• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pananaw Ng Mga Estudyante Sa Pagkakaroon Ng Homosekswal Na Guro Sa Unibersidad Ng San Luis Baguio City

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pananaw Ng Mga Estudyante Sa Pagkakaroon Ng Homosekswal Na Guro Sa Unibersidad Ng San Luis Baguio City"

Copied!
19
0
0

Teks penuh

(1)

“PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA PAGKAKAROON NG HOMOSEKSWAL NA GURO SA UNIBERSIDAD NG SAN LUIS BAGUIO

CITY”

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

A.Rasyunal

“Kung may isang bagay na hindi maaring ipagkait sa isang tao ito ay ang karapatang magtaglay ng kaalaman na maaring maghubog sa kanyang pagkatao.”

Likas na sa mga Pilipino ang pagbibigay halaga sa edukasyon. Ang edukasyon ay isang paraan kung saan pinapaunlad ang kaalaman at pagkatao ng isang indibidwal para maging handa sa kanyang kinabukasan. Ito ay hindi ipinagkakait kahit kanino man, bata man o matanda, mahirap o mayaman, may kapansanan o wala, at maging ang kasarian ay hindi pwedeng maging hadlang sa karapatan at kagustuhan na makapagkamit ng edukasyon na maaring niyang maipagmalaki. Ginawa ng diyos ang tao para alagaan ang mga nilikha niya, sinasabing ang tao ang pinakamataas na uri ng hayop na nilikha ng diyos dahil ginawa ito sa hugis at wangis niya. Gumawa siya ng dalawang kasarian: ang babae at lalake, upang magparami, maalagaan at mahalin ang gawa ng Diyos. Dumami ang mga tao at nakarating kahit sa pinakasulok na parte ng mundo. Habang tumatagal ay lalong nagiging matalino at malikhain ang mga tao. Nagawa nilang gumawa ng mga bagay gamit ang sariling mga kamay

▸ Baca selengkapnya: mga isyu sa kasarian at lipunan summary

(2)

at kakayahan, hanggang sa makagawa ng mga pambihirang imprastraktura. Nagkaroon ng mga panibagong pakikitungo sa realidad ng buhay. Nariyan ang siyensya na patuloy na humahanap ng mga makabagong solusyon sa mga problema ng tao. Edukasyon na naglilinang lalo sa kaalaman ng tao sa mundong kanyang tinitirahan at lalo na sa kaalaman ng tao sa diyos na lumikha sa kanila. Ang homosekswalidad ay tinatangap na nga lipunan samantalang ang pananaw ng isang indibidwal ay malaya naman dapat naipapahayag. Tila lumalabas ang salitang limitasyon sa tuwing napag-uusapan ang isyung ito. Ano nga ba ang dating sa publiko nang isang homosekswal na guro pagdating sa aspeto ng pagtuturo?

B.Pagpapahayag ng Suliranin

1) Ano ang homosekswalidad?

2) Ano ang pananaw ng limampung estudyante sa Unibersidad ng Saint Louis Baguio City sa pagkakaroon ng gurong homosekswal?

3) Ano ang mas ninanais ng isang estudyante na kasarian ng isang guro?

4) Anu-ano ang mabuti at masamang maidudulot ng isang homosekswal na guro sa pagaaral ng isang estudyante?

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

(3)

Ang pagsasaliksik na ito ay para sa pagkompleto ng mga kinakailangan sa kursong Filipino II. Layunin din ng mga mananaliksik ang malaman kung papaano nakakaapekto sa mga mag-aaral at sa mata ng mga tao ang pagiging homosekswal.

1) Upang malaman ang kahulugan ng homosekswalidad.

2) Upang malaman ang pananaw ng limampung estudyante sa Unibersidad ng Saint Louis Baguio City sa pagkakaroon ng gurong homosekswal.

3) Upang malaman ang magandang maidudulot ng isang homosekswal na guro sa pagaaral ng isang estudyante.

