• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pagsusuri Ng Satanas Sa Lupa (1)

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pagsusuri Ng Satanas Sa Lupa (1)"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

“Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan Isang Pagsusuri

ni Nico G. Osio I. Pamagat

A.“Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan B. “Panitikan sa Makabagong Panahon” II. Buod

“Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan

Si Benigno Talavera ay isang karaniwang tao bago siya mahalal na Kongresista sa ating Batasang-Bayan. Ang kanyang pagiging gerilya ang siyang naghatid sa kanya sa tagumpay bilang kinatawan ng lalawigan ng San Miguel.

Tulad ng karamihan sa mga Kongresista, si Benigno ay mabuti at matuwid. Ginawa niya ang mga dapat niyang gawin para sa ikabubuti ng kanyang lalawigan. Sa pananamit at pamumuhay ng pamilya niya, makikita na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan.

Nagbago ang prinsipyo ni Benigno sa hindi niya kagustuhan. Minsan, nagkasakit ang isa niyang anak at kailangang ipasok sa ospital. Nang magaling na ito, wala siyang perang ipambayad sa ospital nakiusap siya at pumayag naman ang may-ari na si Dr. del Rey. Makikita sa katauhan ni Benigno na ayaw niyang maging masama ngunit sa pagpupumilit ni Dr. del Rey, nagbago siya. Kinasangkapan ng doctor ang pagiging kongresista niya upang ipalakad ang “loan application” nito sa PNB. Nalakad ni Benigno ang loan ng doctor kaya nagpasalamat ang huli. Binigyan nito ang kongresista ng iasang sobre na kinalalagyan ng maraming pera. Nagpumilit sa Benigno na isauli ito ngunit umalis ang doctor, kaya’t ipinagpalagay na lamang niya itong bayad sa kanyang nagawang paglilingkod.

Simula sa pangyayaring ito, sunod-sunod na ang mga tuksong dumating kay Benigno. Sumunod si Mr. Lim. Ang intsik na ito ay isang “smuggler” at si Benigno ang tagapaglusot nito sa adwana. Si Balkbin Marcial, isang kawani ng adwana, ang siyang tagalakad para mailabas ang mga kontrabando. Gaya ng kay Dr. del Rey, ipinalagay ni Benigno “para sa paglilingkod”niya ang mga salaping ibinibigay ni Mr. Lim.

Ang pagpapalipas ng oras sa mga “niteclub” ay isang karaniwang gawain ng mga kongresista. Sa isang paghahapi-hapi ni Benigno sa may Roxas Boulevard, nakatagpo niya si Kongresista Caprio. Inanyayaan nito si Benigno na uminom at pagkatapos ay dinala sa isang bahay na kung saan ipinakilala siya kay Diana – isang babaing labing-anim na taong gulang at sariwa pa.Madaling nahulog ang loob ni Benigno sa babaeng ito.Pagkatapos ng inaasahang maganap, ikinuwento ni Diana ang buhay niya. Lalong naawa siya kaya sinabi niya na ititira na lang niya si Diana sa apartment.Pumayag agad ang babae. Sa pag-uusap nila, biglang may pumasok na mga lalaki. Tinakot nila si Benigno pero sinabi ni Diana na kasamahan siya ni Kongresista Carpio.Pagkatapos umalis ang mga lalaki, napag-alaman ni Benigno na mga “black mailer” lamang ang mga ito.

Ibinahay nga ni Benigno si Diana. Naging malayo siya sa kanyang pamilya at napalapit na lalo kay Diana. Ang kabit na ito ng ating Kongresista ang siyang naging

(2)

tagapag-ayos ng mga “deal”. Dahil sa pagbabago ni Benigno sa kanyang pamilya, umalis ang kanyang mag-anak patungong probinsya.Sa kasamaang-palad, naaksidente sila Malubha ang naging sugatb ng anak nilang si Marichu. Hindi nagtagal at namatay ito.Galit nag alit si Benigno. Isinumpa niyang magbabayad ang may kagagawan nito.Sa kasamaang-palad ulit, namatay ang tsuper ng trak na nakabangga sa kotse nila. Napag-alaman ni Benigno na si Don Ignacio ang may-ari ng trak. Nagbago ang isip niya sapagkat hindi niya kayang idemanda ang Don na isa sa mga tumulong sa kanya nang malaki. Nagalit si Virgie sa naging desisyon ng asawa niya. Naisip nitong mas mahalaga sa asawa niya ang pulitika kaysa buhay ng anak nila.

