• Tidak ada hasil yang ditemukan

A Mananggal Reads Mojares

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2017

Membagikan "A Mananggal Reads Mojares"

Copied!
24
0
0

Teks penuh

(1)

Pagbabasa ng Mananggal kay Mojares

(A Mananangal Reads Mojares

)

An Essay

By

RUIZ, AMIHAN, T.

(2015-91048, MA in Philippines Studies, Asian Center, UP Diliman)

Submitted To

MCM SANTAMARIA, Ph.D. Faculty of the Asian Center University of the Philippines Diliman

In Partial Fulfillment of the Requirements In PS219: Philippine Society and Culture

(2)

“‘Asa pa” ang unang tumambad sa aking isipan nang mabasa ang huling linya

ni Resil Mojares sa kaniyang akdang Brains of the Nation: Pedro Paterno, T.H.

Pardo de Tavera, Isabelo delos Reyes and the Production of Modern Knowledge

(2006).

Matingkad na pinalilitaw ni Mojares sa kaniyang pagsusuri sa buhay nina

Pedro Paterno, Pardo de Tavera at Isabelo de los Reyes ang pagiging ‘hati’ at

‘halo-halo’ ng mga intelektuwal sa ating kasaysayan. ‘Halo-‘halo-halo’ sa paraang nais

ipahiwatig ang pagka-hybrid o multi-form nila; sila na tila sinubukang pasukin at

galugarin ang lahat ng larangan ng pag-aaral at paraan ng pagpapahiwatig na abot

ng kanilang kamay upang ipakilala sa iba ang ibig-sabihin ng pagiging Pilipino (p.

361). At ‘hati’ naman sa paraang nais ipahiwatig ang pagiging liminal o di kaya

composite ng mga mukhang kanilang iniharap sa iba’t ibang kasapi ng lipunan na

kanilang ginagalawan.

Tila namamangka sa maraming ilog, nagsumikap ang tatlo na maging bahagi

ng iba’t ibang hanay – mula sa hanay ng mga dayuhan, ng pamahalaang kolonyal,

mga aristokrata’t ilustrado, hanggang sa mga masang manggagawa. Ngunit dahil

nga sa kanilang pagiging ‘hati’, tila liminal, ‘halos’ at ‘muntikan’ parati ang kanilang

pagiging bahagi ng mga ito. Sa kaso ni Tavera, siya’y ‘Pilipino sa puso lamang’ at ‘di

sa kulay o sa mukha (p. 204); kabaligtaran naman para kay Paterno (p. 11); si de los

Reyes, sa likod ng kaniyang mapusok na rehiyonalismo’y tinanaw pa rin ang

kinabukasan sa labas ng bulubundukin ng Abra na kaniyang kinagisnan (p. 364).

Bunga ng pagiging koloniyal, nanggaling, namulat ang nagtanda sila sa iba’t ibang

(3)

kung kaya’t ‘di mawari’t ‘di mapangalanan ang ugnayan sa isa’t isa. Mga halo-halong

hati, mga ‘halos taga-labas’ na ‘halos taga-loob’, sabay na dayuhan at katutubo – sa

siglong kanilang ginagawalan, panibago silang mga nilalang na ‘di pa mailugar sa

kasaysayan -- sa siglo natin ngayon, ang komplikado nilang karanasan at

pinagmulan ay simple na lang nating matatawag na bahagi ng pagiging “Pilipino”.

Kung kaya’t bilang huling linya sa kaniyang akda, naghain ng tanong si

Mojares na matagal ko nang tanong sa aking sarili: “Nang banggitin ni Rizal na ang

mga intelektuwal ng ating bansa ang magiging ‘utak’ nito, sa papaanong salamangka

ng kasaysayan niya naisaguni-guni na maaring maging isa ang ‘utak’ sa ‘katawan’?”

(p. 505). ‘Di inaasahang lumundag mula sa aking bibig ang tugon ko rito: “‘Asa pa.”

Sang-ayon ako kay Mojares – pangarap, panaginip ang nais mangyari ni

Rizal. Salamangka ng kasaysayan ang kailangan. Sa katunayan, ang ginamit na

salita ni Mojares ay alchemy, isang makalumang ‘agham’ na paglikha ng ginto mula

sa ibang metal na nauso noong Edad Medya. Kasabay ng pag-iisip na patag ang

mundo, ginagamit ang alchemy bilang karaniwang halimbawa ng kung gaano ka

pa-urong ang kaisipan ng tao bago pa umusbong ang modernong agham. Sa Ingles,

tunog banayad pa ang pagkakasulat ngunit kung tatagalugin, at isasalin sa mas

pang-araw-araw na salita, maririnig ang pangungutya. “Sa anong klaseng ‘alchemy’

ng kasaysayan na naisip ni Rizal na magiging posible ito?” – para na rin niyang

sinabi, ‘Anong kabalbalan ba itong pinag-sasasabi ni Lolo Jose?”.

Mahihinuha sa kuwento nina Tavera, de los Reyes at Paterno na malaki ang

(4)

hanggang sa pananakop ng mga Amerikano. Kakaunti lang mga indio’t mestizo

noong ika-labing-siyam na siglo ang nakapag-aral ng pormal, at sa iilang mga iyon,

hindi nila mapigilan na humanga sa edukasyong natamo mula sa mananakop. Ano

man ang paggiliw o pagkamuhi nila sa mga Kastila’t Amerikano, tungkol man sa

Pilipinas ang kanilang mga akda, pamantayang intelektuwal ng mga mananakop ang

ninais nilang mapantayan. Si Benedict Anderson, na isa sa mga pangunahing

tagapagtanggol ni Rizal, na ang nagsabing ‘mahirap guni-gunihin’ ang Pilipinas ni

Rizal, na tulad ng Pilipinas ni Tavera, de los Reyes at Paterno, ay ang telescopic na

mundo ng ilustradong mestizo (Anderson, 1994). Mas marami pang nabisitang

kontinente ang mga intelektuwal na ito kaysa lugar sa Pilipinas. Kinikilala nila ang

Las Islas Pilipinas bilang isang bansa batay sa sakop na teritoryo ng mga Kastila,

hindi batay sa pagkakakilanlan ng mga taga-roon sa kanilang lugar na kinagisnan.

