• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pagsasanib ng Gramatika/ Retorika

Dalam dokumen Filipino Module For Grade 9 (Halaman 78-82)

pagbabagong- buhay

Gawain 7. Pagsasanib ng Gramatika/ Retorika

Tahasang isinasaad ng pandiwang panaganong paturol ang kilos na ipinahahayag nito. Kadalasan ay tuwirang ginagawa o naaapektuhan ng tagaganap ang ipinahahayag ng kilos ng pandiwa. Lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto: nagsasaad na ang kilos ay (perpektibo) naganap na, (imperpektibo) kasalukuyang nagaganap at kontemplatibo (kilos na gagawin pa lamang).

DRAFT

March 24, 2014

79

Mga Halimbawa:

1. Kumuha sa mesa ng makakain natin si Edzel. (perpektibo) 2. Nagsusuklay si Jane habang pinanonood ang mga batang

naglalaro. (imperpektibo)

3. Tiyak na magugustuhan ni Eric kapag natikman niya ang dala mong kakain. (kontemplatibo)

4. Kaiinom lang niya ng gamot. (katatapos)

Kasama rin dito ang pang-apat na aspekto, ang perpektibong katatapos. Nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka + pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat + salitang-ugat.

Mga Halimbawa:

1. Katutuklas ko lamang na ang may pakana ng lahat ng ito ay ang aking Diyos.

2. Kaiimbita ko sa aking Diyos na bulabugin ako sa aking buhay. Kung naunawaan mo ang paliwanag tungkol sa pandiwang nasa panaganong paturol, bibigyan kita ng gawaing susubok sa iyong natutuhan. Alam kong kayang-kaya mo ito.

Pagsasanay 1

Piliin ang iba pang pandiwang nasa panaganong paturol na ginamit sa teksto. Isulat ito sa hanay na dapat kalagyan. Gayahin ang pormat sa papel.

PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

PERPEKTIBONG KATATAPOS

DRAFT

March 24, 2014

80

Pagsasanay 2

Banghayin ang mga pandiwang neutral/pawatas sa aspektong perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

NEUTRAL/

PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

ipaubaya kontrolin mawalan hayaan sabihan kumawala matuklasan ibigay gawin magpaubaya Pagsasanay 3

Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay ng pangyayari tungkol sa alinmang paksa sa ibaba. Gumamit ng mga pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng impormasyon. Bilugan ang mga ito.

Mga mungkahing paksa: (Maaaring magbigay ng iba pang paksa) 1. Zamboanga Crisis

2. Lindol sa Bohol 3. Bagyo

4. Pork Barrel 5. Halalan

6. Kariton ni Efren Peňaflorida 7. Global Warming

C. Pagnilayan at Unawain

Mahusay ang ipinakikita mong sigasig upang matutuhan at maunawaan ang mga aralin sa modyul na ito. At upang subukin kung talagang naunawaan mo ang mahahalagang konsepto na dapat mong matamo. Simple lang, sagutin mo ang kasunod na mahahalagang tanong. 1. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng makatotohanang impormasyon?

DRAFT

March 24, 2014

81

D. Ilipat

Maganda ang ipinakikita mong kahusayan. Ngayon ay tatayain mo ang iyong natutuhan sa araling ito. Kayang-kaya mong isagawa ang gawaing ito.

Magaling! Mahusay mong naisagawa ang inaasahang pagganap. Patunay ito na naunawaan mo ang kabuuan ng ating aralin. Iminumungkahi kong muli mong balikan ang mahahalagang tanong upang matiyak na tama ang kakailanganing pag-unawa na nais kong matamo mo sa katapusan ng aralin.

Magiging mapanghamon ang susunod na gawaing inihanda ko para sa iyo. Bagaman naniniwala ako na kayang-kaya mong isagawa ito sapagkat natutuhan mo na ngayon ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo.

Susubukin ko kung papaano mo gagamitin ang mga natutuhan mo sa paggawa ng pangwakas na gawaing ihahanda mo. Paghusayan mong lalo ang pagganap sa gagawin mong proyekto.

Isa kang mamamahayag (field reporter) sa isang istasyon ng radyo. Naatasan ka ng iyong current affairs executive na kumuha ng mga impormasyon at ibalita ang tungkol sa muling pagtatagpo ng mag-inang matagal na nagkawalay nang mawala ang kaniyang anak sa isang mall. Ito ay isasahimpapawid mo sa Radyo Journalismo sa ganap na ikaanim ng gabi. Dapat mong isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan para malaman mo kung paano ka mamarkahan: iskrip (malinaw na detalye, maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari); pagbabalita (pagsasalita, istilo), paglalapat ng musika at tunog (technical application). Tatayain ka ayon sa sumusunod na rubrics.

10 puntos kung lahat ng pamantayan ay naisakatuparan 8 puntos kung dalawa sa mga pamantayan ang

naisakatuparan

DRAFT

March 24, 2014

82

C. Pagnilayan at Unawain (para sa Modyul sa 1)

Ang aklat ay susing tagapagbukas sa pintuan ng karunungan at kaalaman. Ayon kay Alan Boyko, “The more kids read, the better readers they become...” Mahalaga ang pagkahilig sa pagbabasa at mabuti itong masimulan sa murang gulang pa lamang. Ito ay kailangan ng tao upang hindi siya maiwan sa takbo ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong kaalaman ang natutuklasan sa pamamagitan ng kaalamang panteknolohiya. Mabuti itong pampalipas oras dahil bukod sa maituturing itong solusyon sa pagkabagot ay may mga aral pang makukuha sa mga akdang pampanitikang maaaring maging gabay sa buhay.

Hindi rin nalalayo ang mga layuning nabanggit sa pagtatanghal ng mga book fair ng iba-ibang publishing house. Dagdag pa ni Boyko, “...with every fair, we’re connecting kids to books they want to read.” At tulad ng mga dalubhasa at mga iskolar na tagapagsulong sa kahalagahan ng pagbabasa, ito rin ang pagganap na inaasahang malinang sa iyo.

Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang magpapakita ng mahalagang kaalamang natutuhan mo sa ating mga aralin. Gagawa ka ng malikhaing panghihikayat na basahin at tangkilikin din ng iba ang mga saling akdang pampanitikang ng Timog-Silangang Asya. Sa pagtatapos ng gawaing ito, inaasahang naipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan na salin sa Timog-Silangang Asya.

Mamarkahan ka ayon sa inaasahang produkto o pagganap batay sa sumusunod na pamantayan o kraytirya: barayti ng mga babasahin, kaangkupan ng layunin, kaayusan at kagandahan ng display at hikayat sa madla.

Dalam dokumen Filipino Module For Grade 9 (Halaman 78-82)