Mga Barayti Ng Wika

12 

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Teks penuh

(1)

Mga Barayti ng Wika: Isang Panimulang Pagtalakay

August 6th, 2011 Author: rolandotaguan

Bahagi ng metalinggwistik na pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba¬iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika – ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).

Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

Ayon sa pag¬aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao at T’boli ng Cotabato.

Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal.

Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at Sarangani; at ng marami pa pang ibang dayalekto.

Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang

pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong

(2)

a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.

d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon. e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?

hearing, exhibit, court, pleading, fiscal, justice,

settlement, appeal, complainant

Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.

Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina:

account, balance, net income, debit, revenue, asset,

credit, gross income. cash flow

Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:

diagnosis, therapy, prognosis, symptom, emergency, patient check up, ward, x-ray

Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports

na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:

ace, fault, love,

breakpoint, deuce, rally, slice, advantage, service

Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa boob ng panaklong:

mouse (Computer, Zoology) stress (Language, Psychology) strike (Sports, Labor Law) hardware (Business, Computer)

(3)

race (Sports, Sociology)

nursery (Agriculture, Education) operation (Medicine, Military) note (Music, Banking)

accent (Language, Interior Design)

server (Computer, Restaurant Management)

Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang

nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon Tulfo,

d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?

Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e. Ruffa Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago.

May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidginay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na

tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyongmakeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili

tinda, mura.

Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura nito. Creole din ang tawag sa wika ng mga taga-Mauritius na magkahalong Pranses at kanilang unang wika.

(4)

Varyasyon ng Wika

1. Dayalek/ Dayalekto

- pagkakaiba - iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.

- wikang sinasalita ng isang neyographical.

Hal: pakiurong ng po ang plato (Bulacan - hugasan)

Pakiurong nga po ang plato (Maynila - iusog)

2. Idyolek

- nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao.

( uri ng wikang ginagamit at iba pa)

- Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.

Hal:

Tagalog - Bakit?

Batangas - Bakit ga?

Bataan - bakit ah?

3. Sosyolek

- baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang

kinabibilangan.

- may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita

Hal:

Wika ng mag-aaral

Wika ng matanda

4. Register

- isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika.

- mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.

-pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:

a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) - naaayon ang wika sa sino ang nag-uusp.

b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) - batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon.

c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) - pasalita o pasulat pagtalima sa mga

(5)

1. Istandard na Wika - Ito ay ang paglalarawan kaugnay sa tunog, salita, at pangungusap o anupamang may kaugnayan sa pambansang wika. Ito ay ang varayting maaaring bumuo sa gamit ng wika sa mga pangmalawakang domeyn sa isang lipunan, gaya na lamang ng wika sa edukasyon, pamahalaan, midya at iba pa.

2. Punto/Aksent at Diyalekto - Ang punto may kaugnayan sa paraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika. Dito maaaring madetermina ang kanyang lugar na pinagmulan.

3. Mga Diyalektong Rehiyonal - Ito ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar.

4. Isogloss at Diyalektong Hanggahan - Ito ay tumutukoy sa linyang kumakatawan sa pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na linggwistikong aytem. Samantala, ang diyalektong hanggahan naman ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita sa iba't ibang lugar kung saan makikita ang pagkakaiba-iba ang gamit ng mga salita.

5. Ang Katuluyang Kontinuumna Pandiyalekto - Kung ang isogloss ay malaking tulong sa

pagddedetermina ng gamit ng wika sa mga magkakatabing lugar, hindi pa rin kadalasang nagiging ispesifiko ang resulta ng mga pag-aaral pangwika. Kung kaya, sa pamamagitan ng kontinuum, makikita ang eksaktong katuluyan ng gamit ng wika sa magkakatabing lipunan.

6. Bilinggwalismo - Ang pagiging bilinggwal ng isang tao ay ang simpleng resulta lamang ng

pagkakaroon ng dalawang magulang na magkaiba ang wika. Mula ditto ay maaaring madevelop ang panibagong varayting pangwika.

7. Pagpaplanong pangwika - Bumatay na lamang sa unang handawt na ipinamahagi para sa mas

komprehensibong talakay sa tapik na ito bilang varyasyon ng wika.

