Paggamit Ng Code-Switching Sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc,, Bustos, Bulacan

89 

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Teks penuh

(1)

1 PAGGAMIT NG CODE-SWITCHING SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA MARY AND JESUS SCHOOL, INC., BUSTOS, BULACAN

Pamanahong Papel na Iniharap Sa mga Guro ng Departamento ng Filipino

Baliuag University Baliwag, Bulacan

Bilang Bahagi sa Asignaturang

Filipino 200, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

nina

Mark Angelo R. Arceo Carissa H. Cruz

Edwin N. Cruz Sandra P. Ragil Beverly Jean Salinas

(2)

2 DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal na siyang naging dahilan at inspirasyon ng bawat mananaliksik upang

mapagpunyagian at mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:

Una, para sa mga pamilya ng mga mananaliksik na walang sawang nagbigay ng suporta sa bawat mananaliksik at nagsilbing inspirasyon upang maisagawa nang maayos ang pag-aaral.

Ikalawa, sa kanilang propesor na si Bb. Lilia C. Manahan na nagturo sa mga mananaliksik upang makapagsagawa ng isang maayos na pag-aaral at gumabay sa bawat mananaliksik upang maliwanagan sa bawat bahagi ng pananaliksik.

Ikatlo, sa mga kapwa kamag-aral ng mga mananaliksik na nagbigay ng tulong at payo sa mga mananaliksik upang maging mas kapaki-pakinabang ang naturang pag-aaral.

Ikaapat, sa mga kalahok ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc. na taos-pusong ibinahagi ang kanilang mga kaalaman para sa isinagawang pananaliksik.

Ikalima, ang pananaliksik na ito ay inihahandog din ng mga mananaliksik sa lahat ng mga Pilipino dahil ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng code-switching, hindi lamang ng mga kalahok sa pag-aaral kundi na rin ng bawat Pilipino na dapat bigyan ng pagpapahalaga ang wikang Filipino.

Para sa Panginoong Diyos ng lahat na laging nandiyan upang gabayan ang mga

mananaliksik na makatapos sa kanilang pag-aaral at lalo na sa pagpapalakas ng loob at pananalig ng mga mananaliksik.

(3)

3 PAGKILALA

Ang pag-aaral na ito ay imposibleng mapagtagumpayan ng mga mananaliksik nang walang tulong at suporta ng mga sumusunod na inbidwal na buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik:

Lubos ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa kani-kanilang mga pamilya, lalo na sa kanilang mga magulang na hindi lamang tulong pinansyal ang ibinigay ngunit pati rin ang tulong ispiritwal at dalisay na pagmamahal at paggabay na nakatulong nang malaki upang matapos ang pananaliksik.

Para kay Bb. Lilia C. Manahan, nagpapasalamat ang mga mananaliksik para sa kanyang mahabang pasensya upang ibahagi sa mga mananaliksik ang kanyang mga kaalaman upang ang mga mananaliksik ay malinang at mapaghusayan ang kanilang mga kaalaman sa paggawa ng isang makabuluhang pananaliksik.

Sa direktora ng Mary and Jesus School, Inc. na si Gng. Teodora S. Perpetua at punong- gurong si Bb. Marilyn Villesis, malaki ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa kanila dahil sa pagbibigay ng pahintulot sa mga mananaliksik upang magpamigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan na siya ring lubos na pinasasalamatan ng mga mananaliksik dahil sa kanilang bukas-palad na pagbabahagi ng mga kaalaman, ideya at pananaw.

Para sa dakilang Panginoong Diyos na nagbigay sa bawat mananaliksik ng talentong angkin na siyang ipinamalas ng mga mananaliksik sa naturang pag-aaral. Naisagawa ang

pananaliksik na ito dahil nagsilbing ilaw ang Panginong Diyos sa bawat mananaliksik na siyang naging dahilan upang maghari ang pagkakaisa sa pagitan ng mga mananaliksik.

(4)

4 TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

DEDIKASYON. . . 2

PAGKILALA. . . 3

TALAAN NG MGA NILALAMAN. . . 4

KABANATA 1: SULIRANIN AT SANDIGAN NITO. . . 5

Panimula. . . 5 Kahalagahan ng Pag-aaral. . . 8 Batayang Teyoretikal. . . 10 Paglalahad ng Suliranin. . . 12 Sakop at Limitasyon. . . 13 Paradigm. . . 15

Katuturan ng mga Talakay. . . 16

KABANATA 2: KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL. . . 18

Mga Kaugnay na Literatura. . . 18

Mga Kaugnay na Pag-aaral. . . 26

KABANATA 3: PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS. . . 35

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik. . . 35

Talatanungan. . . 36

Istatistikal na Tritment ng mga Datos. . . 37

KABANATA 4: PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS. . . 38

KABANATA 5: PAGBUBUOD, PAGWAWAKAS AT MGA TAGUBILIN. . . 62

TALASANGGUNIAN. . . 76

MGA DAHONG DAGDAG. . . 78

(5)

5 KABANATA 1

Suliranin at Sandigan Nito Panimula

Ang wikang Filipino ay maihahalintulad sa isang butong itinanim na sa paglipas ng panahon ay tumubo; inalagaan hanggang sa yumabong, namunga, at pinakikinabangan ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Iyan ang wikang Filipino na mananatiling buhay na bantayog ng pagiging makabansa ng mga Pilipino, isang matatag na puno na patuloy na sumasabay sa malakas na ihip ng hangin subalit nagbabago ng anyo sa paglipas ng panahon. Ang dating wikang Filipino ay nahahaluan na ng mga banyagang salita tulad ng Ingles.

Ang wika ay isang matibay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Hindi maaaring magkaroon ng isang matatag at buong pamayanan kung walang wikang mag-uugnay sa bawat isa. Ang wika ang dahilan kung bakit may pagbubuklod at pagkakaisa. Ito rin ang

pinakamahalagang salik sa pagganap at pagtupad bilang tao sa kanyang lipunang ginagalawan.1 Ang wikang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Noong 1762, ipinakilala ng mga mananakop na Briton ang wikang Ingles sa mga Pilipino. Gayunpaman, ang wikang Ingles ay nabigyang saysay lamang ng mga Pilipino sa pagitan ng mga taong 1898 at 1946, mga taon kung kailan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Mula noon, ang wikang Ingles ang naging opisyal na wika ng Pilipinas. Noong Hulyo 14, 1936, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika ng Pilipinas.2

Sa paglipas ng panahon, ang mga Pilipino ay nagsimulang gumamit ng wikang Filipino at Ingles sa pakikipagkomunikasyon ng halinhinan, at dahil doon ay sumibol ang code-switching.

1

Lakandupil Garcia, ed., et. al., Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino, (Malabon City, Metro Manila: Jimcyzville Publications, 2012), 1.

2

Andrew Gonzales, FSC, “Language Planning Situation in the Philippines”, Journal of Multilingual and Multicultural Development, Vol. 19, No. 5&6, (Oxford, United Kingdom: Routledge, 1998), 487.

(6)

6 Sa bawat araw na lumilipas, lumalaki ang pangangailangan ng mga Pilipino na matuto ng wikang Ingles. Patuloy na lumiliit ang mundo dahil sa dumadaling paglalakbay sa pagitan ng mga bansa at patuloy na dumadaming ibayong kalakal na pumapasok sa Pilipinas, dulot na rin ng makabagong teknolohiya na patuloy ang mabilis na pag-unlad. Dahil dito, nararapat lamang na hasain ang pananalitang banyaga upang makasabay ang mga Pilipino sa malakas na ihip ng modernisasyon. Gayunpaman, sa konteksto ng lumiliit na mundo at ng lumalagong ibayong kalakal, higit na mahalaga pa ring pagyamanin ang kaalaman sa wikang Filipino. Tumitingkad ang pangangailangang maging sanay ang bawat Pilipino sa sariling wika hindi lamang upang makipag-ugnayan gamit ang wikang Filipino ngunit dahil ang wikang Filipino ang sisidlan ng mga pagpapahalaga, kasaysayan, at kulturang Pilipino – mga bagay na kahit kailanman ay hindi mananakaw ninuman. Kung ang isang Pilipino ay makikisalamuha sa ibang lahi at kultura, ang kanyang pagpapakilala sa sarili at sa bayan ay maiaayon sa mga ito.

Sa bagong sitwasyon ng wikang Filipino, ang mga nabibilang sa nakababatang

henerasyon ay hindi lubusang sinasanay ang paggamit ng pang-akademikong Filipino at Ingles. Sa halip, ang mga Pilipino, sa pangkalahatan, ay marunong gumamit ng „street Filipino‟ na siya nilang natututunan sa media at hindi sa pang-akademikong Filipino na natututunan sa paaralan. Hindi lubos na naiintindihan ng mga Pilipino ang pang-akademikong Filipino sapagkat

karamihan sa mga guro ay hindi komportable sa paggamit ng wikang Filipino lamang bilang midyum sa pagtuturo. Dahil na rin sa kakulangan ng mga aklat at babasahing Filipino, ang pag-aaral sa pang-akademikong Filipino ay nagiging kasinghirap ng pag-pag-aaral sa pang-akademikong Ingles.3

3

Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives, (Amsterdam: John Benjamins Publishing Co., 2003), 56.

