itinda s'ya ng mga itlog, miswa, niyog, kandila, at iba pa, at kailangan n'yang magsukli, (2) naglalaro s'ya ng dama, (3) nanonood s'ya ng TV, at (4) kailangan n'yang idura ang hindi maubos-ubos na plemang laging nagpapatintero sa lalamunan n'ya. Ganoon si Mang Ausan, parang Microsoft Windows, laging multitasking. Pero ayos s'ya maggupit. Laging pulido at malinis. Paglabas mo ng barberya n'ya, par a kang laging bagong kumpil. 'Yun nga lang, sa oras ng matapos ang pahinto-hinto ng gupitan, tatlong almusal na ang nalaktawan mo.

Pero napagkalakhan ko na rin si Mang Ausan. Hindi ko matandaan kung ano ang eks aktong nangyari. Naging madalas yata s'yang puno ng kliyente, at napilitan akong sumubok sa katabing unisex parlor. Na medyo hindi ko rin naman nagustuhan dahil ang gumupit sa akin noon e bading na problemado sa love life ni Vina Morales. I sipin mo na lang kung anong klaseng gupit ang magagawa sa'yo ng taong problemado sa love life ni Vina Morales. Pag-uwi ko sa bahay e muntik akong lapain ng aso namin dahil hindi ako nakilala. Habang hindi naman makahinga ang pusa namin sa k atatawa.

Nagpalipat-lipat ako ng barberya pagkatapos noon. Simple lang naman ang hinahan ap ko, basta magupitan ako nang disente at hindi ako magmukhang miyembro ng band ang "Kiss." Pero muntik na ngang ganoon ang mangyari dahil sa isang pagkakataon

(17)

e napasok ko naman ang isang barberya na venue pala ng isang ongoing pot session . Cool! Kulay pula ang mata ng gumugupit sa akin. Katulad ng dati, para ulit ako ng ginupitan ng taong problemado sa love life ni Vina Morales.

Pero di nagtagal e nakakita na rin ulit ako ng barberong kasinggaling ni Mang A usan. Babae. Madalas ako noon tanungin ng mga classmate ko, "Bading ang gumupit sa'yo, 'no?" Pag sinagot ko sila ng "Tibo," nagtatawanan lang sila. Pero totoo a ng kwento ko. Naisulat ko na ito sa diyaryo dati. Pulido ring gumupit si Merlyn ('yan ang pangalan n'ya), kaya lang maagang nasira ang relasyon namin dahil lumi pat s'ya ng barberya. Doon na s'ya ngayon sa ilalim ng tulay na may kalayuan sa amin. Kung dadayuhin ko pa s'ya doon para magpagupit, mahaba na ulit ang buhok k o bago ako makabalik ng bahay.

Pero kasinggaling din naman ni Merlyn si Jess, ang barberong pumalit sa kanya s a "Smart Barbershop." (Oo, 'yan ang pangalan ng barberya, dahil yata pagkatapos ng gupitan e hawig mo na si Jose Rizal.) Ang problema nga lang kay Jess e madala s itong mawala. Parang laging may appointment sa Pentagon.

Sa ngayon e may dalawang taon na akong walang permanenteng barbero. Magastos da hil de-aircon na pala ang mga barberya ngayon. At laging may masahe! Na hindi na man ako sigurado kung masahe o problemado lang yung mga barbero sa love life ni Vina Morales.

May nasubukan na rin akong barberong bading na kung ituring ang buhok e parang tao. Third person kung tukuyin n'ya ang buhok. Halimbawa: "Saan natin S'YA babaw asan?," "Tumitikwas S'YA eh," 'Ayaw N'YA ng mataas!" Akala ko nung una e meron s 'yang kaibigang espiritu na s'ya lang ang nakakakita. Itatanong ko sana kung nak ikita n'ya rin ang mga namayapa kong kamag-anak.

Nakapagpagupit na rin ako sa balatubang barbero. Hindi s'ya nagpapagpag ng buho k mula umpisa ng gupitan hanggang sa matapos. Mukha kang orangutan habang ginugu pitan dahil tambak ka ng buhok sa buong katawan. Ipapagpag n'ya lang ang puting tela pag tatayo ka na. At talagang pagpag ang gagawin n'ya! Sasabog ang buhok mo sa ceiling fan at uuwi kang may buhok sa loob ng baga. Bukod sa kanya, nasubuka n ko na rin an barberong parang magbe-bake ng cake kung maglagay ng pulbo, at is a pa na parang pumapatay ng sunog pag nag-spray ng tubig sa buhok mo. Matindi. M ukha kang galing sa sinapupunan paglabas mo ng barberya.

