• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium"

Copied!
42
0
0

Teks penuh

(1)

Mga Halaw sa

Aklat ng mga

Medium

Tinipon at inayos ni

G. ALLAN KARDEC

Lunduyan “La Humildad”

Ortega St., Tonsuya

Malabon, Metro Manila

Enero 16, 1982

Unang Pagkalimbag

(2)

MGA NILALAMAN

3 Paraan ng Pag aaral o Pagsasaliksik ukol sa Espiritismo 6 Lipunan ng mga Medium

7 Pagpapaunlad ng mga Kaloob 8 Identidad ng mga Espiritu

9 Mga Batlaya at di pa Wagas na mga Espiritu 14 Pangkabaitang Tulong ng Talaytayan

16 Obsesyon o Pag-uusig ng mga di pa Wagas na mga Espiritu 20 Katangi-tanging mga Medium

27 Influencia Moral ng mga Medium 35 Influencia ng Kapaligiran

(3)

PARAAN NG PAG AARAL

Ang likas at kapuripuring nasain ng bawat naniniwala (believer), isang nasaing hindi dapat na pag ubusan ng lakas ay ang magkaroon ng mga kabig na maniniwala o maaakit sa pag aaral. Ang hangaring maging mabilis ang pag akit na ito sa isang tumpak na paraan, ayon sa ating idea upang matamo ang tagumpay, at maiwasan ang pag aaksaya ng walang saysay na pagsubok, ito ang dahilan kaya namin iminumungkahi ang tiyak na paraang ito.

Nasabi na natin ang Espiritismo ay isang lagom ng agham, isang filosofia, sino mang lubusang magsisiyasat ay kailangang magsiyasat ng buong pagtatapat, higit sa iba pa mang uri ng agham; ito ay matutuhan sa pamamgitan ng totohanang pagsasaliksik. Sinabi na natin, ang Espiritismo ay tumatalakay sa halos lahat ng mga katanungan na nakaka akit sa isang katauhan; malawak ang kanyang larangan at ayon sa mga ibubunga ng ating pag aaral na ito ang dapat nating gawing batayan sa pag aaral. Ang paniniwala sa espiritu ang inyong pangunahing batayan. Ngunit ang paniniwalang iyan ay hindi sapat upang maging mulat na Espiritista tayo, tulad din naman na hindi sapat ang maniwala tayo sa Dios upang maging isang teologo. Kaya tingnan natin kung ano ang tumpak na paraan, ayon sa mga pagtuturo at hikayat sa atin upang marating ang isang tumpak na paninindigan (conviction).

Huwag mabahala ang sinomang nagsasaliksik o naniniwala sa katagang pagtuturo (instruction). Mayroong higit na kaalaman kaysa naririnig sa pulpito. Mayroong natatamo sa simpleng pakikipag usap natin. Ang sino man na nagpapaliwanag upang makaakit o sa mga danas ay nakapagtuturo, ang hangad natin ay magbunga ang pagpapaliwanag, kaya rin naman magpapayo tayo upang ang sino man na nais matuto sa sariling pag aaral ay makinabang. Matutuklasan nila dito ang tiyak at madaling paraan upang matamo ang kanilang hangarin - ang matutuhan ang "Agham ng Espiritismo".

Isang pangkalahatang paniniwala na upang makaakit o makakumbinse ay dapat maglahad ng mga katotohanan. Ito marahil ay inyong makatwirang paraan, ngunit ayon sa karanasan, ito ay hindi laging mabuting paraan - mayroong mga taong hindi maniniwala kahit na mga buhay na katotohanan ang madama. Bakit ganito? Tingnan natin.

Sa Espiritismo, ang ukol sa espiritu ay pangalawa lamang, hindi ito ang simula ng pag aaral. At dito tayo nahuhulog sa pagkakamali. At kaya tayo hindi paniwalaan ng ibang tao kung ang espiritu ay siyang kaluluwa ng tao. Ang dapat maging simula ng pagsasaliksik ay kung mayroon nga ng kaluluwa ang tao. Ngunit paano maniniwala ang isang materialista na mayroon nga ng kaluluwa gayong ang akala niya ay siya ay pawang laman lamang o materia? Paano siya makapaniniwala na may espiritu sa labas ng kanyang sarili gayong hindi niya pinaniniwalaan na may gayon sa kanyang sariling pagkatao? Kahit sa anong dami

(4)

ng mga patunay na iharap mo sa ganitong uri ng hindi naniniwala, sayang lamang ang lahat. Hindi siya maniniwala sa prinsipyong mayroon ngang kaluluwa. Lahat ng maayos na paraan ng pagtuturo ay dapat magsimula sa mga bagay na panglabas o nakikita. Para sa materialista - ang hayag ay ang materia, kaya magsimula kung gayon ng pagpapaliwanag ukol sa materia, pag aralan ang ukol sa materia, himukin siyang magsaliksik ukol sa isang bagay na nasa kanyang sarili na hindi materia. Sa isang salita, bago kumbinsihing siya ay maging isang spiritista, himukin siyang maging Spiritualista (naniniwala na may espiritu). Para sa bagay na ito, isang naiibang hanay ng pag aaral ang kailangan. Isang kaalaman na sadyang sa kabuuan ay natatangi. At dapat na tayo ay magpatuloy sa mga ibang paraan. Ang sabihin sa kanya na may espiritu, bago siya maniwala na mayroon noon ay tulad ng pagsisimula sa hulihan ng pag aaral.

Kaya bago simulang papaniwalain ang sino man na mayroon nagng kaluluwa, tiyakin na siya ay maniniwala na mayroon nga ng kakayahan ang espiritu na nabubuhay matapos mamatay ang tao. Kung hindi pa rin siya naniniwala, sayang lamang ang paliwanag ng ukol sa espiritu.

Sa pag aaral ng Espiritismo, tayo ay nakikitungo sa mga subaybay o talino (espiritu) na malalaya, hindi lahat ng ating hilingin ay kanilang sinusunod, kaya tayo ay

nagmamatyag, antayin ang bunga, samantalahin ang anumang darating. Kaya ang sino mang magturing na ang bawat hilingin sa espiritu ay nakakamit ay isang mangmang o impostor. Dahil dito kaya ang tunay na Espiritismo ay hindi nagpaparangalan o nagbabadya sa mga palatindigan. Isa pa, hindi tumpak na akalain na ang mga espiritu ay dumarating upang magparada o magparangalan, o sumailalim ng pagsusuri na tulad sa mga bagay na umaakit ng curiosidad o pag oosioso. Sa ganito, ang phenomenong inaasahan ay maaaring mabigo kung kailan inaasahan. Idagdag pa dito na upang matupad ang inaasam na

pagpapakita ng mga pangyayaring hindi pa natin alam (phenomenon) ay kailangan ang mga tao na may isang katangi tanging kaloob (facultad media nimica), at ang mga kaloob na ito ay iba iba ang kahayagan ayon sa kakanyahan ng bawat medium. At sapagkat bihirang bihira na matagpuan sa iisang medium lamang ang maraming katangian ng mediumnidad, lalong mahirap makakita nito. Kaya ang tumpak na paraan ng pagtuklas sa katotohanan ng ukol sa espiritu ay iyong magsimula sa mga teoria, palatandaan na maipapaliwanag, mga pangyayaring mauunawaan, mga balakid na matitinik at maaring maiwasan. Saka kung sa dakong huli ay magkaroon ng maliwanag na tanda at linaw ang pagsasaliksik, hindi na magugulat ang nag aaral kundi maliliwanagan ang lahat ayon sa hakbang ng kanyang sariling pag aaral o pagsusuri. Ang paraang ito ay mabuti sa isang nagsusuri ng ukol sa espiritu; hindi na siya magdaranas ng maraming kabiguan, mapaghandaan niyang

(5)

tanggapin ang ibang balakid na ipinag pauna na sa kanya.

Ang nabanggit na paraan ng pagtuklas ukol sa espiritu (teoria) ay mabuti, ang filosofia o pangangatwiran ay higit na mahalaga, siyang unang matibay na batayan; ang mga patunay ay kapupunan o pangalawa na lamang. At mayroong nagsasabi pang kahit wala ang mga patunay (phenomena) sila ay naniniwala pagkat nabasa at nauunawaan nila ang simulain ng ukol sa espiritu.

Marami ay naaakit sa isang doktrinang nagpapaliwanag kaysa isang hindi

nagpapaliwanag, o kung nagpapaliwanag man ay malabo. Ang isang matalinong nag aaral ay nauunawaan na ang mga patunay ay di lubhang kailangan, ang mahalaga ay ang simulain (doctrine). Ang katunayan ng aming sinasabi ay bago narinig ang mga tanda (patunay) ng ukol sa espiritu, sa pamamgitan ng kutob (intuition) ay marami na ang nagpapahalaga at nagkakaisa sa sa simulain o panukala tungkol sa espiritu.

Ito ang aming masasabi. Sino mang ibig maalaman ang ukol sa isang karunungan ay dapat mag aral at magsaliksik. Gamitan ng comparacion o mga pagbabalis ang mga

nababasa. Basahin ang mga tuligsa at mga patunay sa paksang sinasaliksik. Kaya hindi kami pumapanig o tumutuligsa sa ano mang simulain. Hindi namin sinasarili ang pagdadala ng liwanag; ang bumabasa ang siyang kikilala ng mabuti o masama, ng totoo o

kabulaanan.

HANAY NG PAG AARAL

Nang madama ang katunayan ng Espiritsmo noong unang panahon at lalo na sa kasalukuyan, ang unang naghari ay ang hindi paniniwala, ang alinlangan sa katotohanan nito, at lalo pa ang pag aalinlangan sa dahilan ng kahayagan ng katotohanan ng Espiritismo. Bawat isa ay nagbigay ng sariling pagsusuri ayon sa kanyang sariling idea, paniniwala o mga kinamulatang paniniwala. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng iba't ibang hanay ng pagaaral. Sa lalong masusing pagmamasid ay masusuri ito hanggang sa tunay at

makatarungang pagpapahalaga.

Ang mga nag uusig sa Espiritismo ay nag iisip ng argumento sa pagkakaibang ito ng opinion na nagsasabing ang mga Espiritista'y hindi nagkakaisa sa kanilang mga sarili. Ito ay mahinang pangangatwiran kung lilimiin na ang alin mang bagong karunungan ay hindi maiiwasang mapag alinlanganan; hanggang sa dumating ang panahon na maayos at

matipon ang mga nalikom na katunayan at ito ang magtatakda ng opinion sa nabanggit na pag aaral. Sa kalaunan ng pag aaral na ito, ang mga pag aalinlangan ay mawawala.

Magkakaroon ng coordinacion o pagkakaisa ang mga bagay na nadama sa mga bagay na mahalaga kung hindi man sa lahat ng mga detalye. Ito ang nangyayari sa pag aaral ng

(6)

Espiritismo, hindi nakaalpas sa karaniwang batas; na bayaang magdaan sa iba't ibang pakahulugan ang mga nagmamasid. Sa ganito ay maituturing na malaki ang ikinasulong ng pag aaral na ito kaysa ng ibang pag aaral sa karunungan o agham. Sa isang magandang hanay upang landasin ang pag unlad ng mga idea, nangunguna sa talaan ang ukol sa tinatawag na hanay ng mga tuligsa o mga naguusig sa Espiritismo. Ito ay nababanggit sa simula at sa dakong huli ng Book of Spirits. Ang palatandaan ng katotohanan ng Espiritu ay dalawa: materia o fisical at ang nauukol sa diwa (intelligent effect).

