• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Panday

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Panday"

Copied!
14
0
0

Teks penuh

(1)

ANG PANDAY

Ni Amado Hernandez Teoryang Humanismo

Kaputol na bakal na galing sa

bundok.

sa dila ng apoy kanyang

pinalambot;

sa isang pandaya'y matyagang

pinukpok

at pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang ano-ano'y naging kagamitan,

araro na pala ang bakal na

iyan;

Ang mga bukiri'y payapang

binungkal,

nang magtaniman na'y masayang

tinamnan.

Nguni't isang araw'y nagkaroon ng

gulo

at ang boong bayan ay bulkang

sumubo,

tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo

pagka't may laban nang

nag-aalimpuyo!

Ang lumang araro'y pinagbagang muli

atsaka pinanday nang

nagdudumali,

naging tabak namang tila humihingi,

ng paghihiganti ng lahing

sinawi!

Kaputol na bakal na kislap ma'y

wala,

ang kahalagahan ay di

matingkala,

ginawang araro: pangbuhay ng madla

ginawang sandata: pananggol

ng bansa!

Pagmasdan ang panday, nasa isang

tabi,

bakal na hindi man

makapagmalaki;

subali't sa kanyang kamay na marumi

ay naryan ang buhay at

pagsasarili

(2)

Ang Pamana

ni Jose Corazon de Jesus

teoryang humanismo

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw

Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.

Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan

Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;

Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay

At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,

Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,

Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay

Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha

Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,

Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha

Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;

Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa

At sa halip ng magalak sa pamanang mapapala,

Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita

Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata

Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin

At huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,

O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin

Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?

“Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala

Mabuti nang malaman mo ang habilin!

Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming

Pamana ko na sa inyo, bunsong ginigiliw.

“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan

Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan

Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang

Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw

Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay namatay

At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?

Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan

Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

(3)

BANYAGA

ni Liwayway A. Arceo

Teoryang Feminismo

MUKAHANG ARTISTA! Artista nga ba? Artista?

Mula nang dumating si Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong naiyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon –kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. Atmaging sa mga sandaling ito na wala nang kumikibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din angkatanungang wari ay nababasa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa

bawat matimpingngiting may lakip na lihim na sulyap.At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyanglikuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagl na pinagmasdan ang kanyangbuhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niyabago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong. “Serbesa ba „kamo, bata ka, ha?” Ngumiti siya kasabay ang mahinang tango. At nang Makita niyang nangunot ang noonito, idinugtong niya ang paliwanang. “Hindi masama‟ng amoy, Nana” Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sakanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyangbalikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sakanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan na ito na maygilit upang makahakbang siya. “Ibang-iba na nga ngayon ang…lahat!” at nauulinigan niya ang bunting-hiningangkumawala sa dibdib ng matandang ale.Napangiti siya. Alam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ina kungnakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sapagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente.At ang apat

niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginangnaka

toreador

na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mgakanayon, mula ulong may taling

bandanna

, sa kanyang salaaming may kulay, hanggang sakanyang mga mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa

step-in

na bukas ang nguso. “Sino kaya‟ng magmamana sa mga pamangkin mo?” tanong ngayon ng anyang NanaIbang. “Ang panganay sana ng kuya mo…matalino…” “Sinabi ko naman sa Inso…ibigay na sa „kin papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisannaman ako. Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gustoni Inang…noon…kung natakot ako sa iyakan…” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyanghindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib. “Tigas nga naming iyakan nang lumuwas ka…” ayon ni Nana Ibang.

“Noon pa man, alam kong nasa MAynila ang aking pagkakataon. Sasali ba „ko satimpalak na „yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?” Malinaw sa isip

angnakaraan.Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping panyolito sakanyang batok. “Pinapawisan ka na e. Ano bang oras ang sabi ni Duardo na susunduin ka?” “Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba‟y gabo‟n dito?” at napangiti siya. “Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko narito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika…” “Naiinip ka na ba?” agw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi. “Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalikdin ngayon sa Maynila” “Ano? K-kahit gabi?” Napatawa si Fely. “Kung

sa Amerika…nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, saMaynila pa? Ilang taon ba „kong wala sa Pilipinas? Ang totoo…” Biglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat niAling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. Atbiglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito

nang makita siya kangina.Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo.

