• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG MISTERIO NG PAGLALANG

ang unang nilalang ng Diyos ay ang Kanyang Sarili. sa lahat ng dako ay sumilay ang liwanag na walang hangganan. ang liwanag na ito ay ang Diyos at ito ay mula sa kanyang sarili. sinabi ng Diyos sa Kanyang Sarili:

AEIOVEIAOEVIA at ang unang anyo Niya ng Liwanag ay nalikha.

Sinabi ng Diyos, AIEOVIEAOEVIAOVIEAVIA at ang Kanyang liwanag ay naitago sa wala. Ang wala ay tinawag na AIN SOPH.

Mula sa kawalan ay nilagyan ng Diyos ng 3 suson ng Wala ang Kanyang Sariling Uniberso- at ito ang tinatawag na AIN. AIN SOPH. AIN SOPH AUR. At mula sa Kawalan ay tinagos ng Diyos pamamagitan ng isang butil ng Liwanag na mula sa Kanya ang 3 suson ng wala.

Ang butil ng liwanag na ito ay may Pangalan: AEIOVEIOA. Ang sinumang makakabigkas ng tama ng pangalan ng Butil ng liwanag na tumagos sa 3 suson ng wala ay pagkakalooban ng Diyos ng Kanyang lihim.

Ang sinabing ga-tuldok na liwanag ang naging unang pagpapakilala ng Diyos mula sa wala. Sinasabing ang mga itinuturing ng Diyos na mga anak Niya ay may marka ng tuldok ng liwanag sa kanilang mga noo.

Ang butil ng liwanag ay nagkaroon ng sariling anyo, hugis at transformasyon at nag-anyong animo ay higanteng tao. Ito ay ang unang anyo ng Diyos sa ating uniberso na kung tawagin ay ARIKH ANAFIN o ARIKH ANFIN o

MACROPROSOPUS o ang ANIMA SOLA.

Mula sa anyo ng ARIKH ANAFIN o ANIMA SOLA ay nanganak Siya ng kudlit, na pumorma at naging animo ay tao. Ito ang ikalawang imahen ng Diyos sa Kanyang uniberso na kung tawagin ay ang MICROPROSOPUS. Sinasabing ang kinikilala ng Diyos bilang Anak Niya ay nagtataglay ng dalawang tatak- ang tuldok sa noo, at ang kudlit sa puso. Walang sinumang masamang tao ang magkakaroon ng mga nasabing mga tatak.

Ang mga anyong ito ng Diyos ay nagtago, sapagkat ang sinumang nilalang na masabing makakita sa mga anyong ito ay mamamatay ng daglian. Ang mga taong pinakitaan ng anyong ito ng Diyos na nabuhay ay yaong mga anak ng Diyos- na sa paningin ng Diyos ay mga diyos din.

ANG MISTERIO NG DIYOS

Sa pasimula, tanging ang MACROPROSOPUS at ang MICROPROSOPUS ang nasa Kanyang sariling uniberso. Ito ang tinatawag na Kanilang Sariling mundo.

Ang MICROPROSOPUS ay lumikha ng mga espiritung kakatulungin Niya sa paggawa ng buong uniberso. Ito ang mga CREATOR SPIRITUS DEUS, o mga MANLILIKHANG SPIRITO NG DIYOS. Pito sila at ito ang kanilang mga

Pangalan: AEOIVIA, AOEVIOA, AIOVEOA, AOIVOEA, AIEOVIA, AOIVEIA,

at AIVAIOA. Ang makakabigkas ng tama sa Kanilang mga Pangalang

Sagrado ay pagkakalooban ng Diyos ng Kapangyarihan ng Kabutihan, na hindi mapapanaigan ng anumang kasamaan.

Ang bawat isa sa pitong Manlilikhang Espiritu ng Diyos ay lumikha ng Kanilang mga sarili ng tig-pipito, ng pitong ulit.

Lalabas ang ganitong mga bilang ng mga Manlilikhang mga Spiritu ng Diyos: 7

49 343

2,401 16,807 117,649 823,543 5,764,801

Ang 5,764,801 na mga Manlilikhang Espiritu ng Diyos ay nagpakalat sa 7 direksyon ng buong uniberso. Sa bawat direksyon ay may 823,543 na mga Manlilikhang Espiritu ng Diyos na naka-istasyon.

Ang 7 direksyon ng uniberso ay ang kataasan, kaibabaan, hilaga, timog, kanluran, silangan, at ang gitna kung saan naroroon ang MACROPROSOPUS at MICROPROSOPUS. Nilagyan Nila ang gitna ng harang ng Wala sa lahat ng direksyon mula sa gitna, upang mailihim ang dako kung saan Sila

tumatahan. Ang nasabing harang ay nilikha sa pamamagitan ng mga salitang ito: AVIEOIVAEOIVEIVIEVIOEAVIOEIVA Kung saan nailihim ang dakong gitna ng uniberso sa mga nilalang ng mga diyos.

