• Tidak ada hasil yang ditemukan

1890 Ang mga hacienda ay mga malalawak na lupain na

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2023

Membagikan "1890 Ang mga hacienda ay mga malalawak na lupain na"

Copied!
62
0
0

Teks penuh

(1)

44

Ikalawang Kabanata

Pagkakatatag at Paglawak ng Hacienda de Lolomboy, 1642 - 1890

Ang mga hacienda ay mga malalawak na lupain na naging pag-aari ng mga ordeng relihiyoso ilang taon matapos nilang makarating sa Pilipinas, kasabay ng kanilang gampanin na palaganapin ang Kristiyanismo. Ayon kay Rolando de la Rosa, ang mga unang ordeng relihiyoso na dumating sa Pilipinas ay ang mga Agustino na kasama ni Legaspi noong 1565 sa Cebu, at sa Maynila noong 1571. Mula rito ay ay nakapagtatag ng matibay na pundasyon ang mga Agustino sa kanilang mga misyon sa Cebu, Negros, Panay, ilang bahagi ng Luzon, Pampanga at Ilocos sa pamamagitan ng mga karagdagang misyonero na dumating noong mga taong 1566, 1569, 1570 at 1571.1 Sumunod sa mga misyonerong Agustino na ipinadala sa Pilipinas ay ang mga Pransiskano na umalis sa Espanya noong 1576 at dumating sa Pilipins noong 1577.

Ayon kay Lorenzo Perez, ang mga Pransiskano ay ipinadala sa Pilipinas batay na rin sa kahilingan ni haring Felipe II upang tulungan ang mga Agustino sa mga gawaing Kristiyanisasyon sa mga katutubong Pilipino. Noong una ay nag–alangan pa ang mga Pransiskano, na orihinal na ipadadala sana sa mga Isla ng Solomon, sa pagpapadala sa kanila sa bagong tuklas na Pilipinas ngunit sila ay pumayag na rin dahil sa suporta ni

1 Rolando V. de la Rosa, Beginnings of the Filipino Dominicans (Manila: UST Publishing House: Manila, 2014), 58 – 59.

(2)

45

haring Felipe II.2 Mayroong labing–limang Pransiskano ang nakarating sa Pilipinas at naitalaga sa mga ito ang mga misyon sa Luzon at Bikol na naunang iniwan ng mga Agustino. Mayroong tatlong Heswita at dalawang Dominikano naman ang dumating sa Pilipinas noong 1581 kasabay ang ilan pang tulong misyonerong Pransiskano at Agustino. Ang mga Heswita ay naitalaga sa silangang bahagi ng Maynila at mga lalawigan ng Cavite, Batangas at Laguna. Sa panig naman ng mga Dominikano, isa sa dalawang dumating ay si Domingo de Salazar na naitalagang unang Obispo ng Maynila noong 1579, at ang ibang misyonero na dumating noong 1586 ay unang naitalaga sa Bataan at Pangasinan ngunit may mga nanatili pa rin sa Maynila kung saan nagtayo sila ng mga ospital sa Binondo at Parian, at mga kolehiyo noong 1611 at 1620 (Santo Tomas at San Juan de Letran). Panghuli sa mga unang misyonero ay ang mga Recoletos na dumating sa Pilipinas noong 1606. Sila ay naitalaga naman sa ibang bahagi pa ng Bataan, Zambales, Mindoro, Romblon, Simara, Tablas, Sibuyan, Masbate, Burias, Ticao, at Palawan.3

Ang pagdating ng mga ordeng relihiyoso sa Pilipinas ay hindi nangangahulugan na kaagad silang nakapag–ari ng mga lupain na naging hacienda. Ito ay sa kadahilanan na ang mga lupain sa Pilipinas na naging pag-aari ng mga Espanyol ay nagsimula nang mabigyan ng mga lupang gantimpala ang mga conquistadores at hindi ang mga ordeng

2 Lorenzo Perez, Origen De Las Misiones Franciscanas En El Extremo Oiente (Madrid:

Imprenta de G. Lopez del Horno, 1918), 8 – 13.

3 De la Rosa, Beginnings of the Filipino Dominicans, 59 – 65.

(3)

46

relihiyoso. May iba’t ibang uri ng lupang iginawad sa mga Espanyol batay na rin sa lawak ng lupain: una ang sitio de ganado mayor na may lawak na isang libo, pitong- daan at apatnapu’t dalawang hektarya; ikalawa ay ang sitio ganado menor na may sukat na pitong–daan, pitumpu’t apat na hektarya; at ang huli ay tinawag na caballerias na may lawak na apatnapu’t dalawang hektarya.4 Mula sa mga lupaing ito ay umusbong ang mga estancia na tinatayang nasa tatlumpu’t apat ang bilang noong 1612.5 Ang mga estancia ay unti–unting ibinenta dahil na rin sa hindi maayos na pamamahala ng mga ito.

Dahilan din ang maliit na populasyong Espanyol na kumukonsumo ng karneng baka, pagbagsak ng produksyon, at ang pagnanais na pumunta sa Maynila sa pagsisimula ng 1690.6 Isa pa sa naging dahilan ng pagbitiw ng mga Espanyol sa mga estancia ay ang kaunting populasyong Espanyol sa Pilipinas. Ang mga Espanyol ang pangunahing kumokonsumo ng karne mula sa baka, at dahil hindi gaanong mataas ang kanilang populasyon sa Pilipinas ay hindi gaanong malaki ang kita mula sa mga ito.7 Ang mga Heswita at Agustino ang mga naunang orden na nagmay-ari ng mga haciendang

4 Dennis Roth, “Church Lands in the Agrarian History of the Tagalog Region”, inedit ni Alfred McCoy, Philippine Social History: Global Trade and Local Transformation (Honolulu: University Press of Hawaii, 1982), 134.

5 Ibid

6 Ayon sa paglalarawan ni Jaime Veneracion, ang mga “estancias” ay mga lupang iginawad sa mga Espanyol na tumulong sa panahon ng kolonisasyon ng Pilipinas. Ito ay kabilang sa tatlong

pamamaraan na ipinatupad sa Pilipinas upang mas mapamahalaan ang mga Pilipino. Ang mga estancia ay ginawang pastulan ng mga at rantso sa kadahilanang walang mga nakatira rito, hindi katulad ng mga lugar sa tabing – dagat at sa ibang bahagi ng kapatagan na may mga komunidad nang umiiral bago pa ang kolonisasyon. – Jaime Veneracion, Philippine Agriculture During the Spanish Regime, 87 - 89

7 Jaime Veneracion, Philippine Agriculure During the Spanish Regime (Quezon City: University of the Philippines – Diliman, 2001), 97.

(4)

47

ipinagbili o kaya ay ibinigay ng mga Espanyol na unang may–ari ng mga ito sa Cebu noong mga huling taon ng ika–16 na siglo at sinundan lamang ng iba pang mga orden sa mga sumunod na taon sa iba’t ibang lalawigan.8 Ang pinakatanyag na dahilan ng mga ordeng relihiyoso sa kanilang pagbili ng mga hacienda ay upang matustusan ang kanilang mga gastusin sa pagpapadala ng mga ordeng relihiyoso mula sa Espanya papuntang Pilipinas upang makatulong sa misyon. Ang mga haciendang pag-aari ng mga ordeng relihiyoso ay unti–unting lumawak dahil na rin sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng pagbili mismo ng mga ito mula sa mga indibidwal na may-ari, pagkakaloob sa simbahan ng mga lupa bilang uri ng mga donasyon mula sa mga mamamayan, Espanyol man o Pilipino, at ang huli ay ang paggawad sa mga ordeng relihiyoso ng mga lupang ito bilang mga gantimpala sa kanilang pagtulong na mapasailalim ang mga pamayanan sa hari ng Espanya. Sa pamamagitan ng mga hacienda na hawak ng mga ordeng relihiyoso, mas napamahalaan nila ang mga mamamayan, lalo na ang mga nahikayat na magtrabaho sa mga lupaing ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ang mga hacienda na pinamahalaan ng mga ordeng relihiyoso sa Pilipinas ay lumawak sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ang mga hacienda ng Dampol, Malinta, Muntinlupa, Mandaluyong, Pasay, Maysapa, San Francisco de Malabon ay ilan lamang sa mga hacienda na pag-aaring mga Agustino. Ang orden naman ng mga Dominikano ay namahala ng mga hacienda sa Pandi, Lolomboy, San Pedro Tunasan, Biñan, Santa

8 Roth, Friar Estates, 40 – 43.

(5)

48

Rosa, Calamba, Navotas, Santa Cruz de Malabon at Naic. Ang mga haciendang ito ng mga orden ng Agustino at Dominikano ay mapapansin na mas marami at mas malawak kung ihahambing sa mga hacienda ng mga Heswita at mga Recoletos. Sa panig ng mga Heswita, nariyan ang mga hacienda ng Mayjaligue, Marikina, Santa Ana, at San Pedro de Macati. Samantalang pinamahalaan naman ng mga Recoletos ang mga hacienda ng Tunasancillo, Imus at Naic.9

Nagamit ng mga ordeng relihiyoso ang mga hacienda upang mapalawak hindi lamang ang kanilang gampanin sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo dahil ito rin ay nagpapakita ng pagkakaroon ng malawak na kapangyarihan ng mga ito sa mga mamamayan na umaasa sa mga haciendang ito.10 Sa kadahilanang pinamahalaan ng mga ordeng relihiyoso ang iba’t ibang aspekto sa lipunan sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Espanya, ang kanilang kapangyarihan ay lalong lumawak at lumakas sa pagdaan pa ng mga panahon na animo’y ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas ay nagmistula rin na pamahalaan na pinalalakad ng mga ordeng relihiyoso. Bukod sa mga imprastruktura tulad ng mga kalsada, tulay, at mga bunbon para sa irigasyon ay maitututring na umunlad din ang paraan ng agrikultura sa pagdating ng mga ordeng

9 Ibid, 98.

10 Sa mga ordeng relihiyoso na dumating sa Pilipinas, ang mga Pransiskano ay hindi nagmay-ari ng mga lupa dahil na rin sa kanilang panata: kahirapan, pagsunod, at kalinisang-puri at ang pag-aari ng lupa ay maaaring ituring na pagkakaroon ng ari-arian na lagpas sa karaniwang kakayahan ng isang indibidwal.

