• Tidak ada hasil yang ditemukan

KUNG ANONG BIGKAS, SIYANG BIGWAS

Dalam dokumen Halimbawa Ng Isang Tesis Sa Filipino (Halaman 29-84)

PERO bago ito, ilan munang kontradiksiyon sa pabalat ng libro:

Sa tulong ng iba pang kaibigan at kapanalig ni Sandoval, ang Sining sa Komunikasyon, Adbertaysing at Pablising (SIKAP) Publications ng negosyante-makata na si Donato Mejia Alvarez ang tumatayong publisher ng Kanta sa Gabi. One color o monochrome (itim) ang kulay, uring bookpaper ang papel at perfect binding. Maaaring kung kaya ganoon ang kalidad/ specification ng libro ay upang maibaba ang gastos sa paglalathala. Layunin marahil na maibaba rin ang presyo sa mga bookstore nang sa gayon ay maabot ang mas maraming mambabasa. O baka naman bahagi ito ng masalimuot na komputasyon ni Alvarez sa pag-iimprenta?

Nangingibabaw ang kulay itim (sinasapawan nito ang mga kulay na puti at abo) sa pabalat ng libro. Nakasulat sa malaking letra at matingkad ang mga salitang “kanta sa gabi” at sa ilalim ay naroon ang buong pangalan ng makata: Romulo A. Sandoval. May apat na kalmot (o mga rehas na bakal?) sa gawing kaliwa ng pabalat. Sa gawing kanan, maaaninag ang nakasalaming lalaki na maaaring si Sandoval.

Ang pagsilang sa sanggol o paglulunsad ng rebolusyon ay maaaring ituring na selebrasyon. Ganoon din sa paglalathala ng unang koleksiyon ng mga tula ni Sandoval. Subalit sa paghagod sa pabalat ng Kanta sa Gabi ay nakalambong ang pagluluksa. Pero isang pagluluksa ba ang Kanta sa Gabi bilang teksto?

O maaaring kaya ganoon ay baka sinalpok lamang ng matinding kalungkutan ang musikerong si Jesus Manuel Santiago na siyang nagdisenyo ng pabalat ng libro dahil marahil sa maagang pagkabatid na kaunting panahon na lamang ang ilalagi sa mundo ng kaibigan at kapanalig sa GAT na si Sandoval at hindi nito isinaalang-alang na ang pagdidisensyo o disenyo ng pabalat ng libro ay bahagi ng pagbuo ng teksto o ng paghahain ng diskurso? Dapat bang makiisa ang mambabasa kay Santiago at maglunoy na rin sa melodrama ng pagpanaw? O baka iba ang gustong awitin ni Sandoval sa kanyang Kanta sa Gabi? Ano ang nais niyang iparinig sa mambabasa? At ano ang maririnig ng mambabasang tulad ko?

NOONG taong 1992, bilang mag-aaral ng panitikang Filipino sa unibersidad at

batang manunulat na sumusubaybay rin sa makatang Sandoval, unang nahagip ng mananaliksik ang mga tula ni Sandoval sa mga pahina ng ilang antolohiya ng GAT, sa Sagisag, sa mga isinalibrong mga nagwaging tula sa Palanca at Talaang Ginto. Sa UP Main Library Periodical Section ay inisa-isa ng mananaliksik ang mga pahina ng lumang lingguhang Sagisag sa pagbabakasakali na mayroong nakalathala roong tula si Sandoval. Hinalughog

rin ng mananaliksik sa Filipiniana Section ang mga naturang antolohiya sa itaas. Sustansiya para sa mananaliksik bilang isang batang manunulat (o nagtatangkang magsulat) ang mga tula ni Sandoval. At noong 1997 lamang nahawakan ng mananaliksik ang mga tula ni Sandoval bilang isang koleksiyon nang ilathala ng SIPAT Publications ang Kanta sa Gabi.

Ang buong akala noon ng mananaliksik ay kanyang nauunawaan na ang karamihan sa mga tula ni Sandoval. Nabatid ngayon ng mananaliksik na nagkamali siya dahil nang muli niyang (bilang malaking tipak ng pag-aaral na ito) makalipas ang halos isang dekada, lumalabas ngayon na tila nakikipagbuno ang mananaliksik sa mga salita at kahulugan ng mga tula ni Sandoval.

