• Tidak ada hasil yang ditemukan

Script Ng El Filibusterismo

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Script Ng El Filibusterismo"

Copied!
26
0
0

Teks penuh

(1)

SCRIPT NG EL FILIBUSTERISMO

Scene:

Ibarra: Bilisan mo!! Nandyan na sila! (Pinagbabaril ng mga Guwardiya Sibil)

Tao1: Ngunit Ginoo lubhang ahhhh… (Tinamaan ang tao1 sabay talon ni Ibarra)

(Lalabas si Rizal at babarilin ng Guwardiya Sibil)

(Mga tauhan sa unang tagpo ay magsasagwan habang sumisigaw ang Kapitan ng BAPORP, ESTRIBORP..) Scene: SA KUBYERTA

Donya Victorina: buenos días a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan, Bakit hindi natin bilisan?

Kapitan: Kapag bumilis pa’y maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay Doña Victorina)

Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito! (nagkatinginan ang mga prayle)

Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang), at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni sinuman ang nakaisip nito. (tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng mga mata nang mga naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa

Maynila; alalaong baga’y magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang dating ilog Pasig.

Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa?

Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pagka’t mga bilanggo ang gagawa.

Don Custodio: Walang sapat na bilanggo!

Simoun: Kung gayo’y piliting gumawa ang mga mamamayan bata man o matanda!

Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan!

Simoun: (tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto? Nag-alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Tao kayo, akala ko’y lalo kayong nakauunawa sa kasaysayan!

Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing ito ay hindi

miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga tagarito ay pinipilit na maghakot ng malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pari...

Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong mataas na buwis.

Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!

(2)

Ben Zayb: Indiong Ingles! Scene: SA ILALIM NG KUBYERTA

Kapitan Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni kapitan Tiyago?

Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot at ngayon po ay inutusan akong pumunta sa San Diego upang tingnan ang mga paupahang bahay nito.

Kapitan Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na iyan.

Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio?

Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)

Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito’y hindi gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?

Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin

Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla.

Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami.

Kapitan Basilio: Saan kayo kukuha ng pera?

Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Ang kagamitan naman ay handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay.

Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y

magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.

Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita...?

(napangiti lamang si Isagani)

Basilio: Teka, kaibigan... (natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong kasintahan! Ang umiibig nga naman!!! Sabagay ay talaga namang

(3)

kaibig-ibig ang iyong kasintahan, maganda na’y mayaman pa. Kaya lang ay...

Isagani: Kaya lang ay ano? (kinakabahan at umarko ang kilay)

Basilio: Teka, wag kang kabahan... ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama ang tiya niyang ubod ng sungit (bubulong ngunit malakas pa

rin) Palibhasa’y matanda na!

Basilio & Isagani: Hahahahaha!!!!

(dumating ng mag-aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata)

Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo’y nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?

Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.

Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?

Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?

Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga

lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.

Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan.

(ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyanggalit)

Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa

Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak

Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom.

(gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani)

Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig.

Isagani: ‘Di tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw.

(natigilan si Simoun at halatang namangha)

(tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani)

Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

(4)

Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap!

Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun.

Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko!

Basilio: Siya ang tinatawag na “Kayumangging Kardinal!”

Isagani: Kardinal?

Basilio: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ng Kapitan Heneral!

(Sa kabilang banda)

Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi!

Padre Florentino: Salamat Kapitan, subalit..

Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayong makisalamuha sa kanila

Padre Florentino: Ako’y susunod na lamang..

Kakausapin ko lamang muna ang aking pamangkin na si Isagani. (lalapitan si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat ng kubyerta habang ako’y naroroon, baka magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan!

Isagani: Opo! (pag-alis ni Padre Florentino) Hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totoo’y ayaw niyang makausap ko si Donya Victorina!

Scene: SA KUBYERTA

(sumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan)

Don Custodio: (pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtago? Hindi ninyo nakita ang bahaging pinakamainam sa paglalakbay.

Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang may kabuluhan lamang sa akin ay yaong may mga alamat!

Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig. Nariyan ang malapad na bato, batumbuhay na sagrado bago pa dumating ang mga kastila at pinagtitirahan ng mga espiritu. May isang alamat, ang alamat ni Doña Geromina na... na... (naghahanap at biglang itinuro si Padre Florentino) na alam ni Padre Florentino.

Padre Sibyla: (nagmamalaki at nag-halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan!

Doña Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon?

Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre?

(5)

Padre Sibyla: (naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo) (inaakto ang mga pangyayari) Sabi nila may isang estudyante...

Ben Zayb: Mawalang galang. ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra?

Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si Ben Zayb). Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?

(natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya)

(sound effects: kagimbal-gimbal )

Kapitan: (itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun) Hindi sa kanya!

Doon…tumingin kayo sa malayo…(sabay tingin ng lahat sa malayo) Ayon sa kabo ng mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay-dugo. Ngayo’y hustong labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay mangyari.

Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay...

Padre Sibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama!

Padre Salvi: Hindi ba’t isa rin siyang filibustero?

Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra?

Padre Camorra: (patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi maaasahang magkaroon ng maringal na libing.

Ben Zayb: (nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula sa ganitong halos patak lang ng tubig ang laman?

Kapitan: Dapat ninyong malaman na hindi ninyo maipaparis sa isang patak ng tubig ang lakbaying ito. Ang lawang ito ay higit na malaki sa alinmang lawa sa Suisa o lahat ng lawa sa España pagsama-samahin man. Nakakita na ako ng mgasanay na mandaragat na nangahilo rito.

Doña Vicorina: Ginoong Simoun, mabuti pa’y bibigyan ko kayo ng eficasent oil. Paulita Paki abot mo nga sakin ang eficasent oil.

Paulita: Tiya hindi niyo po nadala.

Doña Victorina: (hinila si Ginoon Simoun) Kung gayon sumama kayo sa akin at mayroon akong Bonamine sa aking bagahe. Scene:

(6)

Huli: (nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kaya’y makakapag-aral din sa Maynila tulad mo?

Tano: Aba oo naman.

(lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo)

(lumapit si Huli at Tano kay Tales)

Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?

Huli: Kuya...

Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynilakatulad ng mga dalaga sa bayan.

Huli: Talaga ama?! (niyakap ang ama)

Tano: Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na pakasal sa kanya...

Huli: (sinisiko-siko si Tano) Kuya naman...

(hinabol si Tano)

Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)

Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?

Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga)

Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.

Kabesang Tales: Ngunit ama sila ay umaabuso na!

Tata Selo: Magpaumanhin ka!

(dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil)

Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!

Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo?

Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso!

Kabesang Tales: Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman.

Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!

(7)

Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin.

Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo ko upang maiahon sa hirap ang pamilya ko.

Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!

Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon.

Kabesang Tales: Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito??

Padre Camorra: Meron!!

Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?

Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita?

Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na inyo nga ang lupang ito.

Tata Selo: (bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas...

Padre Camorra: Hindi ba’t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang mag-mamatigas.

Kabesang Tales: Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin!! (bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle)

(pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riffle)

Padre Camorra: Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil

(pinalo ng riffle ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano)

Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!!

Kabesang Tales: Hindi!!! Wag ang aking anak!!

Tano: Ama!!! Huli!!! Aaahhh!!!!

(pag alis ay babalik ang mga guwardiya sibil)

Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi’y mamamatay ang iyong ama, binibini.

Huli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog ito sa akin ni Basilio! (hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang

Agnos) Ngunit ito’y hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang bilang utusan.

Scene:

(8)

(nagdadasal si Hermana Penchang at Huli)

Hermana Penchang: (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Hermana Penchang: (binatukan si Huli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano ang itinuturo sa iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Huli: Pasensya na po.

Hermana Penchang: Paensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si Huli)

Huli: Aray aray... Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng Diyos sa iyong mga kasalanan. (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Scene: Sa SEMENTERYO

Basilio: (umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa isang ilaw na

malapit) ano ‘yon...? Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?

(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking duguan at hindi niya kilala ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Dito’y pinakiusapan siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.)

Basilio: Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo?

(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa..)

Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang

(9)

nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko kung ako’y makatutulong naman sa inyo.

(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)

Simoun: At sa tingin mo’y sino ako? (humakbang paurong)

Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!

Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!

Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.

Simoun: At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.

(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)

Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

Scene:

(inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya)

Simoun: (kinuha ang isang kwintas at

inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay Cleopatra. Natagpuan ito sa mga pirámide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga mambabatas na Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago…

Kapitan Basilio: (humakbang at parang

nangangarap) Marahil yaong ipinadala ni Hannibal matapos ang digmaang Cannes.

(10)

Simoun: (binalik ang kwintas at kinuha ang isang maliit na kahon) Nagdala rin ako ng mga mamahaling hikaw na dating pag-aari ng mga babaeng taga-Roma na nakuha sa bahay liwaliwan ni Annio Mucio Papilino sa Pompeya. (ipinakita niya iyon kay Kapitan Basilio)

Kapitana Tika: Ginoong Simoun? Mayroon din ba kayong rosaryong nabendisyunan ng Papa?

Hermana Penchang: At mga bagay na nanggaling Roma at mga padebosyon?