(6)

49

relihiyoso sa Pilipinas dahil sa pagpapakilala nila ng mga bagong paraan ng pagsasaka, patubig at mga kagamitang pang-agrikultura.11

Mga Hacienda sa Bulacan

Ang lalawigan ng Bulakan ay isang matandang pamayanan na kung maituturing.12 Bago pa man dumating ang panahon ng pananakop ng bansang Espanya sa Pilipinas ay mayroon nang mga naninirahan dito. Bukod dito ay kilala rin ang lalawigan ng Bulakan sa mga kamangha–manghang lugar at mga produktong napoprodyus ng mga komunidad. Kung pag-uusapan ang heograpikal na aspekto ng lalawigan, ito ay maaaring hatiin sa tatlo ayon kay Jaime Veneracion: ang kabundukan ng Sierra Madre sa silangan, ang kapatagan ng gitnang Luzon sa gitnang bahagi, at ang Look ng Maynila sa bandang timog at kanluran.13 Ang mga heograpikal na katangiang ito ay naging kanlungan ng magkakaibang kapaligirang kultural, at naging mga pundasyon na sa panahong historikal hanggang sa kasalukuyang panahon. Kaalinsabay ng paglawak ng mga hacienda sa Bulacan ay unti-unti rin na hinawan ang mga gubat at iba pang mga lupa ng lalawigan upang maging mga pataniman na nagbigay daan din sa pagbabagong anyo ng kapaligirang nakasanayan na ng ating mga ninuno.14

11 Rene Escalante, The American Friar Lands Policy: Its Framers, Context, and Beneficiaries, 1898 – 1916 (Manila: De La Salle University Press, Inc., 2002), 15.

12 Jaime Veneracion, Kasaysayn ng Bulakan (Cologne, Alemanya: BAKAS, 1986).

13 Veneracion, “Bulakan, 1763 – 1875”, 13.

14 Ibid, 17.

(7)

50

Kung susuriin, ang lalawigan ng Bulacan ay isa sa mga katatagpuan ng mga hacienda na pag-aari ng mga ordeng relihiyoso dahil na rin sa mga estancia na ipinagkaloob sa mga sundalong Espanyol na bahagi ng lalawigan. Ngunit bilang paglilinaw, hindi lahat ng mga hacienda o mga bahagi nito na naitatag ay mula sa mga estancia at lupa na pag-aari lamang ng mga Espanyol. Ayon kay Roth, may mga lupain na naging bahagi ng mga hacienda na mula sa mga Pilipinong principalia na nakapagkamit din ng mga lupa bilang mga inapo ng mga datu bago pa dumating ang mga Espanyol.15 Ito ay katunayan din na ang mga lupaing pag-aari ng mga principalia ay maaari rin na ibinenta o hindi kaya ay kusang-loob na ibinigay sa mga ordeng relihiyoso. Ang mga lupaing hacienda ay naging pag-aari ng mga ordeng relihiyoso sa parehong kadahilanan na nabanggit sa naunang talata. Ilan sa mga kilalang hacienda na naitatag sa Bulacan sa ilalim ng mga ordeng relihiyoso ay ang Hacienda ng Buenavista na sumasakop sa kasalukuyang mga bayan ng San Ildefonso at San Rafael. Ang Hacienda de Buenavista ay orihinal na pinagsamang mga estancia na ginawad sa mga indibidwal sa panahon ng pamumuno ni Gobernador-Heneral Gomez Perez Dasmariñas na naging pag-aari ng Orden Hospitalaria de San Juan de Dios. Ang haciendang ito ay lumawak dahil na rin sa pagbibigay ng lupa sa orden bilang uri ng donasyon.16 Mula naman sa Hacienda de San Juan de Buenavista sa lalawigan ng Morong ay umusbong ang isang nagsariling hacienda na dating bahagi nito, ang Hacienda de Malinta na

15 Roth, Friar Estates, 42.

16 Veneracion, “Bulakan, 1763 – 1875”, 18 – 19.

(8)

51

matatagpuan sa bayan ng Polo, kasalukuyang lungsod ng Valenzuela. Batay sa ulat ng Philippine Commission, ang hacienda ng Malinta ay tinatayang may sukat na tatlong libo apat na daan at dalawampu’t apat (3,424) na hektarya ng lupain. Sa kadahilanan na ang San Juan de Buenavista ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga Agustino, ang hacienda sa Malinta ay naging pag-aari rin ng nasabing orden sa pagpapatibay ng titulo noong 1893.17 Sumunod sa mga hacienda na matatagpuan sa Bulacan ay ang Hacienda ng Dampol na naging pag-aari ng mga Agustino na matatagpuan sa kasalukuyang bayan ng Plaridel (Quingua) at may sukat na pitong daan at pitumpu’t pitong (777) hektarya.

Ang hacienda ng Dampol ay unang naitala na pag-aari ni Donya Micaela Perez de Tagle at naibenta sa pamamagitan ng isang subasta kay Donya Vicenta Garcia noong Agosto 14, 1820. Ang pag-aari ng hacienda ng Dampol ay napunta sa mga Agustino nang ito ay muling isubasta at bilhin ni Fray Gregorio Rodriguez noong Enero 17, 1834. Bahagi rin ng hacienda ng Dampol ang Hacienda de San Marcos sa Calumpit (may sukat na tatlumpu’t pitong hektarya) at Hacienda de Matamo na matatagpuan din sa Quingua (may sukat na 4 na hektarya) na naitala bilang hiwalay na mga hacienda noong 1891.18 Sa pagsapit ng ikalawang dekada ng ika-19 na siglo, mayroong isang hacienda na mabilis ding lumawak at umunlad sa bayan ng Marilao sa ilalim ng pag-aari ng Monasteryo ng Santa Clara na ipinangalan din sa monasteryo. Ang mga lupaing pag-aari

17 Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report of the Philippine Commission (Washington:

Government Printing Office, 1905), 769.

18 Ibid, 770.

(9)

52

ng monasteryo ay may lawak na humigit-kumulang sa 410 na hektarya.19 Bagamat nabanggit sa naunang talata na unang nagkaroon ng mga hacienda ang mga Agustino at Heswita sa karamihan ng mga lalawigan sa Pilipinas, sa lalawigan ng Bulacan ay hindi naging ganito ang sitwasyon, bagkus ang mga Dominikano ang nauna sa pamamagitan ng Hacienda de Lolomboy.

Ang Pagsisimula ng Isang Hacienda sa Bayan ng Bocaue

Ang bayan ng Bocaue ay isa sa mga unang visita ng parokya ng Meycauayan nang ito ay naitatag noong 1578-1579.20 Ang Parokya ng San Francisco ng Asisi ay itinatag ng mga Pransiskanong sina Fray Juan de Plasencia at Fray Diego Oropesa na kinabibilangan ng Obando, Polo, Marilao, Bocaue, at San Jose del Monte. Hindi nagtagal ay naitatag bilang mga bagong parokya ang mga visita na ito dahil na rin sa patuloy na tumataas na bilang ng mga parokyano nito. Sa tala ni de Huerta, ang parokya ng Bocaue, sa ilalim ng patron na si San Martin ng Tours, ay naitatag noong taong 1606 sa ilalim ni Fr. Pedro de los Santos na isang Pransiskano.21

Ang Lolomboy ay naging bahagi ng misyon ng mga Pransiskano bilang isang maliit na pamayanan bago pa maihawalay ang Bocaue sa Meycauayan na siyang

19 Veneracion, “Bulakan, 1763 – 1875”, 22.

20 Dionisio at Alcaraz, Bocaue, 4.

21 Felix de Huerta, Estado Geografico, Topografico, Estadistico, Historico – Religioso, De La Santa y Apostolica Provincia de S. Gregorio Magno (Binondo: Imprenta de M. Sanchez y C., 1865), 80 – 81.

(10)

53

nakakasakop dito. Mula sa parokya ng San Pransisko ng Asisi ay narating ng mga Pransiskano ang mga karatig na lugar nito sa pamamagitan ng pagsakay sa bangka dahil ang mga ilog nito ay konektado sa isa’t isa. Ang pangalang “Lolomboy” mula sa puno ng Duhat o Lomboy / Lumboy (Syzigium cumini) na marami sa lugar. Isa ito sa magpapatunay na ang mga pangalan ng lugar sa Pilipinas ay ibinatay din sa mga halaman o puno na yumayabong sa mga ito.22 Bilang pagkilala sa komunidad na natagpuan sa lugar, “Lolomboy” na rin ang ginamit na pangalan ng baryo at sa baryo rin na ito ay nakapagtatag ng isang hacienda na isinunod din naman sa pangalan ng baryo.23 Ang ilog ng Bocaue ang siyang naging daan ng mga Dominikano upang marating ang lugar na ito noong 1642.

