• Tidak ada hasil yang ditemukan

169 naoverwhelm?! Yung ilaw nakatutok pa din saming dalawa.) Araw araw, naiinlove ako sa iisang tao sa ibat ibang

dahilan. May mga araw na sobrang kulit niya, minsan pag nasa room sobrang COOL, pag naman kasama ko siya.. wala na akong masabi. wala ka ng hahanapin pa sa lalaki, lahat nasasakanya na. Sobrang mahal na mahal kita Ervin. Tandaan mo yan! (laht ng tao naluluha na, tapos lahat nag a awww.) Pero minsan may mga bagay na kelangan tapusin, kelangan layuan, kelangan.. isuko. Kasi sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao, gagawin mo ang lahat, kahit pa magdusa ka at masaktan, para lang hindi masaktan yung mahal mo. Kaya.. Sa gagawin ko, sana maintindihan niyo. ;( "

Bakit naging ganun yung speech ni prinsesa? Hindi ko na tuloy maintindihan ang nangyayari, tapos yung iba napa HUH din, yung barkada naman tumingin sakin, tapos tinaas ko yung balikat ko, na sinasabi na 'hindi ko din alam ang nagyayari' tpos si Dominic napa Haaaay. ANO BA NANGYAYARI?! Maya maya.. nagsimula ng kumanta si prinsesa, hndi siya tumitingin sakin. nakatingin siya sa baba. O kaya sa iba.. basta.. ang lungkot niya?

"Wish I could be the one The one who could give you love The kind of love you really need wish I could say to you

That I'll always be with you But baby that's not me

You need someone willing to give their heart and soul to you Promise you forever Baby that's something I can't do Oh I could say that I'll be all you need but that would be a lie I know I'll only hurt you, I know I'll only make you cry I'm not the one you needed..

I love you goodbye.. Ervin :(("

Ano daw? I love you goodbye Ervin? Huh? Lahat tumahimik.

"Ervin, I'm sorry, I am ending this, hindi ko na kaya, hirap na hirap na ko. It's not you, It's me. I'm sorry :("

Tapos umalis siya, lahat naman ng tao nakatingin sakin. Nakinig ko na naman ang line na pinaka ayaw ko 'It's not you, it's me'

Ito ba ang isa pang birthday gift niya na hindi ko makakalimutan? Well, hindi ko talaga makakalimutan. Kaya I need to stop her at sabihin na okay na. At bawiin na namin yun.

Tumakbo agad ako, sinundan ko si prinsesa siyempre.. pumunta siya dun sa garden niya. Nakita ko na lang siya dun. Umiiyak na. Totoo ba yun?! Ano ba?!

170

"Prinsesa?"

"Ervin? Anung ginagawa mo dito?"

"Sinundan kita, ano ba yung sinasabi mo dun ha? Anong tinatapos mo na? Yun ba yung birthday gift mo? Haay naku prinsesa ikaw talaga sari sari ka. Halika na, bumalik na tayo dun. So much for surprises! baka maniwala sila sige ka! Halika na."

Nilapitan ko siya, held my hand skanya, alam kong ramdam niya kahit nakatalikod siya sakin. Pag harap nito tumatawa na to ganan naman yan eh..

..but I was wrong.

CHAPTER 41

DOMINIC'S POV

Si Charlotte, sinabi na niya sa lahat ng tao. Umiiyak siya na umalis dito, si Ervin naman mukhang gulat na gulat din. Bakit ba kasi napakaself sacrificing niyang si Charlotte eh, kailangan niyang magpakasakit para lang di masaktan si Ervin. Ito namang si Ervin t@t@n6@ t@n6@!! Hindi man lang niya nahahalata na ang payat na ni Charlotte, na maputla siya. Ang swerte swerte niya kasi mahal na mahal siya ni Charlotte, na may nagmamahal sa kanya ng ganun. Oo alam ko, mahal na mahal din siya ni Ervin pero bakit di man lang niya alamin?! Si Charlotte ang nahihirapan..

..teka

Bakit ba ako Charlotte ng Charlotte? Nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya? Hindi si Vianca.. pero wala na si Vianca eh break na kmi yun ang katotohanan.. hindi kaya, I'm falling for Charlotte?

Maya maya tumakbo na si Ervin, sinundan si Charlotte, lahat naman ng tao nagtaka, ang dami ng ingay. Nakita kong lumalapit sakin sina Rica, pero tumakbo ako. Hindi sa tinakbuhan ko sila, pero kailangan kong sundan si Ervin at Charlotte. Baka mahimatay dun si Charlotte. Napadpad ako sa garden.. ah ito yung bigay ng mama ni Charlotte sa kanya. Ang ganda, parang paradise sa loob. Ang daming ilaw, ang daming bulaklak, may fountain pa sa gitna. May mga candy bars dun sa isang sulok. Parang paradise na pamabata. Ewan, Charlotte na Charlotte. Tapos nakita ko si Ervin, inaabot ang kamay kay Charlotte, e nakatalikod si Charlotte.

