• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pagsusuri sa Piling Akda

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pagsusuri sa Piling Akda"

Copied!
23
0
0

Teks penuh

(1)

“Pormalistikong Pagsusuri sa Piling Tatlong Kuwento ni Liwayway A. Arceo” ni Bern Lesleigh Anne J. Ochavillo

I. Introduksyon

Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento,ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.

Napakaraming pagpapakahulugan ng maikling kwento mula sa iba‟t ibang manunulat. Ayon naman kay Reyes,ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Habang mula naman kay Gonzales ang kanyang pagpapakahulugan ng maikling kwento ay maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.

Tunay ngang ang maikling kwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Ang sumusunod ay sangkap ng isang maikling kwento:

(2)

2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:

a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian ng tauhan

b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na

nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento. Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.

4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

Nakikilala rito ang mga sumusunod: a. paglikha ng nagsasalaysay

b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay c. ang taong pinagsasalaysayan nito.

d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

Mga Uri ng Paningin:

A. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang panauhang “ako”

(3)

B. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.

C. tinakdaang obhetibong paningin – ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya‟y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.

D. obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag. Tumatayongtagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang

ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.

E. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na “ako”.

F. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa

(4)

pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan.

5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentralna ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buongpangungusap.

Halimbawa:

“ ang pagsama ng isang tao”

- kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:

“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang karanasan sa buhay ”

6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati. 7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring

nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nito‟y nagiging matimpi ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu‟t bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap ng maikling kwento.

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba‟t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

(5)

Halimbawa:

Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga panggyayari kaya‟t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

Mga uri ng Tunggalian: a. tao laban sa tao b. tao laban sa sarili c. tao laban sa kalikasan

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan,

(6)

kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

12. Himig – ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.

13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.

14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.

17. Wakas – bagama‟t ang kwento‟y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

I. Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito, kinilala ng mananaliksik ang mga sangkap ng isang maikling kwento at mula rito ay susuriin niya ang ilang piling kwentong isinulat ni Liwaway A. Arceo, upang matukoy ang maaring pagkakapareho o pagkakaiba ng mga ito base sa mga siniping pahayag at linya na mababasa sa mga kwento.

(7)

II. Kahalagahan

Ang pananaliksik ay isinagawa ngayong taong panuruan 2013-2014 sa Pampamahalaang Unibersidad ng Bukidnon, Malaybalay City Bukidnon.

Ang pag‐aaral na isinagawa ng mananaliksik ay naglalayong makapag‐ambag ng impormasyon tungkol sa mga sangkap ng isang maikling kwento na matatagpuan sa akdang pampanitikan na magbibigay gabay sa mga mambabasa.

Maragdagan ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga nilalaman ng isang maikling kwento. Maipaabot sa kanila na mahalagang malaman at matukoy ang sangkap ng isang maikling kwento upang mas lalong maintindihan ang akdang binabasa. Ang papel na ito ay makatutulong nang malaki sa mga mambabasa upang maunawaan nilang mabuti at maintindihan ang kabuuan ng mga nasusulat na mga maikling kwento.

Makapagbibigay ang pananaliksik na ito ng sapat na impormasyon upang lumawak ang kaalaman tungkol sa mga paksang tinalakay ng mataas na paaralan at kolehiyo at makatutulong sa kanilang isasagawang pananaliksik sa mga pormalistikong pananaw na napapaloob sa iba pang anyo ng akda.

III. Saklaw ng pagsusuri

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa tatlong maikling kwentong isinulat ni Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa (1943)”, “Ang Sukatan ng Ligaya” at “Banyaga” at susuriin ito sa pamamagitan ng tatlong sangkap ng maikling kwento na napili ng mananaliksik: Tauhan, Himig at Galaw ng kwento.