(7)

7 Hindi maipagkakaila ng mga Pilipino na kahit saanman sila magpunta, hindi nila

maiiwasang gumamit ng code-switching at mahantad sa paggamit ng code-switching. Ang mga Pilipino ay mahilig sa pakikipagkapwa. Ang paggamit ng Filipino ay hindi sapat sa mga interpersonal na pakikisalamuha kaya‟t ihinalili ang paggamit ng Taglish na siyang taliwas sa itinuturong Filipino sa paaralan. Gayunpaman, ang paglaganap ng Taglish ay

iniiwasan ang wikang Filipino na mapalitan ng wikang Ingles bilang gamiting wika sa

pakikipagkomunikasyon sapagkat ang pang-akademikong Filipino at Ingles pa din ang ginagamit sa pagsagot sa mga pagsusulit sa paaralan at paghahanap ng trabaho.4

Mula sa mga impormasyong nabanggit, masasabing laganap na nga ang code-switching o pagapalit-koda at ito ang nagtulak sa mga mananaliksik upang pag-aralan ang code-switching sapagkat karamihan sa mga Pilipino ngayon ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng code-switching kahit ito ay madalas nilang gamitin sa pakikipagkomunikasyon. Isa itong paksa na kailangang saliksikin at ipaalam sa mga Pilipino kung ano ang tungkulin nito sa kanilang mga buhay at sa mundong kanilang ginagalawan.

Binanggit sa isang artikulo sa Manila Bulletin noong taong 2006 na ang paggamit ng Taglish, ang pinakagamiting uri ng code-switching sa Pilipinas, ay nangangahulugang may kakulangan sa kasanayan ang isang indibidwal sa paggamit ng Tagalog at Ingles sa isang

kumpletong diskurso o hindi kaya ay parehong magaling ang isang indibidwal sa dalawang wika ngunit gumagamit ng code-switching upang mahasa ang komunikatibong kahusayan.5

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na mapagtagumpayan ang mga sumusunod na layunin nang sa gayon ay maging kapaki-pakinabang ang naturang pag-aaral:

4

Thompson, loc. cit.

5Ma. Lourdes Bautista, “Why do we code-switch?”,

www.mb.com.ph/articles/218315/why-do-we-codeswitch#.UOEXEGdJZho, Enero 6, 2013.

(8)

8 1. Ipaalam sa mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc. sa Bustos, Bulacan kung ano

ang ibig sabihin ng code-switching at ang mga kaugnay nitong impormasyon upang kanilang mapagtanto kung ano ang tungkulin nito sa kanilang mga buhay at sa wikang Filipino.

2. Mapatunayan ang mga nakaraang pag-aaral patungkol sa code-switching gamit ang mga datos na makakalap sa mga kalahok ng pananaliksik at mapalawak ang kaalaman

patungkol sa code-switching at iba pang mga araling pangwika.

3. Mabigyan nang karampatang interpretasyon ang lahat ng mga datos na malilikom mula sa mga tagatugon nang sa gayon ay maging makatotohanan ang mga kasagutang makukuha sa pananaliksik.

4. Mabigyan nang maayos at malinaw na kasagutan ang mga suliranin sa pag-aaral na ito na siyang magiging makabuluhan sa kaalaman ng nakararami.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na ipabatid sa mga nakararami ang mga katotohanang napapaloob sa pag-aaral ng code-switching. Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging mahalaga, makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga

sumusunod:

Mga Mananaliksik. Ang mga impormasyong makakalap nila ay magsisilbing patnubay sa mga susunod pang mga pag-aaral at magiging malaking tulong ito sa mga mananaliksik upang makapag-ambag ng makabuluhang kaalaman tungkol sa code-switching at iba pang mga araling pangwika. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbi ring sanggunian at mapagkukunan ng mga impormasyon ng mga mananaliksik hinggil sa code-switching. Makapagbibigay din ito ng

(9)

9 motibo sa mga mananaliksik upang mas pag-aralan pa at bigyang pansin ang mga araling

pangwika tulad ng code-switching.

Mga Mag-aaral. Ito ay makapagdadagdag sa kanilang mga kaalaman na siyang

magsisilbing gabay sa kanilang mabisang pakikipagkomunikasyon. Ito rin ay magsisilbi bilang isang pagsasanay sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang pangwika at kakayahang

komunikatibo. Pagdating sa mga usaping pangwika, sila rin ay mas magiging aktibo dahil sa kaalaman na kanilang nakalap mula sa pag-aaral na ito.

Kabataan. Ang mga kabataan ang susunod na magiging mga pinuno ng bayan kaya‟t mahalagang ngayon pa lamang ay mamulat na sila sa mga araling pangwika nang sa ganoon ay malaman nila kung gaano kahalaga ang wika sa araw-araw nilang pamumuhay.

Mga Magulang. Bilang mga magulang, tungkulin nila na magsilbing gabay sa kanilang mga anak sa pagpapaliwanag ng mga makabuluhang bagay na siyang magbibigay kaalaman sa kanilang mga anak. Maaari nilang ituro sa kanilang mga anak kung ano ang daan tungo sa

mabisang pakikipagkomunikasyon nang sa ganoon ay lumaking may tiwala sa sarili ang kanilang mga anak pagdating sa pakikipagkomunikasyon.

Publiko. Mula sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, mailalahad sa publiko ang mga usaping pangwika na siyang magbibigay ng kaalaman sa kanila na maaari nilang gamitin sa araw-araw na pamumuhay at pakikisalamuha sa mga tao.

Mga Susunod na Henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at

makapagbibigay ng impormasyon sa mga susunod na henerasyon upang mabatid nila kung ano ang pinagmulan ng mga aralin at usaping pangwika at upang malaman nila ang mga hakbangin at paraan na kanilang gagawin upang mas lalo pang mapag-aralan ang mga pag-aaral na tulad ng pananaliksik na ito.

(10)

10 Mga Guro at Propesor. Sa mga guro at propesor, lalo na sa mga nagtuturo ng

asignaturang Filipino, isang malaking tulong ang pag-aaral na ito upang mapayabong ang kanilang kaalaman sa pakikipagkomunikasyon na umiiral sa kasalukuyan. Maaari nila itong gamiting sanggunian sa pagbabahagi ng kanilang ng mga kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa mga araling pangwika na siyang magsisilbing patnubay sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Administrasyon ng mga Paaralan. Dahil malaki ang sakop at impluwensya nila sa paaralan, maaari silang maglunsad ng mga programa na siyang tutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino at pagpapayaman ng bokabularyo ng mga mag-aaral at mga guro na

magsisilbing tulong sa pagkakaroon ng mabisang pakikipagkomunikasyon – pasalita man o pasulat.

Batayang Teyoretikal

Isang teorya ang ginamit ng mga mananaliksik bilang batayan sa pag-aaral na ito upang maging mas mainam ang isasagawang payak na pananaliksik. Malaki ang bahaging gagampanan ng teoryang ito lalo na sa pag-aanalisa at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos na

makakalap ng mga mananaliksik.

Ang batayang teyoretikal ng kasalukyang pag-aaral ay ibinatay sa Communication Accommodation Theory na nilinang ni Howard Giles, isang propesor ng sikolohiya at

linggwistika sa University of California, Santa Barbara sa Estados Unidos. Si Giles ay isa sa mga eksperto na naglalayong ipaliwanag ang mga nagbibigay-malay, mga dahilan sa paggamit ng code-switching, at iba pang mga pagbabago sa istilo ng pananalita.6

Ipinapaliwanag sa teoryang ito na nagkakaroon ng inklinasyon na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap ang isang indibidwal para bigyang halaga ang pakikiisa, pakikilahok,

6

Howard Giles, “Curriculum Vitae”, www.comm.ucsb.edu/sites/www.comm.ucsb.edu/files/ sitefiles/people/faculty/gilesh/cv-giles.pdf, Enero 3, 2013.

(11)

11 pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya‟y pagmamalaki ng pagiging kabilang sa grupo. Inaalam nito ang iba‟t ibang mga kadahilanan kung bakit ang isang indibidwal ay pinalalaki o pinaliliit ang kaibahang sosyal sa pagitan niya at ng kanyang mga interlokyutor o kausap sa pamamagitan ng sistemang berbal at di-berbal na pakikipagkomunikasyon.7

Mula sa isang artikulo na isinulat ni Rico, tinatalakay din sa Communication

Accommodation Theory ang mga terminong interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay tumatalakay sa impluwensiya ng nakagisnang wika o mother tongue sa pangalawang wika. Dito nabubuo ang Taglish at iba pang uri ng code-switching dahil sa hindi maiiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng proseso ng kanyang pagkatuto sa pangalawang wika.

Halimbawa nito ang mga salitang madalas na ginagamit ng mga Pilipino, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang balarila sa pamamagitan ng pagdadagdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.8

Gamit ang Communication Accommodation Theory bilang batayan sa naturang

pananaliksik, napagtanto ng mga mananaliksik na ang teoryang ito ay hindi nalalayo sa konsepto ng pagpapalit-koda sa pakikipagkomunikasyon, berbal man o di-berbal. Karamihan sa mga kalahok sa pananaliksik ay nakatira sa Bulacan kaya‟t napakalaki ng posibilidad na wikang Tagalog ang kanilang nakagisnang wika at kung gumagamit man sila ng code-switching ay dahil ito sa epekto ng maraming mga bagay sa lugar kung saan sila nakatira. Isa pang kadahilanan na pinaniniwalaan ng mga mananaliksik ay hindi naman lahat ng mga taong nakakasalamuha ng mga kalahok sa pag-aaral ay kapareho nila ng wika at kultura kaya‟t malaki rin ang posibilidad

7

William Gudykunst, ed., Theorizing About Intercultural Communication, (Thousand Oaks, California, USA: Sage Publications, Inc., 2005), 121.

8

(12)

12 na akuin nila ang wika ng mga ibang taong nakakasalamuha nila o ang wika nila ang akuin ng mga taong kanilang nakakasalamuha sa araw-araw na pamumuhay. Sa mga susunod na kabanata, ilalahad ng mga mananaliksik kung ano ang epekto ng code-switching sa mga piling mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc. at kung bakit nila piniling gumamit ng code-switching kaysa sa isang purong partikular na wika sa pakikipagtalastasan.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pag-aanalisa ng teoryang ito, mas maiintindihan pa nila at mas magagabayan sila sa pag-aaral ng code-switching sapagkat ang teoryang ito ay maaari ring pagbatayan sa pag-aaral ng iba pang araling pangwika partikular na ang second language acquisition o pag-aaral ng ikalawang wika kung saan nabibilang ang code-switching. Paglalahad ng Suliranin

Sa panahon ngayon, dapat mabatid ng mga tao ang pagpuna sa mga isyu at mga

pangyayaring umiiral sa lugar na kanilang ginagalawan. Maraming mga bagay na pinagmumulan ng maraming katanungan na siyang nagdudulot sa mga tao upang manaliksik at matamasa ang kasagutang kanilang ninanais. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng isang masusing pag-aaral at pag-aanalisa sa mga bagay na hinahanapan ng isang tiyak na kasagutan. Sa pananaliksik na ito, nais bigyang kasagutan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anong uri ng code-switching ang pinakagamitin sa pakikipagkomunikasyon ng mga piling mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc.?

