• Tidak ada hasil yang ditemukan

Maikling Kuwento - Impong Sela

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Maikling Kuwento - Impong Sela"

Copied!
29
0
0

Teks penuh

(1)

Fil 103 – Maikling Kuwento

Pagsususri sa Maikling Kwento na “Impong Sela” ni Epifanio Matute

Mga Taga-ulat: Loren F. Allaga Hannah A. Leceńa

III – BSED Fil MTh/7:30-9:00

▸ Baca selengkapnya: paano hinarap ni hiuquan ang kanyang problema

(2)

Ipinasa kay: Prop. Roselle Simon I. Talambuhay ng Awtor

Si Epifanio Matute ay isinilang sa Tondo, Manila noong Abril 7, 1908. Siya ay nagsimulang sumulat para sa Taliba, Liwayway at iba pang peryodikong Tagalog noong 1927. Pagkatapos ay sumali siya bilang staf member sa Mabuhay sa ilalim ng patnugot ni Carlos P. Romulo. naging editor siya ng Sampaguita (1933-35), Mabuhay Magasin (1935-41), Manyhay Extra; at Liwayway (1941-44), kung saan naging editor siya ng piksyon.

Nagsimulang magsulat si Epfianio G. Matute noon 1927 habanag nasa kayskul pa lamang. Sa mga unang taon ng dekada trenta, nakapaglathala siya

(3)

ng nobela (Mga Laruan ng Tadhana) at maiikling kuwento ("Apat na Kandila," "Nagtatanong si Totoy", "Isang Santakrusan, Bago Magsimula," "Impong Sela," atbp.) na lumabas sa Taliba, Liwayway, Sampaguita, Pipit-Puso and Ilang-Ilang. Nagsulat siya para sa pahayangang Mabuhay at nagsilbing patnugot ng lingguhang Mabuhay Extra hanggang 1941. Kabilang siya sa mga unang nagtatag at naging patnugot ng Diwang Kayumanggi, isang anbisyosong magasing pampanitikan na ang una't huling isyu ay lumabas makaran ang digmaan. Kabilang sa kanyang mga sanaysay na nalathala ang mga sumsunod: "Ang mga Jeep-Girls ay Tao Lamang," "Ang Pagpupulis-Trapiko ay Isang Sining," "Ngayon ay Masasabi na Ito," at "Sanaysaging" Naging bahagi siya ng Dramatic Philippines na sa panahon ng pananakop ng bansang Hapon ay nag-akma at nagsalin ng mga banyagang dula sa Filipino. Nagpatuloy ang kanyang asosasyon sa grupong ito makaraan ang digmaan.

Si Matute ay nakapagsulat na ng maramimh artikulo sa parehong wikang Ingles at Tagalog para sa Taliba, Liwayway, Philippines Free Press, Graphic, Bagong Buhay, Malaya, at marami pang ibang pahayagan. Matapos ang liberasyon, inedit niya ang Malaya (1946) at Pagsilang (1947). Mula 1948 hanggang sa kasalukuyan ay nagtrabaho siya bilang chief of the script department of Dramatic Philippines. Sinulat niya ang popular na satirikong

(4)

dula para sa radyo na Kuwentong Kutsero, na di kalauna'y itinanghal at ginawan ng pelikula. Nakasulat na rin siya ng ilang palabas sa telebisyon.

Kasama ang kanyang asawa na si Genoveva Edroza-Matute, sinulat niya ang dalawang aklat na inaprubahan ng Bureau of Public Schools: Pilipino sa Ika-3 Baitang (Para sa mga Tagalog), at Pilipino sa Ikaa-3 Baitang (Para sa mga hindi Tagalog).

Unang nailathala ang "Impong Sela" sa Sampaguita Magazine (1932), na kasama rin sa Mga Kuwentong Ginto (1936) ni Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo.

