St. Mary’s College of Baliuag
Racelis St., Poblacion, Baliwag, BulacanTaong Panuruan 2014-2015 NAT REVIEWER SA FILIPINO IV
Pangalan: ________________________________ Marka: _________
Pangkat: _________________________________ Petsa:__________
PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Mula sa apat na pagpipilian, piliin ang tama at pinakamainam na sagot. Itiman ang titik ng piniling sagot sa sagutang papel.
1. Kahit __________ hinahangaan ang galing at kakayahan ng mga Pilipino. a. alinman b. saanman
c. ilanman d. gaanuman
2. Sa tulong ng taumbayan ay madaling makakaaksyon ang poll body sa anumang karaingang idudulog ____ may kaugnayan sa hindi pagsunod sa ipinaiiral na panuntunan ng Comelec.
a. nang b. nag
c. ng d. na
3. Muling napuno ng mga tao ang Session Road, ang itinuturing na 'Puso ng Baguio', ________ saksihan ang mga makukulay na kasuotan at mga dinisenyuhang mga katawan ng mga taga-Cordillera na nakibahagi sa taunang 'Panagbenga' o Flower Festival.
a. upang b. kung
c. dahil d. kaya
4. Ang binili kong ruler ay __________ sa buong klase. a. mahaba b. mas mahaba
c. lalong mahaba d. pinakamahaba
5. Kasalukuyang nagkukwentuhan sila _______bumuhos ang malakas na ulan.
a. ng b. nang
c. kaya d. kung
6. ____________ na Mayor si Freddie sa susunod na eleksyon. a. tumakbo c. tumatakbo
c. tatakbo d. lalakad
7. Masaya__ naglalaro ang mga bata.
a. na b. nang
c. nag d. -ng
Para sa bilang 8-9, piliin ang angkop na pangungusap o pahayag sa bawat sitwasyon.
8. Pagdating mo sa inyong silid aralan nakita mong nilalaro ng kaklase mong si Ana ang iyong mga gamit.
a. Akin yan, bakit mo pinapakialaman gamit ko? b. Pwede ba ibalik mo yan?
c. Ana, hindi tamang makialam ka sa gamit ng iba nang walang paalam. d. Hoy! Bitiwan mo yan, kung ayaw mo nang away.
9. Napagalitan ka ng guro mo dahil nahuli ka niyang hindi nakikinig at iba ang ginagawa mo. Ano ang wastong isasagot sa guro?
a. Bakit mo ako pinapagalitan, anong kasalanan ko? b. Akala mo naman kung sino.
c. Wala kang pakialam kung di ako nakikinig. d. Sorry po, hindi ko na po uulitin.
11. Anong bahagi ng pangungusap ang may mali?
Hihintayin kita kahapon sa liwasan ngunit hindi ka naman dumating.
c. sa liwasan d. walang mali 12. Ang ama ng haligi ng tahanan.
a. personipikasyon b. pagmamalabis c. metapora d. simile
Pag-aralan ang mga impormasyon sa grap. Sagutin ang mga tanong sa bilang 13-14 Enrolment ng Baua Central School
13. Anong taon ang may pinakamaraming mag-aaral?
a. 2009 b. 2010
c. 2011 d. 2012
14. Ilan ang itinaas na bilang ng mga mag-aaral mula 2010-2012?
a. 20 b. 30
c. 50 d. 40
Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito para sa bilang 15-23. Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.
"Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?" tanong ni Paruparo. "Bakit di ka magsaya na tulad ko?"
"Naku, mahirap na," aniya. "Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago dumating ang tag-ulan."
"Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig," pagmamalaki ni Paruparo.
"Bakit nga ba?" Nagtataka si Langgam.
"Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?" inginuso niya ang nasa di kalayuan.
"Sino?' tanong ni Langgam.
"Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin," pagyayabang ni Paruparo.
"A, ganoon ba?" sabi ni Langgam.
"Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e," sabi ni Paruparo.
"Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon," mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam. "O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking gawain."
Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.
Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan.
Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamaya'y dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila. Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala."
15. “Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin," pagyayabang ni Paruparo.
Ang ibig sabihin ng sigwang ay_____.
a. unos b. bagyo
c. problema d. takot
16. Ang kasalungat ng salitang natitigatig ay________. a. nababalisa b. nag-aalala
c. napapanatag d.naliligalig
17. Bakit nagtataka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam? a. Nagpapabalik-balik si Langgam sa kanyang lungga.
b. Pagod na pagod si Langgam. c. Nagpapakahirap si Langgam.
d. Natutuwa sa kasipagan ni Langgam. 18. Paano nabubuhay si Langgam?
a. Sa sipag at tiyaga. b. Umaasa sa kaibigan
c. Nagpapakahirap para kaawaan. d. Nakikipag kwentuhan sa paruparo. 19. Ano ang pangunahing kaisipan ng kwento?
a. Pag magsikap giginhawa ang buhay.
b. Kung may tiyaga mag matatamong pagpapala.
c. Hindi bale nang tamad basta may kaibigang magbibigay ng proteksyon. d. Makipagkaibigan upang may tutulong sa iyo sa oras ng kahirapan. 20. Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
1. Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig.
2. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: "Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala."
3. Ang mga sumusunod na araw ay maulan.
4. Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam 5. Pakanta-kanta lang si Paruparo
a. 54321 b. 43512 c. 45312 d. 45123
21. Anong mabuting katangian ang ipinakita ni Langgam? a. mapagkumbaba
b. masayahin c. mapagmasid d. masipag
22. "Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e”. Anong katangian mayroon si Paruparo?
a. mautak
b. marunong umawit c. walang galang d. hambog
23. Ano ang sanhi ng pagkamatay ni Paruparo? a. nalunod sa ilog
b. malunod sa baha c. nagpakamatay d. namatay sa gutom
Para sa bilang 24-25 piliin ang panlapi na bubuo sa pandiwa na angkop sa pangungusap.
24. Ang mga kamag-anak ni Aling Doring ay (lipat) ng bahay noong isang linggo.
a. an b. ma
c. in d. nag
25. (Tubo) na rin ang mga punla ng okra ko.
a. um b. ma
c. in d. nag
26. Anong uri ng kard katalog ang kard na nasa itaas? a. kard ng pamagat
b. kard ng awtor c. kard ng paksa d. wala sa nabanggit
27. Namasyal at nanood ng sine sina Jay at Mariz. Anong kayarian ng pangungusap ito?
a. payak b. tambalan
c. hugnayan d. laguhan
28. “Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa.” Isinasasaad ng salawikaing ito ang kahalagaan ng :
a pagkakaisa’t pagtutulungan
b tibay ng dibdib at lakas kahit nag-iisa c pagkakaroon ng lakas kahit nag-iisa d pagpapalakas ng loob lalo’t nag-iisa 29. Sa akin lipain doon nagmula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao mayaman o dukha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa. Ano ang ipinahihiwatig ng saknong?
a. Lahat ng pagkain ay sa magsasaka nagmumula b. Lahat ng magsasaka ay may lupang sinasaka c. Lahat ng tao’t bagay ay galling sa lupa
d. Lahat ng umaasa sa biyayang galling sa magsasaka.
Hindi mapigil ang mabilis na pag-inog ng daigdig. Naging marunong ang tao sa tulong ng agham at teknolohiya. Kapansin-pansin ang kaunlaran sa medisina, pati na rin ang pagdami ng tao.
30. Ano ang kaisipang mahihinuha mula sa binasa sa itaas? A. Mabilis umikot ang mundo.
B. Ang karunungan ay nagdudulot ng kaunlaran.
C. Dumarami ang tao dahil sa mabilis na pag-inog ng mundo. D. kaunlaran ay bunga ng
"Ibuhos natin ang ating buong kakayahan at gawin ang lahat ng magagawa upang ang ating bansa'y maging tunay na malaya at nagsasarili, at ang mga mamamayang Pilipino'y siyang maging tahas na panginoon sa kanilang lupain.” 31. Ang ibig ituro ng pahayag sa mga Pilipino ay .