Nilimbag ng mga intelektuwal na ito ang kanilang mga obra sa Kastila, na noo’y wika

lamang ng kakaunti sa populasyon ng bansa (p. 394). Kahit na si de los Reyes na

naglimbag sa Ilokano’t Tagalog ay ‘di pa rin tuluyang tinalikuran ang pagsusulat sa

Kastila. Namumukod-tangi si de los Reyes na lantarang sumuporta sa aklasang

bayan, samantalang si Tavera at Paterno’y nag-alangan at nagpalipat-lipat ng

papanigan sa usapin ng kung sino dapat ang mamuno sa bansa. Si Rizal, na

bagaman hindi pangunahing tauhan sa libro ay palaging nababanggit, hinangaan ng

mga rebolusyonaryo, ngunit tumanggi na maging kakampi siya ng mga ito. Maaring

mahinuha sa mga naitala na kawalan ng sariling pamamahala’t sistema ng

edukasyon ang sanhi ng malaking agwat sa pagitan ng ‘utak’ at ‘katawan’ sa Las

(5)

Sa kasalukuyan, tapos na ang panahon ng kolonyalismo. Sabihin man na

panahon ngayon ng ‘neo-kolonyalismo’, hindi matatawaran ang obhetibong

katotohanan: ang Pilipinas ay may sariling pamahalaan na pinatatakbo ng mga

Pilipino; kinikilala ng ibang bansa ang ating kalayaan at pamamahala sa sarili. Ilang

siglo na tayong may sariling sistema ng edukasyon. Gayunpaman, nananatili pa rin

ang agwat ng ‘utak’ - ang mga intelektuwal, sa ‘katawan’ - ang mga tagapagpakilos

ng ating politika, ekonomiya’t kultura.

Dama sa araw-araw na pakikisalamuha ang agwat na ito. Kamakailan

lamang, binatikos sa popular na media ang kaugalian ng mga Pilipino na kumukutya

sa ang pagiging ‘masyadong matalino’ ng isang indibiduwal, isang ugaling mas

kilala sa tawag na smart shaming (Sison, 2015; Montes, 2015) . Bago pa man nauso

sa telebisyon at radyo ang mga hirit na ‘Eh di waw!”, “Ikaw na!” at “May ganun?”,

matagal nang ginamit na kadahilanan ang pagiging ‘masyadong matalino’ para

ipaliwanag ang mga ugaling matapobre, wala sa sarili, kabaliwan o di kaya’y ayaw

makihalubilo sa iba. Bagaman malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa

edukasyon, hinahangaan pa rin ang pagiging ‘simpleng tao’, na kabaligtaran ng

pagiging ‘intektuwal’. Halata sa laman ng ating kongreso’t senado na hindi

masyadong pinahahalagahan ng botante ang taas ng pinag-aralan ng isang

kandidato. Inihahain na dulot ng pakikipagkapwa sa karaniwang Pilipino, na

karamiha’y hirap sa pag-aaral, kung kaya’t nagaganap ang smart shaming (Madrazo

– Sta. Romana, 2015). Bitin para sa akin ang paliwanag na ito, dahil kung usapin

lang naman ng gawi ng Pilipino na makisama sa mas nakararami ang pag-uusapan,

bakit madalas na pinipilit ng mga Pilipino na mag-Ingles sa harap ng dayuhan, kahit

(6)

mga dating trabaho, pipilitin ng taga-Bohol na mag Tagalog ang lahat ng kasama sa

bahay para lamang mainitindihan ng nag-iisang bisita mula sa Manila ang

pinag-uusapan. Duda ko’y may kauganayan ito sa mas malalim na ugat ng agwat sa

pagitan ‘utak’ at ‘katawan’.

Si Mojares na mismo ang nagsasabing hindi kilala ng maraming Pilipino ang

mga intelektuwal sa kanilang kasaysayan. Sina Felipe Calderon, Rafael Palma,

Mariano Ponce at Epifanio de los Santos ay pumapasok sa isipan ng karamihan

dahil sa mga kalsadang ipinangalan sa kanila at ‘di dahil sa kanilang mga inilimbag.

Maging ang mga akademiko nati’y ‘di uso na sila’y pagka-abalahan. Mas malamang

pang sabihin ng isang call center agent o ng magsasaka na naapektuhan siya sa

mga pasya’t kilos ng isang politiko o di kaya ng isang artista, kaysa sa isang

intelektuwal. Damang-dama ko rin, bilang isang kabataang Pilipina na umikot sa iba’t

ibang klaseng mga trabaho’t sektor, at patuloy na nakikisangkot sa iba’t ibang mga

pamayanan, ang agwat sa pagitan ng pananaliksik at patakaran. Nanilbihan ako

bilang mananaliksik para News and Public Affairs ng GMA News TV noong 2011,

bilang project assistant sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan ng Bohol noong

2012-2013 at bilang mananaliksik para sa Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon

noong 2015. Sa bawat karanasan, pangunahing problema ang kawalan ng maayos

na sistema ng pagkalap at pagsuri sa mga datos, at ang paglapat nito sa mga

panukalang programa’t polisiya.

Nasaan ba ang ating mga intelektuwal? Kung susuriin ang ating mga

akademiya na siyang may mandato na maging tagapaglikha ng karunungan at

(7)

Education, And Institutional Sustainability Assessment", 2014), mas marami ang

pribadong pamantasan kesa sa pampubliko; mas naiipon sila malapit sa mga

lungsod kaysa sa mga munisipyo (Commission on Higher Education, 2015), at hindi

man lamang 1% ng populasyon natin ang nakapagtapos ng kolehiyo (Torres, 2015;

Mateo, 2015) – lalong mas kaunti ang makapagtatapos ng graduate studies. Mga

guro’t propesor mismo sa akademiya’y nahihirapang manaliksik at mag-ambag sa

research productivity ng ating bansa dulot ng kakulangan ng suporta para dito. Mula

noong 2007 hanggang sa 2015, nanatili sa 5% lamang ng oras ng isang karaniwang

guro sa akademya ang nailalalaan sa pananaliksik (Almonte-Acosta,

Salazar-Clemeña, 2007; CHED-OPRKM, 2014). ‘Di maitatatwang pinakamataas ang citation

impact ng ating mga saliksik kumpara sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya,

ngunit nahuhuli naman tayo sa dami ng mga inililimbag (British Council Singapore,

2015). Kulang man ang datos na ito upang patunayan ang agwat ng mga

impluwensiya ng mga intelektuwal sa karaniwang Pilipino, malinaw naman ang

larawan: mahusay ang ating mga intelektuwal, ngunit gagarampot lang sila, at

karamihan sa kanila’y ‘di lubog sa pananaliksik.