4) Upang malaman kung anong kasarian ng guro ang mas ninanais ng mga estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang pananaliksik na ito ay may malaking maiaambag sa mga estudyante dahil ito ay naglalayon na ipabatid sa kanila ang kakahayan ng mga homosekswal na guro at ang respeto na dapat nilang matamo. Malaki rin ang maitutulong nito sa mga kapwa guro at sa administrasyon sapagkat maari itong maging instrumento upang mabuksan ang kanilang isipan sa kahusayan at sa maari maibahagi ng mga homosekswal na guro sa institusyong kinabibilangan nila. Higait sa lahat malaki ang magiging epekto nito sa lipunan sapagkay maari itong maging paraan upag lubusang matanggap, respetuhin at magkaroon ng

(4)

pantay-pantay na pag-tingin sa pagkatao ng mga homosekswal. Ang pananaliksik na tulad nito ay tumutugon sa lipunan hindi dahil sa interesado ang mga mananaliksik sa mga bading at tomboy kundi para ipaalam sa ibang tao na hindi ibig sabihin na kapag bading o tomboy ang isang tao ay masama na ito. Gayundin ang mga positibong naidudulot ng mga bading sa lipunan ay mahalaga sa pananaliksik na ito.

D. Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral ng pananaw ng mga estudyante sa pagkakaroon ng homosekswal na guro sa Unibersidad ng San Luis sa Lungsod ng Baguio ay naglalayong malaman ang pananaw ng isang daan na estudyante ukol sa pagkakaroon ng homosekswal na guro at upang malaman ang maaaring maidulot ng pagkakaroon ng gurong homosekswal at ito ay inaasahang magbigay ng solusyon sa mga usaping pang-lipunan.

Paradaym

Figure 1. Makikita sa paradaym ang mga salik na maaring maidulot ng homosekswal na guro sa mga mag-aaral.

E.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pangongolekta ng mga datos sa pananaliksik na ito ay inililimita lamang sa loob ng Unibersidad ng Saint Louis Baguio City sa loob ng dalawang araw at ang pananaliksik na ito ay inaasahang matapos sa loob ng limang araw para sa pagpresenta at pag-analisa ng mga datos.

(5)

F. Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya

1) Edukasyon- isang paraan kung saan pinapalawak at pinapaunlad ang kaalaman at pagkatao ng isang indibidwalpara maging handa sa kanyang kinabukasan.

2) Homosekswalidad-ito ay inilalarawan bilang isang kondisyong saykosekswal na immaturidad na may katangiang pagkakaroon ng mas malakas na atraksyong sekswal sa isang taong mula sa kaparehong kasarian.

3) Kasarian- bayolohikal na klasipikasyon ng isang indibidwal. Ito ay ang lalake o babae.

4) Pananaw- opinyon o pagtingin sa isang bagay o indibidwal.

TSAPTER II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A.Literatura sa Ibang Bansa

Ayon sa pananaw ni Jean-Paul Sartre(1948) malimit mapansin ang sekswalidad sa Pilipinong komunidad. Ilang sentenaryo nang nakararaan, ang hindi pagkakapantay ng kalalakihan at kababaihan ang pinagtatalunan. Marami ng hakbang ang kinuha upang solusyunan ang diskriminasyon na pinatutungkulan ng isyu ng seksismo at ngayon, unti-unti na itong tinutugunan sa bansa. Subalit sa kasalukuyan, hindi pa man nabibigyan ng lubos na kasagutan ang mga suliranin sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, dumungaw sa eksena ang mga

(6)

bakla at tomboy o lalong mas kilala bilang homosekswal. Sa isang bansang umakma sa buhay ng iba’t ibang kultura lalo na sa konserbatibong turo na nagmula sa mga Kastila at sa liberal na pamamalakad ng mga Amerikano, isang matinding suliranin ang paghahanap ng “ikatlong” kasarian ng lugar sa lipunan. Bagamat sa kasalukuyan ay marami na sa ating mga kababayan at maging sa ibang bansa, ang tanggap na at may bukas na patingin hinggil sa mga homosekswal, hindi maikakaila na tampulan pa rin sila ng diskriminasyon at pagkutya. Lalo na sa mga gawaing sa tingin ng lipunan ay panglalaki o pangmacho, o di kaya’y pangbabae lamang. Mapatunayan man nila ang kanilang husay sa larangan na kanilang pinasukan, hindi maitatanggi na kalakip ng leybel na “bakla” o “tomboy” ang mababang pagtingin ng ilan.

