• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Epiko ng Pilipinas

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Mga Epiko ng Pilipinas"

Copied!
37
0
0

Teks penuh

(1)

Agyu

(Epiko ng Ilianon)

Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at

Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko. Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit

pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang

datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.

Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang bundok ng Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon. Nang sila’y naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw. Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni

Tanagyaw ang mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw.

Di nagluwa’t ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit sila’y natalo. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw. Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa

dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang bundok at burol.

Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang kanyang kaakit-akit na asawa.

▸ Baca selengkapnya: patotohanan ang sinabi ni san miguel na hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mga bata at patuloy pa rin ang paglabag sa kanilang mga karapatan.

(2)

Alim

(Epiko ng mga Ifugao)

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling

hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at

naroroon na ang bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.

Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga

ilog. Namatay ang mga tao. Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang

tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa

magkapatid na sina Bugan at Wigan.

Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawa

lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay

nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay.

Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si

Makanungan. Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae. Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang masagana.

Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang

ani. Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang pagsasalat at tuyot.

Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at

(3)

hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.

(4)

Bantugan

(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng

Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y

naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si

Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang

sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay

nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

(5)

Bidasari

(Epikong Mindanao)

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao

noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang

mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang

gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng

sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang

malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

(6)

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling

nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si

Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan

nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni

Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

(7)

Darangan (Epikong Maranao)

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang

nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.

Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.

Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang

buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.

Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian. Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong

(8)

Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.

Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay

napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit,

nagpahayag ang hari ng kautusan.

Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking

kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang

minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.

Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa

kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo

lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni G. Frank Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.

(9)

Hudhud:

Ang Kuwento ni Aliguyon (Epiko ng mga Ifugao)

Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali, at sa pananampalataya.

Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan, isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang

kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga

mandirigmang ito at matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.

Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang

maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung

tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit sa hangin.

(10)

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan!

Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang

huminto ng pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo. Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si

Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitan ng kanilang ama. Nagdiwang ang lahat.

Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang

mapangasawa si Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang

maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay nang maligaya. Doon

lumaki ang kani-kanilang mga supling.

Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong

kasiyahanng pinanonood ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung sila’y sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma ay mahusay din sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na agila. Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang kanilang kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.

(11)

Humadapnon (Epikong Panay)

Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga anak na lalaki. Isa sa kanilang mga anak ay itinuturing na bayani ng mga Sulod Pagandra ng Panay Sentral. Ito ay ang kanilang panganay na si

Humadapnon.

Nang siya’y magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay. Nais niya’y matagpuan ang babaeng kanyang

pakakasalan. Ang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina Labaw at Viva Matanayon ng Ilog Hulanod ang siyang nagpatibok sa puso ni Humadapnon. Kumuha muna siya ng maliit na patalim at

sinugatan nito ang maliit na daliri. Matapos iyon, siya ay naglakbay at nangyaring si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo.

Habang siya’y naglalayag sakay ng kanyang ginintuang bangka, isang hindi inaasahang lakas ang dumating. Natangay ang kanyang ginintuang

bangka. Salamat na lamang at may dumating siyang kaibigang hindi nakikita kaya nakaiwas siya sa pagkakaipit sa dalawang malalaking bato. Matapos ang trahedyang ito’y muling nagpatuloy sa paglalakbay si

Humadapnon hanggang sa makarating siya sa dagat na ang tubig ay hindi gumagalaw, malagkit, maputik at maitim. Matagal pa sana siyang aalis sa lugar na iyon ngunit muli na naman siyang tinulungan ng kanyang kaibigang di niya nakikita, na nagngangalang Saragudon.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, narating nila ang lupain ng

Taraban. Ang lahat ng mga namumuno sa lugar na ito ay pawang babae na naggagandahan. Sina Simalubay Hanginum, Simahuboli Hubunan at

Sinaghating Bulawan. Sa kagandahan ng magkapatid ay naakit si

Humadapnon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit nananatili pa sila sa lugar na ito sa kabila ng pinagbantaan siya ng kapatid sa dugo na si

Dumalaplap. Nabilanggo siya rito ng halos pitong taon. Sa kabutihang-palad, may nagligtas muli sa kanya. Ito ay si Nagmalitong-Yawa na matapos siyang makawala ay bigla itong nawala.

