• Tidak ada hasil yang ditemukan

El Filibusterismo:Deciphered-kab06

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "El Filibusterismo:Deciphered-kab06"

Copied!
8
0
0

Teks penuh

(1)

¡

Nang magsimulang rumipeke ang kampana para sa misa sa hatinggabi, at sa mga nais pa ang mahimbing na pagtulog kaysa mga kapistahan at seremonyas na nagigising sa nakakayamot na ingay at galawan, Maingat na pumanaog si Basilio at lumigid nang makalawa o makaitlo sa ilang lansangan, at nang makumbinse ang sarili na walang

sumusunod at nagmamatyag1 ay nagpunta sa mga daan na di

pinagdaraanan ng maraming tao at tinungo ang matandang kagubatan na dating pag-aari ng mga Ibarra, na nabili ni Kapitan Tiyago, na

kinumpika at ipinagbili ng pamahalaan.2

.3 Ang pagrerepike ay huminto at ang isa-isang tugtog na lamang ang nadidinig sa katahimikan ng gabi, sa gitna ng lagaslas ng mga dahong pinagagalaw ng simoy at mga dagundong ng alon ng kalapit na lawa, na wari·y hilik ng kalikasan nakalulong sa isang mahimbing na pagtulog.

???????????????????????????????????????? ????????

MGA PALIWANAG

Ang kahalagahan ni Basilio bilang tauhan ni Rizal sa dalawang nobela ay makikita sa pagbibigay ng may-akda ng tig-iisang Kabanata sa ‘ at . 1 Tandaan na ito ay

2 Halos ito rin ang kinasapitan ng lupang pag-aari ni Rizal sa Dapitan, pagkatapos siyang dakpin ng pamahalaang Espanya dahilan sa bintang na rebelyon.

3 Sa pagkukumpara sa tagpuan ng sa dalawang nobela ay mapapansin na ginamit ni Rizal ang pagkakaroon ng maliwanag na buwan na tinataya sa pag-aaral ng nagsasaliksik na sa taong 1882. Ang sikat ng buwan sa ng 1882 ay maliwanag na katulad ng paglalarawan sa NMT (sangguniin ang wbsite na

http://www.timeanddate.com/calendar/?year=1882&country=1). Samantalang ang kadiliman ng buwan sa sa ay madilim na sinasabi ni Rizal na 13 taon ang agwat ay umamayon sa mukha/phase ng buwan para sa

ng 1895. (Sanguniin ang website na

http://www.timeanddate.com/calendar/?year=1895&country=1).

Isang tanong:

(2)

Ang binata ay nakatungo na lumalakad na waring ibig makaaninag sa gitna ng kadiliman, may guniguni siyang taglay dahil sa pook at mga sandaling iyon. Paminsan-minsan ay itinataas ang ulo upang tanawin ang mga bituin sa pagitan ng mga dahong matataas ng kahuyan, at pagkatapos ay itinutuloy ang paglakad na hinahawi ang mga sanga at siit na nagpapabagal sa kanya; kung minsan ay bumabalik sa pinanggalingan, ang kanyang mga paa·y nasasalabid sa isang punong maliit, masasagasa sa isang ugat na nakalabas sa lupa o sa isang sangang bakli. Nang makalipas ang kalahating oras ay nakarating sa isang batis na sa kabilang pampang ay may isang bunduk-bundukan, na sa gitna ng kadiliman ay nag-aanyong malaking bundok. Tinawid ni Basilio ang sapa sa tulong ng pagpapalundag-lundag sa mga bato na natatangi sa kaitiman sa ibabaw ng kinang ng tubig, umakyat sa bunduk-bundukan at tinungo ang isang munting pook na nakukulong ng matanda·t sira-sirang muog. Tinungo ang puno ng baliting malaki, mahiwaga, matanda (na binubuo halos ng mga ugat na pataas at paibaba, na waring mga sangang nangagkasala-salabid) na nakatayo sa

kalagitnaan. 4

Huminto sa tabi ng isang bunton ng bato, nag-alis ng sumbrero at waring nanalangin. Iyon ang libingan ng kanyang ina, at ang unang dinadalaw niya ay ang libingang iyong walang nakababatid, walang nakamamalay. Sa dahilang dadalaw sa mag-aanak ni Kabesang Tales sa kinabukasan ay sinamantala niya ang gabing iyon upang gumanap sa gayong katungkulan.