Upang makalimutan ang pagkamatay ni Marichu, iminungkahi ni Benigno kay Virgie na magbakasyon sila sa Roma. Alam ni Benigno na wala silang gagastusin sapagkat si Mr. Lim ang bahala. Pumayag ang babae. Sa may airport, iniabot ni Mr. Lim kay Benigno ang isang maleta upang ibigay sa kapatid nang Makita na dolyar ang laman nito. Dahil sa pusisyon niya sa pamahalaan medaling nakalusot ang maleta sa Custom.

Sinalubong ng kapatid ni Mr.Lim sina Benigno sa airport ng Hongkong .Inasikaso silang mabuti. Ipinasyal, pinakain at pinatira sa pinakamahal na hotel. Kinabukasan,lumipad na sila patungong Roma na may sama ng loob sa kapatid ni Mr. Lim. Nagtampo si Benigno dahil hindi siya nabigyan ng babae.

Sa Roma, tinawagan ni Benigno ang embahador ng Pilipinas.Pinadalhan siya ng isang kawani ng embahador upang tulungan siya. Nagbigay ng isang salu-salo ang embahador para sa karangalan ng kongresista. Sa piging na ito, sinabi ni Benigno sa embahador na gusto niyang magkaroon ng isang “exclusive audience” sa Papa.

Sa “audience” nina Benigno at Virgie sa Papa, nagdala siya ng isang libong rosaryo upang pabendisyunan. Binalak ni Benigno na na magkaroon siya ng larawan na kasama ang Papa. Nasunod ito ngunit nagtampo naman si Virgie dahil hindi siya kasama. Dahil sa pag nanais ni Benigno na magkaroon ng larawan, nakalimutan niyang pabendisyunan ang mga rosaryo.

Namasyal sila sa iba’t ibang pook ng Roma. Inutusan ng kongresista ang kawani ng embahada na isama nito ang asawa upang ipasyal si Virgie. Nang silang dalawa pa lamang ang magkasama, nagpadala siya sa mga babaing nagbibili ng aliw. Kinabukasan,nakaramdam si Benigno ng kakaiba.Nahihirapan siyang umihi. Nag-alala siya dahil maaaring magkaroon siya ng sakit sa babae at maaaring nahawa si Virgie dahil nahilig siya noong nakaraang gabi. Pumasok siya sa ospital. Dito, nalaman na hindi ioto sakit sa babae.

Bumalik siya sa Pilipinas. Sinalubong sila ng maraming tao na puro naman binayaran. Nagkaroon ng salu-salo sa Manila Hotel para sa kanilang pagdating.Ang Pangulo at ang Unang Ginang ay dumalo rin.

Pagdating nila sa bahay, nalaman nilang nagtanan ang anak nilang si Ester. Kasama ang anak ni Kongresista David na si Rosendo.Hindi nagtagal at bumalik ang dalawa.Humingi sila ng tawad at bendisyon. Noong una’y ayaw ni Benigno na maging balae si Kongresista David. Ipinatawag niya ang mag-ama upang pag-usapan ang kasal.Sinabi niya na kailangang malaki ang kasalan pero tumanggi ang ama ni Rosendo sa kadahilanang wala silang pera.

Umuwi na si Rosendo at ang ama niya. Kinagalitan ni Benigno si Ester hanggang sa maitulak nito ang anak. Namilipit si Ester kaya dinala siya sa ospital. Napag-alaman nila na nalaglag ang sanggol sa dinadala nito.

(3)

Gumaling si Ester at umuwi na ng bahay. Si Benigno naman ay abalang-abala dahil sa imbestigasyon ng kongreso sa masamang gawain niya. Naisip niya ang ama ni Rosendo. Ipinatawag at kinausap tungkol sa kasal ng kanilang anak. Nagkasundo sila.

