• Tidak ada hasil yang ditemukan

Konseptong papel - Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Konseptong papel - Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya"

Copied!
20
0
0

Teks penuh

(1)

Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga

Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya

Isang Konseptong Papel na ipinasa Kay Bb. Ligaya O. Bron

AMV – Kolehiyo ng Accountancy Unibersidad ng Santo Tomas, España, Manila

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Asignaturang

(2)

ii PASASALAMAT

Pinasasalamatan ng mga estudyanteng mananaliksik na gumawa ng Konseptong Papel na ito ang kanilang guro na si Bb. Ligaya O. Bron para sa kanyang ibinahaging kaalaman sa amin ukol sa pagsasaliksik, tesis, mga akademikong papel at madami pang iba.

Sunod ay ang aming mga magulang at kaibigan na walang sawang nagbigay sa amin ng suporta, hindi lang sa aspektong pinansyal kundi sa aspektong emosyonal at espiritwal din.

Huli, ngunit ang pinakaimportante sa lahat, ay pinapasalamatan naming ang Panginoon para sa kanyang paggabay sa aming bawat gawain at paghintulot sa amin na matapos sa tamang oras ang iniatas sa aming gawain ng aming guro.

(3)

iii PAGHAHANDOG

Inihahandog ng mga mananaliksik ang kanilang pinaghirapang Konseptong Papel na ito sa kanilang mga propesor na nakasama nila sa bawat araw ng nakalipas na taong ito lalo na kay Ginang Ligaya M. Bron dahil sa kanyang walang sawang pagsuporta, pag-gabay at paniniguradong matatapos ng mga mananaliksik ang Konseptong Papel na ito sa itinakdang oras.

Ito ay para rin sa mga magulang ng mga mananaliksik na sumustento sa dahan-dahan na pagkabuo ng Konseptong Papel na ito na dumaan sa iba’t ibang proseso katulad ng pag-iimprinta sa papel at pagpapagapos sa libro. Ang kanilang pagmamahal at gabay ay nagsilbi bilang isang malakas na motibasyon para sa mga mananaliksik.

Maluwalhati ding inihahandog ang papel na ito sa mga kaklase nilang kapwa mananaliksik sa ibang paksa. Magkakasabay nilang pinagdaanan at tinahak ang daan tungo sa karagdagang kaalaman upang matapos ng wasto ang kursong ito.

At panghuli, iniaalay ito ng mga mananaliksik sa Panginoon, na laging nariyan upang magbigay ng lakas ng loob sa mga oras na tila ay masarap nang sumuko at magpakatamad sa pag-tapos ng proyektong ito.

(4)

TALAAN NG NILALAMAN

I. Titulo... i

II. Pasasalamat... ii

III. Paghahandog... iii

IV. KABANATA 1... 1 A. Panimula... 1 B. Rasyunal... 1 C. Kabuluhan ng Pag-aaral... 3 D. Kahalagahan ng Pag-aaral... 3 V. KABANATA 2... 4 VI. KABANATA 3... 10 VII. KABANATA 4... 11 A. Lagom... 11 B. Kongklusyon... 13 C. Rekomendasyon... 13 VIII. Talasanggunian... 14 IX. Apendises... 15

(5)

1 KABANATA 1

PANIMULA:

Ang Turismo ay maaaring itukoy bilang isang pansamantala o madaliang pagbisita o pagpunta ng isang tao sa ibang lugar na di niya normal na pinupuntahan. Maaaring ang isang turista ay dumayo sa ibang bansa o kaya nama’y sa ibang probinsiya lamang. Ang Turismo ay kinikilala din ng karamihan bilang isang mahalagang sektor na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na pagbabayad ng mga dayuhan upang makapaglakbay.

RASYUNAL:

Katulad na lamang ng ibang modernong industriya na sikat ngayon, maibabakas natin ang kasaysayan ng turismo pabalik sa Lumang Tipan o Old Testament. Nagsimula ito sa simpleng paglalakbay para sa kabuhayan at paghahanap ng pangangailangan sa buhay ng mga mamamayan. Maraming nabanggit sa Bibliya ukol sa mga gawaing katulad nito. Ngunit ating isa-isip na iba ang paglalakbay sa Turismo, isa lamang ito sa mga pinakamahalagang elemento ng nasabing industriya.