(8)

Tauhan

Ang tauhan ay tumutukoy sa mga karakter na gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan. Sa pagsusuring ito, tinutukoy ang uri ng tauhan ayon sa katangian na mayroon ito. Mula sa deskripsyon ng kanyang galaw at dayalogong kanyang binibitawan natutukoy kung anong klaseng tao ang karakter sa kwento.

Uhaw ang Tigang na Lupa

Heto ang mga linyang gagamiting patunay sa uri ng pagkataong mayroon ang Ina sa kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa.

“Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...” “Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang „di ako makita. Kailangang „di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang „di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang „di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.”

“Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.”

“Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...”

“Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...”

“Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.”

“Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya‟y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon:Maaangkin mo na, mahal ko!”

Ang mga linyang sinipi sa itaas ay pagsasalaysay ng anak sa kuwento na magpapatunay na ang kanyang Ina ay isang mapagtimping tao. Sa kabila ng sakit at karupukan ng kanyang

(9)

kalooban ay ipinapakita pa rin niyang siya‟y nagpapakatatag at matapang para sa mga tao sa kanyang paligid. Siya ay isang babaeng sa kabila ng sakit ng kanyang pakiramdam ay nagpapakita at nagagawa niyang ipakita ang katapangan at pagiging mapagtimpi.

Ang Sukatan ng Ligaya

Heto ang mga linyang gagamiting patunay sa uri ng pagkataong mayroon si aling Isyang sa kwentong Sukatan ng Ligaya.

“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa „min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata.

Napabuntunghininga nang malalim si Aling Isyang. Hindi siya makatutol kapag ang sinasangkalan ni Medy ay ang asawa nito. Nahihiya siyang biguin ang manugang. . . Iniiwasan niyang may masabi ito.

Nanibago si Aling Isyang nang tumayo siya. May kataasan ang taking ng sapatilya.At matigas ang entrada. Hindi pa siya humahakbang ay waring nananakit na ang kanyang talampakan. Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya magtagal sa bahay ni Medy. Ang gusto ni Medy ay lagi siyang susunod sa mga sinasabi nito upang walang masabi ang iba. Sa kanyang pakiramdam naman ay iniipit ang kanyang mga kilos at hindi siya Malaya. Gayunman ay ayaw na niyang maging alangan ang kanyang anak sa pamantayan ng kanyang manugang, kaya‟t sinisikap niyang makibagay.

“Hindi naman. . . ‟‟ pagkakaila niya. “Syempre. . . medyo lang ako naninibago at mababa ang kotso. . .”

Saglit na nakawala sa diwa ni Aling Isyang ang mga nagdaan nang marinig ang masayang tawanan nina Medy at Eddie. At nakadama na rin siya ng kasiyahan. Pinilit niyang masiyahan. Susunud-sunod naman si Aling Isyang. Ingat na ingat siya sa paghakbang. Nananakit ang kanyang mga paa sa suot na sapatilya. Ngunit sinarili niya iyon.

Napuno ng kaligayahan ang puso ni Aling Isyang nang matanaw na niya ang makipot at maalikabok na landas na bumubungad sa kanilang nayon. Waring abot-kamay na niya ang kanilang tarangkahan.

Ang mga siniping linya sa itaas ay nagpapatunay lamang na isang mapagtimping Ina si Aling Isyang. Kahit na nahihirapan siyang makibagay sa tahanan ng kanyang anak na si Medy,

(10)

pinipilit niyang ipakita na hindi siya nahihirapan dahil ayaw niyang nasasaktan ang anak. Ipinapakita niyang kaya niya kahit na sa puso niya ay nagpupumiglas ang damdaming nagnanais na umuwi na sa nayon at lumanghap ng sariwang hangin. Mula sa mga piling mga linya, mababasa nating, para sa ikasisiya at hindi pagtatampo ng anak ay nagtitimpi si Aling Isyang sa kanyang pakiramdam kahit na nahihirapan siya.

Banyaga

Heto ang mga linyang gagamiting patunay sa uri ng pagkataong mayroon si Fely sa kwentong Banyaga.

“Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon…kung natakot ako sa iyakan…” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

“Sa kotse na” ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat…baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.

Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib.

Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.

“Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Mula sa mga siniping linya sa itaas, napatunayan lamang na ang pangunahing tauhang si Fely ay isang mapagtimping uri ng tao. Kahit na makikita sa panlabas na anyo na siya ay isang matapang at may paninindigang babae ay may itinatago siyang damdamin sa loob

(11)

niyang nais kumawala ngunit pilit niya itong itinatago sapgkat gusto niyang patunayan sa lahat na siya‟y may narrating sa buhay at tama lamang ang desisyon niyang pagpunta sa Maynila noon. Pinatunayan ng mga piling pahayag na kahit sa katatagan ni Fely ay may ginawa pa rin siyang pagtitimpi ng kanyang pakiramdam, pati na ang pakiramdam na hindi na makilala ang sarili.

Himig

Ang himig ng isang kuwneto‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin. Mula sa paglalarawan at mga binitawang dayalogo ng mga tauhan sa kwento ay tutukuyin ng mananaliksik ang damdamin ng kwento.

Uhaw ang Tigang na Lupa

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...”

“Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.”

“Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.”

“Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.”

“Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako‟y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.”

Mula sa liham,

“Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na

(12)

hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...”

Ang pag-ibig na ito‟y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako‟y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...

Ang mga siniping pahayag sa itaas ay mga patunay na ang himig ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay may kalungkutan at lihim na paghihinakit. Ang mga linyang ito ay may pagdiriin ng isang matinding damdamin ng kalungkutan dahil sa mga pangyayari at sitwasyon na nagudyok sa mga karakter sa kwentong makadarama ng matinding kalungkutan. Ang anak, ang ina, ang ama at ang babae sa liham.

Sukatan ng Ligaya

“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa „min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang hinanakit sa tinig nito nang pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Ngunit talagang hindi siya mawili sa tahanan nina Medy. “Aba, oo! Sinabi „yan mismo ni Medy.” “Ika sa kin. . . mas mahal mo raw si Idad kaysa kanya. . . hindi raw pareho ang tingin mo sa kanila. . .”

Naupo si Aling Isyang sa sopa upang hintayin sina Medy. Hinintay niyang lapitan siya ng mga apo, ngunit waring hindi siya napapansin. Bigla niyang nagunita ang apat na apo kay Idad. Marinig lamang ng mga iyon ang kanyang mga yabag ay nag-uunahan na sa paglapit sa kanya at unahan din sa pagkapit sa kanyang saya.

Wala sa pamamasyal ang isip ni Aling Isyang. Nasa bukid, sa piling ni Mang Laryo, ni Idad, at ng kanyang mga apo. Lalong naging masidhi ang kanyang pananabik sa mga apong naiwan nang makasakay siya sa kotse.

Hindi sinasadya ay napailing si Aling Isyang. Naisip niya kung paanong ang kanyang dalawang anak na kapwa babae, kapwa maganda at pareho ang inabot sa paaralan, ay nagkaroon ng magkaibayong kapalaran sa kabuhayan nang magsipag-asawa.

May kapaitang sumasaisip ni Aling Isyang na kung naroon siya sa kanilang sariling nayon, hindi niya kakailanganin ang magkunwari. Hindi niya kakailanganing magsuot ng anumang hindi siya nagiginhawahan. Kilala niya ang lahat ng tao at nakikilala rin siya. Hindi niya kailangan ang kumilos nang labag sa kanyang kalooban, upang masiyahan lamang sina Medy.

(13)

At nakaramdam ng lungkot si Aling Isyang nang magunita ang mga naiwan sa nayon. Naalala niya ang ginagawa niyang paghihimay ng alimango o alimasag para sa kanyang mga apo. Gayundin ang ginagawa niyang pagsisilbi kay Mang Laryo.