Naupo sa isang bato at waring nag-iisip. Sumipot sa kanyang pagbubulay-bulay ang mga panahong nakaraan na waring isang maitim at mahabang badha na mapula-pula sa simula, matapos ay nakapangingilabot, may bahid na dugo, at sa huli·y maitim, naging

abuhing malinaw at unti-unting lumiliwanag.5 j

«6

???????????????????????????????????????? ????????

4 Ito rin ang lakad ni Basilio sa Noche Buena ng NMT.

5 Ang buhay at kasaysayann ng tao ay tulad ng isang ý ý Sa bahaging ito ay dalawa ang layer na isinusulat ni Rizal ² ang buhay ni Basilio at ang kasaysayan ng bayan.

6 Ipinararating ni Rizal ang kasalukuyan ng bayan gamit ang pagninilay ni Basilio sa kaniyang buhay. Ang hinaharap ay may lambong pa ng ulap ngunit nabanaagan na ng darating na bukang-liwayway. Halos ramdam na ni Rizal sa bahaging ito ang pagdating ng kalayaan ng Pilipinas.

(3)

May doon ang

kanyang ina, sa gitna ng karalitaan,

¡

.7 Sugatan at pipilay-pilay siyang nakarating doon sa

pagsunod sa kanyang ina, at ito naman ay baliw at lipos katakutang lumalayo na wari·y anino sa kanyang anak. Doon namatay, dumating ang isang taong hindi niya kilala at ipinag-utos sa kanyang magbunton ng kahoy, bigla siyang umalinsunod, at nang siya·y bumalik ay isa pang hindi rin kilala ang natagpuan sa piling ng bangkay ng una. Anong araw at gabi iyon! Tinulungan siya noong taong hindi kilala sa pagbubunton ng kahoy na pinagsunugan sa bangkay ng lalaki, hinukay ang pinagbaunan sa kanyang ina at matapos abutan siya ng kaunting kuwalta ay ipinag-utos sa kanyang umalis sa pook na iyon. Noon lamang niya nakita ang lalaking iyon; matangkad, mapupula ang mata,

mapuputla ang labi, matangos ang ilong«8

Ulilang lubos, walang magulang at kapatid ay iniwan niya ang bayang iyon na may mga maykapangyarihang kinasisindakan niya, at tumungo sa Maynila upang pumasok na alila sa isang mayaman at mag-aral, na gaya nang ginagawa ng ilan. Ang kanyang paglalakbay ay isang paglalagalag, puno ng pagpupuyat at pag-aagam-agam, na ang gutom ay hindi inaalintana. Ang ipinangtatawid-kagutuman niya ay mga bungangkahoy ng mga kagubatang kanyang pinagtataguan, kailanma·t nakakatanaw ng suot guwardiya sibil, kasuotan na nakapagpapaalaala ng pinagmulan ng kanyang mga kasawian. Nang nasa Maynila na siya, gula-gulanit ang damit at may sakit pa ay dumulog sa mga bahay-bahay at pumapasok na alila. Isang batang taga-lalawigan na hindi marunong ng munti mang wikang Kastila at masasakitin pa! Walang pag-asa, dayukdok at hapis na gumalagala sa mga lansangan na napupuna ng mga tao dahil sa ayos na karumal-dumal ng kanyang damit! Makailang tinangka ang pasagasa na sa mga kabayo, na nangagdaraang parang kidlat, na hila ang mga sasakyang nagkikinangan sa pilak at barnis,

???????????????????????????????????????? ????????

7 Alam at inuulit ni Rizal ang kabilugan at liwanag ng buwan 13 taon na ang nakakalipas. Balikan ang talababa blg. 3 ng kabanatang ito. Nakapagtataka rin sa pag-aaral na ito na dami ng pagitan ng taon ay kaniyang pinili ang 13 taon. Maging sa ‘ ang kabatan na pinamatagang Premonisyon ng Sigwa ay itinanapat niya sa Kabanata 13.

8 Ang bahaging ito ay paglilinaw sa hindi ipinakitang kaganapan sa Kabanata 63 ng ‘ . Tandaan na dumating si Elias na nanghihina dahilan sa tinamong mga sugat mula sa habulan sa lawa. Sa bahaging ito ay may dumating na ikalawang lalaki na hindi sugatan at tumulong sa kaniya sa paglilibing sa kaniyang ina at sa pagsunog sa bangkay ni Elias.