Ibagsak

ANG salitang “ibagsak” ay binubuo lamang ng pitong letra at nahahati sa tatlong

pantig. Pero may kung anong umaalimbukay sa ating isipan at damdamin kapag sinasabi o naririnig natin ang salita: ibagsak!

Hindi ito tungkol sa pagnanais na ibagsak ang bunga ng punongkahoy o bituin dahil maling sabihin na “ibagsak ang mangga!” o di kaya’y “ibagsak ang bituin!”

Iba ang nais nating tukuyin kapag sinasabi o isinisigaw natin ang salitang “ibagsak”. Lantad nating tinutukoy ang pagnanais na ibagsak ang isang tiwaling pinuno o isang balighong kaayusan o sistema sa lipunan.

Mas tumpak na sabihin na “ibagsak ang Rehimeng Arroyo!” o di kaya’y “ibagsak ang impyeryalismo!”

Bagamat gasgas na ang paggamit ng salitang “ibagsak”, nanatili pa rin ang bisa o lakas ng salitang ito sa pagtibag o pagbaka sa mga tiwaling pinuno o bulok na kaayusan.

Makapangyarihan ang salitang “ibagsak” ay dahil ito ay kolektibong bigkas ng mamamayan. Isang salitang pinanday ng maraming taong pagkilos at pagmumulat ng mga aktibista at kilusang masa laban sa mga nagdaang pangulo ng bansa at pagbaka sa mga batayang suliranin ng lipunan. Bagamat narito na rin ang mga salitang tulad ng “tsugiin” o “chukchakin”, hindi pa rin mawawala sa bokabularyo ng pagkilos at kamalayan ng taumbayan ang “ibagsak” at mananatili itong epektibo.

I shall return

BATID natin na ang pangungusap na iyon ay namutawi sa bibig ni General

nagagapi na ng mga Hapon ang mga puwersang Amerikano at Filipino sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pangungusap na iyon ay balon ng pag-asa para sa mga sundalong nakikidigma at pati na rin sa mamamayang Filipino na naliligalig sa pambabayoneta ng mga Hapon. Bumalik si McArthur at ginapi nito ang puwersa ng mga Hapon.

Bagamat hindi naman talaga si McArthur ang solusyon sa digmaang sa totoo lang ay walang kinalaman ang mga Filipino, naka-pogi points sa nag-iisang pangungusap na iyon ang Amerikanong heneral. Nakabuo ng sariling bigkas si McArthur. Ibig sabihin, may isang salita ito at hindi nang-iiwan.

Pero babala ng isa kong fraternity brother, huwag gamitin ang pangungusap na iyon sa konteksto ng inidoro dahil kakaiba ang magiging epekto nito.

Isipin na lamang kung nag-a-I-shall-return o nagma-McArthur ang ebak o dumi matapos itong i-flush sa inidoro.

Ang pag-aaral ding marahil ang pagma-McArthur ng mananaliksik upang tuluyan nang tapusin ang kurso na nabimbin sa loob ng maraming taon dahil sa pagsisikap na maitaguyod ang kanyang pamilya.

Makapangyarihan ang salita. Pansinin na kayang tibagin ang pundasyon ng Palasyo ng nag-iisang salita na na may pitong letra at nahahati sa tatlong pantig

(“ibagsak”). Pansinin din na naka-PR at itinanghal na bayani si McArthur ng dahil lang sa isang pangungusap na iyon na binubuo ng tatlong salita (“I shall return.”).

Ano pa kaya kung ito ay magiging pumpon ng mga salita na bubuo ng mga manipesto o polyeto o dula o kuwento o dagli o awit o tula tulad ng ginawa ni Sandoval sa kanyang Kanta sa Gabi?

