• Tidak ada hasil yang ditemukan

Maikling kuwentong Asyano

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Maikling kuwentong Asyano"

Copied!
52
0
0

Teks penuh

(1)

TROPANG BIBO

MAIKLING KUWENTONG

_____________________________________________________________________________________________

(2)

ANG LURA NG DEMONYO

(Maikling Kwentong Hapon) Ni Hiroshi Naito Salin ni Lualhati Bautista

oong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon. Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis siya rito. Tumawid na siya rito. Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng maraming taong papalapit, na may dala-dalang mga naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo ng isang pinuno kasama ng kanyang mga ayudante. Kaya umalis siya sa daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim ng tulay.Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay ang mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga tao. Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang mata, samantalang ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na gulat ang lalaki sa nakita niya. "Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni.. "Hulihin natin!" sabi naman ng isa.

Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka kainin siya ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang gagawin. Pero walang ipinahiwatig na kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay kainin ang lalaki at itinulak siya nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila nag-alisan. Nakahinga nang maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay. Dali-dali na siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay, ayaw siyang kausapin ang kanyang pamilya bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga iyon. " Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya kung ano'ng nangyayari sa kanila.

Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita dahil sa dura ng mga oni. Nakikita niya ang kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng mga ito, pero mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito siya sa pangyayaring nagaganap. Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang pamilya ng lalaki dahil nawawala ito sa piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang kanyang kamag-anakan at sinabing kasama siya ng mga ito sa bahay, pero wala ring nangyari. Kahit tinatapik pa niya sa ulo ang kanyang mga anak, tila hindi nararamdaman ng mga ito ang kanyang kamay. Sa pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama, sa pag-aakalang nawala na nga ito. Samakatwid ang Bagong Taon ay naging araw ng trahedya para sa kanila at nagdaan pa ang maraming malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang natitirang paraan sa kanya kundi humingi ng tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad niyang binisita ang Dambana ng Rokkaku-do.

" O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nag-alay siya ng mga taos-pusong panalangin sa Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo. Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa panaginip, nakatagpo raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na lumitaw mula sa likod ng kurtinang kawayan at mataimtim na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na tagasunod! Umalis ka rito bukas nang umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang taong masasalubong mo sa daan pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!" Nagpatirapa siya sa harap ng pari. Nang magising siya, maliwanag na. Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may nasalubong na siyang isang pastol. Naisip niya na ito ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa kanyang panaginip.

(3)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Nilapitan siya ng pastol at sinabi nito: "Kumusta, mahal kong kaibigan, sumama ka sa akin." Ikinatuwa ng malungkot na lalaki na nakikita na siya ng iba, at dahil dito'y kaagad siyang sumunod sa pastol. Naglakad sila nang kaunti at nakarating sa tarangkahanng isang malaking palasyo. Itinali na pastol ang kanyang baka sa isang kalapit na puno saka lamang nito binuksan nang bahagya ang bakod at sinenyasan ang lalaki na sumunod sa kanya. Sinabi ng lalaking di-makita na imposible niyang magawa iyon dahil napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y nananaginip pa rin siya. Dinala siya ng pastol sa laloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kwarto sa bandang likuran. Nakaratay sa higaan ang isang matanda ngunit mayasakit na prinsesa ng mansion.

Binabantayan ito na kanyang mga magulang-ang senyor at senyora-at lahat ng katulong ay pawing nababahala sa kanyang karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang pastol ay dir in nakikita ng ng karaniwang tao. Natuklasan ng lalaki na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo siyang nawalanng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng kahoy na martilyo ang ulo ng maysakit na prinsesa. Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya ang prinsesa, namimilipit ito sa sakit. Sa ganoto, inakala ng senyor at senyora sa namamatay na ang kanilang anak. Kaagad silang nagpatawag ng Buddhistang pari para paalisin ang anumang masamang espiritu na gumagambala sa anak nilang maysakit. Hindi nagtagal, dumating ang isang butihing pari at nagdaos ng mga dasal upang playasin ang masamang espiritu. Umawit ito ng panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-nakikitang lalaki sa ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba pang panalangin ang pari. Gulat na gulat ang di-nakikitang pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang kimono. "Sunog, sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-gulong sa lapag. Sa sumunod na sandal, lumitaw ang kanyang kabuuan. Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan sila: "Saan siya nanggaling?"

Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal na inusisa siya ng senyor tungkol sa kanyang biglang paglitaw. Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang kanyang kakaibang abentura. Sabin g pari: " Isang milagro 'yan. Marahil ay ginusto ni Kannon-sama ng Dambana ng Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito gayundin, na gumaling ang prinsesa." Milagro talaga na nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay na gumaling din ang prinsesa.. Masayang umuwi ang lalaki. Di na kailangang sabihin pa na tuwang-tuwa ang pamilya niya nang Makita siyang muli. Ang identitad na pastol ay nanatiling misteryoso hanggang ngayon pero pinaniniwalaan ng maraming tao na siya'y isa pang kaluluwa.

(4)

ANG AMA

(Maikling kuwento ng Singapore) Salin ni Mauro R. Avena

agkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui.

(5)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas.Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay.

(6)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

(7)

ANG ISTORYA NG TAXI DRIVER

(Mula sa Singapore) By Catherine Lim Revised By: M.R. Avena

yos, Ma’am. Sigurado-Darating kayo sa miting ng mas maaga sa tyempo. Dito tayo dumaan, Ma’am. Konting trapik, konting bara ng mga kotse. Medya-ora lang, naron na tayo. Kaya h’wag kayong mag-alala, Ma’am . Ano yon. Ma’am? Oho, oho. Ha, ha dalawampung taon na ‘kong taxi driver, Ma’am. Panahon pa ng kopong-kopong. Di pa ganito ang Singapore nanikip sa tao, bising-bisi. Noon mas tahimik, kokonti pa lang ang taxi drivers, at di-masyadong maraming kotse at bus. Oho, Ma’am, kumikita naman. Di malaki pero pwede na. Anong mabuti? Para umasenso sa Singapore, sipag lang. Sa mga tulad naming no read, no write,walang kapital para sa negosyo, kailangang magpatulo ng pawis nang kumita para sa misis at mga bata. Oho, Ma’am malaki ang pamilya ko. Walong anak-anim na lalaki,dalawang babae.Talagang malaki, ha, ha problema,, no Ma’am? Pero noon, wala naming family planning sa Singapore. Ang daming mag-anak ng pamilya;taun-taon. Dalawa,tatlong anak, pigil na. Sabi

ng gobyerno, “tama na.”

Buti na lang, malalaki na ang mga anak ko. Apat sa mga anak kong lalaki kumakayod na, isang negosyante, dalawang clerk, ‘yong isa titser sa primary school. Yong isa namay nasa National Service, at yong isa, nag-aaral pa, sa Secondary Four. Yong pinakamatanda kong babae, beynte anyos na siyang mahigit, sa bahay lang, tumutulung sa nanay niya. Wala po, wala pa siyang asawa. Masyadong mahiyain at medyo sakitin pero ang bait, masunurin. Yong isa kong babe-ay, naku, Ma’am, laking problema sa ama pag’yong anak na babae’y salbahe at lumalaban sa magulang. Napakalungkot, parang parusa sa Diyos. Ngayon, iba ang kabataan, di tulad naming noon. Noon, wala sa amin ang matigas ang ulo. ‘Pag sinabi ng magulang namin na, h’wag gawin ito, di naming ginagawa. Kundi, naron ang baston. Nabaston ako ng tatay ko. Kahit binata na at malapit nang mag-asawa baston parin. Istriktong masyado ang tatay ko, at mabuti ‘yon-maging istrikto ang magulang. Kundi, walang silbi ang labas ng mga bata. Di mag-aaral, aalpas at magna-night club o magda-drugs o sex. Tama ba ako, Ma’am? Ngayong, laking sakit ng ulo sa magulang ang kabataan. Nakita na n’yo yong teenager d’on sa labas ng coffee shop? Kita nyo na Ma’am? Mga estudyante palang ‘yon, pero kung umasta ‘kala mo mga big shot magastos, naninigarilyo na, kung magbihis sunod sa moda at mahilig na sa sex. Naku, Ma’am, kabisado ko na yan. Bilang taxi driver, kilala ko ang mga iyan at mga bisyo nila.

