Pag- Ibig (Akda Mula Sa Bansang Singapore)

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Teks penuh

(1)

Pag- Ibig

(Akda mula sa Bansang Singapore)

Si Frankie Liew ay umiibig- totoo, tunay na umiibig. Paano nalalaman ng isang lalaki na iyon nga ang tunay? Lumalakad siya sa hangin, damdam niya’y nasa kanyang paanan ang mundo. Ganito mismo ang nararamdaman ni Frankie Liew. Pagpasok niya tuwing umaga sa trabaho na sakay ng kanyang Volvo, nadarama niyang lumalaki ang kanyang puso sa init ng magiliw na pagmamahal kaya’t mapagkaibigan siyang ngumingiti sa mundo, ngumingiti kahit na sa mga buhol na bus stops ng mga pang- umagang commuter na mukhang matatamlay. At kumakanta siya. Kumakanta siyang bigay- hilig, sa kabuuan ng walong milya patungo sa opisina, palusot sa mga traffic jam at nagmamadaling pedestrians, di pansin ang ingay ng alikabok, dahil siya’y umiibig.

Mas gusto niya ngayon ang mahina at sentimental na mga kanta ni Pat Boone at Nat King Cole at Dean Martin, at tuwing umaga, pinapatugtog niya ang tapes ng mga to sa kanyang kotse pagpasok sa trabaho. Di magawang di sumuko si Frankie Liew sa madamdaming himig nina Nat King Cole at Dean Martin kaya’t pikit- matang nakasandal sa upuan na ibinibigay niyang buong- buo ang sarili sa kapangyarihan ng pag- ibig. Gustong- gusto niya kapag tungkol sa April love ang kinakanta ni Pat Boone, at sa April showers na nagpapabukadkad sa mga bulaklak ng gagawing bouquet para sa pinakamamahal; di nga ba’t nakilala niya ito- ang maganda, ang munti niyang Pearl noong Abril? Tandang- tanda niya na noo’y ika- 21 ng Abril, Linggo. Ngayon, ang Abril ay ang buwan din ng kanilang kapanganakan; tuwang- tuwa siya nang ito’y malaman kinabukasan. Diba iyon ang patunay na sila’y nilalang para sa isa’t isa? At ‘yong isa pang nakasisiyang kanta ni Pat Boone, I’ll Remember Tonight. Siya, si Frankie Liew, ay di makakalimot kailanman sa gabing una niyang nakasayaw ang kanyang si Pearl. Lagi niyang maaalala ang malambot na liwanag ng buwan na dumampi sa kanilang mukha (tulad na tulad ng sa kanta)

(2)

Talagang umiibig si Frankie Liew, dahil nagsimulang magkaroon siya ng interes sa tula. Sa eskwela ay wala siyang kahilig- hilig sa tula (ang totoo, lagi siyang bagsak sa kanyang test sa Literature) pero ngayo’y gusto niya ang tula- mga tula tungkol sa pag- ibig at ang nakakapangilabot nitong mga pasyon at alitan.

“May love, she is the bejeweled star of Ind,” nasambit ni Frankie, at isa pang okasyon ay

sumulat siya mismo ng sarili niyang tula kay Pearl.

“P is for the Preciousness of our love. “E is for the Everlasting, Eternal Passion. “A is for – “

Nahirapan siyang humanap ng tamang salitang mag- uumpisa sa A at R, at sa wakas ay nakasya sa Angelic at Ravishing, bago madaling nakapagtapos sa Love para sa huling letra ng pangalan nito.

Naroon ang sakit ng pagtatapat ng tungkol dito kay Mee Choo, pero ang mga ganoong bagay ay dapat gawin sa matibay ang loob, at nagpaka- lalaki si Frankie sa pagpanhik ng

apartment ng babae at sa pagsabi dito, sa boses na nanginginig sa damdamin, na hindi na niya

ito iniibig, na ang puso niya ay naibigay na niya ngayon sa iba, at maaari bang mapatawad siya nito at hindi pagtamnan ng galit? Napaiyak ito sa kanyang balikat (tulad ng kanyang inaasahan), at sa isang saglit, habang yakap niya ito na humihikbi sa kanyang balikat (tulad na tulad ng minsa’y nakita niyang pag- iyak ng kahanga- hangang si Ling Hsia, ang Asian movie queen, sa balikat ng matangkad, tahimik at guwapong Wan Fung), ang magiliw at purong pagkaawa na kanyang naramdaman ay ganun na lamang, at naisip niya na sila’y dapat talagang mag- break. Hindi tumagal ang kanyang pagdududa. Sa sandaling nasa piling siya muli ni Pearl, alam niyang wala siyang minahal nang tulad ngayon, na ang buhay ay walang kahulugan bago niya ito natagpuan, na ito ang maningning na bituin ng kanyang buhay.