II. Sanggunian o Aklat na Pinagkunan Mithi I - Sa Panitikan at sa Wikang Filipino Mga May-akda ng Aklat:

Maria Celeste Del Rosario Aida Marquez Guimarie Lilibeth Dayrit Monton Pahina 198-204

(5)

Sa maikling kuwentong Impong Sela, si Impong Sela… sa labis na pagmamahal sa apo ay nasulingan ang sariling ibigay ang lahat ng layaw dito. Sa etimolohiyang paggalugad sa kasaysayan ng pagkamakapamilya ng mga Pilipino- parte na ng ating kultura’t tradisyon ang pagpapahalaga sa bawat miyembro ng pamilya, kapuna-puna na ito sa istruktura pa lang ng ating pamilya. Karaniwan na binubuo ang bawat tahanan ng hindi lang iisang mag-anak- pagkaminsa’y pa nga ay tatlong henerasyon ng isang pamilya. Ngunit, ano nga ba ang papel ng isang impo, ng isang lola-mananatili na lamang bang tagapagpalayaw? o tagapuno sa kakulangan ng mga magulang sa kanilang anak? Sa dahan-dahang pag-analisa sa papel ng isang impo sa kanyang pamilya ay siya ring dahan-dahang pagkilala sa katauhan ng maging tagapagpuno sa kakulangan ng iba?

Pinakilala ang persona ni Impong Sela na nasa pagitan ng nakaraan at hinaharap- ang kasalukuyan ay maramot na pinalalasap ang kanyang kakayahan na magpasya batay sa kanyang karanasan.

Impong Sela

Isinulat ni: Epifanio Gar Matute

Noon ay buong kataimtimang minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag.

(6)

Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maaliban, marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunyo at halos kasiimputla na ng isperma. Maya-maya’y marahang dinama ng kanyang palad ang noo ng nahihimlay na maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing.

“Maria Santisima!” ang nahihintakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang sarili samantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay sa noo ng apo.” Nagbalik na naman ang kanyang lagnat.”

Ang matanda’y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang nakararaan, salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayo’y. . .

Mahal na Ina ng Awa!

Ito’y kanyang ikinababalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si Pepe’y. . . Maawaing langit!

Bakit, hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan niyang apong lalaki sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki, sa

(7)

katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni Impong Sela ang lahat na pagmamahal at pag-aaruga ng isang impo. Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa Nuno ang tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang iyon, si Pepe’y lumaki sa layaw, sa malabis na pagpapalayaw.

Siya ang nagging dahilan ng malimit na pagkakagalit I Conrado at ni Impong Sela. May mga pagkakataong ang anak at ang ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan, ngunit kailanman, palaging ang matanda ang nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang kanyang si Pepe.

At saka ngayo’y. . .

Si Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepe’y maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga santo, panata, debosyon…

A. . .!

“ Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay ang pagtitirik ng mga mata, “Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang kunin.”

(8)

Natatandaan pa niyang ang panata ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang ito’y pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo!

Maya-maya, ang maysakit ay kumilos. Dahan-dahang idinilat niya ang kanyang mga matang wari ay nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon at namataan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi.Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka iniabot ang kamay sa matanda.

“Lola” ang mahinang tawag.

“Oy, ano iyon, iho?” ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod nang bahagya upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe.

“Nagugutom ako.”

“Ikukuha kita ng gatas.”

“Ayoko. Sawa na ako sa gatas.”

Ang matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng dalandan, tsaa, at wala na. Ang mga ito lamang ang maaaring ipakain sa kanya ayon sa bilin ng doctor.

(9)

“Ayoko!”

“Katas ng dalandan?” Kangina lamang umaga’y itinulak niya at natapon tloy ang idinulot ng matanda. At si Pepe’y ayaw na ayaw ng tsaa, noon pa mang siya’y malakas.

“Lola, nagugutom ako!” Ang tinig ni Pepe’y may kahalo nang pagkainip. “Sandali lang, iho,” sabay tindig ng matanda at lumabas sa silid.

Pagkaraan ng ilang sandali, Si Impong Sela’y nagbalik na taglay na kanyang kamay ang isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne , at isang kutsara.

“Eto, anak, ngunit huwag kang kakain nang marami, hane?”

Pagkakita sa pagkain, si Pepe’y nagpilit na makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan. Ang matanda’y nagmamadaling lumapit sa apong nanghihina.

“Huwag kang pabigla-bigla, iho,” aniya, samantalang inaayos ang mga unan sa tabi ng dingding.”O, dito ka sumandal.”

Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe’y nakasandal din sa unan. At siya’y sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara. Dalawang kutsara.