Sa pagpapalipas-oras ni Benigno sa isang niteclub, napag-alaman niya ang mga pagmamalabis ng anak ni Kongresista Caprio na si Ricky. Nagkaharap ang dalawa at nag-usap. Nagkasagutan sila at pagkatapos, bigla na lamang nakarinig ng isang putok. Bumagsak si Ricky at naligo sa sariling dugo.

Mula sa insidenteng ito, sunod-sunod na ang mga problemang dumating kay Benigno. Ang anak nitong si Ismael ay naging isang “drug addict”,si Diana naman ay nakikitungo kay Balbino Marcial at ang anak niyang seminarista na si Conrado ay nahumaling kay Diana. Pati ang pangarap niyang maging Bise-Presidente ng bansa ay naging malabo.

Si Conrado, ang seminaristang anak ni Benigno, ay unti-unting nahumaling kay Diana. Umabot ang kanilang relasyon sa pagdadala ni Diana sa kanyang sinapupunan ng anak nila ni Conrado. Nasaktan si Benigno nang malaman ito.

Lahat ng mga problema ni Benigno ay gumugulo sa kanyang isip hanggang dumating ang kasukdulan. Hindi na niya kaya pang tanggapin. Ang puso niya ay sumuko na sa mga sama ng loob. Dinadala siya sa ospital ngunit talagang wala na . . . hindi na niya gustong mabuhay. Hindi nagtagal at binawian na siya ng hininga.

Sa bulwagan ng Kongreso, pinarangalan si Benigno bilang isang magaling na Kongresista ngunit hindi ito nagustuhan ni Virgie. Sinabi niya na hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa lahat ng mga pangkukunwaring ginagawa sa harap ng bangkay ng asawa niya. Sumigaw siya at sinabing iyan na lamang siya. Nailibing si Benigno nang matiwasay ngunit ang mga gawaing pulitika ay patuloy pa ring gumugulo sa pamilya niya.

Tulad ng sabi ni Carpio kay Virgie, “Hindi po blackmail, Misis. Ito po’y pulitika!” III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Ang nobelang “Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan ay isang nobelang panlipunan dahil ito ay tumatalakay sa mga isyung panlipunang nagaganap hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayaring ito ay nagaganap hanggang sa kasalukuyan. Napapanahon ang isang nobelang ito.

(4)

Ang naging istilo ng paglalahad ni Carunungan sa kanyang nobela ay isang daloy ng pangyayari sapagkat Malaya niyang isinasalaysaya ang buhay ni Benigno na kung saan magdadala sa mga mababasa sa tunay na mensahe at esensya ng isang nobela. Makatotohanan ang mga paglalahad na kanyang ginawa sapgkat ang mga ito ay patuloy na nangyayari sa kasalukuyan.

C. Mga Tayutay

1. Si Benigno ay parang isang buwaya.

Ang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng isang tayutay na pagtutulad. Ang salitang buwaya ay tumutukoy sa isang hayop na mabangis at madalas ay kain nang kain na madalas ikumpara sa mga pulitiko naa mas inuuna ang kanilang mga sarili kaysa sa bayan.

D. Sariling Reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/ Teorya

Ang teoryang nakapaloob sa nobelang ito ay REALISMO. Sapagkat ang mga pangyayaring naganap sa nobela ay patuloy pa ring nangyayari sa kasalukuyan. Marami pa ring katulad ni Benigno na nananatiling namumuhay sa kasinungalingan, karahasan at kamunduhan.

2. Mga Pansin at Puna a. Mga Tauhan

1. Benigno Talavera

- mahusay ang pagkakaganap ng protagonistang ito. Naipakita niya ang isang natatanging tauhan na kasasalaminan ng mambabasa sa nais na mkilala ng mababasa siya ay isang Congressman- Siya ay isang mapanggamit na tao- Hindi na niya iniisip ang kaniyang pamilya- Ma bisyo- Siya ay kumandidatong Bise Presidente- Nakalimutan na niya ang kaniyang Dahil sa kaniya ang nagkagulo ang kaniyang pamilya-siya ang kinikilalang “SATANAS SA LUPA”

2. Virginia Talavera

-bilang maybahay ni Benigno nagging maunawaing ina at asawa-Mapagmahal, mapagtimpi at mapagbigay- Tinitiis niya parati ang mga kahihiyang ginagawa ng kaniyang asawa- Sinusuportahan niya ang kaniyang asawa.

