• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kasanayan sa Pagbasa

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Kasanayan sa Pagbasa"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

PAGBASA

 ito ay interpretasyon ng nakalimbag ba simbolo ng kaisipan

 pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag nanakalimbag upang mabigkasng pasalita.  Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat nasimbolo.

 Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag. Kasanayan sa Pagbasa

-Pagkuha ng Pangunahin at Tiyak na Detalye 1. Paksang Pangungusap

-sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya -ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto

-kadalasa’y makikita sa unang talata (implayd) at huling talata (konklusyon) ng tekstong ekspositori 2. Suportang Ideya

-mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap -tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap

-ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto -Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

 Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa.  Makikita ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito

-Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto

Damdamin ng Teksto – tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto, maaaring saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa

Tono ng Teksto – tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay, maaaring masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa

Pananaw ng Teksto – tumutukoy sa punto de bistang ginamit ng awtor sa teksto, 1. unang panauhan – ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin 2. ikalawang panauhan – ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo

3. ikatlong panauhan – siya, niya, kanya, sila, nila at kanila -Pagkilala sa Pagkakaiba ng Opinyon at Katotohanan

Katotohanan o Fact ay isang klase ng impormasyon na walang kaduda-duda at maaring mapatunayan na totoo. Ang mga ito ay bihirang nag-iiba sa magkakaibang pinanggagalingan ng impormasyon.

Opinyon ay pahayag na base sa mga saloobin at pagpapalagay. Maaaring mag-iba ang mga ito sa pinagmumulan ng impormasyon at hindi ito maaring mapatunayan.

(2)

-Pagsuri kung Valid o Hindi ang Ideya

Ideya o pananaw – Tumutukoy ito sa pansariling opinyon o kaisipan ng isang indibidwal ukol sa isang paksa. -Maari din isang paraan ng pagkakaintindi o pagkakaunawa ng isang tao sa isang ideyang pinag-uusapan.

Pagsusuri ng pananaw

• Iba-iba ang mga pananaw ng bawat indibidwal base sa kanilang kaalaman, pag-uugali, karanasan atbp. • Hindi lahat ng ideya o pananaw na isinasaad ng bawat tayo ay dapat nating tanggapin

• Kailangan kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung ito ba ay valid o hindi Mga Batayan

1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?

2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay? 3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw? 4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon -Paghinuha at Paggunita sa Teksto

-Pagbuo ng Lagom at Konklusyon

Pagbuo ng iba't ibang salita batay sa punang salita Paraan ng pagbuo ng salita

1. paglalapi 2. pag-uulit a.) unang pantig ng salita b.) dalawang pantig ng salita c.) buong salita 3. Pagtatambal -Pagbigay ng interpretasyon sa mapa, chart at talahanayan

Ang interpretasyon ng mapa ay kung ikaw ay gumagawa ng mapa ikaw ay magkakaroon ng mabigat na responsibilidad sa trabaho ngunit katumbas nito ay karagdagang sahod. Kung ikaw ay nag aaral ng mapa ibig sabihin nito ay makakapaglakbay ka sa ibang bansa.

1. Kahulugan at Kahalagahan

 Pagkilala at pagkuha ng mga kaisipan mula sa mga nakalimbag na sagisag o simbulo.  Pag-unawa sa wika ng author

 Paraan ng pagkilala, pagpapahalaga at pagtataya sa mga simbulong nakalimba (Austero et al. 199)  Bahagi ng pakikipagtalastasan kaugnay sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat (Bernales et al. 2001)  Ayon kay Goodman ito ay isang Psycholinguistic guessing game na bumubuo ng mga kaisipang

panibago mula sa binasa. May diin sa paghuhula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng predeksyon sa binasa (sa Badayos 2000)

 Isang prosesong pangkaisipan ayon kay William Gray (sa Bernales et al. 2000  Kaya ito ay may apat na proseso

1. persepsyon-pagtingin sa nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas. 2. Komprehensyon-pag-unawa sa mga impormasyon sa binabasa.

3. Reaksyon- paghatol kung tama o hindi ang binabasa, paghbibigay kumento. 4. Asimilasyon- pag-uuganay sa mga dating kaalaman at karanasan sa binasa.  Ang pagbasa ay isang sikolohikal o extension ng ating utak

*kinapapalooban ito ng 3 salik:

o Pamilyar sa materyal na binabasa o Antas ng kahirapan ng binabasa o Layunin sa pagbasa

(3)

5 DIMENSYON NG PAGBASA  1. Literal (unang Dimensyon)

 2. Interpretasyon (ikalawang dimensyon)  3. Kritikal (ikatlong dimensyon)

 4. Aplikasyon (ikaapat na dimensyon)  5. Pagpapahalaga (ikalimang dimensyon) 2. Proseso ng Pagbasa

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.