Lalong sumikat ang paglalakbay noong naimbento ng mga Sumerian sa Babylonia ang pera at ang bilog na gulong. Ito ang higit pang nag-udyok sa mga tao upang maglakbay, makipagkalakal at makabisita ng mga bagong lugar. Sinasabi at mababasa sa ibang libro na ang mga Phoenician ang mga tunay na unang manlalakbay.

Ang mga malawakan at enggrandeng kompetisyon o pagdiriwang, katulad na lamang ng pinakaunang Olympic Games sa Mount Olympus noong 776 BC na madalas pinupuntahan ng napakadaming tao, ay nagbigay daan para sa konstruksyon ng mga bahay-tanggapan o mga hotel. Ang ideyang ito ay inialok ni Xenophon, sinabi niyang dito daw dapat gamitin ang perang pampubliko. Kumalat ang pagpapagawa ng mga hotal sa Europa noong ika-18 na siglo. Sa kabilang bahagi naman ng mundo, sinasabing ang Japan ang mayroong pinakamatandang hotal na pinangalanang ‘Hoshi Ryokan’ sa Komatsu, Japan na itinayo noong 718 AD.

(6)

2 Ang kasaysayan ng turismo ay maaari rin mabakas mula sa sibilisasyon ng mga Romano. Sa laki ng kanilang nasasakupan, kinailangan nilang gumawa ng mga kalsada upang makapunta sa iba’t ibang parte ng kanilang imperyo. Ang mga kalsadang ito ay ginawa para daanan ng mga administrador at militar, ngunit nagbigay din ito ng oportunidad para sa mga karaniwang mamamayan upang makapaglakbay.

Mahalaga ang panahon ng Renasimyento sa kasaysayan ng Turismo. Ang mga paglalayag na naganap noong ikaw-15 at ika-16 na siglo ang siyang nagbigay daan para sa pagkadiskubre ng iba pang lupain.

Iba-iba din ang dahilang ng paglalakbay ng mga tao, ang iba ay para sa komersyo at pakikipagkalakalan, ang iba ay para sa paghahanap ng kaaliwan, ang iba ay para sa edukasyon (lalo na sa mga nagbibinatang lalaki), mayroon ding para sa relihiyon, at marami pang iba.

Ang Turismo ay lalo pang umusbong noong Rebolusyong Industriyal dahil sa pagkaimbento ng mga de-motor at de-makinang sasakyan. Pinadali nito ang paglalakbay kahit na sa una nitong paglabas ay hindi ito agad tinangkilik ng karamihan.

Noong ika-19 na siglo, sinundan ang de-motor na sasakyan ng pagbubukas ng mga unang istasyon ng tren sa Inglatera. Ito ay ang mga riles ng Liverpol at Manchester Railway noong Setyembre 15, 1830. Sinundan ito ng pagpapagawa ng mga Steamship noong 1838 pati na rin ng mga eroplano. Ang pag-unlad at pagdebelop ng sistema ng transportasyon ay naging adbentahe para sa turismo.

Dahil din sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig, naging mas mapayapa at bukas ang mga bansa sa isa’t isa. Mas naging maayos ang kanilang mga relasyon at ito ang nagbigay daan para sa Turismo. Kasama na dito ang Pilipinas kung saan umunlad ang Turismo sa pagitan ng mga taong 1970’s hanggang 1980’s. Kinilala ng League of Nations ang Turismo sa pamamagitan ng panghihikayat ng sistema tulad ng pag=aplay para sa mga pasaporte, visa at ilan pang dokumentong kinakailangan.

Ang patuloy na pag-unlad ng turismo ay kasalukuyang ipinapatakbo ng iba’t ibang industriya sa buong mundo na kinabibilangan ng mga ahensya, mga kompanya ng transportasyon, mga hotel, mga oraganisasyong pampubliko at mga samahang pangkalakalan.

