• Tidak ada hasil yang ditemukan

Saglit na Kasiglahan

Dalam dokumen Suring Basa Ng Ang Tundo Man May Langit Din (Halaman 57-66)

D. Banghay 1. Panimula

2. Saglit na Kasiglahan

Matatagpuan ang saglit na kasiglahan sa kabanata bilang tatlo, kung saan natunghayan ko ang una nilang pagbibiruan at pagkukulitan. Dito rin nalaman ko ang na

may lihim na pagtingin si Alma kay Victor kung saan palihim siyang tumitingin dito.

Ito ang kabanata kung saan ginugol ni Victor ang paghihikap sa Quezon Boulevard at Azcaraga sa paglalakad habang pinagmamasdan ang mga makukulay at matitingkad na magi law ng mga sasakyan at iba‘t-ibang mga gusali at napagpasyahang pumunta sa tinitrhang apartment ni Flor.

3. Tunggalian

Ang mga tunggalian sa akda ay mga:

 Malalaman ba ni Victor na dalawang buwan ng nagdadalantao si Flor o hindi?

 Mahuhuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan o hindi?

 Dadalaw ba si Victor sa apartment na inuupahan ni Flor o hindi?

 Mapapaaway ba sila Victor at Lukas sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila‘y nasa isang restawran sa Tundo o hindi?  Kakalat ba ang balitang nakipagbakbakan sina

 Kukwestyonin ba ni Victor ang librong isinulat ng isang awtoridad sa Kasaysayan ng Pilipinas na si Agila o hindi?

 Bibili ba ng bagong talaarawan si Alma o hindi?  Magkakaroon bang muli ng masamang panaginip

si Alma tungkol sa kanyang ama at sa dati nilang katulong na si Dolores o hindi?

 Magkakaroon ba ng party si Alma sa kanilang bahay o hindi?

 Magtutungo ba si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party nila Alma o hindi?

 Makakarating ba si Victor sa party ni Alma o hindi?

 Dadalo ba si Victor sa Baccalaureatte at sa Graduation niya o hindi?

 Bibigyan ba ni Victor si Alma ng regalo pagkatapos ng kanilang Baccalaureate o hindi?  Ipapakilala ba ba ni Victor at Alma ang kani

kanilang kaanak sa isa‘t isa o hindi?

 Bubuksan ba agad ni Victor ang regalong bigay sa kanya ni Alma o hindi?

 Susulat ba si Victor tungkol sa fountain pen na ibinigay ni Alma o hindi?

 Kakausapin ba ni Alma si Victor tungkol sa sulat na ipinadala nito o hindi?

 Ipagtatapat ba ni Alma kay Victor ang kanyang masamang panaginip tungkol sa kanyang ama at kay Dolores o hindi?

 Magtatatag ba si Victor ng isang adult education class upang maturuan ang mga matatanda sa kanilang lugar o hindi?

 Makakapagpatayo ba ng isang patahian si Flor at katulong niya si Dolores o hindi?

 Isasama ba ni Victor si Alma sa patahian ni Flor o hindi?

 Makakapagturo ba kaagad si Alma sa Torres High School o hindi?

 Tatanggapin ba ni Dolores ang tsekeng ibinibigay sa kanya ni Alma o hindi?

 Magiging tagapagpayo ba ng samahang Sikhay ng Kabataan si Victor o hindi?

 Makakapagturo ba si Victor sa Torres High School o hindi?

 Malalaman bang kaagad ni Alma na nagtuturo na si Victor o hindi?

 Tutulong ba ang mga kabataan sa paglilinis ng estero o hindi?

 Aabutan pa ba ni Alma ang paglilinis nina Victor sa estero o hindi?

 Madadala bang kaagad si Lukas sa hospital o hindi?

 Aabot ba si Tonyo sa pagbibigay buhay ni Flor sa kanilang anak o hindi?

 Ipagtatapat ba ni Tonyo ang tungkol sa kanyang asawa‘t anak kay Flor o hindi?

 Pupunta ba ang maybahay ni Tony kay Flor o hindi?

 Magtatapat ba si Alma ng kanyang nadarama para kay Victor o hindi?

 Sasabihin ba ni Alma sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Dolores o hindi?

 Makikita ba ni Victor ang talaarawan ni Alma o hindi?

 Babasahin ba ni Victor ang talaarawan ni Alma o hindi?

 Papayag ba si Victor sa alok ni Alma na pumasyal sa Tundo o hindi?