Sa mga hanay ng nagdududa o naghihinala sa katotohanan ng Espiritismo ay nabibilang ang mga mapaghinala na may sabwatan sa mga nagpapatunay, ang iba naman ay paghihinala ng pagka loka (mental case) sa paghahayag ng patunay sa Espiritismo; ang iba naman ay nagpaparatang ng pagkahibang o pagkadaya ng pagtingin sa isang bagay na hindi totoong nagaganap o kaya ang inaakala ay sa demonio ito. Sa lahat ng ito, kung gagamitin ang inteligencia at tuwid na pagkukuro ng nagsasaliksik, mabubuo ang ganito sa isipan: Ano ang dahilan upang madaya ang medium na ito gayong alam kong siya ay walang pakinabang sa gayon? Baka naman ako lamang ang naghihinalang ang medium ay nasisiraan ng bait, o kaya ay may kulang lamang ang isipan ko upang maghinala sa isang katotohanang tunay na nagaganap sa aking harapan.

Kaya magpatuloy tayong magmasid, magsaliksik, damhin ang ating kutob (intuition) pulutin ang mga mabubuting bagay sa pagsubaybay sa pag aaral ng ukol sa Espiritismo.

FORMACION O PAGTATAG NG LIPUNAN NG MGA MEDIUM

Atas ng malaking kakulangan natin ng kaalaman sa pagpapaunlad ng mga kaloob (facultad medianimika) at upang makatulong sa mga kapatid na mga kasangkapan at lalo pa sa mga kasalukuyang nagsasanay ngayon sa pagpapaunlad sa anomang uri ng kaloob, ang maliit na halaw na ito buhat sa Aklat ng mga medium - Allan Kardec, ay inaasahan naming pakikinabangan ng maraming nagsisipagsaliksik sa Espiritismo.

Ang ilan sa maraming uri ng kaloob (facultades) ay ang sumusunod: Medium sa hapag Aparato

Medium sa pagsasalita Parlante Medium sa pandinig Auditivo Medium sa pangitain Videncia Medium sa material Aporte Medium sa pagsulat Escribiente

(7)

Medium sa pagtulog Sonambula Medium sa panggagamot Curandero

PAGPAPAUNLAD NG MGA KALOOB (FACULTADES)

Bago makapagsimula ng paglinang sa alinmang uri ng kaloob (facultad) ang isang nagnanasa (aspirante) kailangang maging mabait, tahimik, laging concentrado, nakikiugnay sa kanyang Angel dela Guardia upang siya ay subaybayan lagi na.

Ipinapayo sa mga sanayan sa magmemedium ang pagkain ng mga gulay at bungang kahoy at mga pagkaing madaling matunaw. Bago magsimula sa pagsasanay ay mabuti ang kaunti lamang ang kinain at may dalawang oras ng nakakain bago magsimula sa

pagsasanay. Maging malinis sa katawan at diwa. Iwasan ang pag sasang usapan ng walang kabuluhan at lalo pang iwasan ang paghatol sa kapwa.

Kailangan din na ang mga taong nakapaligid sa nagsasanay (sitters) ay magkaroon ng iisang uri ng hangarin; ang makatanggap ng mabubuting pahayag buhat sa mga banal o sa mga batlaya.

Upang makapamahayag ng tumpak ang isang batlaya, kailangang magkaroon ng pagsasandugo ng fluido sa pagitan espiritu at ng medium. Ngunit ito ay hindi dagliang naghahari. Kung nauunlad na unti unti ang mediumnidad, ang kasangkapan ay magiging angkop na magamit ng espiritu communicante.

Hindi dapat hilingin ang sinomang espiritu upang siyang magpahayag. Maaring hindi pa angkop sa kanya ang panahon o kaya ay wala pa siyang pahintulot para sa tawag na iyon sa kanya. Kaya ang lalong mabuti ay ang paunlarin ang kaloob, patuloy na tumawag sa iyong Anghel dela Guardia. Ganito ang dalangin: Idinadalangin ko po sa iyo Dakilang Ama na nawa'y makapamahayag sa aking pamamagitan ang sinomang mabuting espiritu. Nawa'y subaybayan ako ng aking Angel dela Guardia, at kahit manawari ay lumayo sa akin ang mga espiritu ng kadiliman. Siya Nawa.

Isang bagay na higit na mahalaga kaysa pagtawag ng tuwiran sa isang espiritu ay ang pagiging payapa at concentrado sa isipan upang maugnay sa isang matapat at matatag na pasya na magtagumpay, hindi padalos dalos at walang wawa kundi isang dibdibang pagpapatuloy at tiyak na pagnanasa na ligtas sa pagkainip. Mag isang manahimik at

magcoconcentracion sa isang pook na ligtas sa ingay. Isa, dalawa, tatlo hanggang sampung minuto ay magcoconcentracion. Gawin ito sa loob ng anim na buwan hanggang sa magtamo ng anomang uri ng kaloob (facultad).

(8)

IDENTIDAD DE LOS ESPIRITUS - PAGKILALA SA MGA ESPIRITU

Ang suliranin tungkol sa pagkilala sa mga espiritu communicante ay isa sa mga lagi nang pinagtatalunan ng mga mahiligin sa katuruan ng Espiritismo. Palibhasa ay ang mga espiritu ay hindi naghahayag sa atin ng kanilang kakayahan at marami sa kanila ang gumagamit ng iba't ibang pangalan tulad din naman nating mga tao.

Isa sa mahirap matiyak at kadalasay hindi maaring tiyakin ay ang pagpapanggap ng isang espiritu na siya ay dakilang tauhan noong unang panahon, o kaya ay siya ang

dakilang Poong Hesus at iba pang pagpapanggap. Ang turo sa atin ng ating Mahal na Protector: sa sandaling ang isang espiritu comunicante ay magbigay sa atin ng mga mabubuting aral na nababatay sa patakarang moral, kabutihan at pag-ibig ay hindi na kailangang pag ukulan pa ng pahalaga ang pangalang kanilang ilalagda o iiwan sa atin matapos magbigay ng isang pahayag.

Sapat nang malasap natin ang bunga ng kahoy (pahayag) upang makilala natin ang uri ng puno (espiritu) na pinanggalingan ng pahayag.

Habang ang isang espiritu ay nagiging dalisay at tumataas ang antas ng kanyang unang kalagayan, ang mga sariling katangiang taglay ay nawawala na. Ito ang nangyayari sa mga espiritung unlad at wagas na.

Kaya nga, ang pangalang tinaglay nila sa lupa ay maliit lamang ang halaga para sa kanila.

Gayon din, mapupuna natin na ang mga espiritung magkakasing uri ng antas ng kalagayan ay nag aakitan sa kanilang sarili at sa ganitong paraan ay gumagawa sila ng mga pagtitipon-tipon tulad ng mga magkakasang bahay ng isang familia. Kung ang mga nagkakatipong espiritu ay mga wagas na o yaong mga batlaya, sa kanilang mga pahayag ay hindi na sila nagbibigay ng pangalan.

Ngunit dahil na rin sa ating kinaugalian na inaantay ang pangalan ng espiritu communicante, ito ay nagbibigay ng pangalan ng isang banal na ating iginagalang o karaniwang ating kinagigiliwan.

Gayon din, kung ang espiritu communicante ay magbigay ng pangalan ni San Pedro, kahit na siya ay hindi si San Pedro, malamang na ang nagpapahayag ay isa sa pangkat na kinabibilangan ni San Pedro nanggaling.

Inuulit dito, na ang pangalang iiwan sa atin ng isang espiritung nagpahayag ay di gaanong mahalaga kaysa uri ng pahayag na sa atin ay ibinigay. Lalo pa ang isang pahayag na puno ng mabubuting aral ng kabaitan at pag ibig.

Ang isa pang suliranin ay kung ang isang espiritung nasa mababang kalagayan ay gumagamit ng isang pangalang kapita pitagan upang mabigyan ng kapangyarihan ang

(9)

kanyang pangungusap at gayon din upang magkaroon ng bisa ng pang akit (facinacion) ang pahayag niya.

Ito ay nangyayari sa mga espiritung hindi gaanong marurunong ngunit higit na mayayabang.

Ang isa pang paraan ng pagkilala sa isang espiritu ay ang hilingin sa kanya na magpakilala ang sarili: "Sa pangalan ng Amang makapangyarihan sa lahat". Kung ang nagpapahayag ay nagpapanggap lamang o isang impostor, yaon ay aalis na lamang at sukat na hindi na magpapaalam.

Ngunit ang mabisang paraan upang makaakit ng mga batlaya o mataas na espiritu na magpapahayag sa atin ay ang tumpak na paghahanda ng kasangkapan: pananahimik, concentrado at payapa lagi na. At ang pagtawag sa ating mga Angel dela Guardia upang siya ang lagi nang sa atin (medium) ay sumubaybay.

MGA BATLAYA AT DI PA WAGAS NA ESPIRITU

Ang pangungusap ng mga espiritung lubhang unlad at may pagkasulong at

kawagasan ay hindi lamang nagsasaad ng mga dakilang bagay kundi kabuuan ng kanilang pahayag kailanman ay di kakikitan ng pagpapaimbabaw.

Samantalang pabuti buti man ang sinasabi ng isang espiritu, kung ito ay nalalabiran ng isang salitang nagsasaad ng kababaan, ito ay isang tanda ng maliwanag na buhat sa isang espiritung wala pa ng kawagasan. Lalo pa kung ang kabuuan ng pahayag ay sumusugat sa malinis na kaugalian at may magaspang na pangungusap.

Magpanggap man ang isang espiritu na siya ay mataas, ay makikilala rin kung siya ay mababa sa kahabaan ng panahon ng sa atin ay pakikiabot sabi. Mababakas sa diwa ng pahayag na sumusugat sa damdamin o sa pangit na hugis na inilalarawan sa kabuuan ng mga katagang pilit ay pinagaganda kahit na ang pinakadiwa ay hubad sa katotohanan.

Ang kaalaman at kagandahang loob ay mga katangian din ng mga espiritung wagas. Hindi sila namumuhi sa mga tao o sa mga espiritu man. Sa halip ay kinaaawaan ang ating mga kahinaan. Pinupuna ang ating mga kamalian ngunit laginang taglay ang kahinahunan. Walang uring pagtatakwil o sama ng loob.

Samakatuwid, kung ang pahayag ay wala ng mga katangiang nagsasaad sa itaas, tiyak na yaon ay di pahayag ng mga batlaya kundi buhat sa mga espiritung di pa wagas at kulang pa ng pagkasulong.

Ang katalinuhan ay hindi isang tiyak na tanda ng kataasan ng isang espiritu na nagpapahayag, sapagkat ang matalas na pag iisip at ang kabaitan ay hindi lagi nang magkasabay sa landas na kanilang dinadaanan. Ang isang espiritu ay maaring maging

(10)

mabuti, may magandang kalooban at magkaroon ng maikling kaalaman. Samantalang ang isa namang espiritung matalino at marunong ay maaring kulang naman sa kabaitan.