Kayo, Ma’am dib a sabi nyo titser kayo? Alam nyo ba ang mga batang babae na ‘yan-kinse, disisais anyos? Papasok ng eskwela ang mga ‘yan sa umaga na nakauniporme. Pagkatapos ng eskwela, di uuwi ang mga ‘yan. May dalang damit ang mga ‘yan sa school magpapalit ng suot, magmemeyk-up. Walang alam ang mga magulang nila. Sasabihin sa mama nila, may miting daw, may sports o laro, may gano’n, ganito, pero ang totoo e naglalakwatsa at kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa. A, Ma’am, mukhang ayaw ninyong maniniwala. Pero ‘yan ang totoo. Alam ko lahat ang kalokohan nila. Isinisakay ko sila sa taxi ko. Madalas, do’n sila sa bowling Alley o coffee shop o hotel naghihintay. Tapos lalapitan ng mga turisting kano o Europeo. Gan’on sila maglibang at kumita ng extrang pera. Maniniwala ba kayo, Ma’am, kung sasabihin ko kung ga’no kadami ng pera nila? Anak ng-! Kagabi, tong batang sakay ko kyut na kyut, nakameyk-ap at seksi ang suot. Sabi sa akin, dalhin ko ra sa Orchid Mansions. Kilalang-kilala ang isang lugar na ‘yon, isang four storey na apartment. Tapos greenbacks-teg ten dollars lahat. Humugot ito ng isa at sabi, “keep the change” wala raw s’yang tyempo. Para sabihin ko sa inyo, Ma’am buwan buway mas malaki ang kinikita ko sa mga teenager na ito kaysa d’on sa nakikiapagbargain sa ‘kin na ‘wag na raw ibaba ang metro pero naghihintay pa ng sukli nilang ten cents. Pwe! Binubwisit akong talaga ng iba sa kanila. Pero itong mga batang ‘to walang tawaran. Bayad lang nang bayad. At sobrang makikipagromansa sa taxi, kaya di bale kung mag-iikot ka nang husto at singilin sila sa metro!

(8)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Sabihin ko sa inyo, Ma’am, meron dyan na di pinoproblema kung magkano ang ginagasta sa taxi. Ganito yon Ma’am: Paglampas ng ala-una ng umaga, mas malaki ang kita. Doon ako paparada sa labas ng Elory Hotel o Tung Court o Orchid Mansions at sigurado, Ma’am ayos ang buto-buto. Noong sabado, Ma’am, walang biro sa isang araw lang kumita ako ng halos one hundred fifty dollars! Ang iba ny’on, para sa serbisyo. May turista kasi na di alam kung saan pupunta, kaya ako na ang nagsasabi at dinadala ko sila don. Ekstrang kita din ‘yon. Ay, naku, Ma’am, kung ikukwento ko sa inyo ang lahat, di tayo matatapos.