Sa isa pang pagkakataon e natapat naman ako sa barberong mangangaral ng Revised Family Code. Maigting n'yang ipinapaliwanag ang importansya ng sakramento ng ka sal habang gumugupit. Nang hindi makuntento e ipinakita n'ya pang nasa drawer n' ya lang lagi nakatabi ang Family Code at Philippine Constitution, kasama ng mga suklay, gunting, at labaha. Walastik talaga. Siguro kung meron pa s'yang ino-off er na SSS seminar habang naggugupit, mas makikinabang ako. O kaya poetry reading . O recital ng Iliad at Homer. O a cappella ng mga kanta ni Eric Clapton. Minsan nga ipinagdarasal ko bago matulog sa gabi...sana...sana lang talaga...maayos na ang love life ni Vina Morales...

Malaking porsyento ng problema ko sa pang-araw-araw na buhay ay ang kahinaan ko sa direksyon. Hindi ko alam ang north, east, south, west. Hindi ko matandaan an g mga lugar at daan kahit na napuntahan ko na ito nang tatlong beses. Kung nagin g laboratory rat ako, tiyak ako lang ang laging trapped sa maze at hindi ako pak ikinabangan ng mga scientist. Kung anging pusa ako, hindi mo na 'ko kailangan da lhin sa malayo para iligaw. Ilabas mo lang ako ng pintuan, hindi na 'ko makakaba lik. Kung kidnap victim ako, hindi na 'ko kailangan i-blindfold. Kahit makita ko ang dadaanan ng sasakyan, hindi ko rin malalaman kung nasaan ako. Kaya tiwala s a akin ang mga magulang ko dati na hindi ako magiging lakwatsero. Dahil tiyak pu pulutin ako sa himpilan ng radyo pag nagkataon: nawawala at nananawagan.

Nagising ako kaninang alas-sais ng umaga. Masyadong maganda ang pagsikat ng ara w kaya napasilip ako sa labas, suot ang sports sandals at damit pantulog: lumang pulang P.E. shirt, green shorts, fatigue jacket, at dark blue na medyas. Di na 'ko nahiya kahit makita ng mga kadalagahan sa katabing apartment.

Okay yung weather, sayang yung pagkakataon kung magsusulat ako at magkukulong s a building kung saan ako lang ang tao. Dali-dali akong bumalik ng kwarto, naguba d ng jacket at medyas, nagpalit ng khaki shorts at puting t-shirt, nagtanggal ng muta, at nagplantsa ng buhok gamit ang mga daliri, matapos maihanda ang mga cam

(18)

era para sa isang "Kodak Day."

(Nga pala, ang bahaging ito ng libro ay may pamagat ng: Bakit May Mga Tanga sa Mundong Ibabaw?")

Camp John Hay ang una kong destinasyon. At dahil wala naman talagang partikular na attraction sa Camp John Hay bukod sa pagiging Camp John Hay nito, bumaba kaa gad ako ng taxi at nagpasyang ikutin nang naglalakad ang lugar. Okay naman sa um pisa. Aspaltado ang daan, at mga nakangiting tao ang nakakasalubong ko. Pero dah il ayoko yung boring at dahil ako'y tanga, sinubukan ko ang mga "road less trave lled" sa nasabing lugar. Ibig sabihin, napunta ako sa mga singit ng kampo kung s aan nakapaskil ang notice na "No Entry"...at tumuloy pa rin ako!

Ang totoo, nung una e nagda-dalawang isip pa 'ko. Pero nung masilip kong mga ka bayo ang tinutumbok ng daan na 'yon - isang photo opportunity - nakalimutan ko n a bigla ang tungkol sa "No Entry" sign. Nakita ko ang dalawang tao na nagpapalig o ng kabayo. Tinanong ko sila kung may daanan ba doon. 'Yun na rin yata ang para an ko ng pagtatanong kung totoo bang "No Entry" ang napasok ko. Pero dahil sinab i naman nilang meron ngang daan doon sa halip na pagbawalan ako, inisip kong leg al ang ginagawa ko. Ang siste, hindi ko naitanong kung matino ba silang kausap a t hindi sila nakainom ng gaas. "Sundan n'yo lang ho yung beaten path," sabi nila .