Muli niyang ipinagpatuloy ang paghahanap kay Nagmalitong

Yawa. Napadaan siya sa isang madilim na lupain na kinakitaan ng mga kaluluwa ng kanyang mga ninunong yumao na. Ang lupaing ito’y

nagtataglay ng sampung ilog. Lulan ng kanyang bangka, mula sa

bulubunduking ito, nagkaroon sila ng paglalaban at agad naman niyang nagapi ang mga ito. Mula sa ilog na ito ay nadako siya sa ilalim ng lupa at dito’y nakasagupa niya ang isang hayop na may walong ulo. At nagapi niya

(12)

ang hayop. Sa maraming taon niyang paglalakbay, narating niya ang Ilog ng Holawod. At dito niya nakita si Nagmalitong Yawa. Ito ay kanyang pinakasalan. Sa gitna ng pagdiriwang may dumating na isang grupo mula sa kalawakan. Mabilis na kinuha si Nagmalitong Yawa at ito ay

napatay. Buong tapang na nakipagsagupa si Humadapnon sa pinuno ng grupo. Sapagkat kapwa may angking lakas ay umabot sa pitong taon ang kanilang sagupaan. Ipinaalam ni Launsina kay Humadapnon na kulang sa pag-iisip ang nakalaban ni Humadapnon sa Namurata sa himpapawid upang bigyan ng buhay si Nagmalitong Yawa.

Nang muling mabuhay si Nagmalitong Yawa ay saka nila napag-alaman na ang kalahating katawan nito ay napangasawa ni Amurutha at ang kalahati ay napangasawa ni Humadapnon. Mula nang magkaliwanagan ay nanaog sina Humadapnon at Nagmalitong Yawa sa naging pinuno ng mga tao sa Sulod ng Panay.

(13)

Ibalon

(Epikong Bicolano)

Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño, batay sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng

Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at

mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang

kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang

maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

(14)

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Matandang kasaysayan ng Ibalon:

Ang panahong nasasaklaw ng matandang kasaysayan ng Kabikulan ay nagsimula noong sinauna hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa pangunguna ni Juan Salcedo noong 1573. Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito naunang nakilala ang lupain ng mga sinaunang bikolano. Ang naging batayan nito ay

ang ibal o ibay na siyang kauna-unahang pangalan ng tangway ng

Bikol. Ang ibal ay salitang pinaikli na ang Ibalyo (Bikol) o Ibaylo (Bisaya) na nangangahulugang maging tawiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong timog Luzon.

Katangian ng Epikong Ibalon:

Ito ay binubuo ng animnapung saknong na may apat na taludtod ang bawat saknong. Ang sukat ay labindalawang pantig ang bawat taludtod. Ito ay isinalin ni Fr. Jose Castaño sa Kastila. Ang kayarian ng epikong Ibalon ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang kahilingan ni Iling kay Kadugnung na awitin nito ng huli ang mga pangyayaring nagpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si Handyong. Ito ang nilalaman ng unang bahagi na may anim na saknong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon. ILING – isang ibon na laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring turuang bumigkas ng ilang salita.

KADUGNUNG – mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni Iling ay inawit niya ang epiko. Siya ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castaño.

(15)
(16)

Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga

nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng

punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at

namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging

pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay

(17)

ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang

pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na

pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan. Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang

kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay

Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at

dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

(18)

Labaw Donggon (Epikong Bisaya)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang

Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din. Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya.

Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang

kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni

Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung

Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at

nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.

Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni

Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan. Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay

(19)

si Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan. Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang

nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni

Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay

napaiyak sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at

pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon

Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon. Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan

nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

(20)

Lam-ang (Epikong Ilokano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng

kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng

kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban. Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay

(21)

ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol Lam-ang mga magulLam-ang ni Ines kung

magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa

simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang

rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni

Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

(22)

Maragtas (Epikong Bisayas)

Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay.

Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng

nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa

paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si

Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang

mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na

maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa

Borneo. Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at

(23)

ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang

itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay

Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay. Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa

pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni

Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga

(24)

tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga

Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga

Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang

kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu

Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman

maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng

(25)

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng

Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga

"Taga-ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

(26)

Si Biuag at Malana (Ang Epiko ng Cagayan)

Ano ang alamat ng dalawang bundok na matatagpuan sa tabing ilog na Matalag?

Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa dalawang matitikas na binata may daang taon na ang

nakakaraan. Sa Nangalauatan, isang nayon sa Rizal ang dako na

pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil sa nadaramang pagmamahal ng isang magandang dilag.

Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng

Cagayan. Noong siya’y isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa. Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang kaniyang anak.

Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng bata. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Minsan siya ay nahulog ngunit hindi man lamang ito

nasasaktan. Nang siya’y lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.

Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at

bilis. Nagagawa niyang maging mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang bunutin ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari mo’y damo lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.

Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa

Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila malaman. Gustuhin man ni Biuag na limutin ang dalaga ay hindi makakasama ang dilag habangbuhay.

Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng pagkatao ni Biuag. Siya ay si Malana. Nong siya’y labing-walong taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa Malaueg, at ito’y nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan ng pagkain ay

(27)

ang Sto. Niño na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng ilog na tinitirhan ng maraming buwaya.

Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Niño, at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay.

Nang siya’y makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam nilang hindi sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay nagpasiya na itong umuwi.

Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay Biuag. Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay

Malana. Ipinagwalang-bahala ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niya’y ang napakagandang dalaga.

Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang pakasalan siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging minamahal.

Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito

tatanggapin. Nagsabi siyang hindi karapat-dapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana ang pana. Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.

Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang dumating. Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag, siyan’y nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang pag-agaw na kahit ano na hindi mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.

Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siya’y nakatayo sa kabilang bundok tangan ang pana’t isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng taga-Malaueg para kay Malana. Sa isip niya’y gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.

(28)

Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na lulan ang dalagang pinag-aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin ng dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.

Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang

malakas ka ay humanda ka sa aking regalo na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo.

Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis ang pagsalo ni Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa bayan ng Rizal.

Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon. Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad, ito’y nagmintis. Hindi sa puso ni Malana kundi sa ilog tumama ang sibat. Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang armas mo. Pagkakataon ko naman ngayon.

Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasalita’y biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag. Biglang nagkaroon ng malalaking alon na humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni Malana. Nang magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang pinakamalaking buwaya na siyang ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.

Pinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at hinamon si Malana na lumukso sa ilog.

Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula sa tuktok ng bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si

Malana. Ito’y ginawa niya upang hindi mapahamak si Malana. Tiningnan ng dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang duwag dahil

nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak ng diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-dapat sa mga bigay sa iyo ng aking diyosang Ina.

Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon ay kanyang binasbasan, maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan

(29)

kung saan naroon ang kaharian ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang kanyang sarili sa ilog. At siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga tagaroon na ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-Luru.

(30)

Tulalang

(Epiko ng Manobo)

Ito ang epiko ng mga Manobo na nagsasalaysay tungkol sa buhay ni Tulalang. Siya ang panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap. Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na kanilang pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa

kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at ang wika:Huwag kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo. Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.

Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang

masisipag. Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming mga tao sa iba’t ibang tribu ang nagtungo sa kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.

Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan sa torohan o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay

napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin.

Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin at mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahabang manggas at ang pantalon niya ay

hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing. May balaraw sa baywang at may pulang turban sa ulo na ginagamit sa paligid. Siya ay laging nakayapak lamang.

Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-isang kapatid na babae na inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang mag-anyong iba’t-ibang hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri lamang

habang nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala siyang ginagawa.

Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing umaga at bago tumanghali ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang mga bulaklak na rosas ay nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang bulaklak na rosas. Dumating

(31)

si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi man lamang nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing ang nagsalita at pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang singsing at inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto ito at naging singsing na muli.

Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang ang kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na namang pumuksa ng mga kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na naging sundalo, at ito ay bumalik sa dating anyo, ang leeg ang naging hawakan ng balaraw.

Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang

napatay na mga tauhan ni Agio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa palasyo at nagpahinga. Hinalinhan naman siya ng kapatid niyang si

Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay ang kalahati ng mga kalabang natitira. Siya ay napagod din at nagpahinga sa palasyo kaya siya ay hinalinhan naman ng pinakabunso sa magkakapatid, si

Minalisin. Nangamatay ng lahat ang mga kalaban maliban kay Agio. Naglaban naman sina Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si

Agio. Nagbalik sa dating anyo si Agio na kanina ay nag-anyong pulubi bago maglabanan. Siya ay naging isang makisig na binata. Nagpatuloy sila sa paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng kapatid na babae ni Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila. Nalaman nila pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan.

Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang uwak na nakadapo sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak na may darating na isang

napakalaking higanteng kumakain na tao. Sinabi rin sa kanya kung paano ito matatagpuan.

Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang kubong may nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda ang tungkol sa higante at sa magandang dilag na bihag nito.

Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang babae. Ang bahay ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging

(32)

na tumubo sa ilalim nito. Natutulog ang higante at nakakulong ang dalaga sa hawla nang siya’y dumating. Nagising ang higante. Sino ang

nariyan? ang sigaw ng higante. Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa aking pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot ni Tulalang. Ako ay taong kagaya mo. Kinuha ng higante ang panggarote at ang dalawa ay

naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang kamay, dalawang paa at ulo ng higante.

Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na ang pangalan ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na

pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang pangalan. Naakit siya sa dalaga kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga, ngunit isang suklay ang sadyang iniwan nito at nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa tahanan ng higante at sumakay sa kanyang musala. Nagtanong siya sa pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro ng mga ito. Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo niya kaagad ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga. Binanggit niyang muli ang kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang makauwi sa kalangitan.

Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama pala niyang hari ay namatay na. Sa gayon, ang kanilang kaharian ay

nangangailangan ng hari. Pumayag siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi muna si Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang Kulaman upang kunin ang kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid hanggang sa makalimutan niya ang pangako kay Macaranga.

Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga kaaway. Ang hari ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang pinakamalakas na kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita. Nagapi ng kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae naman ay dinala sa kaharian nito. Nang tumangging pakasal ang babae sa hari ng mga Bagyo ay nilaslas ang kamay niya.

Nang malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at tinungo ang kuweba ng hari ng mga Bagyo. Nag-anyo siyang sibat at pumasok sa kuweba ngunit ang hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng paraan upang makapasok sa kaharian. Nagbalatkayo naman siyang isang bata at sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo at naging alila. Siya ay

(33)

nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang kanyang kapatid na babae.

Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang kapatid. Naghinala ang hari na ang batang alipin ay si Tulalang, kaya ipinasya niyang lusubing muli ang

Kulaman. Bago umalis ang hari ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay hiniling muna ng hari na huminga sila sa isang bote at takpang mahigpit at ibitin sa loob ng palasyo.

Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag may napapatay silang kaaway ay napapalitan kaagad ng dalawa mula sa dugo nito. Lalong dumarami ang kaaway habang marami silang

napapatay. Tinungo niya kaagad ang kaharian ng mga Bagyo. Gumawa siyang muli ng paraan upang makuha ang boteng pinag-iwanan ng kaluluwa ng hari at mga kawal nito.

Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay tumayo siya sa beranda ng

palasyo at binalaan ang hari at mga kawal nito. Kung hindi kayo susuko ay babasagin ko ang boteng ito upang mangamatay ang inyong

kaluluwa. Napilitang sumuko ang Hari at mga kawal nito at napaalipin kay Tulalang.

Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na

ang sarimbar na galing sa langit ay darating na upang silang lahat ay kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na buwan upang pagdating sa langit ay magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal beings) maging ang apat na magkakapatid.

Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip na malakas na hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking baboy ramo ang manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa Kulaman at isang higante ang haharang sa sarimbar pagbabalik sa

langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay napatay niya ang baboy ramo at higante.

Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang ginto. Ito ay hugis bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga tao upang iakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang pumutol ng kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni Tulalang. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at

(34)

Tuwaang

(Epiko ng mga Bagobo)

Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na

nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa

kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.

Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng

Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa

dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.

Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni Batooy.

Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at

makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata

(35)

niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga ito. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas,

sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa

kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay. Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na

nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang lahat niyang tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang dalagang

Buhong at ang kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.

(36)

Ullalim

(Epiko ng Kalinga)

Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa

Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw kay Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ng alak si u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natYa-utYa-ulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni DYa-ulaw si

Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga. Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw. Habang sila’y kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala

namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong Español ng Sakbawan.

At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ng Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng

posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan. Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na

siya. Humingi si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang

huling nganga sa bahay at ito’y pinagpirapiraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog ay nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.

Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siya’y madalas na tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni

(37)

Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ng kanyang ina.

Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng

paghihiganti. Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang pinatay si

Dulliyaw. Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

Referensi

Dokumen terkait

tinatawag na mga Oversees Filipino Worker, dahil gaya nina Rizal, ang mga OFW ay nagtrabaho at tumungo rin sa ibang bansa ngunit sila nga ba ay pumunta sa ibang bansa

Ngunit pag ang influencia moral ng medium ay iginiit at ipinadama, iyon ay kung kailan ipinapalit niya ang sariling kuro o akala sa halip ng sa espiritu na siyang ipinahahatid

Noon ang mga babae ay nananatili lamang sa bahay at hindi pinag-aaral dahil naniniwala silang ang babae ay para lamang sa bahay at ang mga lalaki ang bubuhay sa kanilang pamilya.

pamahalaang lokal. Dapat seguruhin ng mga lalawigan ang mga lungsod at mga bayang nakapaloob sa mga ito, ng mga lungsod at mga bayan ang mga baranggay na nakapaloob sa mga ito,

Dahil kung minsan binibigyan sila ng proteksyon ng kanilang mga kasamahan sa fraternity.Isa rin sa mga madalas na dahilan ng mga estudyante sa fraternity ay ang

Tumingin ang bayani sa mga kasamahan niya; wala na siyang maskara ngayon upang itago ang totoo niyang pagkatao na muntikan na rin niyang nakaligtaan dahil sa pagiging isang bayani..

Mga nakabubuting naidudulot ng mekanikal na pagpapatuyo: • Makasisiguro sa kalidad ng inaning mga butil dahil mababawasan ang mga pinsalang dala ng panahon gaya ng nangyayari sa

At ito ang maging kritikal mismo sa mga lapit o approaches na pinahalagahan lamang ang karanasan at gawain na itinakda para sa kalalakihan, kung saan nagiging mahalaga lang ang ambag ng