‘Di lamang sa dami ng mga intelektuwal, kundi katangian nga mga ito ang

nagpapalawak sa pagitan ng ‘utak’ sa ‘katawan’. Ayon kay Ralph Waldo Emerson,

‘mata ng daigdig’ ang isang intelektuwal, sabay na ‘tagapangalaga ng karunungan

ng nakaraan’ at ‘tagapaglikha ng makabagong kaalaman’. Dagdag naman ni Edward

Said na tumitindig sa labas ng lipunan ang isang intelektuwal, niyayanig ito’t

binabago ang status quo, ngunit nasa loob rin siya ng lipunan kung saan tungkulin

niyang ipahiwatig ang kaniyang katotohanan sa pinakamalawak na madla.

(8)

intelektuwal’ ang isang dalubhasa kung inihahain niya ang kaniyang kaalaman ‘di

lamang sa mga kapwa niya dalubhasa, kundi sa publikong labas sa kaniyang

disiplina. Tungkulin niyang iugnay ang kaniyang mga saliksik sa mga usaping

panlipunan, pangkultura’t pampolitika upang maipahiwatig sa publiko kung paano

nakakaapekto sa kanilang araw-araw na pamumuhay ang kaalaman na ito.

Lumilitaw na upang maging makabuluhang intelektuwal na siyang magbubuklod sa

‘utak’ at ‘katawan’, mahalaga, ‘di lamang ang enunciation na binabanggit ni Partha

Chatterjee na siyang pagtukoy sa kung sino ang nagsabi (Mojares, 2006), kung ‘di

ang pagsusubaybay sa reception, o kung papaano tinatanggap o nauunawaan ng

mambabasa o tagapakinig ang mga inihaing kaalaman. Mapa-noong ika-labimsiyam

na siglo hanggang ngayon, dito namamalagi ang agwat ng ‘utak’ sa ‘katawan’;

maraming sinasabi ang ‘utak’, ngunit ‘di nito malay kung naiinitindihan ba siya. Tila

hindi pinagkakaabalahan ng ating mga kasalukuyang intelektuwal na maranasan ng

publiko ang kanilang mga saliksik at pag-aaral sa 1) wikang gamit ng karamihan, 2)

sa mga mediang abot-kamay ng madla 3) at sa araw-araw na pamumuhay ng isang

karaniwang tao sa labas ng kanilang disiplina.

Sa tatlong tauhan na tinalakay ni Mojares, si de los Reyes lamang na

nagbigay tuon sa pagsulat sa Tagalog at Ilokano, habang si Paterno’t de Tavera ay

namihasa na sa Kastila. Bagaman tatlo silang sumubok na maging bahagi ng iba’t

ibang larangan labas sa akademiya - pamahalaan, pamantasan, simbahan,

tanghalan, atbp. – si de los Reyes ang nagwagi na makapagpahayag sa

pinakamalawak na publiko. Habang si de Tavera’y nalimitahan sa pagsusulat para

sa pamahalaan at sa mga akademikong journal, si Paterno’y lumabas pa rito’t

(9)

akademikong panulat, sulating politikal at dula, naging bahagi siya ng popular na

media noong panahon na iyon, ang pahayagan. Masasabing sa tatlo, si de los

Reyes ang tunay na pampublikong intelektuwal. Nakihalubilo siya sa mga

rebolusyonaryo, manggagawa, relihiyoso’t mga bilanggong politikal, labas pa sa mga

akademiko’t mamamahayag na kanyang karaniwang kasalamuha. Si de Tavera

nama’y naging bahagi ng pamahalaan, ngunit pagkiling sa agham ang pangunahin

niyang tinutugunan ng pansin, ‘di ang pakikipagsalamuha sa karaniwang tao.

Kinutya ang tatlo dahil sa kanilang mga palipat-lipat na pinagkakaabalahan.

Damang-dama ko na ganito rin ang aking kalagayan – mula teatro hanggang media,

gobyerno’t pamahalaan – minsan ko nang sinalihan. Sa akademya, na ngayo’y

sinusubukan kong maging bahagi, natagpuan ko ang isang maaring dahilan ng

ganitong palipat-lipat. Sintomas daw ng isang colonial intellectual ang ganitong gawi

dahil pilit niyang pinagsasabay ang pagiging ‘nasa loob’ at ‘nasa labas’ ng isang

lipunan. Nais kong isipin na hindi kawalan ng pasensya bilang isang kabataan ang

dahilan kung bakit malawak ngunit mababaw ang pakikilahok ko sa iba’t ibang

disiplina, kundi sa wari ko ito’y dahil sa matindi ang pangangailangang maibahagi sa

lalong madaling panahon ang paghahanap sa pagkakakilanlan.

Sa kasalukuyan, mas malawak na di hamak ang paglilimbag ng mga saliksik

sa iba’t ibang wika ng ating bansa. Ngunit ‘di maitangging may pagkiling pa rin sa

wikang Inggles, na siyempre pa’y wika ng mga nasa akademya’t nakaririwasa.

Nabibigyan na ng puwang ang ating mga kontemporaryong intelektuwal sa mga

makabagong anyo ng pagpapahayag tulad ng social media, telebisyon at online

(10)

tagapakinig. Ngunit sa aking palagay, kulang sa mananaliksik at dalubhasa ang ating

politika, media’t ekonomiya. Mahirap hikayatin ang mga pilosopo’t akademiko natin

na maging bahagi ng burokrasya sa pamahalaan, o maging liderato sa mga

organisasyong sibil o di kaya lumahok sa mga partidong politikal. Mas lalo pang

mahirap makatagpo ng intelektuwal na titiisin ang mabilis at maingay na mundo ng

telebisyon, radyo at pahayagan. Ang mga larangang ito ang pinakalaganap sa buhay

ng mamamayan sa isang bansa. Tunay na nakapanghihinayang na dito karaniwan

hindi nararamdaman ang paggiya ng isang pantas.