Ganito ang buong akala ko: Galing doon, lalakad-lakad lang ako. Makakakita ng m ga damo, puno, at maraming kabayo. Marami akong makukunan ng litrato. Matutuwa a ko. Tapos makikita ko na ulit yung Aspalto at yung mga nakangiting tao. 'Yun ang buong akala ko. Pero linsiyak talaga ang mga beaten path kahit kelan. Malay ko bang mistulang maze pala ang mga sanga-sangang beaten path doon. Ayos din yung l upa dahil sobrang putik, kung hindi man e madulas. Isipin mo na lang kung paano mo aakyat-babain ang mga 3 meters high-50 degrees slopes! Meron ngang isang rang er doon na nagmaniobra sa isang kabayo paakyat. Galing! Parang commercial ng Mar lboro. Akala ko nga papalpak yung ranger at sabay sila ng kabayo n'ya na gugulon g pabalik sa baba...pipiktyuran ko sana!

At alam mo, weird pala makakita ng kabayo sa gubat. 'Yun bang kabayong nag-iisa , walang kutsero, walang karetela, walang tapaoho, walang saddle. Parang wild. H indi ka sigurado kung kabayo nga ba 'yon o engkanto. Meron nga akong isang kinat akutan doon. Maingay kasi masyado at mukhang bayolente, 'yun yata yung pumilay k ay Christopher Reeves.' Nag-ingat ako dahil baka mabulabog at biglang sumugod at manipa. Pero tamang-tama na kung kelan naman sumagi sa isipan ko ang salitang " ingat" e saka naman ako nadulas at bumagsak sa putikan nang una ang pwet...ARAGU Y!!! Walangya. Slope 'yun, kaya di lang ako basta bumagsak...dumausdos pa ako pa baba! Nadagdagan yata ng ilang pounds yung bigat ko kanina dahil sa kapal ng put ik na kumapit sa t-shirt ko. Ang masaklap pa, hindi ako naglalaba ng damit. Umaa sa lang ako sa babad at "No-Kuskos" powder na sinasabi sa commercial ng mga dete rgent powder. Biglang umikli ang life span ng shorts ko. Gagamitin ko pa dapat ' yun ng labinlimang beses bago labhan. Bukod d'yan, inalala ko rin ang camera ko. Malas. Nadaganan ko pa yata yung isang nakasabit sa balikat ko. Tsk, tsk...alas -otso pa lang ng umaga. Malas talaga.

Tumayo ako at inisip na bahagi pa rin 'yon ng adventure. Sinubukang ituloy ang pagso-solve sa maze na gawa ng mga pesteng beaten path. Tahimik na ang bayolente ng kabayo, ninerbyos yata sa nangyari sa akin. Daloy na lang ng tubig sa malakin g kanal ang naririnig ko. Hanep sa view, puero puno lang ang makikita mo sa pali gid, at araw sa ulunan. Parang setting sa fantasy film. Pero mahirap kumuha ng l itrato dahil wala akong makitang interesante sa lugar na basa at maputik. Isa pa , abala na 'ko sa paghahanap sa sign na nagsasabing "EXIT," o "AYAWAN NA," o "GA GO, BA'T SUMUOT KA DITO?" Kahit ano doon, pupwede, basta't makalabas lang ako ng gubat.

Kumpirmado: naliligaw na 'ko. Pero hindi pa rin ako nagtanong sa isang binatily o na nakasalubong ko. May dala s'yang mga tuyong damo, pagkain ng kabayo. Ayokon g isipin n'ya na bobo ako. Kaya nagpatuloy akong magpaikot-ikot sa loob ng kagub atan sa loob ng tatlong-daang taon. At doon naisip kong baliktarin ang t-shirt k o. Hindi dahil sa naliligaw na 'ko at naniniwala ako sa pamahiin, kundi dahil sa ...ummm, maputik ang damit ko! Oo, peksman. Dahil lang talaga sa putik kaya ko b inaligtad ang damit ko.

(19)

Medyo napagod rin ako sa kakaikot. Doon ako nagpasyang tumigil muna at gawin an g tanging bagay na hindi ko pa nagagawa: mag-isip. Naisip kong sumigaw at huming i ng saklolo, kaso hindi ko ginawa dahil baka may makarinig. Isinisigaw lang dap at ang saklolo pag wala sa 'yong makakarinig. Halimbawa, na-stranded ka sa Neptu ne. Doon, pwede kang sumigaw ng saklolo...pero sa Camp John Hay, no way! Baka ma pasama ka pa sa mga kwento ni Mark Logan.