2. Anong anyo ng code-switching ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga kalahok sa pag-aaral?

3. Anu-anong mga impormasyon ang mayroon ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang paggamit ng code-switching sa mga sumusunod:

(13)

13 b. Kailan sinimulang gamitin ang pagko-code-switching?

c. Saan kadalasang ginagamit ang pagko-code-switching?

d. Sino ang nakaimpluwensya upang gamitin ang code-switching sa pakikipagkomunikasyon?

e. Ano ang nararamdaman kapag ginagamit ang code-switching o pagpapalit-koda? 4. Anu-ano ang iba‟t ibang mga kadahilanan ng mga mag-aaral kung bakit pinili nilang

gamitin ang code-switching?

5. Anu-ano ang mga mabuting epekto ng paggamit ng code-switching sa mga sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral?

b. Sa kanilang pag-aaral at akademikong pagganap? c. Sa wikang Filipino?

6. Anu-ano ang mga hindi mabuting epekto ng paggamit ng code-switching sa mga sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral?

b. Sa kanilang pag-aaral at akademikong pagganap? c. Sa wikang Filipino?

7. Anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc. patungkol sa maaaring paggamit ng code-switching ng mga susunod na henerasyon? Sakop at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Paggamit ng Code-switching sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc., Bustos, Bulacan” ay naglalayong sumaklaw sa isang daan at apatnapu‟t walong (148) piling mga

(14)

mag-14 aaral ng hayskul mula sa ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na antas sa Mary and Jesus School, Inc. taong panuruan 2012-2013. Mula sa isang daan at apatnapu‟t walong (148) mga mag-aaral, isang daan (100) lamang sa mga mag-aaral ang nagkaroon ng pagkakataon upang maibahagi ang kanilang mga kasagutan sa pangangalap ng impormasyon ng mga mananaliksik sapagkat ang iba ay lumiban sa klase sa kadahilanang sila ay abala sa paghahanda para sa isang pagdiriwang na may kinalaman sa Minasa Festival. Hindi sinasaklaw sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc. na hindi nabibilang sa mga unang klase ng bawat taon sa hayskul.

Maraming baryasyon ng wika na nakapagpapabago sa paraan ng pakikipagkomunikasyon ngunit binigyang hangganan lamang ang pananaliksik na ito sa code-switching at hindi isinama ang kakambal nitong code-mixing o halong-koda sapagkat ibang pag-aaral ang dapat isagawa dito na siya ring maaaring maging dahilan ng pagkalito ng mga kalahok sa aaral sa pag-intindi ng code-switching. Ang mabubuong konklusyon ng mga mananaliksik ay magmumula lamang sa mga kasagutang kanilang malilikom mula sa mga talatanungang ipinamigay sa

nabanggit na paaralan sa tulong na rin ng mga babasahin na siyang ginamit ng mga mananaliksik upang mas mapag-ibayo ang kaalaman sa code-switching at makapagbigay ng mga

(15)

15 Paradigm

Paggamit ng Code-switching sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc., Bustos, Bulacan

Mother Tongue Wikang Banyaga

Code-switching

Iba‟t ibang anyo ng code-switching

Mga nakaimpluwensya sa paggamit ng

code-switching

Lugar kung saan ginagamit ang

code-switching Iba‟t ibang paraan

sa paggamit ng code-switching

Yugto ng buhay kung kailan sinimulang

mag-code-switching

Epekto sa Sarili Epekto sa Akademikong Pagganap Epekto sa Wikang Filipino Mabuting Epekto Masamang Epekto Mabuting Epekto Masamang Epekto Mabuting Epekto Masamang Epekto Mabisang komunikasyon Kalituhan sa mga wika Naiintindihan ang mga aralin

Mabababang mga marka

Natutumbasan ang dayuhang wika

Walang kasanayan ang mga kabataan

Mataas na tiwala sa sarili

Nababawasan ang kasanayan

Naipapahayag agad ang sagot

Hirap sa paggawa ng mga sulatin Nakasasabay sa modernisasyon Nababago ang taal na wika Natututo ng ibang mga wika

Walang pagpa- pahalaga sa wika Malikhain sa pagsasalita Kulang ang kasanayan sa wika Naipapaliwanag ang mga malalalim

na salita

Hindi nagagamit ang ibang mga

salita Mga iba‟t ibang nararamdaman

sa paggamit ng code-switching Mga kaalaman, ideya at pananaw patungkol sa paggamit ng code-switching

ng mga susunod pang mga henerasyon Iba‟t ibang uri ng

(16)

16 Katuturan ng mga Talakay

Upang lubusang maintindihan ng mga mambabasa at mabigyang linaw sa mga tatalakayin ng pananaliksik na ito, binigyang katuturan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mga terminolohiya na siyang tatalakayin sa pag-aaral na ito:

Bilinggwal. Ito ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita at nakagagamit ng dalawang wika sa isang pagkakataon.9

Code-switching. Ito ang pagpapalit sa pagitan ng dalawa o higit pang wika, o barayti ng wika sa konteksto ng isang pag-uusap. Maaari itong gamitin ng tuluy-tuloy o minsanan sa pangungusap at pagsasalitaan.10

Englog (o Engalog). Isang uri ng impormal na sosyolek na ginagamit sa Pilipinas. Ito ang kombinasyon ng wikang Ingles at Tagalog sa pakikipagkomunikasyon; ang kabaligtaran ng Taglish.11

Inter-sentential switching. Isang anyo ng code-switching na nasa labas ng pangungusap o antas ng sugnay ang nagaganap na halinhinan ng mga wika o diyalekto. Ito rin ay tinatawag na extrasentential switching.12

Intra-sentential switching. Isang anyo ng code-switching na nagaganap sa loob ng isang pangungusap o sugnay.13

9

Garcia, et.al., op.cit, 2012, 11.

10

David Crystal, “Code-switching”, A Dictionary of Language, 2nd ed., Chicago, USA: The University of Chicago Press, 2001.

11

Neville Hobson, “The Globalization of English”, www.webpronews.com/the-globalization-of-english-2005-03, Enero 6, 2013.

12

Carol Myers-Scotton, “Code-switching with English: types of switching, types of communities”, World Englishes,Volume 8, Issue 3, (Oxford, United Kingdom: Blackwell Publishing, 1989), 333.

13

(17)

17 Pakikipagkomunikasyon. Mula sa salitang komunikasyon, ang pakikipagkomunikasyon ay ang pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.14

Wika. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ito ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas na ginagamit ng isang komunidad upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.15

Taglish. Ito ay isang uri ng wika na nagmula sa Maynila mula sa paghahalo ng mga wikang Tagalog at Ingles sa pakikipagkomunikasyon.16

Tag-switching. Isang anyo ng code-switching na gumagamit ng mga tag phrase,

padamdam at salita o parehong tag phrase, padamdam at salita, mula sa A patungong wika-B.17

14

“Communication”, Merriam-Websters Collegiate Dictionary, 11th ed., USA: Merriam-Webster, Incorporated, 2003.

15

Leo James English, “Wika”, Tagalog-English Dictionary, 1990.

16

Virgilio Almario, “Wikang Taglish, Kamulatang Taglish”, www.sawikaan.net/wikang_taglish.html, Enero 6, 2013.

17

(18)

18 KABANATA 2

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang mga literatura at pag-aaral na kaugnay sa code-switching na siyang magdadagdag sa kaalaman ng mga mambabasa ukol sa paksa ng naturang pag-aaral. Makikita din sa kabanatang ito ang kaugnayan ng bawat literatura at pag-aaral sa pananaliksik. Ang mga impormasyong matatagpuan sa kabanatang ito ay ang mga impormasyon na nagsilbing patnubay sa mga mananaliksik upang mapagtagumpayan ang

pagususuri ng mga datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik. Mga Kaugnay na Literatura

Ang pagiging bilinggwal, ayon kay Tiamson-Rubin ay madaling magbigay-daan sa code-switching o pagpapalit-palit ng dalawang wika sa pag-uusap o talakayan. Tinatanggap na natural ang pagpapalit-palit ng isang bilinggwal na Pilipino ang paggamit ng Ingles at Filipino, kahit na anong lebel ng kagalingan sa dalawang wika ang narating niya. Kadalasang nagkakaroon ng code-switching kapag higit na komportable ang nagsasalita sa paggamit ng isang wika kaysa ibang wika batay sa paksang kanyang tinatalakay. May mga larangan sa buhay at karunungan na higit na magandang ipahayag sa Filipino kaysa wikang Ingles.18

Mahusay ang paggamit ng code-switching kung napapanatili ang paggamit ng isang wika, halimbawa, Ingles, sa tamang tagal at hindi pabigla ang paglipat tungo sa paggamit ng Filipino. Mahalagang natural ang daloy ng paglilipat-lipat sa paggamit ng dalawang wika.19

Ang code-switching ay nagbibigay-daan sa malayang panghihiram ng mga salita sa wikang Ingles. Hindi pa matitiyak ang magiging epekto nito. Hindi pa masasabi kung gaano

18

Ligaya Tiamson-Rubin, et. al., Retorika, Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik, (Sampaloc, Manila: Rex Bookstore, 2006), 8.