Sinang: Na sabi ni Inay nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka mangumpisal!

Kapitana Tika: (kinurot ang tumatawang si

Sinang) Sinang!! Ano ka ba ? parang hindi ka dalaga!

Sinang: Inay naman... masakit yun...

Simoun: Aaahh! Mayroon ako nang mga hinahanap niyo. (binuksan ang isang kahon) Hayan ang mga antigong alahas. Ang singsing ay dating pag-aari ng Prinsesa de Lambelle, at ang mga hikaw sa dama ni Maria Antoinette.

Sinang: Aayyy! Ang gaganda! (kinurot ni Kapitana Tika si Sinang) Aray! Inay naman…

(Sa kalayuan ay nakatanaw si Kabesang Tales)

Simoun: Tignan ninyo, (pilit na ipinatatanaw niya kay Kabesang Tales) ang isa lamang sa mga asul na batong

ito, na parang walang malay, at matahimik, malilinis na tila bituing nagmumula sa kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na ng pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggulo sa kapayapaan ng lahat. At sa isa pang maliit na batong tulad nito, mapula, simpula ng dugo ng puso at pagkauhaw sa paghihiganti, singkinang ng luha ng ulila, muling natamo ang kalayaan, naibalik ang ama sa tahanan, ang ama sa mga anak, at sa kanyang asawa at ang buong pamilya’y nailigtas sa miserableng hinaharap. (tinapik tapik ang kahon) Mayroon akong isang kahong katulad ng sa manggagamot na kinatataguan ng buhay at kamatayan, ng lason at ng lunas, at sa pamamagitan ng isang dakot nito ay mangyayari kong paluhain lahat ng mamamayan sa Pilipinas!(lumapit kay Kabesang tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?

Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang gaanong halaga.

Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara?

Kabesang Tales: Tama!

Sinang: Iyon ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong kaibigan bago siya nagmongha.

(sinundan lamang ni Simoun ng tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales)

Simoun: Ibig ko ang disenyo. Magkano mo

ipagbibili? (hindi umimik si Kabesang Tales) Nagustuhan ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng ibang hiyas? Pumili ka.... (tahimik parin)Limandaang piso? Limandaan!

(11)

(kinuha ni Kabesang Tales ang laket at tinignan)

(sumesenyas ang mga kababaihan na ipagbili na niya ito maliban kay Hermana Penchang)

Hermana Penchang: (lumapit upang tignan ang kwintas) Kung ako’y itatago ko na lang iyang parang relikya. Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing siya’y payat na payat na, mahina at halos hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siya’y mamamatay na Santa. Mataas ang pagtingin sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw ipagbili ni Huli ang agnos at pinili pa niyang isanla ang kanyang sarili.

Kabesang Tales: Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isangguni sa aking anak . Babalik ako bago dumilim.

(nagsialisan na rin ang mga tao)

(naupo si Simoun at naghintay)

(kinuha niya ang lalagyanan ng rebolber niya ngunit isang sulat na lamang ang nakita niya at ang agnos ni Maria Clara)

(Voice Over: Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay pinagnakawan ko kayo, ngunit

pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin. Ipinalit ko sa inyong rebolber ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat ako’y sasama sa mga tulisan. Ipinapayo ko sa inyong umiba kayo ng landas sapagkat kung kayo’y mahulog sa aming kamay, sa dahilang wala na kayo sa aking

tahanan, ay hihingan namin kayo ng malaking tubos. --- Telesforo Juan de Dios)

Simoun: (tumatawa) At sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking tauhan. Haha haha!!! (nagmamadaling nagligpit at umalis)

(magdadatingan ang mga estudyante at uupo)

(nagtatawanan ang mga estudyante habang pumapasok si Placido)

(uupo si Placido sa bakanteng upuan)

Scene:

(sound effects: putok)

Placido: (mapapasigaw) Ano ba?!! Hindi ‘yon nakakatawa

(nagtawanan ang mga estudyante)

Juanito: (nagpapanggap na si Padre Millon: may salamin at unan sa tiyan) Anong ipinagsisigaw mo diyan na parang babae??!!

Placido: (nagulat kaya pasigaw na

nakasagot) Magandang araw po Padre Millon!!!

Juanito: Galit ka ba?! Bakit ka sumisigaw! Hindi pa naman ako bingi!

(12)

Placido: Hindi naman ako galit ah!!! (pasigaw)

Juanito: Hindi galit??? Eh bakit sinisigawan mo ako??!! Falta de respeto!!

