• Tidak ada hasil yang ditemukan

El Filibusterismo Kabanata 21-39 (buod)

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "El Filibusterismo Kabanata 21-39 (buod)"

Copied!
11
0
0

Teks penuh

(1)

Kabanata 31

Ang Mataas na Empleado

Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila. Nilisan n Mataas na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na

“pagdating ng araw na magdeklara kayo ng independensiya,” nagtaka ang kutsero sa sinabi nito, at tinuloy niya na “alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan!”.

Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod na Koreo

Kabanata 32

Mga Bunga ng Paskin

Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at

pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.

Kabanata 33

Ang Huling Katwiran

Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang

(2)

pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay.

Kabanata 34 Ang Kasal

Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang

kumuha ng mga ilang gamit. Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.

Kabanata 35 Ang Pagdiriwang

Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan.

Nagsidatingan ang mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-tuwang daw nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong dumalo at ito ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari.

KABANATA 36

MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan. Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga

kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan

Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura, nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang katotohanan lamang. Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing

(3)

nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia sibil.

KABANATA 37 ANG HIWAGA

Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala

sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.

KABANATA 38 KASAWIAN

Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng

Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang

pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.

KABANATA 39 ANG PAGTATAPOS

(4)

Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kaya’t hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na

nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito.

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila

Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga

dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville”. Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kaya’t pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa “entrada general” ay may mahabang pila ng mga tao na

nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at

batian. Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at kulot sa dulo na wari’y buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong “hongo de arte”. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang “ang hudyat ay isang putok” ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang. Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kaya’t hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.

Kabanata 22: Ang Palabas

(5)

bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may pagnanasa lamang na makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang

pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng

kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang “cancan”. Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doña Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at maginoo.

Kabanata 23: Isang Bangkay

Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang

damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan.

Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis.

Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang

kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan.

(6)

Kabanata 24: Mga Pangarap

Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez.

Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang

Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t isa.

Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil sa

kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doña

Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito.

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Ang mga kabataan ay nagtipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto”. Dito ay nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay

marami raw lihim na nalalaman.. May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang “pansit lanlang” ay inialay nila kay Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay maraming sahog. Ang ikalaw ay ang “lumpiang intsik” na inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboySa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw ay ang tauhan ng Vice-Rector.

Kabanata 26: PASQUINADAS

Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin ang kanyang lisensyatura sa Unibersidad at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari. Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio para sa kanyang kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.

(7)

Kabanata 27: ANG FRAILE AT ANG FILIPINO

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban sa mga frayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta pagnakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang sabihin niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad. Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at moralidad ay dahil na rin sa kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang ‘pamahalaan’ bilang pananggalang nang kanyang maisip na natatalo na siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay maraming magandang plano para sa bayan ngunit hindi inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle, pati ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng karapatan dahil sa kamangmangan. Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa gobyerno sibil.

Kabanata 28: TATAKOT

Sa kabanatang ito ipinakita ang iba’t ibang reaksyon at pagtanggap ng lipunan sa pagkakadisubre ng mga paskin na nagdulot na napalaking tension. May mga nag-uudyok sa Kapitan Heneral na ipapatay ang mga estudyanteng nahuli at

magpasimula ng mga kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio.

Sa kabanatang ito rin ay nakita si Quiroga na pinuntahan si Simoun, Don Custodio at Ben-zayb upang itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang basar dahil na rin nga sa tension sa lipunan nila.

Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na sumiklab na ang rebolusyon na siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng lugar. Ipinakita rin dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago. Namatay siyang nakahawak sa bisig ng Padre Irene, na nagulat at nakaladkad ang katawan ng namatay. Dito rin sinabi na nakapiit si Tadeo at Isagani.

Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO

Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay

mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap.

(8)

Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot. Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay Kap. Tiago.

Kabanata 30: JULI

Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.

Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya

pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga tulisan)

Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila

-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.

Kabanata XXII: Ang Palabas

-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito sa mga Kastila. -Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.

Kabanata XXIII: Isang Bangkay

-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay nagpapatunay ng kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.

(9)

Kabanata XXIV: Mga Pangarap

-Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa kaniyang bayan.

-Ito’y hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.

Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan

Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang

katunayang ang kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan.

Kabanata XXVI: Ang Paskin

-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang anumang kilusang labag sa kanilang kapakanan.

-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang pagnanasang manatili sa Pilipinas.

Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino

-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at di-mabuting pagkilala sa mga Pilipino.

Kabanata XXVIII: Tatakut

-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari. Kalimitan, pag-nagpasalin-salin, ito’y marami nang dagdag.

-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.

Kabanata XXIX: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago -Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.

-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga mananampalataya.

Kabanata XXX: Si Huli

-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.

(10)

-Makapangyarihan ang pag-ibig.

Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani

-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding Kastilang ,ay ugaling marangal.

-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa ating bansa.

Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin

-Si Paulita’y larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni Isagani. Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga “pangarap” ng binata. -Ang dalaga’y makasarili, ang binata’y makabayan.

Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid

-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling kaapihan.

-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa mga maruruning at mayayaman. Ito’y pinatutunayan ng kasaysayan.

-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa

pamamaraan. Hindi baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng kagandahang-asal.

Kabanata XXXIV: Ang Kasal

Ang kabanatang ito’y naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:

-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit ito’y di lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak.

-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan at ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya. Ang iba’y kahit na mangutang.

Kabanata XXXV: Ang Pista

-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga piling panauhin. Sinasabing “Bilang na, natimbang na, hati ang inyong

kapangyarihan.” Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga

maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang nagkulang at nakgkasala.

Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb

-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.

Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga

-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi nahahayag.

Kabanata XXXVIII: Kasawinan

-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang pakundangan sa kanilang mga kababayan.

(11)

Kabanata XXXIX: Katapusan

-Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.

-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas. -Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarunga. -Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan ng tao.

Referensi

Dokumen terkait

Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang

(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon,

 Ang kabanata 38 ay nasa teoryang romantesismo dahil nailabas ni Alma ang kanyang matinding damdamin para kay Victor kung saan tinanong niya ito ng direkta kung

Iniurong ni Padre Camorra ang kanyang katawan na wari’y may pagkasuklam, 13 si Padre Salvi ay tuminging malapit na wari’y nakaaakit sa kanya ng mga bagay na ukol sa libingan; 14

Dati niya itong guro at malapit ang loob sa kanya ngunit nag-iba ang pakikitungo nang sabihin ni Amelita ang tunay niyang nararamdaman dito.. Nabuo rin ang kanyang kapasyanhang

Nang makarating si Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap sa kanyang gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya masikmura

Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag na

Arcel6n tagal-tagal na rin namang hindi nagkikita at sa dahilang walang- wala sa kanyang lo6b ang tunay na dahil ng gay6ng pagkakada- law ni aling Giday, si aling Mag- da ay walang