Makikita sa halimbawa ng Thailand kung ano ang larawan ng pagbubuklod ng

‘utak’ at ng ‘katawan’ ng isang bansa. Ayon sa report ng UNESCO Institute of

Statistics (2014), maari sanang tumaas ang ranking ng mga pamantasan sa

Thailand sa mga university ranking systems kung sasadyain nilang ilimbag sa

wikang Ingles ang kanilang mga saliksik. Tugon ng ministro ng edukasyon ng

Thailand: Mas pinahahalagahan nilang ilimbag sa wikang Thai ang kanilang mga

saliksik upang mabasa ito ng mga mamayan, sila na nagtataguyod sa mga

pambansang pamatansan gamit ang kanilang buwis. Partidang hindi priority ng

Thailand na paramihin ang saliksik na inililimbag sa wikang Ingles, nangunguna pa

rin ang Thailand sa research productivity sa buong Timog-Silangang Asya at

nangunguna ang kanilang mga pambansang pamantasan sa mga pandaigdigang

university ranking systems (UNESCO Institute of Statistics, 2014). Hindi naman

ibig-sabihin na sa pagbibigay halaga nila sa pamantayang lokal ay iwinawaksi na nila

ang pakikilahok sa mga pamantayang pandaigdig. Matagumpay na paghabi ng

akademya, pamahalaan at negosyo naman ang ipinamalas ng Timog Korea (Chung,

(11)

akademiya’t industriya upang makabangon mula sa dagok nga digmaaang Korea

noong dekada 50, hinimok din ng Timog Korea na unahin ang pag-aaral ukol sa mga

paraang magpapabuti pa ang pagpalaganap ng mga panlipunang serbisyo at

pagpapanatili ng likas nilang yaman. Sinuportahan ng pamahalaan ang mga

magka-akibat ang mga negosyante’t akademiko sa pagpapaunlad ng iba’t ibang serbisyo,

lalo na sa larangan ng kalusugan at agrikultura. Ang ganitong paghahabi ng iba’t

ibang sektor ng lipunan upang makibahagi sa kaalamang bunga ng pananaliksik,

ang pagbibigay halaga ng akademiya sa serbisyong panlipunan, at pagpapalakas ng

kaalaman gamit ang sariling wika – ito ang tingin kong mga hudyat na tunay ngang

magka-ugnay ang ‘utak’ at ‘katawan’ ng isang bansa.

‘Di man kilala ng maraming Pilipino sina de Tavera, Paterno at de los Reyes,

‘di maaring sabihin na wala silang naiambag sa ating kasalukuyan. Ang

pangangahas ni de los Reyes na kontrahin ang Katolisismo at itaguyod ang

Simbahang Aglipayan ang nagtahak ng landas patungo sa religious freedom ngayon

sa ating bansa. Kasabwat ni de los Reyes si de Tavera na nagsulong sa sekularismo

na siyang pundasyon ng ating kalayaang labanan ang simbahan sa tuwing

naghihimasok ito sa karapatang pantao. Sa kanila dapat magpasalamat ang mga

kasalungat ng simbahang Katoliko na malayang kumikilos sa ating lipunan ngayon,

mula sa hanay ng mga nagsulong ng Reproductive Health Law, ang mga pangkat

tulad Filipino Freethinkers at ang iba’t ibang sanga ng kristiyanismo tulad ng Iglesia

Ni Cristo. Maaring sabihin na sumasalamin sa pagpapahalaga ni de los Reyes sa

kulturang rehiyonal ang kasalukuyang programa ng Kagawaran ng Edukasyon na

ukol sa Mother Tongue- Based Multi-Lingual Education (Dep. Ed. Order 16, series of

(12)

Order 32, Series of 2012). Pag-ibig ni de Tavera para sa sistematikong pag-aaral

ukol sa Pilipinas ang maaring sabihing bukal ng Philippine Studies at mga katulad

nitong programa sa ibang akademya. Sa katunayan, doble sa world average ang

citation impact ng mga saliksik Pilipinas ukol sa Agham Pangkalikasan, Agrikultura’t

Biololihiya sa buong Timong Silangang Asya (British Council Singapore, 2015). Sa

kabila ng pagkakaroon ng isa sa pinakamababang pondo para sa pananaliksik

(UNESCO Institute of Statistics, 2014), nagawa pa rin ng ating mga ‘utak’ na

maglabas ng mataas na kaledad ng pananaliksik, salamat sa tradisyon ng

pagmamahal sa kaalaman ng kung saan naging bahagi si de Tavera. Gayunpaman,

kung babalikan ang usapin ng agwat ng ‘utak’ sa ‘katawan’, dama ba ng ating mga

magsasaka at ng iba pang mga taga-nayon ang epekto ng mga pananaliksik na ito

sa kanilang mga trabaho, sa kalidad ng kanilang pamumuhay? Maging ang mga

kapwa ‘utak’ ay ‘di nagkakasundo at tila may agwat sa isa’t isa – tinaguriang

kabiguan para sa agham ang pasya ng Korte Suprema na ipagbawal ang GMO Bt

Talong nitong nakaraang taon (Lynas, 2015).

Ganitong klaseng mga paurong-sulong ang humihimok sa aking sabihin na

halos hindi umalingawngaw ang mga aral na mapupulot mula ng buhay nila Paterno,

de los Reyes at de Tavera sa kultura natin sa kasalukuyan. Halimbawa na lang, ukol

sa paggamit ng sariling wika na siyang pinangunahan ni de los Reyes: sa

akademiya, isinulong ni Virgilio Enriquez ang Sikolohiyang Pilipino (Enriquez, 1989),

ipinaglaban ni Zeus Salazar ang Pantayong Pananaw at Pilipinohiya (Bautista,

Pe-Pua, 1991) at sinimulan naman ni F. Landa Jocano na ‘romansahin ang kultura’

(Jocano, 1997). Isinabatas ang pagtaguyod sa Komisyon sa Wikang Filipino (R.A.

(13)

at popular na mediya ang paggamit ng bernakular na salita. Ngunit bakit tuwing

halalan lang nananagalog ang mga politiko? Bakit Ingles pa rin ang salita tuwing

nagkakaroon ng mga Senate Hearing sa telebisyon, tuwing nililitis ang isang kaso sa

korte, tuwing nagkakaroon ng mga mahahalagang deklarasyon ang pamahalaan?