(10)

Tatlo. Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat subo ng kanyang lola.

“Nanay! Ano ang . . . “ Si Conrado’y patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala nang laman.

“Nanay! Wala ba kayong isip?” ang sa pagkabigla ay naibulalas ni Conrado .

“Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na…”

“Ow, hayaan mo ako!” ang madaling putol sa kanya ng matanda.

“Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya mamamatay sa kaunting kanin. Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat.

“Totoooooy! Neneeeee!”

Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepe’y tumatakbong pumasok sa loob ng silid.

“Huwag kayong tatakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang inyong kapatid? O , kanin ninyo ito,” at idinulot ni Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe, “saying kung itatapon itong grasya ng Diyos.”

(11)

“Huwag!” ang halos naisigaw ni Conrad. “Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepe’y may tipus?”

“E, ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa, hindi ba?” anang matanda sa tinig na naghahamon. “Ang hirap sa inyo’y pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng mga bata.Tse! Bakit noong kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano, at nanggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang karobyong iyang pinagsasasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo ang umaabot sa edad naming? Kaukulang lahat iyang pinagsasasabi ninyo. Kung ibig ng Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doctor. Sa kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin ninyo ito.” ang baling sa mga apo, “ at huwag kayong parang tuod sa pagkakatayo!”

Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatpos ng mahabang “sermon” ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsasawalang- kibo na lamang.

(12)

“Bakit, natatakot ba kayo?” ang tanong ni Impong Sela sa kanyang mga apo. Hinagisan pa mandin ng isang irap ang kanyang anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa. “Tingnan natin kung sino ang masusunod sa bahay na ito!, Kanin ninyo ito, kung hindi’y…”

Nanginginig na sumunod ang mga bata, samantalang ang kanilang ama’y tumatanaw na lamang sa labas ng durungawan.

Kinabukasan, si Pepe’y nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa isang matinding bugso na siyang hindi ikapalagay ng maysakit. Tila siya iniihaw, pabiling-biling sa hihigan, at nakalulunos kung humahalinghing. Sa mga mata ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng kaloobang isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong mga sandali, samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang anak. Naroon din si Impong Sela. “Masama ang kanyang lagay.”

Hindi nagkamali ang doctor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa kanyang higaan at naghihiyaw ng kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang ay tila walang-lagot na tanikala. Walang patid. Walang-tila. Ang mga ngipin ni Conrado’y nagtitiim. Samantalang si Impong Sela ‘y bumubulong ng walang katapusang mga panalangin.

(13)

“Sinang,” ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, “huwag kang umiyak. Ang mabuti kaya’y dalhin natin siya sa ospital.”

“Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe ka sa ospital. Kung kayo’y nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola.Maamag-alagaan ko rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang magkakasakit , ako ang nagtitiyaga sa iyo at hindi kita inihihiwalay sa aking mga paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon – hayaan mo’t ako ang gagawa!”

“Ngunit, Nanay!” nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at pagmamakaawa.

“Ano ang ating magagawa rito? Kulang tayo sa mga kagamitan. Samantalang sa ospital. . .”

“Samantalang sa ospital,” kapag si Impong Sela’y nagsimulang manggagad, siya’y handing makipaglaban, “lalo na’t ikaw ay nasa walang bayad, ay titingnan ka lamang nila kung kailan ka nila ibig tingnan. Ano ang kuwenta sa kanila ng isang maysakit na hindi naman nila kaanu-ano? Mamatay ka kung mamatay ano ang halaga sa kanila niiyon? Tingnan mo ang

(14)

nangyari kay Kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at. . . Ave Maria Purisima! Huwag ninyong gagalawin ang apo ko! Hindi maaari!”

Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa!

Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi kundi ang impit na “Diyos ko! ! !” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang “hayaan- mo- na-ang- Nanay” na tingin. Kasabay ang isang malalim na bunting-hininga si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na.

Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iis. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap at saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng manggagamot ay saka. . .

“Bakit, Nanay?” ang namamanghang tanong ni Conrado.

“Naiisip-isip ko,” ang kanyang hikbi, “ ang anak na dalagita ni Juan ay kamamatay lamang noong isang lingo!”