(7)

3 KABULUHAN NG PAG-AARAL

Maituturing isang mahalagang pantaong aktibidad ang turismo sapagkat hindi lamang importante sa aspektong pang-ekonomiko, kundi pati na rin sa mga aspektong pampulitiko, panlipunan, pangkultural at pang-edukasyon. Iilan sa mga kahalagahan nito ay ang pagtatag ng samahan sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman na bansa, pagdami ng oportunidad para sa trabaho ng mga mamamayan, pagtaas ng interes ng mga dayuhan sa lokal na industriya, at iba pa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Napili namin ang paksang ito bilang mga mag-aaral na mananaliksik sapagkat sa tingin namin ay isa itong asignaturang na kawili-wili at kapaki-pakinabang. Sa aming pananaliksik na gagawin ukol sa Turismo ay madadagdagan ang aming kaalaman ukol sa importansya nito sa ekonomiya at lipunan, at maibabahagi pa namin ito sa mga makakabas ng aming konseptong papel. Sa amin ding pananaliksik upang mapalawak ang aming paksa ay mapag-aaralan at maitatalakay din namin ang ganda ng Bansang Pilipinas na siyang pangunahing kinagigiliwan ng mga turista at ng mga lokal na mamamayan.

(8)

4 KABANATA 2

Ang pagsisimula ng Turismo sa bansang Pilipinas ay noon pang Panahon ng Kastila sa pagdating ni Ferdinand Magellan. Sa pagdaan ng panahon at pag-unlad ng transportasyon ay kasamang umusbong ang Turismo ng Pilipinas. Dahil na din sa kadahilanang matatagpuan ang Pilipinas sa Puso ng Asya ay naging patok ito sa mga dayuhan sa ibang bansa. Dati pa man ay naghahanap na ng oportunidad ang mga lokal na mamamayan upang makapaghanapbuhay, ilegal na nag-aalok ng mga pribadong pamamasyal ang mga Pilipino, pinaparentahan nila ang kanilang mga pribadong sasakyan at nagsisilbi bilang mga ‘tour guides’. Dati ay hinahayaan lamang ito ng gobyerno kahit labag sa batas. Dito din nabuo ang salitang ‘colorum’ na ang ibigsabihin ay ang ilegal na gawain ukol sa pamamasyal.

Walang isatistik rekords na makukuha ukol sa turismo noong bago pa magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagtatapos ng gyera ay nagsimulang maging mas organisado ang Turismo. Sa pagitan ng mga taong 1960’s hanggang 1970’s ay nakaranas ang Pilipinas ng eco-social crisis, bumagsak ang ekonomiya ng Turismo at muli lamang napaunlad noong pinatupad ang Martial Law. Sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos ay nabawasan ang pananakot mula sa mga terorista at ibang mamamayan, at natawag muling isang ligtas na lugar ang Pilipinas, lalo na ang Maynila na talagang kinagigiliwan di lamang ng mga dayuhan ngunit pati na rin ng mga lokal na mamamayan. Noong 1974, bumuo ang pamahalaan ng mga ahensyang mamamahala at kokontrol dito tulad ng ‘Philippine Tourist and Travel Association’ at ‘Board of Travel and Tourist Industry’. Kahit na ganito ay masasabi ng mga eksperto na normal lamang ang naging pag-unlad ng Pilipinas at hindi ito kagila-gilalas. Ang Departamento ng Turismo ay naorganisa sa pamamamgitan ng pagpapatupad ng Presidential Decree No. 1 noong 1972.

Isa sa mga nagpapatuloy ng positibong pag-unlad ay ang Domestikong Turismo. Ang Domestikong Turismo ay lumalaki ng 18% bawat taon (Ace Durano, Tourism Secretary, 2009) dahil na din sa patuloy na pagdating ng mga turista mula sa mga bansang katulad ng Amerika, Tsina, Russia, Japan at Pransya.

