UP LOS BAÑOS JOURNAL Arsonista ng Sitio Babel: Mga Tula
Volume XX January-December 2022
94
ARSONISTA NG SITIO BABEL: MGA TULA Dennis Andrew S. Aguinaldo
Associate Professor 7, Department of Humanities, College of Arts and Sciences, University of the Philippines Los Baños, College, Laguna
E-mail: [email protected] Received: 24 August 2022
Accepted for publication: 20 September 2022
Abstrak
Kalipunan ito ng limang tula na sa kabila ng kaunting garalgal at pagsusumikap na magpakahinahon ay naghahabol pa rin sa hininga ng mga lipas at patuloy na sigwa.
Mga Termino: Extrajudicial Killings, Arson, Poetry, Disaster, Educational Crisis
UP LOS BAÑOS JOURNAL Arsonista ng Sitio Babel: Mga Tula
Volume XX January-December 2022
95 Bato ng Pakikinig at Pagtalima
Ginigitgit ng isda ang hiwaga sa mga pagitan
ng mga binahang klasrum.
Bigla itong lumiko, tila memoryado
kung saan naiwan ang nawawala at labing-isang taon nang nawawala at muling kumiwal nang
makalimot. Tila nawiwili tayong bulungan ang bata
sa pisngi. At mukhang
inaasa na natin ang pagharap sa parabula; ninanais
ang boses na magpapabulaklak
sa mga sandaling sadya na at maligaya.
Mapapadpad Ba Tayo—o Hindi
Sa kintab ng mga kamuning sa hanginan,
sa arawan? Nagkatawang-
uling na ang punong winiwilagan ng ihi ng mahal-mahalang senior.
Hindi na para isa-isahin pa ang sineremonya,
ang kinahinatnan ng catheter, atbp.
Dati, kanilang inaasnan
ang ugat ng kamansi lalo’t wala itong bunga;
nag-aabot sila ng mainit na mangkok sa uhugin.
Styro na tayo samantala, at mga patse ng liwanag na malasapot,
magpatulay man ako ng pisi
mula sa gilid ng aking labi
hanggang sa bakaw ng iyong hikaw.
Angkinin mo man / Saan ka man naroroon
pinatitikom ng amihan ang dalawang pahiwatig na magkayapos sa duyan.
Sabay-sabay nag-ihaw ang mga kapitbahay
at anyong usok ang maliligayang bati.
Lansangan ang Entablado
Lansangan ba kamo—
Masyadong sinauna, rewrite
Please. Kinakalye ang entablado—
Lalangawin, umaapaw sa pagka-
Pedestrian. Pasakalye, bago raw Ang lahat, ang entablado—
May baha ng tao sa avenida. Siya, Hanapin ang kiliti, ano ang mas:
Parada ng props sa labas o Adorno ng traffic light sa loob
Mula CR hanggang aisle hanggang—
Magkano kaya kung mag-asembol
UP LOS BAÑOS JOURNAL Arsonista ng Sitio Babel: Mga Tula
Volume XX January-December 2022
96
Ng bus sa entablado tas pasabugin?
Bakit, gala night lang ba ang balak
O gusto nating sumuray-suray sila Ninanamnam ang kanilang bukas, mulat
Na mulat? Gusto natin sila, antemano Mas nakapikit kung ang mata ay titibok.
Arsonista ng Sitio Babel
Tumutulo ang bahay. Mag-uumpisa ito sa wala.
Sadyang bumango ang parang at may kinalaman kaya ang ulan
Sa halimuyak ng damo? Magbibigay ng kaunting libre,
At kaunti pa, sige, hanggang sa matuwa At hindi na mapigil ng butones ang tuwa. Sa susunod may singil na ‘yan!
May kapusyawan ang kulay-kahel sa dapit-hapon,
Samantalang kumakanta pauwi ang mga bata. “Ay,
Nga pala, bago tayo makalimot: kung hindi mo na kayang magbayad,
E di magtrabaho ka na lang!” Kaya mo namang tumakbo,
Ihagis mo ito sa kanila, sa kabila. Huwag kang madaldal.
At tinuruan nang magbilang sila Ineng.
Kamatis, dalawang okra, tatlong sibuyas...
Sige, please, ipagpatuloy mo ‘yan...
Tinitingi ang mga pahina, at sisingil sa nakapipigil-hiningang
Kabanata. “May lakad ako.”
H’wag mong ituloy ang binabalak mo.
May kapusukan ang pagsapit ng dilim.
Look, masunurin kang runner.
“Masunurin ka sa duty mo, kapitan.”
Magiting ka sa board room, kaso
Kailangang-kailangan natin ang lupang
‘yan.
“Hiwain mo sa apat ang sibuyas, at itanim na lang ang dalawa...”
Napakarami hong tao. Panahon na Para maging small-time, pero wala nang atrasan dito, iho.
Marami’t marumi, kaya’t maski d’yan na nga natin sila dalhin.
Masikip na ho rito. “Masikip na rin maging ang langit ng siyudad.”
May talbos pa naman ho, kahit makulayan lang natin ang sabaw.
Puwes, hinding-hindi sa tubig na ito.
Hep! Promotion, bata. “Hindi ikaw Ang magbibigay ng pangalan sa midya, ikaw ang hahablot
Sa mga ID nila, intiendes?” Rarasyunan natin sila ng isang buwan.
Akala mo rito, opisina? “At ano, basta gusto mong mag-leave
Makakapag-leave?” May head start na sila, may pocket money pa.
UP LOS BAÑOS JOURNAL Arsonista ng Sitio Babel: Mga Tula
Volume XX January-December 2022
97
Tapos saka tayo bibitaw, hahayaan sila
Sa oras na mayari ang bakuran. Puti?
“Madre de Dios!”
Madre de Cacao! Ambango, pero magulang na ho ang okra.
Pasalamat ka nga’t kayang magtagal ng mga ‘yan.
“Buti’t kumanta ka.” Hanggang kailan na lang tayo rito?
Wala tayong alam doon. Kapag nasa loob ka na, nasa loob ka na.
Marunong bang sumayaw ang anak mo?
Hindi ‘yang ganyang giniling, Misis.
Akin na nga muna.
Maliwanag na: tatangayin na ito.
Nakalulon ang Banig
Nakatiklop?
Nakalulon.
Sapagkat madali. Kung gayon
bakit hindi tayo nagsigawan? 1984 pa ang tiwalang ito sa paghihirap.
Araw-araw na lang tayong ganito, buong ngiti’t
nagpapakilala,
sagad ang pagpapahalaga sa sarili’t
akala mo kung sino. Biruin mo’t nais pa siyang magkawanggawa.
Iyon, o igapos sa kulambo.
Ipatapon ang kanyang sarili, managot.
Nakasalalay man ang mga lumang diyaryo,
parating na ang lamig.
Nakalulon ang bata?
Nakatiklop.