Bakit may Filipiniana section ang pinakamalaking tindahan ng aklat, ang National

Bookstore, na nagbebenta ng mas maraming aklat sa Ingles kesa sa kahit ano pa

mang aklat sa daan-daan nating wika? Bakit nga ba may Buwan ng Wika, ‘di ba’t

araw-araw naman dapat natin itong ginagamit? (Añonuevo, 2015) ‘Di ba’t

kamakailan lang nagkaroon ng panukala na mawawala na ang kursong Filipino sa

kolehiyo? (Viray, 2015)

Kaugnay ng usaping Filipino, at kaguruan ng Filipino ay ang usapin ng

kalagayan ng karapatan ng manggagawa sa ating bansa (Añonuevo, 2015). Isa

pang pamana ni de los Reyes na ‘di pa naisasaloob ng ating kasalukuyang kultura

ay ang “unyonismo”: ang pagpapahalaga sa tamang pasahod, karapatan sa

benepisyo’t seguridad ng trabaho para sa manggagawa. Ang pananamantala sa

hanay ng mga manggagawa ang isa sa pinakalihim na mapanirang krimen ng ating

bansa. Talamak ang kontraktuwalisasyon, ‘di lamang sa pribadong kumpanya ‘kung

hindi maging sa pamahalaan. Pinakamalala na ang huli kong karanasan sa isang

pambansang ahensya ng gobyerno kung saan nakatala ang aking item sa isang

purchase request kasama ng mga kagamitan pang-opisina. Kung maari itong

mangyari sa katulad kong middle class at nagtapos ng kolehiyo, ‘di ko halos maisip

paano pa kaya ang pananamantalang dinaranas ng mga kapwa kong Pilipinong

maralitat’ hindi nakapag-aral. Nakaaduwang makakabasa ng balita ukol sa

kontraktuwalisasyon ng manggagawa, lalo na’t pag ikinakaila pa ito ng mga

(14)

manggagawa (Bernal, 2015), mahina pa rin ang ating mga unyon sa pangkalahatan.

Hain ng iba’y dulot ito ng mismong kahinaan ng mga pinuno ng mga unyon (Herrera,

2014), dahilan naman ng iba’y dahil ito sa kahinaan ng ating mga industriya’t

pagkiling ng ating mga batas sa mga namumuhunang negosyante (Alliance of

Progressive Labor).

Tulad ng pamana ni de los Reyes, ‘di pa rin lubos na naisasabubuhay ang

pamana ni de Tavera ukol sa pagmamahal sa agham, pananaliksik at datos. Tanda

ng agwat ng ‘utak’ at ‘katawan’ ang kahinaan ng management information systems

sa ating pamahalaan bagaman malakas ang BPO at IT industry natin. Ang hindi

pagsasabatas ng Freedom of Information Bill ay kaugnay rin ng pagbale-wala sa

kabagalan ng internet sa ating bansa. Tila may takot ang pamahalaan natin sa datos

at sa kapangyarihan nitong ilantad ang katotohanan.

Kung may pamanang “malapit sa bituka” (Añonuevo, 2015) na patuloy nating

nasasaksihan sa kultura ng kasalukuyan, ito’y ang pagtanghod ni Paterno sa mga

dayuhan. Maaring sa tatlo, si Paterno ang talagang nagpamalas ng pakikisama,

ngunit pakikisama itong nagnais makibahagi sa mundong intelektuwal ng Europa, na

walang pakialam sa kalagayan ng karaniwang tao. Binatikos si Frank Lynch para sa

kaniyang pananaw ukol sa pakikisama ng mga Pilipino (Jocano, 1966), ngunit siya

na ang nagsabing hindi ito kahinaan. Maaring bigyang kahulugan ang pakikisama

bilang katulad ng ahimsa ng mga taga-India, ang pagiging non-violent, o fiyo ng mga

Tiruray, ang kalagayan kung saan ang lahat ay nirerespeto ng isa’t isa (Lynch,

Yengoyan, Makil, 2004). Labas pa sa lowland Christian na mga kultura makikitang

iba ang pagpapakahulugan ng mga Tausug sa usapin ng pakikisama – para sa

(15)

diretsahan ang pagtalakay sa problema (Kiefer, 1972). Mas nanaiisin kong ganitong

uri ng pakikisama ang pina-iiral, lalo na kung ang usapin ay ang pagtanggol sa

karapatan ng iba.

Ang ganitong kondisyon ng kawalang-habi ng kultura ‘t intelektuwalismo sa

usaping karapatang pantao ang mismong pinupuna ni Frantz Fanon (Fanon,

Williams, Chrisman, 1994). Tinatalakay at inilalantad ni Paterno ang mga object ng

ating kultura na hiwalay sa context at subject na may kinalaman dito sa kaniyang

mga likhang kasaysayan ng Pilipinas. Ayon kay Mojares, ito’y pamamaraan ni

Paterno na i-negotiate ang kaniyang kalagayan bilang biktima ng Orientalismo. Ayon

naman kay Fanon, ang ganitong pag-uugali’y ‘di maiiwasang daanan ng mga

koloniyal na intelektuwal. Ito raw ang unang phase sa tatlong pagdaraanan bago

mamulat ang koloniyal na intelektuwal na iisa ang labanan ng pagtaguyod ng sariling

kultura’t pagtaguyod sa sariling materyal at politikal na kalayaan. Sa kaniyang

pagnanais na mapabilang ang Pilipinas sa dakilang kasaysayan ng mga sinaunang

sibilisasyon, katawa-tawa ang mga nilikha ni Paternong alamat tungkol sa

sinaunang relihiyong pilipino, sa wikang Tagalog, at sa kaniyang pagka-maginoo.

Ganito rin siguro ang insecurity na dinanas ni Jose Marco sa kaniyang pagkatha ng

Code of Kalantiao o ng rehimeng Marcos sa pag-imbento sa mga Tasaday (Quintos,

2014). Malakas na idinidiin ni Mojares na walang kabuluhan na hanapin ang

dakilang sinaunang sibilisasyon ng Pilipinas na naging proyekto ni Paterno, de los

Reyes at maging ni Rizal. Sa katunayan, masakit lunukin ang ganitong katotohanan

para sa akin na kumakapit sa nasyunalismo ng ‘pagromansa sa kultura’ ni Jocano’t

(16)

Pag- cannibalize sa kaalaman, ayon kay Mojares, ang ginawa ni Paterno

kung saan pinilit niyang ituhog sa iisang katotohanan ang datos na mula sa iba’t

ibang mga pananaw at teoryang di magkatagpo. Mas malinaw sa akin ang imahen

na paglikha ang isang Frankenstein’s Monster ang ginawa ni Paterno, ngunit

napagmuni-munihan kong mas malapit sa pagsasa-manananggal ang naganap.