Bakla at Tomboy sa Banyagang pananaw

Sa ibang bansa lalo na sa kanluran, ang homosekswalidad ay mailalarawan bilang kondisyon na saykosekswal na immaturidad na may katangian na mas malakas ang erotikong atraksyon para sa kaparehong kasarian bilang preferensyang sekswal. Ang isang kabataan ay hindi produkto ng likas at bayolohikal na pangangailangan subalit bunga siya ng makasaysayang kondisyon ng mga pangyayari sa pamilya at iba pang impluwensuyang sosyal na nagbibigay daan sa sekswal na posibilidad na umiral sa mga bata. Maaaring sabihin na kapag binago ang istruktura ng pamilya, ang ideya ng kamusmusan o ang papel ng magulang magkakaroon ng malalim ng epekto sa konstruksyon ng indibidwal na heterosekswal, homosekswal man, o iba pang kategoryang

(7)

pangsekswal. Ipinapakita dito na malaki ang papel ng karanasan ng bata sa paghubog ng kanyang sekswalidad. Kapag nagkaroon ng pagbabago sa kahit ano pa mang aspekto sa kanyang kinalakihan, magkakaroon pa rin ito ng epekto sa bata.

Batas laban sa homosekswalidad

Ilang sentenaryo na rin ang nakakaraan, makikita na ang mariing na pagtutol ng mga pinuno at ng lipunan sa mga “hindi natural” na relasyon lalo’t higit sa pagtatalik. Noong 1553, gumawa ang hari ng Inglatera ng kautusan na kaugnay sa eklesyastikal na kasulatan na nagsasaad na kung sino man ang magkakaroon ng relasyong sekswal na lalaki sa lalaki, babae sa babae, o tao sa hayop ay may kaparusahang kamatayan. Ito ay tinatawag na “buggery.” Jeffrey Weeks, Sex, Politics & Society: the regeneration of sexuality since 1800 (London:Longman, 1989).

B. Literatura sa Pilipinas

Bakla at Tomboy sa Perspektibong Pilipino

Sa modernong panahon masasabing mas bukas na ang mga Pilipino sa ideya ng homosekswalidad o ng kabaklaan. Isang patunay nito ang nagsulputang mga parlor sa iba’t ibang sulok ng bansa na halos dinodomina ng mga bakla. Ayon nga sa isang artikulo sa magasin, sinasabi nito na ang isang baryo o barangay sa Pilipinas ay di mawawalan ng kahit isang baklang manikurista, taga-ayos ng buhok o di kaya’y mananahi. May ilan pang mga

(8)

personalidad sa lipunan ang tinitingala at nirerespeto dahil sa mga angking galing at kontribusyon nila sa lipunan sa kabila ng kanilang sekswal na preperensya. Subalit di maikakailang sa kabila nito, mas nakararami ang mga taong bagamat tinotolera ang pagkakaroon ng homosekswal o bakla sa lipunan, ay hindi maalis ang mababang pagtingin at kung minsan pa nga’y pag-alipusta sa mga homosekswal. Ayon pa sa pag-aaral ni Neil Garcia sa kanyang aklat tungkol sa Philippine Gay Culture, kung ang pag-uusapan ay ang pagtanggap ng homosekswalidad sa lipunang Pilipino, mas mailalarawan ito kung gagamitin