Pero ito ang masasabi ko sa inyo. Kung meron kayong dalagita at sasabihin sa inyo, “Mommy, may miting kami sa iskwela ngayon at di ako uuwi,” h’wag n’yonh sasabihin, “Sige hija” pero usisain nyo ang lahat. Ngayo’y di ninyo mapagkakatiwalaan ang mga bata, Di tulad noon. Ay naku, Ma’am nasasabi ko ito dahil Ako mismo’y may dalagita. Mahal na mahal ko ang batang ito. Napakabait nya at ang sipag mag-aral. Nakikita ko ang report cards at ‘yong sinusulat ng Kanyang titser na “Very Good” o “Excellent”, sa report Cards nya. Nag-aaral sya sa bahay at tumutulong sa nanay nya. Pero minsay tinatamad at sasabihin n’ya, pinababalik daw s’ya ng titser sa iskwela para makapag-aaral pa, para maturuan pa sa subject na mahina siya – yon daw Math, Ma’am. At ako naman, pinayagan ko sya, at araw-araw, gabi na siya umuwi, tapos mag-aral, tuloy tulog. Isang araw-naku,

Ma’am hanggang ngayoy ginagalit pa ako. Isang araw, nagdadrive ako ng taksi, parelaks-relaks lang, nang may nakita akong dalagita ng nakakahawig ng sa aking Lay Choo, may kasamang mga batang babae at ilang Europeo sa labas ng coffee shop. Sabi ko, hindi pwedeng si Lay Choo at ang isang ito e bihis na bihis, nakameyk-ap at magaslaw kumilos.Di ganon ang anak ko. Tapos pumasok sila sa coffee shop. At ‘yong puso ko sobra ang pa’no nga sabihin ‘yon, Ma’am? Yong puso ko, parang binabayo ng kung ano. Sabi ko, mabantyagan nga, at tingnan ko ang kalokohan nya. Nong sumunod na araw, nand’yon sa uli. Ipinarada ko ang taxi ko, Ma’am. Galit na galit ako noon. Sinugod ko ang Tarantadong anak ko at sinunggaban ko sa balikat at leeg at saka pinagsasampal ko at binugbog syang muli. Estupida! Walang hiya! Pinilit ako ilayo ng asawa ko at ilang kapitbahay. Palagay ko’y napatay ko ang batang iyon kung di ako naawat.

Tatlong araw kinulong sa kanyang kwarto. Nahiya akong sabihin sa kanyang titser kung ano ang nangyari, kaya sabi ko nalang may sakit si Lay Choo, at kung p’wede, i-excuse nya sa klase. Ay naku, Ma’am. Anong nararamdaman ninyo kung nasa lugar ko kayo? Pinababa n’ya ang kanyang sarili, ganyon ang ama N’yay maghapong pasada nang pasada ng taksi para Maipadala sya sa unibersidad. Ano ‘yon Ma’am? Oho, oho – okey na ho ang lahat Salamat. Di sya pwedeng lumabas ng bahay, liban kung papasok sa iskwela at bilin ko sa ina nya, check-in lagi ang ginagawa nyan at ‘yong mga kabarkada nya, kung anong klaseng mga ito. Ay, naku Ma’am ang kabataan ngayon anong sakit ng ulo.

Ano ‘yon Ma’am? A, sorry ho, Ma’am di ko kayo mahihintay matapos ang inyong miting. Kailangan kong lumarga, kaya pasensya na ho. Nagmamadali ako Ma’am, papuntang Hotel Elory. Mraming mga batang maisasakay. Kaya sorry nalang, Ma’am at maraming salamat.

(9)

AANHIN NINO ‘YAN?

(Mula sa Thailand) Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista

i Nai phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paa’y singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang.

Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: “Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya.” Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!”

Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto. Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa aking tindahan at doon n’yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa.

Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman.” Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.” Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki pang kayamanan.

Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili, “Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.”

Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir?” Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya na hindi maganda ang mga pangyayari.

“Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat! Kung anuman meron ka. Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa iba’t ibang dako araw-araw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.” Hindi nanginig si Nai Phan.

(10)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang; “Ibibigay ko sa’yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa’yo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay dito’y buhay at kamatayan.

