• Tidak ada hasil yang ditemukan

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Dalam dokumen BULLYING (PAPEL PANANALIKSIK) (Halaman 22-35)

Kabuuang Bahagdan

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pagbaba ng kumpiyansa sa sarili 4 8.5%

Naging mahiyain 7 14%

Naging matapang 4 8.5%

Naging bully 10 20%

Naging tahimik 5 10%

Nag-iba ang ugali (kabaliktaran ng dati) 4 8.5%

Naging madamdamin 2 4%

Naging masungit o magagalitin 5 10%

Naging palaaway 4 8.5%

Hindi agad nagtitiwala 2 4%

Naging mapagtimpi 1 2%

Natutong rumespeto 1 2%

Makikita sa talahanayan na nakahihigit ang sagot na “naging bully” na may 20% o 10 respondente; 14% o 7 respondente naman ang naging mahiyain; 10% o 5 respondente naman sa parehong tugon na “naging tahimik” at “naging masungit o magagalitin”; 8.5% o 4 na respondente naman ang sumagot sa parehong mga tugon na “pagbaba ng kumpiyansa sa sarili”, “naging matapang”, “nag-iba ang ugali” at gayundin sa “naging palaaway”; 4% o 2 respondente

naman ang sumagot sa parehong tugon na naging madamdamin at ang ugaling hindi na agad nagtitiwala sa iba; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na naging mapagtimpi at natutong rumespeto.

Ikalawang Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 5

Uri ng Pambu-bully na Naranasan ng mga Mag-aaral

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pisikal 13 13%

Berbal 55 82%

Di-tuwiran 32 48%

Intimidasyon 2 3%

Makikita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang berbal na uri na may 82% o 55 respondente. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ng mga mag-aaral ang nakararanas ng pambu-bully sa paraang berbal. Sinundan naman ito ng “di-tuwiran” na uri na may 48% o 32 na respondente; 22% o 15 na respondente sa “social alienation” na uri; 19% o 13 na respondente sa “pisikal” na uri; at 3% o 2 respondente naman sa “intimidasyon” na uri.

Ikatlong Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 6

Dahilan ng Pambu-bully sa Pananaw ng mga Biktima

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Hindi alam 8 12%

Mahina 2 3%

Inggit 17 25%

Kulang sa pansin 3 4.5%

Masama talaga ang ugali (bully) 4 6%

Pisikal na kaanyuan 10 15%

Naiiba sa kanila 3 4.5%

May nakitang mali o katawa-tawa 6 9%

Walang magawa sa buhay 4 6%

Pinagkakatuwaan 3 4.5%

Patunayan na mas mataas sila 2 3%

Naging biktima rin ng pambu-bully 1 1.5%

KABUUAN 67 100%

Makikita sa talahayanan na may 25% o 17 na respondente ang sumagot ng “inggit”. Sinundan ito ng 15% o 10 respondente na sumagot na dahil ito sa “pisikal na kaanyuan”; 12% o 8 respondente naman ang sumagot ng “hindi alam”; 9% o 6 na respondente ang sumagot na “may nakitang mali o katawa-tawa sa kaniya”; 6% o 4 na respondente sa parehong mga tugon na “masama talaga ang ugali ng bully”, “masyadong mabait” at gayundin ang “walang magawa sa buhay”; 4.5% o 3 respondente naman ang sumagot sa parehong mga tugon na “kulang sa pansin”, “naiiba siya sa kanila” at gayundin ang “pinagkakatuwaan”; 3% o 2 respondente naman sa parehong tugon na “mahina” at “gustong patunayan na mas mataas sila”; att 1.5% o 1

respondente naman ang tumugon na maaaring naging biktima rin sila ng pambu-bully.

TALAHANAYAN BLG. 7

Pamamaraan ng mga Biktima upang Malabanan ang Pambu-bully

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Hindi pinansin 35 52%

Kimompronta o kinausap 2 3%

Lumaban 8 12%

Naging matatag 4 6%

Sinangguni sa guro o magulang 5 7.5%

Umiwas 8 12%

Nagdasal 1 1.5%

Nakisakay na lamang 4 6%

KABUUAN 67 100%

Makikita sa datos sa talahanayan na nakahihigit ang tugon na “Hindi pinansin” na may

52% o 35 na respondenteng tumugon. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ang gumagawa ng gayong paraan. Sinundan naman ito ng mga tugon na “lumaban” at “umiwas” na

sa kaniyang guro o magulang; 6% o 4 na respondente naman ang parehong tugon na “naging matatag” at “nakisakay na lamang”; 3% o 2 respondente naman ang sumagot na “kinomprota/kinausap”; at 1.5% o 1 respondente naman ang sumagot na nagdasal na lamang

siya.

