• Tidak ada hasil yang ditemukan

Dahil sa register na hinihingi ng siwasyon, ang varayti ng wika na may kinalaman sa register ng mga salita sa pangingisda o ang mga salitang ginagamit at may kaugnayan sa pangingisda, ay siyang sinuri at hinanapan ng datus mula sa mga mismong mangingisda. Gamit ang register ng salita sa pangingisda, tinukoy at sinuri ang vareyti ng mga ito, dahil sa pagkakaiba ng katangian at kapaligirang pinagmulan ng mga ispiker nito.

Dalawang varayti ng wika ang nasuri na ginagamit ng mga mangingisda. Isa nito ay ang halo o blend ng Bisaya at Tagalog. Tagalog na Binisaya ang tawag nito ng mga mamamahayag. Sa informal na huntahan, tinatawag din itong Bis(ayang) (Taga)log o

BISLOG, at kung minsan TAGBIS. Halatang halata na ang wikang ito, sa pananaw ng

mga ispiker nito, ay halo o blend ng Tagalog at Bisaya.

Tunghayan ang mga pangungusap na hango sa “Tagalog na Binisaya” at ang mga hango sa diskurso ng mga mangingisda sa kanilang trabaho. Ang mga salitang italisado ay ang mga pormang hindi tumutugma sa sa Tagalog.

a. Dahil wala namang mahuling aring sakag , naglibang libang ako.

b. Wag lang yung dagat na magtabok kami dahil takot akong sumakay ng Bangka para tumabok.

c. Inisip naming na mas mabuti kung muhawa na lang mi kay kusog lagi ang ulan!

d. Bakladin man natin yan?

e. Bumabaldig ‘yong liteng. Pabangkisan muna kasi mo.

Ang susunod naman ay dayalog ng resertser (A) at ng isang mag-aalamang sa dulong Tangos, barangay sa dulo ng Navotas.

A: Saan ho ang sakayan papuntang Pulo? B: Medyo layolayo pa.

A: Saan ho ba magandang dumaan?

B: Ulas tayo. Bankerohan man ito. Kung dito ka magdaan, baha man gud ngayon. Pero mas

ideal dito.

Ang isa namang uri ng varayti ay mas medaling maunawaan sapagkat ito ay halo ng mga salitang Tagalog at iba pang probinsya sa Luzon gaya ng Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite. Ang varayti ding ito ay malapit sa Filipino na ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipagtalastasan sa Metro Manila. Ito rin ay may konting batik ng Ingles.

a. Sinalapang ni Juan ang dalag nang umanagat sa tubig.

c. Aba’y balinggiyot namang itong nakuha mong isda!

Ang Tagalog na Bisaya (na tinatawag ring BISLOG o TAGBIS). Balikan natin ang ilang pangungusap na ibinigay hanggang sa ibaba:

a. Wag lang yung dagat na magtabok kami dahil takot akong sumakay ng bangka para tumabok.

b. Inisip naming na mas mabuti kung muhawa na lang mi kay kuso lagi ang ulan!

c. Hindi ako makatu-o sa ginawa niya!

Pansinin natin ang halo ng mga salita sa loob ng pangungusap: sa unang pangungusap, ang verb sa Bisaya magtabok at tumabok (rutword: tabok, TAG. Tawid); sa ikalawang pangungusap, muhawi (rutword: hawa, TAG. alis) at ang freys kay kusog lagi (TAG. kasi talagang malakas) at ang personal pronawn mi (clip ng kami na ginagamit rin sa TAG sa kabuuang anyo nito); at sa ikatlong pangungusap, makikita ang bisayang pandiwang makatu-o (TAG. makapaniwala). Sa mga pangungusap na ito, mapapansin na sa pangkalahatan, mas kukunti ang mga salitang Bisaya kaysa tagalog. Masasabing code-switching ito. Ganunpaman, dapat unawain na bagama’t alam ng ispiker ang katumbas sa Tagalog ng mga salitang Bisaya na ginagamit niya, malamang pipiliin pa rin ng ispiker ang salitang mas madali o mas natural para sakanya.

Isa pang kapansin-pansin na katangiang ng varayting ito ay ang pagsingit ng mga Bisayang partikel sa pangungusap.

a. Mabigat bitaw gyud yang lambat sa huli daw. TAGALOG: Sobrang bigat ng lambat dahil sa huli.