Kanta sa Gabi

SA pambungad na tula, ang “Kanta sa Gabi”, na siya ring titulo ng buong

koleksiyon, sa pamamagitan ng gagap na paggamit ng mga imahe, ibinibirit ni Sandoval sa kanyang tagapakinig o mambabasa na patuloy ang pagkakamal ng tubo ng mga kompanyang multinasyonal:

Kabuntot ng ngasab ng kas redyister,

humahalakhak, sa restoran, ang Coke at San Miguel;

sa tuktok ng mga bilding, naghuhuntahan ang GE, Sony, Mitsubishi; sumisinghal sa loob ng mga tangke ang Caltex at Petron:

Kung kaya “kahit walang patid ang ngawa ni Papin” (na siyang Jukebox Queen noong dekada ’80) ay itinuturing ni Sandoval na sementeryo ang siyudad o maaaring tinutukoy din niya rito ang proyektong “Lunsod ng Tao” (City of Man)

na hambog na ibinabandila noon ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Anang makata:

Sa iniaanunsyong “Lunsod ng Tao,” pananahimik ito ng sementeryo.

Walang ingay, liban sa gumugulong na piso, paimburnal, Liban sa duguang dura na humalik sa burak.

Bagamat sa tula ay walang aksiyong inihahain si Sandoval, kasing-tinis ng boses ni Imelda Papin na naipahayag ng makata na hindi ang mamamayan kundi ang mga kompanyang multinasyunal ng imperyalistang Amerika ang pinuproteksiyunan ng burukrata-kapitalista na si Marcos upang lalong mapanitili ang pangungunyapit nito sa puwesto. Ang posisyon sa gobyerno ay isang uri rin ng pamumuhunan.

Gabi, sa Isang Kapihan

Naisulat ang tulang “Gabi, sa Isang Kapihan” isang taon makalipas ang pagkadeklara ng batas militar sa bansa. Mula malayang pagtutol sa balighong kaayusang panlipunan “binibiktima ng tatlong dambuhalang gagamba”, ang nagliliyab na mga kamao ng Sigwa ng Unang Kuwarto ay naging impit na hikbi sa mga liblib na sulok ng lungsod – tulad ng mga kapihan. Subalit “hindi ito panahon ng pagdadalawang-loob, hindi ito panahon ng pag-aatubili’t pagkatakot”

sa kabila ng realidad na nakapiit ang mga pangunahing pinuno ng kilusang masang kundi pinaslang ng ahente ng estado at iniwanang nilalangaw sa mga plasa habang binabansagang “ordinaryong kriminal”.

Ano nga ba itong “tatlong dambuhalang gagamba” na nakabaon sa paglilitis ng makata?

Bago ipataw ng diktador na si Marcos ang batas militar, nalinaw na ng kilusang mapagpalaya ang tatlong saligang suliranin ng lipunang Filipino: imperyalismong US, burukrata-kapitalismo at piyudalismo.

May kahirapang hagilapin ang matalinghagang patutsada ni Sandoval sa tatlong saligang suliranin kung hindi malay o mulat ang bumabasa. Kung lalapatan ng isang pormalistikong pagbasa lamang ang tula, ang halaga ng “tatlong dambuhalang gagamba” ay magagagap lamang bilang pisikal na banta marahil sa mga nagpapalitan ng kuro-kuro sa kapihan o literal na mga gagambang bahagi ng motif sa isang lumang kapihan. Subalit kung aangkupan ng metodo ng “realismong panlipunan”, mapag-uugnay ang historikal na realidad ng lipunang Filipino at ang signipikasyon ng mga senyas na “tatlong dambuhalang gagamba” at sa gayo’y mahahagip ang ubod ng mensahe ng makata.

hindi tadhana ni aksidente na sa huli'y ating mapuksa,

mapuksa ang libo mang may sapot na pakana: hindi tadhana ni aksidente,

kundi batas ng kasaysayan.

At malakas ang loob niyang usigin ang mga nasa kapangyarihan. Ang “atin” sa nabanggit na mga taludtod ay may tiyak na pagtukoy, kung gayon, sa “masang Pilipino” (isang bagong salita sa wikang Filipino nang panahong iyon) na nagbibilang sa mga taong nasa kapihan na lunan ng tula ng makata. Samakatwid, hinihikayat niya hindi lamang ang mga nasa kapihan kundi maging ang inaaping uri (alinsunod sa panlipunang pagsusuri o class analysis ng Kilusang Pambansa-Demokratiko na siyang nagpapanukala ng tatlong saligang suliranin) na walang dapat katakutan sapagkat “hindi tadhana ni aksidente,/ kundi batas ng kasaysayan” ang pagtatagumpay ng kilusang mapagpalaya.

Tumatayog, Lumalawak ang mga Bilding at Resort

Diyalektika ng mga uri sa lipunan ang pinapaksa ng tulang “Tumatayog, Lumalawak ang mga Bilding at Resort.”

Tulad sa anumang diyalektikal na relasyon, tampok ang tunggalian ng negatibo at positibong mga elemento na siyang nagpapakilos sa isang bagay o kaisipan.

Habang “nagtatayugan, nangagsisilawak/ ang commercial complex, ang hotel at resort,/ ang convention center//” lumiliit naman ang halaga ng lakas-paggawa, ng lupa ng maralita, ng mismong buhay ng sambayanan.

Narito ang isang kuwento:

Pinatalsik

ng poong-maylupa sa sukarera,

o tulad ng kapwa dustang magbubukid ay kinulimbatan ng tahana’t lupa

ng isang higanteng dayong korporasyon;

Kung saan ang mga dating may-ari ng lupa ang siyang naging alipin sa sariling bayan.

Narito ang isa pa:

Sa liyab ng sunog sa isang pabrika sa South Diversion Road, mga manggagawa’y pilit kinapkapan

bago palabasin; maraming nagasak;

nang mangagsitalon mula sa mataas na mga palapag, at ang inilimos ng kapitalista—

ng kapitalistang ayon sa dekreto’y bawal pagwelgahan— ay hindi pa maibili ng abang kabaong.

Kung saan ang mga manggagawang nagpupundar at nagpapalobo sa tubo at puhunan ng kapitalista ay ni walang pambili ng kabaong sa sariling kamatayan.

Kung gayon, ang konsentrasyon ng yaman ng bayan ay nasa mga dayuhan at lokal na naghaharing-uri na nagsasabwatan upang “tumayog at lumawak” ang kaharian ng mga ito habang nagiging tila lungga na lamang ng daga ang tahanan ng karamihan.

Sa diyalektikal na proseso, ang kaisahan ay magaganap lamang kapag lubos nang nakain ng positibo ang negatibo o ng negatibo ang positibo. Kung ang positibo ay ang sambayanan, kailangang sakupin ng kapangyarihan nito ang negatibong mga dayuhang mamumuhunan at lokal na naghaharing-uri. Walang preskripsiyon ang tula kung paano isasagawa ang eliminasyon ng negatibo ngunit malinaw ang pinagmumulan ng kawalang-katarungan at di-makataong kondisyong dinaranas ng higit na nakararami sa lipunan.

Sugat

Isang tulang napakayaman sa mga simbolohikal na paggamit ng wika ang “Sugat”. Isa itong tulang nakapagpapaluha sa bumabasa kahit hindi nauunawaan ng bumabasa kung bakit naluluha. Makapangyarihan ang mga imaheng ginamit ng makata, naninibasib sa kamalayan – mulat man o hindi – ng sinumang Filipino sapagkat tila karaniwan ang mga larawang ihinahain ng taludturan ngunit bumibigwas ang mismong paraan ng paglalarawan.

Naglalakad ang persona sa tabing-dagat ng Manila de Bay, saanmang bahagi nito makikita ang “breykwater” kung saan “abot-tanaw ang gang ng mga bilding” na nagkakaisang kutyain ang kahirapan sa paligid kaya may “sabwatan ng ngisi’t halakhak/ sa gitna ng paglalamay ng malibag na tagaktak ng pawis”. Malinaw ang “locale” sa pormalistang pagbasa – isang lugar ng lungsod kung saan malinaw ang hambingan ng mayaman at mahirap. Sa materyalistang pagbasa, ito ang tunggalian ng mga uri: “sabwatan ng ngisi’t halakhak” o ang representasyon ng mayayaman na nagkakasundo sa paglait sa mahihirap “sa gitna ng paglalamay ng malibag na tagaktak ng pawis”.

Ang tunggaliang ito ang wumawakwak sa puso ng persona at ang puso ay budhi, kaluluwa, konsensiya na hindi maatim ang lisyang kontradiksiyon ng mayaman at mahirap sa lipunan.

Subalit may tiyak na resolusyon ang tunggalian – tulad sa anumang akda ng tradisyon sa panitikan na tinatawag na “realismong panlipunan” – “tigmakin ka ng sigwang sa iyo’y maglalanggas,/ darangin ng araw na sa iyo’y magpapahilom.”

Samakatwid, hindi lamang kasaysayan ang kakampi ng inaaping uri kundi maging ang kalikasan – buwan (umaampat sa sugat), sigwa (lumalanggas sa sugat), araw (nagpapahilom sa sugat).

Ang sugat na ito ay sugat sa budhi, kaluluwa, konsensiya na nakapaloob sa puso ng tao – isang bagay na wala sa mga nang-aapi kaya may kasabihang ang isang “masamang tao” ay isang “taong walang puso”.

Kung ang naghaharing-uri ay walang puso, sa isang diyalektikal na paghahati ng tunggalian, ang tagumpay ay nasa inaaping uri pagtagal sapagkat aampatin ng buwan ang sugat, lalanggasin ng sigwa ang sugat, paghihilumin ng araw ang sugat.

Ito ang kapangyarihan ng simbolohikal na wika ni Sandoval – ang tila pagkakanlong ng mensaheng ngitngit sa mga karaniwang salita ngunit hayag na paghikayat ng pagkilos laban sa namamayaning kaayusan.

Abo ng Ulilang Tala, Liyab ng Angaw na Piko at Lingkaw

Bilang ehersisyo ng hermenyutika, maaaring kilalanin muna ang persona (“siya”) sa tulang “Abo ng Ulilang Tala, Liyab ng Angaw na Piko at Lingkaw” sa pamamagitan ng mga tagapamansag o signifier.

Babad sa dilim, mata siyang nakaiino

sa pagwasiwas ng kanilang mga talulot, sumusulak sa liwanag bago sila matimbuwang.

Ang persona/ makata ay isang “mata” na “babad sa dilim” at “nakaiino” (nakapapansin) sa “pagwasiwas ng kanilang mga talulot.”

Sino “sila” na tiningnan ng mata? Marahil, ang mga kapuspalad: “mga lalamunang sa utang ay nagnanaknak,” “mga basahang di malabhan ng habag,” “mga dampang winiwindang ng baston, dolyar, talumpati,” “mga kulumpon ng pighating humahalo sa pinagpupuyatang pait.” Mahalagang tagapamansag ang pariralang “pinagpupuyatang pait” sapagkat tinutukoy nito sa literal na antas ang alak o serbesang tinutungga ng mga tauhan sa tula. Ito rin ang nag-uugnay sa iba pang tauhan: “waterliling nililingkis ng burak,” “mirasol na dinadaklot ng alapaap” at “ang limahid na lalaking minsa’y nalampasan,/ yapak, nakatayong nakapamulsa, matiim na nakatitig/ sa isang blangko, abuhing pader//.”

Nakita silang lahat ng persona/ makata at dinamayan sa “pinagpupuyatang pait” kahiman “siya’y nangangaligkig,/ nangangaligkig sa sulok na sinasalab/ ng alkohol at pulang bumbilya/ habang nagmamadaling-araw//.”

Sa madaling salita, pilit inuunawa ng persona ang kalagayan ng mga babae at lalaking puta sa lansangan at beerhouse ng lungsod at sinubukan niya’y tunggain ang kanilang hapis at dalita.

Subalit napagtanto niyang hindi ito ang solusyon sa problema kaya “habang naglalatag ng banig ang magdamag,/ nais niyang iluwa, kasabay ng latak ng pagkalango,/ ang abo ng ulilang tala:/ lagukin ang liyab/ ng angaw na piko at lingkaw//.”

Katangi-tangi ang tulang ito sa pagkahitik sa mga imahen na nakasiksik sa bawat taludtod. Kipil ngunit may ngitngit ang persona sa sinasapit ng mga tauhang kanyang nakikita – mga taong aligaga “sa pagwasiwas ng kanilang mga talulot, sumusulak sa liwanag/ bago sila matimbuwang.” Ikinamamatay ng mga tauhang nakikita niya ang pagbebenta ng katawan ngunit wala siyang magawa kaya kailangang “lagukin ang liyab/ ng angaw na piko at lingkaw” upang mabago ang kaayusan.

Ang kawalan ay pagkakaroon: ito ang balintuna (paradox) ng tula na epektibong itinudla ng makata mula sa unang taludtod (“Kanila ang karapatang paalisin”)

hanggang sa huling dalawang taludtod (“ang karapatang baklasan,/ baklasan ng hininga.//”) upang isaysay sa mambabasa ang mahabang kasaysayan ng kaapihang dinaranas ng sambayanang Filipino.

Harana

Sa tulang “Harana” ay natatanaw ang Bantayog ng Kagitingan (ang Kagitingan/ ay byoletang umiigtad sa dilim) at dahil dito’y maaaring ituring na ang lugar na tinutukoy sa tula ay isang komunidad sa baybayin na laganap ang paghihikahos. Basahin ang ilang taludtod ng tula:

Huwag kang iingit,

mga mata ng Kuya mo’y nagbabala.

Granateng talulot, masilakbong kumakawag, ang bawat bubong na dinuduhapang ng putik. Namumutla ang mga kaldero.

Bunton ng antak,

tiim-bagang ang bawat basahan.

Gutom ang inilalarawan ng linyang “(n)amumutla ang mga kaldero”. Ang ganoong pagsasataludtod ng gutom ay maaari sabihin ng mananaliksik na bahagi ng kanyang sariling kabig na “mga paglalarawan ng tula”. Sa susunod na

tula (“Lamay”) ay papalalimin ang pagtalakay sa kahulugan at pagkakaiba ng “mga paglalarawan ng tula” at “tula ng paglalarawan”.

Inilalarawan din sa tula ang panlilimahid ng lugar na dapat sana’y hindi kung tunay iyong pamayanan ng mga tao:

Sa bungad ng isang tulay, pagdunghap mo sa estero ay may naaninag kang mga langkay ng waterlili, kayakap ang mga layak,

bilibid ng langis:

sisinghapsinghap sa itim na tubig.

Sa kabila ng nauna nang mga kalunos-lunos sa sitwasyon ay dadagdagan pa ito ng iba’t ibang panganib ng paninirahan sa tabing-dagat:

Isang paslit, nilalangaw na sugat na wari’y ayaw magbahaw,

ang may kung anong dinudukwang, sinasagip sa imburnal.

Sunodsunod, nahuhulog ang mga nguyngoy, nahuhulog sa burak.

Sa andamyong tinatawid,

bawat hakbang ay hikbing ngumangatngat.

Kasunod ng kapatid,

nilambungan ka ng apat na anino, mapupusyaw. Sa sinapupunan ng kanyang kabiyak,

may dagdag na hiningang pumupusag, handang ipaghele ng alingasaw at silim.

At sinakmal ka ng mistulang lungga, di makaukab sa maninipis na dingding ang lamlam ng bumbilya.

Pero kailangan at kailangan na niyang umalis, bitbit sa dibdib ang mabigat na saloobin:

Ay, nais mong sa kanila ay humingi ng tawad, ngunit ang tanging nausal

ay muli’t muli kang babalik:

abuhing ibon na may punyal sa tuka.

Hanggat ang iyong utak ay gusgusing kalyehon, hanggat ang iyong puso’y pusikit na burumbarong.

Bagamat tila isinakay ni Sandoval ang tula sa nguyngoy ng melodrama ay hindi pa rin maisasaisantabi ang kalangkap na isyung panlipunang gustong busisiin o ipabusisi ng makata. Kumabaga, nagpaka-Lino Brocka o Ishmael Bernal muna sa tula si Sandoval pero hindi niya binitiwan ang anumang kamulatan na

kanyang pangunahing sandata.

Lamay

Tulad sa tulang “Kanta sa Gabi”, mahigpit din ang pagtangan ni Sandoval sa mga imahe sa tulang “Lamay” upang ihatid sa dapat na kahantungan ang isang akdang pampanitikan: tumagos sa puso ng mambabasa nang sa gayon ay lalong lumalim ang pag-uusisa nito sa mga balighong kalakaran ng lipunan. Hindi nga

Dalam dokumen Halimbawa Ng Isang Tesis Sa Filipino (Halaman 29-84)

Dokumen terkait