 Papatulan ba ni Victor ang paghawak sa kanyang kamay ni Alma o hindi?

 Magkakatuluyan ba si Victor at Alma o hindi?  Tatanggapin ba ng mga magulang ni Alma na

maging manugang si Victor o hindi?

 Makakarating ba agad si Victor sa mga Fuertes o hindi?

 Makikipaghiwalay ba si Flor kay Tonyo o hindi?  Malalaman ba ng mga taga-Looban ang tungkol

sa nalalapit na kasal ni Victor o hindi?

 Mahal ba ni Victor at Alma ang isa‘t isa o hindi?

4. Kasukdulan

Matatagpuan ang kasukdulan sa kabanata bilang tatlumpu‘t-apat. ―Victor si Lukas napapalaban, nasapanaganib‖. Ito ang naging sigaw ni Pasing ng si Lukas ay napapalaban at tuluyang nasaktan ng hinarap siya ng mga kaalyado o mga bata ni Reyes, ang kalaban sa politika ni Paking ang konsehal na nilalakad ni Lukas. Para sakin ito ang pinaka sukdulan ng kuwento dahil ito ang naging kinalabasan ng pagtulong ni Lukas kay Paking na kaya lamang niya nagawa ay dahil gusto niya na ilakad ni Paking ang appointment ni Victor upang makapagturo na ito sa Torres High School. Naramdaman ko talaga ang

pagmamahal ni Lukas sa kanyang kapatid kahit na siya ay tipikal na isang uri ng tambay na siga at lagging umiinom. Naipapakita talaga niya ang kabutihang loob at gayun na din ang pagpapahalaga sa pamilya. Ang pagtatapat ni Alma at Victor sa isat-isa sa pamamagitan ng pagpisil at paghahawakan ng kamay ay nagdulot sa akin ng masidhing damdamin at kagalakan na sa wakas naamin na din nila sa isa‘t isa ang pagmamahal na kanilang tinago. Ito parte ng nobela na ito nan agpasidhi ng kasukdulan. Ang pagtatagpo ni Dolores at Alma ay sa wakas natapos na ni Alma ang kanyang suliraning matagal nang tinatago. Sa pagkakataong yaon ay nalaman na din ni Alma na ang kanyang kapatid sa Ama na si Boy ay buhay sa gayon hindi na babagabag pa sa kanyang panaginip, sa kanyang konsensya sa huli ay napagtapat din niya ito sa kanyang ama na si Mister Fuertes.

5. Kakalasan

Matatagpuan ang kakalasan sa kabanata bilang apatnapu. Nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang

paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.

6. Wakas

Kasabihan nga ng nakararami ay ―sa hinahaba haba nga naman ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.‖ Sa huli sa halos araw-araw nga naman na banggayan ni Alma at Victor sila din ang nagkatuluyan. Sa dulo ay nahanap na din sa wakas ni Alma at Victor ang kani-kanilang langit at yaon ay nakita nila sa isa‘t isa. Ang kasal na naganap ay naging daan upang magkatagpo ang mundo ng mga taga Tundo at yaong may kaya sa buhay, naging daan ang kasal upang maayos ang lahat ng gusot na nangyari sa nakaraan, naging Masaya ang lahat sa katapusan ng nobela sapagkat mas naintindihan ng

nakararami ang katagang ―Ang Tundo ManMay Langit Din.‖

Sa wakas ng Ang Tundo Man May Langit Din ay masasabing happy ending sapagkat sa halos puro suliranin ng mga tauhan ay napagtagumpayan nilang lahat ito magsimula na lamang tayo kay Flor na natagpuan na ibig ipakahulugan sa kanya ni Victor. Inayos niya ang kaniyang buhay, maayos niyang nailuwal ang kanyang unang anak at nagpasyang huwag na makipag-ugnayan kay Tonyo ngunit sa maayos na paraan. Ang kay Dolores naman ay nakuha niya ang karapatang dapat matagal na niyang nakuha sinuportahan na ni Mister Fuertes ang kanyang anak dito. Si Lukas naman ay kumita ng malaki at binayaran na unang taon sa titirhan ni Alma at Victor. Muli pinakita na naman niya ang pagmamahal sa kapatid. Muli nasilayan na ni Victor ang kanyang ngumiti dahil alam ni Aling Sion na tama ang daang tinahak ng kanyang anak.

Dalam dokumen Suring Basa Ng Ang Tundo Man May Langit Din (Halaman 57-66)

Dokumen terkait