Matapos ang isang siglo, nakalabas din ako sa gubat na napapaligiran ng barbed wire. Hindi ko malaman eksakto kung paano. Nadiskubre yata ako ng mga explorer n g National Geographic. Sa wakas ay nakakuha rin ako ng mga litrato ng kabayo. Pe ro sa puntong 'yon e nilapitan naman ako ng isang ranger.

"Sir, para saan ho ba 'yan?" bati n'ya. "Media ho ba kayo?" "Hindi, enthusiast lang ako," sagot ko. "May problema ho ba?"

"Wala naman. Okey lang. Nag-iingat lang kami kasi dati kung anu-ano ang ibinali ta tungkol sa amin e."

Dahil sa paranoia n'ya, naisip ko pa sanang mang-goodtime at sabihing taga-CNN ako at labag sa batas ang nakakaligaw na horse path, pero pinigilan ko sarili ko . Umalis na 'ko tapos noon.

Sunod kong tinahak ang golf course. Okay sa olrayt. Doon lang ulit ako nakatapa k ng lupa na may espasyong hindi maabot ng mata. Kasi sa Metro Manila sobrang si kip, pero batok lang ng ibang tao ang makikita mo. Sa golf course ng Camp John H ay, wala kang poproblemahin...kundi mga lumilipad na golf balls.

<*whistle alarm*> "Sir, alis d'yan! Hindi pwede d'yan, baka tamaan kayo ng bola !" sabi sa akin ng guard na may nakaambang rifle. Itinaas ko ang mga kamay ko bi lang senyales na madali akong kausap, aalis ako, at hindi n'ya kailangan magpapu tok dahil hindi ako miyembro ng gabinete ni Saddam Hussein. Kaya matapos magsawa sa pagsu-shoot at sa paghiga sa lawn, iniwan ko na rin ang lugar. Pero inabot p a 'ko ng mga ilang oras noon. Hindi ko na naman kasi kaagad nakita ang exit. Magbigay ka ng joke.

Oo, ngayon na. Magbigay ka ng joke, kahit anong joke. Wala nang tanong-tanong, basta magbigay ka ng joke, ngayon din. Bawal mag-isip.

(Pause.)

Marami na 'kong nagulantang na tao sa ganitong estilo. Sa umpisa, uulanin ka ng tanong: "Huh?", "Bakit?", "Ngayon na?", "Seryoso ka?", "Kahit ano?" Pagkatapos susundan ng "Wala akong alam, e," "Corny eh," "Luma na 'to e," pero sa kadulu-du luhan e magre-recite din sila ng joke na Grade 3 ka pa lang nang una mong marini g.

Importante sa akon ang jokes. Sabi kasi nila, humor daw ang pinakamabisang para an para magkakilala at magkasundo ang dalawang tao. Halimbawa, alam mo bang joke ang ginawang pick-up line ni Adan para makilala si Eba?

Adan: <*Ahem*> Knock! Knock! Eba: ???

Higit sa favorite color, zodiac sign, motto, at sagot sa "What is Love?", gusto kong makilala ang isang tao base sa kung ano ang mga bagay na katawa-tawa para sa kanya. Natatawa ba s'ya sa Leaning Tower of Pisa? Sa kulani? Sa EDSA 3? Sa du o na Porkchop? Sa nadadapang clown? Sa nagsasabi ng "Bulaga!"? Ngumingiti ba s'y a o humahalakhak? Dinig ba sa Africa ang tawa n'ya? Gaano n'ya kabilis makuha an g isang joke? Ilang minuto nagtatagal ang tawa n'ya? Paano s'ya tumawa: simpleng "hehe," gumugulong sa sahig, tumatalbog, sinisinok, lumuluha, nangingitim at hi ndi makahinga, o nanginginig lang ang labi habang nakatitig sa kawalan?

Nakakatuwang malaman minsan na yung mga inaakala mong taong may malakas na sens e of humor e wala palang maibibigay na joke pag hiningan mo. At yung iba naman n a inaakala mong aakyat ng langit balang araw e meron palang library ng stag joke s sa utak. Minsan magugulat ka rin sa mga executive na diplomat ang dating, tapo s ang ire-recite na joke e yung tungkol kay "Pedrong Kuto." May naka-date din ak ong babae dati na tipong "woman of substance" talaga, intelehente at magaling ma gdala ng sarili. Ganito ang joke n'ya:

Woman of substance: Ano ang apelyido ni Mary? Ako: Uhhhmmmm...ano?

Referensi

Dokumen terkait