Ang mabubuting epiritu ay lagi nang ipinapayo sa atin ang pagsisiyasat sa kanilang mga pahayag at wag dagliang tatanggapin ang mga yaon.

Ang mga espiritung di pa wagas ay mahihigpit naman at nais na sundin agad ang kanilang pahayag nang wala ng pagsusuri. Ibig nilang tayo ay mailihis ng landas sa ating pag aaral.

Narito ang ibinigay na payo ni San Luis tungkol sa paksang ito: Kung sa inyong mga gawain ay pinukaw ang inyong damdamin ng mga espiritu hanggang kayo ay magkaroon ng lubos na pagtitiwala, ang mahalagang tagubiling hindi naman pagsasawaang ulit-ulitin sa inyo at lagi nang isapuso sa inyong mga pag aaral ay ang inyong timbangin at suriin, ipailalim sa katibayan ng tunay na katwiran ang lahat ng mga abot-sabing inyong

tinatanggap. Huwag ninyong ipag-walang bahala, at sa sandaling may mapansin kayong isang bagay na dapat pag-alinlanganan, kapuna-puna at may kadiliman, hingin ninyo ang mga kaukulang paliwanag upang inyong maintindihan.

Maaring likumin ang mga paraan upang makilala ang uri ng mga espiritu sa pamamagitan ng mga patakarang sumusunod:

1. Wala nang iba pang paraan upang makilala ang pagkakaiba ng kalagayan (antas) ng mga espiritu maliban sa gamitin ang mabuting pakiramdam. Lahat ng saligang bigay ng mga espiritu na rin ukol sa bagay na ito ay laban sa katwiran at hindi maaaring buhat sa mga matataas na espiritu.

2. Kikilalanin natin ang mga espiritu sa pamamagitan ng kanilang pangungusap at mga kilos o aciones. Ang damdaming nakapupukaw ng ating kalooban at mga payo na kanilang ibinibigay.

3. Kung tinatanggap natin na ang mga espiritung mabubuti ay hindi maaring magsabi ni gumawa kung hindi ng kabutihan, kaya nga lahat ng bagay na hindi wasto ay hindi

maaaring magbuhat sa isang espiritung mabuti.

4. Ang mga espiritung wagas ay taglay lagi na ang pangungusap na puno ng pagpipitagan, marangal, mahinahon at walong halong anomang pangungusap na

pangkaraniwan. Lahat ng bagay ay sinasabi ng buong linis at kahinhinan, hindi pinupuri kailan man ang sarili, at lalong hindi rin ipinagmamataas ang kanilang karunungan, ni ang kabutihan ng kanilang sariling kalagayan kaysa ibang mga espiritu. Ang pangungusap naman ng mabababang espiritu ay mayroon lagi nang bakas ng kanilang mga naging hilig sa buhay laman, lahat ng kataga na naghahayag ng kabalasikan, kakulangan, kapalaluan, kasaklapan at hinala ay mga tanda na kapuna puna ang kababaan ng uri, o kaya ay

(11)

panlilinlang kung ang espiritu ay gumamit ng isang pangalang kapita pitagan at hiram. 5. Hindi nararapat na hatulan ang mga espiritu sa pamamagitan ng hugis na panglaman o forma materyal at ayon sa kanilang estilo kung hindi limiin ang tunay na idinidiwa, siyasatin ang kanilang mga pananalita, pagtimbang-timbangin at gamitan ng malaya at matalinong pagkukuro. Lahat ng nahihiwalay sa mabuting pangangatwiran o lohika at sa kabaitan ay hindi mapag aalinlanganan buhat sa mga espiritung hindi pa wagas kahit na anong pangalan ang gamitin.

6. Ang lenguaje ng matatas na espiritu ay lagi nang magkakasingtulad hindi man sa hugis ay sa diwa. Ang mga kaisipan ay pare-pareho rin kahit na anong panahon at pook. Maaaring higit o kulang ang pagkakalinang sang ayon sa mga pangyayari, ng kanilang mga kinakailangang bagay at ng kadalian ng kanilang pakikiugnay ngunit hindi

mangagkakalaban-laban kung ang dalawang abotsabi na nagtataglay ng iisang pangalan ay magkakalaban ang sinasabi, ang isa sa kanila ay huwad at ang tunay ay yaong hindi

nagpapabulaan sa ano mang karakter ng nasabing personaje. Sa dalawang abotsabing parehong nilagdaan, halimbawa ni San Vicente de Paul na ang isa ay nangangaral ng pagkakaisa at pagkakawanggawa, at ang isa naman ay nagsasabog ng pagtatakwilan, ang isang taong maalam magmatyag ay tiyak na malalaman na ang unang pahayag ay siyang buhat sa isang batlaya at ang huli ay buhat naman sa isang espiritung di pa unlad o wagas. 7. Ang sinasabi ng mabubuting espiritu ay yaon lamang kanilang nababatid.

Nagsasawalang kibo o ipinagtatapat ang kanilang kamangmangan sa mga bagay na hindi nila nalalaman. Samantalang ang mababang espiritu naman ay laging tumitiyak ng wala nang pakundangan sa katotohanan.

8. Makikilala rin ang mababang espiritu sapagkat madaling nahuhulaan ang mga bagay na darating at yaong mga gawaing panglaman na hindi ipinahihintulot na malaman natin ay nangatitiyak nila. Ang mabubuting espiritu ay maaaring ipahiwatig sa atin ang mga bagay na mangyayari kung inaakala nilang ang ganito ay mayroon kapakinabangan o aral na maituturo ngunit kailanman ay hindi nila tinitiyak ang mga petsa. Anomang kahayagan ng isang pangyayari na nagtatakda ng panahon ay isang gawaing mahiwaga (mystification). 9. Ang mataas na espiritu ay malinis ang pamamahayag, walang paligoy-ligoy. At ang himig o estilong ginagamit ay maliwanag. Maikli at malubay na mauunawaan ng lahat. Gayon din, nasasabi ang maraming bagay sa iilang kataga lamang, sapagkat bawat salita ay may katuturan. Ang mababang espiritu o mapagpanggap na marurunong ay ang mga

pangungusap ay walang laman, maligoy at nawawala ang tunay na idinidiwa. Karaniwan ang kanilang pananalita ay pakitang tao at katawa tawa, nagiging malabo nang dahil sa

(12)

10. Ang mabubuting espiritu kailanman ay hindi nag-uutos, hindi mahigpit sa

pagpapatupad kung hindi nagpapayo at kung hindi sila pakinggan ay nagpapaumanhin. Ang mababang espiritu ay parang hari kung mang utos, mabababagsik, naglalagda ng mga kautusan, ang ibig ay sundin sila o pakinggan agad. At lagi nang nag-aatubili sa paglisan kahit hindi sila kailangan. Lahat ng espiritu na nag uutos na siya ay igalang ay labag sa kanyang simulain. Samantalang ang mga mababang espiritu ay hindi ibig na masusuway ang kanilang pagkukurong ibinibigay. At ang akala, sila lamang ang may karapatan sa katotohanan. Ang nais ay pikit matang paniwalaan sila, at tutol sila sa anomang

makatwirang pagsisiyasat, sapagkat nababatid nila na ang katwiran ay siyang mag aalis ng kanilang mascara o balatkayo.

11. Ang mga espiritung mabuti ay hindi pumupuri ni nanunuyo sa sinumang gumagawa ng mabuti at sang ayon sila ngunit lagi nang maingat at mahinahon sa kanilang mga payong ibinibigay at laging sinasabing kulang at kulang pa ang pagpapakasakit nating ginagawa. Ang mabababang espiritu naman ay lagi nang gumagawa ng masasagwang pagpuri, nag uudyok sa kataasan at kapalaluan samantalang nangangaral ng kababaang loob, at sinisikap nilang maiangat ang kahalagahan ng pagkatao niyaong mga nais nilang marahuyo at mahulog ang kalooban sa kanilang mga kapangyarihan.

12. Ang matataas na espiritu ay hindi pinag uukulan ng pansin ang lahat ng bagay na walang saysay maging anuman ang hugis. Mga karaniwang espiritu lamang ang maaring magpahalaga sa maliliit na tiwaling-tiwali sa mga pagkukurong wagas at dalisay. Lahat ng utos na may halong lagim ay tiyak na tanda ng kababaan at panlilinlang ng isang espiritung gumagamit ng isang pangalang makahari.

13. Hindi nararapat ipanibulos ang kalooban sa mga salitang masasagwa at kakatwa na ginagamit ng ilang espiritu upang sila’y panaligan at magiging tunay na laban sa katwiran ang pagtanggap na totoo ang mga pangalang ito. Hindi ito buhat sa isang batlaya.

14. Gayon din naman, hindi dapat pagkatiwalaan ang mga espiritu na madaling

nagpapakilala sa pangalan ng mga taong lubos na kagalang-galang at pag-ingatang mabuti ang kanilang pananalita bago tanggapin, sapagkat kadalasan ang kanilang ginagawa’y isang pagbabalatkayo upang makaakit ng paniniwala na sila’y mayroon mabuting pakikiugnay sa mga espiritung unlad na. Pinupuri nila ang kapalaluan ng medium at pinagsasamantalahan nila ang gayon hanggang sa mauwi kadalasan sa mga pangyayaring kakatwa at katawa-tawa.

15. Ang mga mabubuting espiritu ay lubhang maingat, ginagamitan ng katalinuhan ang mga bagay na kanilang ipinapayo. Sa bawa’t payo na ibigay ay lakip ang isang mabuti at karapatdapat na layunin. Kaya’t ang mga payo na naiiba sa ganitong palatandaan ay dapat

(13)

na pakalimiin bago tanggapin at ilagay sa gawain.

16. Ang mabubuting espiritu ay mahinahon at maingat sa mga bagay na maari nilang ipangako. Kalaban sila sa paglalantad ng kasamaan kundi sa pamamagitan ng mabuting kaparaanan. Ang mabababang espiritu naman ay pinalalala ito. Ang mabubuting espiritu ay pinagsisikapang maiayos ang mga bagay na nagkakalaban-laban, inaalis ang mga sagabal at inaayos ang mga di-pagkakaunawaan, ipinangangaral ang pagpapatawad. Ang mga mababang espiritu ay pinalalago ang dahilan ng kaguluhan at ipinupunla pang lalo ang mga binhi ng masamang kaisipan sa pamamagitan ng masasamang sulsol.

17. Ang mga espiritung mabubuti, ang ipinagaganap lamang ay ang kabutihan. Lahat ng pangaral, simulaing ipinapayo ay pawang batay sa malinis na pagkakawanggawa, walang pagtatangi tulad ng ginawa at itinuro ng Dakilang Panginoon.

18. Ang mabubuting espiritu ay ipinapayo lagi na ang mga bagay na naaayon sa tunay na matuwid. Lahat ng payo na nalalayo sa landas na ito ay maliwanag na buhat sa

mabababang espiritu.