Ang mga siniping linya sa itaas ay tahasang nagpapahayag at nagpapatibay na ang kwentong Sukatan ng Ligaya ay may himig ng kalungkutan at tagong paghihinakit. Si Aling Isyang na nalulungkot dahil kailangan niyang makibagay sa paraan ng pamumuhay ng anak na si Medy at nalulungkot dahil sa napalayo siya sa nayong kinagisnan kay Mang Laryo na kanyang asawa at kay Idad na tinatangi niyang anak. Habang, makikitang may lihim na paghihinakit si Medy kahit na mabuti ang pakikitungo niya sa Ina ay hindi pa rin niya maiwasang maghinanakit dito dahil sa hindi ekwal na pagtatangi sa kanila ng kanyang kapatid.

Banyaga

“Ibang-iba na nga ngayon ang…lahat!” at nauulinigan niya ang bunting-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.

“...Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon…kung natakot ako sa iyakan…” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.”

Biglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

(14)

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Ang mga nasa taas na piling siniping linya ay mga pahayag na magpapatunay na ang kwentong Banyaga ay may himig ng kalungkutan at tinatagong paghihinakit. Sa kabila ng tagumpay na naabot ni Fely sa buhay ay parang hindi pa rin niya maramdaman ang kasiyahan sa tuwing bumabalik siya sa pook na pinanggalingan, sapagkat siya‟y halos hindi na nito makilala dahil sa pagbabago. Habang ang kanyang pamilya ay nalulungkot din sa pagbabago niya. May lihim na hinanakit sa loob niya, sapagkat hindi na niya nakikilala ang kanyang sarili at mas lalong nagmistula na siyang banyaga sa sariling bayan.

Galaw

Ang galaw ng kwento ay tumutukoy sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha, maaring hindi malutas o kaya‟y nasa mambabasa ang paghuhusga kung ang suliranin ng mga tauhan ay nalutas o hindi sa pagwawakas ng kwento. Sa pagbibigay ng buod ng kwento ay malalaman ng mananaliksik ang pagkakasunod-sunod ng mga pangayayari na makakatulong upang matukoy ang paraan ng paggalaw ng kwento.

Uhaw ang Tigang na Lupa

Ito‟y kwento ng isang dalagitang nagkaroon ng mga magulang na kailanman ay hindi niya kakikitaang naglalambingan. Nagsimula ang kwento sa pagkahabag ng anak sa kinikilos ng ina: pagbuntong hininga nito at lihim na paghikbi tuwing gabi. Bumabalik sa gunita ng anak ang mga pangyayari sa kanilang pamilya na isang beses lamang silang lumabas at nagsama. Hanggang matuklasan nito na may mahal palang iba ang ama at matagal na nitong inililihim sa pamilya nang mabasa nito ang talaarawan. Puno ng pagbabalik gunita ng mga pangyayari ang

(15)

kwento. Dito nagsimulang magkaroon ng lihim na galit ang dalagita sa ama ngunit ang ina sa kabila nang natuklasang pagtataksil ng asawa ay hindi nito ipinakitang siya‟y nasasaktan sa harap ng anak. Patuloy pa rin niyang inalagaan ang maysakit na asawa. Hanggang sa ito‟y binawian ng buhay at makuha na nito ang hinahangad na kasiyahan.

Mula sa buod ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa na nasa itaas, pinatunayan lamang na maayos ang galaw ng kwento sapagkat tahasang inilahad ng mga pangayayari ang suliranin ng bawat tauhan, ang anak, ang ina, ang ama at ang babaeng tinutukoy sa liham. Sa galaw o takbo ng kwento, unti-unti itong nasosolusyunan ng mga tauhan ang suliranin, bagaman kamatayan ang naging solusyon sa problema ng ama na nagsilbing panangdaliang sagot sa isa sa mga suliranin sa kwento, ay nakamit naman nito ang kasiyahan kahit na hindi nalutas ng ina at ng anak ang problema ng bawat isa at sa huliha‟y nanatili ang kanilang kalungkutan.