Si Pearl ay umiibig. Damdam niya na ngayon ito’y tunay. Noong mga nakaraang pagkakataon, siya’y pinahirapan ng pagdududa, pero ngayo’y natitiyak niya na ang lahat ay magiging maayos. Sa wakas ay nakatagpo siya ng isang lalaking payag niyang pakasalan na wala

(3)

ang alinman sa mga pagdududa at pag- aalala ng gumulo sa kanya tungkol sa ibang mga lalaki sa kanyang buhay. Halimbawa, ang isang malaking pag- aalala ay kung kaya ang sweldo nito, ayon sa paggasta nito, na masustentuhan siya sa level na pamumuhay na kinagisnan niya. Sapat ang sweldo ni Peter Tan, pero kung gumasta ang taong iyon! Kung hindi ito magbabago ngayon, anong pag-asa mayroon na magbabago ito pagkatapos na kanilang kasal? Sa pagka- gastador nito sa kanyang bowling, sa kanyang mga kabayo, sa kanyang mga kaibigan, kailangang umasa siya nang malaki sa sarili niyang sweldo upang mapamahalaan ang kanilang household at pamilaya—sa ganoong circumstances, paano siya, at ang dalawang anak na binabalak niyang magkaroon, mabubuhay ng mabuti? Hindi siya magpapakagaga na katulad ni Yuen. Si Yuen ay nag- asawa ng isang pobre, isang lalaki na mas mababa kaysa kanya ang mga kwalipikasyon at kayliit ng sweldo. Ngayo’y nakatira si Yuen sa isang upahang munting aksesorya, at laging naiigayang tumingin sa mga singing ng diamante at palawit na jade ng ibang tao dahil hindi niya makakaya ang mga iyon kailanman.

Maganda sanang huli si Hong. Talagang nakakapanghinayang na ganoong pamilya ang dinadala niya—isang buong pugad ng matatakaw at mapagsamantalang mga magulang at kapatid. Hinding- hindi niya mapapakasalan si Hong sa kabila ng kaguwapuhan nito, ang maganda nitong sweldo, at pangako ng promosyon sa pinapasukang kumpanya, dahil hinding- hindi niya matotolera ang pamilya nito. Nasabi sa kanya ni Hong, sa kanyang panghihilakbot, na kahit na pagpapakasal, siya’y inaasahang magbigay ng kalahati ng kanyang sweldo sa kanyang pamilya bilang suporta—ang isang batang kapatid na lalaki ay nangangailangan ng sustento para maitawid sa unibersidad, ang dalawang batang babae ay nasa elementary pa, at ang isang hikahos na tiya ay sa kanila nakatira. Sa lahat naman ng—Sa tindi naman ng sama ng loob ay ayaw na ni Pearl na makita pa uli si Hong; mahal niya ito, pero kaylungkot isipin ang nakakasuka at parasitiko nitong pamilya! Sa huli’y binitiwan niya ito. Nagdamdam ng husto si Hong. Iniwasan niya ang tingin nito ng nasaktang pagtataka, pero binitiwan niya ito, gaano man niya ito kamahal.

Mabuti naman, sapagkat di nagtagal, nakilala niya si Frankie Liew. Umiibig siya rito halos mula sa umpisa at ngayon, alam niya ay di magkakaroon ng pagkabigo o sakit na puso. Si Frankie ay di lamang tapos sa kanilang unibersidad kundi nakapagpost- graduate study pa sa

(4)

isang unibersidad sa Amerika. Tumatanggap ito ng mahusay na sweldo sa isang bangkong Amerikano at ang prospects ng pagtaas niya sa pwesto ay maganda. Walang limitasyon ang oportunidad sa pagbiyahe- biyahe nito sa iba’t ibang parte ng mundo na kaugnay ng trabaho (ang gastos ng asawa at mga anak ay sagot ng kumpanya). At si Frankie ay hindi isang gastador na spoiled brat. Isa siyang simpatikong lalaki, napakalambot ng puso, at tiyak na ito’y magiging mapagmahal na asawa at ama. At marahil, ang pinaka- importante’y wala si Frankie ng mga nakakapang- hilakbot na kompromisong pampamilya na mayroon si Hong. Nag- iisa itong anak, kaya walang mga batang kapatid na susuportahan sa pag- aaral. Matanda na ang mga magulang nito at may sariling pera, kaya di kailangang umasa sa anak. Isa sa dalawang beses na siyang napunta sa bahay ni Frankie; hindi niya nakita ang ama nito, na ayon kay Frankie ay may sakit at lagi sa kanyang kwarto, at ang ina ay sumandali lang niyang nakita minsan. Abalang- abala ito sa pagtingin sa matandang maysakit kaya wala nang panahon sa ibang bagay.