Humarap si Charlotte..

"HINDI ERVIN! Hindi to joke! Hindi to loko! Tinatapos ko na talaga ang lahat. Hindi ikaw ang may kasalanan, ako! Ako! Hindi ikaw ang nagkulang. Salamat sa pagmamahal sakin ng tunay. Sa pagbibigay sakin ng lahat lahat, sa pagturing sakin na prinsesa. Pero Ervin.. hirap na hirap na ako! HIRAP NA! Hindi ko alam kung itutuloy ko to at mahihirapan tayo parehas pero alam kong masasanay ka pag wala ako, o magiging selfish ako at itutuloy ang relasyon na to na wala namang pupuntahan. Alam kong parehas tayong masasaktan. Pero wala akong choice!! WALA! Kung merun e di sana--"

"Prinsesa! Hindi kita maintindihan! Ano bang nangyayari sayo?! Hindi natin to tatapusin! Mahal natin ang isa't isa. Hindi! Hindi natin to tatapusin!"

"Wag mo na akong pahirapan please lang. Wag na! Tapusin na natin to." "BAKIT?! Bakit mo ba gustong tapusin to?! Hindi! Ayoko! Ayoko!" Hinawakan na ni Ervin si Charlotte sa shoulders.

"Hindi prinsesa! Ayokong tapusin to! Utang na loob.. (napaluhod na si Ervin tapos umiiyak na din, si Charlotte namin pinpigil pero umiiyak pa din) Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala ka. P0t@! Wag naman oh please lang. Wag mo kong iwan!"

171

"Kailangan Ervin! Kailangan!"

"BAKIT BA?! Sabihin mo nga sakin kung bakit?! Ayos naman tayo ah? Kahapon ang saya saya pa natin ah? Nagdate pa tayo! Knina lang hbang kumakain hnd mo bnbtawan ang kamay ko, hinalikan mo pa ako..Bakit.. bakit tinatapos mo na agad. Ano bang nangyari?!"

"Madami! Madaming nangyari! Mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil ayokong pahirapan ka. Please, ginagawa ko to para sayo. Ayokong masaktan ka!"

"T@n6in@ naman prinsesa! Sabihin mo sakin! Masaktan man ako wala akong pakialam! Basta wag mo kong iiwan! AYOKO! AYOKO!"

Iyak na ng iyak si Ervin. Nasigaw na din siya, si Charlotte walang magawa kundi ang umiyak. Binitawan ni Ervin si Charlotte tapos naluhod na sa sahig nagtakip na ng mata tapos umiyak na. Si Charlotte naman iyak na din ng iyak. Ang tanga tanga ng dalawang to! Nasasaktan sila parehas eh! Alam naman na mahal nila ang isa't isa eh.

"..may mahal ka na bang iba? Si Dominic ba? siya ba?! Hindi mo na ba ako mahal?"

Nakaupo pa din si Ervin dun tapos nakatakip ang mukha, si Charlotte naman ayun hindi naimik. "..naman prinsesa! Magsalita ka. SIYA BA?! ..Sige. Ayos lang. Ayos lang."

Ano daw? Ayos lang? Susuko na din ba siya? Iiwan niya ba si Charlotte?.. At mas magulo bakit parang natutuwa ako? Napatingin si Charlotte sknea, tumingin din si Ervin sa kanya.

"..kung mahal mo siya ayos lang. AYOS lang. Pero please wag mo kong iiwan, sige magdate kayo! Ayos lang, maglampungan kayo sa harap ko pero wag kang makipagbreak sakin, kahit pekein mo lahat pag magkasama tayo. Kahit magmukha ka ng manequin sa harap ko pag magkasama tayo ayos lang.. please lang! Wag mo kong iiwan. Mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko, t@n6ina baduy man pero totoo to!"

Tapos ayun sobrang umiyak na si Ervin.. Sobra na talaga. Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganan. Mahal na mahal talaga niya si Charlotte.

"Ervin, (lumuhod siya, tapos niyakap si Ervin.) hindi yun ang dahilan. Mahal na mahal din kita, ikaw lang. Ikaw lang.. pero may mga bagay na kailangan mangyari.. mga bagay na kailangan kong gawin. Please, wag kang umiyak.. please. Wag. Wag mong ipakta na nasasaktan ka. Kung mahal mo ko papakawalan mo ko. Kung mahal mo ko hindi mo na ako papansinin. Kung matalino ka hindi mo na ako papansinin kahit kailan na parang hindi ako naging parte ng buhay mo!"

"HINDI! Hindi ko kaya yun. (yumakap na siya kay Charlotte, sobrang higpit. Kitang kita mo naman, tapos iyak siya ng iyak) Bobo na kung bobo pero hindi ko kaya yun. Hindi ka lang parte ng buhay ko.. IKAW ANG BUHAY KO!"