Sukatan ng Ligaya

Nagsimula ang kwento sa pagbalak ni Aling Isyang na bumalik na sa kanilang nayon na sinubok na niya ng tatlong beses ngunit pinigilan siya ng kanyang anak na si Medy na nagnanais na mamalagi ito sa kanyang tahanan. Namasyal sila habang ang utak ni Aling Isyang ay hindi nakatuon rito, kundi sa naiwan niyang asawang si Mang Laryo at sa tinatangi niyang anak na si Idad at ang mga anak nito doon s akanilang nayon. Nagkaroon ng pagbabalik gunita sa kwento, kung saan ay naalala ni Aling Isyang ang panahon ng kanyang pagtutol sa pag-aasawa ni Medy at Eddie na isang mayamang negosyante. Sa buong pamamasyal at sa pagdating nila sa isang restawran ay pinipilit ni Aling Isyang na makibagay at sundin ang kagustuhan ng anak dahil ayaw niyang may masabi ito. Habang sila‟y kumakain ay bumabalik sa kanyang gunita ang mga oras na silay kumakain doon sa nayon kasama si Mang Laryo, si Idad, mga anak at asawa nito

(16)

na walang pagpapanggap at masaya silang lahat. Nang pinayagan na ni Medy na umuwi si Aling Isyang ay nakaramdam ito ng gaan at kasiyahan sa kalooban, kahit na alam niyang may paghihinakit si Medy dahil sa hindi pantay na kanyang pagtatangi sa dalawang anak ay alam niyang mas nagiging masaya siya sa nayon.

Base sa ibinigay na buod ng kwento sa itaas ay makikitang ang galaw ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay maayos at may pagkasunod-sunod. Nailhad nito ang suliranin ni Aling Isyang na hindi pagiging panatag sa tahanan ni Medy at kahit sa pamandaliang paraan ay nalutas niya ito sa pamamagitan ng pag-uwi sa kanilang nayon ay hindi tahasang nalutas niya ang buong suliranin, ito ay ang paghihinakit ni Medy sa kanyang „di pantay na pagtatangi. Datapwat puno ito ng pagbabalik gunita upang mas maintindihan ng mambabasa ang mga pangyayaring pangkasalukuyan na binanggit sa kwento, ngunit hindi ito nakasira sa pag-unawa ng mambabasa sa galaw ng mga pangyayari.

Banyaga

Bumalik si Fely sa kanilang nayon upang paunlakan ang imbitasyon ng kanyang napagtapusang paaralan sa haiskul. Nagsimula ang kwento sa pag-aayos ni Fely sa sarili habang ang kanyang Nana Ibang ay bakas ang pagtataka at kalungkutan sa pagbabagong nangyayari sa kanya. Sa kanilang usapan ay bumalik sa kanyang gunita ang mga pangayayari sa nakaraan hanggang sa mga pangyayari kanina lamang sa kanyang pagdating. Naalala niya ang kanyang pagpupumiglas na pumunta ng Maynila upang makipagsapalaran, ang pagpunta ng Amerika; naalala niya ang pakikitungo ng buong mag-anak sa kanya sa tuwing sya ay umuuwi mula sa Maynila at nakaramdam sya ng bigat sa dibdib at hindi pagkilala sa sarili. Nang dumating na si Gardo, ang kanyang kaklase na president ng mga nagsitapos sa kanilang paaralan ay naalala niya ang pagiging malapit nila sa isa‟t isa, naging iba ang kanyang

(17)

pakiramdam ng malaman niyang may asawa‟t anak na ito. Nang dumating na siya sa paaralan, pinatitinginan siya ng mga tao, animo‟y may malaking pagtataka at sa kanyang kalooban ay malaking bagabag ang naramdaman, parang hindi na niya makilala ang sarili at hindi na siya makilala ng lupang kanyang pinagmulan.