(15)

“O, ay ano?” lalo namang namanghang tanong ng anak na hindi maiugpong ang pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa mga luha ng kanyang ina.

“Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang matatandang pamahiin. Marami na akong nakita. Iya’y hindi nagkakabula.”

“Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa kaululang iyan.”

“ Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awang Pepe kooo!”

At…

Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy ng pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa.

IV. Mga Sangkap ng Maikling Kwento Uri ng Kuwento

(16)

Kwento ng Tauhan

Sapagkat ang kwento ay tungkol kay impong sela. Ang kanyang ideolohiya, reaksyon, at mga paniniwala na nakakaapekto sa mga tao sa kanyang paligid.

Kahit saang anggulo tingnan ay makikita ng isang mambabasa na ang buong kwento ay umiikot sa prinsipyo ni impong sela sa kondisyon ng kanyang apo na kung saan ay mayroong malalang sakit ngunit labag sa kalooban ng lola na ipaospital ito dahil sa mga pangamba.

A. Tauhan

Ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.Ang pinakamahalagang papel sa kuwento ay ginagampanan ng pangunahing tauhan o protagonist, sa kanya nakatuon ang interest ng mga tauhanng sumusuporta sa kanya at mga tauhang kumakalaban sa kanya. Uri ng Tauhan

a. Flat (Lapad) – tauhan na hindi nagbabago mula sa simula hanggang sa katapusan ng kwento.

(17)

b. Round (Bilog) – tauhan na may pagbabago mula sa simula hanggang sa katapusan ng kwento.

Mga Tauhan

Impong Sela – lola ni Pepe at nanay ni Conrado

Conrado – ang kaisa-isang anak ni Impong Sela at ama ni Pepe

Pepe – labing-anim na taong gulang na apo ni Impong Sela at anak ni Conrado na maysakit

Sinang – maybahay ni Conrado at ina ni Pepe Totoy – kapatid ni Pepe

Nene – kapatid ni Pepe

B. Tagpuan

Sa tahanan ng maglola. C. Banghay

(18)

Linear - sapagkat nagpapakita ng pag-usad ng kwento mula simula hanggang wakas batay sa natural na reaksyon sa mga aksyon.

Simula

Palarawan ang kanyang ginamit na panimula Patunay:

Noon ay buong kataimtimang minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maaliban, marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunyo at halos kasiimputla na ng isperma. Maya-maya’y marahang dinama ng kanyang palad ang noo ng nahihimlay na maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing.

(19)

Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe’y nakasandal din sa unan. At siya’y sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara.Dalawang

kutsara.Tatlo.Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat subo ng kanyang lola.

“Nanay! Ano ang . . . ” Si Conrado’y patakbong pumasok sa silid at

tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala nang laman. Sinabihan ang ina kong ano ang bilin ng doktor? dahil gusto ibigay ng matanda ang natirang pagkain ni Pepe. Walang nagawa si Conrado. Siya’y tumahimik nalang. Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatapos ng mahabang “sermon” ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsasawalang- kibo na

lamang. Tunggalian Tao laban sa tao

Sapagkat si Impong Sela at ang kanyang anak na si Conrado ang ama ni Pepe ay hindi nagkakasundo sa kanilang mga desisyon. Sapagkat nais ng ama ng bata na dalhin na ito sa ospital, ngunit ang lola ng bata kung saan siya lumaki ay ayaw pumayag.

(20)

Kasukdulan

“Masama ang kanyang lagay.”

Hindi nagkamali ang doctor.Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa kanyang higaan at naghihiyaw ng kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang ay tila walang-lagot na tanikala. Walang patid.Walang-tila. Ang mga ngipin ni Conrado’y nagtitiim.

Samantalang si Impong Sela‘y bumubulong ng walang katapusang mga panalangin.

Nais ng mag-asawang Conrado at Sinang na dalhin sa ospital ang anak pero ayaw pumayag si Impong Sela dahil gusto niyang siya mismo ang mag-aalaga ng kanyang apo.

Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa!

Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi kundi ang impit na “Diyos ko! ! !”

(21)

Kakalasan

Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap at saka ngayonpang si Pepe’y matiwasay na.

” Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga manok ay nagputakan.Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw.Kaawa-awang Pepe kooo!”