8. Mga Pidgin at Creole - Ito ay isang varayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba pa. Ang pidgin din ay produkto ng dalawang magkaibang wika na sinasalita ng dalawang magkaibang tao hanggang sa sila ay makabuo ng sariling wika. Sa katunayan, ang wikang pidgin ay produkto ng ising wika na kung tawagin ay leksifayer. Sa kabilang banda, nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin ay nasimulan nang matutunan ng isang bata at magamit hanggang sa kanyang pagtanda. Restrikted ang creole kaysa pidgin dahil may mga sinusunod na ritong alituntuning panggramatiko.

9. Wika, Lipunan at Kultura - Ipinapaliwanag dito na hindi porke may parehong kinalakhang lipunan ang dalawang tao ay parehong-pareho na rin sila ng gamit ng wika. Samakatwid, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba-iba ang gamit ng wika batay sa pansarili niyang kultura at mula rito ay

nadedevelop ang posibleng varayting pangwika.

10. Mga Panlipunang Diyalekto - Sinusukat naman ang varayti ng wika batay sa panlipunang diyalekto sa pamamagitan ng uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian at iba pang panlipunang sukatan.

11. Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan - Tumutukoy naman ito sa sosyal na aspekto ng isang ispiker ng wika batay sa paraan ng kanyang eudukasyong nakamit at trabaho o propesyong

kinabibilangan. Papasok rin dito ang usaping langauge register.

12. Edad at Kasarian - Nakadaragdag kulay rin ang edad at kasarian sa pagpapalawak ng varayti ng isang wika. Sa puntong ito, ipinaliliwanag na kahit na maraming tao ang kabilang sa isang pangkat panlipunan, nag-iiba pa rin ang gamit ng mga salita batay sa edad ng tao at kasarian. Halimbawa na lamang nito ang pagkakaiba ng gamit ng salita ng mga bata kompara sa mga matatanda.

Samantala, may mga pag-aaral naman na nagsasabi na ang lalaki ay mas malaya ang paraan ng paggamit ng wika, samantala ang mga babae naman ay mas reserve sa gamit wika o may

(6)

13. Etnikong Bakgrawnd - Sa pagpapaunlad ngvarayti ng wika, maaaring maging malaki ang kontribusyon halimbawa na lamang ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar. Dahil sa

pagkakaroon ng magkaibang etnikong bakgrawnd, nagkakaroon din ng paglalahok o pagsasama ng magkaibang wika.

14. Idyolek - Nakatutulong din naman ang idyolek sa pagpapalaganap ng iba't ibang varayti ng wika. Nadedevelop kasi rito ang gamit ng wika ng isang individwal na tanging yunik o pekulyar sa kanya. 15. Rejister - Ang rehistro ng wika ay napakalaki ng maaaring maging kontribusyon kaugnay pa rin sa varayti ng wika. Ang rejister ay tumutukoy sa iba't ibang domeyn ng wika na malawakang nagagamit sa iba't ibang larangan gaya ng edukasyon, midya at marami pang iba.

16. Tenor - Tumutukoy naman ito sa pormalidad at kaimpormalan sa gamit ng salita. Halimbawa, iba ang paraan ng pagtawag ng isang ina sa kanyang anak sa tuwing may iuutos ang ina. Samantala, sa kaparehong sitwasyon, iba ang tenor o paraan ng pagtawag ng isang titser sa kanyang

estudyante na kapwa nag-uutos din.

17. Larangan - Tinatalakay rito ang mga espesyalisadong mga salita na nagagamit sa iba't ibang larangan. Bukod sa varayti, maaari rin na maging dukal ito ng inaasam na intelektwalisasyon ng isang wika.

18. Paraan - Ang paraan o moda ay tumutukoy sa pagiging sensitibo o pagpapahalaga sa mismong gamit ng komunikasyon. Halimbawa, mas katanggap-tanggap pa rin bilang pormal na

pagdodokumento ay ang pasulat na paraan kaysa pasalita. Nangangahulugan lamang na ang modang pasulat ay may mas mataas na pagtingin.

19. Katangian ng Pananalitang Espontanyo - Bahagi ito ng pagtuklas sa mga varayting pangwika dahil ang pagsasalitang espontanyo ay maaari ring makapag-ambag sa varayti ng wika gamit ang mga tinatawag na verbal filler o verbal static ayon na rin kay Guffey.

20. Diglossia - Ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang isang sitwasyong may dalawang may napakaibang varayti ng wika sa loob ng isang kominidad ng pagsasalita na ang bawat isa may parehong katungkulang panlipunan.