Batay sa aklat ni Alfredo German, taong 1642 sa pamamagitan ng pagbaybay sa ilog ay narating ng mga Dominikano ang bayan ng Bocaue upang maghanap ng lupain kung saan maaari silang magtayo ng isang seminaryo na hindi nalalayo sa Maynila. Ang mga Dominikano na dumating sa bayan ay napadpad sa Lolomboy, isang malawak na lupain na may maliit lamang na populasyon. Noong una ay nais magpatayo ng seminaryo ng mga Dominikano sa lugar na ito, ngunit ang layuning ito ay napalitan dahil na rin sa pagbabago ng kanilang mithiin at isip. Ang orihinal na planong magtayo

22 Historical Data Papers, The History of Lolomboy, National Library of the Philippines, p. 13 (https://nlpdl.nlp.gov.ph/HD01/p10/m4/b7/lgujpg.htm)

23 Manuel Buzeta, Diccionario Geografico, Estadistico, Historico De Las Islas Filipinas (Madrid: Imprenta de D. Jose C. de la Peña,1850), 306.

(11)

54

ng isang seminaryo sa Lolomboy ay napalitan ng pagbuo ng isang hacienda, at ang gusali na kanilang ipinatayo upang maging seminaryo ay naging isang “casa hacienda”.24 Sa mga taong 1642 at 1647, ang mga Dominikano ay nagkaroon ng karagdagang mga hacienda sa mga pamamagitan ng mga donasyon at pagbili sa mga ito, kabilang na rito ang Hacienda de Lolomboy mula sa donasyon ni Maria Garcia na isa sa mga kababaihan na nagbigay ng lupa na nabanggit ni Fernandez.25 Katulad ng ibang mga hacienda na naitatag sa Luzon, ang hacienda ng mga Dominikano sa Lolomboy ay maituturing na may malaking bahagi na rin sa gawaing pang-simbahan gayundin sa pagpapanatili ng misyon ng mga Dominikano at hindi lamang nagsilbing suporta sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga produktong nagmula rito. Ito ay alinsunod na rin sa kanilang pahayag noong 1640 patungkol sa pag-aari ng mga hacienda. Ang kasunod na sipi ay pahayag ng mga Dominikano batay sa Consejos Provinciales sa kanilang pakikibahagi sa pag-aari ng mga hacienda sa Pilipinas:

Ang mga asyenda ay lilinangin at pagbubutihin upang maihatid ang mga miyembro ng orden mula sa Espanya patungong Pilipinas. Ang mga asyenda na ito ay sasailalim sa pangangalaga ng Rektor ng ating Kolehiyo ng Santo Tomas na siyang magkakaroon ng libro ng mga resibo ng mga pondong ito. Gagastusin lamang ng tagapamahala ang pera para sa layuning maghatid ng mga relihiyoso mula sa Espanya, at walang ibang layunin, dahil ito lamang ang pagkakataon kung saan ang ating provincia ay pinahihintulutan na magkaroon ng mga temporal na pag-aari at kita. Hindi niya gagamitin ang anumang sobra para sa anumang bagay, anuman ang mga benepisyo sa provincia, dahil hindi namin nais na magkaroon ng

24 German, Ang Bukawe Noon, Ngayon at Bukas, 76.

25 Pablo Fernandez, Dominicos Donde Nace El Sol: Historia de la Provincia Del Santisimo Rosario de Filipinas de la Orden de Predicadores (Manila: Provincia de Dominicos Convento de Santo Tomas, 1958), 257.

(12)

55

mga ari-arian, ngunit upang tulungan lamang ang korona sa pagdadala ng mga miyembro ng aming orden.26

Ang Hacienda de Lolomboy ay unti-unting lumawak at sa casa nito ay nagbabayad din ng buwis ang mga magsasaka. Sa pagkakatatag ng hacienda sa Lolomboy ay naisama ito sa mga listahan ng pag-aari ng mga Dominikano kabilang na ang mga hacienda na matatagpuan sa Maynila, Laguna at Cavite.27 Ang mga hacienda ay kabilang sa mga lupain na pag-aaring mga Dominikano, bukod pa ang mga unibersidad, kolehiyo at beaterio; Santo Tomas, Letran, Santa Catalina.

Ang kasaysayan ng pagkakabuo at paglawak ng mga hacienda sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol ay madalas na iniuugnay na mula sa mga encomienda. Bagamat ang sistema ng encomienda ay maituturing na simula ng pagpapakilala ng pag-aari ng lupa sa pamamagitan ng paggawad ng “titulo”, ito ay hindi maaaring gamitin na batayan na siyang pinagmulan ng mga lupang sakop ng hacienda sapagkat magkaiba ang sistema ng encomienda at hacienda. Bilang paglilinaw, ang sistema ng encomienda ay hindi isang uri ng lupang iginawad sa mga conquistadores bilang gantimpala bagkus isang paraan ng pamamalakad, na itinalaga ng hari ng Espanya o gobernador-heneral, na ipinatupad sa Pilipinas upang mas maayos na mapamahalaan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbubuwis sa mga mamamayan

26 Roth, Friar Estates, 44.

27 Manrique Lallave, Los Frailes en Filipinas (Madrid: Imprenta de S. Antonio Garcia: 1872), 73.

(13)

56

sa ilalim ng isang encomendero.28 Samakatuwid, ang sistemang encomienda ay maaaring maituring na sangay din ng pamamahala ng Espanya sa mga Pilipino at hindi paraan ng pagpapalawak at pag-aari ng lupa hindi katulad ng mga hacienda gayundin ang mga suliranin na iniugnay sa mga ito. Sa isang artikulo ni Cunningham, kaniyang isinalaysay na ang mga lupaing nasasakupan ng mga hacienda na pag-aari ng mga ordeng relihiyoso sa Pilipinas ay nagsimulang imbestigahan noong 1687 ng mga opisyal ng kaharian ng Espanya. Ito ay bunga ng mga natanggap na ulat ng pamahalaang Espanya sa Madrid noong mga huling bahagi ng ika-17 siglo tungkol sa pang-aabuso at pagmamalabis, kasabay na rin ang pag-aakusa sa mga ordeng relihiyoso ng pangangamkam ng mga lupa na hindi naman nararapat sa kanila.29 Isang kautusan ang inilabas noong 1687 na nagtakda sa Audiencia sa Pilipinas na imbestigahan ang mga lupang pag-aari ng mga ordeng relihiyoso, kabilang ang pamamaraan ng pag- aari, katibayan ng pag-aari, at halaga ng mga ari–arian. Ang pag-imbestiga na ito ay naglalayon na patunayan ng mga orden ng ordeng relihiyoso na ang mga bahagi ng lupa na kanilang inaari at pinamamahalaan ay kanilang nakuha sa legal na pamamaraan bukod sa mga lupain na iginawad ng kaharian sa kanila. Ang pag-iimbestiga ay sinimulan noong 1695, at ayon sa kautusan, alin mang bahagi ng lupa na pinamamahalaan ng mga ordeng relihiyoso na hindi mapapatunayan na nakamit sa legal

28 Luciano Santiago, “The Filipino Indios Encomenderos,”Philippine Quarterly of Culture and Society Vol. 18 (1990) : 162 - 164.

29 Cunningham, “Origin of the Friar Land Questions in the Philippines,” 466 - 467.

(14)

57

na pamamaraan ay mapupunta sa pamamahala ng kaharian ng Espanya.30 Ang imbestigasyon sa mga lupaing ito ay magtatagal ng ilang dekada hanggang 1851 kung saan iginawad ng kaharian ng Espanya sa mga orden ang kasiguraduhan na ang mga lupain ay kanilang pamahalaan at pag- aari. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik na ito ay maaari nating suriin ang kasaysayan ng Hacienda de Lolomboy kasama ang pagpapatibay ng pagkakatitulo sa ilalim ng mga Dominikano.

Orihinal na tinawag ang hacienda na “Hacienda de Lolomboy y Pandi” sapagkat noong una ay nasa ilalim ito ng isang pamamahala lamang at ang Pandi ay naitalaga bilang estancia ng hacienda at bunga ng pinagsama-samang mga lupaing pag-aari ng mga Dominikano sa Bulacan.31 Kung susuriin ang mga tala na may kaugnayan sa Pandi, na kalaunan ay tinawag na Hacienda ng Santa Maria de Pandi, ang pagkakatatag nito ay nakapaloob sa pagkakatatag ng Hacienda de Lolomboy batay na rin sa inilabas na desisyon ni Juan de Ozaeta at Pedro Calderon Enriquez. Ang Hacienda ng Santa Maria de Pandi ay unang naitala na may hiwalay na pagkakakilanlan noong 1769, at karamihan ng nagparehistro para sa mga lupang nasasakupan ng hacienda ng Pandi ay binubuo ng mga Mestizo de sangley. Ang pagdami ng mga mestiso na umuupa sa hacienda ay ikinagalit ng mga lokal na mamamayan kung kaya’t inireklamo nila ito.32

30Vicente de Salazar, “Dominican Missions”,sa Blair and Robertson, Philippine Islands, Vol. 42, 26.

31 Bureau of Insular Affairs, Annual Report of the Directory of Lands, 798.

32 Roth, Friar Estates, 128 – 129.

(15)

58

Ang pangyayaring ito ay ang naging simula ng pagkakaroon ng hiwalay na pagkakakilanlan at rehistro ng Hacienda de Lolomboy at Pandi. Hindi nagtagal ay naitatag na rin ang bayan ng Santa Maria kasunod ng unti-unting pagkakaroon ng mga mestisong Intsik sa lugar noong mga nooong 1793 ng mga Pransiskano.