Ang ibinigay na buod ng kwentong Banyaga sa itaas ay nagpapakita ng maayos na galaw ng pangyayari mula sa paglalahad ng suliranin ng pangunahing tauhan na si Fely na kung saan ay naging banyaga na siya sa sariling pamilya at bayan hanggang sa paglutas niya rito sa pamamagitan ng pagkaramdam ng pagsisisi at sakit ng loob sa nangyaring pagbabago sa kanya, ngunit maiintindihan sa kwento na hindi lubusang nalutas ni Fely ang sariling suliranin sapagkat, pagsisisi at pagkalungkot lamang ang ipinahahayag sa huling bahagi ng kwento at hindi inilahad kung may ginawa siya upang mapawi ang pakiramdam sa suliranin. Nailhad nito ang suliranin at kahit sa pamandaliang paraan at nalutas ito ng tauhan.Iyon lamang ay puno ito ng pagbabalik gunita upang mas maintindihan ng mambabasa ang mga pangyayaring pangkasalukuyan na binanggit sa kwento, ngunit hindi ito nakaapekto upang hindi maayos na maunawaan ang kwentong binabasa.

V. Natuklasan/Findings

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Pormalistikong Pagsusuri sa Tatlong Kwento ni Liwayway A. Arceo.” Sa pamamagitan ng pagtukoy sa tatlong napiling mga sangkap ng maikling kwento na nakapapaloob sa tatlong piling katha at sa masusing pagbasa sa mga ito, natuklasan ng mananliksik ang sumusunod:

(18)

Ang pangunahing tauhang napili sa kwentong Uhaw ang Tigang na lupa ay ang Ina na isang babae; nagtataglay ito ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanyang pakiramdam kahit na siya‟y lubos na nasasaktan.

Ang pangunahing tauhang napili sa kwentong Sukatan ng Ligaya ay si Aling Isyang na isang babae; nagtataglay ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanyang damdamin kahit na siya‟y nahihirapan sa piling ng anak at nangungulila sa kanyang nayon.

Ang pangunahing tauhang napili sa kwentong Banyaga ay si Felyna isang babae; nagtataglay siya ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanyang damdamin at pakiramdam upang maipakita na siya ay matapang, matatag at binago na ng kapalaran.

Samakatuwid, natuklasan ko na ang ginamit na tatlong kwento sa pag-aaral na ito na isinulat ni Liwayway A. Arceo ay nagtataglay ng mga pangunahing tauhang babae; parehong nagtataglay ang mga pangunahing tauhan na ito ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanilang kalooban at damdamin.

Ang himig ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay kalungkutan; nagtataglay rin ito ng damdaming hindi tahasang pagpapahayag ng hinanakit upang hindi masaktan ang sinuman sa pamilya.

Ang himig ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay kalungkutan; may bahid din ito ng damdaming hinanakit na nililihim upang hindi masaktan ng ina ang anak at hindi masaktan ng anak ang ina.

(19)

Ang himig ng kwentong Banyaga ay kalungkutan; nakapapaloob din ang damdaming pagtatago ng hinanakit ng pamilya sa kanyang pagbabago at sa sarili dahil sa pagbabagong tinatamasa upang isipin ng marami na nananatili ang kanyang katatagan.

Samakatuwid, natuklasan kong ang tatlong kwentong isinulat ni Liwayway Arceo na napiling gamitin sa pananaliksik na ito ay may himig ng kalungkutan at damdaming lihim na paghihinakit.

Ang galaw ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay maayos na umunlad, mula sa paglalahad ng suliranin sa mga unang bahagi pa ng kwento, pagbabalik-gunita sa mga nakaraang pangyayari at paglutas at pagtugon ng mga pangunahing tauhan sa suliranin kahit na hindi tahasang inilahad sa akda kung nasolusyunan ba ang lahat ng problema sa pagwawakas ng katha.