Wakas At…

Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy ng pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa.

V. Suliranin

Ang totoong suliranin dito ay ang pagkakasakit ni Pepe ngunit ang mas naging problema ng mag-anak ay ang prinsipyo at pinaglalaban ni Impong

(22)

Sela, ang kanyang pagiging maka-tradisyonal at pagpapaniwala sa mga sabi ng nakatatanda. Masyadong makaluma ang kanyang pamamaraan ng pamumuhay, “primitibo” kung tawagin. Umasa lamang sa mga dasal, mga pangitain at tradisyunal na pamamaraan si Impong Sela upang gumaling ang kanyang apo kaya tuloy hindi naagapan kaagad ang nasabing karamdaman ng apo. Dahil na rin sa pangangatwiran at palaging pagsalungat ni impo ay mas lalong naudlot ang pagpapagaling sana ng apo.

VII. Tema o Paksang-Diwa

Pinapaksa nito ang epektong dulot ng Amerikanisasyon sa pang - araw araw na buhay ng isang ordinaryong Pilipino noon. Ang pagtuklas ng mga makabago at modernong mga bagay at kasanayan at ang mabuti at di mabuting dulot nito.

VIII. Pagsusuri

Pagdulog Sikolohikal

- KAWALAN NG TIWALA SA MGA DAYUHAN Patunay:

(23)

Si Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepe’y maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga santo, panata, debosyon…

“ Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay ang pagtitirik ng mga mata, “Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang kunin.”

Samantalang si Impong Sela ‘y bumubulong ng walang katapusang mga panalangin.

“Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe ka sa ospital.

“Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang matatandang pamahiin. Marami na akong nakita. Iya’y hindi nagkakabula.”

“Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa kaululang iyan.”

“ Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw.

(24)

Dito makikita ang kawalan ng tiwala ni Impong Sela sa mga Amerikano , sa modernisasyon at sa siyensya at medisina. Si impong sela ay larawan ng isang babaeng Pilipina na makatradisyon. Siya ay may pagmamalasakit parin sa matandang paniniwala na kanyang nakasanayan at naturo sa kanya ng kanyang mga nuno.

Paliwanag (batay sa implikasyon sa Lipunan):

Sa kasalukuyan ay may mga pilipino paring walang tiwala sa mga banyaga. Minsan ay nakikita sila sa liblib na lugar at ang iban ay namumundok. Minsan naman ay naging aktibista dahil sa pagkamuhi sa kolonyalismo at makadayuhang-mentalidad ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Pagdulog Kultural

- Paniniwala sa Sabi-Sabi / Pamahiin Patunay:

“kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw.” Paliwanag batay sa kwento:

Dahil ito mismo ang naranasan ni Impong Sela. , kaya akala niya ay laging ganoon ang mga mangyayari sa ganoong uri ng pagkakataon.

(25)

Paliwanag batay sa pangyayari sa Lipunan:

Mas nais pa nating iasa ang lahat sa tugon ng kalikasan at sinusukat ang pagiging totoo ng isang pangyayari ayon sa mga naranasan ng iba.

Teoryang Eksistensyalismo – sinusuri ang kilos ng tauhan batay sa paniniwala.

Patunay:

“E, ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa, hindi ba?” anang matanda sa tinig na naghahamon. “Ang hirap sa inyo’y pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng mga bata.Tse! Bakit noong kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano, at nanggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang karobyong iyang pinagsasasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo ang umaabot sa edad naming? Kaukulang lahat iyang pinagsasasabi ninyo. Kung ibig ng Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doctor. Sa kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin ninyo ito.” ang baling sa mga apo, “ at huwag kayong parang tuod sa pagkakatayo!”

(26)

Paliwanag:

Sapagkat hindi mo mapipilit ang isang tao na paniwalaan ang mga bagay nabago sa kanyang paningin at hindi pa niya nadadalumat sa tanan niyang buhay. Minsa’y nakabatay sa kanyang nakagisnan, nakalakhan, pamumuhay, at oryentasyon ng mga kanunununuan.

Ugali

Natatandaan pa niyang ang panata ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang ito’y pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo!

Ito ang kanyang kinamulatang paraan o tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot. Tulad ng sa mga ninuno, tulad ng pagkaligtas niya sa kanyang anak.