Ang bawat Manlilikhang Espiritu ng Diyos ay lumikha din po ng mga diyos na kakatawan sa bawat panig ng uniberso. At ang mga diyos na ito ay lumalang din ng mga diyos upang tumulong sa kanilang mga Gawain, upang ang diyos ay lumaganap sa lahat ng dako ng Kanyang uniberso. Ang paglikha ng diyos mula sa Manlilikhang mga Espiritu ng Diyos na kabilang sa 5,764,801ay ayon sa mga sumusunod:

MULA SA BAWAT ISA SA 5,764,801

AY LUMIKHA NG 7

NA LUMIKHA NG 49

AT ANG BAWAT ISA SA 49 AY LUMIKHA NG TIG-1001 NA DUPLIKASYON NG KANILANG MGA SARILI.

Samakatuwid, ang diyos na nakikilala natin ay isa lamang sa maraming kaanyuhan ng diyos. Ito ay ginawa ng Diyos ng lahat ng mga diyos, at

Panginoon ng lahat ng mga panginoon, upang maasikaso Niya ang Kanyang mga nilikha, saanmang dako ng Kanyang uniberso ito naroroon.

Sa totoong nananalig sa Diyos ng buo, at sumasamba sa Kanya sa espiritu ng katapatan at katotohanan, ito ang dahilan kung bakit ipinagbabawal na lumuhod ang isang totoong nananampalataya sa ibang mga diyos liban

lamang sa isa: ANG DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS, PANGINOON NG

LAHAT NG MGA PANGINOON.

Siya ang lumikha ng lahat ng mga diyos, na lumikha ng iba’t-ibang mga bagay sa uniberso. Kilalanin Siya at sambahin ng buong pagkatakot at pagmamahal. Ang lahat ay Kanyang ginawa ng may hiwaga. Kung kaya walang sinuman ang maaaring makapagmalaki sa sinuman, sapagkat tangi ang Diyos ng lahat ng mga Diyos, at Panginoon ng Lahat ng mga Paninoon ang lalo at lalo sa lahat.

Pag-ukulan ng pagsamba sa Espiritu at Katotohanan ang DIYOS NG LAHAT

NG MGA DIYOS, PANGINOON NG LAHAT NG MGA PANGINOON. Wala

tayong dapat sambahin kundi Siya lamang. Wala tayong dapat pag-ukulan ng buo nating pag-ibig, pagmamahal, at pagsamba. Wala tayong dapat yukuran ni luhuran kundi Siya lamang. At walang anumang uri ng anyo ang maaaring makapagpahayag ng totoong kaluwalhatian ng Diyos. Kaya pinagbabawal ang pagyukod sa anumang

larawang inanyuhan.

PAGGAWA NG ATING UNIBERSO

Ang Diyos ng lahat ng mga diyos, at Panginoon ng lahat ng mga panginoon ay may isang representasyon dito sa ating mundo, na ang kanyang pakilala ay sa pamamagitan ng apat na titik- Y-H-V-H. Ito ang TETRAGRAMMATON. Siya ang lumikha sa ating mundo at ang ating uniberso.

Ang bawat letra ng Y-H-V-H ay kumakatawan sa 4 na aspeto ng Diyos, at ang Kanilang mga mundo. Ito po ang mga sumusunod:

LETRA Y H V H

DIYOS AMA INA ANAK SPIRITU PANGALAN VI-AY.

A-UE-I.+ E-IOU. I-UA-E.+ IO-U. A-UE-I+ O-UA. A-UE-I+ PANGALAN SA IHVH YOD-HE-VIV-HE YOD-HE-VAU-HE YOD-HAH-VAU-HAH YOD-HEH-VU-HEH gawain nagplano gumawa Nag-anyo kayarian Mundo/

uniberso

ARZILOT BRIAH YETZIRAH ASIAH OB.AUB SIG. SEG MUH. MAH BIN. BEN

Ang Diyos na Tetragrammaton ay gumawa sa lahat ng bagay sa ating uniberso. Siya ay may apat na aspeto. Siya ay AMA, INA, ANAK, at ESPIRITU SANTO. Siya ay may Apat

na uniberso kung saan ang ikaapat ay ang ating uniberso. Ang ating uniberso ang ASIAH o ang BIN/ BEN.

Ang lahat ng pinaplano ng AMA ay ginagawa ng INA, na inaanyuhan ng ANAK, na niyayari ng ESPIRITU SANTO. Ito ang proseso ng paglikha ng realidad ng ating

Ang TETRAGRAMMATON, ang YOD-HE-VAU-HE ay pinagagalang sa atin. Sapagkat ito ang Pangalan ng Diyos sa ating uniberso na dapat irespeto at igalang. Iniutos din na

huwag tatawagin ang sagradong pangalang ito sa walang katuturang mga bagay. Ang bawat mga espiritu sa ating mundo at uniberso ay gumagalang sa sagradong pangalan ng Diyos na YHVH. Ang sinumang makakaindayog ng tama sa Sagradong Pangalan na ito ay luluhuran at papanginoonin ng mga espiritu sa ating mundo. Tanging

mga Dibinong mga Espiritu na kaisa ng YHVH, na mga anak ng Diyos, ang hindi luluhod sa Pangalang ito.