(4)

upang matapos na ang kanyang mga paghihirap!9 Salamat at nakitang nagdaan si Kapitan Tiyago na kasama si Tia Isabel; kilala niya ang mga taong iyon mula sa San Diego at sa kanyang kagalakan ay inakalang wari·y mga kababayan niyang mistula. Sinundan ang karwahe, nawala sa kanyang paningin, ipinagtanong ang bahay, at sa dahilang noong araw na iyon pumasok si Maria Clara sa kumbento at si Kapitan Tiyago ay nalulungkot, ay natanggap siyang alila, na walang upa, nguni·t sa isang dako naman ay may pahintulot siyang makapag-aral, kung kailan

niya ibig, sa San Juan de Letran.10

Nang may ilang buwan na siya sa Maynila ay pumasok sa

sa Latin, kahi·t nanlilimahid, masama ang kasuotan at nakabakya.

Nang makita ng mga kasamahan ang ayos ay lumayo sa kanya at hindi siya tinanong ng katedriko at kung makikita siya ay kumukunoy ang noo. Ang mga tanging salita na nagamit sa walong buwang pasukan ay ang pagbanggit ng pangalan sa pagbasa ng talaan at ang sagot na

(kaharap) na itinutugon sa araw-araw ng nag-aaral. Ang

kapaitang ito ang nilalagok niya sa tuwing paglabas sa klase, at nang mahulaan ang kadahilanan ng pakikitungo sa kanya ay maraming luha ang lumabas sa kanyang mga mata at gaanong hinanakit at daing ang sumasabog sa kanyang puso! Gayon na lamang ang kanyang iyak at paghihinagpis sa ng libingan ng kanyang ina na pinagsabihan ng mga lihim niyang sakit, kahihiyan nang siya·y ipagsama ni Kapitan Tiyago sa San Diego nang magpapasko! Isinasaulo niyang buung-buo ang leksyon

at hindi kinalimutankahit kuwit lamang,

!11 Nguni·t tumiwasay siya sa huli, nang makitang sa tatlo o

apat na raang kasama niya ay may apatnapu lamang ang natatanong, sapagka·t napupuna sila ng paring nagtuturo dahil sa kisig o kaya·y sa kalikutan, o kaya·y dahil sa paborito, o kaya·y dahil sa iba pang sanhi. Sa isang dako naman ay nagagalak sa gayon ang marami sa nag-aaral

sapagka·t hindi na sila mag-iisip at magninilay.12

Pumapasok sa hindi upang may malaman o mag-aral,

kundi upang magtamo ng kurso, kung naaring maisaulo ang aklat, ano

???????????????????????????????????????? ????????

9 Isang anyo ng nakalipas na nararanasan ng mga tunay na mahihirap.

10 Sa paaralang ito kumuha ng pagsusulit si Rizal para sa kursong sekondarya, subalit nagbago lamang ang isip ng ama at itinala siya sa Ateneo. 11 Isang kalagayan ng edukasyon na makikita pa rin sa mga paaralang sekondaryo na may malaking bilang ng mga mag-aaral sa isang klase.

(5)

pa ang mahihingi?13 Naaaring tapusin din naman ang pinag-aaralan sa santaong pagpasok.

Si Basilio ay nakapasa sa pagsusulit sa nag-iisang katanungang para sa kanya, na sinagot niyang parang makina, walang hinto·t

kahinga-hinga at ang tinamo ay , sa gitna ng tawanan ng mga

nagbibigay ng pagsusulit. Ang kanyang siyam na kasama (sampu-sampu kung litisin upang matapos agad) ay hindi naging mapalad, kaya·t nakatakdang uliting mulii ang santaong brutalisasyon.

Sa pangalawang taon, sa pagkapanalo ng manok na inaalagaan ni Kapitan Tiyago ay binigyan siya ng pabuya, at ibinili niya agad ng sapatos at sumbrerong piyeltro. Dahil sa kanyang binili at sa mga damit na ibinigay sa kanya ng amo, na tinatabas niyang muli at isinusukat sa sariling katawan, ay nagkaroon siya ng mabuting kaanyuan, nguni·t hanggang doon na lamang naman. Sa isang malaking klase, na marami ang pumapasok, ay lubhang mahirap na mapuna ng guro ang isang bata, at ang nag-aaral na sa una pang taon ay hindi napatampok dahil sa katangian o kaya·y hindi kinalugdan ng nagtuturo ay mahirap nang mapuna sa buo niyang pag-aaral. Gayunman ay nagpatuloy din siya, dahil sa ang pinakatampok niyang katangian ay ang pagkamatiyaga.