19

(19)

19 karami sa talasalitaan ng wikang Ingles ang magiging bahagi ng wikang Filipino maliban lamang marahil sa mga salitang pangsiyensiya at pangteknikal.20

Gaya ng sabi ni Tiamson-Rubin, hindi pa tiyak ang magiging epekto ng code-switching sa pakikipagkomunikasyon sapagkat maraming terminolohiya sa Ingles ang nagiging bahagi pa ng makabagong wikang Filipino sanhi ng pangangailangang dulot na rin ng makabagong panahon. Ibig sabihin, malaki ang maiaambag ng pananaliksik na ito sa mga Pilipino lalo na ngayong mas nahahantad na ang mga Pilipino sa media kung saan laganap ang code-switching dahil maaari itong maging basehan ng mga susunod pang mga pag-aaral.

Ayon kay Mische, ang pinagsamang Tagalog at Ingles, na mas kilala bilang Taglish ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa maraming sitwasyon. Kadalasang mapapansin ito sa media – telebisyon, pag-aanunsiyo at ibang pang mga kondisyon – malayo sa mga napakapormal na pangyayari kung saan purong Tagalog at Ingles lamang ang ginagamit. Ang pinaghalong anyo ng Tagalog at Ingles ay orihinal na tinawag bilang „mix-mix‟ o „halo-halo‟, naging Engalog o Englog at pagkatapos ay Taglish. Sa totoo lang, ang madalas na paggamit ng code-switching ay isang balakid upang mabatid kung ano talaga ang taal na Tagalog at kung ano ang hiniram lamang o nagmula sa wikang Ingles.21

Sa kasalukuyan, ang Taglish ay ang „street English‟ para sa mga Pilipino o ang paraan ng mga taong may pinag-aralan upang pag-iba-ibahin ang kanilang istilo ng pananalita.

Gayunpaman, ang paglaganap ng Taglish ay hinahadlangan ang wikang Filipino upang halilihan ang Ingles bilang wikang pinakagamitin sapagkat ang parehong wika ay dapat alamin at mapag-aralan sa pamapag-aralan. Ngunit ang pagtuturo ng wikang Filipino ay nasa proseso pa lamang ng pagbuo at paglinang ng isang ganap na pang-akademikong pamamaraan. Patuloy ang pagtatalo

20

Tiamson-Rubin, et. al., op. cit., 2006, 9.

21

(20)

20 sa paggamit ng wikang Filipino kaysa Ingles sa mga gawaing pampaaralan at iba pang mga gawain. Pero kahit na nangingibaw ang Ingles sa print media, lamang naman ang wikang Filipino sa telebisyon, radyo at lokal na mga pelikula. Ang code-switching ay isa lamang maliit na bahagi sa iba‟t ibang mga katangiang tampok sa barayti ng Ingles na ginagamit sa Pilipinas.22

Kahit na malaki na ang bahagdang kinuha ng wikang Ingles sa wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino, kailangan pa ring manatili ang wikang Tagalog sapagkat mayroon pa ring mga salitang Tagalog na walang katumbas sa ibang wika dahil na rin ang wika ay nakabatay sa kultura ng mga mananalita nito. Malaki ang pangangailangan ng mga mag-aaral na pag-aralan ang parehong wika sapagkat sa panahon ngayon, mahirap nang

humanap ng trabaho kapag ikaw ay hindi marunong magsalita ng Ingles. Naniniwala ang mga mananaliksik na dapat gabayan ng mga guro ang mga mag-aaral upang kanilang maintindihan na ang paggamit ng code-switching ay isang opsyon upang mabatid ang mga salitang walang salin sa Filipino at upang mas mapabuti ang kanilang komunikatibong kakayahan.

Sinabi din ni Mische na ang Taglish ay dating Engalog ngunit hindi sumasang-ayon ang mga mananaliksik dito sapagkat magkaiba ang kahulugan ng Taglish at Engalog. Ang Taglish ay Tagalog-Ingles at ang Engalog ay Ingles-Tagalog kaya‟t malaki ang kaibahan nito sa pahayag ni Mische kumpara sa ibang mga pahayag at sulatin.

Mula sa isa sa mga pinakamaagang tala patungkol sa code-switching, ipinakilala ni Gumperz noong 1982 ang terminolohiyang „conversational code-switching‟ o pang-usap na pagpapalit-koda at binigyang diin ang malikhaing paggamit ng code-switching. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapanukala na ang code-switching ay isang komunikatibong kaparaanan na

22

(21)

21 maaaring gamitin ng isang bilinggwal na halos parehong paraan na ang pagbabago ng prosodi, leksiko, o sintaktikong pamamaraan ay isang opsyon para sa isang monolinggwal.23

Ayon kay Gumperz, ang pang-usap na code-switching ay maaaring tukuyin bilang pagpapalit, pagsasama o pagtatabi ng mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap na nabibilang sa dalawang magkaibang sistema ng balarila. Ang pinakamadalas na paggamit ng paghahalinhinan ay nasa anyo ng dalawang magkasunod na pangungusap; kapag ang nagsasalita ay gumagamit ng pangalawang wika upang ulitin ang kanyang sinabi o para tumugon sa pahayag ng kanyang kausap.24

Batay sa perspektibong ito, iminungkahi ni Gumperz na ang code-switching ay isang elemento ayon sa napagkasunduang katayuan sa lipunan ng mga magkasingkahulugang pagpapahiwatig ng mga saloobin (contextualization cues) at mga paraan na ginagamit ng mga ispiker upang makipag-usap sa interlokyutor sa isang patuloy na pakikipag-ugnayan sa

panlipunan at pangsitwasyong konteksto ng pakikipag-usap.25

Upang masuri ang code-switching bilang isang komunikatibong kaparaanan, pinasimulan ni Gumperz ang pang-usap na kahulugan ng code-switching gamit ang sequential analysis kung saan ang pagpili ng wika sa isang pahayag ay naiiba mula sa pagpili ng wika sa naunang

pahayag. Bilang resulta sa pagsusuri ng code-switching, orihinal na ikinategorya ni Gumperz ang functional framework ng switching. Itinala ni Gumperz ang anim na tungkulin ng code-switching: pagsipi ng isang kasabihan o pahayag, pagtukoy sa kausap gamit ang ibang wika, paggamit ng padamdam, pag-ulit ng pahayag sa ibang wika, pagpapahusay ng pahayag, pagsasatao ng mga bagay (personification) at pagsasabagay ng mga tao (objectification).

23

John J. Gumperz, Discourse Strategies, (Cambridge, United Kingdom: Cambridge University Press, 1982), 4.

24

Ibid.

25

(22)

22 Iminungkahi ni Gumperz na ang mga tungkulin ng code-switching ay mayroong mahalagang tungkulin sa diskurso ng mga bilinggwal dahil patuloy itong gumagawa ng mga pagpipilian kung anong wika ang gagamitin sa pakikipag-interaksyon.26

Isa si Gumperz sa mga nagpasimula at nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng code-switching. Sa palagay ng mga mananaliksik, ang mga iminungkahing mga kadahilanan at kaparaanan ng code-switching ni Gumperz ay para lamang sa berbal na pakikipagkomunikasyon o pagsasalita sapagkat noon ay mas mahigpit ang pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa mga talakayan sa paaralan. Sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga pahayag upang kanilang mabatid ang kaibahan nito sa mga susunod na literatura. Ang pahayag ni Gumperz na ang kadalasang paggamit ng code-switching ay ang pag-ulit ng pahayag gamit ang ibang wika ay tumutukoy sa inter-sentential code-switching na isa sa mga anyo ng code-switching. Ibig sabihin, sa pag-ulit ng ispiker ng kanyang sinabi sa ibang wika ay mas naiintindihan siya ng kanyang interlokyutor.

Bilang karagdagan sa pag-aaral ni Gumperz sa mga istratehiya sa diskurso ng mga bilinggwal, maraming pang mga pag-aaral ang nagsiwalat na ang mga bilinggwal na ispiker ay ginagamit ang code-switching bilang isang mahalagang panglinggwistikang istratehiya upang makamit ang ilang pangkomunikatibong layunin. Inilalarawan sa mga pag-aaral na ito na ang paggamit ng code-switching ay malayo sa kakulangan ng kasanayan sa wika ng mga ispiker.

Ang pagsusuri ni Gumperz sa code-switching bilang isang komunikatibong kaparaanan ay nilinang ni Myers-Scotton gamit ang kanyang Markedness Theory of Language Choices. Una sa lahat, ipinaliwanag ni Myers-Scotton ang mga panlipunang kaganapan ng mga ispiker at ang mga katangian ng relasyon sa pagitan nila patungkol sa pag-iral ng code-switching. Iminungkahi ni Myers-Scotton na ang pagganyak sa code-switching ay upang makipag-ayos sa panlipunang

26

John J. Gumperz, Discourse Strategies, (Cambridge, United Kingdom: Cambridge University Press, 1982), 75.