Ang walang malamanggawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyangpamangkin. Ibinukod si Fely ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis namantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang

(4)

maghuhugas siya ng kamay.Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangalanat larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Ibaang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong

mabangong alam niyang ngayon lamangbinili. Nakasampay sa isang bisig nito ang

isang tuwalyang amoy moras. At napansin niyangnagkatinginan ang kanyang kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya. “Ayan naman ang kubyertos…pilak „yan!” hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. “‟Yan ang uwi mo…noon…hindi nga naming ginagamit…” Napatawa siya. “Kinukutsara ba naman ang alimango?” Nagsisisi siya pagkatapos ng kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis angmukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin.

Kung hindi ka banagbago ng loob, di sana’y nililitson ang biik sa silong, kasi, sabi…hindi ka darating…

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya – ngayon lamanggagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School.Waring hindi niya matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mgaNagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng lihamng pangulo ng samahan.

Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila

.Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan saharapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid

siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos

namataas at payat ang takong. “Sa kotse na” ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi:

Baka akomasilat…baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.

Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siyang matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse aymaraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, nanang

mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang. “Ako nga si Duardo!” Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupona siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman angtsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper itonaupo. “Bakit hindi ka rito?” tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. “Maypresidente ba ng samahan na ganyan?” “A...e...” Hindi kinakailangang makita niyang nakaharap si Duardo. Napansin niya sapagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. „A-alangan...na „ata...” Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanginglalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralangkanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos. “Natutuwa kami at nagpaunlak ka...” walang anu-ano‟y sabi ni Duardo, “Dalawampu‟t dalawang taon na...” “Huwag mo nang sasabihin ang taon!” biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyangtawa. “Tumatanda ako.” “Hindi ka

nagbabago,‟ sabi ni Duardo. “Parang mas...mas...bata ka ngayon.Sayang...hindi ka makikita ni Menang...” “Menang?” napaangat ang likod ni Fely. “Kaklase natin...sa apat na grado,” paliwanag ni Duardo. “Kami ang...” atnapahagikhik ito. “Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...‟ “

Congratulations

!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglangnaalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. “Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon,” patuloy ni Duardo nang hindi na siyakumibo. “Ibang-iba kaysa...noon...” “Piho nga,” patianod niya. “Hindi naman kasi „ko nagagawi sa bayan tuwing uuwiako. Lagi pa „kong nagmamadali...”

(5)

DULA: Himala

sa panulat ni Ricky Lee

teoryang sosyolohikal

Act 77. Sa Kalsa. Umaga.

Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakrt,

ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga

nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala

nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles.

Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw

lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal.

MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos,

sa gobyerno, o sa akin.

Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang

isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa

katawan.

TAGABARYO: Nabuhay si Chua!

CHIEF DE LA CRUZ: Sino ba ‘yun?

LUCIO: (lalapit at titingin din). Kapatid ho ‘yun ni Chua. Baka isa pa ho ‘yang me sakit din.

Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni

Baldo ang mga pasyenteng nakapila.

BALDO: O, ‘yung mga may sakit, dito lang. O paraanin ‘yan, paraanin! O kayo d’yan, dito kayo!

Lapit!

Sa isang tabi’y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs.

Gonzales.

LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita n’yo ba si Bella?

Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng

dalawang tinedyer.

TINEDYER 1: Napa’no ‘yan?

TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen!

Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap.

Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti.

IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl?

TURISTA: Yeah? Where?

IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only.

TURISTA: Sure, where?

Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayo’y seksi na ang ayos at naka-make up.

TURISTA: In green, over there?

IGMENG BUGAW: Yeah.

Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao.

Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan.

LALAKI 1: Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa

MGA TAO: (palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa!

ALING RISING: (makikisigaw na rin). Elsa! Elsa’ Elsa!

Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling.

Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at

(6)

walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado.

MGA TAO: (patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa!

Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na

ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at

panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga

kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga

kamera.

Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga

mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at

tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niya’y nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen.

Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa’t magsisimula siyang magsaiita.

ELSA: Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal.

Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat.

ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang

naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga ito.

Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino.

ELSA: Maraming sakit ang gumaling, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng

pananampalataya. Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng

krimen at panloloko.