Waring nagbago nang kaunti ang kanyang kalagayan nang pumasok sa pangatlong taon. Ang naging guro niya ay isang Dominikong masaya, palabiro at mapagpatawa sa mga tinuturuan, napakatamad, sapagka·t karaniwang ang pinapagsasalaysay ng katuturan ng leksiyon ay ang kanyang mga paborito lamang; kung sa bagay ay nasisiyahan na sa kahi·t ano. Nang panahong iyon ay gumagamit na si Basilio ng sapatos at mga barong malinis at pinirinsa. Sa dahilang napuna ng propesor na hindi siya matatawanin at namatyagan sa kanyang mga matang malalaki ang tila pagtatanong, ay ipinalagay siyang baliw at isang araw ay tinangkang gipitin siya sa pagtatanong ng lisyon. Sinagot ni Basilio nang mula sa puno hanggang

dulo na walang kagatul-gatol sa isang mang ; tinawag siyang bubutok

ng guro, nagsalaysay ng isang bagay na ikinatawa ng buong klase, at upang maglalo ang halakhakan at matibayan ang pagkakapangalan ay tinanong pa siya ng ilang tanong na kasabay ang pagkindat sa mga minamabuti, na ang ibig sabihin ay:

´Tingnan ninyo·t masasayahan tayo.µ

Noon ay marunong na ng wikang Kastila si Basilio at nakasagot nang walang nakatawa. Ang bagay na iyon ay isinama ng loob ng lahat, ???????????????????????????????????????? ????????

13 Maaring ito ang kaisipan ni Rizal noong unang taon ng kaniyang pag-aaral sa UST.

(6)

ang inaantay na kamalian ay hindi sumipot, walang napatawa at ang pangyayaring iyon ay hindi naipatawad sa kanya ng mabuting prayle, sapagka·t sinira ang pag-asa ng buong klase at pinabulaanan ang hula. Nguni·t sino ang nakahihinala na lalabas ang anumang bagay na may kabuluhan sa isang ulong ang buhok ay walang ayos na nagtatapos sa katawan ng isang Indiyo, na masama ang sapatos at kahahalo pa lamang sa kanya sa mga ibong mapangunyapit? At kung sa ibang paaralan, na may sadyang pagnanasang ang mga bata·y matuto, ay nagagalak ang mga nagtuturo kung nakakatagpo ng gayon, sa mga paaralan namang pinamamahalaan ng mga taong ang lalong marami·y nananalig na ang matuto ay makasasama (kung di man sa lahat ay sa mga nag-aaral) ang nangyari kay Basilio ay hindi minabuti, kaya·t hindi na siya natanong sa buong taon. Sa ano pa·t tatanungin siyang muli kung hindi rin makapagpapatawa sa kaninuman?

Masama ang loob at nagtangka nang iwan ang pag-aaral nang malipat siya sa ikaapat na taon sa Latin. Ano pa·t mag-aaral, bakit hindi magtulog na lamang, na gaya ng iba, at umasa na sa isang pagpapasumala?

Ang isa sa mga guro ay lubhang kilala, naiibigan ng lahat; kinikilalang marunong, dakilang makata at may mga pagkukurong

malaya. Isang araw na kasama ng mga sa paglilibot ay nakagalit

ng ilang ý , na naging sanhi muna ng simulang pag-aaway at

pagkatapos ay paghahamunan. Ang propesor, na marahil ay naalaala ang kanyang mabuting kabataan, ay nangayag at nangakong bibigyan ng

mabuting ý ang sinumang makilahok sa pakikilaban sa linggong

darating. Naging masigla ang buong linggong iyon: nagkaroon ng pulu-pulutong na paglalabang ginamitan ng sable at tungkod at sa isa·y

napatangi si Basilio.14

Dinala siyang galak na galak ng mga nag-aaral at iniharap sa propesor; mula noon ay nakilala siya at kinagiliwan. Dahil sa pangyayaring ito at dahil din naman sa kanyang pagsusumigasig sa

pag-aaral ay nagtamo siya ng mga ý at pa nang taong

iyon. Sa nakitang ito, si Kapitan Tiyago, na mula nang mag-mongha ang anak ay may pagkamuhi na sa mga prayle, sa isang sandaling masaya,

???????????????????????????????????????? ????????

