• Tidak ada hasil yang ditemukan

Simulain ng Pananagutan

Dalam dokumen Ang Mga Pananaw Na Teoretikal (Halaman 31-58)

Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman ang magiging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.

Mga Layunin sa Pagtuturo

Ang Mga Mithiin (Goals), Tunguhin (Aims) at Layunin (Objectives) sa Pagtuturo Ang mga layuning pampagtuturo ay may tiyak na pagpapahayag na nagbibigay ng direksyon sa isang programang pampagtuturo. Marami nang lapit ang ginagawa ng mga edukador sa pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo upang maitakda ang kanilang katiyakan ngunit mahirap pa ring isipin kung saan

nagsisimula at nagtatapos ang mga ito. Isa sa mga iskema ng pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo ay ang tatlong batayang kategorya na inilahad sa

 Mga Mithiin (Goals)  Mga Tunguhin (Aims)  Mga Layunin (Objectives)

Ang mga Mithiin (Goals)

Ang mga mithiin ay malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang programang pang-edukasyon. Ang mga ito’y karaniwang binibigyang liwanag ng mga dalubhasa sa pagbuo ng mga palising pambansa. Halimbawa, sa pagpasok ng dekada ’90, naging pokus ng mga pagpaplano sa edukasyon ang pagpapataas ng kalidad ng mga paaralan bilang paghahanda sa bagong milenyum. Ilan sa mga binuong mithiin ay ang mga sumusunod:

 Sa taong 2000, inaasahang ang mga mag-aaral na Pilipino ay mangunguna sa pagtatamo ng mga kasanayan sa larangan ng Matematika at Agham sa Timog Silangang Asya.

 Sa taong 2000, inaasahang ang bawat Pilipinong may sapat na gulang ay mga literate na ay may kakayahang makapagtamo ng mga kasanayang kailangan upang makipagpaligsahan sa isang ekonomiyang pandaigdig at magampanan ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamamayan.

o Ang mga mithiing ito’y naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad para sa mga programang pang-edukasyon at pampaaralan. Ang mga ito’y repleksyon ng mga pagpapahayag at mga pananagutang panlipunan. Subalit ang ganitong malawak na pagpapahayag ng mithiin ay hindi nagbibigay ng tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa isang pagtuturong pangklase. Kailangan pa nila ang mga paglilinaw upang maipatupad ang mga ito sa klasrum gaya nang paghahanap ng mga tiyak na sagot sa mga tanong na:

 Ano ang ibig sabihin ng “literate” sa Matematika, Filipino, Kasaysayan, Agham?

 Ano ang dapat matamo ng mga tao para mabigyan sila ng pagkakataong “makipagpaligsahan” sa mga larangang pandaigdig?

 Ano ang mga kakailanganin para maihanda ang isang tao tungo sa pagiging “may pananagutang mamamayan”?

Ang mga Tunguhin (Aims)

Ang mga ay mas tiyak at mas may polus kaysa sa mga mithiin. Ang mga ito’y nagbibigay ng direksyon para sa isang tiyak na aralin. Kumakatawan din ang mga ito upang maisakatuparan ang isang mithiin at padalisayin ang pokus nito upang maiugnay sa mga inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga susing tanong ng mga guro habang tinitiyak ang mga tunguhin ng mga aralin ay: “Ano ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin sa kurikulum na may tuwirang kaugnayan sa mga hangaring itinakda ng pamayanan para sa mga paaralan?” Halimbawa, ang mithiin na naglalayong makalinang ng mga “may pananagutang mamamayan” ay maaaring maglundo sa pagbuo ng mga tunguhin gaya ng mga itinala sa ibaba para sa isang klase sa Agham Panlipunan sa paaralang sekundarya.

 Maunawaan kung paano nagiging batas ang isang panukalang batas.  Malaman kung paanong ang kapangyarihan at pananagutan ay maingat

na pinaghati-hati sa mga sangay ng ehekutibo, lehislatibo at hudisyal sa ating pamahalaan.