TAGALOG: Sinabi nang huwag iangat ang lambat!

c. Galenga talaga niya gyud, uy!

TAGALOG: Ang galling-galing niya talaga!

Maliban sa mga partikel, pansinin ang dalawang morpema ng galenga at galeng-a. Karaniwang inaafiks ang morpemang –a sa mga adhetibo sa Bisaya. Dagdag na mga eksampol: dakoa (ang laki), gamaya(ang liit o konti), sapiana o datoa (yaman) at iba pa.

Makikita naman ang pag-aafiks ng mga salitang patanong upang maging pandiwa ang mga ito. Karaniwan itong ginagawa sa morpolohiya ng wikang Bisaya.

a. Anohin man natin yan?

TAGALOG: Anong gagawin natin yan?

b. Na-ano ung panti?

TAGALOG: Anong nangyari sa lambat?

Ginawang verb ang ano sa pamamagitan ng pag-afiks ng –(h)in at na-. Ginagawa ito sa Bisaya. Unsa ang katumbas ng ano sa Bisaya. Samakatwid, ang anohin ay unsaon sa Bisaya at ang naano ay naunsa.

KONKLUSYON

Nailarawan sa papel na ito ang barayti ng wika sa syudad ng Navotas, na may Kinalaman sa register ng wika sa pangingisda ay ang Tagalog-Bisaya at Tagalog ng mga mga Taga-Luzon(Bulacan, Rizal, Laguna). Ito ay sa dahilang ang mga mangingisda at ang mga taong may Kinalaman sa pangingisda ay pangkaraniwang may lahing Bisaya o di kaya naman’y hindi taal na taga Maynila. Dahil sa ito ang pangunahing hanapbuhay sa Navotas, karamihan sa mga manggagawa ay mangingisda at ganito ang kanilang pananalita.

Nakikita natin ang barayti ng halong wikang tagalog Bisaya at tagalog ng mga taga-Luzon. Mas maramo ang salitang tagalog sa loob ng pangungusap. Ngunit masasabi bang salitang Tagalog talaga ang mga rutword ng Tagalog na linalapan ng mga afiks alinsunod sa lagda ng morfosintaks nito? Hindi ranngap sa gramatika ng wikang Tagalog

ang morfosintaks ng varayti ng wikang itong ginagamit ng mga mangingisda. Hndi rin aangkinin ng mga katutubong ispiker ng wikang Tagalog ang TAGBIS bilang tagalog dahil taliwas ito sa mga lagda ng grammar na itinakda at umiiral sa kanilang wika. Kaya hindi ito Tagalog! Ito ay Filipino.

Bal•díg pnr 1: tumatalbog, gaya ng batong pasadsad na ipinukol sa ilog o lawa 2: bumabalik

ang pukol, gaya ng boomerang o eroplanong papel na bumabalik sa tao na nagpukol nito— BUMABALDIG.

Bal•díg pdw 1: patalbugin o pasadsarin ang bato o kahoy sa tubig cf BALIBÁT. 2: pumukol sa

paraang magbabalik sa tao ang ipinukol na kahoy o bagay, gaya ng boomerang o eroplanong papel— BALDIGAN, BALDIGIN, MAGBALDIG, MAGPABALDIG, NAGPAPABALDIG.

Bang•kís png: paraan ng pagtali na paagapay sa dalawang pinagdurugtong na kahoy o

kawayan, gaya sa katig ng b

Bi•ga•tót png: hugis boteng sisidlan na yari sa nilalang kawayan, pahaba ang leeg at pabilog

ang katawan, at ginagamit na panghuli ng dalag.angka—pdw BANGKISAN, BANGKISIN, IBANGKIS, MAGBANGKIS, NAGBANGKIS, PABANGKISAN.

Ga•wá•ngan png 1: Sa Binangonan, uri ng malaking bangka na panlawa o pantubig-tabang 2:

sa diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ambon o banayad na ulan. Mahirap nang matukoy kung ang ugat na salita ng gawangan ay gáwang na tumutukoy sa “pag-abot ng kamay.” Kung iuugnay ang gáwang sa mga pasahero ng bangka na inaabot ng kamay ng bangkero o sinumang nasa daungan ay maaari nga. Ngunit posible rin na may kakaibang pakahulugan ang gawangan ng Binangonan dahil natatangi ang bangka na panlawa kaysa pandagat.

Há•sag png: uri ng ilawang de-gaas [na ginagamit sa pangingisda].