Placido: Respeto?? Hindi niyo kailangan ng respeto!!! Ang respeto ay hindi hinihingi kundi pinaghihirapan... kung gusto niyong respetuhin kayo, matuto kayong respetuhin ang ibang tao!!!

Juanito: Pangahas ka!! Anong pangalan mo ha!?

Placido: Placido! Placido Penitente!

Juanito: Placido Penitente? Mas mabuting Placido Disparate!!

Placido: Tama na Padre! Wala kayong karapatang umalispusta ng kapwa!!

(tatalikod at aalis kaya hindi mapapansin ang pag-alis ng balatkayo ni Juanito bilang Padre Millon)

(dadating si Padre Millon)

Juanito: Whooo!!! Bakla ka yata eh!!!

Mga Estudyante: Hahahahahahahaha

Padre Millon: Magandang umaga. (hindi narinig kaya nilakasan) MAGANDANG UMAGA!!

Mga Estudyante: Magandang umaga Padre!!

Padre Millon: Bakit kayo sumisigaw hindi pa naman ako bingi!!

Mga Estudyante: (nagtawanan dahil gayang gaya ni Juanito kanina si Padre Millon) Hahahahahaha

Padre Millon: Hala! Humanda sa isang talakayan! Ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa elementong bumubuo sa salamin. Sinong maaring makapagsabi ng komposisyon nito? (nakita ang natutulog na si Tadeo) Hoy antukin!! Masyado kang tamad! Alam mo ba ang leksyon at ika’y natutulog na??!!

Tadeo: (biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh... Ano po ba ang sinasabi niyo??

Padre Millon: Tonto!! Bakit ako ang tatanungin mo?? (nagtawanan ang lahat)

Tadeo: (tumuro sa isang dako) Ah!! Padre!!! Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez!!

Padre Millon: Huh?? Saan?? (umalis)

Macaraig: (tumayo at pumunta sa

unahan) Sasamantalahin ko na ang pag-kakataong ito upang tayo’y makapag-usap. Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.

(13)

Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!

Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio, isang sangguni ng lupon ang magdedesisyon.

Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?

Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganito, “Malaki na ang atin tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan.” Sinabi ni Padre Irene na kung tayo’y makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin ang kanyang pagsang-ayon.

Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?

Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.

Pecson: (hihilain ang gilid ng mata) Ang intsik na si Quiroga!

Sandoval: (gigiling) Ang mananayaw na si (sabay sabay sasabihin ang pangalan)” Pepay”!

Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari namang si Ginoong Pasta ang ating lapitan.

Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?

Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.

Macaraig: Hindi ba’t si Ginoong Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.

Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?

Juanito: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon. Kilala ko ang babae, si Matea.

Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindi mahalay tignan. Kakausapin ko si Ginoong Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang ibang paraan.

Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap niya kay Ginoong Pasta.

Tadeo: (ituturo ang ngipin) Ginoong Pasta? Pasta!!!

Mga Estudyante: Hahahahahahahaha

Scene:

(pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)

(nagsusulat si Ginoong Pasta at lihim na tinignan si Isagani mula ulo hanggang paa)

(14)

Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan ka ba?

Isagani: Maraming salamat po. Maayos po ang lagay ng aking amain. (natigil sandali)

Ginoong Pasta: Sige, magpatuloy ka...

Isagani: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyante na magpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Ginoong Pasta: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala!

Isagani: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin.

Ginoong Pasta: Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-ibig sa tinubuang lupa at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng ganun-ganon na lamang. Hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayang maselan; marami akong pag-aari, kailangang kumilos na may lubos na pag-iingat,,,

Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit kahit napaka-kaunti ang nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang –hari, mga lathala at mga kapasyahang umiiral sa ating bayan, ay inakala kong hindi magkakaroon ng kaamaan ang makitulong sa mga adhikain ng pamahalaan. Iisa lamang ang aming layunin at sa paraan lamang kami nagkakaiba.

Ginoong Pasta: Diyan nga nariyan and suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isang bagay na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat.

Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.

Ginoong Pasta: (itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi ang mga hakbang na iyan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan.

Isagani: Paumanhin! Naintindihan ko na ang nais ninyong sabihin...

(may kung anong hinahanap si Ginoong Pasta)

Isagani: Kung gayon... (tumindig na) Mauuna na po ako!

Ginoong Pasta: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binata! Ako man ay nagkaroon ng ganoong kaisipan. Ang tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang bawat bansa ay may sariling

pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at mga sakit. Kaawa-awang binata! Kung lahat ay nag-iisip na gaya niya, ay hindi ko sasabihing hindi... Kaawa-awang binata! Kaawa-Kaawa-awang Florentino!

