Ang Alamat ni Daragang Magayon
ni damiana eugenioKatulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon. Naganap ito
sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na
pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak.
Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog—isang anak na babaeng walang kapares sa
kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at
datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang
kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit matapang
na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang makita ng sarili
niyang mga mata ang ipinagbuunying kagandahan ni Daragang Magayon. Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniis niya ang magnakaw lamang ng mga
sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa.
Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa Ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli-dagling sumaklolo si Ulap
at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging simula ng pagiibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.
Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas
nang loob na ibinaon ni Ulap ang kaniyang sibat sa hagdan. Ipinapahiwatig nito ang kaniyang
kagustuhang pakasalan si Magayon. Walang nagawa si Magayon kundi mamula, magpigil ng
tawa, at umiwas ng tingin. Dahil dito, napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang
nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa
si Magayon at si Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang
mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang makapaghanda nang husto para
sa pagdiriwang.
Mabilis na kumalat ang magandang balita. Nakarating agad ito kay Pagtuga, na namula sa
galit. Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe
kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan sa
kaniyang bayan kung hindi siya pakakasalan.
Sinunod ni Magayon ang kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang kalooban. Agad-agad
na inihanda ang kasalan. Nang malaman ni Ulap ang masaklap na pangyayari, nagmadali
siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang mandirigma. Kasisimula pa lamang ng seremonya nang dumating sina Ulap. Sa halip na isang pagdiriwang
para sa kasal, isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang langit ng mga palaso.
Napuno ang hangin ng tunog ng nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap at si Pagtuga, isang
Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga. Masayang sinalubong ni Magayon si Ulap, akmang
yayakapin—nang biglang isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ng dalaga. At habang
sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, bigla siyang sinibat sa likod ng
isang kawal ni Pagtuga. Agad na hinataw ni Datu Makusog ang kawal ng kaniyang minasbad,
isang matalim na bolo.
Pagkatapos ng mabilis na pangyayaring iyon, tumahimik ang lahat ng mandirigma. Tumigil
ang digmaan. Sa halip na marinig ang kasiyahan ng isang pagdiriwang ng kasalan, mga hikbi
at hagulgol para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin. Kahit na halos walang makita
dahil sa walang-tigil na pagluha si Datu Makusog, naghukay siya nang naghukay. Nang
matapos, nilibing niya ang kaniyang nag-iisang anak na si Magayon, at ang nag-iisa nitong
pag-ibig na si Ulap, nang magkatabi at magkayakap.
Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting tumaas ang lupang pinaglibingan kina Ulap at
Magayon. Tumaas ito nang tumaas, at di nagtagal, sinamahan ito ng
pagyanig ng lupa at pagtilapon ng nagbabagang mga bato. Naniniwala ang mga matatanda na kapag nangyayari ito,
ginagalit ni Pagtuga ang bulkan upang maibalik sa kaniya ang mga kayamanang iniregalo niya
kay Magayon—mga regalong inilibing kasama ng dalaga sang-ayon sa mga lumang
paniniwala.
May mga araw kung kailan natatakpan ng mga ulap ang tuktok ng bulkan. Sinasabi ng mga
matatanda na kapag nangyayari ito, hinahalikan ni Ulap si Magayon. At kung pagkatapos nito
ay marahang dumampi ang ulan sa magiliw na libis ng bulkan, naniniwala ang mga
Pagkatapos ng mahabang panahon ay umigsi na ang pangalan ni Magayon at naging Mayong
o Mayon. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, kahit na maaliwalas ang panahon, isang anino ng
masalimuot na kuwento ng isang natatanging dalaga at ng kaniyang iniibig ang bumabalong
BUOD NG DARAGANG MAGAYON
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang
Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga
sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni
Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang
magpakasal kung kaya't pinapayagan na niya ito kung sakaling
magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay
wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal
lang daw siya sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at
nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga.
Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si
Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso
siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon.
Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang
dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya't niligawan
niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na
lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang
dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay
naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni
Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi
papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang
kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni
Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang
pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang
ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na
mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo.
Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong
makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay
dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man
magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni
Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si
Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang
nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang
ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na
katawan nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na
magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang
libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa.
Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang
magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon
na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng
pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.
Alamat Ni Daragang Magayon
Ni Damiana Eugenio
TAGPUAN : Sa maliit na bayan ng Rawis
MGA TAUHAN : Dawani , Datu Makusog , Ulap , Magayon at Pagtuga
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga."
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong kariktan!"
"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"
"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito.
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
"Maaari bang kita'y makitang muli?"
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis. "Isang araw," mungkahi ng lalaki, "kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"
"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may alinlangang paliwanag. "Dapat niyang malaman!"
"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!"
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung kumilos. ang kasal ay gaganapin sa kabilugan ng bwan Nagpaalam si Gat Malayan upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!"
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa
duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahan dumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang. "Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.
"Hindi maaari!" tugon ni Kauen. Nagkaroon ng sukatan ng lakas.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng
katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon