• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Liham ni Pinay Mula sa Hong Kong Ruth Elynia S Mabanglo

Sa lunting pangarap nagmula ang lahat, Binaligtad ang bulsa’t nilikom ang danas. Sa nagtangkarang gusali’t karatula’y sumilong, Itlog ng tagak ang ibig matunton.

Amo kong Intsik kunwa’y mabait, Ginagahasa ako kung gabing tahimik — Pagkat ang ipinangako’y ceramics at jade, Inialay ko ang takot sa altar ng AIDS. Nalaman ko ngayong hindi siya tapat, Kahit dibdib nami’y madalas maglapat. Makapal pa sa buhok ang duming nakalugay, Ang garing na isip ay hindi tiwasay.

Kulang pa sa sukat ang balakang

Ang isinusulit kong pagdaramdam — ako’y pakinggan Nagmamadali kasi ako sa pagyaman,

Balikbayan Box

Jack Alvarez

Pauwi na sana siya sa susunod na linggo. Nauna na niyang naipadala ang kanyang ibang bagahe sa LBC. Pina-air freight niya at dumating ang kanyang package sa loob ng isang linggo. Ngunit hindi siya.

Nakilala ko si Aldeni noong nasa Pinas pa lang ako. Sa isang recruitment agency sa Ermita ako nagtatatrabaho. Isa siya sa mga aplikanteng kahit palubog na ang araw ay matiyagang nakapila pa rin upang magpapa-interview sa Arabong employer papuntang abroad. Nag-apply siya bilang Administrative Assistant o Secretary. Nang matanggap siya, halos isang buwan ding paghihintay para sa pagproseso ng mga papeles sa POEA at OWWA, pagpapa-medical at visa stamping sa Saudi Embassy. Pagkatapos makumpleto lahat ng dokumento, ang pinakaasam-asam ng mga nais mag-abroad ay ang kanilang confirmed ticket booking.

Pagkalipas ng ilang taon, ako naman ang nangarap na man- gibang –bayan. Muli kong na-meet si Aldeni sa Jubail, Saudi Arabia

noong Mayo 2008.

Hindi kami ganoon ka-close. Minsan lang kaming nagkakasama at nagkakakuwentuhan lalo na’t nagkakaabot sa isang salon. Tubong Cagayan de Oro ako at siya naman ay taga-Davao kaya mas masarap kausap kapag alam mong pareho kayong Bisaya.

“Bayot, kumusta naman ang atong kaanyag?” Bati ko nang makita siyang papasok sa shop.

“Mao ra gihapon, day. Nia, nag-antos sa Saudi Arabia.”

Kaswal na pagkukumustahan namin sa Binisaya. At ang pagbigkas sa bawat salitang nakasanayan ng dila ay tila parang pagka-miss na rin sa Pinas, sa mga kaibigan, at lalo na sa pamilya.

Unang naikuwento niya sa akin ang pagkamatay ng kanyang ina sanhi ng tuberkulosis. Hindi siya nakauwi dahil hindi pa tapos ang kanyang kontrata. Kung mag-emergency leave o kaya Bereavement Leave, may ilang employer na hindi sasagutin ang round trip ticket. At kung makakauwi man daw siya, mas piliin niyang ipapadala na lang ang perang pamasahe.

masabtan lang man ni Mama.”

“Mao lagi. Mas kinahanglan man gyud nato ang kwarta.” “Day, suba ta oy. Mag-MMK na pud ta ani.” Yaya niyang magyosi kami sa labas nang mapansing sumeryoso ang aming usapan.

“Hunong na anang pagsigarilyo ba.” Saway ng kaibigan naming may-ari ng salon.

“Na, ambot lang…” Diin niya at sinundan iyon ng kunwaring pagtataray.

Natawa na lang kami sa pagtataas niya ng kilay habang hawak ang stick ng sigarilyo at nakapameywang.

Nasa labas na kami ng shop nang muli niyang itinuloy ang kwento tungkol sa kanyang ina.

Lumipas ang ilang buwan, nabalitaan naming inatake siya ng asthma. Mag-isa siya sa kanyang kuwarto. Huli na nang may sumak- lolo sa kanya. Di na naagapan. Hindi na siya umabot sa ospital.

Aprubado na ng aking boss ang bakasyon ko sa Pinas. Nakatakdang uuwi ako sa Mayo, sa susunod na linggo na.

Inabot ko ang nakatuping karton na binili ko sa LBC. Inilapag ko nang maayos sa sahig. Kinuha ko ang packaging tape at sinimulang pinagdikit ang bawat kanto nito. At para masiguro kong matibay ang pundasyon, dinodoble ko ang bawat latag ng tape. Para sa akin, animo’y sagradong ritwal ang pagbuo ng isang kahon.

Inisa-isa kong isinilid ang pinamili ko kanina. Kasama roon ang cellphone ni Mama, ang sapatos ng aking kapatid, pasalubong para sa mga pamangkin at ilang grocery items.