14 Ang bahaging ito ay binunot mismo ni Rizal sa kaniyang kapanahunan ng pag-aaral sa UST. Si Rizal ay naging lider estudyante at nagkaroong ng pakikipagtunggali sa mga kamag-aral na Espanyol, sa isang sagupaan na ito, si Rizal ay nasugatan.

(7)

ay inudyukan siyang lumipat sa Ateneo Municipal,15 na noon ay lubhang nababantog.

Isang bagong mundo ang nahayag sa kanyang mga mata, isang paraan ng pagtuturo na hindi man niya naiisipna makikita sa paaralang iyon. Liban sa ilang bagay na walang malaking kabuluhan at ilang bagay na walang kapararakan ay hinangaan ang patakarang sinusunod doon sa pagtuturo at lubos ang kanyang pagkilala ng utang na loob sa pagsusumakit ng mga guro. Napapaluha siya kung minsan at naaalaala ang apat na taong nakaraan na dahil sa kakulangan sa magugugol ay hindi siya nakapasok doon. Kinailangan niyang gamitin ang lahat ng pagsusumikap upang mapantayan ang nangagkaroon ng mabuting pasimula at nasabi niya sa sarili na nang taon lamang iyon napag-aralan

niya ang limang taon ng . Dinaan ang ýsa

gitna ng kagalakan ng kanyang mga propesor at sa pagsusulit ay ipinagmalaki siya sa harap ng mga hahatol na Dominiko na pinaparoon upang magmatyag. Upang mapawi nang bahagya ang kagalakan ay

tinanong ang nilitis kung saan nag-aral ng mga unang taon sa Latin.16

´Sa San Juan de Letran, padre,µ ang sagot ni Basilio.

´Ah! Sa Latin ay mabuti,µ ang nakangiting sabi ng Dominiko.17

???????????????????????????????????????? ????????

15 Ang paglipat ay dahilan sa pagkamuhi sa mga prayle. Ito kaya ay isa sa lihim na paghahayag ni Rizal kung bakit nagbago ng isip ang kaniyang ama at sa Ateneo siya ipinasok.

16 Ang laderisasyon ng pag-aaral sa panahon ng mga Espanyol ay hindi katulad ng sa ating nakagisnan. Ang unang kurso ay na binubuo ng 3 taong pag-aaral na ang mga pumapasok na mag-aaral ay 7 taon pataas sa unang baitang. Pagkatapos ng ay mag-aaral sila ng kursong

na kalimitan ay nasa edad na 11 taong gulang at tatapusin ang nabanggit na kurso sa loob ng limang taon. Ang magtatapos sa kursong secondaria ay pinagkakalooban ng titulong . Sa pagdating ng mga Amerikano ay nanatili ang sa mga unang taon ng kanilang pananakop ang sistemang primerya at sekondarya, subalit nakita nilang nahihirapan ang maraming mga mag-aaral sa araling sekondarya ng kurikulum na inihanda ng mga Amerikano. Ito ang dahilan sa pagbubukas ng kursong ý sa mga pioneer intermediate school sa taong 1904 kung saan ipinaloob dito ang Grade IV, V, at VI na pinalitan naman noong 1907 ng Grade V, VI, VII.

Abangan ang aklat ng nagsasaliksik na inihahanda para sa sa website na ito ukol sa Kasaysayan ng pang-institusyon na ý na tumatalakay sa unang yugto ng pagkakatatag ng Cavite State University at ng kasaysayan ng edukasyong pang-agrikultura sa Pilipinas. 17 Ayaw magpatalo ng mga Dominicano, isang pangyayari na maaring nasaksihan niya sa kaniyang pagsusulit para sa bachelier sa Ateneo.

