• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pamanahong papel (malnutrisyon)

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pamanahong papel (malnutrisyon)"

Copied!
27
0
0

Teks penuh

(1)

Kabanata I

Panimula o Introduksyon

Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil rito maraming problema ang ating hinaharap. Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at dito na nagsisimula ang mga problema na hindi natin maiiwasan. At isa dito ang problema ng Malnutrisyon.

Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina, mineral at sustansya upang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan. Taliwas sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang ang mga taong hindi nakakain ng madalas ang nakakaranas ng malnutrisyon, maari din makaranas ng ganitong kalagayan ang mga taong may sapat ngang pagkain ngunit walang sapat na bitamina, mineral at sustansya.

Sa sistema nang buhay natin ngayon marami nang mga taong naghihirap sa kani-kanilang buhay gaya ng mga iskwater at iba pa. Kaya may ibang pamilya dito sa atin na hindi na natutugunan ang mga tamang pagkain na dapat kainin para sa ating katawan, ang iba ay kung ano lang ang makakaya sa kanilang bulsa ay yun na ang magiging pang almusal, tanghalian at haponan sa kanila. Ang iba ring pamilya ay isang beses nalang kumakain sa isang araw ito ay dahil walang pera o kulang sa budget. Maraming mga magulang ngayon na ang ipinakain nila sa kanilang mga anak ay galing sa mga basurang napupulot nila sa mga kalye na galing sa mga restaurant na

(2)

Ang malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan nang isang tao ay hindi nakakakuha nang sapat na sustansiyang kinakailangan upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay nang malusog. Sinasabing ang isang tao na napakahina kumain o maliit lamang na porsiyento kung kumain ay matatawag na malnourished at ang “gutom” ay isa ring anyo ng malnutrisyon. May mga palatandaan upang malaman kung ang inyong anak o sinuman na inyong kasambahay ay isang malnourished, gaya ng nagbabawas siya ng timbang; mahirap siyang kumain, at malimit walang gana; mukha siyang

palaging pagod at nanghihina; hindi siya nakakatulog; namumutla; may pagsusugat na nakikita sa mga gilid ng labi; Malabo ang kaniyang paningin lalo sa mga lugar na medyo madilim. Yan ang mga palatandaan ng isang malnourished.

Layunin sa Pag-aaral

Ang aking pamanahunang papel ay may layunin mag-bigay ng kaalaman sa mga mambabasa na ang malnutrisyon ay tuluyang kumakalat sa ating bansa at ito ay may malaking epekto sa paglikha ng ating lipunan ng mga makalidad na tao. Nilalayon ko na maglahad ng mga datos upang mapatunayan na hindi dapat magsawalang bahala sa ganitong isyu at kailangan ng agaran na solusyon dahil ito ay palala ng palala na nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at kumakalat sa iba’t ibang sulok ng ating bansa na parang isang epidemyang nakakamatay. Nais kong ipamahagi ang mga nakalap kong mga impormasyon upang mas maging pamilyar ang mga tao sa mga sintomas ng malnutrisyon. Nais ko ring manghikayat ng mga mambabasa na tumulong sa pagkalat ng mga impormasyon na ito at gumawa din ng kanilang sariling pag-aaral ukol dito. May iba’t ibang suliranin ang malnutrisyon gaya ng mga sumusunod:

(3)

1. Gaano ba kahalaga ang mga bitamina sa ating katawan?

2. Bakit nakakasama sa ating katawan ang sobra sa pagkain ng mga carbohydrates?

3. Bakit itinuturing ang malnutrisyon bilang isa sa mga pinakamalaking problema sa lipunan natin ngayon?

Kahalagahan sa Pag-aaral

Mahalagang malaman ang mga bagay na ito. Dahil hindi lamang ito

nakakadagdag sa ating kaalaman kundi maaari itong maging gabay sa atin upang makaiwas sa anumang suliranin na maaaring kaharapin.

 Para sa mga kabataan, mahalaga na malaman ninyo ito upang malaman niyo na hindi nakabubuti yung basta-basta lang kain ng kain. Kailangan ninyong kumain ng masusustansiyang pagkain.

 Para naman sa mga magulang, mas dapat na mabasa niyo ito dahil nakasaad dito kung ano yung mga dapat na ipakain sa mga anak ninyo. Yung mga

pagkaing naglalaman ng iba’t ibang bitamina. Para na rin maiwasan nila ang iba’t ibang uri ng sakit.