Tamang- tama ito. Walang mas makakabuwisit kaysa isang makulit na biyenan na laging nanghihimasok sa lahat ng bagay. Pag namatay ang dalawang matanda, ang bahay ( na may kalakihan) at ang bahagi ng isang malaki at lumang bahay- pamilya ay mapapasa- kanila. Bukod dito, ang matandang babae ay may koleksiyon ng alahas na jade na lubhang mahalaga.

Walang pag- aalala sa mundo si Pearl. Dinala siya ng isang masaya at walang pagkukulang na pag- ibig, at siya’y lumabas upang gawin ang isang bagay na alam niyang magbibigay ng malaking kasiyahan sa kanyang minamahal na si Frankie. Ibinili niya ito ng isang

pewter mug, kung saan niya ipinaguhit sa pinong gold lettering ang mga sumusunod na salita: “To someone nearest and dearest, whom I first met on 21 April…

Nag- engage sila upang pakasal at pakutyang winalang bahala ni Frankie Liew ang malamig na pormalidad ng “Engage: Frankie, son of Mr. and Mrs. Liew hak Thai, to Pearl,

second daughter of Mr. and Mrs. Oon Cheong Mun.” ng announcements column ng Straits Times, para sa isang maluhong indibidwalidad ng isang munting tula na may anim na linya na

sinulat nila mismo sa isa’t isa.

“Sinimulan namin ang isang trend para sa mga taong umiibig,” sabi ni Frankie.

Ang lahat ng kanilang lakas at interes ay ibinuhos nila sa paghahanda sa kasal. Naghanap sila, at nakatagpo, ng materyal na parehong babagay sa bridegroom’s suit at bridal gown; ito’y

(5)

isang klase ng mukhang sharkskin na tela, makintab ng tulad ng perlas ng kaputian. Magiging iba rin ang kanilang wedding cake; ang isa sa baytang ay maliligiran ng kandila na kapag sinindihan ay magbibigay ng pinaka- pantastikong epekto sa malamlam na liwanag ng Orchid

Room ng Hotel Imperial. Sa labis niyang kasiyahan, nagpasya silang puntahan at pormal na

hingan ng bendisyon sa kanilang darating na kasal ang matatandang magulang ni Frankie. Ang ama ni Frankie, ayon sa anak, ay medyo maysakit at ganoon lang palagi mula ng maaksidente tatlong taon na ang nakakaraan, pero matutuwa ito ng husto sa paghingi dito ng bendisyon ng maganda nitong manugang.

Maaga ng isang oras na mag- isang dumating sa bahay si Pearl. Galing siya sa pagsa- shopping, at masaya sa kanyang mga nabili, gusto niyang makapagpahinga at marepresko ang sarili bago umuwi mula sa trabaho si Frankie. Lubha siyang nasindak at naguluhan sa kanyang nakita kung kaya’t damdam niya’y di na babalik sa dati kailanman ang relasyon nila ni Frankie.

Ang inaasahan niyang makita ay isang mahina, magiliw at payat na matandang lalaki na ala- alalay ng kanyang asawa, pero ang ama ni Frankie ay lubhang kasuklam- suklam. Nakaupo ito sa sahig sa padyamang maluwag na naksampay sa yayat na katawan, basa, tulad ng nagwawalang bata pausal- usal ng mga di maintindihang salita habang sinusubuan ng asawa ng sa tingi’y malambot na kung ano mula sa isang tason. Ang lubos na pagkasira ng isip at kaluluwa nito ay makikita sa malalaki, usli, at di makakitang mata sa malalim na bungangang kinukutsarahan ng pagkain na pinipigilang tumulo sa gilid, sa mali- mali at walang koordinasyong galaw ng ulo ng mga kamay. Di makpagsalita sa pangingilabot si Pearl. Ang kanyang magiging biyenang lalaki!