Eto. . . lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguro’y may sakit ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.” Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin iyon.

“Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!—at itabi mo ang iyong baril— giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niya’y naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.”

Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad.

“Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang lalaki. “Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang pera sa binata. “Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung desperado.”

Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayo’y uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo,” umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy. “Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking ina’y inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natira’y inubos ko sa pag-iinom.” “Lahat ng tao’y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamali’t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan. “Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo,” pagpapatuloy ngkabataang lalaki. “Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginawang masasama—dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.”

“Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?” Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. “Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman sa mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na ako’y ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao.

(11)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Minsan, ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.”

Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. “Lahat ng tao’y ganon ang pakiramdam kung minsan.” “Kaya mo ba akong paniwalaan?”. “Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pa—hindi ako nagtatagal kahit saan.”

“Nagbabasa ka ba ng libro?”

“Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan, pero ganun at ganon din ang mga istorya.”

Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan. “Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na ito’y punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kpag-asalanan ng tao, may natitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay. Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.” Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.

“Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga bandido’y maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y laging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nila’y maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang tao’y walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.”

Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: “Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. ‘Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam.”

Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ng kape.

(12)

PAALAM SA PAGKABATA

Salin ni Nazareno D. Bas

ala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim – iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang ako’y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.

Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito’y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito’y tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan. "Hanggang ngayon ba’y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?"

Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.

Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman.

Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha. "Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo." Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit? "Ano pa ang hinihintay mo, Celso?" Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya’y tumakbo na ako ng matulin.

Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.

Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig.

(13)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. "Naririyan na naman siya."

"Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam."

Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa. Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo’y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata.

Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos. "Dalawin mo ako palagi, ha?"

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi – lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay. Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako."Lapit rito, Celso!" Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal. "Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin."

Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?

Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghalian siya’y matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.

Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.

Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan.

Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.

(14)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito’y magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan. "Celso!"

Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat. Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino – si Tatay na sumusurot kay Nanay. "Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya."

"Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang ako’y nakapagpipigil pa."

Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at ako’y gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.

Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina’y umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.

(15)

TAHANAN NG ISANG SUGAROL

Salin ni Rustica Carpio

ng maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan,parang bahaghari. Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandalisiyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustongmawala ang mga bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taonggulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig.“Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si Ah Yue iyon namas matanda kay Siao-lan ng mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbopara kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ngkubong walang dingding.Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin atnakapikit—nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, atnakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit atnangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagaykamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya atmalapit nang manganak.Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isangisinampay ang mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayadsiya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraanng pagsasmpay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyangsinabi, “Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!”“Opo!”, sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong,“Inay, luto nab a ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!”Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahitmayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapagwalang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindisinasadya’y nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang kanyang puso.Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungansi Siao-lan sapaglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang bald eng tubig at kinarga ang mga ito sapingga pauwi.Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, samalaki at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyangpaa, at sa hubad na si Siao-lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga-linga.Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedengmagbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay,pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina. Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Sa tabi ngpugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangangisantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguha ng panggatong. Tumulong siSiao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar.Abala sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mgaguhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula alas-sais ngumaga, nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawahanggang ngayon maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umaga’y nanguhasiya ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy napanggatong at namitas ng ta-feng-ho isang damong panggamot nagagamitin niyangpampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siyahanda. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailanga, anong mangyayari sa bahay kungbigla na lang siya ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sakama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niyaaasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sabahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ngkanyang bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kangyangasawa kapag nagging masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nitodalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon.“Sssst…” Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay aynapuno ng bango ng nilulutong gulay.Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan angnakatatandang kapatid na nakatyao pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.Di kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labasng pinto. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo,