Scene:

(nakaupo si Don Custodio at naghihintay)

(sound effects: gabi)

(15)

Don Custodio: (tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman... may meeting pa ako...

(sasayaw si Pepay sa gilid)

(mapapalingon si Don Custodio at pinag-papawisan)

Pepay: (seductive na lalapit kay Don

Custodio) Custodoni... Custodoni...!!! (ihihipan ang tenga ni Don Custodio)

Don Custodio: Pumunta lamang ako dito upang sabihing huwag muna tayo magkita... nagkakagulo ang mga estudyante ngayon at baka ako’y paman-manan.

Pepay: Custodoni my labsss.... ikaw naman eh...

(naka upo sila: lalayo si Custodio, lalapit si Pepay hanggang sa tumayo si Custodio at mahulog si Pepay sa upuan)

Pepay: (tatayo agad) Custodoni naman eh... pa kiss nga... sige na...!!! (hinila si Don Custodio at kumandong)

Don Custodio: Ano ka ba baka naman may makakita sa atin (kunwari pa pero yayapusin din si Pepay)

Pepay: Custodoni... alam mo kasi namatay ang aking tiyahin at kailangan namin ng pampalibing....

Don Custodio: Tiyahin? Hindi ba’t tatlong taon nang patay ang tiyahin mo?

Pepay: Ayyy!! Yung kapatid pala nang tiyahin ko.... Sige na kahit 500 lang...

Don Custodio: Oh heto! Sanlibo wala akong barya eh...

Pepay: Salamat Custodio (hahalik kahit beso beso lang at biglang aalis)

Don Custodio: Pepay!!! Tignan mo iyon pera lang yata ang ipinunta sa akin... tsk tsk tsk paano na ako ngayon?(yuyuko at kukunin ang cellphone) Haha may reserba pa nga pala ako... si Matea! Ma-text nga iyon Scene: SA TAHANAN NG HENERAL

Padre Camorra: Heneral! Ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay bumalik dito at hiniling ang paglaya ng kanyang nunong may sakit! Ikatlong araw na siyang naparirito, siya’y isang kahabag habag na dalaga!

Heneral: Hala! Sulatan mo ang tenyente ng guwardiya sibil upang palayain ang nuno ng dalaga! Hindi na nila masasabing tayo’y walang habag!

Scene: PATUNGONG UNIBERSIDAD

Juanito Pelaez: Kamusta ang bakasyon, Placcido? Paano ka nag-aliw?

(16)

Napakabuti! Inanyayahan ako ni Padre Camorra ang kura ng Tianni ng siang hapunan. Ang daming magagandang dalaga roon! Nakilala ko roon ang katipan ng estudyanteng si Basilio! Ang pangalan niya ay Juli at napakaganda! Ngunit masungit din naman.

Juanito Pelaez: Oh kamusta ang bakasyon Isagani!

Isagani: Mabuti! Mabuti!

( Bababa sa karuwahe si Donya Victorina at Paulita) (Ngingitian ni Paulita si Isagani)

Scene:

NAGHANDOG NG HAPUNAN SI QUIROGA

Simoun: Ano Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo?

Quiroga: Ah, Sinyo Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo!

Simoun: Sukat na ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyo ng pero! Pinautang ko sila upang ikaw ay hina bagabagin!

Quiroga: Pelo, Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala din migay sa akien lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din.

Simoun: Kung gayo’y ilapit mo na lang sila sa akin. Halika’t sa silid tayo magusap. Kailangan kong maipasok ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!

Quiroga: Mapanganib iyon sinyo simoun!

Simoun: Hindi ka manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay unti-unting itatago sa mga bahay-bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong sa bilangguan! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang ng malaki sa pagsisikap na mapalaya ang mga bilanggo- nauunawaan mo ba ko Quiroga?

Quiroga: Siya siya.. Basta huli malami tao, hah, sinyo Simoun.. Utos Lekisa; hah?

Scene:

(Inaya ni Simoun sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi, Quiroga, DOnya Victorina, Don Custodio at Paulita na pumunta sa piyesta ng Quiapo)

Placido Penitente: Pelaez, Sino ang magandang dalagang iyon na kasama ni Donya Victorina?

Juanito Pelaez: Iyon si Paulita Gomez na kanyang pamangkin.

(Magkasama si Isagani at Paulita sa likod si Victorina)

Padre Camorra: Napakagandang dalaga! At kasintahan pala niya’y aking estudyante!

Mr. Leeds: Ako si Mr. Leeds mga ginoo! Nais ba ninyong Makita ang espinghe? Kung gayo’y halina kayo sa loob!