Ang pagpatibay ng titulo sa mga nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy y Pandi na nagsimula noong 1695 ay bunga ng kahilingan ng Audiencia dahil sa mga natanggap na pagmamalabis umano ng mga ordeng relihiyoso sa pagsakop ng mga lupang hacienda. Batay sa akda ni Cunningham, ang pag-iimbestiga ni Juan de Sierra Osorio ay itinuring ng mga ordeng relihiyoso sa Pilipinas na pagtapak sa iginawad na kapangyarihan at karapatan sa kanila ng Santo Papa, kung kaya’t siya ay tinuligsa rin ng mga ordeng relihiyoso at inakusahan ng hindi makatarungan na pagbibintang laban sa mga ordeng relihiyoso.33 Nagkaroon pa ng pagkakataon na itinuring ang mga ordeng relihiyoso na siyang responsible sa patuloy na kaguluhan sa mga Pilipinas at pagsuway sa karapatan ng kaharian na panghimasukan ang kanilang mga gawain lalo na sa mga usapin sa lupa sa kabila ng mga hinaing ng mga mamamayan tungkol dito. Matapos ang tatlong taon na pagsisiyasat ni Juan de Sierra Osorio ay nagdulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng simbahan at ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.34 Sa pag-alis ni Juan de Sierra Osorio ay ipinagpatuloy ni Juan de Ozaeta ang pagtugon sa

33 Cunningham, “Origin of the Friar Land Questions in the Philippines,” 468 – 469

34 Ibid, 471 – 472.

(16)

59

isyu sa mga lupain na pinamamahalaan ng mga ordeng relihiyoso, at kaniyang binalewala ang mga naunang pagsisiyasat ni Juan de Sierra Osorio at naglabas ng panibagong kahilingan sa mga ordeng relihiyoso ng mga katibayan o titulo sa mga lupain na kanilang pinamamahalaan.35 Sa kadahilanang kinakailangan maglabas din ng pagtatantya ng sukat ng mga lupaing nabanggit ay nagbigay din ng mga sukat ng lupa na nasasakupan ang resulta ng imbestigasyon sa mga ito. Ang pagkakatatag at pagkakakilanlan ng Hacienda de Lolomboy ay unang nabanggit sa pagsisiyasat na isinagawa ni Juan de Ozaeta noong 1699. Ang mga katibayan o titulo ng mga hacienda na pag-aari ng mga Dominikano ay kanilang isinumite kay Ozaeta, kabilang na rin ang katibayan ng pamamahala para sa Kolehiyo ng Santo Tomas. Ang desisyon ni Ozaeta ay isa sa mga iilan na dokumentong magpapatunay kung paano nagsimula ang pagkakatatag ng Hacienda de Lolomboy sapagkat nakasaad dito ang mga transaksyon na may kinalaman sa nasasakupan ng hacienda.36 Sa kadahilanan na si Juan de Ozaeta ang ipinadalang kinatawan ng hari ng Espanya upang imbestigahan ang mga isyu sa lupaing pagmamay-ari ng mga ordeng relihiyoso ay nagsagawa rin ng imbestigasyon sa iba pang mga lupain na pinamamahalaan ng mga ordeng relihiyoso noon maliban sa Hacienda de Lolomboy na tampok sa pagsasaliksik na ito. Ang imbestigasyon at desisyon sa pag- aari ng mga lupaing pinamahalaan ng mga ordeng relihiyoso ay maaaring ibatay sa

35 Si Juan de Ozaeta ay dumating sa Pilipinas noong ika – 16 ng Disyembre taong 1691 bilang isang visitador.

36 Ang desisyon na inilabas ni Ozaeta ay makikita sa ulat ni Calderon Enriquez na nasa apendise ng pagsasaliksik na ito.

(17)

60

dalawang ulat na inilabas noong panahon ng mga Espanyol. Ang una ay noong 1699 mula kay Ozaeta at ang ikalawa ay noong 1754 na mula naman kay Enriquez. Ang dalawang ulat na ito ay siya ring ginamit ng mga Amerikano noong 1904 sa kanilang Report of the Philippine Commission.37

Ang Hacienda de Lolomboy ay binubuo ng mga pinagsama-samang nasasakupang lupa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan, at isa sa mga naging bahagi sa isinagawang imbestigasyon sa mga pag-aaring lupa ng mga ordeng relihiyoso. Sa bisa ng inilabas na desisyon ni Juan de Ozaeta, batay imbestigasyon na isigawa sa mga lupain na pag-aari ng mga ordeng relihiyoso noong 1699, iginawad ang dalawang estancias na kinabibilangan ng Bocaue kina Diego de Castro at Martin dela Rea noong 1577 at 1601 bilang mga gantimpala sa pagtulong sa kolonisasyon sa pamamagitan nina Gobernador Francisco Tello at Francisco Sande.38 Sa paglipas ng panahon, ang pag-aari ng mga lupain ay naipasa hanggang sa umabot sa biyuda ni Juan Gomez na si Maria Garcia, na siya namang nagbigay ng lupa sa mga Dominikano na bahagi ng kaniyang huling testamento bilang isang uri ng donasyon.39 Sa kadahilanan na ang lupaing ibinigay sa mga Dominikano ay orihinal na nagmula bilang gantimpala sa

37 Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report of the Philippine Commission, 797.

38 Sangguniin ang Apendise A sa pahina 204-216. Ito ay nagpapakita ng ulat mula sa pagsisiyasat ni Juan de Ozaeta ng pagbibigay ni Maria Garcia ng lupaing estancia sa mga Dominikano bilang donasyon. Naglalaman din ito ng pahayag patungkol sa ibang estancia na matatagpuan sa Bocaue, Marilao, Meycauayan at Polo.

39 Dionisio at Alcaraz, Bocaue, 13- 14.

(18)

61

mga Espanyol, maituturing ang donasyong lupa mula kay Maria Garcia na hindi kabilang sa mga lupaing mula sa mga Pilipinong principalia. Ang katibayan ng donasyon na ibinigay ni Maria Garcia sa mga Dominikano ay naitala sa “Sobre las haciendas de Calamba, Sta. Rosa, Lolomboy y otras: obras de riego y otras reformas;

pleytos con los inquilinos, etc.” na inilabas noong 1885.40 Ang pahayag na ito ni Juan de Ozaeta ay pagpapatibay din ng mga nasasakupan ng iba pang hacienda bilang resulta ng pagsisiyasat sa mga ito :

Sa pagpapatibay ni Don Juan de Ozaeta at ng konseho…ang mga lupain ng Lolomboy na naipamana kay Juan Gomes at sa kaniyang asawa na si Maria Garcia. Ang estancia ng Lolomboy , kasama ang ibang bahagi ng lupa, ay ipinagkatiwala sa Kolehiyo ng Santo Tomas sa pamamagitan ni Maria Garcia.41

Ang nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy ay lumawak dahil na rin sa iba’t ibang mga transaksyon na isinagawa ng mga Dominikano sa mga mamamayan, gayundin ang pakikipagkasundo sa ibang orden tulad ng mga Agustino. Sa pamamagitan ng isang pahayag ni Juez Calderon Enriquez na ibinatay din sa imbestigasyon ni Juan de Ozaeta at mga naisumiteng dokumento, ang Provincia del Santisimo Rosario ng mga Dominikano ang siyang nagmamay-ari ng lahat ng lupaing nasasakop ng Hacienda de Lolomboy at Pandi matapos itama ang naunang ulat ni Juan

40 Folletos, “Sobre la haciendas de Calamba, Sta. Rosa, Lolomboy y otras: obras de riego y otras reformas; pleytos con los inquilinos, etc.” 1885, fs 1-2, Archivo de la Universidad de Santo Tomas, University of Santo Tomas, Manila. Tinukoy dito ang lupa na pag-aari ni Maria Garcia bilang isa

“estancia”.

41 Ibid

(19)

62

de Ozaeta noong 1699. Ang kabuuang sukat ng Hacienda de Lolomboy kasama ang Pandi ay 3,024,574 brazas o katumbas ng 5,051,038.58 na metro sa kasalukuyan.42

Ang Hangganan at Iba pang Bahagi ng Hacienda de Lolomboy

Ang lawak ng Hacienda de Lolomboy ay humahanggan sa mga bayan ng Bocaue, Santa Maria, Marilao, at San Jose sa lalawigan ng Bulacan. Sa hilaga ay matatagpuan ang ilog ng Santa Maria kung saan inihihiwalay nito ang Hacienda de Lolomboy sa hacienda ng Pandi; sa timog naman ay ang ilog ng Marilao na naghihiwalay sa malawak na lupain ng Santa Clara na pagmamay-ari ng mga mongha;

sa silangan naman ay mga lupang nasa pag-aari ng mga mamayan; at sa kanluran ay ang ilog ng Bocaue.43 Sa umpisa ay hindi ganito kalawak ang nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy, ngunit dahil na rin sa patuloy na pagbili ng lupa ng mga Dominikano malaking bahagi ng lupain ang naidagdag dito, kasama na ang mga nasa karatig na bayan. Sa ulat na isinagawa ng Philippine Commission noong 1904, ang lawak ng Hacienda de Lolomboy lamang ay umabot sa humigit-kumulang na 4, 344 na hektarya.44 Karagdagan pa sa mga nasasakupan nito ang lupa na tinatawag na “Toro”

(ipinagpapalagay na kasalukayang baryo ng Turo sa Bocaue) at ilang bahagi ng lupa sa

42 Braza = isang yunit ng haba sa ilang mga bansang nagsasalita ng Espanyol, na kumakatawan sa abot ng mga nakabukang braso, opisyal na 5.48 U.S. ft. (1.67 m) sa Espanya (mula sa Collins

Dictionary)

43 Dionisio at Alcaraz, Bocaue, 10.

44 Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report of the Philippine Commission, 797 – 798.

(20)

63

Polo, na ngayon ay Valenzuela. Ang mga ito ay tatalakayin sa susunod na bahagi ng pananaliksik na ito, pati na rin ang kanilang naging kahalagahan sa hacienda.