ang salitang pagtotolera. Sapagkat para sa mga Pilipino, ayos lang ang magkaroon ng isang kaibigan, katrabaho, o kakilalang bakla o homosekswal subalit kung mangyaring kasapi na ito ng pamilya, kamag-anak, asawa, o anak, iba na ang usapan. Ang sabi nga, “ang ilang mga magulang ay mas pipiliin pang maging babaero at nananakit ng asawa ang kanilang anak na lalaki kaysa maging isang bakla”. Ito ang umiiral na pananaw ng karamihan sa mga Pilipino tungkol sa kabaklaan dahil sa kabila ng pagiging modernisado ng panahon, di maiaalis na malaki ang epekto sa ganitong pagtingin ng pagiging Kristyano o di Muslim. Ang relihiyon at ang malakas na pananampalataya ng mga Pilipino sa Maykapal ang syang nagdidikta sa tao kung paano ba dapat kumilos upang maging katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos at ng lipunan. Ito ang nagtatakda kung paano dapat kumilos at makitungo, ano ang tama at maling asal, ano ang dapat at ano ang hindi dapat gawin. Ayon nga kay R. Charles Aniceta, isang sikolohista, masasabing likas sa mga Pilipino ang maniwala sa isang pananampalataya. Aniya ito ay maaring makita na bago pa pumasok ang

(9)

Islam at Katolisismo sa bansa sa pamumuno ng mga babaylan ng Cebu at katalonan ng Katagalugan. Karaniwan na sa atin ang marinig ang mga katagang, “magpakababae ka!” o di kaya’y “para kang hindi lalaki”. Kung babae ka nakalakip ang konsepto ng pagiging mahinhin, pino at matiisin. Samantalang ang pagiging lalaki ay ang pagiging malakas, matapang at mahinahon. Sa ganitong pananaw, ang maiiwang katanungan ay: paano ang mga homosekswal o mga taong nabibilang sa ikatlong sekswalidad? Saan at paano ba sila dapat iklasipikang lipunan? Konserbatibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa kasarian kung kaya’t hindi masisisi kung may di pantay na pagtingin ang mga Pilipino sa kasalukuyan sa isyu ng homosekswalidad.

C.Pag-aaral sa Ibang Bansa

Pagsusuri sa Homosekswalidad sa pamamagitan ng Etika ng Eksistensyalismo ni Jean-Paul Sartre

Umuugat ang etika ng Eksistensyalismo ni Jean-Paul Sartre sa dalawang mahahalagang konsepto—ang absolute na kalayaan at ang kaakibat nitong responsibilidad. Marahil malilito ang ilan sa gawi ng pamimilosopo ni Satre sa ilaw ng etika. Ito ay maaring magmula sa tila taliwas na konsepto niya sa dalawang ideyang nabanggit na maoobserbahan sa kanyang mga akda. Nililinaw ng mga may akda na ang kontekstwal na kahulugan na gagamitin sa papel na ito ay nagmula sa sinasabing “unang Sartre,” ang pilosopiyang wala pang bahid ng Marxismo. Sa liwanag nito susuriin ng papel na ito ang homosekwalidad.

(10)

a. Absolute na kalayaan

Ang kalayaan ng tao, ayon kay Sartre, ay makikita sa paghubog ng kaniyang kakaniyahan gamit ang gawain ng kamalayan ng isang indibidwal. Ang pag-iral ng tao ay binubuo ng gawain ng kamalayan tulad ng sa paraan nito nang pagsang-ayon, agkukulang, o pagtanggi upang makabuo ng isang bagay o gawain. Gayundin, sa parehong paraan nabubuo ang sarili na binubuo naman ng ideal na estado o gawa. Sa ganitong salita, mapapansin na ang salitang ideal ang isa sa mahahalagang salita na nagsasaad ng pagiging subhektibo ng paraan sa paghubog ng sarili. Ito ay sa kadahilanan na ang pagiging ideal ay sumasangayon