Tulad ng manananggal na buo sa liwanag ngunit nag-hahati sa dilim, si Paterno’y

katulad lang ni de Tavera’t de los Reyes na ihinarap sa iba ang ‘kabuuan’ ng

kanilang pagiging Pilipino, ngunit sa dilim, sa kanilang pananaliksik at pribadong

pagmumuni-muni’y ‘hati’ sila’t patuloy na ginagalugad ang kanilang mga kaalaman,

‘kinakain’ ang katawan ng iba’t ibang mga kaalaman at pilit na tinutunaw (digest) ito

sa kanilang paghahanap ng ano ba talaga ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino.

Umaalingawngaw ang ganitong sentimiyentong post-colonial sa mga linya ni

Rody Vera sa dulang Ang Unang Aswang (2006). Naghiganti ang isang babaeng

pinalaki ng mga hayop sa gubat sa kaniyang mangingibig na iniwan siya dahil may

asawa na pala ito sa lungsod. ‘Di malaman kung ang kapopootan ba’y kaniyang

pagiging taong-gubat o ang lalaking umiwan sa kaniya, naghati ang kaniyang

kamalayan at kaniyang katawan at siya’y lumipad. Kinain niya ang sarili niyang anak

sa galit, at kinain din ang anak na ipinagbubuntis ng asawa ng kaniyang

mangingibig. ‘Di pa rin nahuhupa ang kaniyang gutom ano mang panglilimas sa

bayan ang kaniyang gawin. Matapos masaksihan ang kaniyang nagawa, wika niya

(17)

Maaring maihahalintulad sa hinagpis ng Unang Aswang sa struggle ng ating

mga intelektuwal na maiugnay ang ‘utak’ sa ‘katawan’. Sa personal na antas, ito ang

napagtanto ko sa aking sarili matapos basahin ang akda ni Mojares: 1) tulad ni

Paterno, nais kong dakilain ang Pilipinas upang may mukhang maipakita sa iba,

ngunit 2) tulad ni de Tavera nahihirapan akong makipagkapwa sa mga Pilipinong

nais kong pagsilbihan dahil nga nalalayo ang kalagayan ko sa marami sa kanila at 3)

tulad ni de los Reyes, ‘di ako mapakali sa kahahanap ng pinaka-akmang paraan

upang maipahiwatig ko ang aking nais na makapagsilbi sa kapwa’t dakilain ng

taga-labas. Tingin ko’y ‘di ako nag-iisa sa ganitong pagkaka-hati’t pagkakahalo-halo ng

saloobin. Ang pagiging manananggal na ito na katangian ng buhay nila de los

Reyes, de Tavera, Paterno’t Rizal. Para sa aki’y ito ang pinakamatingkad na

namamalagi pa rin sa ating kasalukuyang kultura.

Ang manananggal ay taong nakalunok ng itim na sisiw ng pagiging aswang

kung kaya siya nagiging kalahating halimaw (Lynch, Yengoyan, Makil, 2004). Tulad

ng mansanas ng karunungan sa hardin ng Eden, maaring ihalintulad ang itim na

sisiw sa kamulatan at kaalaman. Para sa intelektuwal na namulat sa kaniyang

pagiging ‘hati’ at ‘halo-halo’, mahirap ngang harapin ang ‘katawan’ at sabihing ito’y

repleksiyon niya, siya na tila malayo ang agwat dito. Matagal nang ginamit laban sa

mga Pilipino ang kanilang pagiging ‘kala-kalahati’t’ ‘pagka-watak-watak’. Sa dula ni

Rody Vera na “Aswang sa Panahon ng Digmaan” (2005), maganda ang inihain

niyang talinhaga ng kung papaano nagamit ng mga Amerikano ang takot ng Pilipino

sa aswang upang biyakin ang mga ugnayan nila sa isa’t isa. Nakakatakot isipin na

ang pagitan ng ‘utak’ at ‘katawan’ sa ating bansa’y baka isang pakanang pinananatili

(18)

manananggal kung sila’y magbubuklod, ngunit dahil nga sa sila’y mapag-isa,

mag-isa rin nilang binabata ang pangangaso sa kanila ng karaniwang tao.

Imbes na kamuhian, takutan o ikaila ang ating pagiging manananggal, tingin

ko’y ang pagbubunyi at pagpapalakas dito ang magiging susi sa mas malapit na

ugnayan ng ‘utak’ at ‘katawan’. Tulad ng ibang mga bansang kapit-bahay natin na

galing din sa pananakop at digmaan, ang Pilipinas ay isang hybrid, isang ‘askal’.

Ngunit sa pag-ako ng pagiging hybrid na ito na siya mismong panukala ni de los

Reyes, makikitang unti-unting naitatawid sa materyal na kalagayan ng karaniwang

tao ang dalumat ng nasyunalismong kadalasang nagmumula sa mga intelektuwal.

Ang pagtanggap ng ating pagiging manananggal ay maaring makita sa

pagsasakatuparan ng mga pamana nina de los Reyes, de Tavera, Paterno’t Rizal.

Iilang mga panukala: unang-una’y ang pagpapalakas sa gamit ng sariling

wika, lalong lalo na sa pagsisiwalat ng katotohan at justisya. Ang simpleng

pagpapalakas ng pagsalin ng ating mga batas, panitikan at saliksik sa iba’t ibang

wika ng bansa natin ay malakas na sandata upang ikalat ang edukasyon at

kamulatan sa mas maraming Pilipino. Ikinariwasa ng Thailand ang ganitong

pag-iisip, at lalo pang maaring matupad sa ating bansa.

Ikalawa siyempre ang paghabi ng araling kultura’t agham sa pagtaguyod ng

karapatang pantao. Tulad ng halimbawa ng Timog Korea, kailangang manguna ang

pamahalaan sa pagpapalakas ng akademiya’t paghabi nito larangan ng negosyo

upang palakasin ang serbisyong pampubliko, at ‘di ang kabaligtaran kung saan

(19)

pagtanggol sa karapatan ng manggagawa, ang seguridad ng pabahay, hanap-buhay

at kaligtasan sa sakuna’y problema ng magsasaka’t mangingisda at maging ng sino

mang pantas sa pilosopiya or pisika.

