Paaralang De La Salle Santiago Zobel Filipino 5
Gawaing Upuan - Magkasingkahulugan Unang Termino 2013-2014
C.N. ____ 5____
Pangalan: _____________________________ Petsa: ____________________
Bilugan ang titik ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
( hango sa Likha 4 ni Ester V. Raflores pah. 4-5, 68-69)
1. Ang mag-anak ay nananahan sa paanan ng bundok.
a. namamasyal b. naninirahan c. nagtatrabaho
2. Mahirap mag-aruga ng batang nasanay na nasusunod ang ano mang gusto.
a. magturo b. magpalaki c. mag-alaga
3. May pagkakataon na dapat sumangguni sa ibang tao para malaman kung ano ang dapat gawin.
a. humingi ng tulong b. tumanggi sa alok c. sumama minsan
4. Sa paulit-ulit na paliwanag ng babae, napahinuhod niya ang nanay ko na magtrabaho sa abroad.
a. napapayag b. napakilos c. napaurong
5. Para makausap mo ang aking tiyo, kailangang sadyain mo siya sa kanilang bahay.
a. tawagan b. abutan c. puntahan
(tambalang-salita)
6. Maraming punong namumunga sa aming bakuran. Sa lahat ng mga bungangkahoy na natikman ko, ang chico ang aking pinakapaborito, a. pagkain b. bunga c. prutas d. butil
7. Dalawang daang metro ang layo ng aming bahay sa pinakamalapit naming kapitbahay.
a. kakulay na bahay b. katabing bahay b. katulad na bahay d. kakaibang-bahay
8. Tulung-tulong na naglinis at nag-ayos ng kanilang silid-tulugan ang magkakapatid.
a. Silid kung saan natutulog b. Silid kung saan kumakain c. Silid kung saan nag-aaral d. Silid kung saan naglalaro
9. Si G. Miranda ay sampung taong naging ingat-yaman sa aming samahan.
a. Pinakamayamang kasapi b. Pinakamaingat na kasama c. Tagapag-ingat ng pera d. Tagapagyaman ng mga bata
10. May bahay-kubo sa aming bukid. Doon laging nagpapahinga ang aking mga magulang.
a. Malinis na bahay b. Maliit na bahay c. Makulay na bahay d. Matibay na bahay
___________________________________________________________________
Pagsasanay sa aklat:
Sagutin ang sumusunod:
a. Magsanay A at B sa pah. 40 – Aralin 5 b. Magsanay C sa pah. 65 – Aralin 8
c. Magsanay A at B sap ah. 92 – Aralin 11 ( Maaari kayong gumamit ng diksyonaryo. )