KABANATA IV

Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang huling kabanata ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga natuklasan at konklusyon mula sa sinuring datos sa isinagawang sarbey at ang rekomendasyon na mula naman sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental, Sosyal, at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral” ay naglalayong matuklasan ang mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin: (1) Ano ang epekto ng pambu-bully sa aspetong: pisikal? mental? sosyal? moral ng mga mag-aaral?; (2) Anong uri ng pambu-bully ang narasan o nararanasan nila?; (3) Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng mga biktima?; at (4) Ano ang pamamaraang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang pambu-bully?

Natuklasan

Ang mga suliranin sa pag-aaral na ito ay natugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey ng mananaliksik. Bilang resulta nito, natuklasan ng pag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap.

Sa unang suliranin ng pag-aaral, natuklasan na ang pananakit ng katawan ang pangunahing epekto ng pambu-bully sa pisikal na aspeto. Nakakuha ito ng 26% o 9 respondente ayon sa 51 porsyento na nakapagsagot ng mayroon itong epekto. Sa mental na aspeto naman, ang pagkakaroon ng takot o trauma ang dulot ng pambu-bully. Nangangahulugan itong nag-iiwan ng marka sa isip ang mga karahasang nararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 23% o 10 respondente ayon pa sa 64% na nakapagsagot na may epekto ang pambu-bully sa kanilang mental na aspeto. Ang mga mag-aaral naman ay nagiging mahiyain na at nahihirapan sa pakikisalamuha sa mga tao bilang epekto ng pambu-bully sa kanilang aspetong sosyal na nakakuha ng 37% o 22 respondente ayon sa 80% na sumagot na may epektong dulot ang

pambu-bully sa kanilang moral na aspeto. Nangangahulugan itong mababawasan na ang mga taon kanilang makikilala sa kanilang buhay. Sa moral na aspeto, ang pagiging isang bully din ang pangunahing naging epekto ng pambu-bully sa mga mag-aaral na nakakuha ng 20% o 10 respondente ayon sa 73% na sumagot na may epekto sa ang pambu-bully sa kanilang aspetong moral. Nangangahulugan itong naimpluwensyahan ang mga mag-aaral sa mga gawaing ginawa sa kanila. Masasabing naiugnay ito sa teoryang “ecological systems”.

Sa ikalawang suliranin, natuklasan ng mananaliksik na pambu-bully sa paraang berbal ang pinakanararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 82% o 55 tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan ito na madalas silang tuksuhin, asarin o „di kaya‟y pagsalitaan ng

masakit ng mga nambu-bully. Pumapangalawa naman ang di-tuwirang uri na may 48% o 32 respondente kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring pinagtsi-tsismisan, tinatraydor o „di kaya‟y pinaplastik lamang.

Sa ikatlong suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang mga mag-aaral ay binu-bully marahil dahil sa inggit. Ito ay nakakuha ng 25% o 17 respondente. Nangangahulugan itong may ideya ang mga mag-aaral na mayroon silang kakayahan na maaaring kainggitan sa kanila ng mga tao na naging dahilan kung bakit sila binu-bully. Pumangalawa naman ang pisikal na anyo bilang dahilan ng pambu-bully sa kanila. Nakakuha ito ng 15% o 10 tugon mula sa mga respondente.

Sa ikaapat at huling suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang hindi pagpansin sa pambu-bully sa kanila ang nagsilbing pamamaraan ng mga mag-aaral upang maiwasan at malabanan ito. Nakakuha ito ng 52% o 35 na tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan itong magsasawa at titigil din ang mga nambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.

Konklusyon

Ang pag-aaral na ito ay nagbigay-kaisipan sa mananaliksik na nagtulak upang makabuo ng konklusyon.