(4)

 Para sa pamahalaan, dapat ninyo itong bigyang pansin sapagkat ito’y mahalaga. Dahil isa ito sa malaking problema ng bansa. Marahil siguro ay dapat na babaan ang mga bilihing pagkain gaya ng mga gulay dahil isa ito sa mga pangunahing pagkaing kailangan ng mga tao lalo na ng mga kabataan.

 Para sa mga mananaliksik, patuloy pa sana kayong magbahagi ng inyong kaalaman. Kahit sa paraang ito ay makatutulong kayo sa ikabubuti ng bayan at ng mga mamamayan. Mas nagkakaroon ng kaalaman ang mga kabataan.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at kaalaman na tungkol sa mga sanhi at bunga ng malnutrisyon na nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit sa mga kabataan. Ako ay nangalap ng mga impormasyon na sakto lamang o may tamang limitasyon na may kaugnayan sa aking paksa.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Marasmus- Ito ay sanhi ng kakulangan ng kaloriya sa katawan o nang hindi sapat na bilang o dami ng kinakain. Sinasabing ang marasmus ay karaniwan nang nararasanan ng mga batang nasa mga mahihirap at under-developed na mga bansa. Ang pasyente ng marasmus ay nagiging

(5)

buto at balat. Nagiging kamukha siya ng isang matandang tao na mayroong natutuyo at nangungulubot na mukha. Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang pasyente upang mabigyan ng sapat na diyagnosis at tulong-medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa kanya ng cereals, kamote, patatas, karne, isda, gatas, peas, beans, asukal, at maberde at madilaw na gulay.

Kwashiorkor- Ang pinagmumulan nito ay ang malabis na kakulangan sa protina. Tinatayang maaaring makita ang mga palatandaan ng

kwashiorkor kahit na ang isang bata ay nakakukuha naman ng sapat na kaloriya mula sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Ang mga

sintomas nito ay ang pamamaga ng mukha, mga braso at binti,

nangungulubot na balat na mayroong taba, buhok na nagiging manipis, nababansot, at mahinang resistensiya laban sa impeksyon.

Kinakailangang dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima upang mabigyan ng nararapat na atensyong medikal. Ipinapayo rin ang pagbibigay sa kanya ng mga pagkaing mayaman sa protina na gaya ng gatas, isda, karne, manok, itlog, stringbeans, at mongo beans.

Xerophthalmia- Ang pinagmumulan nito ay ang kakulangan sa Bitamina A at tinatayang maaaring pagmulan ng pagiging bulag Kapag may

nakitang ganitong palatandaan sa pasyente ay kinakailangang dalhin agad ito sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng atensyong medikal. Ipinapayo din ang pagbibigay sa pasyente ng maberde at

(6)

madahong gulay na gaya ng kangkong, alugbati, ampalaya, yam at dahon ng malunggay at madidilaw na gulay gaya ng kalabasa, carrots, at atay, pula ng itlog at gatas.

Anemia- Ang sanhi nito ay ang kakulangan sa iron. Ang mga palatandaan ng anemia ay pamumutla, malabis na pagkahapo o pagkapagod, at

panghihina ng katawan, Kinakailangan ang kumunsulta sa health worker at bigyan ang pasyente ng atay, itlog, mabeberde at madidilaw na gulay.

Goiter- Ito ay sanhi ng kakulangan sa iodine. Ang palatandaan ay ang paglaki ng thyroid gland sa may leeg. Ito ang gland na kumokontrol sa metabolismo ng katawan, pagbubuo ng utak at iba pang organs at bahagi ng katawan. Matapos humingi ng tulong-medikal, bigyan ang pasyente ng mga pagkaing gaya ng seafoods, isda, shell meat, at seaweeds.

Samahan ng iodized salt ang pagkain ng pasyente. Mapino ang asin na ito na may kasamang iodine.