2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.

3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan. 4 na Teorya

1. Teoryang Bottom-up

Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang

pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.

Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang Interaktib

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima

Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

(4)

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA Pag-uuri ng mga ideya at detalye

• Pag-uuri ng mga ideya at detalye:makakatulong ang kaalaman sa paksang pangungusap at pantulong na mga kaisipan

• Makikita ang pamaksang pangungusap madalas sa unang talata at huling talata. Maaari ding makita sa gitna ngunit bibihira.

• Implied kung sa simula at konklusyon kung sa hulihan Pagtukoy sa layunin ng teksto

• Iba-ibang mga layunin:maglibang, magbigay ng impormasyon, magmulat, magtanggol, mangaral at iba pa. Pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw sa teksto

• Damdamin na mararamdaman ng mambabasa

• Tono ay damdamin o saloobin ng author sa paksang tinatalakay eg., masaya, malungkot, nagbibiro at iba pa. • Pananaw ay tumutukoy sa punto de vista ng na ginamit ng may-akda. Makikita ito sa mga panghalip na

ginamit eg., ako, akin, tayo, namin, siya niya, kanya sila, nila at iba pa. Pagkilala sa pagkakaiba ng opinyon at katotohanan

• Katotohanan ay factual

• Opinyon ay maaaring sang-ayunan o hindi Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw

• Hindi lahat ng ideya dapat tanggapin kundi suriin muna ito • May batayan para masabing valid ang isang ideya: a. Sino ang nagsabi ng ideya?

b. Awtoridad ba siya sa paksang tinatalakay?

c. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya? d. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan?

Paghihinuha at paghuhula

• Prediksyon sa mangyayari gamit ang mga impormasyon at mga pangyayari. • Mga clues

• Madalas ginagamit ito sa kwento at nobela Pagbuo ng lagom at konklusyon

• Lagom ang pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso batay sa binasang teksto taglay ang pinakadiwa ng binasa.

(5)

• Konklusyon ay tumutukoy sa mga implikasyong hinango sa binasa o kaya ay mga bagay na napatunayan. Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

• Hindi basta-basta ang pagsulat sapagkat kinakailangang magsanay sa pagpili ng paksa, organisasyon ng diwa, gramar at lohika ng presentasyon sa paksang isusulat.

• Ito ay pagsasalin ng mga kaisipan sa paraang pasulat sa pamamagitan ng mga simbulo sa layuning maipahayag ang mga kaisipan(Bernales, et al., 2001)

• Ang mga ito ay presentasyong biswal sa mga datos at pagbibigay ng angkop na interpretasyon. Mga Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat

• -Pagsasanib ito ng mental at pisikal na aktibidad para sa iba’t ibang layunin. Pagbibigay interpretasyon sa mapa, tsart, graph at talahanayan

• Nangangailangan ito ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales, et al., 2002)

• Nakapagpapadali ito sa pag-unawa ng mga sa pag datos.

• Ayon kina Xing at Jin (1989), isa itong komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento kaugnay sa komunikasyon.

• isa itong mataas na uri ng komunikasyon dahil esensyal dito ang napakaraming elemento at requirement ng gramatika at bokabularyo (xing at jin)

• Ayon kay Badayos (2000), napag-aaralan ang wasto at epektibong pagsusulat.

• Ayon kay Keller (1985), isa itong biyaya mula sa Maykapal, isa itong pangangailangan, at isang kaligayahan. • Ayon kina Peck at Buckingham (sa Radillo, 1998), ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo

Referensi

Dokumen terkait

Ang kanyang ama ay larawan rig isang taong kuntento dahil siya ay nakakaraos nang mag-isa sa buhay kahit hindi humingi ng tulong sa anak.. Ngunit ito ay

kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pag- iisip at nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng awtor at paano ito sinasabi.. Nakapagsasarili – nakagagawa

Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi dahil naitatala nito ang kasaysayan.. Ang wika ay

An paninigarilyo ay mapanganib sapagkat ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamang sa taong gumagawa nito kung hindi na rin sa taong naka paligid sa

Nang makarating si Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap sa kanyang gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya masikmura

5 Ikinamatay ni Padre Damaso ang labis na sama ng loob dahilan sa ililipat siya sa napakalayong lalawigan ² ang dahilan nito ay malalayo siya sa Maynila at hindi na niya

Si Gaspar ay isa sa mga nagmamay-ari nito noon.Sa huling bahagi ng kanilang pagkukuwento ay naitanong ko kung anong salita ang tibor.Umamin si Gaspar na maging siya ay hindi rintiyak

Sa pagsasadiwa ng Patakarang Pangwika, isang bagong kategorya sa Gawad Chanselor ang binuo, ang “Natatanging Mananaliksik sa Filipino.” Pangunahing layunin nito na kilalanin ang mga