• Tidak ada hasil yang ditemukan

Magsaliksik at bumasa ng iba pang suring basa sa internet. Sumulat ng pangungusap na pagsang-ayon at pagtutol batay sa binasang suring basa

Dalam dokumen FIL 10 LM_Q2 (2) (Halaman 53-57)

Yugto ng Pagkatuto

Pagsasanay 3: Magsaliksik at bumasa ng iba pang suring basa sa internet. Sumulat ng pangungusap na pagsang-ayon at pagtutol batay sa binasang suring basa

Pagnilayan at Unawain

Ngayon matapos mong maisagawa ang mga gawaing ibinigay, alam kong handa ka nang sagutin ang pokus na tanong:

1. Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang tuluyan ayon sa elemento nito?

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagtutol sa pagsasagawa ng suring basa?

Matapos mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa aralin na ito, handa ka nang ilipat ang iyong natutuhan.

Ilipat

Layunin mo sa bahaging ito na mailapat ang mga konseptong natutuhan sa mga araling tinalakay. Basahin nang may pag-unawa ang kasunod na sitwasyon upang maisagawa ito.

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang madagdagan ang iyong kaalaman sa mga konsepto ng aralin. Humanda ka na para sa susunod na aralin, ang mitolohiya mula sa bansang Iceland.

Ipinagdiriwang sa tuwing Nobyembre ang National Reading Month. Bilang bahagi nito, isasagawa ng inyong unibersidad ang Book Festival na inaasahang dadaluhan ng mga batikang manunulat, professor at mga guro sa iba’t ibang state college at mga mag-aaral.

Kaugnay nito, naanyayahan ka ng organizer na maging isa sa mga book critic na sasala sa pinakamahuhusay na librong magiging kasama sa sampung opisyal na kalahok na itatampok sa Book Festival.

Isasagawa mo ang book review (suring basa) batay sa sumusunod na pamantayan: a) kabuluhan ng nilalaman at lalim ng mga pananaw, b) lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan, c) pagsasaalang-alang ng mga elemento ng panunuring pampanitikan at d. makabuluhang presentasiyon.

Tatayahin ang iyong ginawa ayon sa sumusunod:

10 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan 8 puntos - tatlo sa mga pamantayan ang naisakatuparan 6 puntos - dalawa sa mga pamantayan ang naisakatuparan 4 puntos - isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan

Nagsasaad ang Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang Europa kabilang dito ang kanilang pinaniniwalaang mga diyos at diyosa na matutunghayan sa kanilang mitolohiya. Tinatawag na mitolohiyang Norse o mitolohiyang Eskandinaba ang mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang mga tao ay nagsasalita ng Germanic languages. Kabilang dito ang Svandinavia, Sweden, Norway, Denmark, at Iceland.

Matutunghayan mo sa araling ito ang mitolohiya ng Iceland na pinamagatang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante na orihinal na isinulat ni Snorri Sturluson. May mga gawain na inilaan upang makita mo ang mga elementong taglay ng mitolohiya na wala sa ibang akdang tuluyan at magamit mo ang mga pokus na tagaganap at layon sa pagsusuri at ang tekstong nagsasalaysay.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makasusulat ka ng pagsusuri sa mga elemento ng mitolohiya ng alinmang bansa. Ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) naipakilala nang mahusay ang tauhan sa mitolohiya, b.) nailalarawan nang mabuti ang tagpuan, c.) naisasalaysay nang maayos ang mga pangyayari, at d.) nailalahad nang wasto ang tema ng mitolohiya.

Inaasahan ding masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan? At paano magagamit sa pagsusuri ng mitolohiya ang pokus tagaganap at pokus sa layon.

A. Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante (Mitolohiya mula sa Iceland) ni Snorri Sturluson

(Isinalin ni Sheila C. Molina)

B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Wastong Pokus ng Pandiwa na Tagaganap at Layon sa Pagsusuri

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Aralin 2.4

Tuklasin

Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan At paano magagamit sa pagsusuri ng mitolohiya ang pokus tagaganap at pokus sa layon. GAWAIN 1: Magbasa at Magsuri

Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng mundo. Pagkatapos, sa kasunod na bahagi ay lagyan ng tsek (a) ang kahon kung ang binabanggit na elemento ng mitolohiya ay taglay ng binasa at isulat sa kuwaderno kung ang may salungguhit na paksa ng pangungusap ay nasa pokus tagaganap o pokus sa layon.

Paano Nagkaanyo ang Mundo?

Si Odin kasama ang dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba’t ibang bagay mula sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa katawan ng higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha sila ng kalupaan at mga bundok. Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na sulok nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magpoprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante. Tinawag nila itong Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap.

Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at buwan. Ang maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na pinangalanang Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Si Araw ay isang matalino at masayahing bata. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at mga kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Sila ay inutusang magpaikot-ikot habang nakasakay sa mga kabayo nila. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay siyang nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang asong-lobo.

Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkakaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.

Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng mundo.

Norse Mythology, kinuha noong Nobyembre 5, 2014 mula sa (http://www.wattpad.com/71491550-norse-mythology)

Mga Elemento ng Mitolohiya 1. Tauhan

mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan mga karaniwang mamamayan sa komunidad

2. Tagpuan

may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan sinaunang panahon naganap ang kuwento ng mitolohiya 3. Banghay

maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian

maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari

nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas

ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa

tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig

4. Tema

ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari pinagmulan ng buhay sa daigdig

pag-uugali ng tao

mga paniniwalang panrelihiyon katangian at kahinaan ng tauhan mga aral sa buhay

Dalam dokumen FIL 10 LM_Q2 (2) (Halaman 53-57)