(16)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

ha? Gustomo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?”“Itay… Nagsasampay lang ako…”, kiming sagot ni Ah Yue.Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay atsandaling tumayo, galit. “Lintik! Gabi na’y hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba parahanapin ang kalaguyo mo?”“Sandali na lang…maluluto na… Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapos…pagkatapos ay puwede na tayong… maghapunan.” Walang lakas ng loob si Lian-chiao natumingala man lamang. Inilagay niya sa isang plato ang pinipritong talbos ng kamote atnaglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mgakamay habang hinuhugasan ang inasinang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingayng kanyang asawa.Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ngopyo:payat at matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Mataposnakapamaywang na sinigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas nanagtanong, “Handan a ba ang tubig na pampaligo?”“Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko na…”Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig saisang balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay saluma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang-pag-sa.Sumagitsit sa kawali ang inasinang isda dahil sa init ng mantika.“Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos.Wala kanga lam kundi kumain!” Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang angbabae’y papunta sa banyo.Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi silanagkalakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sasugal si Li Hua.Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni LiHua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, “Pwe!”, lumura salupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig.Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa,ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, “Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman?Ako’y…”“Ano? Hindi ako aalis!” Napakalakas ng boses ni Li hua. “Natalo ako ng biente dolyarngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalosa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto samadyong!”“Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying… Malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya atalak.” Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa angkanyang boses.Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalongpumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita angdalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. “Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyongbumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakithindi mo kayang magbayad?”Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang mahahabaniyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig,natitigilan at hindi makakilos.Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigasna higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago napagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising nagising pa rin ang kanyang isip.Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal napumapailanglang sa lambak, naaanod, naaanod—kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taongpatay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sakagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niya—si Lian-Chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ngmainam na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, piniliniya para maging manugang si Li Hua, na anak ng noo’y isang mayamang negosyante. Lahatng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ngbahay, ang ina’y namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na dahil saipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa buongbuhay nito?Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahilsa luhang napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyangasawa, ang walang silbi at tila kawayang siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwanng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghithit ng opyo, pagpunta sabahay-aliwan…eksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ayang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae angisisilang ni

(17)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Samadaling sabi, si chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito,napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao.Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kungminsan ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob namagmaktol at mangatwiran, mandidilat agad iyon, at luluraan sa mukha mismo, humihiyaw,“Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka!Kung gusto mong lumayaw, puwede ka nang lumayaw ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigilsa iyo?...” Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan dahan siyang bumaling.Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa,magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi parin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirapsabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat nabagay—kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang angnakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino anggagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglagang bata, at mamatay siya, sino ang humahalinghing, “Ang tiyan ko…masakit…dalhin agad…dalhin ninyo ako sa ospital…”“Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandangpitsa ito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apt…isanglibo dalawang daan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!”Malaki and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isangbunton na ang nasa harap niya. Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa,maluwang na maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mgachips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. “Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagalingnitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha…”“Ai-yo…yo…”“Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua.Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galitna tinignan niya si Lian-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay naipaarkila sa kanya and Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi. Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungolpa ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan.

Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyangnakakita ng ilaw ma mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw,dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko angnakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.“Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!” Lumabas sakotse si Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano anggagawin.Humagulgol ng iyak si Siao-lan… Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao.Habang pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, “Nagising ako saiyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay. Naisip kongbaka narito kayo, kaya dinala ko siya dito…”Nang malaman ni Ah Yuen a papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti angilong nya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.“Kokak,kokak…”Umiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit nakalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao atang lahat ng bagay sa kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siyamakasulong at hindi din siya makaurong ilang sandal siya tumayo roon, walang tinag at hindimalaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya.Natutuliro siya at nahihilo. ”Kras.” Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mgadaliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ngdalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo.Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at unti-untingnasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kungilang beses na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahilsa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko ng mababa hanggang ang sakit ay humupa…ngunit ilang sandal lamang.Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loobat maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mgasugarol, umuungol o tumatawa…Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto.Marahil ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka namannapakahina ng katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-

(18)