(9)

5 Talahanayan 1.1 – Bilang ng mga turistang dumating sa bansa noong mga taong 2008 at 2009 (sanggunian: www.dot.gov.ph)

Ang Pilipinas ay naranko bilang ika-81 sa mga pinaka-aktibo at kompetitiv na bansa sa Turismo noong taong 2008 ngunit sa pagdating ng 2009 ay naging ika-86 na lamang. Kinikilala din ang Pilipinas bilang pinakapopular na destinasyon ng mga dayuhang nais bumisita sa Asia Pacific. Narito ang iba pang naging kasalukuyang ranko ng Pilipinas na nakaaapekto sa nasabing industriya (World News, 2009):

 Ika-3 – Pinakakaunting kinakailangang papeles upang makapasok sa bansa.

 Ika-28 – Pinakabukas sa mga kasunduan sa mga serbisyong pang-ere.

 Ika-23 – Pinakamaraming World Heritage Sites.

 Ika-40 – Pinakamaraming kilalang hayop o specie.

 Ika-16 – Pinakamabababa at pinakakompetitibong presyo sa mga serbisyong iniaalay ng industriya ng Turismo.

 Ika-113 – Kaligtasan at Seguridad.

(10)

6 Ang sumusunod ang talaan ng bilang ng mga turistang dumayo sa Pilipinas noong mga nakaraang taon (Department of Tourism, 2009):

Tourism Statistics Year Foreign Tourists 1999 762,704 2000 869,665 2001 1,495,339 2002 2,106,468 2003 1,067,219 2004 1,285,623 2005 1,413,883 2006 1,993,364 2007 2,911,254 2008 2,944,135

* Excluding Filipinos from Abroad

Ang Turismo bilang isang pangunahing aktibidad sa ekonomiya ay mayroong 5% bahagi sa kabuuang gastusin ng mga konsyumer. Nagbibigay ito ng mapagkukunan ng kita, mga trabaho, mga pag-unlad at pagbabago sa mga imprastruktura at tumutulong sa pagsulong ng kabuhayan sa mga rehiyon. Mayroon tayong tinatawag na ‘mulitplier effect’, ito ay ang epekto ng pagkonsumo ng mga kostumer gamit ang kanilang mga pera. Ang pera na ipinambabayad bilang kapalit sa mga serbisyo o bilihin ay naipapasa-pasa at nagagamit ng iilang beses kaya mahirap maging sigurado kung anong porsyento ang naitutulong nito ukol sa pambansang kita.

Mayroong dalawang klase ng epekto ang Turismo; ang direkta at indirekta. Kasama sa mga direktang epekto ang pagdami pa ng mga pamumuhunan sa kalakal, pagdami ng trabaho at ng empleyadong mamamayan, at ang pagiging balanse ng ginagastos at binabayad ng bansa sa iba’t ibang aspektong internasyunal. Kasama naman sa mga indirektang epekto ang kita mula sa pagbabayad ng mga dayuhan para sa mga akomodasyon, pagkain, paglalakbay, pamamasyal, at iba pa dito sa ating bansa at ang iba pang pamumuhunan na nakukuha ng gobyerno mula sa mga dayuhan katulad ng buwis na makakatulong sa pagpapaunlad ng ibang sektor ng nasabing

(11)

7 industriya na nangangailangan ng mas malaking pokus sa kasalukuyan. Nababalanse din nito ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng eksport-import at patuloy na pagpasok ng pera mula sa ibang bansa.

Hindi lamang mga positibong epekto ang naidudulot ng Turismo. Ilang organisasyon na rin ang nagpalabas at nagprotesta ukol sa mga negatibong epekto nito. Isa na dito ay ang ginawa ng mga indibidwal at miyembro mula sa Peace for Life at ECOT, kataguyod ang National Council of Churches in the Philippines, CONTAK Philippines at IBON foundation noong taong 2008 bilang di-pagsang-ayon sa Tourism Act ng Administrasyon ng nakaraang Presidente na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi sila sang-ayon sa pagpapatakbo ng gobyerno sa Turismo. Naririto ang ilan sa kanilang mga inihaing dahilan (Peace for Life organization, 2008):

 Ang paggamit ng pambansang lupa at mga likas na yaman hindi para sa mga pilipino,

kundi para sa ikalalago ang mga negosyo ng mga dayuhan

 May parte at interes na kinukuha ang gobyerno mula sa kabuuang kinikita ng

pagkadami-daming ahensya, hotel, airport, at iba pang ahensya ng konektado sa industriya ng Turismo.