(7)

Kabanata II

Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

A. Ang Malnutrisyon

Ayon sa National Nutrition Council (NNC) noong 2008, ang malnutrisyon ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang o sobra ng mga mahahalagang sangkap na naaangkop sa tamang paglaki. Ito ay isang palansak na kataga sa kondisyong medical na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit itosa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain,

mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ng sustansya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami, uri o kalidad ng sustansya ng sinasabing malusog napagkainay hindi kinakain sa mahabang panahon. (Wikipedia, 2008)

B. Ang mga Dahilan

Sa buong mundo, ang mga maralita ang kadalasang nakakaranas ng

malnutrisyon sapagkat malimit na hindi sapat ang kanilang pagkain sa araw-araw. Pinapalalala pa ang sitwasyon kung kay dami pa ng magsasalo-salo sa kakarampot na kakanin. (Santiago, 2007) Ayon din naman kay Mildred Guirindola ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2007, ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihan at di-sapat nakaalaman ng mga magulang sa paghahanda ng

(8)

mga masusustansyang pagkain ay ilan pang mga dahilan sa hindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng malnutrisyon.

C. Ang mga Epekto

Ang malnutrisyon ay kakulangan o kalabisan sa bitamina, mineral, at

sustansya sa katawan. Kaugnay nito, naaapektuhan ang katawan at pag-iisip ng isang taong malnourished. Ilan lamang sa mga epekto nito ayang mga

sumusunod:

• Pagkatuyo ng balat

• Pamamaga ng mga gilagid • Sirang mga ngipin

• Mabagal na paglaki

• Mababa o mataas sa normal na timbang • Paglaki ng tiyan

• Osteoporosis • Pagiging matamlay • Madalas na pagkahilo • Mahina ang pag-iisip

D. Mga Solusyon

Ayon sa DSWD at City Health Department, magsasagawa sila ng mga pulong sa mga guro upang palawakin ang edukasyon ukol sa kalusugan at kalinisan.

(9)

tahanan. Nagrekomenda sila ng isang nutritionist bawat siyudad upang tuklasin ang mga masustansya at murang pagkain. Ayon kay Councilor Chris Alix,

magpapamahagi sila ng lugaw na mayaman sa bitamina, kasama nito ang regular na pagsusuri ng kalusugan ng mga bata. Binibigyang-diin din ang epektibong

pagpapaplano ng pamilya at pagpapasuso. At ang pinakamainam pa ring solusyon ay ang paghihikayat sa mga magulang na maghanap ng trabaho upang mapakain ng mainam ang kanilang buong pamilya.

Ayon sa Department of Education, isang solusyon ay “food for school program” sa pangunguna ni Secretary Jesli Lapus. Ang mga mag-aaral sa kindergarten at sa unang baitang sa mga napiling pinakamahirap na paaralan ay nakatanggap ng isang kilo ng bigas, pan de coco, at gatas mula sa National Dairy Authority.

Isang abot-kayang alternatibong pampaganang gamot sa presyong pitong piso bawat pakete na naglalaman ng powdered mixture ay kasalukuyang ipinapakilala ng isang programa sa Los Baños, Laguna upang labanan ang malnutrisyon lalo na sa rural na mga komunidad at upang matulungan ding mapagbuti ang mga bata maging ang mga buntis at nagpapasusong mga ina.

Ang nasabing pampagana ay tinawag na Kalinga. Ito ay yinari ng Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI), isang sangay na programa ng Institute of Human Nutrition nad Food (IHNF) ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Ito ay naglalayong mapaunlad ang food and nutrition security ng mga rural na komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kolehiyo, unibersidad, at lokal na gobyerno.

(10)

Ayon sa isang mananaliksik ng BIDANI na si Charina Moneja, sa mga mahihirap na pook, ang mga bata ay madalas na pinapakain laman ng kanin at sabaw at ang masaklap pa nito ay hindi sila kumakain ng gulay atwala din sa kanilang kakayahang makabili ng karne o isda man lamang.

Bilang tugon sa problema, nagsagawa sila ng mga feeding program at ang mga pinapakain nila ay hinahaluan nila ng Kalinga.

Bilang patunay sa husay ng Kalinga, ipinahayag ni Aileen Delferio, 25 taong gulang, mayroong dalawang anak na dinadala sa feeding program tuwing hapon sa Purok 4, Barangay Masaya, Bay, Laguna na siya ay lubhang natutuwa sa programa matapos na makitang tumaas ang timbang at gumanang kumain ang kanyang mga anak.