Ang kahong ito ay galling sa piramide ni khufu! Noong una ko itong nakita ay may lamang abo at isang putol

(17)

na papel, at doon sa papel na iyon ay natuklasan ko ang katagang lubos na makapangyarihan! Sa isang kataga ay bubuhayin ko ngayon ang alabok na laman ng kahon… DEMEROF!

Imuthis: Ako si Imuthis! Isinilang ako nuong panahon ng Ameses at namatay noong pananakop ng mga Persia ng panahon ng Cambyses! Sa paglalakbay ko sa Babylonia ay natuklasan ko ang lihim ng mapagpanggap na haring si SMerdis Sa takot niyang ipamalita ko ang kanyang lihaim. Ipinanganyay niya ako sa sa

pamamagitan ng tulong ng mga paring ehipsiyo! Noong panahong iyon, ang mga pari’y makapangyarihan at siyang namamahala! Umibig ako noon sa isang dalagang anak ng pari! Siya’y minimithi rin ng pari ng Abydos at ang ginawa’y lumalang ng kaguluhan at sinangkalan ang pangalan ko! Ako’y nasakdal sa salang paghihimagsik! Sa pagtakas ko ako’y hinabol at pinaguusig hanggang ako’y mapatay ssa lawa! Buhat sa kabilang buhay ay nakita ko ang tagumpay ng

pagparaya’t panlilinlang! Nakita kong pinaguusig gabi’t araw ang dalaga kong iniibig sa templo ni isis, SI Philae! Tinutugis siya ng pari ng Abydos na walang tigil(Tititig kay Padre Salvi) Ang tumutugis ay parang malaking bayakang humahabol sa isang munting kalapati! Baliw sa takot at pagtitiis ang kaawa-awang dalaga! Ah, Pari ng Abydos, nabuhay akong muli upang isiwalat ang iyong kabuktutan! PARI NG ABYDOS! MAMAMATAY! KAPASTANGAN SA KABANALAN! MAPANIRANG PURI! HAHAHA!! MAMAMATAY!!! MAPANIRANG PURI! ISINASAKDAL KITA LAPASTANGAN SA KABANALAN!! HAHAHAH!!!

(Mahihimatay si Padre Salvi)

Scene:

Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina nag pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa kanyang katawan.

Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan. Sa loob lamang ng isang oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala ng mga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?

Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.

Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang isang hukbo at lubusin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamang ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.

Basilio: Huli na kayo!

Simoun: Anong ibig mong sabihin?

Basilio: Si Maria Clara ay patay na!

Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?

Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay Padre Salvi na ipinaaabot kay Kapitan

(18)

Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung kaya’t nanangis ang Kapitan.

Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya ngayon!

Basilio: G. simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang katotohanan.

Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang ako’y buhay! Namatay siya nang hindi nalalaman na ako’y nagbalik para sa kanya!

(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)(MAglalakad si Maria Clara)

Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang panahon para sa kanyang iniibig. At eto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang nakakapanghina nang damdamin.

Scene:

(nakaupo si Isagani sa isang medyo tagong bangko)

(dumaan sina Paulita, Juanito at Doña Victorina)

Doña Victorina: (nakakapit kay Juanito at feel na feel ang date nila) kay ganda ng gabi... hindi ba Juanito... kay sarap maglakd sa ilalim ng buwan. Kung sana’y... (lumapit kay Isagani at pinalo ng

pamaypay) Hoy binata! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio Pilantod! Hindi ba’t ikaw ang nahilingan kong humanap sa kanya. Baka alam ng tiyuhin mo kung nasaan ito! Aba’y sabihin niyo na kung buhay pa siya o patay na... nang makapag asawa na muli ako (titingin

kay Juanito at hihigpit ang hawak) (mukha namang naasiwa si Juanito sa sinabi ngunit ngumiti na rin ito)

(lihim na hinahawakan ni Juanito ang kamay ni Paulita ngunit ito’y pumipiglas)

Isagani: Paumanhin señora ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa inyong asawa (galit na nakatingin kay Juanito at Paulita)

Paulita: Siya nga naman tiya. Bigyan niyo pa ng oras si Isagani na kayo’y matulungan. Siya nga pala tiya mauna na kayo ni Juanito kung maaari sapagkat nahulog ko yata ang aking abaniko (tinatago lang sa likod)

Doña Victorina: (pilit na sinisilip kung ano ang nasa likod ni Paulita) Mabuti pa siguro at mauna na nga kami ng mucho gwapitong binatang ito at magkasarilinan! Juanito!!! Come on baby!! Come to mama!! (hihlain si Juanito papalayo) Halika na nga kasi at baka magbago pa ang isip ng pamangkin ko at hindi kita masolo.