 Ginagawang priyoridad ang kalusugan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukas

sa kanila ng mga ospital na may mga pinakamagagandang pasilidad, at dahil dito at sa taas ng bayaran sa mga ospital na ito ay naipagdadamot ito sa karamihan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.

 Ang direktang pag-gamit ng kultura ng bansa bilang isa sa mga serbisyo ng Turismo ng

bansa.

 Ginagamit ang mga tradisyonal at kultural na pamumuhay/kaugalian ng mga

mamamayan o katutubo bilang atraksyon sa mga dayuhan, ngunit sa gawaing ito ay naaabala ang kanilang tahimik na pamumuhay at privacy.

 Patuloy na pagpapagawa ng mga imprastruktura nang hindi man lamang inaaalala ang

magiging epekto nito sa mga mamamayan na maaaring mawalan ng tirahan pati na rin ang kalagayan ng kalikasan.

 Paggamit sa imahe ng mga kababaihan upang hikayatin ang mga dayuhan at ang

pagbebenta ng aliw ng mga babaeng ito.

 Ginagawang mas malaki ang posibilidad ng pang-aabuso at pambabastos sa mga

kabataan.

Ang mga problema at balakid na siyang pumipigil sa pag-unlad ng Turismo ay kinabibilangan ng iba-ibang bagay. Una, ang terorismo, dahil na din sa di pagkakaunawaan sa mga mamamayan sa Mindanao at sa mga gyerang nagaganap ay nagdadalawang isip ang mga turista kung talaga nga bang ligtas ang magiging kalagayan nila sa pagbisita sa Pilipinas. Maihahalintulad ito sa kalagayan ng Turismo ng bansa bago mahalal si Pangulong Ferdinand Marcos at maipatupad ang Martial Law. Isang halimbawa na kasalukuyan lamang ay ang

(12)

8 nakakapagpabagabag na pangyayari kung saan nadamay ang mga dayuhan ay ang naganap na Hostage Taking noong nakaraang taon sa may Quirino Grandstand.

Pangalawa ay basura, polusyon at iba pang nakakapagpadumi sa paligid. Kilala ang ating bansa bilang isang maganda at kaakit-akit na lugar, ngunit dahil sa patuloy na pagdami pa ng basura na pakalat-kalat ay bumabaho at pumapangit ang itsura ng ating bansa sa paningin ng ibang dayuhan. Isama mo pa dito ang dami ng nagkalat na squatter area at dump sites.

Pangatlo ay ang kakulangan ng atensyon at pondo mula sa gobyerno upang lalo pang mapabuti ang turismo sa bansa. Sinasabing hindi ito sapat lalo na sa mga panahon ng kalamidad at krisis. May mga iilang programa ng Turismo na hindi napatupad katulad na lamang ng World Exposition 2002. Isa pang programa ay ang internasyunal na di nagtagumpay ay ang pangangampanyang ginawa ng Department of Tourism noong kakatapos pa lamang ng Quirino Bus Hostage Crisis. Maraming indibidwal, pati na mga mamamayang Pilipino, ang di sumang-ayon sa ginawang ito ng administrasyon sa gitna ng kaguluhan. Ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi ito naging matagumpay maliban sa maling panahon ay sa kadahilanang ang advertisement o logo ay nasa wikang Filipino samantalang nakadirekta ito sa mga dayuhan, isa pa ay ang halos pagiging parehas ng website URL ng pangangampanyang ito sa isang porn site. May mga nagsabi ding halos kapareho ng logo ng pangangampanyang ito ang logo ng Turismo sa bansang Poland.