Hanggang ngayon, tila kabaong na hihimlayan ng sinumang nais magbalik sa pinagmulan ang isang ordinaryong kahon sa aking hara- pan. Pero hindi lahat ng kinakahon ay patay, pati pangarap… parang balikbayan box.

Balikbayan Box – I

Wame is typing...

me pinaplano pala kong isulat na tula, title pa lang meron ako e balikbayan box

Wow. Pang ofw ba? oo

Gow

sakto nga sayo Pasilip ha sige

tatanong ko sana kung ano yung mga gamit na pinapadala mo dito para sa pamilya mo

Damit

Gamit sa kusina Peborit ng mama ko Bilin Ng mga pamangkin

Kahit nga mga pasuyo ng mga kapitbahay Pinapadala ko

waw

yan yung itutula ko Gow

balikbayan box sa point of view ng kapitbahay

Totoo talaga pag nasa malayo ka, iba ang maging pakiramdam ng pag- padala ng balikbayan box

ano pakiramdam? Naumpisahan mo na ba?

susulat ko pa lang mamaya o bukas Yung tipong, pantawid Pantawid kahirapan

At sa box na yun, naitawid mo rin ang mga nais mo para sa pamilya nice

paano nakukuha ng pamilya mo yung balikbayan box LBC ako eh

Delivery yun ng LBC

so idedeliber na lang yun sa bahay nyo Yez

kala ko sinusundo pa sa pier wahehe

Ahahhaa

Wame is typing…

Kung tao rin siguro ang box na ito, alam kong nakangiti siya. Hindi ko ito nabanggit kay Wame Balow.

Samu’t sari ang pagkakainteres ng iilan sa pakikipagsapalaran ng mga OFWs. Patok sa viewers ang pagsasawalat ng mga pang-aabuso. Top rated ang mga usaping kawalan ng tulong mula sa gobyerno ang ibabalita sa TV at mabenta na maging headline sa pahayagan. Mga pang-Delia Maga na kaso o kaya ay pang-Flor Contemplacion story ang patuloy na iro-romanticize ng media. Sa kasalukuyan, tam- pok ang Tent city sa Philippine Consolute sa Jeddah, Saudi Arabia. Libo-libong Pinoy ang nakatira sa mga barong-barong matapos tumakas sa kani-kanilang mga sponsors. Silang mga walang legal na

dokumento at ngayo’y namamalimos ng tulong sa ating pamahalaan. Milyon-milyong bagahe naman ang nagkapatong-patong sa bodega ng freights at siksikan sa mga cargo mula sa iba’t ibang lupalop ng daigdig. Ang kahon na maghahatid ng hindi lang sa nakaugaliang ‘pasalubong sa iyong pag-uwi’. Kundi pinatutunayan ang pagtawid ng milya-milya ng isang pangarap ng OFW sa kanyang iniwang pamilya. At pareho kaming nakikipagsapalaran.

Klinik ko ang What’s on your mind sa status box ng FB.

Dalawang kuwento para sa Balikbayan Box. Pinaluha ako sa unang piyesa. Maraming salamat sa inspirasyon…

At ito ang ikalawang kuwento.

Nilingon ko ang kahon sa isang tabi. “Mauuna kang darating sa akin sa Pinas.” Wika ko sa kaharap na box.

At tulad ko rin siya. Punung-puno ng maraming kuwento.

Note:

Ang italicized na konbersasyon sa itaas ay sinipi mula sa orihinal na chat messages namin ni Wame Balow sa Facebook noong April 24, 2013 dakong alas-ocho ng gabi. Si Wame Balow ay kasama kong fellow sa Palihang Rogelio Sicat 5 noong 2012.

Relief Box

Hindi ko na rin magawang matulog nang ibalita ni Mama sa akin na nakaantabay sila sa balita tungkol sa paparating na bagyo.

“Gakahadlok ko.“ Wika ni Mama na natatakot daw siya. Hat- ing-gabi na sa Pinas.

Huling nabanggit ni Mama ang takot nang mga panahong hindi na nagpakita si Tatay. Ngunit alam kong hindi katumbas iyon ng takot niya noon. Iyong takot na tuluyan na kaming iwan dahil bumalik na sa legal na pamilya si Tatay. Tatlo kaming anak na maaabandona. Mawawalan ng ama. Iyon ang pinakakinatatakutan ni Mama.

“Unsa man diay ang gibalita na signal diha?” Tanong ko na

naniniguro sa tamang news broadcast na category 5 si Yolanda sa

Kabisayaan. Pero kinakabahan pa rin sila lalo na’t dumaan noon si Sendong, isa sa pinakamalakas na bagyo na di aasahang sasalantain ang Mindanao, kabilang na ang Cagayan de Oro.

“Basta naka-alerto tanan diri.” May bakas pa rin ng pag-aalala ang boses niya.