19. Ang mga mabababang espiritu o hindi pa wagas ay gumagawa rin ng pagtataksil sa kanilang sarili sa pamamagitan ng mga tandang panglaman na hindi maaaring pagkamalan. Ang nagiging bunga sa isang medium ng ganitong gawain ay isang bigla at malakas na pangangatog at di pangkaraniwang pamamayagpag ng buong katawan. Kakaibang-kakaiba sa katahimikan at katamisan ng pangdama kung siya ay ginagamit ng mabubuting espiritu. 20. Ang mga espiritung hindi pa wagas ay madalas na sinasamantala na sa mga pahayag nila ay kakitaan ng himig na kataksilan, nagpupunla ng di pagtitiwala sa mga hindi nila kasang ayon. Yaong mga taong inaakala nilang maghahayag ng kanilang panlilinlang ay siya nilang higit na pinag-uukulan ng pansin at paghamak. Ibinubuhos ang kanilang panahon at paningin sa mga taong mahina at paniwalain upang madala nila sa kasamaan. Ginagamitan nila ng sunud-sunod na katwirang hindi tama, mga pagkutya at mga kapinsalaan. At kung minsan ay mga tandang panglaman ng kanilang lihim na kapangyarihan upang maakit at mapaniwala nilang mabuti. Pilit nilang inihihiwalay sa landas ng katotohanan.

21. Ang espiritu ng mga tao na nagkaroon sa lupa ng isang tanging gawaing pang kabaitan at panglaman, kung hindi pa nahihiwalay sa hinuhod ng laman, ay nasa ilalim pa rin sila ng kapangyarihan ng mga bagay na panglupa at dala dala pa rin nila sa kanilang sarili ang ilang bahagi ng kanilang mga kaugalian, ang kanilang pagmamahal at mga pagpapakalabis na tinaglay nila sa lupa. Ito ay mahirap na pagkamalan at nakikilala sila kaagad sa kanilang mga pangungusap.

22. Ang mga kaalaman na madalas ipagpalalo ng ilang espiritu ay hindi isang tanda ng kanilang kataasan o kawagasan. Ang mahalaga’y ang kalinisan ng puso, ang malinis na

(14)

damdaming pangkabaitan na hindi maaring magbago.

23. Hindi kailangang magtanong sa espiritu upang makilala ang katotohanan. Bago ang lahat ay kailangan munang makilala kung sino ang pinakikitunguhan, sapagkat ang mga espiritung mababa at mangmang ay pinakikialaman din nang walang pakundangan ang alin mang karapat dapat sa pagpipitagan. Hindi rin totoo na dahil na ang isang espiritu ay naging dakilang tao sa balat ng lupa ay taglay pa rin niya ang gayong kapangyarihan at karunungan sa kabilang buhay. Maliban sa kabaitan na siyang sa kanya ay magpapawagas, ang tiyak na magiging daan niya patungo sa Di Likha ay ang palawakin ang kanyang

kaalaman at kabaitan.

24. Ang pagbibiro ng matataas na espiritu ay ginagamitan ng magagandang

pangungusap, kadalasan ay mahinhin at magalang at marikit na tugma sa panlasa ngunit kailan man hindi pangkaraniwan. Sa mga mababang espiritu, ang mapapait at masasakit na biruan kadalasan ay pagsasamantala.

25. Kung pag aaralang mataman, ang karakter ng espiritung namamahayag, lalung-lalo na ang tungkol sa kabaitan ay makikilala ang kanilang taglay na kalikasan at ang grado o laki ng pagtitiwala na sa kanila’y ipagkakaloob. Ang mabuting kaisipan kailanman ay hindi maaaring madaya. Lahat ng mga araling ito ay buhat sa karanasan at sa mga pagtuturo ng mga espiritu. Ngayon ay buuin natin sa pamamagitan ng mga kasagutang bigay rin nila na nauukol sa mahahalagang sauliraning ating pinag aaralan.

PANGKABAITANG TULONG NG TALAYTAYAN

Ang bigay palang ito ng Diyos (mediumnidad) ay hindi ipinagkakaloob para sa pansariling kasiyahan ng medium ni lalong hindi upang pagbigyan ang sariling ambisyon o personal na kapakanan lamang. Ito ay ipinagkaloob sa kanya upang pabutihin ang kanyang sarili at upang ipakilala ang katotohanan sa mga tao. Kung ang espiritu ay nakikita na ang medium ay hindi nakikiisa sa kanyang mabubuting layunin at hindi sinasamantala ang mga pagtuturo at mga paalaala na sa kanya ay ibinibigay, umaalis ang espiritu upang humanap ng ibang matatangkilik na medium na lalong karapat dapat sa pagtulong.

Ngunit kung isang batlaya o isang unlad na espiritu ang siyang lalayo sa isang medium, ito ay pansamantala lamang. At sa panahong ito, ang medium ay hindi tatanggap ng abot sabi kahit sa ibang espiritu upang bigyan siya ng aral at upang ipakilala na ang kanyang facultad o kaloob ay hindi siya ang masusunod sa pag-gamit noon.

At hindi dapat ipagmataas ng isang medium ang anumang kaloob na kanyang natamo. Ito ay isang pagsubok sa medium at isang dakilang aral na dapat tangkilikin ang kaloob na hubad sa pagpaparangya o kayabangan.

(15)

Sa isang dako, ang pansamantalang pagkawala ng kaloob (Biyaya) ay hindi lagi nang isang parusa, ito ay maaaring tanda ng mabuting pangangalaga ng isang batlaya sa isang medium na kailangan ang pansamantalang pamamahinga. At sa panahong ito, siya ay hindi gagamitin ng sinumang espiritu.

Ngunit may mga medium na kalian man ay hindi nangangailangan ng pamamahinga ng katawang laman, lalo pa ang patlang o pagtigil ng mga kaloob (facultad). At gayon man ay nagaganap ang pagtigil na ito. Bakit?

Ito ay nangyayari upang subukin ang kanilang pagpapaumanhin at pagtitiyaga. Kaya nga hindi itinakda ang panahon o hangga ng ganitong pansamantalang pagtigil na ito ng kaloob o biyaya. Nais din nilang patunayan kung ang medium ay maiinip. Gayon din, madalas ay binibigyan sila ng panahon upang isip-isipin ang mga aral na sa kanila ay ipinagkakaloob. Sa ganito ay nakikilala ng mga batlaya kung ang medium ay tunay na espiritista na mapagtitiwalaaan. Ang tiwalang ito ay hindi maikakapit sa isang medium na mahiligin lamang sa mga abot-sabi at hindi matiyaga at walang pagsusuri sa kanyang sariling katangian at mabuting pagsunod sa hikayat ng mga batlaya.

Ang isang nagnanasa (aspirante) na magkaroon ng anomang kaloob (facultad) kung hindi magtamo ng anoman ay maaari bang ituring na ang espiritu ang kulang ng

pagtatangkilik sa kanya o may iba pang kadahilanan?

Sa halip na mainip, ay isipin na may mabubuting bagay na tatanggapin kapalit ng mga biyayang ninanasa. Ang kaloob para sa pagtulong sa mga may karamdaman sa laman at sa diwa ay ilan lamang sa maaaring maging kapalit ng anumang biyayang hindi natamo.

Kaya nga, lagi nang manahimik, magconcentracion, maglingkod sa lahat at matiyagang antayin ang anomang kaloob buhat sa mga batlaya.

Kung ang isang medium ay intuitivo o inspirado, siya ay makalilikha ng isang gawain sa kanya na ring pag iisip. Kung ang mga kaisipan o ideas ay mabubuti, ay magpapasalamat siya sa gayong biyayang nanggaling sa isang genio (genius) at siya ay humanda sa

pagtanggap ng marami pang iba. Ganyan ang sigliwa (inspiracion) ng mga manunula (poeta), ng mga paham (filosofo) at ng mga dalubhasa (sabios) o marurunong.

Sa sandaling unlad na ang kaloob (facultad) ng medium ay kailangang huwag siyang magpakalabis sa pag-gamit noon. Ang kasiyahan na nagbibigay sigla sa maraming

nagsasanay ay kailangang magkaroon ng pagtitimpi. Dapat unawaing ang ipinagkaloob (facultad) ay marapat gamitin sa kabutihan at hindi sa gawaing walang bait at parang pag-oosioso lamang (vana curiosidad). Dahil dito, ang kaloob ay dapat gamitin lamang sa sandali o panahon ng mahalagang pangangailangan at hindi sa lahat ng kataon na hindi gaanong mahalaga. Kaya nga, kailangang itakda ang tiyak na araw at oras ng pagtawag sa

(16)

kanila sapagkat sa ganitong paraan ay magkakaroon ng mabuting kaayusan (regimiento) o pagligpit sa sarili. At ang espiritung nais na sumapiling ay magkakaroon ng paghahanda.

Ang medium ay siyang interprete o taga-hayag ng anumang abot-sabi na buhat sa isang espiritu comunicante. At ang utak ng medium ang siyang tanggapan o oficina na doon nagkakaroon ng ugnayan ang diwa ng kasanagkapan at ng espiritu. Kaya nga lubhang mahalaga ang pagiging handa ng isang medium upang maging maayos at mainam ang abotsabing tatanggapin sa kanyang pamamagitan.

Kung hindi handa ang isang kasangkapan, nangyayaring iwanan siya ng espiritu cominicante at lumapit sa iba na nakapaghanda.

OBSESYON (OBSESSION)

Nangunguna sa maraming panganib sa pag aaral ng Espiritismo ay ang tinatawag na OBSESSION. Ito ay ang kapangyarihan at kakayahan na mapamahalaan ang pagkatao ng isang talaytayan.

Mga di pa wagas ng espiritu ang siyang gumagawa ng obsession sa mga medium na mayroon ng kahinaan ang karakter – yaong may taglay na kayabangan, mapagmapuri sa sarili, magagalitin at mainitin ang ulo.

Kung minsan ang dahilan ng obsession ay isang paghihiganti, maaaring sa buhay na ito o noong isang unang kabuhayan. Kung minsan ang dahilan ng obsession ay upang puminsala lamang sa mga tao, papagtiisin ang iba, tulad nilang nagtitiis sa kanilang pagka espiritu.

Tulad ng linta ay nagkakaroon sila ng kapangyarihan sa isang marangal at iginagalang na angkan. Sa ganito, ang wika nila ay hindi na kailangang kainggitan ang pamilyang yaon.

Ang espiritung dahilan ng obsession ay lubos na natutuwa kung sinusunod ang kanilang mga udyok sa atin. May espiritung pilit na ipinapasusunod sa atin ang kanilang sariling karunungan, sariling mga idea, ukol sa ciencia, economia, moralidad religion at filosofia. Lumalapit sila sa isang medium na pikit mata namang napasusunod nila hanggang sa ma-obsesa at parang nawalan sa sariling pasiya o fuerza de voluntad sa lahat ng bagay na sa kanila ay ipagawa.