Ang galaw ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay mabuting nailahad sa pamamgitan ng tahasang pagpapahayag ng suliranin sa kwento na matatagpuan sa unang bahagi, pagkakaroon ng pagbabalik gunita sa mga pangyayari sa nakaraan upang mabigyang hustisya ang mga binanggit na pangyayari sa kasalukuyan, at ang wakas ng katha na kung saan ay panandalian lamang na naresolba‟t nalutas ng pangunahing tauhan ang suliraning kanyang kinakaharap.

Ang galaw ng kwentong Banyaga ay maayos at mabuting pag-unlad ng mga pangyayari mula sa unang bahagi pa ng kwento na kung saan ay ipinahahayag ang suliranin ng tauhan, ang kanyang pagbabalik gunita sa mga pangyayari sa nakaraan at ang kanyang hindi tuwirang paglutas sa suliraning kinakaharap kahit na hindi talaga nasagot ng maayos ang malaking problemang kinakaharap ng tauhan at naging maayos pa rin ang pagwawakas nito.

Samakatuwid, ang tatlong kwentong sinulat ni Liwayway Arceo na siyang ginamit sa pagsusuring ito ay nagtataglay ng galaw ng pangyayaring maayos ang pagkalahad mula

(20)

sa pagtuklas sa suliranin, pagkakaroon ng pagbabalik tanaw at paglutas ng suliranin kahit hindi ang kabuuan nito sa wakas na bahagi; ang paglutas sa suliranin ng mga kwento ay hindi lubusang inihayag, nasa mambabasa na ang paghuhusga upang bumuo ng sariling solusyon sa pangunahing suliranin ng tauhan.

VI. Konklusyon

Napatunayan ng mananaliksik na ang mga maikling kwento na ginamit sa pag‐aaral na isinulat ni Liwayway A. Arceo ay may pagkakatulad sa nilalaman nitong mga sangkap: katangian ng tauhan, sa himig o damdamin ng kwento at ang galaw ng kwento dahil sa magkakaiba man ang pahiwatig ng mga kwentong ito ay iisang istilo at pamamaraan lamang ang ginamit ni Arceo. Ipinapakita ni Liwayway A. Arceo ang katangian at ugali ng tauhan na mahalagang sangkap sa isang maikling kwento na may pagkakahawig-hawig sa tatlong kwnetong sinuri. Ipinakita rin niya ang iisang himig o damdamin sa tatlong kwento, magkaiba man ang sitwasyon ng mga tauhan sa tatlong kuwento ay nagpapahayag pa rin ang mga ito ng iisang damdamin. At panghuli, ay ang kanyang tatlong kuwento ay may parehong galaw ng mga pangyayari na maaring tawaging trademark niya bilang isang manunulat.

Napatunayan ng mananaliksik na ang mga maikling kwento na ginamit sa pag‐aaral na isinulat ni Liwayway A. Arceo ay naglalaman ng mga sangkap na may pagkakahawig, dahil ang paraan ng pagkagamit ng mga ito ay sa parehong paraan. Ipinapakita ni Liwayway A. Arceo sa tatlo niyang kwento ang sarili niyang istilo sa pagbuo ng tauhan, sa himig at galaw na may pagkakahawig.

(21)

Sa kabuuang kaisipan, mas lalong maiintindihan ng mambabasa ang maikling kwento kung nalalaman niya ang istilo ng isang manunulat sa kanyang paggamit ng mga sangkap ng isang maikling kwento.

Mga Aklat

Arceo, Liwayway, S. (1991). Uhaw ang tigang na lupa atbp., Loyola Heights, Quezon City, Manila, Philippines.

Casanova, Arthur P. et al. (2001). Panitikang Pilipino, Rex Bookstore.

Gonzales, Lydia F. S. (2005). Realismong Pananaw.

Holland, Danny, (2007). Reaching teens in their natural habitat. p. 49.

Mabanglo, Ruth, S. (2006). Family resource kit ng UH. Manoa Center of the Family.

Mag‐atas, Rosario G. (1994). Panitikang kayumanggi pangkolehiyo. Metro Manila 24K, Printing Press.