sa persepyon ng bawat indibidwal. Dahil dito, nagiging personal ang pagtingin ng mga tao sa mga bagay-bagay. Sa pagbibigay ng pansin sa pakikitungo ng ilang komunidad sa mga taong nabibilang sa ”ikatlong kasarian,” makikita na hindi nawawala ang pagtuligsa sa mga gawi ng mga bakla at tomboy. Dahil dito, namamarkahan silang deviant o mga taong tumataliwas sa nakagawian at naitakda ng lipunan. Sa madaling salita, ang homosekwalidad ay hindi ideal sa ilang lipunan lalo na sa mga konserbatibong lipunan. Samantala, kung ang bawat tao ay may ideal na pananaw, ano naman kaya ang ideal sa mga homosekswal? Mahirap masagot ang katanungang ito sapagkat iba-iba rin ang pananaw kahit ng mga bakla at tomboy. Sinasabi ng

ilan na ang homosekswalidad ay maaari ring ipakita sa pagsusuot ng mga damit na nakasanayan nang isuot ng kaibang kasarian (opposite sex). Samantala, ang

(11)

ilan naman ay nagsasabi na hanggang kilos lang nila gusting ipahiwatig ang kanilang piniling kasarian. Gayunpaman, isa lang ang patutunguhan ng kanilang isipan: ”may konsepto ng homosekswalidad at sakop ako nito.” Napapakita nito na may pagtanggap sa ideya ng pagka-bakla o pagka-tomboy. Hindi man malinaw na naipapakita, mababanaag naman ang pagsagi ng homosekwalidad sa ideal na konsepto ng mga taong nabibilang sa ”ikatlong kasarian. ” Isa ring kaisipan na nakukuha sa pamimilosopo ni Sartre ay ang pagtanggi niya sa kaligiran ng tao o human nature. Dahil dito, maaari nang magawan ng katwiran ang homosekswalidad. Ang kaligiran ng tao ang pinagbabasehan ng argumentong tumututol sa homosekswalidad. Kung ang bagay na ito ay tatanggalin sa kaisipan ng mga tao, mawawalan na ng pag-uugatan ang problema ng sekswalidad. Marahil ang ganitong pag-iisip ng eksistensyalismo ay umaayon sa penomenolohiya ni Husserl. Ang pilosopiya niya ay nagsasabi na ang “tunay

na pilosopiya ay nararapat na umusbong at umayon sa tao, lalo’t higit sa perseptibong pag-iral ng mga bagay. Sa ganitong pananaw, maaari ngang maging kapani-paniwala ang konsepto ng kalayaan ng paghubog sa sarili ni Sartre.

b. Responsibilidad

Ang kalayaan ay isang kapangyarihan na humihingi ng nararapat na pagmamasid, ang responsibilidad. Dahil ang tao ang humuhubog sa kanyang kakaniyahan, nasa kanya ang responsibilidad upang magbigay ng depinisyon sa

(12)

pagiging tao niya. Ayon kay Sartre, “ang sarili ay ang kabuuan lamang ng estado at gawain ng isang tao.” Kung kaya, nakasalalay talaga sa kanyang kamay ang kabuuan ng kanyang sarili. Kung susundan ang lohikang ito, mabibigyan ng katwiran ang pagiging homosekswal. Kung ang tao ay aayon sa pag-iisip ni Sartre sa bagay na ito, marahil hindi na magiging isyu ang pagiging bakla o tomboy. Marahil magiging katanggap-tanggap na ang homosekswalidad sa mga kategorya ng kasarian.

c. Homosekswalidad sa ilaw ng responsibilidad at kalayaan ayon kay Sartre

Maaaring ikonsider na eksistensyalismo ang umiiral sa kaisipan ng mga homosekswal. Ito ay maaring masabi dahil sa patuloy nilang pagtuligsa sa kaisipan at gawaing itinakda ng lipunan. Nais nilang humiwalay sa mga nakagawian ng tao na may kinalaman sa sekswalidad. Kung aayon ang mga tumitingin sa mga homosekswal sa pilosopiya ni Sartre, walang makikitang pagkakamali sa mga sekswalidad mapalalaki, mapababae, mapabakla, o mapatomboy man. Ito ay dahil wala ng magtatakda sa kaligiran ng isang tao kundi ang kanyang sarili lamang. Isa rin sa mga sinabi ni Sartre bilang pagtuligsa sa saradong pag-iisip ng mga konserbatibo ay ang kanyang pahayag na nagsasabi na ang “ang tao ay tila mahilig kumiling sa bato na akala nila ay matatag kung kaya’t kahit may bagong bato silang makikita, kahit mas matatag ito sa nauna, mananatili pa rin sila sa kanilang inaakala.