(23)

23 sitwasyon ng ispiker. Samakatuwid, ang code-switching ay dapat na mabilang bilang isang socio-functional phenomenon sa pagitan ng mga bilinggwal na ispiker.27

Batay sa mga socio-psychological na pagganyak sa code-switching, ipinakilala niya ang Markedness Model. Ang pangunahing panteoryang pagpapalagay ni Myers-Scotton ay binuo mula sa „markedness metric‟, isang sukatan at model kung saan ay nabibigyang-daan ang mga ispiker upang makilala ang lahat ng mga wikang pagpipilian bilang „unmarked‟ (ordinaryo) o „marked‟ (hindi pangkaraniwan) sa sanggunian ng mga kinaugaliang wika sa kanilang

komunidad.28

Upang malinang ang Markedness Model ni Myers-Scotton, ipinakilala niya ang konsepto ng Rights-and-Obligations Sets o RO Sets na binubuo ng mga nakaugaliang pangyayari sa isang komunidad. Ang RO Sets ay binubuo ng mga pag-uugali at inaasahan ng mga ispiker sa bawat isa at base sa balangkas na ito ay nakalilikha ang mga ispiker ng „unmarked‟ o „marked‟ na mga wikang pagpipilian. Bilang halimbawa, ang RO Sets para sa karaniwang silid-aralan ay ang pagsasalita ng Ingles ayon sa mga tuntunin ng wikang pinili. Kadalasan, ang pagpili ng

„unmarked‟ na wika ay kinikilala bilang karaniwan o inaasahan dahil ang mga ispiker ay binuo ang pangunahin o kinaugaliang midyum sa isang pakikipag-ugnayan, ang barayti ng wikang kanilang ginagamit. Samantalang ang pagpili naman ng „marked‟ ay bihira at hindi inaasahan dahil ito ay ipinakahulugan bilang taliwas na kinaugaliang barayti ng wika sa isang pakikipag-ugnayan. Dahil dito, ipinakilala ni Myers-Scotton ang code-switching bilang gawi o asal sa pakikipagkomunikasyon, tungkulin upang magkaunawaan ang mga nag-uusap, pagkakaunawa nila sa kanilang mga sarili at ang relasyon nila sa iba. Samakatuwid, ang mga bilinggwal o multilinggwal ay may kakahayahang makagawa ng bagong RO Sets alinsunod sa mga layunin

27

Carol Myers-Scotton, Social Motivations for Codeswitching: Evidence from Africa, (New York, USA: Oxford University Press, 1993), 77.

28

(24)

24 ng pag-uusap sa pamamagitan ng paggamit ng code-switching. Bilang konklusyon, iminungkahi ni Myers-Scotton na ang code-switching ay maaaring ituring na „unmarked‟ sa naaangkop na wika ng komunidad. 29

Dahil na rin sa mga iba‟t ibang taong nakakasalamuha ng isang indibidwal sa kanyang pamumuhay, kailangan niyang makibagay sa ito o siya ang pakikibagayan sa wikang kanyang ginagamit upang magkaroon sila ng isang maayos na pagkakaintindihan sa kanilang pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Dahil dito, naging opsyon ang paggamit ng code-switching na siyang katulad ng pahayag ni Gumperz. Ibig sabihin, may kalayaan ang isang indibidwal kung ano ang wikang kanyang gustong gamitin sa kaparaanan na kanyang nais.

Isa pang mahalagang pag-aaral ang nagbigay-liwanag sa pananaliksik sa code-switching, ang pag-aaral ni Auer kung saan ay kanyang binatikos ang paradigm ni Gumperz. Tinutulan niya ang mga iminungkahing tungkulin ng code-switching ni Gumperz sapagkat kulang ang kanyang pagpapaliwanag dahil ang panglinggwistikang kayarian at pragmatiko o pang-usap na tungkulin ay hindi binanggit. Binigyang-diin din ni Auer na ang mga ispiker ay hindi gumagawa ng pananalita base sa isang sitwasyon na siyang binanggit ni Gumperz. Sa halip, gumagawa ng sitwasyon ang ispiker mula sa kanyang pakikipag-interaksyon.30

Upang malutas ang suliraning ito, pinagtibay ni Auer ang sequential na balangkas ng Conversational Analysis. Simula noong nalaman ni Auer na ang mga ispiker ay hindi

namamalayang nagpupunyagi upang mapanatili ang wika sa naunang pahayag, nagpasya si Auer na ang code-switching ay may partikular na tungkulin na markahan ang pag-iiba sa pagpili ng wikang gagamitin. Ang code-switching ay lumilikha ng isang kapansin-pansing

29

Myers-Scotton, op. cit., 1993, 111.

30

Peter Auer, Bilingual Conversation, (Amsterdam, Netherlands: John Benjamins Publishing Company, 1984), 4.

(25)

25 magkasingkahulugang hudyat o pagpapahiwatig (contextualization cues) sa pamamagitan ng paghahalinhinan ng mga wika sa mga bilinggwal.31

Higit pa dito, inilahad ni Auer kung bakit ang Conversation Analysis o CA ay kapaki-pakinabang sa pagsusuri ng pang-usap na code-switching. Una sa lahat, ang code-switching ay nagbibigay-daan para sa pagsisiyasat ng koneksyon sa pagpili ng wika sa pagsasalitaan. Iyon ang katotohanan na anumang wika ang piliin ng isang indibidwal sa kanyang pananalita, ang piniling wika ay nagbibigay-impluwensya sa susunod na wikang pipiliin ng ispiker o ng kanyang

kausap.32 Pangalawa, nililimitahan nito ang mga pagpapakahulugan dahil naiuugnay nito ang kanyang interpretasyon pabalik sa pagpapakahulugan ng kausap mula sa pag-uugaling kanyang ipinamamalas.33

Gamit ang Conversational Analysis, nabuo ni Auer ang dalawang kategorya para sa pagsusuri ng code-switching, ang participant-related language alternation at discourse-related language alternation. Ayon kay Auer, ang mga bilinggwal na ispiker ay nagsasagawa ng participant-related language alternation upang matumbasan ang kagalingan ng interlokyutor sa isang wika o upang magbigay-daan sa wikang ibig gamitin ng isang indibidwal o ispiker. Sa kabilang dako, ginagamit ng mga bilinggwal ang discourse-related language alternation upang makapag-ambag sa kaanyuan ng mga pangungusap sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagbuo ng kaibahan sa wikang nais gamitin.34

Dahil na rin si Gumperz ang nagpasimula ng code-switching, maraming mga kritiko ang bumatikos sa kanyang mga iminungkahi dahil sa palagay ng mga kritiko na tulad ni Auer, kulang

31

Auer, op. cit., 1984, 5.

32

Auer, loc. cit.

33

Auer, op. cit., 1984, 6.

34

(26)

26 pa ang mga datos na ito at mayroon pang mga bagay na wala pang katiyakan. Kahit na matuto pa ng ibang wika ang isang monolinggwal at siya ay maging bilinggwal na ispiker,

babalik pa din siya sa wikang kanyang kinagisnan. Mula sa mga kaisipang nilinang ng mga eksperto ay mas napadali ang pag-iintindi sa code-switching ngunit marami pa rin ang mga nagtatalo dahil na rin sa iba‟t ibang mga paniniwala at pananaw nila. Hanggang sa ngayon, maaari pa ring mabago ang mga mungkahi at pahayag na napapaloob sa code-switching dahil na rin sa hindi mapipigilang pagbabago sa iba‟t ibang wika.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-aaral nila Apuli, Mabini at Almasco noong taong 2011 ay kaugnay sa pag-aaral ng kasalukuyang pananaliksik. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang malaman ang mga salitang madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pagko-code-switching sa Bicol University Integrated Laboratory High School (BUILHS). Inalam nila kung anu-ano ang mga kabutihang naidudulot sa paggamit ng mga mag-aaral ng code-switching, mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga pangungusap, at kung ano ang mga mungkahing maibibigay ng mga mag-aaral upang ang suliranin ng code-switching sa BUILHS ay mabigyan ng solusyon.

Isinagawa ang kanilang pananaliksik sa pamamagitan ng paggawa ng mga tseklist na kanilang pinasagutan sa mga kalahok ng kanilang pag-aaral. Nagpagawa din sila ng isang sanaysay sa isang daang mag-aaral na may tema na “Ang Wika ng Kabataan sa Makabagong Panahon”. Bukod dito, nagsagawa sila ng isang panayam o interbyu sa mga gurong nagtuturo sa BUILHS. Naging mga tagatugon nila ang bawat unang klase sa bawat taon ng hayskul.

Ayon sa kanila, ang panonood ng telebisyon ang isa sa mga kadahilanan kung bakit nagiging gamitin ang code-switching sa iba‟t ibang dako ng Pilipinas. Ang code-switching din ayon sa kanilang pananaliksik ay madalas gamitin ng mga opisyal ng gobyerno kaya‟t pati sa

(27)

27 kabataan ngayon ay gamitin ang code-switching.35

Maiuugnay ang kasalukuyang pag-aaral sa nabanggit na pananaliksik ngunit ang mga kalahok ng pag-aaral ay mga mag-aaral na nakatira sa rehiyon ng Bikol. Dahil dito, kahit na gumagamit pa rin ng Taglish ang mga mag-aaral sa rehiyon ng Bikol, mas maraming halinhinan ng wika at diyalekto ang nagaganap doon sa kadahilanang kahit marami ang gumagamit ng wikang Bikol, laganap ang paggamit ng Tagalog saanman sa Pilipinas kaya‟t dumadami ang uri ng code-switching na kanilang ginagamit kumpara sa mga taong nakatira sa Katagalugan.

Itinuring nila Apuli, Mabini at Almasco ang code-switchig bilang isang suliranin na dapat masolusyonan pero ang code-switching ay mayroon namang kabutihang naidudulot sa kabila ng mga negatibong epekto nito sa bawat Pilipino at lalo na sa wikang Filipino.

Sila Lim at Arnaldo, mga mag-aaral mula sa San Beda College, ay gumawa ng isang masusing pag-aaral sa kung ano ang mga kadahilanan sa paggamit ng code-switching. Kagaya ng pag-aaral nila Apuli, Mabini at Almasco, layong malaman nina Lim at Arnaldo kung anong uri ng code-switching ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa San Beda College, partikular na ang mga nasa ikalawang taon ng BSBA Human Resource Development Management. Bukod dito, ginamit nilang batayan ang edad, kasarian at katayuan sa lipunan ng mga tagatugon. Ang mga talatanungang kanilang ipinamigay sa mga mag-aaral ang siya lamang naging batayan ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Bilang konklusyon sa kanilang pananaliksik, lumalabas na hindi nakaaapekto ang edad, kasarian at katayuan sa lipunan sa paggamit ng code-switching. Naniniwala silang isa sa mga pangunahing kadahilanan sa paggamit ng code-switching ang pagkakaroon ng mahinang

35

Jean Apuli, Daisy Mabini at Aila Almasco, “Umiiral na Code-Switching na Ginagamit ng mga Mag-aaral sa BUILHS”, tl.scribd.com/doc/62746911/Thesis-2, Enero 6, 2013.