Ang ulat ni Juan de Ozaeta ay ginamit din sa inilabas na pahayag ni Pedro Calderon Enriquez noong 1754. Dito ay nakasaad na ang nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy ay magsisimula sa “casa” na matatagpuan mismo sa nasabing hacienda.45 Pagdating sa Marilao, ang hangganan ng hacienda ay matatagpuan sa lupaing nasasakupan ng Monasteryo ng Santa Clara sa Marilao.46 Kung susuriin ang tala sa ulat ng Philippine Commission noong 1904, ang hacienda ay umaabot pa sa ibang mga kabayanan sa Bulacan at ang nagsisilbing hangganan ng mga ito ay ang mga ilog at estero na matatagpuan sa mga bayan ng Santa Maria, Polo, Quingua (na siya ring naghihiwalay sa Hacienda Buenavista), San Jose del Monte, at Bigaa. Ang paglalarawan na ito ng Philippine Commission noong 1904 sa mga hangganan ng Hacienda de Lolomboy ay ibinatay din sa ulat ni Ozaeta:

Sa desisyon na inilabas noong Marso, 6, 1754, idineklara na ang titulo at mga dokumento na inihain ng mga Dominikano ay tunay at legal, na ang mga Hacienda de Lolomboy at Pandi ay binili at ipinangalan sa mga Dominikano…Ito ay pinatunayan din naman ni Calderon Enriquez noong ika-8 ng Hulyo 1754 at inilahad ang mga hangganan sa mga sumusunod:

“Mula sa lupa na kinatatayuan ng isang bahay na yari sa bato at bubong na tisa ay nagsisimula ang Hacienda de Lolomboy at sinusundan ang hangganan sa ilog at

45 Ang “casa hacienda” ay isang istruktura na makikita sa isang hacienda. Dito nilalagak ang ilan sa mga nagiging ani ng hacienda at nagsisilbing tanggapan ng namamahala ng hacienda para sa mga bisita at mismong tagapamahala, – Escalante, The American Friar Lands Policy, 18

46 Ang hacienda na ito ay ang sumasakop ngayon sa barangay ng Abangan Norte sa bayan ng Marilao

(21)

64

estero ng Bocaue sa bakawan ng Bocaue sa may bahagi ng sitio Botabota kung saan magsisimula rin ang lupaing pangsaka ng hacienda. Isang monumento ang itinayo na nagsilbing palatandaan naman sa paghihiwalay ng hacienda at sa lupain na pag-aari ng Monasteryo ng Santa Clara sa Marilao. Mula rito, ang linya ng hangganan ay babagtas sa mga taniman patungo sa direksyon ng ilog ng Marilao na matatagpuan sa silangan ang bahagi rin ng Monasteryo ng Santa Clara at sa kanluran naman ang lupaing nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy. Mula sa ilog ng Bocaue ay babagtas ang hangganan sa tinatawag na latian ng “Bahum Magulang” sa Marilao, at magmula rito ay tatagos sa mismong ilog ng Marilao.

Sa pamamagitan ng mga estero ay nagkaroon ng mga hangganan sa Marilao ang hacienda at ito ay tatagos sa San Jose Del Monte at sa bayan ng Santa Maria.

Mula sa Santa Maria, na bahagi ng estancia ng Pandi, ay maitatalaga ang hangganan sa ilog ng Polo sa bahagi ng tinatawag na “Centinela” at sa sapa ng Tala. Ang ilog ng Polo sa kasalukyang panahon ay ipinagpapalagay na tinatawag na mga ilog ng Balasing at Caypombo ng Santa Maria kung saan ito ay dumadaloy mula sa barangay ng Patag ng hanggang barangay ng Siling Matanda at Silangan ng Pandi sa kasalukuyang panahon, at dumadaloy din hanggang sa Angat sa kabilang dako na tinatawag na Casay. Sa nasabing estancia rin ay maisasama sa nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy ang ilang bahagi ng Quingua (Plaridel) at Bigaa (Balagtas) na ang mga hangganan ay sa sapa ng Manatal at Salitral. Ang ilog sa pagitan ng Pandi at ng Quingua ang siyang nagsisilbing hangganan ng hacienda sa Pandi at ng isa pang hacienda na tinatawag na Buenavista. Isa pa sa nakahiwalay na bahagi ng hacienda ay ang lupain na nasa pamamahala rin ng Monasteryo ng Santa Clara ng Marilao ngunit nasa bahagi naman ng hangganan ng Santa Maria at Bigaa (Balagtas) at nasa ilalim ng pangalan ng pamilya Altamirano.47

Mahalagang banggitin ang impormasyon ukol sa iba’t ibang saklaw ng Hacienda de Lolomboy. Una na rito ang lupain na tinatawag na “Toro”. Ang lupaing ito ay pag- aari ni Maria Jaque de los Rios at ipinamana sa kaniyang mga anak sa bisa na rin ng kaniyang huling testamento bago mamatay noong 1706. Matapos ang ilang taon, ang kaniyang anak na si Ignacio Cavallo ay humiling na ibenta ang mga bahagi ng luapin at sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng subastahan kung saan nabili ito ng mga

47 Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report of the Philippine Commission, Washington:

Government Prtinting Office (Washington: Government Printing Office, 1905), 799 – 801.

(22)

65

Dominikano. Noong Enero 28, 1710, nabili ang lupain ni Padre Juan Matheos sa halagang 1,505 na piso sa ilalim na rin ng korporasyon ng mga Dominikano na pinagtibay naman noong Marso 5, 1710 sa bisa na rin ng nilagdaang sulat ni Padre Matheos na may petsang Marso 7, 1710.48 Ang bahaging ito ng hacienda ay nakadagdag sa kabuuang sukat dahil ito ay may lawak na humigit kumulang 59 hektarya.49 Isa pa sa mga naidagdag na bahagi ng Hacienda de Lolomboy ay ang mga lupa sa Pasolo, Malanday at Lingahan sa Polo, Bulacan at Meycauayan na may kabuuang sukat na 227 na hektarya kapag pinagsama-sama at halos katabi lamang ng Hacienda ng Malinta na pinamamahalaan ng mga Agustino. Ang kasaysayan ng pagiging bahagi ng mga lupaing ito sa ilalim ng Hacienda de Lolomboy ay nagdulot ng kalituhan sa kung kanino ba talaga ipinagkaloob ang mga lupain. Ang mga lupang nabanggit ay orihinal na pag-aari ni Diego de Leon na kaniya namang ipinamana sa kaniyang mga anak na sina Ana at Agustina. Ito naman ay naipamana kay Maria Pulido, apo ni Diego de Leon at asawa ni Kapitan Lucas Manzano. Ang kawalan ng titulo ng mga lupain ang nagbigay ng suliranin kung kanino ba ito nakapangalan kung kaya noong Marso 1699, ang mga ito ay ibinigay sa pamamahala ng Espanya. Isa sa mga naisamang pangalan sa mga nagmamay-ari ng mga lupaing ito at ang Beaterio de Santa Catalina de Sena na orihinal umanong ibinigay bilang donasyon sa nasabing beaterio ni Maria Pulido. 50 Ang mga

48 Ibid, 797 at 802.

49 Dionisio at Alcaraz, Bocaue, 11.

50 Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report, 802 – 803.

(23)

66

bayang malapit sa dagat at latian katulad ng Obando ay nagkakaroon ng mga gawaing pagtatanim sa bahaging ito ng hacienda sa kadahilanan na ang lupa sa nasabing bayan ay hindi angkop sa pagtatanim dahil sa tubig alat na nakapaligid dito.51

Sa pamamagitan ng talahanayan blg. 1 sa ibaba ay maibubuod ang mga lupa na naging bahagi ng Hacienda de Lolomboy sa pag uumpisa nito, kasama na ang mga orihinal na may-ari nito, paano ito nakamit at ang lawak ng lupa na naisama sa mga ito.

Talahanayan Blg. 1. Tala ng Paglawak ng nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy, 1600’s-1736

51 Veneracion, Bulakan, 1763 – 1875, 23.

Bahagi (Lugar) Pinagmulang May - ari

Paraan ng Pagkakasama sa

Hacienda

Taon Lawak

Lolomboy Maria Garcia Donasyon Mga unang taon ng 1600s (pinagtibay ni Ozaeta noong

1699 at Enriquez noong 1745)

Humigit kumulang

4, 344 na hektarya

Toro “Turo” Ignacio Cavallo

Binili sa halgang 1, 505

na piso

1710 60 hektarya

Polo (Pasolo e Isla)

Beaterio de Sta. Catalina

Donasyon 1736 80 hektarya

Malanday y Lingahan

Lucas Manzano de

Ochoa

Donasyon 1736 147 na

hektarya

(24)

67

Sanggunian: Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report of the Philippine Commission, Washington: Government Prtinting Office, 802-803.

Maaari ring ibatay ang paglawak ng Hacienda de Lolomboy sa pamamagitan ng mga mapang iginuhit na magpapakita ng mga hangganan ng mga kabayanan sa Bulacan.

Sa pag-aaral ng kasaysayan, maituturing ang mga mapa bilang mga pangunahing batis.

Ang mga mapang iginuhit noong panahon ng mga Espanyol ay ginagamit din na batayan sa pag-aaral lalo na sa pag-iral ng mga pangalan ng lugar, ang panahon ng pag- iral, at ang lawak ng mga ito. Ang mga Mapa Blg. 1 sa ibaba ay magsasalaysay ng pagkilala sa Lolomboy bilang bahagi ng bayan ng Bocaue.

Pagtatayang Kabuuang Sukat 4, 630 na

hektarya

(25)

68

Mapa Blg. 1. Mapa ng Marilao, “El Pueblo de Marilao”

Sanggunian: Mapa del Teritorio de Bulacan, 16.11.2.3.4., Mapas, Plano y Dibujos, National Archives of the Philippines

(26)

69

Ang mapang nasa itaas, Mapa Blg. 1, ay nagpapakita ng nasasakupan ng bayan ng Marilao, bahagi ng Santa Maria, at katimugang bahagi ng Bocaue. Mula sa mapang ito ay mas nakita ang pagbibigay larawan sa Lolomboy dahil katabi lang nito ang bayan ng Marilao kung ihahambing sa kabayanan ng Bocaue na nakakasakop sa Lolomboy.