(13)

Carlo Vergara sa paglikha ng Zsazsa Zaturnnah

Si Carlo Vergara ay isang graphic designer ay nagtapos ng Marketing sa De La Salle University noong 1990. Siya ay nagtrabaho sa isang corporate communication at public realations. Ilang taon din siyang nagpakitang gilas sa teatro at pagtuturo ng web design sa isang pamantasan. Sa ngayon fultaym na nagtatrabaho sa isang malaking publikasyon ng magazine dito sa Pilipinas. Sa edad na tatlumput apat at pagiging homosekswal ay nabigyang katuparan ang kanyang pangarap na maisalibro ang kanyang grafiksyon. Sa kanyang mga panayam, sinabi niyang ang paggawa ng isang superhero ay nanggaling sa ideya ni Darna. Pareho ni Ada na lumulunok ng bato si Narda, gayun lamang ay isang pagkalaki-laki at magaspang na bato ang kay Ada. Pareho rin ang pakikipaglaban sa mga nagnanais lupigin ang sangkatauhan. Si Darna,pareho ni Zsazsa, ngunit labis na pagkakaiba, bakla siya. Pinili ni Carlo na isulat sa Filipino ang akda dahil sa pagiging walang buhay ng mga pananalita kung ito ay isasabuhay sa wikang Ingles. Tinalakay niya na ang pagiging bakla ay pagiging tao rin. Sa Pilipinas, marahil itinuturing daw na ang mga bakla ay malambot sa pisikal, emosyonal at gayundin mahina. Pinansin niya ang stereotype na pagganap ng pagiging bakla sa industriya ng mass entertainment kung saan ay di kakikitaan ng mas malalaim na pagganap ang mga bakla dahil ito lang ang

pangkalahatang pagkilala sa

pagiging bakla. Nang tanangin kung gaano ang pagiging Carlo Vergara sa katauhan ni Zsazsa, sinagot niya ito na wala kay Zsazsa ang Carlo kundi na sa aklat. Zsazsa at ang kagilas-gilas na katauhan: Ada versus Zsazsa “Tulad ko.

(14)

Ilang taon ko nang iniisip kung bakit ako ganito. Kung bakit malambot ang galaw ko. Kung bakit matinis ang aking boses. Kung bakit hindi ako…normal.

Balde-baldeng luha na ang aking naiiyak

dahil dito. Nguni’t sa dulo, tinanggap ko na… BAKLA AKO.” Tulad ng isang tipikal na bakla at tombo sa tipikal na pamilya, sa tipikal na lugar, sa tipikal na panahon, sila ay may mga kakayahan din upang magturo. Marami na rin ang mga Pilipinong may taglay na husay sa iba’t- ibang aspeto lalo na sa edukasyon. Karaniwan na sa mga bakla at tomboyang makaramdam ng ganitong pangitain. Kawalan ng pagtanggap, takot upang ipagpatuloy ang nais.Sa mga karaniwang pagganap ng isang bakla at tomboy ay may makikitang pagtimpi at limitasyon ang ganitong tagpo. May takot parin ang mga Pilipino sa pagpapakita ng tunay na kulay ng isang bakla at tomboy marahil sa pagsunod sa canon ng paglikha. Ang idealismo na bumabalot sa bawat tumatangkilik, sa panulat man o pelikula ay di maiaalis sa bawat Pilipino. Taliwas ang mga akda na tulad ng ating tinatalakay at ang pelikulang `Broke Back Mountain’ ni Ang Lee at ang sariling atin na pelikulang nagtamo ng iba’t ibang parangal na `Maximo Oliveros’ kung saan ipinapakita ang tunay na pangyayari at personalidad ng isang tomboy o bakla. May mga lathalain narin na tulad ng `Ladlad’ ni Danton Remoto at isang maikling kuwento na tulad ng `Geyluv’. Kailan kaya matatanggap ng masang Pilipino ang tulad nila? Marami din naman silang tinataglay na kakayahan kung saan hindi kaya ng iba. Anuman ang pagtingin ng lipunan at relihiyon sa mga homosexual ay siya namang kasalungat ng aking pagtingin. Hindi kasi ako namimili ng aking magiging kaibigan. Ang mahalaga ay wala silang ginagawang