Sa ating uniberso, ang tuldok ang unang lumitaw mula sa uniberso ng Diyos. Ang tuldok matapos mag-anyo ng kabuuan bilang animo ay tao, ay nanganak ang tuldok ng kudlit. Ang kudlit ay nag-anyo din na animo ay tao. At mula sa kudlit na ito ay nagpalabas Siya ng unang apat na letra- Y-H-V-H. At mula dito ay apat na uniberso ang nalikha na nagpatong-patong.

Ang unang uniberso ay tinahanan ng Y, na nag-anyong lalake na kilala bilang AMA. Siya ang nagplano ng mga bagay-bagay at lumikha ng 1001 duplikado ng Kanyang sarili upang maisagawa ang Kanyang gawain sa uniberso.

Ang ikalawang uniberso ay tinahanan ng H, na nag-anyong babae na kilala bilang INA. Siya ang gumagawa ng mga plano mula sa AMA. Lumikha siya ng 1001 duplikado ng Kanyang Sarili upang maisagawa ang Kanyang gawain sa uniberso.

Ang ikatlong uniberso ay tinahanan ng V, na nag-anyong hermaphrodite. Kilala Siya bilang ANAK. Siya ang nag-aanyo ng mga gawa ng INA. Lumikha siya ng 1001 duplikado upang maisagawa ang Kanyang gawain sa uniberso.

Ang ikaapat na uniberso ay tinahanan ng H, na nag-anyong hermaphrodite din na kilala bilang SANTO SPIRITU o SPIRITU SANTO. Siya ang nag-yari ng material na anyo ng uniberso mula sa inanyuan ng ANAK. At nalikha ang ating uniberso.

Ito ang proseso ng paglikha sa ating uniberso mula noong una hanggang sa ngayon. At ang lahat ay naganap ayon sa Kanilang ibig.

Ang apat na unibersong ito ay magkakasuson upang malikha ang material na uniberso. At ang apat na uniberso ay nagkakaisa sa kanilang mga gawain, at nabuo ang mga bagay-bagay ayon sa kagustuhan ng DIYOS NG LAHAT NG MGA DIYOS,

PANGINOON NG LAHAT NG PANGINOON.

At naganap ang mga bagay-bagay sa kasaysayan ng uniberso, at ang mga kasaysayan ay nagkaroon ng mga sariling buhay, buhat sa pinag-ugatan na apat na uniberso.

ANG PAGKAKALIKHA NG 4 NA INA

Sa ating uniberso ay nilikha ng Diyos ang 3 Ina ng Uniberso. Sila ang mga Ina ng elemento ng apoy, ng hangin at ng tubig. Sila ay mga Diyos din na lumitaw mula sa bungang-isip ng Diyos.

Ang Ina ng Apoy ay pinangalanang SHEHUSETYUDEX. Ang Ina ng Hangin ay pinangalanang ACLAHAZAHAZAZ. Ang Ina ng Tubig ay pinangalanang

MENUWEGYUMJURACH. Pinagkaisa nila ang kanilang mga karunungan at

Kapangyarihan upang malikha ang ikaapat na Ina ng Uniberso- ang Inang Lupa. Siya ay si OIFORIBIOFOPEROB. Silang apat ay kumukuha ng kanilang mga karunungan at Kapangyarihan mula sa AMA, INA, ANAK, at ESPIRITU SANTO, upang ang lahat ng bagay ay magkaroon ng paglikha.

Ang apat na Ina ay nagduplika sa kanilang mga sarili. Ang unang duplikasyon ay tig-aapat. At mula sa tig-aapat na ito ay lumikha ang bawat apat ng tig-aanim na

duplikasyon. Samakatuwid ay 24 ang naging duplikasyon. Mula sa 24 na duplikasyon, ay nagduplika uli ang bawat 24 ng tig-3, at nabuo ang grupo 72. at ang bawat isa sa 72 ay nagduplika- ng isang babae at lalake, bawat isa. Samakatuwid, mula sa 72 ay nagkaroon ng 144.

Sa pamamagitan ng mga Ina at ng kanilang mga duplikado, nagawa ang paglikha sa iba’t-ibang dako ng uniberso. Ang kanilang pinagkaisahan upang ang mga bagay-bagay sa ating uniberso ay malalang:

AAZIAX. AQHAAZIAZ. AZAQAAZ. AJAHAXAAZ. AHYZJAHAZ. ACZUACAZ. AMAZAHAXIAH. AJAJAQUAZAXIAZ. ABYAZUAXIAZ. AJAQUAZLAZIAZ.

ACZALZAQUAZ. AHAHAJIAH. AFALJAHAB. ABZAAXZABAZ.

Dokumen terkait