Nabuo sa isipan ng mananaliksik na malaki ang epektong naidudulot ng pambu-bully sa iba‟t ibang aspeto ng mga mag-aaral partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto

nila. Magkakaroon lamang ng epekto sa kaniyang pisikal na aspeto kung siya ay binu-bully ng pisikal. Maaari siyang magtamo ng pananakit ng katawan at kung malala pa‟y mga sugat at mga

pasa na ang kaniyang makuha sa karahasang dinaranas niya. Nag-iiwan din ng marka sa isipan ng isang mag-aaral ang pambu-bully sa kaniya dahil sa takot na siya‟y masasaktan. Ang “trauma” na ito ay may malaking epekto sa kaniyang pakikipagkapwa. Siya ay magiging

mahiyain at mahihirapang makisalamuha sa iba, magiging mapili sa tao at kung lalala pa doo‟y magiging takot o iwas siya sa tao sa pag-aakalang sasaktan o ibu-bully rin siya ng bawat makakasalamuha niyang tao. Nakahahawa din ang pagiging isang “bully”. Maaari itong makuha

ng isang mag-aaral mula sa mga taong nambully sa kaniya sa dahilang gusto niyang gumanti sa iba o „di kaya nama‟y nagustuhan din niya ang pananakit sa ibang tao.

Kadalasang panunukso, pang-aasar at pagsasabi ng masasakit na salita ang kadalasang nararanasan ng mga mag-aaral. Minsa‟y biro lamang ito sa mga nambu-bully ngunit hindi nila alam na nakasasakit na sila ng tao. Ang pambu-bully sa berbal na uri ay kadalasang bunga ng “immaturity” ng mga bully. Masaya sila na nang-aasar ng mga tao na parang mga bata.

Ang bawat mag-aaral ay may mga bagay sa kanilang sarili na maaaring ika-inggit ng iba. Ito ang isa sa mga dahilan na pinaniniwalaan ng karamihan kung tatanungin ang panig ng biktima. May ugali, kadalasan, ang mga nambu-bully na kapag mayroon silang nakitang wala sa kanila at nakita nila ito sa iba, nakararamdaman sila ng yamot at inggit kung kaya‟t gusto niyang nasasaktan ang kinaiinggitan niya. Ilan din sa mga dahilan kung bakit mayroong mga bully ay dahil ninanais nila na magkaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang iba o ang pagiging mataas kaysa sa ibang tao (teoryang dominance) at dahil sa pag-adap nila sa parehong gawain ng nasa kaniyang kapaligiran (teoryang ecological systems), nagiging kaaakit-akit sa kanila ito at nagkakaroon sila ng kuryosidad ukol sa pambu-bully kung kaya‟t nagagamit nila ito sa pakikisalamuha sa ibang tao (teoryang attraction)

Naiiwasan naman ang “bullying” ngunit nakadepende na rin iyon sa pamamaraan ng

biktima. Maaari itong maiwasan ng biktima sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa mga nambu-bully dahil hangga‟t pinapansin niya ito at nagpapaapekto siya rito, lalong hindi titigil ang mga

tao na i-bully siya. Hangga‟t maaari rin ay panatilihing umiwas sa mga nambu-bully at mas makabubuti kung sumasangguni ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro, lalo na kung ang pambu-bully ay nasa loob lamang ng paaralan, at sa kanilang mga magulang.

Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito, walang alinlangang pagpapalagay ng mananaliksik na walang mabuting dulot ang pambu-bully sa isang tao. Isa itong uri ng karahasan na dapat matigil at masugpo. Maaaring sa panig ng nambu-bully ay may maganda itong naidudulot dahil ito‟y kanilang kasiyahan ngunit isa naman itong pagkakasala sa kanila.

pananaliksik na ito. Ito ay dahil na rin sa kaalaman ng mananaliksik ukol sa paksa kung saan nakasaksi at nakaranas siya nito.

Rekomendasyon

Batay sa kabuuang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, nakabuo at nakapagbigay ito ng ilang rekomendasyon.

