• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan

Dalam dokumen 3rd Quarter Module (Halaman 31-35)

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang lalaki din ay biktima nito. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.

Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda)na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan. Ang layunin ng araling ito ay nakatuon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan na may kaugnayan sa mga LGBT, sa mga babae at mga lalaki bagama’t may CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discriminations Against Women (1979) na ang mga babae, may ilang mga bansa at insidente pa rin ng hindi-pantay na pagtingin at pagtrato sa mga babae.

Sa araling ito, ilalatag ang impormasyong nagpapakita ng diskriminasyon at karahasan sa mga babae, lalaki, at LGBT. Nakapaloob din sa araling ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing diskriminasyon at karahasan sa ibat’ ibang bahagi ng daigdig.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ng aralin, ilalatag ang mga diskriminasyong nararanasan ngkalalakihan, kababaihan, at LGBT sa iba’t ibang panig ng daigdig sa kamay ng pamilya at ng lipunan. Pagkatapos ng bahaging ito, maaari mong balikan ang katanungan at ang iyong kasagutan sa gawain sa bahagi ng ALAMIN. Maaari mong pagtibayin ang iyong mga kasagutan o iwasto kung may maling konsepto o sagot na nabuo. Simulan mo na.

Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT

Sa bahaging ito ng aralin makikilala mo ang ilang mga babae, lalaki at LGBT na kilala sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa buong mundo. Maaari ring mangalap ng iba pang impormasyon tungkol sa mga personalidad na ito upang mas malawak na makilala ang kanilang buhay bilang myembro ng lipunan, bukod sa mga personalidad na ito inaasahan din na magsaliksik ang mag-aaral ng iba pang mga personalidad na kinikilala sa kanilang larangan.

ELLEN DEGENERES (lesbian)

Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice Pempengco.

noong 1991. Siya ay nagging presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation noong 2008-2015.

DANTON REMOTO (gay)

Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

MARILLYN A. HEWSON (babae)

Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang pananatili sa kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.

CHARICE PEMPENGCO (lesbian)

Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid.

ANDERSON COOPER (gay)

Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN.

PARKER GUNDERSEN (lalaki)

Siya Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may sangay sa ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.

GERALDINE ROMAN (transgender)

Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng Anti- Discrimation bill sa Kongreso.

Gawain 15. May ‘K’ Ka!

Matapos makilala ang ilang LGBT na naging matagumpay sa kanilang napiling larangan, bumuo ng isang pangkat. Para sa gawaing ito, gagamit ang bawat pangkat ng meta cards na ididikit sa modelong

pangkat ang mga trabahong sa tingin nila ay angkop sa napili o naitalagang paksa.

Pangkat A. LGBT Pangkat B. Babae Pangkat C. Lalaki

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat sa kasariang itinalaga sa kanila? Ipaliwanag

2. Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag.

3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong naisulat ng ibang pangkat? Bakit may mga pagkakatulad?

4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat? Ipaliwanag.

5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa lalaki (halimbawa, piloto, engineer, boksingero, astronaut)? Ipakilala sila sa klase.

6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa babae? Ipakilala sila sa klase.

7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na matagumpay sa larangang kanilang napili? Ipakilala sa klase.

8. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong papasukan? Ipaliwanag.

Dalam dokumen 3rd Quarter Module (Halaman 31-35)

Dokumen terkait