(15)

masama sa akin at sa iba. Ang ganito kong pagtingin sa mga homosexual ay positibong umunlad mula ng maging kasapi ako ng pambansa demokratikong organisasyon ng kabataang estudyante sa kampus. Sa loob ng organisasyon ay komprehensibong pinag-aaralan kung paanong pinagsasamantalahan ng kasalukuyang sistemang panlipunan ang mga demokratikong uri, kabilang na ang mga homosexual. May mga naging kakolektibo din ako na magkakarelasyong pares ng gay at lesbian. Sa loob ng rebolusyonaryong kilusan, hindi lang tanggap kundi lubusang kinikilala nito ang karapatan ng bawat homosexual, yung tinatawag na sexual preference. Kinikilala din ng kilusan ang mahalagang bahagi ng mga homosexual sa pangkabuuang pagpapalaya ng lipunan mula sa kahon ng pang-aapi at pagsasamantala. Itinuturing din ng kilusan ang mga homosexual na may pantay na karapatan sa mga babae at lalake.

TSAPTER III

METODOLOHIYA

A.Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng “Purposive Random Sampling” kung saan sila ay may makakasalubong silang estudyante sa loob ng Unibersidad ay maaari nilang pasagutin gamit ang talatanungan kung nanaisin nila.

(16)

Upang mas mapanindigan at mapatibay ang pagsasaliksik, ang mga mananaliksik ay magsasaad ng sarbey gamit ang talatanungan hindi direkta sa mga homosekswal na guro kundi sa mga mag-aaral at isasagawa ito sa loob lamang ng Unibersidad ng San Luis Lungsod ng Baguio. Mga piling mag-aaral na binubuo ng limampu (50) mula sa iba’t-ibang kolehiyo ang mga tatanungin.

C.Pangongolekta ng Datos

Upang lubusang maintindihan ng mga tagasagot ang konsepto ng pananaliksik na ito, sa itaas ng talatanungan ay may ilalagay na kaunting introduksyon. Ang mga napiling taga-sagot ay bibigyang tutok sa tanong tungkol sa kanilang pananaw tungo sa pagkakaroon ng homosekswal na guro. Pagkatapos ay itatala ang mga datos mula sa kanilang sagot sa mga tanong.

D.Pag-aanalisa sa mga Datos

Ang mga datos na makakalap mula sa mga kasagutan sa mga talatanungan ay itatala muna ayon sa Socio-Demographic Character, pangalawa ay itatala ang kanilang mga sagot sa pangalawang bahagi ng talatanungan at kukunin ang resulta gamit ang pagkuha ng porsyento upang mailagay sa isang pie grap.

TSAPTER IV

PAGLALAHAD NG RESULTA

(17)

Kasarian

Sa kabuuang limampu (50) na tagasagot, karamihan sa kanila ay babae. May tatlumpu’t anim (36) na babae na nagrerepresenta ng pitompu’t dalawang porsyento (72%), samantalang labing apat (14) o dalampu’t walong porsyento (28%) ang mga lalakeng tagasagot. Ito ay inilalarawan sa Table 1.

Table 1. Klasipikasyon ng Kasarian ng mga tagasagot.

Kasarian Bilang Porsyento

Lalake 14 28%

Babae 36 72%

Kabuuan 50 100

Pananaw ng limampung estudyante sa pagkakaroon ng homosekswal na guro sa Unibersidad ng San Luis Baguio City.