Gayon din naman ang pagiging mayabang ng isang kasangkapan, ang kanyang pagmamapuri at pagpaparangalan sa kanyang kaloob na tinanggap ay maaaring maging dahilan ng pagiging obsesado niya. Ito ay nangangahulugan ng sa kaniya ay pagsubaybay ng mabababang espiritu hanggang sa siya ay udyukang gumawa ng mga pagdaraya at panlilinlang. Tulad din naman nating mga tao ang nangyayari. At, ang tinatawag na

(17)

posesyon ay higit ang kapangyarihan sa isang kasangkapan kaysa tinatawag na obsesyon. At ang espiritu ay hindi na humihiwalay sa medium kung hindi iyon na ang nakapangyayari sa medium at siya nang nag aatas sa mga ibig ipagawa sa medium. Ito ay lubhang

panganib ang sasapitin lalo pa kung ang mga medium ay susunod ng susunod sa mga hindi marapat gawin at makapipinsala sa iba at lalo pa sa sarili ng medium.

Nagpapanggap ang ibang mababang espiritu na sila ay mga marangal na personaje o tauhan ng kabanalan: tulad ni Hesus, Virgin Maria at iba pang mga banal na espiritu. Kaya lubos silang pinaniniwalaan ng nagiging biktima ng kanilang hindi mainam na panlilinlang. Maingat sila sa pagsasalita at laging may himig ng kabaitan at paumanhin. Ngunit ang lahat ng ito ay paraan upang sila ang makapangyari at makapamahala sa katauhan upang

maitago ang kakapusan ng kanilang kaalaman.

Kadalasan, kung nakikita ng isang mababang espiritu na ang kanyang pahayag sa isang medium na obsesado niya ay sinisiyasat at pinag aaralan ay hindi siya lumalayo, ipinaiisip niya sa medium na lumayo o magsarili. O kaya ay tuwiran niyang iuutos sa medium ang paglayo sa mga namamahala.

Bawat medium na masaktan kung ang pahayag sa pamamagitan niya ay siyasatin at suriin ay siyang kauri ng espiritung sa kanya ay gumagamit. Kaya’t ang espiritung ito samakatuwid ay hindi mabuti. At ang paglayo ng isang medium na obsesado ay lagi nang hindi nakabubuti, pagkat sa gayon ay wala nang makatutulong at makapagpapayo sa kanya. Lalo pa sa sariling pagtanggap niya ng mga pahayag, gaano man kabuti para sa kanya ang mga pahayag na yaon, ngunit maari din siyang magkamali sa pagpapahalaga doon pagkat hindi lahat ng bagay ay kaniyang malalaman. Kasangkapan lamang siya, kailangan niya ang isang matalinong sa kanya ay tutulong, ang pangulo ng lunduyan o ang pangalawang pangulo o ang sino mang may kaalaman.

Ang paraan ng paglunas sa obsesyon ay ayon sa kabigatan ng sanhi. Para sa isang medium na dati nang maalam ng ukol sa bagay na ito (obsesyon), yaon ay hindi

mapanganib. Kahit na kung ang espiritu comunicante ay mababa at di pa wagas, ngunit matatawag na hindi kasiya-siya sa kanyang pandama. At ang mababang espiritu ay lalo pa siyang tutuksuhin at paiisipin upang sumunod.

Dalawang bagay ang magagawa ng isang kasangkapang sanay at marunong na. Patotohanan sa espiritung sa kanya ay nais na maghari na siya (medium) ay hindi malinlang at siya ay hindi kauri ng mababang kalagayan ng espiritu.

Maging mapagpaumanhin at matiyaga hanggang mapagod at mawalan ng pag-asa sa kanyang tagumpay ang espiritu manghihibo. Sa ganitong paraan ay kusang titigil ang espiritu, tulad ito sa mga taong nanghihikayat at di natin sila pinakikinggan.

(18)

Ngunit kadalasan ay hindi ito sapat makaraan man ang mahabang panahon. Ang udyok ng espiritung mababa ay patuloy pa rin. Ang medium ay kailangan humingi ng matapat na tulong sa kanyang Angel dela Guardia at sa mga batlaya tumutulong sa kanya lagi na.

Para sa mga espiritung manunukso, pakitunguhan sila ng may ganap na katatagan ngunit may lakip na habag. At idalangin sila. Sa simula ay magiging rebelde ang espiritu, ngunit sa matiyagang pangangalaga sa kanya, susuko at pahihikayat siya sa inyo. Sa wakas ay madadala ninyo siya sa mabuting landas buhat sa kawalan ng pag-asa. Kailangan na siraing lahat ang mga abotsabing natipon upang makita ng espiritung manghihibo na siya ay hindi na pinakikinggan.

Sinabi na natin na wala namang panganib sa isang medium kung siya ay hindi patutukso o padadaya ngunit sa tinatawag na Fascinacion, ang espiritu ay may lubos na kapangyarihan sa kanya, kaya’t mahigpit ito kaysa Obsesyon. Ang hikayat ng espiritu ay masidhi at walang dapat gawin kundi paliwanagan ang medium na siya ay nadadaya. Ngunit ito ay magbibingi-bingihan. Kaya’t magtiyaga hanggang magtapat ang espiritu na siyang sanhi ng fascinacion na hindi siya (espiritu) ang nagbigay ng pangalan sa pahayag. Ang saad ng isang espiritu: “Humanap ako ng isang taong aking maaakay. Nakita ko siya. Ngayon ako ay magpapalumagak dito sa kanya. Habang pinagpapaliwanagan ang espiritu ay lalo tayong tatanggihan noon hanggang sa itaboy tayo sa malayo. At sapagkat walang higit na bulag kaysa ayaw makakita ng katotohanan, ang lahat ng paraan upang mabuksan ang paningin ng isang medium na nasa ilalim ng fascinacion ay nawawalan ng bisa. Ang mabuti kung gayon ay iwanan ang medium sa kanyang sarili. Tulad ng isang may sakit na mahirap gumaling kung lagi nang inaalagaan ang kanyang sakit at natutuwa pa doon.

Ang pagkagahis sa laman (mahina) ay daan upang magamit ang lakas na buhat sa obsesado (medium) at mapaalis ang mababang espiritu. Kailangan dito ang pagtulong ng isang tao o kasangkapan upang bigyan ng lakas o magnetismo at gayon din ng lakas ng kalooban o fuerza de voluntad. Kung hindi makatulong ang obsesado sa kanyang sarili, makatutulong ang isang taong mabait at mabuti ang ugali. Mauutusan niya ang espiritung gumagamit upang iwanan ang medium. Gayon ang ginawa ng Manankop noong siya ay magpalabas ng mga demonyo o mangangaway na espiritu.

Maibibigay lamang dito ang pangkalahatang payo, pagkat walang tiyak na paraan o formula o anumang salita na may kapangyarihan na makapagpapalayo ng mga espiritung sanhi ng obsesyon o facinacion.

Kung minsan, ang obsesado ay kulang sa lakas at fluido, dito ay kailangan ang isang medium na sa kanya ay makatutulong. At mabuti rin ang pagsangguni sa espiritu protector

(19)

sa pamamagitan ng isang medium na mapagtitiwalaan. Gayon din, dapat isangguni sa Anghel de la Guardia ng medium na ginagamit ng mababang espiritu.

Ang mga hilig ng medium na obsesado na kulang sa kabaitan at kababaang loob at marami pang ugaling hindi maganda ang magiging balakid sa kanyang pagkaalpas sa kapangyarihan ng mga mababang espiritu.

Ilang magkakapatid na babae ang sa loob ng ilang taon ay naging biktima ng hindi magandang karanasan. Ang kanilang mga damit ay lagi nang nakakalat sa mga sulok ng bahay, sa itaas ng bubong, ginugupit, pinupunit at pinagbubutas butas. Kahit ito itago at susian ay nakakalat din. Ang mga babaing ito ay hindi naman mga espiritista. Akala nila ay naging biktima sila ng pagbibiro. Ngunit ang patuloy na nangyayari kahit sila mag ingat ay nagbubulaan sa gayong hinala. Makaraan ang mahabang panahon ay lumapit sila sa mga espiritista upang itanong ang kadahilanan at ang una sa mga nabanggit na pangyayari, ang dahilan ay hindi kahina hinala. Ang panglunas ay higit na mahirap. Ang espiritung gumawa ng lahat ng gulo ay naghihiganti. Nagpakita siya ng di mabuting kalooban at mailap sa kumakausap sa kanya. Makaraan ang ilang panahon na wari ay nagtigil na ang mga gulo, ito ay umulit at kinailangan ang payo ng isang mataas na batlaya. Ang payo ay ito:

Idalangin ng mga babaing yaon sa kanilang Anghel na taga tanod na sila ay laging tulungan, huwag iiwan. Siyasatin ang kanilang budhi, mangumpisal sa kanilang sarili at suriin kung sila ay nakatutupad sa kahingian ng mabuting pagkakapit bahay at sa pagkakawanggawa, hindi sa laman kundi sa diwa o sa di pagpaupasala sa kapwa. Nakalulungkot banggitin na ang pagiging malabiga kahit na sila ay mapagdasal at mapagkawanggawa at ang paninirang puri sa kapit bahay ang siyang nag udyok sa mga espiritu para maghiganti. Yaon ay lagi nilang iniiring at pinapalibhasa. At yaon ay magugunita nila kung pilit na pagbabalikan sa isip. Kung ang mga babaing yaon ay magpapakabuti sa pakikipagkapwa, babalik ang kanilang Anghel de la Guardia upang siyang magtaboy sa espiritung manunukso. Nang sabihin na waring masasakit ang salita ng mga espiritung nag uusig, ito ay sumagot: “Dapat kong sabihin ang aking sinaad at kagaya ng aking pagkasalita. Paano ay ang mga babaing iyan ay hindi maniniwala na ang pagkamalabiga at machismis ay masamang gawain. Kaya marapat lamang ang aking ginawang panggugulo sa kanila. At nawa ay maging babala iyon sa kanila sa hinaharap”.

Sa salaysay na ito ay may mahalagang aral tayong mapupulot, na ang masasamang ugaliin ay nakaaakit upang tayo ay lapitan ng mga mababang espiritu. At ang pagiging mabuti at mabait naman ang siyang nagpapalayo sa kanila upang tayo ay huwag nang pinsalain o guluhin ang ating buhay. Walang alinlangan na ang mga mabubuting espiritu ay makapangyarihan sa mga espiritung di pa wagas, na ang malakas na kalooban nila ay sapat

(20)

na upang palayuin ang mga yaon. Ngunit ang tinutulungan nila ay yaong nagbabago at nagpapakabuti na.

Kung hindi ito mangyari, iniiwan sila ng mabubuting espiritu, sa gayon, ang pagtukso naman ng mababang espiritu ang nagiging daan sa pag uusig at pagbabayad utang ng mga inuusig.

Bakit hindi maligtas ang isang medium sa subaybay ng masamng espiritu at bakit waring hindi makayang paalisin ng mabubuting espiritu upang sila ay tuwirang

makapamahayag?

Hindi ang kulang sa lakas ang mabuting espiritu kundi ang medium ang di gaanong malakas at di makasunod sa mataas na espiritu. Maari din naman na angkop ang fluido niya sa isang espiritu kaysa sa iba.

Bakit mayroon na sa tingin natin ay mabubuting tao na may marangal na pagkatao at gayonman ay hindi magamit ng mabubuting espiritu? Ito ay isang pagsubok. Gayon din naman sino ang nakatatalos kung ang puso ay nalalahiran ng isang buktot na kaisipan? Gayon din kung ang kayabangan ang nakapananaig sa nahahayag na kabutihan? Ang mga pagsubok na ito na naglalantad ng sariling kahinaan na magtuturo sa kanya na

magpakababang loob.