3. Conrado Talavera

- Siya ang anak ni Benigno at ni Virgina na gustong magpari-Parati niyang sinasabi sa ama na siya’y ipagdarasal niya- lumabas siya sa kumbento dahil sa minamahal niyang si Chona- Nakipagtanan kasama si Chona.

(5)

-anak na lalaki ni Benigno-naging kaibigan ng anak ni congressman Caprio na si Ricky-nagkaroon ng koneksiyon ka Balbino Marcial dahil sa marijuana-pinagbibintangang pumatay kay Ricky

b. Galaw ng Pangyayari

Naging maayos ang paglalahad ng mga pangyayari sa nobela. Naisalaysaya nang may tamang pagkakasunod-sunod ang mga tauhan gayundin ang mga kaisipang nais maiparating ng manunulat sa kanyang mga mambabasa. Naipakita ng bawat tauhan ang kanilang papel na dapat na ginampanan sa nobela.

3. Bisang Pampanitikan a. Bisa sa Isip

Ayon nga sa isang pabula na pinamagatang “Ang mga Surot” na kung saan ay naghahanap ang amang hari ng dugo ng isang matapat na politico na siyang magbibigay lunas sa karamdaman ng kanyang anak. Masasabing Malabo nang malunasan ang karamdaman ng kaniyang anak sapagkat sa panahon ngayon ay mahirap humanap ng dugo ng isang matapat na politiko. Nais lamang ni Celso na turan o itatak sa isip ng mga mambabasa na dapat ay lagging isipin ang kapakanan ng kapwa at kailangan gawin ang nararapat o TAMA upang mas gumanda ang buhay. Ika nga, kailanman ang taong namumuhay sa kadiliman ay hindi kailanman magiging masaya.

b. Bisa sa Damdamin

Nakakalungkot lamang dahil ito ay isang makatotohanang nobela na nakabatay sa realidad na siyang gigising sa mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Ang nobelang ito ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kanyang paligid.

c. Bisa sa Kaasalan

Tinuturuan ng nobelang ito ang mga mambabasa na maging mapanuri at mapaghimagsik. Sa ating lipunan, kailangang maging mapanuri sa kung sino ang nais nating maging pinuno na ating susundin. Mapanuri sa lahat ng mga gawaing ginagawa ng mga nakaupong opisyales ng pamahalaan.

d. Bisa sa Lipunan

Malaki ang epekto nito sa lipunang ginagagalawan ng mga taong makakabasa ng nobelang ito. Makapagninilay ang sinumang makakabasa nito. Mababanaag ng mambabasa ang karumihan, kadustaan at

Referensi

Dokumen terkait

Kulas : Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin. Castor : At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.. Hindi ka mandaraya, Kulas.

Lambak - Ito ay isang kapatagan ngunit napapaligiran ng bundok na kung saan ay maaaring magtanim ng gulay, tabako, mani, mais at palay.. Baybayin - Ito ay isang bahagi ng lupa

saan matatagpuan na sa teksto ang laat ng ideya, impormasyon, at kaulugan para sa mambabasa# Nagreresulta ito sa isang pasibong pagbasa, kung saan ang. mababasa ay nagiging

Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa

 Isang patunay na isang constituent tulad ng PP ay kung pwede itong ilipat bilang isang yunit sa ibang posisyon sa loob ng

Ayon sa kanila, tinuturuan nito ang mga mag-aaral na maging tamad sapagkat alam nilang naroon na ang sagot kung kaya’t hindi na sila mag-aaral at kokopyahin na lamang ang mga ito, dahil

Gagamitin natin ang salitang “disaster” bilang suheto ng pagtatanong ng papel na ito, at kung paano ito nauugnay sa konsepto ng “sakuna.” Kung paanong ang sakuna sa pag-unawa nito sa

Sa pagsasadiwa ng Patakarang Pangwika, isang bagong kategorya sa Gawad Chanselor ang binuo, ang “Natatanging Mananaliksik sa Filipino.” Pangunahing layunin nito na kilalanin ang mga