MAIKLING KUWENTONG ASYANO

chiao ang sakit, at kumatok uli siya ng buong lakas.Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ngkapihan. Si Lian-chiao na nakasandal ng mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob.Noon una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niyakung sino ang babae, maliksi niya itong tinulungan at inakay papasok.Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa ay namangha rin s pagdating ni Lian-chiao.Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, “Anong nangyari? Bakit gabing-gabi naay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Center ba ‘yon? Ha! Maganda!” Magaganda ang pitsaniya at medyo ninenerbyos siya, matamang nakatingin sa mesa. Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ngdalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, “Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka diba? Alagaan mong mabuti and kapatid mo. Uuwi ang nanay pagkaraan ng dalawa o tatlongaraw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo…” Habang inaaliw si Ah Yue,napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng mga ilang araw,iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila.Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, “Inay,dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon.May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna…”Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalitadahil sa pag-aalala.Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos aypumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo.Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, “Khe-ta… khe-ta…” at paminsan minsan ng malakas na pung!Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isangmunting ilaw ang mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak atinaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag nabahay…

(19)

“DEAD RIVER”

(Maikling Kwento) Renato M. Malco Jr.

a Baranggay Rafael ay may isang magiting at respitado na tao ito ay si Mang Andoy. Isa si Mang Andoy sa nangangalaga at nagproproteksyon sa kanilang mayabog na ilog. Ang ilog na iyon ay biyaya at pamana mula sa kanilang ninuno kaya mula noon pinapahalagahan ng buong baranggay ang ilog, sa pamamagitan nang pagtatanim ng mga halaman, pagtatanod at pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Pero isang araw nagimbal na lang sila na may itinatayo na pabrika sa tabi nang kanilang ilog. Makalipas ang ilang oras ay may isang grupo mula sa pribadong sektor na siyang namamahala sa pagtatayo nang pabrika. Kinausap sila ng mga ito upang ipaliwanag na ang itatayong pabrika ay hindi makakasira sa kanilang kalikasan lalong lalo nasa minamahal nilang ilog. Natuwa at napanatag ang buong baranggay sa kanilang naring lalong lalo na si Mang Andoy.

Makalipas ang isang buwan nawindang ang lahat sa kanilang nakita, ang kanilang minamahal at isa sa kanilang kayamanan ay sinira nang polusyon mula sa pabrika. Kitang kita ni Mang Andoy ang sinapit nang kanilang ilog mga naglutangan na mga isda at na dati dati’y asul na ilog ngayon ay itim at may halo na nang kemikal. Sobrang nanlumo si Mang Andoy at galit nag alit sa pabrikang hinayaang nilang itayo sa tabi nang kanilang ilog.

Dahil dito buong buo ang loob nang Baranggay Rafael na mag- aklas sa naturang pabrika. Kaya makalipas ang isang araw nang paghahanda, ay nagpunta na si Mang Andoy at ang buong mamamayan nang Baranggay Rafael sa pag- aaklas sa naturang pabrika. Pero naharangan agad sila nang mga gwardyang nagbabantay dito. Dahil dito ay naisip ni Mang Andoy at nang kanyang kasamahan na sumangguni sa pamahalaan. Pero hindi sila natulungan nang pamahalaan sa kanilang problema sa kadahilanan na ang naturang pabrika ay may mga papeles na hindi nila maaring ipasara ang pabrika. Nanlalambot at nahihilo si Mang Andoy sa sinabe nang kanilnag Mayor. Dahil dito hindi nila napigilan ang pabrika at lalo pang lumala ang sitwasyon nang ilog at natampuan na din nang mga sakit ang mga bata at matatanda sa Baranggay Rafael. Dahil dito nagsilikas na ang iba sa kanila kasama ditto si Mang Andoy na hinayang na hinayang sa pamana nang kanilang ninuno at iyon ang ilog.