Mayroon bang sinoman sa daigidig na ito na makapagsasabing siya ay ganap at walang kapintasan? Yaong sa malas ay mabuti at waring ganap ay maaring mayroon na nalilingid na kapintasan, isang tanda ng di pagiging ganap o perfecto.

Maari bang ang pinag uusig ng isang mababang espiritu ay tuluyang masiraan ng bait? Oo, isang uri ng pagkawala ng sariling bait na naiiba sa pangkaraniwang pagkaloko. Kung ang mga medicong tao ay maalam ng Espiritismo, malaki ang kanilang maitutulong sa mga ito pagkat makikilala nila kung sino ang tunay na loko at ang sinasapian lamang ng mababang espiritu. Kahit na hindi maniniwala sa pahayag ng mga espiritu ay pilit na

maniniwala kung sa hindi inaasahan ay maihayag na lamang at sukat ang isang espiritu, at sa gayon ay sino naman ang hindi pa maniniwala?

KATANGI-TANGING MGA MEDIUM

Bukod sa mga iba't ibang categoria ng mga medium na nabanggit sa simula ng mga halaw na ito, ang mediumnidad ay nagpapakilala ng isang walang katapusang antas o uri ng kaloob at dito ay ating ibibilang ang mga special (o katangi-tanging) medium; sila ay nag-aangkin ng di pangkaraniwang kakayahan o katangian na hindi pa masuri, ayon sa

katangian at kaalaman ng espiritung nagpapahayag.

(21)

kaugnayan sa kakanyahan ng espiritung comunicante. At nagpapakita ng pangsariling kaangkinan gaya ng kaatasan o kababaan ng sarili; ng sariling karunungan o

kamangmangan; ngunit dahil sa ang katangian ng bawat isa ay pangsarili, nakikita ang sariling pagtalakay sa isang bagay kaysa iba pa; ang mga espiritu na laging kumakatok o lumilikha ng ingay, sila ay hindi nag iiba ng kanilang pakiramdam. At ang mga nabibilang sa mga nagpapahayag ng may katalinuhan ay ang mga espiritung manunula o poeta, mga musikero, pintor, novelista, makaagham (scientifico), mga mangagamot at marami pang iba. Ang ating binabanggit ay ang mga espiritung nasa panggitnang uri, na pagdating sa isang kalagayan ng pagsulong, ang mga katangian nila ay nagkakaisa at dumarating sa pakikiisa sa kasakdalan o perfecion. Ngunit, tangi sa hilig ng espiritu comunicante, nariyan ang katangian ng medium na siyang kasangkapan ng espiritu. Ang huli ang siyang nakatalos kung ang kasangkapan niya ay angkop o kanyang mapapasunod. Ang espiritu ang siyang nakatutuklas ng (special) katangi-tanging kaangkinan na tayong mga tao ay hindi

nakapagpapahalaga.

Magbigay tayo ng isang pagbabaki: Ang isang dalubhasang musikero ay mayroong maraming mga violin; sa pangkaraniwan, sasabihing maiinam na lahat ang mga yaon; ngunit sa isang dakilang musikero, mayroon siyang makikitang antas na pagkakaiba, at pipili siya ng ilan at iiwan ang iba naman. Ang pagpili niya ay sa pamamagitan ng intuicion o kutob ng loob. Ganito rin ang ukol sa mga medium. Mayroon man ng parehong katangian ng mediumnidad, pipili rin ang isang espiritu ng isang medium ayon sa uri ng pahayag na kanyang ibibigay. Kaya, halimbawa may taong bilang medium ay nakagagawa ng tula na sa kanyang sarili ay hindi maalam gumawa kahit na dalawang taludtod, pilitin man. Ganito ang ukol sa mga pintor, musikero at iba pang karunungan.

Mayroon namang mga medium na sa kanilang sarili ay walang kaalamang

makaagham (sciencia) na mayroon ng tanging kakayahan na makatanggap ng abotsabi ukol dito. Ang mga ibang medium naman ay may katangian sa pagtanggap ng pahayag ukol sa istorya, ang iba naman ay sa pagtanggap ng pahayag ng mga batlayang mangangaral o moralista. Sa isang salita, ano man ang pagiging sunud sunuran ng medium, ang pahayag na kanyang matanggap ng sa madaling paraan ay may sariling tatak at katangian. Mayroon namang mga medium na ang pahayag ay lagi nang nasa kabilugan ng ibang pagpapahayag, na kadalasan ay hindi tapos ang ibig sabihin, pahat o bulaan ang pahayag na tinanggap. Matangi sa mga dahilan ng mga hilig, nagpapahayag ang espiritu ng buong puso sa sino mang taga pamagitan ayon sa kanilang pagkagiliw. Kung ang lahat ng bagay ay timbang, at walang natatangi o nakahihigit, ang espiritung nagpapahayag, sa paggamit ng ibang

(22)

niya ang medium na nasabi.

Magiging isang pagkakamali kung gayon, kung ang isang mabuting medium na nakatanggap ng mainam na pahayag ay hanapin o asahan na makatanggap ng lahat ng uri ng pahayag. Ang pangunahing batayan ay matiyak ang pinagmulan o ang katangian ng espiritung pinanggagalingan ng pahayag. At lalo pa ang katangian o kakayahang moral ng medium na ipagagamit sa espiritu, kaya nga, kailangang pag aralan ang bukal na

kakayahan o katangian ng medium, samantalang pinagaaralan ang katangian ng espiritung magpapahayag, pagkat ang mga ito ang dalawang condicion o pangangailangan upang makatanggap ng mabuting bunga (pahayag). Mayroon pang pangatlong sanhi o dahilan upang makatanggap ng tulad ng huling banggit, ang layunin, ang lihim na alitigtig, ang humigit kumulang ay kapuri-puring layunin ng sumasangguni, kita at maaaring sabihin: Upang makatanggap ng isang mabuting pahayag, ito ay kailangang magmula sa isang espiritung mabuti, na magawan ng espiritung ito na maipahatid sa pamamagitan ng isang mabuting kasangkapan. Na upang maipaabot ito sa iba o sa atin, ang dahilan ay karapat dapat o ayon sa nasa ng batlayang nagpapahayag.

Ang batlaya, na nababasa ang isipan ang nagpapasya kung ang tanong ay marapat sa isang wastong sagot at kung ang taong tumatanong o sumasangguni ay marapat tumanggap noon. Sa isang kasong taliwas o kung hindi matapat ang tanong at gayon may tinugon ng tapat na sagot, walang nawala pagkat ang espiritu ay nakapaghasik ng mabuting binhi sa mabatong lupa. At pumapalit sa batlaya ang mga bulaan at mapagbiro na ang mga ito ay di gaanong pinahahalagahan ang katotohanan, hindi nila sinusuri ang mga bagay at walang halaga maging anuman ang paraan o wakas ng pagpapayo.

Ang mga kasangkapan o medium ay maaring hatiin sa dalawang grupo: Mga medium sa paghahayag na fisical: yaong mga nakalilikha ng ingay, katok, yabag, etc.

1. Tipping mediums - yaong dahil sa kanilang hilahis ay may mga ingay at mga katok na nalilikha.

2. Moving mediums - yaong ang kakayahan ay nakapagpapagalaw ng mga bagay. Ito ay pangkaraniwan.

3. Medium para sa mga bagay na nakalagay sa alangaang o sa hangin. Mayroon ang sarili ay napalulutang sa itaas na walang sumasalo. Ito ay pangbihira, lalo pa ang huling nabanggit.

4. Musical medium - nagagawa nila na magpatugtog ang anomang instrumento kahit na hindi hinihipo. Pangbihira ang uring ito.

5. Medium para sa multo (aparition) - Yaong mga medium na ang katangian ay nakabubuo ng isang multo na maaaring makita ng mga taong kaharap.

(23)

6. Medium sa materyalizacion at aporte - yaong mga nakatutulong sa mga espiritu sa pagdadala ng iba't ibang bagay - Ito ay isang uri ng moving medium.

7. Nocturnal (no. 2) medium - yaong mga nakadadama ng paggalaw ng mga bagay sa gitna ng kadiliman o gabi. Ito ay nangyayari atas ng kapaligiran at hindi ng katangian ng medium o ng espiritu. Ang uring ito ay pambihira. At maaaring sabihin na dahil sa

kalagayan at kadiliman, ito ay nagiging paraan ng pagdaraya, magiging dahilan upang paniwalaan sila at kumita ng salapi at sa gayong paraan. Ngunit ano ang kailangan?

Ang gayong uri ng pagdaraya maging sa pansarili o panlipunan ay talagang mahahayag sa madla, at ipakikilala sa kanila ng mga espiritu na hindi mabuti ang

pakikialam sa kanilang mga gawain. Inuulit ko ang wika ni Erastus, ang isang baguhan ay maaaring ligaligin sa pamamagitan ng marahas na pagpaparamdam sa kanyang mga daliri na sapat upang makilalang bulaan ang medium na nasabi. Bukod pa sa ang gayong bagay ay pangsamantala lamang.

8. Medium sa Pagsulat - Pneumatographic medium -Yaong ginagamit ng espiritu ang kamay sa tuwirang pagsulat. Ito ay sadyang pambihirang fenomena at isang

napakadaling gayahin sa pamamagitan ng panglilinlang.

9. Healing medium - Yaong mga nakapagpapagaling ng mga maysakit sa pamamgitan ng paglalapat ng kamay sa mga maysakit o sa pagdalangin. Ang kaloob na ito ay

maaaring hindi mediumnidad. Ito ay nadadama ng lahat na may matibay na

pananampalataya sa Dios. Kahit na sila ay medium o hindi man; kadalasan yaon ay bunga ng makalangit ng mga batlaya at lalong nagiging mabisa.

Yaong mga medium na mainam sa pagtanggap ng pahayag na intelectual o naghahayag ng katalinuhan. Yaong mga iba pang uri ng medium, humigit kumulang ay nabibilang sa alinman sa dalawang grupo o kaya ay sa dalawa. Kung ang mga pahayag ay susuriin makikita na mayroong magkahalong fisical at intelectual na diwa. Halos ay hindi makita ang hanggahan sa dalawang uri ng pahayag. Ang mga medium para sa

intelectual na pahayag ang siyang nakatatanggap ng regular at walang patlang na pahayag ng mga batlaya.

10. Sensitive mediums - yaong mga nakakatanggap ng impresyon o alitigtig sa mga espiritu, mabuti man o masama. Ang mga medium na ito ay delikado at kailangang iwasan ang mga espiritung mararahas, na ang impresyon sa medium ay nakasasakit at

nakapipinsala; ang bunga ay ang pagkapagal at panghihina.

11. Hearing mediums - Nakaririnig ng mga espiritu. Ito ay pangkaraniwan. Mayroon akala ay nakaririnig sila ngunit ito ay imahinasyon lamang.

(24)

Ito ay ang parlante at pangkaraniwan din ito.