Ipinakita lamang nito ang mga hakbang na ginagawa ng mga ilang organisasyon upang malabanan ang malnutrisyon. Sila ay umiisip ng mga alternatibong

pamamaraan na tiyak na abot-kaya ng mga kapos-palad. Sa pamamagitan nito ay natutugunan ang mga pangunahing kailangan ng isang bata upang lumaking malusog,malakas, at malayo sa sakit.

E. Isyu ng Malnutrisyon sa Ibang Bansa

Ang North Korea ay isa sa mga bansa dito sa Asya na may mataas na bilang ng Malnutrisyon ayon sapag-aaral ni Dr. Norbert Vollertsen, isang manggagamot na nagmula sa Germany na nagsagawa ng Medical Mission sa nasabing bansa. Sa mahigit isang taon niyang pananatili ay kanilang napagtanto na 60% ng mga

(11)

edad 15 ay may tila 10 taong gulang na pangagatawan at makikita sa kanilang mga mukha ang pagod, ni hindi makangiti o makisimangot o maka-iyak dahil ang kanilang mga mukha ay parang buto’t balat. Sa kanyang paglalakbay ay napansin niya na ang pangunahing nila ginagawa ay malimos, magpulot ng basura o di kaya naman ay kumain ng mga insekto sa mga kalye. Walang malinis na tubig na maiinom at walang makuhanan ng pagkain maswerte na kung may mga gulay sa mga tabi ng kalye. Walang bigas ngunit merong alak na tinatawag nila Sojo, ito ay mura ngunit medaling makalasing kaya ito ang kanilang ginagamit upang makalimutan ang gutom at para sumaya kahit panandalian. (Rebecca Leung, 2003)

(12)

Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang informativ sapagkat ito ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa mga

mambabasa tungkol sa mga sanhi at maaring epekto ng malnutrisyon.

B. Mag Respondente

Ang mga napiling respondente ng mananaliksik ay ang mga kabataan ng magkaibang kasarian na nasa edad 5 taong gulang pababa, pati na rin ang mga batang nakatira sa mga iskwater areas. Ito ang pinili ng mananaliksik sapagkat sa mga kabataang ito madalas umaatake ang malnutrisyon.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam o pag-iinterbyu sa mga respondente. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang gabay na mga tanong na naglalayong makapangalap ng datos upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon, pananaw at kalagayan sa kahirapan ng pamumuhay sa riles ng tren ng mga respondente.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga tisis, proposals, mga

(13)

artikulo sa dyaryo, at journals tungkol sa kahirapan. Kumuha rin ang mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Interviewee #1: Dima Family

Emersyon sa Dima Family noong ika-17 ng Enero taong 2009 sa Luneta. Ang pamilyang ito ay nanggaling sa Baseco Tondo Manila ngunit wala silang

permanenteng tirahan kung kaya’t natagpuan namin sila sa sulok ngLuneta. Ang emersyon ay may layunin na malaman ang kalagayan ng malnutrisyon sa

pamilyang ito. Sinamahan namin sila mahigit kalahating araw upang sila ay makapanayam at matuklasan ang kanilang kabuhayan. Si Mang Alberto na may edad na 36 at Aling Lorna na may edad na 32 ay may anim naanak na sila Aleanor edad 11, Alvin edad 10, Alladin edad 7, Alibi edad 5, Allysa edad 3 at Dora edad 1. Ang mag-asawa ay walang trabaho, si Mang Alberto ay minsan pa-extra pa-extra lamang sa pagbubuhat ng mga paninda sa palengke ng Baseco at maswerte na ang isang daan na kita sa isang araw. Ang magkakapatid ay

nanglilimos sa kalsada ng Luneta at iyon ang kanilang ginamit na pera pambili ng kanilang pagkain. Si Aleanor ang panganay sa magkakapatid ang bukod tanging nag-aaral sa kanila ngunit kadalasan ay hindi pumasok sa eskwelahan dahil walang baon at pamasahe papunta sa paaralan ng Baseco. Sa aming panayam sa kanya tungkol sa kanyang pag-aaral sinabi niya na hindi matataas ang kanyang mga grado at kalimitan ay nahihirapan sa pagintindi sa mga aralin marahil na rin ay dahil hindi nakakain ng sapat. Ang magkakapatid kasama ang kanilang ina ay natutulog sa gilid ng luneta, doon sila ay malalatag ng karton at

(14)

magpapalipas ng gabi. Ang magkakapatid ay walang sapin sa paa kung kaya sugat sugat ang kanilang mga talampakan.