(8)

Dahil sa kanyang hilig at ugali ay pinili ang Medisina; ibig sana ni

Kapitan Tiyago ang p upang magkaroon ng abugadong walang

bayad, nguni·t hindi ang dumunong at makabatid ng mga kautusan ang kailangan lamang upang magkaroon ng ipagtatanggol sa Pilipinas; .18 Napahinuhod din si Kapitan Tiyago sapagka·t naalaalang ang mga nag-aaral ng Medisina ay naglalamutak ng patay; malaon nang humahanap siya ng isang lason na ipansusubo sa tari ng kanyang mga manok, at ang pinakamabuting nalalaman niya ay ang dugo ng isang Insik na namatay sa sakit na sipilis.

Gaya rin ng dating pagsisikap, o higit pa kung kailangan, dinaan

ng binata ang mga taong pag-aaral ng ý, at mula pa sa ikatlong

taon ay nanggamot na siya, na pinalad naman, bagay na hindi lamang pagsisimula ng isang magandang haharapin kundi nagbibigay din naman sa kanya ng sapat na gugugulin upang makapagbihis ng mainam-inam at makapag-ipon pa nang kaunti.

Ang taong ito·y siyang huling taon ng kanyang pag-aaral, at sa

loob ng dalawang buwan na lamang ay na siya, uuwi na sa

kanyang bayan, pakakasal kay Juliana at mamumuhay silang maligaya.

Ang pagtatamo niya ng ý ay hindi lamang tiwasay niyang

inaantay kundi inaasahan pa niyang magiging maningning na pinakaputong ng kanyang kabuhayan sa pag-aaral. Siya ang natakdang

bibigkas ng talumpating pagpapasalamat sa pagsusuot ng ý, at

nakikini-kinita na niyang siya·y nasa gitna ng , sa harap ng

lahat ng nangagtuturo, at siya ang pinagtitinginan at pinakikinggan ng madla. Lahat ng ulong iyon, na bantog sa karunungan sa Maynila, na

nangakalubog halos sa kanilang mga ýna iba·t ibang kulay; ang

lahat ng babaing dumalo dahil sa hangad na makapanood lamang na noong mga taong nakaraan ay hindi man siya napuna, kung di man natingnan siya na may pagwawalang-bahala, ang lahat ng kaginoohang iyon na noong siya·y bata ay muntik nang pagulungan siya sa karwaheng sinasakyan sa gitna ng lusakan na wari·y aso lamang, sa mga sandaling iyon ay siya ang pakikinggan, at ang mga tuturan naman niya ay mga maiinam na bagay, iyong hindi pa nadidinig sa pook na iyon; lilimutin ang sarili upang alalahanin ang mga kaawa-awang mag-aaral sa haharapin, at siya·y papasok sa sosyedad sa pamamagitan ng talumpating iyon.

???????????????????????????????????????? ????????

18 Isang obserbasyon ni Rizal sa sistema ng hustisya na umiiral sa kaniyang panahon. Ewan ko lang ganito pa rin ngayon.

Referensi

Dokumen terkait

Pengukuran nilai koefisien kehilangan empiris yang paling akurat pada praktikum ini adalah dengan menggunakan pipa pitot karena memiliki kesalahan relatif paling kecil

Berdasarkan hasil pengujian yang telah di lakukan dapat diketahui untuk masing – masing indikator pada variabel TQM dan indikator pada variabel kinerja karyawan menunjukkan hasil

Dari hasil penelitian dan perancangan desain sistem maka dihasilkan sistem informasi pendistribusian obat dan alat kontrasepsi dikantor Badan Keluarga Berencana Dan

Pada prins prinsipnya pemisaha ipnya pemisahan n dan dan pemur pemurnian nian dilak dilakukan ukan untu untuk k memis memisahkan ahkan antara dua zat atau lebih yang

Dengan ke 3 kombinasi antioksidan tersebut, aktivitas antioksidannya lebih efektif dan bisa bekerja lebih lama dalam memungut radikal bebas, sehingga lebih efektif dalam

Indikator mutu area manajerial adalah cara untuk menilai mutu atau kualitas dari suatu kegiatan dalam hal ini mutu pelayanan di rumah sakit yang

Studi ini akan membahas fungsi masa lalu dari keempat patirthan yaitu Tirtha Empul, Mengening, Gunung Kawi, dan Goa Gajah.. Dalam skripsinya Patriziki (2005, 35)

• Capital Gate adalah salah satu dari beberapa bangunan di dunia yang menggunakan struktur diagrid, juga memiliki dua sistem diagrid, sebuah diagrid eksternal mendefinisikan bentuk