Isagani: At bakit kasama mo na naman ang binatang iyon? Napapansin kong madalas kayong lumabas ng magkasama, tila may hindi ka sinasabi sa

akin. (tatalikod sa kasintahan at uupo sa bench)

Paulita: (aamuhin ang nobyo) Nagseselos ka ba mahal ko? Hindi ko naman nais na lagi siyang makasama. Ngunit si lagi siyang iniimbitahan ni Tiya Torina sa tuwing kami’y lalabas. (uupo sa tabi ni Isagani) Huwag ka nang magtampo sige na.... Gumawa naman ako nang paraan para tayo’y mapag-isa hindi ba? Upang

makasama ka kahit saglit lang ay nagawa kong magsinungaling kay Tiya Torina.

(19)

Paulita: (siya naman ang tatayo at nakatalikod sa nobyo) Ikaw nga eh! Kanina ko pa napupuna na pinag-mamasdan mo ang isang dalagang Pranses.

(lalapit si Isagani na akmang magsasalita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)

Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi... at hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol sa Pranses na dalaga.

(lumingon si Paulita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)

Paulita: Kung gayon ay ako pala ang mali...

Isagani: (lalapit at yayakapin ang nobya) Paulita alam mo namang para sa iyo lamang ang aking mga mata. (haharap si Paulita holding hands at eye to eye) Ikaw lamang ang pinakananais nitong masdan at titigan. Alam mo namang simula ng makilala kita ay ikaw na ang pinakamaganda sa aking paningin na noon ay sa bayan ko lang inuukol. Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala ang iyong kagandahan. Darating ang panahon at magiging malaya na ang Pilipinas at pagdating ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan at mga pangarap.

Paulita: (pipiglas sa holding hands) Pangarap! Pangarap! Sinabi ni Tiya Torina na lagi raw alipin ang bayang ito.

(bumalik na si Juanito at Doña Victorina)

Doña Victorina: (nakakapit kay Juanito at may hawak na barbecue) Sige na Juanito hijo... kahit isang kagat lamang...

Juanito: Hindi na po senyora. Wala po akong gana...

Doña Victorina: Walang gana?! Lagi na lang walang gana!! (lumapit kay Pauilta at hinila ito) Halika na Paulita at umuwi baka masyado ka nang nahamugan!

Paulita: Dahan dahan Tiya Torina! Magandang gabi at paalam Isagani... (sabay hawaak sa naghihintay na braso ni Juanito)

Isagani: Amor, que astro eres? Kay hirap mo nang abutin. Scene:

(Sa isang pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.)

Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may magagandang kalooban!

Sandoval: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?

Macaraig: Walang nakakaalam niyan.

(20)

Juanito: Diba’t marami na siyang tagumpay? Bakit tayo’y hindi man lamang niya hinayaang magtagumpay? Mabuti naman an gating layunin.

(Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)

Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mga tao. At ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan, mga prayle daw ang may kagagawan.

Sandoval: sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walng ibang nais kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga pagkain.

(Hindi pa nagtatagal nang dumating si Isagani)

Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si juanito na lang pala ang wala.

Tadeo: Sana’y si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito. Mukhang wala itong balak pumunta.

Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?

Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilang detalye tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.

(Lumipas ang ilang minuto nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kaya minabuti na nilang kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)

Tadeo: Para kay Don Custodio ang “panukalang sopas”.

Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mga prayle.

Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayo ang

tumatangkilik pero sila ng nakikinabang. Tulad n gating pamahalaan ngayon.

Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa Pilinas!

Sandoval: Dapat ay sa Eminencia Negra, kay Simoun!

(Nagpatuloy ang kasiyahan nila nang biglang)

Tadeo: Tignan ninyo! Hindi ba’t iyon ang paboritong estudyante ng Vice Rector?

Isagani: Masdan ninyo’t sa karwahe ni Simoun ito sumakay!

Macaraig: Ang busabos ng Vice Rector na pinaglilingkurang panginoon ang Heneral!

Scene:

(21)

BAHAY NI KAPITAN TIYAGO

Kapitan TIyago: Diyata’t si Basilio dinakip, Padre Irene?

Padre Irene: Oo ngunit huwag sana kayong mabahala, Kapitan! Makasasama sa inyo! (Pipilitin tumayo ni kapitan tiyago)

Kapitan TIyago Huwag! Patay na siya! Pagpalain nawa ang kanyang kaluluwa!

Scene:

Juli: Ano ang wika ninyo Hermana Bali? DInakip si Basilio?

Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!

Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay pata na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio? Sino!

Hermana Bali: SI Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?