 Mapanindigan ng bawat mag-aaral ang kaisipan na ang mga mamamayan ay may tungkuling alamin ang mga isyung pambansa at malayang maipahayag ang niloloob sa pamamagitan ng pagboto.

Mula sa Mithiin hanggang Tunguhin

Ang pagbuo ng isang programang pampaaralan na kakailanganin ng mga mithiin ay mahirap gawin. Ang proseso ay kailangang nakapokus sa mga tunguhing may kinalaman sa mga aralin. Ito’y nangangahulugan ng pagbuo ng mga tunguhing lohikal na dumadaloy mula sa mga mithiin. Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba:

Mithiin: Inaasahang ang bawat mag-aaral na nakatapos ng haiskul ay magtaglay ng mga kaalaman at kasanayang kailangan upang magampanan ang kanyang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamamayan ng isang demokratikong pamayanan. Ang malawak na mithiing ito’y kailangang mag-anyong tunguhin sa liwanag ng iba’t ibang lawak ng aralin sa kurikulum gaya ng mga sumusunod:

 Natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita.

 Mabisang naipapahayag ang kaisipan sa anyong pasalita o pasulat.

Matematika:

 Nakikilala at natutukoy ang mga pagbabaluktot sa mga datos na sinusuri.  Nauunawaan ang mga datos na nakalahad sa mga tsart at grap.

Subalit may ilang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng may tunguhin na binubuo para sa isang tiyak na aralin. Ang mga tunguhin ay maaaring hindi kakitaan ng mga impormasyong hinggil sa mga istratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo, kung paano ang pagtataya ng mga pagkatuto ng mga mag-aaral at tiyak na pagkatuto na inaasahang matatamo pagkatapos ng isang pagtuturo. Ang mga ganitong katiyakan ay tutunguhin ng ating huling kategorya: ang mga layuning pampagtuturo.

Ang Mga Layuning Pampagtuturo

Ang mga layuning pampagtuturo (instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral. Ang mga ito ay nararapat isaad sa isang paraang

tiyak, ang pagganap dito ay nakikita at ang bunga o kinalabasan ay nasusukat. May dalawang pangunahing hakbang sa pagbuo ng mga layuning pampagtutro:

1.Kailangang tukuyin ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto,

2.Ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap ay namamsdan, alalaong-baga, iyong pagganap o pagsasagawa ay nakikita.

Pagkilala ng mga Namamasdang Gawi ng mga Mag-aaral

Dapat tandaan na sa paglalahad ng mga layunin, ang mga gawi o kilos ay nakapokus sa kung ano ang maaaring isagawa ng mga mag-aaral pagkakatapos ng isang episode sa pagtuturo at hindi sa kung ano ang gagawin ng guro habang isinasagawa ang pagtuturo. Narito ang ilang halimbawa:

 Nailalarawan ang mga hakbang na isinagawa sa isang eksperimento.  Naiisa-isa ang mga pangyayari na naging sanhi ng pagkawatak-watak ng

 Naipaliliwanag ang paksang diwa ng isang maikling kuwento.  Nabibigyang-kritik ang binasang aklat o napanood na pelikula.

 Naililipat sa isang dayagram ang mga impormasyong napakinggan tungkol sa isang paksa.

Pagtatakda ng mga Tiyak na Gampanin

Sa pagbuo ng mga layunin, ang mga gampanin ay dapat na ilahad sa paraang maaring makita o marinig ang pagganap o ang bunga o resulta ng pagkaganap. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba:

 Magtala ng mga posibleng hinuha.  Mailipat sa isang dayagram.

 Maisa-isa ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.  Maisulat na muli sa sariling pananalita.

 Maglaan ng mga karagdagang halimbawa.

Ang ABCD Pormat sa Pagbuo ng mga Layuning Pampagtuturo

Ang ABCD pormat sa pagbuo ng mga layuning pampagtuturo ay isang praktikal na lagom ng mga talakay hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na layuning pampagtuturo (tinatawag din itong layuning pangkagawian o pupil performance objective). Ang unang apat na letra ng alpabeto ang laging

magpapaalaala ng mga mahalagang component o bahagi nito gaya nang nakalahad sa ibaba:

1.A o Audience – ito’y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang gagawa ng mga task o gawain.

2.B o Behavior – ito’y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawa o kilos na inaasahang maipapakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng kanilang pagkakahantad sa isang pagtuturo.

3.C o Condition – ito’y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang makatiyak kung mayroong masteri sa itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.

4.D o Degree – ito’y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap sa gawain bilang ebidensya ng masteri.

ABCD Format= Layuning Pampagtuturo

Narito ang ilang halimbawa ngmga layuning pampagtuturo na nagpapakita ng apat na komponent o bahagi nito.

A B C

1. Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng

D

hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal.

C

2. Sa isang sipi ng kontemporaryong witing Filipino, ang bawat mag-aaral

A B D

sa Panitikan ng Seksyong Bayanihan ay makatutukoy ng 3 sa 5 tamang

A B C

3. Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng

D

hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal.

C

4. Sa isang sipi ng kontemporaryong witing Filipino, ang bawat mag-aaral

A B

D

sa Panitikan ng Seksyong Bayanihan ay makatutukoy ng 3 sa 5 tamang

halimbawa ng simile na nakapaloob dito.

B A B

1. Masasagutan nang tama ng bawat mag-aaral ang 8 sa 10 suliraning

C

pangmatematika sa isang sanayang pagsusulit.

Pansinin na ang mga komponent na audience, behavior, condition at degree ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng isang layuning pampagtuturo. Ang pagkakasunod-sunod ng mga komponent ay hindi kritikal; ang mahalaga ay ang pagtiyak na nakapaloob ang apat na komponent sa isang layunin.

Ang Mga Domeyn ng Layuning Pampagtuturo

Mat tatlong batayang uri ng mga layunin sa pagtuturo. Ang mga ito’y napapangkat sa tatlong domeyn (domain). Ang bawat domeyn ay kumakatawan sa isang particular na set ng mga palagay at paniniwala tungkol sa kung paano natututo, kumikilos at gumagalaw ang mga mag-aaral sa isang pagtuturong pangklasrum.

1.Kognitib domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral.

2.Afektib domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga mag-aaral.

3.Saykomotor domeyn – mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang motor at kasanayang manipulatib.

Ang Kognitib Domeyn

Ang kognitib domeyn ay tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko o intelektwal. Nasa isipan ng guro ang kognitib domeyn kung ang prayoridad ay ang inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin o paksang tatalakayin.

Karamihan sa mga kabatiran tungkol sa kognitib domeyn ay nag-uugat sa mga pag-aaral ni Benjamin Bloom at iba pa niyang mga kasamahan na noong 1956 ay nagpalabas ng anim na antas o lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip na inilalahad mula sa pinakapayak patungo sa pinakasopistikadong proseso ng pag-iisip gaya ng nakalahad sa ibaba:

1.Kaalaman (Knowledge) – ang lebel na ito ng pag-iisip ay tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-alaala sa mga natutuhang impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa lebel na ito ay: bigyang-kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin.

2.Komprehensyon o Pag-unawa (Comprehension) – binibigyang-diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong natutuhan at pag-uugnay sa mga dating alam na impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay: baguhin, ipaliwanag, lagumin, talakayin, ilarawan, hanapin, ipahayag. 3.Aplikasyon (Application) – ito’y paggamit ng natutuhan sa iba’t ibang paraan o

konteksto. Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim nito ay: ilapat, pag-ibahin, paghambingin, klasipikahin, idayagram, ilarawan, uriin, markahan. 4.Analisis (Analysis) – ito’y nangangailangan ng pag-unawa sa ugnayan ng mga

bahagi at organisasyon ng natutuhan upang makita ang kabuuan. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit sa antas na ito ay: pag-uugnay-ugnayin, tukuyin,(ang sanhi at bunga) kilalanin (ang totoo/paktwal), bumuo (ng hinuha), suriin, magbuod.

5.Sistesis (Synthesis) – sa lebel na ito, kailangan na mapag-ugnay ang iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng bagong kaalaman. Ang mga salitang

pangkagawian sa ilalim nito ay: lumikha, bumuo, bumalangkas, pag-ugnayin, idesenyo, iplano, sumulat.

6.Ebalwasyon (Evaluation) – ang pag-iisip sa lebel na ito’y nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag ng mga inilahad na mga krayterya. Ang mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay pahalagahan, kilatisin, pangatwiranan, suriin, timbangin, punahin, magtangi, paghambingin. Maraming paraan ang magagamit para makatiyak sa kabisaan ng taksonomiya ni Bloom sa isang pagpaplanong pampagtuturo.

1.Una, maaaring gumamit o bumuo ng mga layunin na hango sa mahigit sa dalawang lebel o antas. Maraming mga guro na nakapokus lamang ang mga layunin sa antas o lebel ng kaalaman.

2.Ikalawa, kailangang sensitibo ang guro sa pagsusunud-sunod ng mga lebel-ang layuning plebel-angkaalaman at komprehensiyon ay dapat na mlebel-anguna doon sa mga layuning nasa mataas na antas o lebel.

3.At panghuli, kailangang mabatid ng mga guro ang mga layuning nasa mataas na antas ay nangangailangan ng mga pansuportang gawain upang ang pagkatuto ay maging isang matagumpay.

Ang Banghay-Aralin

Ang banghay-aralin ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa pagtuturo ng isang tapik para sa isang tiyak na oras o panahon.

Ang banghay-aralin ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin at ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga. Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi.

I. Mga Layunin II. Paksang-Aralin III. Pamamaraan IV. Takdang-Aralin

May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo: 1. Masusing banghay sa pagtuturo – ito’y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mag-aaral. Ginagamit din ito ng mga datihan nang guro kapag

naatasang magpakitang turo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala pati ang tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral.

2. Mala-masusing banghay – ito’y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip na mayroon pang bahagi ng Gawaing Guro at Gawaing Mag-aaral binabanggit na lamang nang sunud-sunod ang gagawin ng guro sa klase.

3. Maikling banghay – ito’y talagang maikli lamang. Sa banghay na ito, sapat nang banggitin kung anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y banggitin ang sunud-sunod na hakbang sa maikling pangungusap.

Karaniwan nang madetalye ang banghay ng mga bagong guro kaysa sa mga may karanasan na sa pagtuturo. Nagagawa ng mga datihang guro na isaisip na lamang ang mga detalye at hindi sila nangangailangan ng maraming mga hudyat o tulong sa pagkaklase. Samantala, upang maiwasan ang “pangangapa” ng mga bagong guro kung paano pagsusunod-sunurin ang mga hakbang, kailangan niya ang paggawa ng masusing panghay.

I. Mga Layunin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ II. Paksang-Aralin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________

III. Mga kagamitan

2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ IV. Pamamaraan Unang Gawain Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral Takdang Oras

Mode (Isahan/Pares) Mga Hakbang 1. ____________

2. ____________ 3. ____________

1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ Ikalawang Gawain Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral Takdang Oras Mode (Isahan/Pares Mga Hakbang 1. ____________

2. ____________ 3. ____________ 1. ____________ 2. ____________ 3. ____________

V. Sariling Ebalwasyon at mga puna sa itinurong aralin Unang Gawain

___________________________________________________ Ikalawang Gawain

_______________________________________________ B.

I. Mga Layunin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ II. Paksang-Aralin 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ III. Pamaraan

Takdang Oras Pagkakasunod-sunod ng mga Hakbang Kagamitan 1. Pagkuha ng Atensyon

2. Paglalahad ng Aralin 3. Pagpapaliwanag 4. Paglalahat 5. Pagsasanay

6. Pagsasara/Ebalwasyon IV. Ebalwasyon ng Buong liksyon I. Mga Layunin 1. __________________________________________________ 2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________ II. Paksang-Aralin 1. __________________________________________________

2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________ III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pambungad: Pagtiyak sa isang problema, isyu o tapik B. Paglilinaw

C. Pag-iimbistiga

D. Pagsasara-Lagom, Integrasyon, Paglalapat IV. Ebalwasyon

___________________________________________________ ___________________________________________________ Balik-Tanaw sa mga Klasikong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika Dulog, Pamaraan, Teknik

Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong higgil sa pagtuturo ng wika. Ang paghahanap ay may kinalaman sa mga “pamaraan” o isang panlahat na pamaraan na magagamit sa epektibong pagtuturo. Subalit sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika nakranas tayo ng pagdating ng maraming pamaraan na pagkaraan ng ilang panahon ay iwawaksi na lamang dail mayroon na namang bagong kapalit.

Ano ang pamaraan? Nagbigay si Edward Anhony (1963) ng isang magandang depinisyon ng pamaraan na tinanggap ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon. Ang kanyang konsepto ng pamaraan ay ikalawa sa tatlong herekiya ng mga elemento, alalaong baga’y dulog, pamaraan at teknik. Ayon kay Anthony, ang dulog ay isang set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. Ang pamaraan ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay da isang dulog. Ang teknik ay mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konistent sa isang pamaraan at katugong dulog.

Ang mga katawagang ito ni Anthony ay ginagamit pa rin hanggang ngayon. Halimbawa, ang isang guro sa antas o lebel ng dulog at nanininindigan sa kahalagahan ng pagiging relaks ng isipan sa pag-aaral ay maaaring gumamit ng pamaraang suggestopedia. Ang mga teknik na gagamitin ay maaaring

pagpaparinig ng mga musikang Baroque habang nagbabasa ng isang tula o di kaya’y pag-upong nasa posisyong yoga habang nakikinig ng isang pahayag.

Ang mga sumusunod ay set ng mga depinisyon na kumakatawan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Metodolohiya: Ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo.”

Silabus: ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang partikular na programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang-aralin, pagkakasunud-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isang tiyak na pangkat ng mag-aaral.

Teknik: Alinman sa mga gamiting pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.

Kung susulyapan natin ang mga nagdaang panahon ng pagtuturo ng wika, makabubuo tayo ng isang paglalarwan kung saan ay makikita ang iba’t ibang interpretasyon hinggil sa epektibong pagtuturo ng wika. Dumating at umalis na ang maraming pamaraan sa pagtuturo at asahang marami pang darating.

Ayon kay Marckwardt (1972) ang “pabagu-bagong hihip ng hangin at palipat-lipat na pananaw” ay isang hulwarang siklikal kung saan ay may lumilitaw na bagong pamaraan tuwing ikaapat na hati ng isang siglo. Ang bawat bagong pamaraan ay paghuhulagpos sa luma ngunit dala nito ang mga positibong aspekto ng dating paraan. Isang magandang halimbawa ng pagbabagong ito ay makikita sa Audio Lingual Method (ALM) sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Ang ALM ay nanghiram ng ilang simulain sa sinundan nitong Direct Method na kumawala naman sa paraang Grammar Translation Method.

Ang ilalahad sa ibaba ay isang senaryo ng pabagu-bagong hihip ng hangin at palipat-lipat na pananaw sa pagtuturo ng wika nitong mga nakaraang dekada.

Dalam dokumen Ang Mga Pananaw Na Teoretikal (Halaman 31-58)

Dokumen terkait