(28)

28 bokabularyo sa wikang Filipino at Ingles na siyang nagtutulak sa mga mag-aaral na gamitin nang sabay ang wikang Filipino at Ingles sa isang diskurso.36

Sa pag-aanalisa ng pag-aaral na ito nina Lim at Arnaldo, pinili ng mga mananaliksik na huwag nang gawing batayan ang edad, kasarian at estado sa lipunan sapagkat napatunayan sa nasabing pananaliksik na hindi ito nakaaapekto sa paggamit ng code-switching ng mga

bilinggwal. Napag-alaman ng mga mananaliksik na sa pag-aaral ng idyolek nabibilang ang mga batayang ito kaya‟t minabuti na ng mga mananaliksik na gawing payak ang pag-aaral at gawing batayan lamang ang antas ng mga kalahok sa pananaliksik.

Tumugma ang naging resulta sa kadahilanan kung bakit pinipiling ng isang indibidwal na gumamit ng code-switching sa artikulo na isinulat ni Bautista na nabanggit sa unang bahagi ng pananaliksik. Totoo na dahil sa mahinang bokabularyo, pinipiling gamitin ng isang bilinggwal ang kanyang pangalawang wikang natutunan upang mapunan lahat ng mga salitang hindi niya alam o walang salin sa wikang kanyang nakagisnan.

Sa isang pananaliksik ng mga mag-aaral sa Nueva Vizcaya State University na kinabibilangan nila Lopez, Magday, Danao at Blanza noong Oktubre ng taong 2011,

pinaniniwalaan nila na ang mga mag-aaral, saan man magpunta ay hindi malalayo sa Ingles. Kahit na ang Ingles ay halos naiuugnay sa edukasyon, marami pa rin ang gumagamit ng wikang Ingles sa labas ng paaralan na siyang nagiging dahilan kung bakit malaki ang papel ng wikang Ingles sa mga mag-aaral.

Layunin ng pag-aaral na ito ang alamin kung ano ang nagiging epekto ng code-switching at bilinggwalismo sa mga mag-aaral. Nais nilang malaman kung ano pananaw ng mga mag-aaral sa wikang Ingles at Filipino bilang gabay sa kanilang pagkatuto. Mga mag-aaral na nasa ikaapat

36

Kimbee Lim at Mimi Arnaldo, “The Factors Leading to Code- Switching Habit of Second Year HR Students in San Beda College, S.Y. 2010- 2011” www.scribd.com/doc/74495972/ENG04-Thesis, Enero 6, 2013.

(29)

29 na taon ng hayskul ang naging mga tagatugon ng mga mananaliksik – tig-iisang daan at

apatnapung (140) mag-aaral mula sa isang publiko at pribadong paaralan sa lungsod ng Ormoc. Binigyan ang mga tagatugon ng isang talatanungan upang kanilang maibahagi ang kanilang paniniwala at pananaw tungkol sa code-switching at bilinggwalismo.

Sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral, natuklasan nilang Ingles ang mas pinili ng mga mag-aaral kaysa sa wikang Filipino sapagkat kadalasang ginagamit ang wikang Ingles sa mga pormal na aktibidades o gawain. Isa pang kadahilanan ay dahil kailangang matutunan ang Ingles dahil ito ang susi upang magtagumpay sa panghinaharap. Ang naging pag-aaral ng mga

mananaliksik ay sumasalungat sa kanilang inaasahan. Para sa kanila, dapat na mas bigyan ng pagpapahalaga ang wikang Filipino.37

Sumasang-ayon ang mga mananaliksik na dapat ay mas binigyang halaga ng mga

kalahok sa pag-aaral nila Lopez, Magday, Danao at Blanza ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles. Ang wikang kinagisnan ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang indibidwal kaya‟t nakalulungkot na isiping mas pipiliin ng isang Pilipino ang ibang wika kaysa sa sarili niyang wika. Maaari pa rin namang magtagumpay sa panghinaharap nang nagiging isang makabansang indibidwal. Kahit na ganito ang pananaw ng mga kalahok sa pag-aaral, hindi pa rin nila dapat kalimutan ang wikang kanilang kinagisnan.

Naniniwala ang mga mananaliksik na kaya wikang Ingles ang pinili ng mga naturang mga tagatugonn ay marahil mayroong utak kolonyal ang karamihan sa mga ito. Gaya na din ng sinabi nila Lopez, Magday, Danao at Blanza na kahit nasa labas man ng paaralan ang mga mag-aaral, nahahantad pa rin sila sa code-switching na karamihan ay nagmumula sa media.

37

Maripple Lopez, et. al., “Effects of Code-switching and Bilingualism on Filipino Learners”, www.scribd.com/doc/71885361/Effects-of-Bilingual-and-Code-Switching-in-Filipino-Learns, Enero 6, 2013.

(30)

30 Sa isang pananaliksik ng isang mag-aaral sa University of the Philippines Los Baños, nais alamin ni Liwanag kung gaano kaepektibo ang paggamit ng Taglish o code-switching bilang midyum sa pagtuturo; pati na rin ang nagiging epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Naglalayon din si Liwanag na alamin kung anong anyo ng code-switching ang umiiral sa mga silid-aralan ng mga tagatugon pati na rin ang lebel ng pagkakaintindi ng mga mag-aaral sa pang-akademikong aralin.

Dalawang klase sa asignaturang Natural Science ang kinuha ni Liwanag bilang mga tagatugon sa kanyang mga talatanungan na may kabuuang walumpu‟t anim (86) na mga mag-aaral. Inalam ni Liwanag kung gaano kataas ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Ingles at Tagalog sa pagpupuntos ng mga mag-aaral sa kanilang sarili ng 1 bilang pinakamataas at 5 bilang pinakamababa. Bukod dito, tinanong niya ang mga mag-aaral kung anong wika ang ginagamit ng mga mag-aaral sa asignaturang Natural Science, sa iba pang mga asignatura at pati na rin sa labas ng pamantasan.

Bilang konklusyon sa kanyang pag-aaral, Taglish ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral at hindi ito nakaaapekto sa akademikong pagganap at pagsusulit ng mga mag-amag-aaral. Mas madali ring naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya gamit ang Taglish kaysa purong Filipino at Ingles.

Bilang rekomendasyon, sinabi ni Liwanag na isama sa mga susunod na pag-aaral ang study habits ng mga mag-aaral bilang batayan sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na gumagamit ng Taglish sa klase.38

38

Mariyel Hiyas Liwanag, “Nature and Effects of Code-switching as a Communicative Medium of Discussion Inside Natural Science 1 Classrooms in the University of the Philippines”, www.prezi.com/ iebf3mgm5dyg/thesis-it-2, Enero 6, 2013.

(31)

31 Hindi maiiwasan sa mga talakayan sa paaralan na gumamit ng higit sa isang wika dahil na rin sa mga salita o terminolohiyang siyentipiko at teknikal na tinatalakay. Isang malaking tulong ang paggamit ng code-switching sa loob ng silid-aralan pero maaari rin itong magdulot ng masamang epekto na siyang inaalam ng mga mananaliksik. Dapat ay magkaroon ng hangganan ang paggamit ng dalawang wika sa mga talakayan. Hindi na siguro magandang marinig mula sa mga guro ng asignaturang Filipino ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo at sa mga guro ng asignaturang Ingles ang paggamit ng wikang Tagalog upang turuan ang mga mag-aaral.

Maganda ang kinalabasan ng pag-aaral ni Liwanag para sa mga mananaliksik dahil ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños sa wika ay mataas. Ibig sabihin, nakatutulong ang code-switching upang kanilang mapagbuti at gawing epektibo ang pakikipagpalitan ng mga ideya at saloobin.

Mula sa disertasyon ni Paramasivam Muthusamy, isang lektor sa Universiti Putra Malaysia, tinalakay niya ang iba‟t ibang mga tungkulin at kadahilanan sa paggamit ng code-switching ng mga mag-aaral sa Universiti Putra Malaysia.

Ayon sa kanyang disertasyon, inilahad ni Latila Malik mula sa kanyang librong Sociolinguistics: A Study of Codeswitching (1994) ang sampung kadahilanan sa paggamit ng code-switching na siyang naging kanyang batayan sa paggawa ng mga katanungan para sa kanyang pananaliksik. Ang mga kadahilanang ito ay ang mga sumusunod:

1. Kakulangan sa kakayahan. Ipinapaliwanag ng mga bilinggwal at multilinggwal na ang dahilan kung bakit sila nagko-code-switch ay dahil hindi nila mahanapan ng tamang salita ang kanilang gustong sabihin at ipahiwatig o kaya ay hindi nila maiparating ang kanilang mensahe ng maayos.

(32)

32 2. Kakulangan sa register. Kapag ang mga ispiker ay hindi magaling sa paggamit ng

dalawang wika at hindi nila alam ang salin sa alinman sa dalawang wika, nagkakaroon ng code-switching. Bilang resulta, kadalasang ginagamit ng isang indibidwal ang mga terminolohiya sa wikang Ingles na sa kanila ay pamilyar. 3. Kondisyon ng ispiker. Kapag ang mga bilinggwal ay pagod o galit, nagkakaroon

ng code-switching. Ibig sabihin, kapag nasa magandang kondisyon ang pag-iisip ng isang indibidwal, mahahanapan niya ng tamang terminolohiya ang kanyang mga sinasabi.

4. Upang bigyang-diin ang isang paksa. Nabibigyang-diin ang isang paksa sa paggamit ng code-switching dahil nagdadagdag ito ng lakas o kapangyarihan sa gustong ipahiwatig ng ispiker.

5. Kinagawiang karanasan. Nagkakaroon ng code-switching sa paggamit ng mga nakaayos nang mga pahayag ng pagbati, pamamaalam, utos at kahilingan, imbitasyon at pagpapasalamat.

