• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kayarian ng Kuwento

Dalam dokumen Filipino Module For Grade 9 (Halaman 150-155)

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SILANGANG ASYA

GAWAIN 4. Kayarian ng Kuwento

Buuin ang kayarian ng kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong na nasa loob ng kasunod na graphic organizer. Sagutin sa sagutang-papel

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento ? Ipakilala.

2. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Sa iyong palagay, anong panahon naganap ito ? Patunayan.

3. Ano ang tema ng kuwentong binasa ? NIYEBENG ITIM ni Liu Heng Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra 1.Tauhan 2. Tagpuan 3.Paksa /Tema 4. Banghay 5. Wakas a.Panimula b.Suliranin c.Reaksyon d.Layunin e.Ginawa f.Kinalabasan Lugar Panahon

DRAFT

March 24, 2014

151

4. a. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento ? b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan ? c. Paano hinarap ni Hiuquan ang kaniyang problema ?

d. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kanyang suliranin ? e. Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa ?

f. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito ? 5. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento ?

Inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga pangyayari sa kuwento. Suriin natin ang kaugalian at uri ng pamumuhay ng Tsino na inilalarawan sa kuwento.

GAWAIN 5. Mailalarawan Mo Ba?

Pag-aralang mabuti ang mga ilustrasyon. Ilarawan ang lugar na kinabilangan ni Huiquan. Ilarawan din ang kaniyang kilos/gawi at paniniwala.

Huiquan Habang nasa loob ng

bilangguan nakalaya na kasama ang kaniyang Tiya Luo Nagtitinda ng angora at iba pa

DRAFT

March 24, 2014

152

Binabati kita sa iyong kahusayan! Ituloy mo pa ang pagpapalalim ng iyong kaalaman kaugnay ng tinalakay na bahagi ng aralin. Babasahin mo pa ang isang tekstong naglalarawan tungkol naman sa ating bansa. Alamin mo ang mga kilos at gawi pati na ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa Maynila. Paano naiiba ang maikling kuwento ng katutubong-kulay sa iba pang uri nito. Alamin mo rin kung paano nakatutulong ang kaalaman sa pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kultura.

Nagmamadali ang Maynila ni Serafin C. Guinigundo

“GINTO… GINTO… Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama … mga ale… ginto..” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.

Baka po kayo may ginto?” ang muling sigaw ng babae.

“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko ? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay. Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan - - sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.

Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad. Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at pulseras.

“Ilang ply, ano ang sukat ng goma?” Usisa ng isa.

“Ano? In running condition ba ? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng isa naman.

“Aba! Sinasabi ko sa iyo … garantisado. Hindi ka mapapahiya ,” tugon ng tinanong.

“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon ? Mayroon na ba tayo ? Baka wala ? Ihanda mo ang papel.

DRAFT

March 24, 2014

153

Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan, ha ? Kahit hindi nakasulat… ikaw ang bahala?”

“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon.”

- halaw sa Haraya II ni Aurora Batnag et al.

Alamin natin kung naunawaan mo ang pangalawang teksto na iyong binasa. Ipagpatuloy mo ang iyong kasipagan sa pagsagot sa mga gawain. GAWAIN 6. Ilarawan Mo

Batay sa binasang teksto, ilarawan mo ang lugar, kilos/gawi, at uri ng pamumuhay ng mga tao noon sa Maynila.

Magaling at madali mong naunawaan ang ikalawang teksto. Balikan natin ang tanong sa panimula. Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kulturang Asyano ? Upang masagot ang mahalagang tanong na ito pag-aralan mo ang tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap.

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika

Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap. Ang bawat isa sa dalawang panlahat na mga bahaging ito na maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi. Napalalawak ang pangungusap sa mga maliliit na bahaging ito.

Ang mga pampalawak ng pangungusap ay (1) paningit, (2) panuring (pang-uri at pang-abay), at (3) pamuno at mga kaganapan.

Tatalakayin lamang natin ang tungkol sa ikalawa. Ang panuring bilang pampalawak ng pangungusap.

Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Naririto ang ilang pangungusap na nagpapakita ng pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-uri.

DRAFT

March 24, 2014

154

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri: Si Huiquan na ulila ay bilanggo.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring: a. Si Huiquan na ulila ay dating bilanggo.

b. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay dating bilanggo. c. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay dating bilanggo sa Tsina.

d. Si Huiquan na ulila sa mga magulang na mahilig magbasa ng aklat ay dating bilanggo sa Tsina.

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng panalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri.

a. Pangngalang ginagamit sa panuring: Si Huiquan na tindero ay dating bilanggo. b. Panghalip na ginagamit sa panuring:

Si Huiquan na tinderong iyon, ay dating bilanggo. c. Pandiwang ginamit na panuring:

Si Huiquan na tinderong iyon na sumisigaw ay dating bilanggo.

2. Bigyang-halimbawa naman natin ang mga pampalawa na pang-abay.

a. Batayang pangungusap: Umalis si Maciong. b. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay

na pamanahon: Umalis agad si Maciong.

c. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na pamaraan: Patalilis na umalis agad si Maciong

- mula sa Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco, 2003

DRAFT

March 24, 2014

155

Pagkatapos mong pag-aralan kung paano mo mapapalawak ang pangungusap, gawin mo na ang kasunod na mga pagsasanay.

Pagsasanay 1. Isip… Isip…

Mula sa mga pangungusap na hango sa mga tekstong binasa, palawakin ang pangungusap batay sa dalawang kategorya na iyong pinag-aralan. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-uri Si Tiyo Li ay pulis.

2. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-abay Bumili ang ale.

Dalam dokumen Filipino Module For Grade 9 (Halaman 150-155)