Resulta: Ang mga magkakapatid ay nakakain 3 beses sa isang araw ngunit hindi sapat ito upang masuplayan ng tamang nutrisyon ang kanilang katawan at

kadalasan ay isa o dalawang beses lamang sila nakakainom ng tubig sa isang araw. Sila ay naliligo sa Manila Bay kung saan madumi at malansa ang tubig kapag siniswerte minsan aynakakaligo sila sa mga pampublikong banyo. Tinanong namin ang kanilang ina tungkol sa mga kadalasan pinakain niya sa kanyang mga anak kadalasan ay kain at tira-tirang gulay at simula ng kanyang ipinanganak ang mga ito ay hindi pa sila nakakainom ng gatas maliban sa gatas ng ina. Habang kasama namin ang mga bata sila ay tahimik at parang takot sa mga tao at kapansin pansin din ang mabagal nila na pagtugon sa amino mga katanungan. Kami ay nakipaglaro sa kanila upang makuha ang kanilang

kalooban at kami ay naglibre ng pagkain na hindi nila madalas na nabibili katulad na manok at babor upang magpakita ng pasasalamat sa pagtugon sa aming panayam.

Mga pisikal na obserbasyon sa magkakapatid:

• Aleonor – Bilog ang mata, maliit para kanyang edad, may kuto sa buhok, mapayat, magaspang ang balat,mapupula ang bibig at maputi ang mga kuko. • Alvin - mukhang matanda ang mukha, maliit,sugat sugat ang paa pati na rin ang balat at may sunog banda sa gilidng kanyang ulo, bilog ang mata, mapula ang gilagid, madumi at mapurok na mga kuko at sira sira ang ngipin

(15)

• Alladin – kasalukuyang naliligo sa dagat.

• Alibi- magaspang ang balat at may mga sugat,nagsusugat ang ulo dahil sa mga kuto, mapula ang gilid ng mata atang giligid at kulang kulang ang ngipin.

• Allysa- Bilog ang mukha, iba ang kulay ng buhok, malaki ang tiyan, nagsusugat at nainilaw ang balat, marupokang kuko, may kuto at mapula ang gilagid

• Dora – Bilog ang tyan, sugat sugat ang balat, madilaw ang kulay, iba ang kulay ng buhok at ito ay manipis.

Interviewee #2: Melizza M. Ortono

Sa ikalawang panayam naman ay nagtungo kami sa Pediatric

NutritionCenter/ Malaward ng Charity Division ng Unibersidad ng Santo Tomas Hospital. Kinausap namin si Melizza M. Ortono, ang project dietian doon. Nagtanong kami ng mga bagay ukol sa Malnutrisyon at ibinahagi din namin sa kanya ang karanasan namin sa naunang panayam. Binigyan niya kami ng mahahalagang impormasyon ukol sa Malnutrisyon at binahagi niya sa amin ang mga kaso ng Malnutrisyon na kanilang nahawakan sa Malward.

Ayon kay Melizza M. Ortono ang Kwashiorkor at Marasmus ay ilan sa mga karaniwang klase ngmalnutrisyon. Ang pagkabawas ng laki ng katawan ang isa sa mga pisikal na anyo ng Marasmus (old man’s face) ngunit malaki ang

kanyang tiyan. Ang Edema (pamamanas ng katawan) ay karaniwan sa ganitong klase ngmalnutrisyon. Ang buhok ay nagiiba ng kulay at mapapansin na may kabilugan ang kanyang mukha. Ang pagliitng braso at baywang ang makikita

(16)

naman sa taong nakakaranas ng Kwashiorkor. Matindi ang pagkaliit ngkatawan at ang kanyang timbang at laki ay mas mababa sa normal.

Sanhi:

Ignorance o kakulangan sa kaalamanan- hygiene/sanitation; Hindi alam ang tamang pagkain; not proper preparation of food o hindi tamang paghahanda ng pagkain.

Poverty o kahirapan- walang trabaho mga magulang Education

Mga gawaim upang malunasan ang malnutrisyon sa mga kabataan: - Susuriin muna ang kapaligiran kung saan lumaki ang bata.