Ika-apat ay ang pangit at maling imahe na ipinapakita ng mga internasyunal na broadcasting network (BBC, CNN, Aljazeera, etc.) tungkol sa Pilipinas. Dahil na din sa kadahilanang mas pinaniniwalaan ang mga ibinabalita dito ng karamihan ay hindi masyadong naeengganyo ang ibang bansang mamasyal sa Pilipinas. Karamihan ng mga turistang dumadayo sa bansa ay ang mga mamamayan ng mga kalapit na bansa ng Pilipinas at ibang pamilyar na sa kalagayan ng bansa tulad ng mga Amerikano at Pranses. Ang mga datos na ibinabalita ng mga internasyunal na network ay iyong mga nagdaan nang mga taon at hindi ang pangkasalukuyan. Madalas ding ipinapakita ang Pilipinas bilang isang mahirap na bansa na mabagal ang pag-unlad at puno ng terorista.

(13)

9 Panglima, at ang panghuli, ay ang negatibong tingin ng gobyerno at mga mamamayang Pilipino ukol sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Di makakailang mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, hindi lamang sa Turismo kundi sa ibang aspekto din. Maraming Pilipino ang nawalan na ng pag-asa at hinahayaan na lang ang mga bagay-bagay kung an ang kalagayan nito ngayon. Kilala na ang mga Pilipino sa ganitong klase ng pag-uugali o pag-iisip at madalas itong marinig bilang ‘Bahala na’ attitude.

(14)

10 KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang metodolohiyang ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagsusuri at paghahanap ng mga sangguniang libro at pahina mula sa internet na sigurado, wasto, malinaw at tama ang mga impormasyon nilalaman upang magsilbing gabay sa kanilang pagtugon sa layunin ng papel na ito.. Ginamit ng mga mananaliksik ang mga sangguniang libro at mga pahina mula sa internet upang mapagtibay ang mga impormasyon na kanilang ipinahayag sa Konspetong Papel na ito. Isinigurado at ipinagtibay ng mga mananaliksik na makatotohanan ang mga impormasyong kanilang nakita at nasuri sa pamamagitan ng pagkukumpara sa mga nilalaman ng kanilang mga sangguniang nakuha. Kinikilala ng mga mananaliksik ang mga awtor ng mga sangguniang libro at ang mga address ng pahina sa web sa bibliograpiya ng Konseptong Papel na ito.

TEKNIK

Paulit-ulit na binasa at binalikan ng mga mananaliksik ang mga kanilang mga sanggunian upang makasigurado sila na walang mali sa impormasyon kanilang ipahahayag. Sinuri nila ang bawat instrumentong pangaral na dumaan sa kanilang mga kamay at sinikap na maibigay ang pinaka-latest na datos at impormasyon ukol sa paksa.

(15)

11 KABANATA 4

LAGOM:

Ang mga sumusunod ang mga pangunahing natuklasan ng mga mananaliksik sa kanilang paghahanap ng sagot tugon sa mga katanungang inilahad sa layunin ng konseptong papel na ito.

a.) Ano ang progreso ng pag-unlad ng Turismo sa Pilipinas?

Napag-alaman ng mga mananaliksik ang pagsisimula ng Turismo sa bansang Pilipinas ay noong Panahon ng Kastila sa pagdating ni Ferdinand Magellan at patuloy itong umusbong kasabay ng pag-unlad ng mga moda ng transportasyon. Dati pa man ay kumikita na ang mga Pilipino sa katulad ng pagpaparenta nila sa kanilang mga pribadong sasakyan at pagsisilbi bilang mga ‘tour guides’. Dito nabuo ang salitang ‘colorum’ na ang ibigsabihin ay ang ilegal na gawain ukol sa pamamasyal/turismo. Sa pagitan ng mga taong 1960’s hanggang 1970’s ay nakaranas ang Pilipinas ng eco-social crisis, bumagsak ang ekonomiya ng Turismo at muli lamang napaunlad noong pinatupad ang Martial Law. Noong 1974, bumuo ang pamahalaan ng mga ahensyang mamamahala at kokontrol dito tulad ng ‘Philippine Tourist and Travel Association’ at ‘Board of Travel and Tourist Industry’. Ayon sa mga pag-aaral, ang Domestikong Turismo ay lumalaki ng 18% bawat taon (Ace Durano, Tourism Secretary, 2009) dahil na din sa patuloy na pagdating ng mga turista mula sa mga bansang katulad ng Amerika, Tsina, Russia, Japan at Pransya. Kasalukuyang rumaranko din ang Pilipinas sa iba’t ibang aspekto ukol sa Turismo ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World News (2009).

b.) Ano ang kontribusyon at kahalagahan ng Turismo sa Ekonomiya ng ating bansa?