6. Semantikong kabuluhan. Ang paggamit ng code-switching ay nagbibigay ng makabuluhang impormasyon. Ito ang pinagmumulan ng pagkakaunawa ng ispiker sa dalawang wika. Mayroong ibig sabihin ang pagpili ng salitang papalitan sa ibang wika at ito ang magiging basehan ng pag-uugali at emosyon ng ispiker. 7. Upang magkaroon ng pagkakakilanlan sa isang grupo. Ang isang indibidwal ay

gumagamit ng code-switching hindi lamang dahil mas madali siyang

maiintindihan ng ibang tao kundi upang malaman din ng iba ang kaibahan niya sa kanyang mga kinakausap.

(33)

33 8. Upang ipakilala ang ibang tagapakinig o tagapanood. Ginagamit ang

code-switching kapag nais ng ispiker na ipakilala ang ibang tao na may ibang

pinagmulan o iba ang wikang ginagamit. Bilang halimbawa, ang tagapagbalita sa India ay gumagamit ng Hindi bilang wikang pambansa nito pero gumagamit din ng Ingles. Bukod dito, inuulit niya ang lahat ng sinabi niya sa Hindi sa Ingles upang maintindihan siya ng ibang tagapakinig na hindi marunong ng Hindi. 9. Pragmatikong kadahilanan. Minsan, ang pagpapalit-koda sa pagitan ng dalawang

wika ay labis na makahulugan lalo na sa konteksto ng pakikipag-usap. Binibigyang-diin din nito ang digri ng pagkakalahok ng ispiker sa usapan. 10. Upang makakuha ng atensyon. Mas madaling makakukuha ng atensyon ang

ispiker mula sa kanyang mga tagapakinig kung siya‟y gagamit ng code-switching. Ang halimbawa nito ay ang mga patalastas. Bilang halimbawa, sa isang Ingles na pahayagan, kapag ang mga mambabasa nito ay hindi Ingles ang kinalakihang wika, ang kanyang atensyon ay kusang dedepende sa wikang kanyang kinalakihan upang maintindihan ang mga nakalathala sa pahayagan.

Sa pagtatapos ng kanyang disertasyon, napag-alaman ni Muthusamy na ang mga

kinagiawang mga ekspresyon ang kadalasang ginagamit sa pagpapalit-koda ng mga mag-aaral sa Universiti Putra Malaysia. Isang kadahilanan sa pagpapalit-koda ang kakulangan sa kasanayan sa wikang Tamil na siyang nagtutulak sa mga kalahok ng pag-aaral upang gumamit ng

code-switching. Iba‟t ibang libro ang kinonsulta ni Muthusamy upang makahanap ng iba‟t ibang mga kadahilanan sa paggamit ng code-switching. Hindi siya nagkamaling gamitin ang mga

(34)

34 kadahilanang iminungkahi ni Malik dahil ang mga kadahilanang ito rin ang isinagot ng mga kalahok sa pag-aaral. 39

Sa uugnay ng mga mananaliksik sa aaral ni Muthusamy sa kasalukuyang pag-aaral, napatunayan ng mga mananaliksik na hindi lamang ang mga Pilipino ang nahihirapan sa paggamit ng isang wika sa kumpletong diskurso ngunit pati na rin ang mga Indones. Upang masolusyonan ang mga problemang ito, ginagamit ng mga Indones ang wikang Ingles na siya ring ginamit ng mga Pilipino upang mapunan ang mga salitang walang salin sa wikang Filipino. Isa itong patunay na ang wikang Ingles nga ang pandaigdigang lingua franca kaya‟t kahit

saanmang dako ng mundo mapunta ang isang indibidwal, mahahantad at mahahantad pa rin siya sa paggamit ng wikang Ingles.

39

Paramasivam Muthusamy, “Communicative Functions and Reasons for Code-switching: A Malaysian, Perspective”, www.crisaps.org/newsletter/summer2009/Muthusamy.doc, Enero 6, 2013.

(35)

35 KABANATA 3

Pamamaraan at Pinagmulan ng mga Datos

Sa kabanatang ito, malinaw na inilahad ng mga mananaliksik ang pinagmulan ng mga datos, mga pamamaraan at hakbangin kung papaano nakalap ang mga datos, ang disenyo ng pananaliksik, at ang istatisikal na tritment ng mga datos na malilikom.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng isang deskriptibong metodolohiya sa

pananaliksik. Mayroong siyam na research designs ngunit piniling gamitin ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design kung saan gumagamit ng mga talatatanungan o sarbey para makalikom ng mga datos ang mga mananaliksik sa mga kalahok ng kanilang pag-aaral. Ayon kina Laurentina Paler-Calmorin at Melchor Calmorin, ang Descriptive Survey Research Design ay naglalayong kumalap ng mga impormasyong batay sa kasalukuyang mga pangyayari. Ginagamit ito at inirerekomenda ng nakararami dahil ito ang pinakamabisang paraan upang makakolekta ng tiyak na impormasyon batay sa mga pag-uugali, paniniwala at pananaw ng mga kalahok sa isinasagawang pananaliksik.40 Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa naturang pananaliksik sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga tagatugon.

Gumawa ng isang plano ang mga mananaliksik upang maging maayos ang kalalabasan ng pag-aaral. Sinimulan ang pananaliksik sa paghahanap ng mga babasahing may kaugnayan sa code-switching na siyang inintindi ng mga mananaliksik upang maging maalam ang mga

mananaliksik patungkol sa paksang code-switching. Ang mga babasahing ito sa partikular ay ang mga libro, pahayagan, dyornal at diksyunaryo na siyang naging sandigan ng mga mananaliksik

40

Laurentina Paler-Calmorin at Melchor, A. Calmorin, Research Methods and Thesis Writing, 2nd ed., (Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex Book Store, 2007), 70.

(36)

36 upang lumalim ang kanilang kaalaman sa code-switching. Dahil na rin sa makabagong

teknolohiya, malaki ang naitulong ng Internet upang mas mapag-ibayo ang pag-aaral ng mga mananaliksik. Pagkatapos ng maiging pagbabasa at pagsasaulo ng mga nakalap na datos,

nagsimula nang bumuo ng mga katanungan ang mga mananaliksik na para sa mga mananaliksik ay tila isang malaking palaisipan at kailangan pang saliksikin upang makapagbigay ng

makabuluhang impormasyon sa mga nakararami. Talatanungan

Isang talatanungan ang inihanda ng mga mananaliksik na siyang pinasagutan sa mga kalahok ng pag-aaral, ang mga unang klase ng bawat sa taon sa hayskul ng Mary and Jesus School, Inc. Binubuo ang talatanungan ng labinlimang mga katanungan, labing-apat sa mga katanungan ay mayroong pagpipiliang mga kasagutan at isang katanungan ang inilaan ng mga mananaliksik para sa mga tagatugon upang maipahayag nila ang sarili nilang ideya. Kahit na mayroon nang pagpipilian sa ibang mga katanungan, pinayagan pa rin ng mga mananaliksik na magbigay ng sariling kasagutan ang mga tagatugon kung saka-sakaling wala sa mga pagpipilian ang nais isagot ng mga tagatugon. May pitong (7) katanungang nangangailangan lamang ng isang kasagutan at mayroon ding pitong (7) katanungang maaaring higit pa sa isa ang kasagutan hinihingi.

Isinagawa ang pamimigay ng mga talatanungan sa Mary and Jesus School, Inc. sa Margarita Estate, Tanauan, Bustos, Bulacan sa ilalim ng pahintulot ng direktorang si Gng. Teodora S. Perpetua at punong-gurong si Bb. Marilyn Villesis ng paaralan. Pinasimulan ng mga mananaliksik ang pamimigay ng mga talatanungan sa pagpapakilala at pagpapaliwanag sa kung ano ang ibig sabihin ng code-switching. Lahat ng mga mag-aaral ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng code-switching kaya ipinaliwanag nang mabuti ng mga mananaliksik ang ibig

(37)

37 sabihin nito. Pagkatapos ay binasa na ng mga mananaliksik ang panuto at sinimulan na ng mga mga tagatugon ang pagsasagot sa mga talatanungan. Lahat ng mga katanungan ng mga tagatugon ay sinagot ng maayos ng mga mananaliksik. Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa mga

tagatugon, guro ng bawat klaseng kabilang sa pananaliksik, punong-guro at direktora ng nasabing paaralan pagkatapos ng pamimigay ng mga talatanungan.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Pagkatapos ng pamimigay ng mga talatanungan, isa-isang binasa ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga tagatugon. Itinala ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga tagatugon at pinaghiwa-hiwalay ang mga kasagutan ng bawat taon sa hayskul. Pinag-aralang mabuti ng mga mananaliksik ang bawat kasagutan ng mga tagatugon. Upang mas maintindihan ito ng mga mananaliksik at mabigyan ng karampatang interpretasyon ang mga datos na nalikom, gumamit ng istatistikal na pormula ang mga mananaliksik.

Kung saan: % = Bahagdan

f = Bilang ng mga kasagutan sa isang partikular na opsyon N = Kabuuang bilang ng mga sagot sa isang katanungan 100 = Konstant41

Gamit ang pormulang ito, nalaman ng mga mananaliksik ang bahagdan ng bawat mga kasagutan. Gumamit ng mga bar graphs ang mga mananaliksik upang ilarawan ang mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa paggamit ng mga graph na ito, mailalarawan nang maayos at malinaw ang mga datos na nalikom mula sa mga tagatugon.

41

Mariano M. Ariola, Principles and Methods of Research, (Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex Book Store, 2006), 105.

