• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pagapapaunlad ng Kaalaman

Dalam dokumen Filipino Module For Grade 9 (Halaman 102-107)

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SILANGANG ASYA

GAWAIN 6. Pagapapaunlad ng Kaalaman

Basahin at unawain ang halimbawa ng Haiku, Tanka at Tanaga. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

Haiku Tanaga

ni Natsume Soseki Isinalin sa Filipino ni Vilma C.

Ambat Sa kagubatan Hangi’y umaalulong Walang matangay Tag-init ni Ildefonso Santos Alipatong lumapag Sa lupa, nagkabitak Sa kahoy, nalugayak Sa puso, nagagablab

DRAFT

March 24, 2014

103

Haiku ni Bashō

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Ambong kaylamig Maging matsing ay nais

ng kapang damo

Kabibe ni Ildefonso Santos

Kabibe ano ka ba May perlas maganda ka

Kung idiit sa tainga Nagbubuntong hininga

Tanka Hindi Ko Masabi

ni Ki Tsurayuki Isinalin sa Filipino ni M.O.

Jocson Hindi ko masasabi

Iniisip mo O aking kaibigan

Sa dating lugar Bakas pa ang ligaya

Katapusan ng Aking Paglalakbay ni Oshikochi Mitsune Isinalin ni M.O. Jocson

Napakalayo pa nga Wakas ng paglalakbay

Sa lilim ng puno Tag-init noon Gulo ang isip.

Sagutin ang mga gabay na tanong

1. Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyon

ng salitang nasa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. denotasyon konotasyon umaalulong damo alipato kabibe ligaya paglalakbay

2. Paghambingin ang ilang halimbawa ng Tanka, Haiku, at Tanaga batay sa sukat, tugma at pagbigkas.

DRAFT

March 24, 2014

104

3. May pagkakatulad ba ang pagsulat ng mga Pilipino ng Tanaga sa pagsulat ng Tanka at Haiku ng mga Hapon ? Patunayan. 4. Masasalamin ba sa halimbawang Haiku,Tanka at Tanaga na

naibigay ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Ipaliwanag. 5. Batay sa mga nabasang halimbawa ng tula, anong mga isyung

panlipunan ang maaaring maiugnay sa mga ito ?

Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental. Mahalaga ito upang makatulong sa iyo kung paano mo bibigkasin nang wastong diin, tono o intonasyon, at antala upang maipahayag mo ang damdamin o kahulugang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.

Ponemang Suprasegmental

Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.

a. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.

Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. Mga halimbawa:

a) BU:hay = kapalaran ng tao b) LA:mang = natatangi

bu:HAY = humihinga pa la:MANG = nakahihigit; nangunguna b. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring

makapagpasigla,makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa

DRAFT

March 24, 2014

105

Mga halimbawa:

a) Kahapon = 213, pag-aalinlangan

Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahyag b) talaga = 213, pag-aalinlangan

talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

C. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.Maaaring gumamit ng simbolo kuwit( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - ) Mga halimbawa:

a) Hindi/ ako si Joshua.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)

b) Hindi ako, si Joshua.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua)

c) Hindi ako si Joshua.

(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)

Ngayong nalaman mo na ang mga kahalagahan ng mga ponemang suprasegmental sagutin ang mga pagsasanay upang lalong maging bihasa sa paggamit ng mga ito.

Pagsasanay 1. Bigkasin Mo

Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.

1. / SA:ka/ - _________________ /sa:KA/- _________________ 2. /BU:hay/- _________________ /bu:HAY/-________________ 3./ki:ta/ - ___________________ /ki:tah/- __________________

4. /ta:la/ - ___________________ /ta:la?/ - _________________ 5. /ba.lah/ -__________________ /ba.la?/- _________________

DRAFT

March 24, 2014

106

Pagsasanay 2. Tono

Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas . Isulat sa sagutang papel.

1. kanina = _______, pag-aalinlangan

kanina = _______, pagpapatibay, pagpapahyag 2. mayaman = _______, pagtatanong

mayaman = _______, pagpapahayag 3. magaling = _______, pagpupuri magaling = _______, pag-aalinlangan

4. kumusta = _______, pagtatanong na masaya kumusta = _______, pag-aalala

5. Ayaw mo = _______, paghamon Ayaw mo = _______, pagtatanong Pagsasanay 3. Diin

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa diin.

Halimbawa: /SA:ka/ - bukid, /saKA/ - at saka (also)

1. /BA:ba/ - ________________ /ba:BA/ - ________________ 2. /BA: ta/ - ________________ /ba:TA/ - ________________ 3. /BA: ga/ - ________________ /ba:GA/ - ________________ 4. /LA:bi/ - ________________ /la:BI/ - ________________ 5. /BA:sa/ - ________________ /ba:SA/ - ________________ Pagsasanay 4. Hinto/ Antala

Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin. 2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko. 3. Hindi siya ang kaibigan ko.

C. Pagnilayan at unawain

1. Paano naiiba ang Tanka at Haiku sa iba pang uri ng tula?

DRAFT

March 24, 2014

107

Ngayong natutuhan mo ang pagkakaiba ng Tanka at Haiku sa iba pang uri ng tula tulad ng Tanaga at kung paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula, ilipat mo sa isang mahalagang gawain. D. Ilipat

Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Makiisa sa pangkatang gawain sapagkat nakasalalay rito ang inyong tagumpay.

Dalam dokumen Filipino Module For Grade 9 (Halaman 102-107)