Ang Turismo bilang isang pangunahing aktibidad sa ekonomiya ay mayroong 5% bahagi sa kabuuang gastusin ng mga konsyumer. Nagbibigay ito ng mapagkukunan ng kita, mga trabaho, mga pag-unlad at pagbabago sa mga imprastruktura at tumutulong sa pagsulong ng kabuhayan sa mga rehiyon. Mayroon tayong tinatawag na ‘mulitplier effect’, ito ay ang epekto ng pagkonsumo ng mga kostumer gamit ang

(16)

12 kanilang mga pera at ang pagpapalipat-lipat nito dahil sa patuloy na transaksyon. Mayroong dalawang klase ng epekto ang Turismo; ang direkta at indirekta. Kasama sa mga direktang epekto ang pagdami pa ng mga pamumuhunan sa kalakal, pagdami ng trabaho at ng empleyadong mamamayan, at ang pagiging balanse ng ginagastos at binabayad ng bansa sa iba’t ibang aspektong internasyunal. Kasama naman sa mga indirektang epekto ang kita mula sa pagbabayad ng mga dayuhan para sa mga akomodasyon, pagkain, paglalakbay, pamamasyal, buwis, at iba pa. Nababalanse din nito ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng eksport-import at patuloy na pagpasok ng pera mula sa ibang bansa. May naidudulot ding masamang epekto ang Turismo katulad na lamang ng pagkawala at pagkagamit ng lupa na dapat ay para sa mga Pilipino at ang pagkasira ng kalikasan dahil sa pagpapatayo ng mga imprastruktura.

c.) Ano ang mga problemang napagdaanan at kasalukuyang pinagdadaanan ng Turismo ng Pilipinas?

Ayon sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang mga problema at balakid na siyang pumipigil sa pag-unlad ng Turismo ay: una, ang terorismo, nagdadalawang isip ang mga turista kung talaga nga bang ligtas ang magiging kalagayan nila sa pagbisita sa Pilipinas. Pangalawa ay basura, polusyon at iba pang nakakapagpadumi sa paligid, dahil sa patuloy na pagdami pa ng basura na pakalat-kalat ay bumabaho at pumapangit ang itsura ng ating bansa sa paningin ng ibang dayuhan, kasama na dito ang madaming nagkalat na squatters area at dump sites lalo na sa kamaynilaan. Pangatlo ay ang kakulangan ng atensyon at pondo mula sa gobyerno/administrasyon upang lalo pang mapabuti ang turismo sa bansa, na madalas nagkukulang lalo na sa mga panahon ng kalamidad at krisis. Ika-apat ay ang pangit at maling imahe na ipinapakita ng mga internasyunal na broadcasting tungkol sa Pilipinas. Panglima, at ang panghuli, ay ang negatibong tingin ng gobyerno at mga mamamayang Pilipino ukol sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

(17)

13 KONGKLUSYON:

Sa katapusan ng konseptong papel na ito ay ipinagtitibay ng mga mananaliksik na ang industriya ng Turismo ay hindi lamang para sa gobyerno at malalaking kompanya, ngunit para din sa mga simpleng mamamayan tulad ng mga estudyante na maaaring naapektuhan ng nasabing industriya, direkta man o indirekta. Ang Turismo ay hindi lamang isang simpleng pagbisita o pagpunta sa ibang lugar, bagkus ay marami pa itong komponents at pag-aaral ding isinasagawa tungo sa pagpapabuti at pagpapaunlad nito na makatutulong hindi lamang para sa kalagayan at imahe ng bansa, bagkus ay para rin sa bawat indibidwal na naninirahan dito.

.