Sa mga mag-aaral na kasalukuyang nabu-bully, iminumungkahi ng mananaliksik na huwag gumawa ng reaksyon o magpakita ng nararamdaman kapag ikaw ay nabu-bully dahil mawawalan sila ng gana kapag wala kang pakialam. Ayon na rin sa Kawikaan 29:11, Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.” Maaari rin kausapin o sagutin

ang mga nambu-bully sa paraang hindi nila inaasahan dahil ayon sa Kawikaan 15:1, “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” Huwag din naman gaganti sa mga

nambu-bully dahil lalong lalala ang sitwasyon kapag lumaban pa pabalik. At mula na rin ito sa Roma 12:17, “Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama.” Magkaroon din naman kayo ng

kumpiyansa sa sarili dahill alam ng mga nambu-bully kapag kinakabahan kayo at maaari nila iyong samantalahin upang sirain ang natitira mo pang kumpiyansa. Hangga‟t maaari rin ay

umalis ka at iwan mo sila. Ang pagtahimik ay nagpapakitang “matured” ka at mas matatag kaysa sa nang-iinis sa‟yo. Pigilan din ang iyong sarili dahil iyon ang isa sa mga ugaling wala sila. Huling rekomendasyon ng mananaliksik ay ang pagsusumbong. Ito na rin ang pinakamabisang

paraan upang matigil ang pambu-bully sa inyo. Mas may kakayahan ang mga pagsusumbungan mo kaysa sa mga nambu-bully sa‟yo.

Sa mga nambu-bully, inirerekomenda ng mananaliksik na itigil na ang pang-aapi sa ibang tao dahil maaari itong makaapekto sa kaniyang buhay. Maaaring magdulot ito ng kasiyahan sa inyo ngunit tandaan ninyo na iyo‟y panandalian lamang at dapat ninyon haraping ang kasalanan

ninyo sa Kanya.

Sa mga guro at magulang, ninanais ng mananaliksik na mas pagtibayin pa ang atensyon at paggabay sa inyong mga anak upang walang karahasang nangyayari. Hindi man sa inyo nakukuha ng inyong mga anak ang pambu-bully ngunit nararapat na bigyan ng pansin ang mga kagawian ng inyong mga anak lalo na sa paaralan. Lubos na naiimpluwensyahan ang inyong mga anak sa mga gawain na nakikita at nakakasalamuha niya sa kapaligiran (teoryang ecological system)

Sa mga iba pang mag-aaral at mananaliksik, lubos na iminumungkahi ng mananaliksik na magsagawa pa ng ilang pag-aaral ukol sa “bullying”. Bagama‟t marami na rin ang mga pag-aaral na nagsasagawa nito, ninanais ng mananaliksik na tumuon pa sa iba pang aspeto ng isang indibidwal na maaaring maapektuhan ng pambu-bully. Maaari rin na magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa pagsugpo ng pambu-bully kahit na maiisip ng karamihan na imposibleng matigil ang karahasang ito. Marami pang hindi napapatunayan at hindi natutuklasan kung kaya‟t lubos na nirerekomenda ng mananaliksik ang mga nabanggit.

Referensya

Bennett, C. (2009). Literature Review of Bullying at Schools. http://umanitoba.ca/faculties/ education/ media/ Bennett-09.pdf

Espelage, D.L. & Swearer, S.M. (Ed.) (2004). Bullying in American Schools: A Social- Ecological Perspective on Prevention and Intervention. Mahwah, New Jersey: Routledge.

O‟Connor, JA. (2012). An Examination of Bullying Within Middle School Physical Education. (Doctoral dissertation) https://www.ideals.illinois.edu/bitstreamz/handle/2142/31044/ OConnor _Jamie.pdf

Peterson, J.S. & Ray, K.E. (2006). Bullying and the Gifted: Victims, Perpetrators, Prevalence, and Effects. https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20% 20Spring %202006.pdf

Taboy, F. (2013, Agosto 15). 9-anyos, patay sa bullying. http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9- anyos-patay-sa-bullying/

Vicencio, C. B. (2012). Pang-Aapi (Bullying) Sa Paaralan… Dapat Maiwasan. http://www. deped-ne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01=AP12120001& CMonth= 12&CYear=2012

Bullying in the Philippine Setting (2007, Hunyo 30). http://safeschoolenvironment.blogspot.com/ 2007/06/bullying-in-philippine-setting.html

Mga Saksi ni Jehova. http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/ Philippines Toward a Child-Friendly Education Environment. (2013, Agosto). http://www.

studymode.com/ essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-Environment-1870111.html

“Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” (Kawikaan 15:1) “Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama.” (Roma 12:17)

Dalam dokumen BULLYING (PAPEL PANANALIKSIK) (Halaman 22-35)

Dokumen terkait