Saglit na humingi ng paumanhin kay Pearl ang asawa nito sa pagiging abala upang siya’y estimahin, at kimi siya nitong inimbitang maupo at ipalagay na nasa sariling bahay; tapos ay nakalimot na ito sa lahat ng bagay habang mahinahong pinipilit na kumain ang asawa. Nanghihimok ito at nagpapatawa; nantatapik at nanghahaplos pa ito ng mukha at kamay. Nasa bawat bahagi ng katawan nito ang walang- katapusang hirap at pagtitiis, pero magaan ang mga kamay nito, ang boses nito ay malamig at mahinahon.

Binuhos nito ang lakas at inubos ang pag- ibig sa walang silbi at warat na lalaki, na nakondenang mabuhay na parang gulay habang panahon. Napatitig si Pearl. Tahimik din siyang

(6)

napaluha. Hindi, hinding- hindi niya matatanggap na matuloy ang kasal. Hindi niya matatanggap na maksama sa ilalim ng isang bubong ang isang biyenan na ang kapansanan ay gayon na lamang upang kanyang panghilakbutan kahit saglit lamang siyang mapatingin dito (at ayon kay Frankie ay labas sa anumang usapan ang pag- iwan niya sa dalawang matanda).

At ngayo’y hibang na nagsimulang tumakbo agad ang kanyang isip—ano kung namamana ang ganoong kondisyon? Ang sabi sa kanya ni Frankie’y nagkasakit ang ama nito pagkaraan ng isang aksidente. (Nagkasakit! Paano nito nagawang linlangin siya!) pero halimbawa’y di ito ang buong katotohanan at ang aksidente ay nagsilbi lamang na daan upang lumabas ang isang kondisyong hereditaryo? Di kaya ito makuha ng mga anak ni Frankie? At si Frankie mismo, sa kanyang pagtanda, di kaya siya mauwi sa ganoon ding pagkasalanta at paghihirap? At siya bilang asawa, uubusin ba niya ang natitira niyang buhay sa pag- aalaga dito, tulad ng ginawa ngayon ng ina nito—ang babaeng itong patpatin, kulubot, at tinakasan ng espiritu?

Umiyak si Pearl. Nilisan niya ang bahay. Nang gabing iyon ay sumulat siya kay Frankie ng isang liham na may bahid ng luha. Humingi siya ng patawad. Sinabi niya na hindi niya maatim na matuloy ang kasal, sadyang di niya maatim. Hindi niya binanggit ng direkta ang dahilan, at sa huli, ang kanyang sulat, na may limang buong pilas ng may- pabangong asul na papel, ay lumabas na pawang paninisi sa sarili at maamong paghingi ng pag- unawa at kapatawaran.

Ang mga luha ni Frankie ay nadagdag sa mga bumahid na sa sulat. Di kayang magalit o mag- isip nang matiwasay, bumagsak ito sa kama, nagtakip sa mukha ng unan at isinuko ang sarili sa kahibangan ng pagkasawi sa pag- ibig, isang damdaming pinatindi ng malungkot na himig ng I Can Never Love Again na nagmula sa kanyang transistor radio.

“Kailanma’y hindi darating muli sa akin ang pag- ibig, ako’y biktima ng pag- ibig,” malungkot na sabi ni Frankie, at pinuntahan nito si Mee Choo para makonsuwelo. Umiyak siya sa balikat nito. At higit pa noong okasyong umiyak ang babae sa kanyang balikat, nadama niya ang agos ng magiliw na pagnanasang tumangay sa kanya, kaya napatingala siya dito, ang mga luha’y nangingintab sa kanyang mga pilikmata at nagtanong, “Iibig kaya ako uli kailanman?”

Tinatanong din iyon ni Pearl, pero sa ibang mga kataga, habang nakaupo sa tabi ni Hong, sa tingi’y naulila at puno ng pagsisisi, kaya nalimutan ng lalaki ang nakaraan niyang sama ng

(7)

loob. At nang yakapin niya ito, at sabihing iniibig pa niya ito, nanginginig na inulit ng babae ang kanya ring pag- ibig, pero lakas- loob na sinunod niya iyon, at ang pinakamasamang mangyayari ay nakalipas na. Naalala niya ang pamilya ni Hong, ‘yong ganid na mapagsamantala—at sa isang saglit, ang kanyang kaligayahan ay muling nalagay sa alanganin, pero inilayo niya ito sa isip, winalang- bahala niya ito bilang isang problema na mahusay na malulutas pagdating ng panahon.

Figur

Memperbarui...

Referensi

Memperbarui...