(20)

SI DAVID AT SI GOLIAT

(Mula sa Israel)

NG mga Pilisteo ay lumalaban uli sa Israel. Ang tatlong kuya ni David ay nasa hukbo ngayon ni Saul. Kaya isang araw ay sinabi ni Jesse kay David: ‘Dalhan mo ng pagkain ang mga kapatid mo. Kumustahin mo sila.’

Pagdating ni David sa kampo, hinanap niya ang mga kapatid niya. Lumabas ang Pilisteong higante na si Goliat para tuyain ang mga Israelita. 40 araw na niyang ginagawa ito. Sumigaw siya: ‘Pumili kayo ng isa sa inyo para lumaban sa akin. Kung mapapatay niya ako, gawin n’yo kaming mga alipin. Pero kung mapapatay ko siya, kayo ang magiging alipin namin!’

Tinanong ni David ang ilang sundalo: ‘Ano ang makakamit ng taong makakapatay sa Pilisteo at magpapalaya sa Israel mula sa kahihiyang ito?’

‘Tatanggap siya ng maraming kayamanan, at mapapangasawa niya ang sariling anak ni Saul,’ sabi ng mga sundalo.

Pero takot ang lahat ng mga Israelita kay Goliat. Mahigit na 9 na talampakan (mga 3 metro) ang taas niya, at may isa pang sundalo na tagadala ng kaniyang kalasag.

Nabalitaan ni Haring Saul na gustong labanan ni David si Goliat. ‘Isang bata ka lamang!’ sabi ni Saul kay David. Sumagot si David: ‘Nakapatay ako ng isang oso at isang leon. Ang mga Pilisteo ay magiging gaya din nila. Tutulungan ako ni Jehova.’ Kaya pinayagan ni Saul si David na lumaban kay Goliat.

Kumuha si David ng limang makikinis na bato, dinala ang kaniyang tirador, at sinalubong ang higante. Nang makita siya ni Goliat, sinabi nito: ‘Subukan mong lumapit, kung hindi ko ipakakain ang katawan mo sa mga ibon at hayop!’

Pero sinabi ni David: ‘Humaharap ka sa akin na may isang espada, isang sibat at isang diyabelin. Pero humaharap ako sa iyo sa pangalan ni Jehova. Sa araw na ito ay ibibigay ka ni Jehova sa aking kamay, at papatayin kita.’

Kaya tumakbo si David papalapit kay Goliat. Inilagay niya ang isang bato sa tirador at inihagis ito ng ubod-lakas. Tumama ito sa ulo ni Goliat, at namatay siya. Pagkatapos, lahat ng mga Pilisteo ay nagtakbuhan. Hinabol sila ng mga Israelita kaya sila ay nanalo sa digmaan.

Referensi

Dokumen terkait

Narrator: Sa Biñan naranasan ni Pepe ang hindi niya naranasan sa kanilang bahay, at ito ang kanyang pinakaayaw sa lahat, ang tinatawag na corporal punishment o ang pamamalo sa

Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi

Noon ang mga babae ay nananatili lamang sa bahay at hindi pinag-aaral dahil naniniwala silang ang babae ay para lamang sa bahay at ang mga lalaki ang bubuhay sa kanilang pamilya.

kinuwento niya ang kanyang karanasan ng pangmomolestiya ni <uya (ims noong siya ay siyam na taong gulang  pa lamang, at kung paanong hindi tinuturuan ang mga batang

Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang klase, si Isagani ay

Isa sa dalawang beses na siyang napunta sa bahay ni Frankie; hindi niya nakita ang ama nito, na ayon kay Frankie ay may sakit at lagi sa kanyang kwarto, at ang ina ay

Ang akdang ito ay isang malikhaing pakahulugan lamang ng may- akda batay sa kanyang pananaw sa himig, at ang kanyang malayang pamamahagi ng akdang ito ay upang maihayag ang

Katulad na lamang ni Impong Sela bilang isang kasapi sa pamilya at ina ni Conrado, ginampanan niya ang kanyang papel sa pagmamahal sa apo. Di bale walang