Kung susuriin ang mapa, makikita rito na ibinahagi ang mga hangganan o dibisyon nito sa dalawa pang karatig na bayan, ang Bocaue at ang Santa Maria, na siya ring bubuo sa maaaring tawagin na “triyanggulong” lupain ng Hacienda de Lolomboy. “Triyanggulo”

sapagkat ang nasasakupan ng hacienda mula sa Casa nito sa Lolomboy, nasasakupan sa Marilao, at sa Santa Maria ay ang pangunahing nasasakupan ng hacienda. Ang mga ilog ang siyang nagsilbing mga hangganan ng mga magkakatabing bayan at ito rin ay makikita sa mapa. Sa kaso ng Hacienda de Lolomboy, ginamit din ang mga esterong ito upang magkaroon ng mga palatandaan ang hacienda kahit mismo sa bayan na kinabibilangan nito. 52 Ang mga palatandaan sa mapa na nakapalibot sa Lolomboy ay ang baryo ng Abangan, lupang nasasakupan ng Monasteryo ng Sta. Clara na matatagpuan sa bayan ng Marilao, ang ilog ng Bocaue, at ang kalsada ng Bocaue.

Bukod dito, makikita rin sa mapa ang mga palatandaan sa mga katabing bayan at kapansin pansin na sa bayan ng Bocaue ay may sariling palatandaan ang Lolomboy at ito ay may guhit ng animo’y bahay at may bakod. Ang guhit na ito ay kumakatawan sa

“Casa Hacienda” ng Lolomboy, na siyang simbolo ng sentro ng hacienda sapagkat ito ang nagsilbing tanggapan ng mga Dominikano na namamahala sa hacienda para sa mga

52 Yldefonso de Aragon, Descripcion Geografica y Topografica de la Ysla de Luzon o Nueva Castilla (Madrid: Imprenta de D. Manuel Menije, 1819), 19.

(27)

70

nagbabayad ng buwis.53 Mula sa mapang ito ay makikita rin ang naging bahagi ng Hacienda de Lolomboy sa bayan ng Marilao sapagkat may mga bahagi ng bayan na nasa pamamahala rin ng mga Dominikano. Sa katunayan, isa sa mga kilalang puntahan sa bayan ng Marilao sa kasalukuyan ang may mahalagang koneksyon sa hacienda. Ang lugar na ito ay ipinangalan na rin sa barangay na kung tawagin ay “Prinza” sapagkat dito matatagpuan ang isang bunbon o dam na ipinatayo para sa irigasyon ng hacienda. Ang bunbon ng Prinza (Prenza) ay sinimulang itayo noong pamamahala ni Fray Gascon noong mga taon na namamalagi rin siya sa Hacienda de Lolomboy.54 Bagamat isang bunbon ang ipinatayo noong 1693 upang magbigay ng irigasyon sa mga Hacienda de Lolomboy at Santa Clara ng Marilao ay hindi maaaring ituring ito na bahagi ng Hacienda, ngunit bukod na lupain na pag-aari rin ng mga Dominikano.

53 German, Ang Bukawe Noon, Ngayon at Bukas, 76.

54 Hilario Ocio, Reseña Biografica De Los Religiosos De La Provincia Del santisimo Rosario de Filipinas (Manila: Colegio de Santo Tomas, 1891), 193.

(28)

71

Mapa Blg. 2. Mapang Hangganan ng Marilao, Bocaue, at Santa Maria Iginuhit ni Fernando de Herrera

Sanggunian: Jose de Herrera, Plano de la Provincia de Bulacan Año 1818 (National Library of the Philippines, Tekno Aklatan)

https://nlpdl.nlp.gov.ph/CG02/M01/jpg/NLP00CG0000000021.jpg

(29)

72

Ang Mapa Blg. 2 ay bahagi ng mapa na iginuhit ni Fernando de Herrera na nagpapakita naman ng mga bayan sa Bulacan at ang mga nakatatag na parokya rito.55 Ang mga parokya ay makikita na may mga guhit na tila simbahan na siya rin namang nagpapahiwatig ng kabayanan sa mga ito. Bukod sa mga simbahan ay ipinapakita rin ng mapa ag heograpikal na katangian ng lalawigan kung kaya makikita rin dito ang mga daluyan ng tubig tulad ng mga ilog, mga puno at mga kabundukan. Isa pa sa mga mapapansin sa mapang ito ang pagbibigay ng mga palatandaan sa lalawigan ng Bulacan katulad sa naunang mapa. Sa mapang iginhuhit ni de Herrera, ay kapansin-pansin ang mga hacienda na kaniyang isinama sa mapa sa pamamagitan ng paglalagay ng parisukat na hugis sa tabi ng mga ito. Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay ang Buenavista, Pandi at ang Lolomboy na nangangahulugan ng pagkilala sa mga ito. Sa timog ng casa Hacienda de Lolomboy ay may nasasakupan ito sa mga bayan ng Marilao at Polo, sa hilaga ay ilang bahagi ng Bigaa, at sa silangan naman ay Santa Maria at sa may ilog ng San Jose noong hindi pa humiwalay ang Hacienda de Pandi. Mula rin sa paggamit ng mapang ito ay maisasalaysay at maipapakita na hindi lamang sa Lolomboy at mga bayan na katabi nito, Santa Maria at Marilao, nagkaroon ng mga gawain ang hacienda. Sa mga lupang naging bahagi ng hacienda ay hindi maitatanggi ang naging epekto nito sa buhay ng mga lokal na mamamayan.

55 Jose de Herrera, Plano de la Provincia de Bulacan Año 1818 (National Library of the Philippines, Tekno Aklatan) https://nlpdl.nlp.gov.ph/CG02/M01/jpg/NLP00CG0000000021.jpg

(30)

73

Gamit ang mga mapa na iginuhit ni Fernando de Herrera at mapa sa kasalukuyang panahon ay sinubukan ng mananaliksik na tukuyin ang kinalalagyan ng mga bahagi ng Hacienda de Lolomboy kasama ang Pandi noong mga panahong ito ay lumawak. Ang Mapa Blg. 3 ay ang resulta ng sinubukang pagasama ng dalawang mapa.

Ang mga lugar na wala sa mapang ginuhit ni Fernando de Herrera ay inilapat mula naman sa mapa sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paghahambing muli nito.

Ibinatay na rin sa mga tala ng Report of the Philippine Commission 1904 at mga dokumento mula sa Unibersidad ng Santo Tomas ang mga pangalan ng lugar na sinikap matukoy at maipakita sa mga mapa. Mula sa mapang ito ay maaaring magkaroon kahit paano ng biswalisasyon sa naging bahagi ng hacienda sa pamamagitan ng mga palatandaan na matatagpuan sa kasalukuyan at maging ang mga pangalan ng lugar dito.

(31)

74

Mapa Blg. 3. “Mapa ng Kasalukuyang Latag ng Nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy”

Sanggunian: Kasalukuyang mapa mula sa internet (Google Map) at mapa ni Fernando de Herrera

Sa pamamagitan ng isang notaryo na inilabas ni Aurelio Pelaez noong Hulyo 6, 1891 ay napatunayan ang nasasakupan ng hacienda sa ilalim ng “Provincia del

(32)

75

Santisimo Rosario”, ang korporasyon ng mga Dominikano sa Pilipinas. Ang kabuuang naging sakop ng Hacienda de Lolomboy ay umabot ng humigit kumulang na 4, 630 na hektarya.56 May mga ulat din na bagamat mas naging malawak ang naging sakop ng lupain ng Hacienda de Pandi sa pagdaan ng panahon, ay mas mataas ang produksyon na inaani ng Hacienda de Lolomboy. May mga pagkakataon din na pinagmiminahan ng mga batong adobe ang Hacienda de Lolomboy sa ibang bahagi nito dahil na rin sa tibay ng mga bato na maaaring ihalintulad sa mga batong tinitibag sa Meycauayan.57

Kaiba sa mga hacienda na matatagpuan sa Bulacan, ang mga bahagi ng Hacienda de Lolomboy ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan dahil na rin sa mga paraan ng pagkamit ng mga ito. Ang mga Dominikano ay bumili ng mga lupain na ibinenta upang maging bahagi ng Hacienda de Lolomboy dahil ang casa hacienda ay matatagpuan sa Lolomboy ay itinuring itong sentro ng mga gawain ng nasabing hacienda.

Ang Hacienda de Lolomboy na itinatag ng mga Dominikano ay maituturing na unang hacienda sa lalawigan ng Bulacan na nasa ilalim ng pamamahala ng mga relihiyoso. Kasama sa Hacienda de Lolomboy ang ibang bahagi nito na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan na malapit sa bayan na kinalalagyan ng hacienda, ang Bocaue. Kaiba sa ibang mga naglalakihang hacienda sa ibang probinsya, ang

56 Bureau of Insular Affairs, Fifth Annual Report, 798.

57 Dionisio at Alcaraz, Bocaue, 12.

(33)

76

produksyon ng Hacienda de Lolomboy ay nagmumula sa mga sakop nito tulad ng Turo, mga bahagi sa Marilao, bahagi sa Polo, Pandi at Santa Maria.