Reyes, Soledad S. (1983). Kritisismo. Shaw Boulevard. Pasig Metro Manila.

Reyes, Soledad S. (1992). Kritisismo Mga teorya at antolohiya para sa epektibong pagtuturo ng panitikan. Pp. 39‐53.

Sauco, Teofilo. (1992). Ang magmamani. Manila: Mayon Pub. Co., 1933. Pp. 1‐60.

(22)

Abdul, Junairah A. S. (2008). Realidad sa Nobelang “Banaag at Sikat ni Lope K. Santos: Mindanao State University.

Baybayon, Glorilyn. S. (1995). Pagpapahalagang Moral sa Nobelang Daluyong. Mindanao State University, Marawi City.

Cabana, Grace A. (1999) Ang Kalagayang Realismo sa mga Piling Nobelang Pilipino. Mindanao State University, Marawi City.

Dipatuan, Saima L. (2009). Ang Realsimo sa Nobelang Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio R. Sikat. Mindanao State University Marawi City.

Jumalon, Rodson, E. (2008). Mga Pagpapahalagang Moral sa mga Piling Maikling Kwento ni Genoveva Edroza‐Matute. St. Michael‟s College, Iligan City.

Mangoda, Naifa L. (2007). Realismo sa Nobelang “Daluyong” ni Lazaro Fransico Mindanao State University, Marawi City.

Masbud, Sittie Jalilah D. S. (2005). Ang Realismo sa Nayon at Lunsod ng Nobelang “Anak ng Lupa” ni Domingo Landicho: Mindanao State University.

Mullanida, Pilmore. (1995‐1996). Mga Elementong Historikal sa Nobelang: “Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio R. Sicat”.

Journal

The Encyclopedia of Philosophy, International Edition, New York. American Corporation Vol. 7 (2005).

(23)

Chua, Anthony T. S. (2009). Philippine Mabuhay, News Malat sa Kabataan. Vol. 17 no. 46 (Nov. 13‐19).

Villamin, A.M. (Aug. 2003). On Values Education, Graft and Corruption. Philippine Journal of Education p. 96.

Diksyunaryo

American Webster Dictionary, National Bookstore.

Tagalog English Dictionary, Rex Bookstore.

Internet

dr.holmesmargie.www.com.twothousandnine

www.teenstoday topicssitemapcharacteristics

Referensi

Dokumen terkait

Yun naman ang isang tema ng kwento, dahil naman sa mga salitang ginamit at paglalarawan sa dalawang pangunahing tauhan na sila Doray at Intoy.. Nag-iiwan din naman ang kwento

Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan

Ayon sa survey, 14 katao na may 46.67% na porsyento ang naniniwalang kaya kailangang matutuhan nila ang kaugaliang Pilipino ay dahil upang magkaroon ng

Hinahangad kong maisapelikula ang nobelang ito upang mabatid ng lahat na ang magsasakang Pilipino ay dapat mabigyan ng katarungan sa kanilang sinasakang lupa at nawa’y magkaroon

Ang sarbey ay naglalaman ng sampung katanungan na idinisenyo upang malaman kung ang mga mag- aaral ba ay may ideya sa konsepto ng mga kakulangan sa kagamitan at pasilidad ng

Ibig niyang sa kanyang tingin ay mawatasan ng matanda na nababatid niya na ginawa yaon upang mapawi ang pag-ibig niya kay Merton, sapagkat laban

Si Gaspar ay isa sa mga nagmamay-ari nito noon.Sa huling bahagi ng kanilang pagkukuwento ay naitanong ko kung anong salita ang tibor.Umamin si Gaspar na maging siya ay hindi rintiyak

Sa hilaga ay matatagpuan ang ilog ng Santa Maria kung saan inihihiwalay nito ang Hacienda de Lolomboy sa hacienda ng Pandi; sa timog naman ay ang ilog ng Marilao na naghihiwalay sa