Hingan mo siyang muli ng tulong! Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!

Juli: Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!

Padre Camorra: Juli!

Juli: Kailangan kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol poi to kay Basilio!

Padre Camorra: Aking tutuparin kung ako’y iyong pagbibigyan.

(Babatuhin ng bote ni Hermana Bati si Padre Camorra at sasampalin ito ng Padre at makakatakas si Juli paakyat sa kumbento at tatalon sa bintana ng kumbento)

(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin si Basilio. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)

Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang aking kapatid at

pinahirapan ang aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.

(Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y nakulang kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.

Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama’y gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.

(22)

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang lampara na may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo.

(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!

(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang bomba!

Basilio: Kung gayo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang kinasundo ko

noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon

nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na magpapa-api!

Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka!

(Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio.)

Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa Daann Analogue sa alas-nuwebe.

(23)

Basilio: Kung gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.

(At tuluyan nang umalis si Basilio.)

Scene:

Doña Victorina: Napaka ganda mo ngayon

hija!!! Magnifico!! Bonito! Bonito! Hija!! Kamukha na kita ngayon. Maganda. Iba na talaga pag lahi ng magaganda!!!

Paulita: Salamat Tiya.

(maglalakad si Paulita patungong altar at sasalubungin ni Juanito)

Padre Irene: Sa ngalan ng ama, ng anak at espirito santo. (magdarasal na parang may ginagawang ritwal o pray over)Juanito, tinatanggap mo ba bilang asawa ang babaeng ito, magsasama ng tapat sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan? Juanito: Opo Padre.

Padre Irene: Paulita, tinatanggap mo ba bilang asawa ang lalaking ito, magsasama ng tapat sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?

Paulita: Opo Padre.

Padre Irene: Ngayon... kayong dalawa ay kasal na. EXTRA: Wala ba kayong mga kamay?!

Juanito: (itataas ang belo ni Paulita) (hahawakan ang pisngi ni Paulita) (daha dahang ilalapit ang

mukha) May dumi ka sa mukha. (papagpagin ang dumi at ibababa ulit ang belo)

Scene:

(Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.)

Simoun: Si Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani!

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila. Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.

(Papalapit na siya sa bahay.)

Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!

(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Scene:

Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal!

Paulita Gomez: Napakagandang ilawan!

(24)

Juanito Pelaez: Maraming Salamat Don Simoun.

Paulita Gomez: Maaari nab a naming itong magamit?

Simoun: oo, bakit hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan. (aalis si SImoun) Scene:

Basilio: Hindi sila dapat madamay!

(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!

Basilio: Papasukin ninyo ako!

(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)

Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!

(At tuluyan nangnumalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.

(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo sa pista.)

Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!

Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?

Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras ngayon! Tara na!

Isagani: Bukas ay iba na siya….

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.

Scene:

(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.)

Kapitan Heneral: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra.

(25)

Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang namayapa!

(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?

(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.

(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!

(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

Scene:

(Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura.

Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.)

Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?

Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.

Padre Florentino: Diyos ko!

Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?

Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.

Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit ito’y hindi natupad.

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong

(26)

plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong

pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.

Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot kundi kasamaan?

Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.

Scene:

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.

(Magsasagwan lahat at si SImoun ang maglalayag ng BAPOR.)

Referensi

Dokumen terkait

Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi

 Ang kabanata 38 ay nasa teoryang romantesismo dahil nailabas ni Alma ang kanyang matinding damdamin para kay Victor kung saan tinanong niya ito ng direkta kung

-isinulat ni Rizal noong siya ay nasa Ateneo bilang isang pagsasanay sa kanyang paggawa ng tula at pagsusulat.. -Para kay Rizal, si Elcano ay isang bayani ng Espanya, na

 Kapag ang isang tao ay magpasiya kung siya ay rerespeto sa iyo bilang isang lider, hindi siya nag-iisip tungkol sa iyong mga katangian, sa halip, tinitingnan niya kung ano ang

Kapag namatay ang isang pinuno, pumapatay din sila ng isang alipin nito upang magsilbi sa kanyang panginoon (amo, master) sa „kabilang buhay.‟ Hanggang maaari, ginagaya nila

Nang makarating si Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap sa kanyang gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya masikmura

Isa sa dalawang beses na siyang napunta sa bahay ni Frankie; hindi niya nakita ang ama nito, na ayon kay Frankie ay may sakit at lagi sa kanyang kwarto, at ang ina ay

May pagkakataon na dapat sumangguni sa ibang tao para malaman kung ano ang dapat gawin.. Sa paulit-ulit na paliwanag ng babae, napahinuhod niya ang nanay ko na magtrabaho sa