Ikatlo’y ang pagpapatibay ng pananaliksik at pag-aaral sa sarili upang di

lamang maintindihan ang nakaraan, kung ‘di upang lalo pang pag-alayan ang

kasalukuyan. Kung maari lamang iwaksi ang takot sa katalinuhan, at sa

katotohanang dulot ng datos at pananaliksik; palaganapin sa lokal media ang mga

palabas na tumatalakay sa agham at kasaysayan, palakasin ang educational

programs. Saan na nga ba ang Sineskwela, Bayani, at Batibot ? Sa usapin naman

ng datos at impormasyon, kailangang iugnay ang ating kakayanan sa industriyang

IT sa ating serbisyong publiko, at isabatas na ang Freedom of Information – ang

karapatan malaman ang impormasyon sa pribadong sektor at sa pamahalaan, hindi

batay sa paghihiling nito kundi batay sa karapatan ng bawat mamayang maka-alam.

Lingid sa kaalaman ng iba, ang kawalan ng FOI Law ay balakid din sa pamahalaan

na mahingi ang datos na mula sa mga pribadong sektor (paaralan, negosyo, ospital,

atbp.) kung kaya’t di maka-usad ang ilang panukalang batas at programa. Kasama

na rin sa usaping pananaliksik at pag-aaral sa sarili ay ang pagbabalik-tanaw ng

ating mga alagad ng sining sa anyo ng paglikha sa ating kasaysayan, at pagbibigay

buhay nito sa kasalukuyan. ‘Di nakukulong ng pagbabalik-tanaw ang pagiging

malikhain! ‘Di ba’t base din naman sa kasaysayan at lokal na kultura ang mga

cultural imports ng Japan (anime, cosplay, manga), Korea (koreanovela, K-pop) na

kasalukuyang nagiging bahagi ng rin ng kultura natin ngayon? Kailangan nang

ipagmalaki ang sariling nating mga pitik at ipangalandakan ito sa mundo. Hindi

(20)

walang katulad nito ito sa mundo, ‘di na kailangang si Anthony Bourdain pa ang

magsabi. Hayaan na’t maraming inconsistency ang Amaya sa pagsasalarawan ng

pre-koloniyal na Pilipinas, o na ‘di binanggit sa pelikulang Heneral Luna na si Antonio

Luna’y isang Hispanista. Ang mahalaga dito’y binalik ng mga obrang ito sa

kamalayan ng karaniwang tao ang usapin ng pagiging katututubo, ng kasaysayan,

ang ugat ng pagiging Pilipino. ‘Ika nga’y practice makes perfect – kung tatangkilikin

lang lalo ang ganitong mga proyekto, di malao’y mapaghuhusayan pa ang

pananaliksik at production value ng mga likhang tulad nito sa hinaharap.

‘Asa pa’ ang ‘di mapigilang isambit matapos basahin ang akda ni Mojares.

Asa pa’ ang muling ibinubulong matapos repasuhin ang aking mga naisulat. ‘Asa

pa’, ito ang katangian ng Pilipino’t kilala sa buong mundo; the Filipino spirit is

waterproof ‘ ika nga, nakangiti pa sa gitna ng bagyo. Pinipili kong ‘umasa pa’, tulad

ng mga intelektuwal na nauna sa akin, tulad ni Mojares, at tulad nawa ng iba pang

mga ‘utak’ ng bansang ito ngayon. Kaakibat ng pag-asa ay ang pangangarap,

pananaginip na siya ring binanggit ni Mojares: sa ganitong klaseng mga panaginip

na mag-uugnay ang ‘utak’ sa ‘katawan’ nabubuhay ang isang bansa. Sa

pakikipag-negosasyon sa ating kasaysayan patuloy ang paghahanap ng ‘liwanag sa dilim’

(Quintos, 2014). Nais kong ihain na imbes na hanapin ang liwanag sa isang

inimbentong nakaraan, minahin ang yaman ng kabataan ng ating bansa. Tayo’y mga

bagong-nilalang, mga manananggal – mga code-switcher, composite ethinicities,

mga cultural X-men, mga bagong lumad. Araw-araw tayong binabalot ng alchemy ng

kasaysayang hinihingi ni Mojares. Patuloy nating pinananaginipan ang tunay nating

pagkatao’t pagkabansa, ngunit ngayo’y managinip na tayo ng gising. Imbes na

(21)

pagtatago. May pagitan man ang ating ‘utak’ at ‘katawan’, kakayahan natin ang

(22)

SANGGUNIAN

Alliance of Progressive Labor. (n.d.). The Situation of the Philippine Trade Union Movement. Retrieved May 1, 2016, from

http://www.apl.org.ph/APLPrimer/aplprimer_part3.pdf

Almonte-Acosta, S., & Salazar-Clemeña, R. (2007). Regional Seminar “Competition, Cooperation and Change in the Academic Profession: Shaping Higher Education’s Contribution to Knowledge and Research. In Developing Research Culture in Philippine Higher Education Institutions: Perspectives of University Faculty. Retrieved April 29, 2016, from

http://unesdoc.unesco.org/images/0015/001578/157869e.pdf

Anderson, B., Ph. D. (1994). Hard to Imagine: A Puzzle in the History of Philippine Nationalism. In R. Pertierra & E. F. Ugarte (Eds.), Culture and Texts:

Representations of Philippine Society (pp. 81-118). Quezon City: University of the Philippines Press.

Añonuevo, R. T. (2015, August 18). Hinihintay kong mabura na ang Buwan ng Wika. Retrieved May 1, 2016, from http://www.rappler.com/views/imho/102956-mabura-buwan-ng-wika

Bautista, V. V., & Pe-Pua, R. (Eds.). (1991). Pilipinohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik. Quezon City: UP Diliman College of Social Science and Philosophy.

Bernal, B. (2015, October 5). Media workers win regularization case vs GMA-7. Retrieved May 1, 2016, from http://www.rappler.com/nation/108187-media-workers-case-gma-7

British Council Singapore. (2015, May). Research Performance in South-East Asia (Rep.). Retrieved April 28, 2016, from British Council

Singapore, Elsevier website:

https://www.britishcouncil.org/sites/default/files/5.4_research_performance_seasia.p df

Chung, S. (2011). Academia-Industry-Government Interaction in the Republic of Korea. In M. Martin (Ed.), In Search of the Triple Helix: Academia-industry-government interaction in China, Poland, and Republic of Korea (pp. 163-202). Paris: UNESCO.