Bilang ng mga nagnanais at hindi nagnanais na magkaroon ng homosekswal na guro

Inilalarawan sa Figure 2 na karamihan ay nagnanais na magkaroon ng homosekswal na guro. Pitompu’t anim na porsyento (76%) ng mga tagasagot ang nagnanais na magkaroon ng homosekswal na guro at ang natitirang dalawampu’t walong porsyento (28%) ay para sa mga estudyanteng hindi nagnanais na muling magkaroon ng homosekswal na guro.

.

Figure 1Porsyente ng mga estudyante na nagnanais na muling magkaroon ng homosekswal na guro

(18)

TSAPTER V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A.Lagom

Ang pananaliksik ay isinagawa upangmalaman ang pananaw ng mga estudyante sa pagkakaroon ng homosekswal na guro. Ito aynaglalayon na malaman kung papaano nakakaapekto sa mga mag-aaral at sa mata ng mga tao ang pagiging homosekswal. Layunin din ng mga mananaliksik na malaman kung anong kasarian ng guro ang mas ninanais ng mga estudyante. Natuklasan na apat na pu’t anim (46) na porsyento ng mga mag-aaral ang nagnanais sa homosekswal na gulo dahil masayahin sila magturo. Tatlumpu’t anim (36) na porsyento naman sa kadahilanang sila ay kawili-wili, sampung (10) porsyento ng mga tagasagot ang nagsasabing sila ay mas magagalitin at walong (8) porsyento naman ang nagsasabing sila ay mas seryoso sa pag-tuturo.

B.Konklusyon

Base sa mga resultang inilahad, ang mga mananaliksik ay dumating sa konklusyon na:

Nais ng mga estudyante na magkaroon ng gurong homosekswal dahil sila ay mas masayahin. Madami silang naitutulong at nagagawa para sa mag-aaral. Dito ay nakikita ng isang estudyante ang isang motibasyon at nahihikayat siyang mag-aral ng mabuti. Hindi talaga maiiwasang may mga taong manlalait at

(19)

magbabato ng kritisimo sa mga homosekswal na guro. Pero kung titignan sila sa ibang pananaw, nagpapakita sila ng pagiging matatag.

C.Rekomendasyon

Base sa sa mga resultang inilahad, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod:

1.Ang mga homosekswal ay hindi mga salot, hindi sila iba, iba lang ang idinidikta ng lipunan. Dapat din natin silang tignan sa magandang pananaw, hindi puro kritisimo.

2.Ang mga homosekswal na guro ay may kakayahan at abilidad din sa pagturo, karamihan nga sa ganitong kasarian ay mga matatalino at talentado kaya’t inirerekomenda namin na sa tuwing may mga homosekswal na guro na nais magturo ay bigyan silang pansin at tyansa upang maipakita ang kanilang kakayahan.

Gambar

Table 1. Klasipikasyon ng Kasarian ng mga tagasagot.

Referensi

Dokumen terkait

Dito pa lang po ay matatatanto na natin kung gaano ang paghahangad niya na ito ay malathala dahil alam po niyang ito ang susi para sa isang mapayapang paraan ng pagkakamit

•  Ito’y isang tulang pasalaysay na kung saan Ito’y isang tulang pasalaysay na kung saan malaking bahagi ng tula ay base sa. malaking bahagi ng tula ay base

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

estudyante na hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin, bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip

Ang ekspositori ay isang anyo ng diskursong nagpapaliwanag. Anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman

Ayon sa mga T'boli, ang pista ng Lem-lunay ay nag-ugat sa kanilang paniniwala sa pagkakaroon ng isang Lem-lunay, isang paraiso noong panahon ng kanilang ninuno na nais nilang

Natukoy sa Talahanayan 4 ang ranggo ng mga negatibong dulot ng paggamit ng animated videos sa pagtuturo ng panitikan, lumabas na nanguna rito ang hindi lahat ng guro ay maalam sa

Sa hilaga ay matatagpuan ang ilog ng Santa Maria kung saan inihihiwalay nito ang Hacienda de Lolomboy sa hacienda ng Pandi; sa timog naman ay ang ilog ng Marilao na naghihiwalay sa