Mapapalapit si Mrs. Alba.

ELSA: Kapag may masamang nangyayari’y sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang.

Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon.

Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang

malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling.

ELSA: Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito’y gawa ng langit. Gawa ng

Birhen. Gawa ng himala.

Nakatingin si Sepa.

ELSA: May ipagtatapat ako sa inyo.

Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao.

ELSA: Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat’ Tayo ang

gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos!

Walang makakakibo. Walang makakapagsalita.

ELSA: Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na

Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang

gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala!

Sa umpukan ng mga tao’y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang

sasabihi’y papailanlang ang isang putok. Pagtama ng bala sa puso ni Elsa’y awtomatikong

mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba’y magagaya niya ang

anyo ng Birheng may sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina

Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang anak.

Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo.

Magtatakbuhan lahat papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari.

Magkakatapakan, rnagtutulakan. Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga

magnanakaw.

Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-iiiyak

siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot.

liwan ng tucistang Puti si Bella.

(7)

Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police.

MAYOR: Hepe, dakpin mo ang bumaril!

Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin.

CHIEF OF POLICE: Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano?

Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o

kaya’y bangag at wala sa sarili.

Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair

at bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit

ang abito ng madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan

ang batang napilay. May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo.

Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling

Saiing. Ang lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang

nagtatakbuha’t naghahalu-halo sa isang walang katapusang larawan ng kapahamakan.

Papatak ang luha niya. Ito ang mga kaguluhan at kabaiiwang kanyang pinasimulan Lalapit si

Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang

mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang kamera ni Oriy. Mag-iiyakan ang Siyete

Apostoles.

BALDO: (sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa!

Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang

entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa.

Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng

mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng

damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo’y nawala nang tuluyan lahat

nang pag-asa at iayunin sa buhay.

Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsa’y

humahagulgol na susunod sa mga tao si Aling Saling.

Pipigilan ni Bino si Sepa.

BINO: Sepa, h’wag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano ka ba?

Pero makakawala si Sepa.

Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya.

Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga

nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.

SEPA: Si Elsa’y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay

makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa!

Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa

Mahal na BIrhen!

Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa

gitna ng mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na

dugo’y nakaluhod na aakyat uli sila sa burol, sabay-sabay na nagdarasal.

Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan.

Gayundin ang bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng

isang babae si Mrs. Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang

ulo habang umiiyak. Nakatingin lang si Orly sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa,

sa kanyang mukha.

Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting

dumidilim.

MGA TAO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya … Bukod kang pinagpala sa babaing

lahat

(8)

Kinagisnang Balon

Ni Andres Cristobal Cruz

Teoryang Dekontruksyon

1. Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. 3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. 4. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. 7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. 8. "Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda. 9. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba. 10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw

matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. 12. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13. Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. 15. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. 17. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. 19. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. "Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng iba. 22. "Di ba't 'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?" 23. "Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" 24. "Aba, siyanga, ano?" 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo." 27. Minana na niya ang opisyong iyan." 28. "E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…" 29. "A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo." 30. "Labandera na noon si Nana Pisyang?" 31. "Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang

(9)

Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e." 32. "Ang Da Felisang Hilot?" 33. "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34. "Tingnan mo nga naman ang buhay." 35. "Sa Amerika ba, merong ganyan?" 36. "Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay." 37. "Mana-mana ang lahat." 38. "Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din." 39. "At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera." 40. "Pero si Nana Pisyang humihilot din." 41. "Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na." 42. "Me

pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay." 43. "Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd." 44. "At si Narsing nila?" 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." 46. "Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin." 47. "Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!" 48. "Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro." 49. "Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano." 50. "E. ano raw?" 51. "Florante at Laura daw." 52. "Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata. May ulo pa naman." 53. "Balita ko'y ayaw mag-aguwador." 54. "Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na." 55. "Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit 'yon!" 56. "Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!" 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit. 60.

Nagsasampay ang kanyang ina nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya't naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. "Hene puwede," sagot ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig." 66. "O, paano, talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. "Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang tulong sa 'yo. 68. "O sige, ano?" 69. "Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?" 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon

nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama't ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera

(10)

ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na

mahuhusay na ipinaglalaba't ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. "Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib." 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. "Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging aguwador!" 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!" 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang

lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin." 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng

pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang

inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong pasanpasan ang pingga't dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang. 94. Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. "Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.