(CHED-OPRKM) Commission on Higher Education Office of Planning, Research and Knowledge Management (2014), E2 Survey AY 2014-15 [Data file], CHED-OPRKM Central Office, Quezon City

Commission on Higher Education. (2015). CHED Statistics. Retrieved April 28, 2016, from http://www.ched.gov.ph/index.php/home/media/data/statistic/ched-statistics/

(23)

Fanon, F. (1994). On National Culture (L. Chrisman, Ed.). In P. Williams (Ed.), Colonial Discourse and Post-Colonial Theory: A Reader (pp. 36-54). New York: Columbia University Press.

Jocano, F. L., Ph. D. (1966). Rethinking Smooth Interpersonal Relations. Philippine Sociological Review, 14(4), 282-291.

Jocano, F. L. (1997). Filipino Value System: A Cultural Definition. Quezon City: Punlad Research House.

Kiefer, T. M. (1972). The Tausug: Violence and Law in a Philippine Moslem Society. New York: Holt, Rhinehart and Winston.

Lightman, A. (2004, November 22). The Role of the Public Intellectual. Retrieved April 28, 2016, from http://web.mit.edu/comm-forum/papers/lightman.html

Lynas, M. (2015, December 15). Dark day for science. Philippine Daily Inquirer. Retrieved May 1, 2016, from http://opinion.inquirer.net/91175/dark-day-for-science

Lynch, F. (2004). Philippine Society and the Individual: Selected Essays of Frank Lynch (A. A. Yengoyan & P. Q. Makil, Eds.). Quezon City, Philippines: Institute of Philippine Culture, Ateneo de Manila University.

Madrazo - Sta. Romana, J. (2015, July 6). Retrieved April 29, 2016, from

http://www.gmanetwork.com/news/story/517026/scitech/science/smart-shaming-and-our-pinoy-culture-of-anti-intellectualism#sthash.kUR4AbFS.dpuf

Mateo, J. (2015, April 1). 656,284 join labor force this year. Retrieved April 28, 2016, from http://www.philstar.com/headlines/2015/04/01/1439750/656284-join-labor-force-year

Mojares, R. B. (2006). Brains of the Nation: Pedro Paterno, T.H. Pardo de Tavera, Isabelo de los Reyes, and the Production of Modern Knowledge. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Montes, C. A. (2015, July 20). A culture of healthy intellectual curiosity. Retrieved April 29, 2016, from http://opinion.inquirer.net/86862/a-culture-of-healthy-intellectual-curiosity#ixzz47G9G8bAE

Quintos, F. (2014) Collected Plays. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Republic of the Philippines, Commission on Higher Education, Office of the President. (2014). Handbook On Typology, Outcomes-Based Education, And Institutional Sustainability Assessment. Retrieved April 29, 2016, from

http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2014/06/Handbook on Typology Outcomes.pdf

Republic of the Philippines, Congress of the Philippines, Metro Manila.

(24)

Prescribing its Powers, Duties, and Functions and for other purposes. Retrieved May 1, 2015 from http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7104_1991.html

Republic of the Philippines, Department of Education. (2012). Department of

Education Order 16, Series of 2012: Guidelines on the Implementation of the Mother Toungue Based Multilingual Education. Retrieved April 30, 2016 from

http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/order/2012/DO_s2012_16.pdf

Republic of the Philippines, Department of Education (2015). Department of Education Order 32, Series of 2015: Adopting the Indigenous Peoples Education Curriculum Framework. Retrieved April 30, 2016.

http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/order/2015/DO_s2015_32.pdf

Sison, S. (2015, October 15). What's up with the smart-shaming? Retrieved April 29, 2016, from http://www.rappler.com/views/imho/109333-smart-shaming

Torres, T. (2015, August 11). Philippine population hits 101.6M this year. Retrieved April 28, 2016, from

http://www.philstar.com/headlines/2015/08/11/1486749/philippine-population-hits-101.6-m-year

Vera, R. (2006) Ang Unang Aswang. personal copy [from Tanghalang Pilipino and Writer’s Bloc Virgin Labfest 2, 2007)

Vera, R. (2005) Aswang Sa Panahon ng Digmaan. personal copy [from PHSA 2005 Acting 2 Class]

Viray, P. (2015, April 22). SC halts removal of Filipino from college curriculum. Philippine Star. Retrieved May 1, 2016, from

http://www.philstar.com/campus/2015/04/22/1446649/sc-halts-removal-filipino-college-curriculum

UNESCO Institute for Statistics. (2014). Higher Education in Asia: Expanding Out, Expanding Up (Publication No. ISBN: 978-92-9189-147-4). Retrieved April 28, 2016, from UNESCO Institute of Statistics website:

Referensi

Dokumen terkait

Pada metode ini kegiatan yang dilakukan adalah membuat beberapa pertanyaan untuk melakukan uji ketergunaan (usability testing) agar mengetahui

2 Petugas pemeriksa melakukan anamnesa dan pemeriksaan fisik dan atau pemeriksaan status kehamilan pasien serta pastikan bahwa pasien tidak sedang dalam keadaan hamil. 3

Salah satu tehniknya aalah autohipnosis (selfhipnosis) atau s7asugesti alam menghaapi an men2alani kehamilan serta persiapan melahirkan sehingga para 7anita hamil

Memasang tali pada ujung penyangga bandul kemudian memasang beban besar yang diberikan asisten dengan panjang tali yang telah diberikan 3.. Memberikan simpangan sudut (sepanjang

)i#kimia adalah ilmu yang mempelajari mengenai berbagai m#lekul di dalam sel hidup dan #rganisme hidup, termasuk juga reaksi kimia yang terjadi. Se%ara lebih /#rmal, $urrau dkk.

Berdasarkan hasil penelitian, dapat disimpulkan bahwa tingkat pengetahuan mahasiswa Fakutas Kedokteran tentang bahaya rokok terhadap kesehatan tidak memiliki hubungan

Terkadang kita meremehkan orang lain dan telah menganggap sistem yang kita bangun sudah benar-benaraman. Padahal, sampai detik ini, tidak ada suatu sistem yang bisa

Jumlah guru dihitung dengan membagi jam tersedia dengan wajib mengajar (24 jam). Apabila jam yang tersedia kurang dari 24 jam, kebutuhan guru dihitung satu sesuai