- Kakausapin ang mga magulang at magbibigay ng mga payo o magsasagawa ng Counseling.

- Naglalahad ng oras para sa nanay at kanyang anak na makapag-salamuha at dito sila ay natututomaghanapbuhay katulad ng pag-gawa ng mga kwintas at purselas at tinuturuan sila kung panomaghanda ng mga masusustansyang pagkain.

- Bigyan diin ang kahalagahan ng Food Pyramid. Sintomas:

Hair- brittle Dehydration

Earlobe- maputla- sanhi ng iron deficiency

Madaming sugat sa bibig, Halata ang mga buto sa katawan Malaki ang tiyan, Tuyo ang balat at medaling masugatan

(17)

D. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’t walang ginawang pagtatangka ang mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na

pamamaraan. Kalagayan o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa panayam ng mga mananaliksik. Samakatwid, ang pag-aalam o pagbibigay ng impormasyon lamang ang kinailangan ng mga

(18)

Kabanata IV

(19)

Kabanata V

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

A. Lagom

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga impormasyong nais ipabatid ng mananaliksik. Gaya ng mga sanhi at bunga o epekto ng malnutrisyon sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng tekstong informativ naibibigay nito ang mga impormasyon sa mga mambabasa lalo na sa mga magulang kung ano ang mga dapat ipakain sa kanilang mga anak. At para maagapan nila ang dulot ng

malnutrisyon sa mga kabataan. B. Kongklusyon

Ang malnutrisyon ay isang malubhang suliranin ng bansa partikular na ng mga maralita. Ang batang mayroon nito ay makakakitaan ng mga pisikal na sintomas tulad ng panunuyo at pagsusugat ng balat, pamumutla, pagkupas ng kulay ng buhok, pamamaga ng mga gilagid, at iba pa. Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang lubos na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit hindi maibigay ng mga magulang ang sapat na nutrisyon sa kanilang mga anak. Kaugnay dito, wala ding sapat na kaalaman ang mga magulang patungkol sa mga kailangan ng isang bata upang lumaking malusog at malaya sa sakit. Kung kaya’t karaniwan silang lumalaking kulang sa timbang at madaling dapuan ng sakit. Sa kabuuan ng aming pag-aaral, mahihinuhang ang mga magulang ay mayroong malaking bahagi sa pagbibigay ng tamang nutrisyon sa kanilang mga anak. Mahalagang magkaroon ng kaalaman kung anu-anong mga uri ng pagkain

(20)

ang dapat ibigay sa mga anak. Makakamit ito sa pagbisita sa mga ospital o din naman kaya ay sa mga health center. Binibigyang diin dinang kahalagahan ng “breastfeeding” upang mabigyan kaagad ng sapat na nutrisyon ang mga sanggol buhat pa lamang sa pagkasilang.

C. Rekomendasyon

Sa katunayan, napakaraming proyekto ang isinasagawa ng iba’t ibang organisasyon at mga sangay ng gobyerno laban sa malnutrisyon. Ngunit bakit nga ba nananatili pa rin itong isang malaking problema sa ating bansa? Ito ay dahil ang mga Feeding Programs, Fortification programs at iba pa nilang

isinasagawa ay mga “band-aid solutions” lamang. Mainam nga ang mga pagkain na kanilang ibinibigay ngunit hindi nito tinutugunan ang punot-dulo ng problema. Kinakailangan ng gobyerno kasama ng iba’t ibang organisasyon na tutukan ang mga magulang upang magkaroon ang mga ito ng mapagkukunan ng hindi

lamang ng pambili ng pagkain kundi pati na rin ang dunong sa pagpili ng mga ito. Kailangan nilang gumawa ng mga proyekto na magbibigay sa ating mga

kababayan ng mga trabaho at tamang edukasyon ukol pagkain ng tama. Sa kabuuan ng aming pananaliksik,masasabi naming malaki ang pag-asa na maresolba ang problemang ito basta magtulung-tulungan lamang tayong lahat.