Bagamat ang paglawak ng mga hacienda na pinamahalaan ng mga orden ay inusig kahit na mismo ng kaharian at isa sa mga itinuturing na dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ay ipinahayag ni Fray Bartolome de Manzano ang kaniyang saloobin na isinakonteksto ni De la Rosa. Mula sa pahayag na ito ni ay ipinarating ni Fray Bartolome de Manzano na malinis ang naging paraan ng pagkamit ng ordeng relihiyoso sa mga hacienda:

Ang pangangasiwa sa ating mga asyenda ay hindi maaaring maging mas kaaya-aya at patriyarkal: ang mga sakahan at ang mga lupain ay ipinasa mula sa mga ama hanggang sa kanilang mga anak, mula sa henerasyon hanggang sa susunod henerasyon, sa paraang sila ay kumikilos na bilang mga may-ari ng mga ito: at ginagawa nila. Hindi mararanasan ang panganib ng pagkawala ng naturang mga lupain, at ang kahihinatnang pinsala na idudulot ng naturang pagkawala. Hindi katulad ng iba pang mga katutubong may-ari ng lupa na, sa pamamagitan ng pagsusugal, mga demanda, at iba pang mga karaniwang dahilan, ay isinangla ang kanilang ari-arian, at sa huli ay nawala ito sa proseso.58

Ang pag-aalsang agraryo noong 1745 ay isa rin sa magpapatunay ng naging kaibahan ng Hacienda de Lolomboy sa iba pang mga hacienda. Maaaring iugat ang pagsisimula ng pag-aalsa sa Silang, Cavite nang nagsimulang magpahayag ng saloobin ang mga magsasaka matapos pagtibayin ang mga hangganan ng hacienda noong 1745 ay nagtayo ng isang bodega ang mga ordeng relihiyoso sa lupain na hindi na bahagi ng haciendang kanilang pinamamahalaan at ang pagkait ng pagkakataon ng mga Pilipino sa

58 De la Rosa, Beginnings of the Filipino Dominicans, 149.

(34)

77

pagrenta ng mga lupain sapagkat ito ay ibinigay lamang sa mga mestizo.59 Sa paglawak ng pag-aalsa ay umabot ito sa Bulacan dahil matatagpuan din dito ang mga malalawak na hacienda na pag-aaring ordeng relihiyoso. Sa pagkakataong ito, maisasalaysay na hindi man sa Hacienda de Lolomboy nagsimula ang pag-aalsa ay naging bahagi pa rin ito dahil sa maaaring pagtingin at pagkilala ng mga magsasaka na nasa labas ng hacienda. Nang makarating ang pag-aalsa sa Hacienda de Lolomboy ay nagkaroon ng pagsunog ng mga casa hacienda sa Bulacan, pagpatay sa mga administrador, pagkatay sa mga baka, at pinagkutaan ng halos isang-libong nag-aalsa. Ngunit ito rin ang huling hacienda na pinuntahan ni Calderon Enriquez at lokasyon ng unang hakbang upang ang pag-aalsa ay maihinto na ang mga nag-alsa ay nagmula pa sa mga hacienda sa ibang mga probinsya.60 Sa Hacienda de Lolomboy nagsimula ang pakikipagkasundo ni Calderon Enriquez sa mga magsasaka ng Bulacan sa pamamagitan ng pagdinig sa mga hinaing ng mga magsasaka na ang kadahilanan ay hindi rin naiiba sa dahilan ng mga taga-Silang, ang paggamit umano ng mga ordeng relihiyoso sa mga lupa na kanilang minana at hindi kasama sa nasasakupan ng mga hacienda. Mula rito ay nakipagkasundo ang mga magsasaka sa bayan ng Bocaue dahil na rin sa mga inihain na resolusyon ni Calderon Enriquez.61 Ang pag-aalsa noong 1745 at ang pagkakasangkot ng Hacienda de Lolomboy ay nagpapakita rin ng epekto ng malalim na ugnayan ng lupa at buhay ng

59 Schumacher, “Review: Church Lands and Philippine Socioeconomic Development,” 462 – 468

60 Veneracion, Philippine Agriculture, 115.

61 Nicholas Cushner, Landed Estates in the Colonial Philippines (Yale University Southeast Asia Studies, 1976)

(35)

78

mga Pilipino. Sa kadahilanan na ang hacienda ay malawak at nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng maraming Pilipinong manggagawa ay naging bahagi ang mga ito ng pagkilos upang malutas ang kanilang suliranin sa pagkakaroon ng sariling lupa.

Ang mga Dominikano ay nagpatuloy sa kanilang mga gawaing hacienda upang tuparin ang ipinahayag noong 1640 na ang mga hacienda na nasa kanilang pag-aari ay gagamitin para sa pagsuporta sa mga ipinapadalang mga misyon sa Pilipinas hanggang sa ika-19 na siglo. Bukod sa paglawak ng nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy, ang maayos na pamamahala nito ay matatagpuan din sa aspekto ng produksyong agrikultural. Ang gampanin at kalawakan ng mga hacienda, kabilang ang Hacienda de Lolomboy, sa misyon ng mga Dominikano ay nabanggit ni Pablo Fernandez sa kaniyang aklat na ang mga hacienda ng mga Dominikano sa Cavite, Laguna, at Bulacan ay dagdag na suporta sa mga misyonero.62 Mula sa pahayag na ito ay ipinahayag na ang mga hacienda ay ginamit para sa mga misyon at hindi para tugunan ang sariling pangangailangan ng mga prayle:

Ang ekonomiya ng Provincia (tumutukoy sa Provincia Del Santisimo Rosario ng mga Dominikano) ay umiikot sa mga hacienda sa loob na ng ilang taon. Ang mga hacienda rin ang siyang pangunahin at pinakaligtas na pinagkukunan ng kita. Ang mga Dominikano ay nagmamay -ari ng walong malalaking hacienda sa Pilipinas:

ang Lolomboy at Pandi na matatagpuan sa Bulacan; San Juan de Bautista sa Calamba, Biñan at Santa Rosa sa lalawigan ng Laguna; Naic at Santa Cruz de Malabon sa Cavite; at ang Orion sa Bataan. Sinusuportahan ng kita ng mga haciendang ito ang mga pangangailangan ng mga misyon sa Tsina, Formosa at

62 Fernandez, Dominicos Donde Nace el Sol, 491.

(36)

79

Tonkin, pagtatayo ng mga kumbento, mga gastos sa paglipat ng mga mula Espanya patungo sa Pilipinas, at ang pagsasa-ayos ng ilang mga gusali.63

Produksyong Agrikultural sa Hacienda de Lolomboy

Ang mga haciendang pag-aari ng mga ordeng relihiyoso ang nakinabang sa kinikita mula sa pag-ikot ng mga produktong agrikultural sa lokal na pamilihan.64 Bukod sa mga itinatanim na mga agrikultura, ang mga haciendang ito ay kumikita rin mula sa mga renta sa lupa. Ang patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa kalakalan ng mga agrikultural na produkto ay hindi bunga ng lawak ng mga hacienda sa Pilipinas, bagkus ang pangangailangan sa mga agrikultural na produkto ay ang naging dahilan din sa pag-unlad at paglawak ng mga lupain sa ilalim ng mga haciendas noong ika-17 siglo.65

Pagpapatunay ng kasaganahan sa gawaing agrikultural ng ating mga ninuno ang kanilang kasanayan sa pagtatanim at pagproseso nito bilang pagkain. Bukod pa rito ang kakayahan ng mga Pilipino na umangkop sa programang agrikultural na ipinakita noong magpatupad si Jose Basco ng monopolyo at pagtatanim ng “cash crops”. Sa mga taon ng pamamayagpag ng mga hacienda noong panahon ng pananakop ng Espanyol, kabilang ang Hacienda de Lolomboy, ay nabanggit mula sa mga tala ang palay bilang

63Ibid.

64 O.D. Corpuz, An Economic History of the Philippines (Quezon City: University of the Philippines Press, 1997), 107 – 109.

65 Legarda, After the Galleons, 286.

(37)

80

isa sa mga pangunahing produkto mula rito. Ito ay bunga na rin ng pananatili ng mga hacienda na pag-aari ng mga ordeng relihiyoso sa pagtatanim nito. Kung ihahalintulad sa ibang mga malalaking hacienda tulad sa Laguna, ang Hacienda de Lolomboy ay nakatulong din sa mga Dominikano sa pamamagitan ng mga naitatanim at naaaning palay mula rito.66

Mula sa tala ni Yldefonso de Aragon na naglalarawan sa bayan ng Bocaue ay isinalaysay niya na ang hangganan ng bayan ay nakabatay sa ilog na pumapalibot sa mga lupang sagana sa tanim na palay. Ang malaking bahagi ng mga lupaing kinatataniman ng mga palay ay nasasakupan ng Hacienda de Lolomboy.67 Isinalaysay din ni Zuñiga ang palay na inaani sa hacienda at iniimbak sa casa ng hacienda. Ayon kay Zuñiga, ang mga naaaning palay sa hacienda ay pag-aari ng mga Dominikano, at ang naaaning palay mula sa mga bahagi ng hacienda ay inilalagak sa panera ng casa.68 Sa tala ni Buzeta patungkol sa bayan ng Marilao ay nailarawan niya ang bayan na katabi ng isang hacienda na ang pangalan ay Lolomboy kung saan matatagpuan ang isang bahay na bato na mayroong imbakan ng palay.69 Noong panahon ng pagdepensa ng mga Espanyol laban sa mga Ingles na sumalakay sa Maynila, nabanggit naman ni Lopez ang

66 Collantes, Historia de la Provincia de Santisimo Rosario, 339.

67 de Aragon, Descripcion Geografica y Topografica Vol. 3, 19.

68 Joaquin de Zuñiga., Estadismo De Las Islas Filipinas (Madrid: Imprenta De La Viuda de M.

Minuesa de Los Rios, 1893), 355.