(11)

Bangkang Papel

ni Genoveva Edroza Matute teoryang realismo

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang

magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.

Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.

Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.

Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.

Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. "Inay, umuulan, ano?"

"Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan. "Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?"

Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao.

Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan.

Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati.

Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.

Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. "Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?"

"Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo."

Natuwa ang bata sa kanyang narinig.

Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig.

Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:

"Siya, matulog ka na."

Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

"Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.

"Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot.

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.

Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...

(12)

At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...

Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.

Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.

Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.

Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.

Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

Nahihintakutang mga batang humanap kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.

Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. "Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?"

Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita.

Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..."

Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong... "Bakit po? Ano po iyon?"

Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.

Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.

"Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan."

Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.

Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.

Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.

Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. "Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?"

Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.

"Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman." Samantala...

Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.

Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

(13)

SINAG SA KARIMLAN

(Dula )ni Dionisio S. Salazar

Teoryang sosyolohikal

(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa¶y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng

barkada. Saating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa

matuwid?)

MGA TAUHAN :

Tony ……….. Binatang bilanggo

Luis ……….. Ang kanyang ama

Erman ………..)

Doming ……….. ) Mga kapwa bilanggo

Bok ………. )

Padre Abena …………Isang pari ng bilibid

Miss Reyes …………. Isang Nars

Isang Tanod

PANAHON: Kasalukuyan

TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.

ORAS : Umaga

PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …

Moog ng katarungan « Sagisag ng Demokrasya « Salaming pambudhi « Palihan ng puso¶t

diwa«Waterloo ng kasamaan« Hamon sa pagbabagong buhay «May mga maikling gayung dapat hubdan

ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu¶ttalinghagang mamamayagpag at umiiring

sa batas. Sa isang dako¶y may mga walang malay na dahil sakasamaang-palad, kahinaan, o likas na

mapagsapalaran ay ditto humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubuganng Katotohanan at

Katarungan«Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano

pa karami angtatanggap ng kanyang tatak«May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang

marikit at makulay na kasaysayan«PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng

pagamutan ng Pambansang Bilangguan saMuntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang

dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sadalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony

(19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman aynaroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30).

May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod,

kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at

kaliwang bisig. May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok saBilibid, ay nakakulubong ±

may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ngalmoranas, ay gising at

waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming « Paminsan-minsa¶y maririnig ang

malakas ng paghilik ni Bok .

Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman na isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa maynilaat nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano. Sa tagal nilang nagsama ay hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony.

(14)

Si Tony ang pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang iwan sya ng kanyang ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at nagging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng bilangguan ay doon rin niya nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre Abena ang gusting tumulong kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya rin sa bilibid.

Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na

imposible ito. Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.

Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.

Referensi

Dokumen terkait

intelektuwal’ ang isang dalubhasa kung inihahain niya ang kaniyang kaalaman ‘di.. lamang sa mga kapwa niya dalubhasa, kundi sa publikong labas sa

-ibig ni Kapitan Tiyago na kunin ni Basilio Ikatlong taon siya ay nagsimula nang makapaggamot, bagay na maituturing na paghahanda para sa isang magandang. kinabukasan at

Kung hindi ipinakulong ng unang lalaki ang kapwa niya alagad, ano kaya ang nangyari sa kanya.. Siya ay ipinakulong dahil di niya mababayaran ang milyung-milyong

Isang araw ay nasunog ni Pele ang kanilang tirahan pati narin ang kanilang lugar, nagalit si Namaka sa galit niya ay nagbanta siya na babahain niya ang isla kaya napilitang..

Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak.. Lumapit

Kung susuriing maigi ang kathang ito, ito’y ginawa ni Rizal hindi para tuligsahin ang Espanya o ang Simbahan kung hindi ito ay ginawa niya bilang isang panggising

Hindi lamang niya ma- Hinihingi ko sa inyong dalawa na ni Maganda sa binatang hindi tiyak kung sino sa dalawa ang isalong ang inyong mga pana.. man Iamang nagbubuka ng kan- nakita niya

Ngunit hindi lahat ng kaniyang ka-barangay ay nakakuha nito, tulad niya.. Tatlong araw na hindi nakalabas ng bahay si