Pagkatapos kong tumawag kay Mama, naupo ako sa gitna ng mga nagkapatong-patong na karton. Para silang mga kabaong na kulay brown. Kakalipat ko lang noong isang linggo sa bagong apartment. Ilang kalye lang din ang layo. Mula sa King Khaled st. cross 21st, naka-

hanap ako ng mas maluwag na apartment sa 10th st., Aqrabiya. Na

halos di magkakalayo ang rental nito sa 16 thousand riyals per year.

May living room na akmang-akma para sa 3-seater sofa, sa harapan

ang 42 inches TV at nakapalibot ang 5.1 Channel speaker. Komport-

ableng-komportable naman ang 45 sq.metre bedroom nito, sa dulo

ang maliit na kusina at fully tiled bathroom. Sa bandang kaliwa, may espasyo pa ako para sa laundry o gawing utility area.

Nakakahon pa yung iba kong gamit. Binuksan ko ang TV. Binuk-

san ang laptop. Mas malala pa sa caffeine ng sampung tasa ng black

coffee ko sa araw-araw si Yolanda sa gabing iyon. Nakakabulahaw ang

mga balita.

Yung isang box na naroon ang mga gamit ni Salman. Inilabas ko isa-isa. Para silang mga bangkay, na inanod ng baha at inilatag sa tabi ng kalsada. Kinilala ko isa-isa ang mga damit na iyon. Iyong polo shirt na kulay blue, na regalo ko sa kanya nang 2nd year annirvesary namin. Ang tatlong Giordano long sleeves na paboritong isuot niya sa unang araw ng linggo. Ang limang polo na binili ko sa Bench nang magkabasyon ako noong Mayo. Gusto ko silang yakapin isa-isa. Nais kong magmalimos ng himala na magkakatawang tao ang mga walang buhay na tela.

Inabot ko uli ang karton. Kumuha ng duct tape. Isinilid ang mga damit. Isa-isa. At hindi tulad ng pagbaha, ng pagkulog at ng pagk-

idlat ni Yolanda na isa sa pinakamalakas na bagyo sa 235kph ang

tahimik kong pagkahon sa mga alaala. Siguro, sintahimik iyon ng pagluha ng mga mahal sa buhay ng higit-kumulang apat na libong nasawi. At milyong-milyong Pilipinong inanod, ibinaon sa putik at sa kawalan.

Naglista rin ako ng mga maaaring idagdag sa box tulad ng instant noodles, kape, asukal at canned goods. At ipapa-pick-up ko sa LBC bukas.

Nari-ring ang aking telepono. Nasa labas ang taga-LBC. Hindi niya alam ang bago kong apartment. Kaya nag-aatubili siyang katukin ang

Room 5 o kaya pindutin ang doorbell kahit may abiso na ako sa kanya

tungkol sa bago kong nilipatan na bahay sa Aqrabiya, Al-Khobar. “Iba ang address nito.” Nagtatakang tanong ng taga-LBC habang isinusulat niya sa receipt ang recipient name. “Akala ko po kasi taga-CDO kayo.” Dahil alam niyang halos lahat ng mga bagahe kong ipinapadala ay naka-address sa Mama ko sa Cagayan de Oro.

“Kumusta ang pamilya mo sa Pinas?”

“Sa awa ng Diyos, ayos naman po.” Habang ipinatong niya sa tim- bangan ang bagahe. “Kayo po, kumusta mga kamag-anak mo?”

“Okay naman. Lakas lang ng ulan dun sa amin. Malapit kami sa Lumbia airport. Nasa mataas na lugar kaya ligtas sa baha. At kahit noong Sendong, hindi kami masyado naapektuhan.”

Muling nag-ring ang aking telepono. Si Salman. Hindi ko sinagot

ang tawag sa halip inabot ko ang pambayad para sa lampas 30 kilong

bagahe.

“Grabe ang bagyong Yolanda. Nakakaawa yung mga biktima.” Inabot niya sa akin ang resibo. Idinoble ang nakakapit na packing tape sa karton. Rumaragasang parang baha ang bawat ikot ng duct tape sa bawat kanto ng kahon. Pagkatapos gupitin ang huling ikot ng tape, maingat na ipinatong niya ang box sa trolley. At nagwika na kahit hindi man tayo makakaligtas ng isang buhay ay sa pama- magitan ng pinakamaliit na paraan ay maipaabot natin ang ating pakikiramay.

Tumunog uli ang aking telepono, sinilip ko ang isang text message mula kay Salman. Inshallah, I hope Mom, your brothers, your family is fine. I saw the news about the typhoon in the Philippines...

“Aasahan niyo po na makakarating ito sa kanila.” Marahang-marah- ang itinulak ng delivery man palabas ng pinto ang bagahe.

Mga Liham ni Pinay Mula sa Japan

Dokumen terkait