Desisyon

“Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag

ninyong madala-dala si Pepe ka sa ospital. Kung kayo’y nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola.Maamag-alagaan ko rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang

(27)

mga paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon – hayaan mo’t ako ang gagawa!”

Ang pagpapasya ni Impong Sela ang nasunod sa kwento. Nangangahulugan itong siya ang nagdesisyon kaya namatay si Pepe na kanyang apo.

“Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya mamamatay sa kaunting kanin. Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat.”

Ang pagpapakain kay Pepe kahit bawal ito. Dahil hindi naniniwala si Impong Sela sa mga pinagasasabi ng medisina at siyensya.

Bisang Pampanitikan 1. Bisa sa Isip

Ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay na nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang kanyang diwa o isipan.

Dapat pag-isipan muna ni Impong Sela ang sitwasyon at posibleng mangyari sa apo bago pa siya magdesisyon na hindi dalhin sa ospital si Pepe.

(28)

Samantala si Conrado ay nais niyang tulungan ang kanyang anak na maligtas sa nararamdamang sakit na dalhin si Pepe sa ospital pero pinanaig ng Impo ang sobrang pag-aalaga nito.

2. Bisang Pangkaasalan

Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay-aral at humubog ng katauhan. Ang aral sa kwento ay hindi dapat magdesisyon na padalos-dalos dahil sa ito’y nakakasama sa iba at saka dapat tumayo sa sariling paa ang anak na may asawa na.matutong mamuhay at manindigan nang para sa pamilya niya. 3. Bisang Pandamdamin

Sinasabing ang bisang ito ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang akdang pampanitikanm. Ginigising ng isang akda ang damdamin ng mambabasa kung ang damdamin din ng mga tauhan o ng may-akda ay malinaw na naipahahayag sa mga pandamdam, sa guniguni at sa puso ng mambabasa.

Sa sobrang pag-alala ng Impo sa kanyang apo halos tawagin niya ang lahat ng santo upang tulungan siya. Araw-araw siyang nagdasal para sa kaligtasan ng pinakamamahal na Pepe.

(29)

Ginawa niya lahat ng makakaya niya katulad na lamang; siya ang nagpapakain at nag-aalaga sa apo dahil mahal na mahal niya ito.

4. Bisa sa Lipunan

Sa bisang ito ay may kaugnayan sa kwento dahil ang tao ay may interaksyon sa lipunan. Katulad na lamang ni Impong Sela bilang isang kasapi sa pamilya at ina ni Conrado, ginampanan niya ang kanyang papel sa pagmamahal sa apo. Di bale walang bayad, ang sa kanya lang ay makatulong sa iba.

Referensi

Dokumen terkait

Narrator: Sa Biñan naranasan ni Pepe ang hindi niya naranasan sa kanilang bahay, at ito ang kanyang pinakaayaw sa lahat, ang tinatawag na corporal punishment o ang pamamalo sa

Sa isang bahagi ng kanyang report, ito ang ipinahayag ni Yee na maaaring gamitin ang Online Computer Game upang masukat ang kakayahan ng isang taong nag-aapply

Dahil para sa akin, sa liham na ito ni Rizal ay sinasabi niya lamang na hindi niya muna gustong humiwalay sa Espanya ngunit dahil hindi naging makatuwiran ang Espanya sa

Sanchez na iminungkahi niya sa kanyang Tiyo Amando na ipagbili na lamang ang lupa sa Maruhat at bigyan na lamang si Lino ng lupang mas malapit sa Pinyahan upang mapalapit sa

Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak.. Lumapit

Isang araw nakilala niya si Lucas at dinala niya ito sa kanyang Pad, naikwento ni Bessie na panagarap niya talagang maging artista, inaya niya ito ng sex ngunit tumanggi si

Sa ibang salita, kung ang Pilipinas ang kanyang tinataya bilang “unified organic climax community” na nakapagdiriin lamang sa kapuluang ito bilang isang “steady and sustainable state”

Ang koleksyon ay makabuluhan dahil makikita—sa sinulat hindi ni Recca kundi ng kanyang pamilya, mga kasama, kapanalig, at organisasyon – ang reenactment ng transformasyon ng buhay ni