"Ervin, please. wag mo na akong pahirapan huh? Please, wag mong ipakita sakin na nasasaktan ka baka magsisi ako sa mga ginagawa ko. Please, sundin mo na lang ako."

Magkayakap lang sila dun, mga 5 min pa ata sila umiyak na ng umiyak. hanggang sa.. "12:00 na.. goodbye na Ervin. I'm sorry. I love you. :'(("

Tumayo na si Charlotte, tumayo na din si Ervin, naglakad si Charlotte. Nakatalikod na. Hinawakan ni Ervin ang kamay niya pero binitawan ni Charlotte ng hindi natingin. Tapos umalis na..

"PRINSESA!!"

Sumigaw si Ervin pero patuloy pa din ng paglakad si Charlotte. Papalapit na siya sakin. Nakita niya ako, nagsmile siya. tapos nahimatay na siya.

172

CHAPTER 42

CHARLOTTE'S POV

October 29, 2009 -- Our official breakup :( August 24 nagin kami, 2 months lang pala kami, pero parang ang dami dami ng nangyare.. haaay :(

By the way, asa kama ako ngayon. Nahimatay daw ako sabi ng Ate, sabi daw sa kanya ni Dominic na hinatid daw ako sa bahay, panung hindi. Naubos ata ang tubig ko sa katawan dahil sa kakaiyak. hmmm. gutom na ako. Lalabas na sana ako eh kaso pumasok ang ate. Kasama si Ate Rea. Natigilan ako, andiyan kaya si Ervin? Wala siguro. Malamang sinumpa na ako nun dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Charlotte" -- Tinawag ako ni Ate Rea tapos *SLAAAAP*

Nabigla ako at si Ate. Ang sakit nun ah.

"Ano ka ba Rea! Bakit mo ginawa yun kay Charlotte?!"

"Charlene! Alam mo ba kung nasan si Ervin? Asa bahay! Ayaw kumain, ayaw lumabas ng kwarto! Maging ako ayaw na pakinggan!"

Ayaw kumain? Ang tanga tanga naman niya! Sabi ko sa kanya wag magpapakita na nasasaktan siya! Na wag siya magiging mahina! Ayan.. naiiyak na naman ako..

"..I'm sorry Ate Rea."

"Sorry?! Sapat na ba yung sorry?! Sa tingin mo pag nagkasakit ang kapatid ko may magagawa ang sorry mu ha?! Talandi ka! Sinaktan mo siya!"

Tapos hinawakan siya ni Ate sa kamay tapos hinarap sa kanya si Ate Rea.

"Hindi naman kita mapapayagan sa pag ganyan mo sa kapatid ko! Akala mo ba si Ervin lang ang nahihirapan?! Hindi nuh si Charlotte din. Wala kang alam! Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ginawa yun ni Charlotte."

"..ATE! Wag mong sabihin!"

"NO! She has to know! Alam na ni Tita Rizza, alam na niya.. alam niya at nandun siya nung sinabi ng mga doktor na may brain tumors si Charlotte at pwede yung tumuloy sa BRAIN CANCER naiintindihan mo?! BRAIN CANCER! Ayaw niyang ipaalam kay Ervin kasi masasaktan lang siya! Kaya wala kang karapatan sampalin siya lalo na sa harapan ko" Nanahimik ang lahat.. alam na ng ate.. napaiyak na lang ako. Naalala ko lahat ng nangyari kagabi.

"I'm sorry (tapos hinug niya ako) I'm sorry Charlotte, I'm really really sorry."

Sabi ko okay lang yun, okay lang sakin ang lahat, at sinabi ko na sana wag sasabihin kay Ervin. Dahil magiging walang saysay lahat ng paghihirap ko ngayon.

2 days later..

Andito ako sa ospital.. kung nagtataka kayo kung bakit walang pasok nung bday ni Ervin kahit tuesday.. kasi SEMBREAK namin. :) malapit na kasi ang all saint's day db? at.. November 1 na ngayun at andito ako asa ospital. Nagchills kasi ako kahapon at ang taas taas ng lagnat ko, sinusuka ko din lahat ng kinakain ko (sorry, gross) ewan ko pero pakiramdam ko humihina na talaga ako. Madalas na din akong mapagod kaya dinala na nila ako dito sa ospital. Yes. I'm trapped here. Pero dahil nga ayokong may makaalam, sabi ko sabhin nila I went to US muna to visit some relatives.

Sabi ko din kina mama at ate na wag na muna bumisita dito, baka may maksunod sa kanila. Kahit na gustong gusto kong pumunta sa libingan ng Lola ko, I can't. Sa kanya ko kasi nasasabi ang lahat. Since asa America si Ate and.. you know mom. I want to tell her everything ang lahat ng sama ng loob ko, lahat ng sakit na nararamdaman ko.

173