A. pangalagaan ang bansa laban sa mga dayuhan. B. isulong ang kasarinlan ng bansa
C. ipagmalaki ang nakamit na kasarinlan sa kamay ng dayuhan. D. makapagtatag ng isang huwarang pamahalaan ng taong-bayan.
"Makatarungang demokrasya, pagka- kapantay-pantay sa batas at pagkaka- taon sa buhay. lto ang ating panata at hantungan, sukdulang tayo'y magbuwis ng ating buhay." 32. Ipinapahayag ng binasang bahagi na ang .
A. pagbubuwis ng buhay ay isang kabayanihan.
B. pagbubuwis ng buhay ang kasagutan para matamo ang demokrasya. C. bawat nilalang ay may tinatamasang mga karapatan.
D. kapakanan ng mga mamamayan ang dapat na maging pangunahing hangarin. 33.. Mas magiging masaya ang pagdiriwang kung makakadalo _________ Luisito at Clara.
a. sila b. kila c. sana d. sina
34. Wala na _________ pag- asa pang mabago ang kanyang pasya.
a. din b. rin c. daw d. raw
35. Si Binibing Reyes ay umaawit at sumasayaw __________.
a. din b. rin c. daw d. raw
36. Kinuha ____________ pulis ang mga pangalan ng mga taong nakita sa pook ng krimen.
a. ng b. nang c. ang d. ni
37. Ang Rizal Park ay __________ kaysa Bonifacio Park.
a. mas malawak b. magsinlawak
c. pinakamalawak d. napakalawak 38. Aking _________ ang pinya upang matikman mo.
a. papatalupan b. patatalupan c. ipinatalop d. tatalupan
39. Ang koponang De La Salle at koponang Ateneo ay ___________ sa basketbol.
a. magsinhusay b. magsin-husay
c. magsinghusay d. magsing-husay
40. Magkasama sa rally sa Mendiola _________ Marlo at Lita.
a. kila b. sila c. sina d. kina
41. ___________ bagong proyektong pabahay ang Sangguniang Panglungsod para sa mahihirap.
a. mayroo. b. mag- isang c. may d. pag- iisang
42. Nagdiwang ang buong paaralan dahil nakamit ni Joselito Ramos ang ___________ gantimpala.
a. ika- isang b. unang c. pang- unang d. pang- isang
43. Alas kuwatro ng hapon __________ bawian ng buhay si Pedro.
a. nang b. nuong c. ng d. ang
44. Tuwang- tuwa ___________ ng mangingisda ang maraming nahuhuling isda sa mga mamamakyaw sa pamilihan.
45. Nang makasakay ko si Danilo sa dyip ______ niya ako ng pamasahe.
a. binayad b. ipinagbayad c. nagbayad d. ibinayad
46. Ang maysakit sa hospital ay magaling ________ totoo bago pa man dumating ang kanyang ina na galing sa lalawigan.
a. ng b. nang c. din d. rin
47. Isang kaaya- ayang tanawing _________ ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila.
a. napakaganda b. mas maganda c. magandang- maganda
d. pinakamaganda
48. Parang natuka ng ahas si Rita ng makita niya ang lalaking mahal niya sa piling ng iba.
a. natigilan b. natuklaw c. nakagat d. nalason
49. Marami na naming nasagap na alimuon si Rosalie nang magtungo siya sa plasa kahapon. a. masamang hangin b. bali- balita
c. uri ng sayaw d. mga paligsahan
50. Ang buhay ni Jose Rizal ay bukas na aklat sa mga Pilipino. a. makasaysayan b. lingid sa madla
c. alam ng lahat d. itinatago
Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito para sa bilang 51-57.
Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad. Nagsisimula pa lamang siya nang biglang iharap sa kanya ang isa sa kanyang mga alagad dahil sa milyung-milyong dolyar na utang nito sa hari. Ang alagad ay walang maibayad sa napakalaking pagkakautang nito, kaya ipinag-utos ng hari na ipagbili ito bilang alipin kasama ang kanyang asawa at mga anak. Gayundin, ang lahat ng kanyang ari-arian ay iniutos na kunin upang maidagdag sa bayad sa hari.
Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki.
"Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari. Naawa naman sa kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang.
Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad na may utang sa kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang sakalin. "Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito. Lumuhod ang kanyang kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya. “Bigyan mo ako ng panahon at babayaran kita," pagmamakaawa nito.
Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong. Nagalit ang ibang alagad ng hari nang mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari ang ginawa ng lalaki sa kanyang kapwa alagad na may utang sa kanya.
Ang lalaki ay ipinatawag ng hari.
"Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad tulad ng pagkaawa ko sa iyo," wika ng hari.
Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki hanggang sa mabayaran nito ang kanyang pagkakautang.
51. Ano ang paksang-diwang inilalahad ng kuwento? a. Ang utang hindi dapat kinakalimutan
b. Ang taong hindi marunong magpatawad
c. Ang natanggap na pagpapala ay hindi dapat ipagkait sa iba. d. Upang mapatawad ka matuto ka ring magpatawad.
52. Ano ang katangiang ipinamalas ng unang lalaki nang sabihin niya sa kanyang kapwa alagad, "Bayaran mo ang utang mo sa akin.”
a. mapagpatawad b. matigas ang puso c. mapagmataas d. mapanghusga
53. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng hari ng sabihin niyang, ikaw ay isang walang kwentang alipin!
a. Natutuwa b. Namumuhi c. Nag-aalala d. Nagsdaramdam
54. Ano ang sanhi ng parusa ng unang alagad? a. Nang nagmakaawa sa hari
b. Nagalit sa kanya ang mga kapwa niya alagad
c. Ipinakulong niya ang kanyang kapwa alagad dahil di makabayad sa utang d. Sinisingil niya ang kanyang kapwa alagad
55. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento. 1. Ipinabilanggo ng hari ang lalaki
2. Nagalit ang ibang alagad ng hari
3. Agad niyang hinawakan at sinimulang sakalin ang kapwa alagad
4. Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad. 5. Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang lalaki.
a. 45123 b. 54321
c. 45321 d. 32154
56. Kung hindi ipinakulong ng unang lalaki ang kapwa niya alagad, ano kaya ang nangyari sa kanya?
a. Siya ay ipinakulong dahil di niya mababayaran ang milyung-milyong utang niya. b. Ipinagbili niya ang kanyang mga ari-arian upang makabayad
c. Tutulungan siya ng kapwa niya alagad d. Siya ay kaawaan ng Hari
57. Anong kaisipan ang inihahatid ng kuwento.
a. Kung ano ang ayaw mo, huwag mong gawin sa kapwa mo. b. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao
c. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga d. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda
58. Ano ang ibig sabihin ng larawan? a. bawal pumitas ng bulaklak b. bawal manilip
c. bawal tumingin sa katabi d. ditto ang paliguan
59. “Darating ka ba? Talaga ba?” tanong ng isang kasintahan. Alin kaya ang wastong sagot? a. “Bakit makulit ka?”
b. “Oo, mag-antay ka lang.” c. “Oo naman.”
d. “Di kaba naniniwala? Basta.”
60. Ang hiling ng namatay na artista ay siay’s ilibingsa takipsilim. Anong oras iyon? a. Madaling-araw
b. sa pagitan ng alas singko at alas sais ng hapon c. ika-anim ng umaga
St. Mary’s College of Baliuag
Racelis St., Poblacion, Baliwag, BulacanTaong Panuruan 2014-2015 NAT REVIEWER SA FILIPINO IV
SAGUTANG-PAPEL Pangalan: ________________________________ Marka: _________ Pangkat: _________________________________ Petsa:__________