69 Buzeta, Diccionario Geografico, Estadistico, Historico De Las Islas Filipinas, 306.

(38)

81

naging gampanin ng Hacienda de Lolomboy at ang inaaning pananim mula rito. Batay kay Lopez, ang mga bigas na ipinamamahagi sa kanilang mga sundalo ay nagmumula sa Hacienda de Lolomboy.70

Mula sa Hacienda de Lolomboy ay maitatantiya na nasa apat na libo hanggang anim na libong kaban ng bigas ang nakukuha mula rito, at mula sa mga ito ay nagkakaroon ng kita upang tulungan sa panggastos sa mga misyon sa Tonkin at Formosa.71 Bagamat may iba pang hacienda ang pinamamahalaan ng mga Dominikano, ang Hacienda de Lolomboy ay itinuturing na isa sa mga hacienda nito na may mataas na produksyon ng palay at sa pamamagitan nito ay tinitiyak ng mga Dominikano na mas prayoridad ang pagtatanim ng palay kaysa sa ibang mga produktong maaaring itanim.72

Batay sa mga tala ay hindi lamang sa asukal at palay ang itinatanim sa mga hacienda, lalong higit na hindi lamang sa mga pananim nagmumula ang kinikita ng mga ito. Sa kalagayan ng Hacienda de Lolomboy, kung saan nabanggit na ang nasasakupan nito ay nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Bulacan ay iba-iba ang produktong nagmumula rito. Bagamat madalas na nailarawan sa mga primarying batis na ang Hacienda de Lolomboy ay pinagmumulan ng palay, sa kabanatang ito ay

70 Angel Lopez, History of the Frs. Dominicans in the Philippine Islands and in their missions in Japan, China, Tung-kin and Formosa (Madird, 1870), 397 – 400.

71 de Zuñiga, Estadismo, 355 (Maaari rin tingnan ang tala ni Pablo Fernandez sa pahina 93)

72 Valentin Marin, Ensayo de Una Sintesis de Los Trabajos Realizados por Las Coporaciones Religiosas Españoles de Filipinas Vol. 2 (Manila: University of Santo Tomas, 1901), 697.

(39)

82

maipapakita rin na ang produksyon ay hindi lamang nakabatay sa palay o sa iba pang agrikultural na pananim kung hindi pati na rin sa pagbebenta ng mga hayop.

Ang mga “becerros” ay taguri sa mga agrikultural na hayop na inalagaan sa mga hacienda sa Pilipinas. Ang mga batang baka na ito ay mula na rin sa industriya ng baka sa Pilipinas na ipinakilala ng mga Espanyol sa pamamagitan ng kalakalang galyon. Ang pag-aalaga ng baka ay hindi likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Veneracion ang pag- aalaga ng mga baka ay ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas upang ang mga lupa, kabilang na ang mga hacienda, ay maging mas mainam na taniman lalo na kung ang mga baka ay ginamit upang ipastol sa mga lupaing ito at mapagkunan ng kita.73 Dahil na rin sa lawak ng mga hacienda sa Pilipinas ay hindi maitatanggi na ang mga baka ay ginawa na ring bahagi ng kabuhayan at pinagkukuhanan ng kita ng mga hacienda sa pamamagitan ng pagbebenta sa mga ito. Ang mga bahagi ng hacienda kung saan naman naroroon ang mga hayop na ito tinawag na “ganado mayor” at mga “estancias”, orihinal nitong mga tawag. Bagamat ang hayop na ito ay naipakilala sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay maaaring nakaangkop sa pamamaraan ng pag- aalaga ng mga ito sa pamamagitan ng ilang kapareho na paraan ng pag - aalaga sa mga kalabaw. Batay sa mga nakuhang tala sa pananaliksik na ito, ang mga becerros ay

73 Veneracion, Philippine Agriculture, 96

(40)

83

nagkaroon din ng bahagi sa kinikita ng Hacienda de Lolomboy, at ang Pandi ang naitalang unang ganado mayor nito.74

Bukod sa mga pananim at hayop, ang mga hacienda ay kumikita rin dahil sa sistema ng pagpaparenta ng mga bahagi ng hacienda sa mga Pilipino o mga “inquilino”.

Ang pagrerenta sa paraan ng pagbubuwis ng mga inquilino ay may katumbas na halaga na kailangang bayaran ng mga Pilipino o mestiso na nais gamitin ang lupa sa pagtatanim upang magkaroon din ng hanapbuhay.75 Mula sa hacienda ay maaaring magrenta o mangutang ng mga kalabaw, binhi, lupang tataniman, lupang pamamahayan, at kahit na ang namatay na hayop sa panahon ng pagrenta ay kailangang bayaran. Sa kalagayan naman ng Hacienda de Lolomboy na nagsimula bilang mga estancia ang mga naging bahagi nito ay mas lumawak sa pamamagitan na rin ng pag - renta ng mga lupain na pinamahalaan ng mga Dominikano sa mga mestiso at mga Pilipinong may kakayahan na magbayad, samantalang ang mga kinukuha naman na mga kasama ay ang mga ordinaryong mamamayan.76 Gayunpaman, ang mga inquilino ay nagbabayad pa rin ng renta sa mga administrador ng hacienda. Ang pagbabayad ng renta ng mga inquilino sa

74 Becerros “Account of the Properties Owned by the Philippine Dominicans, including Those in the Hacienda de Lolomboy and its Ranch (Estancia) Pandi; Oriong; Sto. Domingo de Manila; Santuario de S. Juan del Monte; and San Thelmo de Cavite” 1784, fs 313-317, Archivo de la Universidad de Santo Tomas, University of Santo Tomas, Manila.

75 Veneracion, “Bulakan 1763 – 1875”, 26.

76 Ibid, 23.

(41)

84

mga haciendang pag-aari ng mga Dominikano ay nakabatay sa uri ng hacienda.77 Una, sa mga haciendang may ang renta ay sa pamamagitan ng kaban ng palay na nasa apatnapu’t apat na kilo sa bawat bahagi ng lupa. Ikalawa , para sa mga hacienda na walang irigasyon, ang bayad sa upa ay sa anyo ng pera na nakabatay sa presyo ng palay sa panahon ng anihan.78 Ang Hacienda de Lolomboy ay isa sa mga uri ng hacienda na hindi gaanong maunlad ang irigasyon at ito ay may implikasyon din sa mga inquilino na umuupa sa hacienda. Hindi dapat kalimutan na ang mga inquilino ay Pilipino rin at sila ay nagbabayad para sa mga gawain sa hacienda. Sa mga panahon na maganda ang ani ng hacienda ay mababa ang presyo ng palay na nangangahulugan ng mababang bayad sa renta, ngunit mataas pa rin ang makukuhang kita ng hacienda dahil sa maraming ani. Sa panahon naman na hindi mataas ang bahagdan ng ani ay tumataas ang halaga ng palay na nangangahulugan na mataas din na bayad sa renta.

Dahil ang Hacienda de Lolomboy ay walang irigasyon, nangangahulugan itong hindi tiyak na mataas ang ani sa buong taon lalo na at ang ulan ang inaasahan para sa patubig ng hacienda. Samakatuwid ay hindi laging mataas ang ani sa Hacienda de Lolomboy, at muli kapag hindi mataas ang produksyon ay nangangahulugan ng mas mataas na renta ang dapat bayaran ng mga inquilino, at ang orden na nagmamay-ari sa hacienda ay hindi nangangamba na mawalan ng kita dahil sa pamamaraang naisalaysay.

Maaaring sabihin na pagkakataon ito para sa mga Pilipino na magkaroon ng lupa na

77 Ilan sa mga halimbawa ng haciendang may irigasyon ay ang Biñan at Santa Rosa sa Laguna

78 Roth, “Church Lands” inedit ni Alfred McCoy, 137.

Gambar

Talahanayan  Blg.  1.  Tala  ng  Paglawak  ng  nasasakupan  ng  Hacienda  de  Lolomboy, 1600’s-1736
Mapa Blg. 1. Mapa ng Marilao, “El Pueblo de Marilao”
Mapa Blg. 2. Mapang Hangganan ng Marilao, Bocaue, at Santa Maria Iginuhit ni  Fernando de Herrera
Mapa Blg. 3. “Mapa ng Kasalukuyang Latag ng Nasasakupan ng Hacienda de  Lolomboy”
+4

Referensi

Dokumen terkait

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Ang ibinigay na buod ng kwentong Banyaga sa itaas ay nagpapakita ng maayos na galaw ng pangyayari mula sa paglalahad ng suliranin ng pangunahing tauhan na si Fely na kung saan ay

Naroon naman ang maraming kabataang lalaki at babae. Sa di kalayuan sa binalantok na harapan ng gusali ay umaatungal ang mga sirena at sa may hagdanan ng gusali ay may mga

Nagtapos si Martina Herras ng kursong AB Literature English sa Pamantasang Ateneo de Manila, kung saan siya ay nagturo ng panitikan at kulturang popular sa ilalim ng Kagawaran ng

Si Gaspar ay isa sa mga nagmamay-ari nito noon.Sa huling bahagi ng kanilang pagkukuwento ay naitanong ko kung anong salita ang tibor.Umamin si Gaspar na maging siya ay hindi rintiyak

Imbes na gamitin ng Unibersidad ng Pilipinas ang maliit na pondo nito sa pagbibigay-gantimpala sa mga pananaliksik na pinondohan ng malaman at pinagpupuri nang "intemasyonal" na

Ang core na argumento ng isang transitibong konstruksyon ay binubuo ng dalawang gramatikal na argumento, kung saan ang pinanggalingan ng aksyon ay magkaiba at distintibo sa

May pagkakataon na dapat sumangguni sa ibang tao para malaman kung ano ang dapat gawin.. Sa paulit-ulit na paliwanag ng babae, napahinuhod niya ang nanay ko na magtrabaho sa