13. Seeing Mediums - Yaong nakakikita ng kaluluwa1 samantalang gising. Ang di inaasahang pagkakita sa isang pagkakataon ay pangkaraniwan ngunit ang palagiang pagkakita sa mga kaluluwa ay hindi pangkaraniwan. Kadalasan ay imaginacion lamang ang nangyayari kaya dapat gamitan ng maingat ng pagsusuri.

14. Inspired Mediums - Yaong ang mga salita o diwa ay sa suggestion ng espiritu kahit na labag sa kanilang kalooban. Kabilang dito ang ukol sa pangkaraniwang galaw ng buhay o para sa matataas na antas ng karunungan at gawain.

15. Mediums for Presentiments - Yaong sa ilalim ng ibang pangyayari ay natatanggap ang alitigtig o kaba para sa darating na pangkaraniwang pangyayari.

16. Prophetic Mediums - Ito ay nabibilang sa inspired o Presentiment medium, sa pahintulot ng Dios, at may higit na katiyakan kaysa Presentiment medium. Naghahayag sila ng mga darating na pangyayari para sa lahat at sila ang nagbibigay ng paraan at mga pointers sa dapat gawin ng mga tao. "Kung mayroon mga tunay na propeta, higit na marami ang bulaan, na ang mga panaginip at wari ay revelacion ay bunga lamang ng kanilang guni - guni (imagination) at naibubunsod ang gayon ng sariling ambicion na maituturing na profeta". (Book of Spirits, no. 624).

17. Medium Sonambula - Yaong mga nagsasalita samantalang natutulog, sa tulong o ayuda ng mga espiritu.

18. Ecstatic Medium - Yaong samantalang nasa lubos na ecstasy o ganap na

concentration ay nakatatanggap ng pahayag o revelacion buhat sa mga espiritu. Marami sa kanila ang nagiging gayon atas ng sariling guni-guni o mga magdarayang espiritu na siyang nakikinabang sa gayon. Bihirang bihira ang mapagtitiwalaan sa uring ito ng mediumnidad. 19. Medium sa Pintura - Yaong nakapagpipinta o nakaguguhit (draw) sa atas ng mga espiritu. Tinutukoy dito ang mga tunay na magagandang painting tulad ng kay Jupiter na kahit tinularan ng maraming nagsisisulpot na pintor ay hindi nakapantay sa magandang likha ng tunay na medium sa pagpinta. Ang lahat ng ibang nagnais makapagpinta ng maganda ay pawang caricatura lamang ang naipinta.

20. Medium Musicians - Yaong nakalikha, nakapagcocompose o nakasusulat ng musika sa ilalim ng subaybay ng mga espiritu. Mayroong mekanikal o semi mekanikal, paisip

(intuicion) o inspirado na mga medium na musikero, ganito rin ang ukol sa mga pahayag sa literatura o sa pagsulat ng magagandang salaysay. (mediums for musical effects)

21. Versifying Mediums - Yaong mga nakatatanggap ng pahayag sa verso o patula. 1 Espiritu sa orihinal na salita mula sa Halaw. Sa pag aaral natin, tanging kaluluwa o peri-espiritu lamang ang maaaring makita.

(25)

Madalas ay hindi maayos ang taludtod, bihira lamang ang maganda at tumpak ang versos o taludtod.

22. Incorrect mediums - Sila ay nakatatanggap ng mabubuting bagay, puno ng moral o pangaral, ngunit ang estilo o forma ng salita ay malabo o mali, puno ng paulit ulit na kataga at mga hindi angkop na terms o pananalita. Ang kamalian sa pananalita sa isang pahayag ay buhat sa kakulangan ng kailangan ng kabatiran sa kultura ng medium, na dahil dito ay hindi mabuting kasangkapan ng espiritu. Hindi binibigyan ng malaking pahalaga ng espiritu ang forma o mga maling pananalita, ang mahalaga ay diwa ng pahayag, kaya ipinauubaya sa atin ang pag aayos sa pagsasalin ng pahayag. Ito ay di katulad kung tinanggap ng bulaang pahayag na walang ayos ang diwa, ito ay atas o mula sa mga espiritung may kababaan ang uri.

Imperfect Mediums

Obsessed Mediums - Yaong hindi makaiwas sa hikayat ng mga espiritung

magdaraya.

Fascinated Mediums - Yaong nasa kakayahan ng mga espiritung magdaraya at

nalilinlang ukol sa uri ng pahayag na natatanggap.

Trifling Mediums - Yaong hindi tinatanggap na ang biyaya nila ay karapatdapat at

ginagamit lamang nila sa paglilibang o sa mga bagay na walang saysay.

Indifferent mediums - Yaong hindi nakatanggap ng pangaral sa kabaitan ng dahil

sa kanilang kaloob at sa anumang paraan ay hindi pinagbubuti ang sariling ugaliin at magandang kaasalan.

Presumptous mediums - Yaong nagkukunwari na sila lamang ang kaisa ng

matataas na espiritu. Sila ay naniniwala sa sariling katangian at kakayahan at itinuturing na mababa at mali ang lahat ng pahayag na di natanggap buhat sa kanila.

Haughty mediums - Yaong ipinagmamayabang ang abot sabing kanilang

natanggap. Inaakala na wala na silang dapat pang matutuhan sa Espiritismo at hindi natututo sa mga aral na tinatanggap sa mga espiritu. Hindi sila nasisiyahan sa biyayang sumasakanila. Ibig nila ay maangkin o makamit ang lahat ng biyaya.

Susceptible mediums - Kauri ng nasa itaas, nasasaktan kung pintasan ang

kanilang pahayag, nagagalit pagka sila ay kinontra. Pagka ipinagparangalan ang kanilang pahayag, ibig na yaon ay purihin, hindi naghihintay o tumatanggap ng payo. Karaniwan ayaw nila sa mga taong hindi lubos ang tiwala sa kanila. At iniiwan ang grupo na hindi nila makayang mapasunod at makontrol.

(26)

sa pag iisa, ang lipunan ng kanilang lisanin ay di gaanong mawawalan - Erastus.

Mercenary mediums - Yaong ginagamit sa pagkaka-pera ang kanilang biyaya. Ambitious mediums - Yaong ang biyaya nila ay hindi tinatapatan ng halaga ngunit

umaasa na makatanggap ng pakinabang para sa sarili.

Zealous mediums - Yaong tumitingin na may pagkainggit sa ibang medium na higit

na pinahahalagahan at higit na nauungos sa kanila.

Mabubuting Medium

Serious mediums - Yaong ginagamit ang kaloob sa mabuti at mahalagang sanhi

lamang. Itinuturing na paglapastangan kung ang kaloob ay gagamitin sa mga pag oosyoso lamang o pinag lalaruan ang anumang buhat sa mga batlaya.

Modest mediums - Yaong hindi ikinakapit sa sarili ang kapurihan kaugnay ng

pahayag na kanilang tinatanggap maging ang mga yaon ay maganda. Itinuturing na hiwalay ang kanilang sarili sa pahayag nila. Malayo sa pag iwas sa mga puna o critico, sila pa ang humahanap noon.

Devoted Mediums - Yaong nauunawaan na ang tunay na medium ay may isang

mission na tutupdin, at kung kailangan ay magpapakasakit sa ugali, sa mga kalayawan, panahon, hanggang sa mga biyaya ng laman para sa kabutihan ng mga ibang tao.

Hindi mapapabulaanan, dagling makikita na ang ganitong pagpuna sa kakayahan at mga hilig o capritso ng medium ay makaaakit ng di pagkakaunawaan at pag iiringan sa iba, ngunit walang kailangan magkagayon man. Ang mediumnidad ay lumalaganap araw araw, higit at higit. At ang medium na pansinin ang mga kahayagan at kakulangang ito ay patutunayan lamang ang isang bagay na hindi siya isang mabuting kasangkapan o siya ay may subaybay ng masamang espiritu. Ngunit ito, tulad ng nasabi ko na, ay pangsamantala lamang. Ang mga masasamang medium o yaong naabuso ng paggamit sa kanilang kaloob ay magtitiis sa bunga ng maling gawain nila, tulad ng nangyari na sa iba, matututo sila sa sariling mapait na danas kung ang bunga ng dakilang kaloob ng mediumnidad ay gamitin sa makalupang kahalingan sa halip na pakinabangan para sa pagkaunlad ng sariling pagkatao. Kung ayaw nilang paakay, kaawaan ninyo sila sapagkat sila ay itatakwil ng Dios. Erastus

Ang binanhay na talaang ito ay may malaking halaga, hindi lamang para sa mga matapat na medium (sincere) na talagang maghahangad sa pagbasa nito na maiwasan ang mga panganib na nakahantad sa kanila. Gayon din ang sino man na namamahala at

gumagamit ng medium, sapagkat ito ay magtuturo sa namamahala kung ano ang mga bagay na dapat nilang asahan sa kanilang mga medium. Kaya't ang talaang ito ay dapat lagi nang natutunghayan ng sinomang magsisiyasat sa mga kahayagan ng mediumnidad. Gayon

(27)

din ang Spirit Scale na siyang katambal ng talaang ito; ang dalawang nabanhay na talaang ito ang lumalagom sa lahat ng prinsipyo ng doktrina at makadaragdag ng higit sa inaasahan upang mabalik ang Espiritismo sa kanyang tunay na mission - Socrates.

Ang lahat ng iba't ibang kakayahan (shades) ng mediumnidad na nabanggit ay naghahayag ng mga anag-ag lamang sa tumpak na salita ngunit ang mga ito ay bunga ng mga natatanging (special) kakayahan ng mediumnidad. Maaring huluin na ang mga

kakayahan (faculty) ng isang medium sa isang uri ng kaloob ay pangbihira, ang masabi ng medium ay maaaring maraming iba't ibang kakayahan ngunit makikitang namumukod at natatangi ang isang uri. Ito ay dapat pag ukulan ng panahon upang lalong makatulong ang medium sa marami kung mapaunlad ang tanging kaloob. Isang malubhang pagkakamali na piliting mabungkal ang isang uri ng kaloob na wala sa kanya. Ang mga hayag na kaloob ang dapat pagyamanin at paunlarin, ngunit ang hindi unlad ay hindi dapat pag aksayahan ng oras. Ito ay makapipinsala sa unlad na kaloob na nasa kanya (medium) na.

Kapag may binhi ng isang facultad ng mediumnidad, ito ay makikita sa mga palatandaang hindi mapabubulaanan o matatanggihan. Kapag ang (special) facultad na kanyang taglay ay napaunlad unti unti ay magbubunga ng mga mahahalaga at

magagandang bagay, sa paghahangad na magawa ang lahat ng uri ng kaloob, hindi makagagawa ng mabuting paglilingkod. Iniiwan ng mabuting espiritu ang gayong uri ng medium at magiging laruan sila ng mababang espiritu.