Ba•ling•gi•yót pnr: taguri sa tao, hayop, ibon, isda, o anumang bagay na napakaliit,

halimbawa, “Aba’y balinggiyot namang itong nakuha mong isda!” Sa Bisaya Romblon, maitutumbas ito sa salitang isót na panuring sa anumang maliit o kakaunti.

Bi•rí•ring•kít [bi + ri + ringkit?] png 1: biya na ibinilad sa araw at ginagawang daeng. 2: uri ng

maliliit na hipon o biya na pinagulong sa arinang hinaluan ng binating itlog, at tinimplahan ng sibuyas, asin, at paminta, at ipiniprito nang lubog sa mantika upang gawing parang okoy: BIRINGKIT.

Bu•wí•li png, zoo: uri ng maliliit na susô na maitim ang talukab at ipinapakain sa mga itik cf:

KUHÓL.

Ga•ngó png: hipong ibinilad sa araw para patayuin: HÍBI. Kung paniniwalaan ang lahok sa

diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang “hibi” ay hango umano sa wikang Tsino. Kung gayon nga, maimumungkahing gawing pangunahing lahok ang “gango” at gamiting singkahulugan na lamang ang “hibi.”

Ká•ring-ká•ring zoo png 1: ayungin na ibinilad sa araw at pinatuyo, gaya ng sa daeng. 2:

paraan ng pagdaeng sa ayungin. Muling binuhay ni Raul Funilas ang terminong ito sa kaniyang mga tula, ngunit hindi pa nalalahok sa diksiyonaryo nina Jose Villa Panganiban at Vito Santos at ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino).

Mam•ba•bá•kaw [mang+ba+bakaw] pdw 1: mangunguha o manghihingi ng isda o anumang

bagay doon sa palengke o baybayin, halimbawa, “Mambabakaw muna ako sa palengke ng ating pulutan, hane?” 2: mangungupit ng isda o anumang paninda o bagay sa palengke o tindahan.

Pi•na•lós [p+in+alos] png: kanduli o dalag na nilagyan ng dinikdik o ginayat na luyang dilaw at

dinurog na biskotso, saka iniluto sa suka, bawang, sibuyas, at sinahugan ng gata, kangkong, at iba pang gulay, bukod sa tinitimplahan ng asin o paminta. May ibang paraan ng pagluluto ng pinalos, na hinahaluan ng mga siling labuyo, at nakalaan naman para sa mga tomador. Ang ugat ng salitang pinalos ay maaaring tumukoy din sa paraan ng pagluluto ng palos na ginataan na may halong mga sili, luya, at bawang, gaya ng ginataang pananglitan (sea eel) sa Romblon.

Ta•la•hi•sà [tala+hisà] png. 1: taguri sa halo-halong maliliit isda na nakatumpok at ipinagbibili

sa palengke. 2: sa patalinghagang paraan, taguri sa mga maralita, kung hindi man bata o maliliit na tao na magkakasama o magkakakulumpon.

Sa•la•páng 1 png: uri ng sibat na may pitong tulis at pitong sima, at ginagamit sa panghuhuli

ng malalaking isda cf: TRIDENT 2 pdw: tao na magaling manghuli, mang-akit o mambighani ng ibang tao, upang pagkaraan ay isahan—MANANALAPÁNG, SALAPANGIN, SINASALAPANG, SUMASALAPANG, halimbawa, “Sinalapang ni Juan si Ester nang bumisita sa bahay.”

Sanggunian

Alonzo, Rosario 1. 1993 "Mga Pag-aaral sa Varyasyon at Varayti ng Wika." Papel na Binasa sa Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika. U. P.

Constantino, Pamela C. 1993. "Varayti at Varyasyon ng Wika: Historya, Teorya at Praktika" nasa Minanga, Sentro ng Wikang Filipino, UP, Quezon City.

Liwanag, Lydia B. 1993 - 1998. "Ang Register ng Filipino na Ginagamit ng mga Estudyante sa Pamantasang Normal ng Pilipinas." Papel na Binasa sa Pambansang Seminar ng Pambansang Samahan ng Wika, UP, 1993 at sa Internasyunal Kumperensya sa Filipino. 1998.

Victor, Florencia C. 1993. "Sarbey ng Varayti ng Filipino na Sinasalita ng mga Estudyanteng lbaloy at Kankanaey sa Benguet State University." Papel na Binasa sa Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika, UP.

Dokumen terkait