REKOMENDASYON:

Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa kanilang mga mambabasa na lalo pang pag-aralan ang mga kahalagahan ng Turismo at ang iba pang aspekto nito kahit na ito ay hindi nila pangunahing asignatura sa kanilang mga kurso sapagkat ito ay nagbibigay rin ng karagdagang kaalaman ukol sa kabuuang kalagayan ng Pilipinas at ang relasyon pa nito sa ibang bansa. Inihihikayat ng mga mananaliksik ang mga estudyante at ang iba pang mga makakabasa ng Konseptong Papel na ito na subukan ituon ang kanilang oras sa ganda ng Pilipinas na minsan nang pinag-agawan ng mga dayuhan upang lalo pang makilala ang kanilang lupang tinubuan. Maari nilang madiskubre ang iba’t ibang interesanteng kultura, pasyalan o panitikan na matatagpuan sa bawat rehiyon ng bansa.

(18)

14 TALASANGGUNIAN

MGA LIBRO

Alampay, Ramon Benedicto A. (editor). Sustainable Tourism: Challenges for the Philippines. Makati City: Philippine APEC Study Center Network, 2005

Cruz, Reil G. Principles of Travel and Tourism: Focus on the Philippines, Ver. 2. Quwzon City: Tourism Research Philippines, 2000.

Department of Tourism. Where Asia wears a smile. Manila: Department of Tourism, 1976 Cruz, Zenaida L. Tourism: An Introduction. Manila: Rex Book Store, 1982

Quesada, Francisco. The Mechanics and Economics of Tourism. Manila: Social Communication Center, c1976

MGA PAHINA MULA SA INTERNET

 http://wikisource.org/wiki/Saligang_Batas_ng_Pilipinas_(1987)#Artikulo_XII:_Pambans ang_Ekonomiya_at_Patrimonya  http://en.wikipedia.org/wiki/Tourism_in_the_Philippines  http://www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx  http://www.senate.gov.ph/republic_acts/ra%209593.pdf  http://www.rmnnews.com/beta/index.php/news/national/7537-panibagong-problema-sa-turismo-nakikita-ngayong-holiday-season  http://article.wn.com/view/2009/03/04/Philippines_rank_in_tourism/  http://www.rncos.com/Blog/2009/05/Domestic-Tourism-Boosting-Philippines-Tourism-Industry.html  http://www.peaceforlife.org/resources/liferesources/2008/08-1024-tourism_unitystt.html  http://countrystudies.us/philippines/57.htm  http://www.philippinestoday.net/index.php?module=fatcat&fatcat[user]=viewCategory& fatcat_id=4&module_title=article

(19)

15 APENDISES

(20)

16

Referensi

Dokumen terkait

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante ng ISHRM Dasmarinas, ninanais malaman ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang

Kaiba sa “bilinggwalismo” ng mga Pilipino na nakakiling sa Ingles, ang multilinggwalismo sa mga bansang nabanggit ay pangunahing nakasalig sa paggamit ng wikang

Bilang tugon sa mga pahayag na nabanggit, ang mga mananaliksik ay naglalayon na alamin kung ano nga ba ang epekto ng paglalaro ng Clash of Clans sa pag-aaral ng mga mag-aaral at nais

 Isang patunay na isang constituent tulad ng PP ay kung pwede itong ilipat bilang isang yunit sa ibang posisyon sa loob ng

pamahalaang lokal. Dapat seguruhin ng mga lalawigan ang mga lungsod at mga bayang nakapaloob sa mga ito, ng mga lungsod at mga bayan ang mga baranggay na nakapaloob sa mga ito,

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

Sa mga pinagbatayang teorya ng pag-aaral na ito, tiningnan ang antas ng kaalaman ng mga magulang sa pagbabasa ng mga anak sa tahanan at antas ng pakikisangkot ng magulang sa pagbabasa

Ipinapanukala naman ang babaylanismo bilang isang teoryang tutuon sa lakas ng kababaihan sa loob ng ekolohiya sa pamamagitan ng kaniyang pakikilahok sa mga ugnayan sa kapuwa, sa lipunan