Nakalulungkot, ngunit hindi pangbihira na mayroong mga medium na hindi

nasisiyahan sa kanilang biyaya na tinanggap kaya nagnasa (na ito ay buhat sa malabis na pag-ibig sa sarili at ambition) na magtamo pa ng pangbihirang biyaya upang sila ay sumikat at mapansin, ito ay sumisira sa kanilang pinakamahalagang katangian - yaong para sa mga tiyak na medium. Socrates

Ang pag aaral sa mga specialidad ng mga medium ay kailangang hindi lamang para sa kanila kundi gayon din para sa tumataliba o umiimboca sa mga espiritu. Marapat

lamang na piliin ang medium na angkop sa dahilan ng pagsangguni nila. Mapapansin na ang isang medium na masayahin ay makatanggap ng malungkot at mabalasik na pahayag o ang taliwas dito. Ito ay maliwanag na palatandaan na ang medium ay kumikilos sa ilalim ng isang subaybay na hindi kanya. Ito ay atin pang tatalakayin sa ibang bahagi - Ang influencia moral ng mga medium.

ANG INFLUENCIA MORAL NG MGA MEDIUM

Ang kaunlaran ba ng mediumnidad ay ayon sa kaunlarang moral o kabaitan ng medium? Hindi, ang kaloob (facultad) ay ukol sa medium como tao na may katawang

(28)

laman, walang kinalaman ang moral o ugali sa paggamit ng kaloob ay mababatay kung mabuti o hindi mabuti ang pag uugali, na ito ay ayon sa katangian ng kasangkapan, batay sa kanyang kabaitan o moral.

Laging sinasabi na ang mediumnidad (facultad) ay isang kaloob ng Ama (gift of God), isang biyaya, isang favor o ganting pala. Bakit ito ay hindi maging karapatan ng mabubuting tao, at bakit nakikita nating may mga medium na mahusay ang mga kaloob at gayon ma'y hindi sila karapat dapat at ginagamit ang kanilang biyaya sa hindi mabuting bagay o paraan?

Ang lahat ng mga kaloob ay mga biyaya na dapat nating ipagpasalamat sa Dios, maraming mga tao ang hindi magkamit noon; itatanong din natin kung bakit binigyan ng paningin ang mga masasama, talas ng dila ang mga taong mapagsambit ng mga salitang puno ng kasamaan. Ganito rin ang ukol sa mediumnidad. Mga taong kulang sa kabaitan at kabutihan ang nagiging mga medium sapagkat kailangan nila ang kaloob na ito para sa kanilang ikasusulong; inaakala ba ninyo na ipagkakait ng Dios ang kaligtasan sa mga makasalanan? Pinararami Niya ang mga paraang yaon sa kanilang landasin. Inilalagay Niya ang mga paraang iyon sa kanyang mga palad. Ang mediumnidad ay ipinagkakaloob upang pakinabangan ng medium na rin; hindi ba si Judas, ang traidor, bilang Apostol ay gumawa ng mga milagro at nagpagaling ng mga maysakit? Yaon ay ipinahihintulot ng Dios upang makilala niya ang kanyang pagkukulang.

Ang mga medium ba na ang kanilang kaloob (facultad) ay ginagamit sa masamang paraan, o hindi ginagamit sa mabuting sanhi o hindi nagbabago o bumubuti sa sarili, sa pagtanggap ng mga pahayag at pangaral na buhat sa mga espiritu, sila ba ay sasapitan ng bunga ng kanilang mga pagkakamali at kasamaan?

Pag ginamit sa masamang paraan, ibayo ang parusa sa medium pagkat mayroong liwanag na umaakay sa kanya at gayon man ay hindi niya sinamantala ang pagkakataong magbago. Yaong nakakikita at madapa ay masisisi kaysa isang bulag na mahulog sa kanal.

Mayroong mga medium na sa pamamagitan nila ay natatanggap ang mga pahayag ng panayan, at hindi inaakala ay ibinibigay sa mga paksang paulit ulit na binabanhay, sa mga araling moral, halimbawa'y sa mga pagkakamaling tinutukoy, ang mga ito ay mayroong tanging dahilan.

Oo, ang dahilan ay upang maliwanagan nila ang isang bagay na inuulit-ulit o kaya ay upang ituwid sa ilang pagkakamali; sa iba ay binabanggit ang ukol sa kayabangan, sa iba ay ukol sa pagkakawanggawa; ang pagkapigta sa mga pangaral ang siyang magbubukas ng kanilang mga mata. Walang sinomang medium na di natutumpak sa paggamit ng kanilang kaloob, may mga kayabangan, malabis na pag ibig sa sarili, o ginagamit ang kaloob para sa

(29)

sariling kapakanan o ambition, ang hindi nakatatanggap paminsan minsan ng pagalaala at pangaral buhat sa mga batlaya. Ang masama nito ay hindi nila iniuukol ng paalala sa

kanilang sarili. Ang batlaya ay gumagamit ng paraan sa ganitoing pagtuturo na ibinibigay sa isang hindi tiyak na paraan. Ito ay upang bigyan ng pahalaga ang sinomang matutong sumunod at makinabang sa kanilang pagtalima. Ngunit sa mga ibang medium, ang pagkabulag at kayabangan ay gayon na lamang na hindi kinikilalang ang sarili ang siyang larawan sa kanilang harapan; lalo pa kung ipaiintindi ng espiritu na sila (medium) ang pinag uukulan ng puna at pangaral, sila ay nagagalit at itinuturing na bulaan at mapanukso ang espiritung sa kanila ay nangangaral. Ito ay maliwanag na ang espiritu ay tumpak sa kanyang pagpansin.

Sa mga pangaral buhat sa batlaya sa pamamagitan ng isang medium, ito baga ay para lamng sa kanya o sa ilan na nakarinig?

Hindi, ito ay para sa kalahatan, sa sangkatauhan. Ang medium ay kasangkapan lamang sa pagtawag ng pansin na tayo ay magbago at magpakabuti. Darating ang panahon na magiging karaniwan ang mabubuting medium at ang espiritu ay hindi na

kakailanganing gumamit ng medium na walang mabuting kaugalian.

Sapagkat ang katangiang moral ng medium ay nagpapalayo sa mga espiritung di pa wagas, bakit may mabuting medium na nakapagbibigay ng bulaan at magaspang na

katugunan?

Alam ba ninyo ang nasa kalooban ng kanyang kaluluwa? Isa pa, kahit na hindi kasamaan, puedeng siya ay hindi seryoso at mapagwalang bahala. Kung minsan kailangan niya (medium) ang leksyon upang maging maingat.

Bakit ang mga batlaya ay binabayaang ang mga medium na may kapangyarihan at mabuting facultad at maaring makagawa ng maraming kabutihan ay maging kasangkapan ng mga maling mga pahayag?

Ang medium ay sinusubaybayan ng mga espiritu o batlaya, ngunit kung ang medium ay sumusunod sa maling landas, binabayaan sila. Ito ang dahilan kung bakit iniiwasan ng espiritu ang sa kanila (medium) ay paggamit pagkat ang katotohanan ay hindi

maipaliliwanag ng kabulaanan.

Imposible ba na makatanggap ng mabuting pahayag buhat sa isang medium na imperfecto o di mabuti?

Ang isang di mabuting medium ay gagamitin ng isang batlaya, pangsamantala, pagkat pipiliin ang isang mabuting kasangkapan na angkop sa kanila.

Dapat pansinin na kapag nakita ng mabuting espiritu na ang isang medium ay nagiging alipin ng magdarayang espiritu, inihahayag ang kanilang mga pagkakamali,

(30)

inilalayo ang mga taong tapat ang nasa sa pakikipagaral, na maaaring mapagsamantalahan ng mababang espiritu. Sa gayong kalagayan, kahit na ano pa ang kanilang katangian, ito ay di dapat panghinayanagan.

Ano-anong katangian dapat magtaglay ang isang medium upang matawag na siya ay perfect o sakdal?

Sakdal, alam natin na ang pagkasakdal ay wala sa balat ng lupa, sana ay wala na tayo dito kung tayo ay sakdal na. Sabihin natin: mabuting medium at ito ay pangbihira at higit pa sa dapat asahan. Ang isang mabuting medium ay yaong hindi pinangangahasang dayain ng masamang espiritu. Ang isang magaling na medium ay yaong bihira kung madaya.

Kung nakikiisa lamang sa mabubuting espiritu bakit pinababayaang madaya ang isang mabuting medium? Kung minsan ay pinababayaan ng mabuting espiritu na madaya ang isang magaling na medium upang ito ay magkaroon ng matalinong pagbabaki at malamang piliin ang totoo kaysa sa kabulaanan. Magaling man ang isang medium, siya ay hindi napakagaling na wala na siyang kahinaan sa sarili na hindi makikita, ito ay

magsisilbing aral sa kanya. Ang mga bulaang pahayag na matanggap niya sa pana panahon ay mga babala na hindi dapat ituring na wala ng kapintasan ang sarili at ipagyabang ang gayon.

Ano ang kondisyong kailangan upang matanggap natin ang mga salita ng matataas na espiritu na malinis at ligtas sa mga adulteracion o pagkahalo ng masamang mga salita.

Ang maging mabuti, alisin ang kayabangan at malabis na pag ibig sa sarili, ang dalawang ito ang kailangan.

Kung ang pahayag ng mga wagas na espiritu ay tinatanggap nating malinis sa mga kaparaanang mahirap matamo, hindi kaya ito hadlang sa pagpapalaganap ng katotohanan. Hindi, pagkat ang liwanag ay lagi nang dumarating sa kanya na tumatanggap noon. Ang sino mang nais maliwanagan ay kailangang takasan ang kadiliman at ang kadiliman ay naroon sa karumihan ng puso.

Ang mga espiritu na inaakala ninyo na kinatawan ng kabutihan ay hindi panibulos sa mga taong ang puso ay pigta ng kayabangan, makalamang pag-ibig at kulang sa

kawanggawa o pagkahabag sa kapwa.

Bayaan sila, kung gayon na nagnanasa ng kaliwanagan ng langit na isa isang tabi ang makataong mga kahilingan at sila ay magpakababa sa harap ng walang hanggang kapangyarihan ng Manlilikha: Ito ang magiging payak na katunayan ng kanilang katapatan at ang kondisyong ito ay madaling matupad ng bawa’t isa.

Referensi

Dokumen terkait

Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.. DALOY NG

kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pag- iisip at nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng awtor at paano ito sinasabi.. Nakapagsasarili – nakagagawa

Kung hindi ipinakulong ng unang lalaki ang kapwa niya alagad, ano kaya ang nangyari sa kanya.. Siya ay ipinakulong dahil di niya mababayaran ang milyung-milyong

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag- aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa

Nakakasira ng katawan ang patuloy ng pag-inom ng alak lalo na sa mga kabataan. Ito ay paglaki ng tiyan o tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom ng alak ang mga kabataan dahil

Sa pananaliksik na ginawa ni Ferrer, 2012 na pinamagatang”” natuklasan na ang sobrang pag-lalaro ng “online games” ay nakakalikha ng hindi magandang resulta sa atin katulad na

Sa mga pinagbatayang teorya ng pag-aaral na ito, tiningnan ang antas ng kaalaman ng mga magulang sa pagbabasa ng mga anak sa tahanan at antas ng pakikisangkot ng magulang sa pagbabasa

yong iyan sa kamatayan ay ma- Ang kamatayan naman ng hu- Natatandaan kong noong bagu- Pakinggan natin ang salita ng ging paghanap sa kamatayan." At ·kom Anacleto Diaz ay nangyari bagong