(21)

Mga Pangunahing Pahina

A. Listahan ng Sanggunian

↑ malnutrition sa Dorland's Medical Dictionary

↑Sullivan, arthur ; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action.Upper Saddle River, New Jersey 07458: Pearson Prentice Hall. pp. 481.ISBN 0-13-063085-3. http://www.pearsonschool.com/index.cfm?locator=PSZ3R9&PMDbSiteId=2781& PMDbSolutionId=6724&PMDbCategoryId=&PMDbProgramId=12881&level=4 ↑MalnutritionThe Starvelings http://www.pia.gov.ph/default.asp?m=12&fi=p090706.htm&no=87 http://www.scribd.com/doc/13305556/ButotBalat-Naglalakad B. Apendiks Bio-data ng Mananaliksik I. Pangalan: Kasarian: Edad: Kapanganakan: Lugar ng kapanganakan:

(22)

Tirahan: Lahi: Number: Email address: II. Elementarya: Sekondarya: Kolehiyo:

(23)
(24)

Isang Pamanahong Papel na tungkol Sa mg Epekto ng Malnutrisyon

Iniharap sa asignatura ng Departamento ng Filipino

Isang Pananaliksik na Inihaharap kay: Gng. Juliet S. Valdeavilla

Iniharap ni: Angel L. Balunan

(25)

Dahong Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Maunawang Pagbasa at Akademikong Pagsulat: Introduksyon sa

Pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng malnutrisyon” sa aspetong emosyonal ng mananaliksik ng CCP, kursong BSBA, unang taon, taong paaralan 2012-2013: Isang pag-aaral. Inihanda at iniharap ng mananaliksik

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipinolohiya, Kolehiyo ng Wika at Linggwistika, Central Colleges of the Philippines, bilang isa sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Maunawang Pagbasa at Akademikong Pagsulat:

Introduksyon sa Pananaliksik.

(26)

Pasasalamat

Buong-puso ko pong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo pamanahong-papel na ito: kay Gng. Juliet S. Valdeavilla, ang aming propesor sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming papel, sa mga kawani ng The National Library, para sa inyong walang-hintong obligasyon para magsilbi at tumulong sa mga mananaliksik at sa mga mag-aaral, sa aming mga pangangailangan, mga libro, at impormasyon para makalikom ng mga bagong ideya, sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aming pinaghanguan ng aming mahahalagang impormasyon, sa aming mga respondente, sa pagbibigay ng panahon sa pagpapainterbyu sa amin, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa amin, sa aming mga kani-kaniyang pamilya at mga kaibigan, na gumabay at sumuporta sa amin, sa pagpapahintulot sa aming makatapos nitong aming papel at higit sa lahat, sa ating Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami maliliwanagan at hindi naming magagawa ang tamang mgahakbang upang matapos ang aming pinaghirapang trabaho. Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. AD OMNIA MAJOREM DEI GLORIAM!

(27)

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I: Ang Suliranin at Kapaligiran nito Panimula o Introduksyon

Layunin sa Pag-aaral Kahalagahan sa Pag-aaral Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabanata II: Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

a. Disenyo ng Pananaliksik b. Mga Respondente

c. Instrumento ng Pananaliksik d. Tritment ng mga Datos

kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos kabanata V: Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Listahan ng Sanggunian Apendiks

Referensi

Dokumen terkait

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Sila ang dalawang mukha ng mga Pilipino, hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng Canal de la Reina sila’y patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mga

Ang Diyos ay pag-ibig [1Juan 4, 8] ayon sa isang awit na madalas nating marinig sa simbahan, ngunit dapat alalahaning ang kahulugan ng kasulatang iyon ay, “hindi sa tayo ang

Ang pamilya ni Alan ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar dahil ang kaniyang mga magulang ay nagtayo ng isang samahan na tumutulong sa mahihirapB. Ano ang dapat

Silang apat ay kumukuha ng kanilang mga karunungan at Kapangyarihan mula sa AMA, INA, ANAK, at ESPIRITU SANTO, upang ang lahat ng bagay ay magkaroon ng paglikha. Ang apat na Ina

Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.. Ngunit wala ni isa sa

Ang akdang ito ay isang malikhaing pakahulugan lamang ng may- akda batay sa kanyang pananaw sa himig, at ang kanyang malayang pamamahagi ng akdang ito ay upang maihayag ang

Kung si Marian Rivera ay isinasaalang-alang hindi lamang ang pananaw ng kaniyang mga tagahanga ngunit ng mas malaking populasyon ng lipunan, si Duterte naman ay sinusuportahan ng mga