(38)

38 KABANATA 4

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Sa kabanatang ito, matutungyahan ang resulta ng isinagawang pamimigay ng mga talatanungan sa mga kalahok ng pag-aaral. Sinuri at siniyasat na mabuti ng mga mananaliksik ang bawat kasagutang ibinahagi ng mga tagatugon. Ilalahad sa kabanatang ito ang mga bar graphs na siyang magsisilbing representasyon ng pinagsama-samang kasagutan ng mga

tagatugon. Ang interpretasyon ng mga datos ay magmumula sa kaalaman ng mga mananaliksik patungkol sa code-switching.

Table 1

Ipinapakita sa talaguhitan na ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon mula sa Mary and Jesus School, Inc. na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga talatanungan. Mayroon itong kabuuang bilang na isang daan (100). Dalawampu‟t siyam (29) na mga mag-aaral ang nagmula sa ikapitong baitang na sumasaklaw sa dalawampu‟t siyam na bahagdan (29%), dalawampu‟t limang (25) mag-aaral mula sa ikalawang antas na

sumasaklaw sa dalawampu‟t limang bahagdan (25%) at parehong tig-dalawampu‟t tatlong (23)

29% 25% 23% 23% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

Bilang ng mga Tagatugon

Ikapitong Baitang Ikalawang Antas Ikatlong Antas Ikaapat na Antas

(39)

39 mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na antas na parehong sumasaklaw sa dalawampu‟t tatlong bahagdan (23%).

Table 2

Para sa unang katanungan, sumaklaw ng siyamnapu‟t walong bahagdan (98%) ang mga mag-aaral na gumagamit ng Taglish sa pakikipagkomunikasyon na may katumbas na

siyamnapu‟t walong (98) mga mag-aaral. Samantalang nakakuha naman ng tig-isang bahagdan (1%) at tig-isang (1) tagatugon ang kasagutang Englog at Tagalog-Kapampangan.

Malinaw sa talaguhitan na ito na Taglish ang pinakagamiting uri ng code-switching. Kahit hindi man gamiting batayan ang tirahan ng mga tagatugon, ang kadahilanan kung bakit sila ay gumagamit ng Taglish ay dahil sila ay nakatira sa Katagalugan. Napakataas ng bahagdang ito kaya‟t maaaring ang iba pang mga mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc. ay gumagamit din ng Taglish. Mayroong napakaliit na bahagdan ang gumagamit ng Englog at

Tagalog-Kampampangan, kaya‟t sa palagay ng mga mananaliksik, iilan lamang din sa mga mag-aaral ng Mary and Jesus School, Inc. ang gumagamit ng ganitong uri ng code-switching.

98% 1% 1% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

1. Alin sa mga sumusunod na uri ng code-switching ang pinakamadalas mong ginagamit?

Taglish (Tagalog-English) Englog (English-Tagalog) Tagalog-Kapampangan

(40)

40 Tumugma ito sa mga pahayag na ipinaliwanag ng mga mananaliksik kaya‟t walang duda na masasabing ang Taglish ang pinakagamiting uri ng code-switching ng mga bilinggwal na Pilipino hindi lamang sa Katagalugan kundi sa buong Pilipinas.

Table 3

Sa ikalawang katanungan, nakakuha ng pinakaraming sagot ang intra-sentential code-switching na mayroong pitumpung bahagdan (70%) o pitumpung (70) mag-aaral mula sa iba‟t ibang unang klase ng Mary and Jesus School, Inc. Sinundan ito ng tag-switching na sumasaklaw sa dalawampu‟t apat na bahagdan (24%) o dalawampu‟t apat (24) na mga mag-aaral. Ang inter-sentential code-switching ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng mga sagot na mayroon lamang anim na bahagdan (6%) na may katumbas na anim (6) na mag-aaral mula sa lahat ng taon maliban sa ikaapat na antas.

70% 6% 24% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

2. Alin sa mga sumusunod na anyo ng code-switching ang iyong ginagamit?

Intra-sentential Code-switching Inter-sentential Code-switching Tag-switching

(41)

41 Nagbigay ng halimbawa ang mga mananaliksik sa mga tagatugon upang kanilang

maintindihan ang ibig sabihin ng bawat anyo ng code-switching. Sa unang tingin, mapapansin agad na ang pagpapalit-kodang ginagamit ng mga tagatugon ay nagaganap sa loob ng isang pangungusap o sugnay na ang ibig sabihin ay iilan lamang sa mga salita ang hinahalilihan ng ikalawang wika. Ang tag-switching na pumangalawa sa bilang nga mga kasagutan ay

masasabing hindi masyadong ginagamit ng mga mag-aaral sapagkat kadalasan lamang ginagamit ang tag-switching sa mga padamdam, pagsang-ayon at pagtutol. Mababa lamang ang nakuha ng inter-sentential code-switching dahil sa palagay ng mga mananaliksik, sa code-switching na ito ay magkasunod lamang na binabanggit ang pangungusap na magkaiba ng wika.

Table 4

Ang katanungang ito ay nanghingi ng higit sa isang kasagutan mula sa mga tagatugon. Sa pangkalahatan, mayroong isang daan at animnapu‟t tatlong (163) mga kasagutan ang naitala ng mga mananaliksik. Nakakuha ng halos apatnapu‟t walong bahagdan (47.86%) ang pagsasalita na may katumbas na pitumpu‟t walong (78) kasagutan. Pumapangalawa ang text messaging na sumasaklaw sa halos tatlumpu‟t dalawang bahagdan (31.90%) na may katumbas na limampu‟t

47.86% 7.97% 31.90% 12.27% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

3. Sa anong paraan ng pakikipagkomunikasyon mo ginagamit ang code-switching?

Pagsasalita Pagsusulat Text Messaging E-mail/Internet

(42)

42 dalawang (52) kasagutan mula sa mga tagatugon. Sumunod ang pagpapadala ng mensahe gamit ang Internet na mayroong higit labing-dalawang bahagdan (12.27%) na may katumbas na dalawampung (20) kasagutan. Ang pagsulat ang nagtamo ng pinakamaliit na bahagdan na mayroon lamang halos walong bahagdan (7.97%) na may katumbas lamang na labing-tatlong (13) kasagutan.

Pagsasalita ang pinakamadaling paraan upang maipahayag ang saloobin kaya‟t inaasahan na ito ng mga mananaliksik. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay ginagamit na din ang telopono at kompyuter upang mapabilis ang komunikasyon at kahit dito ay hindi maiiwasan ang paggamit code-switching. Kadalasang nagsusulat lamang o gumagawa ng mga sulatin ang mga mag-aaral sa paaralan kaya‟t maliit lamang ang posibilidad na pati sa pagsulat ay gamitin ang

code-switching .

Table 5

Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik, limampung bahagdan (50%) na may katumbas na limampung (50) mag-aaral ang nagsimulang gumamit ng code-switching noong sila ay nasa

4% 50% 46% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

4. Kailan ka natutong gumamit ng code-switching?

Pre-school Elementarya Hayskul

(43)

43 elementarya pa lamang. Pumapangalawa ang kasagutang hayskul na mayroong apatnapu‟t anim na bahagdan (46%) na may katumbas na apatnapu‟t anim (46) na mga tagatugon na nagsimulang gumamit ng code-switching noon lamang sila ay nakatuntong ng hayskul. Ang natitirang apat na bahagdan (4%) na may katumbas na apat (4) na mga tagatugon ay nagsimulang gamitin ang code-switching noong nasa pre-school pa lamang sila. Walang nakuhang kasagutan sa paggamit ng code-switching noong hindi pa sila nag-aaral.

Masyadong maaga ang pre-school upang simulan ang paggamit ng code-switching sapagkat ito pa lamang ang panahon kung kailan natututong magsalita ng maayos at umintindi ang isang bata. Siguro ay mula sa kanyang mga napapanood na palabas na Ingles sa telebisyon ang naging dahilan upang gamitin ang code-switching sa panahon ng pagiging pre-school.

Sa elementarya at hayskul ay tinatalakay na ang mga terminolohiyang walang salin sa wikang Filipino kaya‟t sa mga panahong ito, natututo na ang isang mag-aaral na gamitin ang code-switching upang maintindihan niya ang mga paksang sa kanila ay tinatalakay.

Table 6

Para sa ikalimang katanungan, limampu‟t tatlong bahagdan (53%) na may katumbas na

23% 24% 53% 0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80% 90% 100%

5. Saan mo kadalasang ginagamit ang code-switching?

Sa bahay

Sa mga pagtitipon Sa paaralan

(44)

44 limampu‟t tatlong (53) mga tagatugon ang kadalasang gumagamit ng code-switching sa paaralan. Pumapangalawa naman ang mga pagtitipon na sumasaklaw sa dalawampu‟t apat (24%) na

bahagdan na may katumbas na dalawampu‟t apat (24) na kasagutan. Hindi malaki ang agwat ng bahay sa mga pagtitipon sapagkat ang paggamit ng code-switching sa bahay ay mayroong dalawampu‟t tatlong bahagdan (23%) na dalawpu‟t tatlong (23) mga mag-aaral ang katumbas. Walang nagsagot ng sa mall o pamilihan kaya‟t hindi na ito inilagay sa talaguhitan ngunit naniniwala ang mga tagatugon na nagagamit din sa mall ang code-switching sapagkat may mga panindang walang salin sa wikang Filipino.

Totoong sa paaralan ang lugar kung saan madalas na ginagamit ang code-switching lalo na pagdating sa mga talakayan kung saan walang salin ang wikang tinatalakay sa Filipino o kaya ay mayroong siyang ipapaliwanag sa harap ng klase na mahirap ipaliwanag sa Ingles o Tagalog. Sa labas ng paaralan, marami pa ding mga pagkakataon na ang isang bilinggwal ay gagamit ng code-switching, lalo na sa mga pagtitipon kung saan ang pakikipag-ugnayan ay pormal at Ingles ang kadalasang ginagamit sa pakikipag-ugnayan. Ibig sabihin, depende sa lugar kung gagamit ang isang bilinggwal o hindi ng code-switching upang siya ay maintindihan.

Figur

Memperbarui...

Referensi

Memperbarui...