21. Determinismong linggwistiko - Sistema ito ng pagkakategorya na kung ano ang nakikita ninyo, at kung gayon, mahihila kang tingnan ang isang bagay sa paraan kung paano mo ito nakita. Ito rin ay ang pinakamasidhing versyon ng pagtatakda ng wika sa pag-iisip.

22. Ang Haypotesis na Sapir - Whorf - Ito ay ang pagtanaw sa isang bagay gamit ang wika. Proponent ng teoryang ito ay sina Edward Sapir at Benjamin Whorf.

MGA VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA

(Heyografikal, Sosyal at Okufasyunal)

· HEYOGRAFIKAL NA VARAYTI

Ang Heyografikal na varayti ay dahilan lamang na kung saan ang grupo ng mga tao na nagsasalita at gumagamit ng wika ay napaghihiwalay at napagwawatak-watak ng mga pulo, maging ng kabundukan at tubigan. Halimbawa na lamang ng mga Ilokano na nagsasalita ng tagalong, hindi ba’t kapuna-puna ang kaibahan ng kanilang pagsasalita? Napapansin natin na mapagpapalit nila ang pagbigkas ng /e/ at /i/ at /o/ at /u/.

(7)

Ang mga ganitong halimbawa ay nagpapakita ng mga varyasyon ng wika particular na ng Heyografikal na varayti.

· SOSYAL NA VARAYTI

Ito ay tumutukoy sa panlipunang varyasyon sa gamit ng wika. Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika ayon sa larangan sa lipunan.

Ø Wika at Relihiyon

Sinabi ni Joey M. Peregrino (2002) ang wika ng relihiyon ay isang simbolikong wika sapagkay kinapapalooban ito ng mga talinhaga at mga bagay na hindi basta makikita, mararanasan o mararamdaman. Dagdag pa niya, sibolo ito ng pananampalataya.

Ø Wika at Showbiz

Ayon sa pag-aaral ni Laray C. Abello (2002) karamihan sa mga dalitang ginagamit sa showbiz ay galling sa mga salitang bakla. Hindi na raw ito nakakapagtaka dahil karamihan sa mga manunulat at manedyer ay pawing mga bakla.

· OKUFASYUNAL NA VARAYTI

Ito’y nakabatay sa relasyon ng wika sa sitwasyon kung saan ito ginagamit. Halimbawa, iba ang wika na ginagamit ng mga duktor sa abogado. Ito ay nakaayon sa communicative competence kung saan ginagamit ng tao ang angkop na wika batay sa pangangailangan.

(8)

Ang Varayti at Varyasyon ng Wika: Historya,Teorya at Praktika

Dr. Pamela Constantino,

ulat ni CMG Lucero

I. Varayti ng Wika

1.

Ninais ng mga klasikong pilosopo mula ika-17 sigloang pagkakaisa at pagkakaiba,

at itinuri nila angwika bilang isang biyaya mula sa langit. Angkalikasang-uri ng

mga varayti ng wika ay dinebelopng mga sosyolinggwistiko noong ika-18

siglo.1.1.

Pinaniwalaan ng mga pantas, kabilang na angmga empirisista at rasyonalista, na

ang wika ayinimbento at pinadevelop ng tao para magingparaan ng paglipat ng

kaalaman; ang progresoay kaugnay ng sibilisasyon na may kinalamanrin sa

pagdevelop ng kultura.1.2.

Ang kultura ay hango sa tao, at ang wika aynagpapahayag ng naturang kultura ng

isangpartikular na espiritu (

Volkgeist

) ng mga taongkaibilang sa isang lipunan.1.3.

Ang kultura ay nangangailangan ng

INTEGRASYON

at

INTERDEPENDENS

, at

ito’y nagiging komplikado at lumalawak habang ito’y nagpoprogreso.

1.4.

Bunga ng pagkakaiba-iba ng pagtingin,pananaw at saloobin ng mga tao sa

isanglipunan ang di-pagkakapantay-pantay ng wika:kaya nagkaroon ng wika at

tagapagsalitangSUPERYOR/INFERYOR;SIBILISADO/BARBARO;

EDUKADO/DIEDUKADO, atbp.1.5.

Ang ikalawang

school of thought

naman ay angLanguage

Universals

(9)

na nagsasaad na galing saiisang orihinal na wika ang lahat ng wika sa

mundo, at ito’y pinangunahan ng Port Royal

School na nagbigay-diin sa komunidad ng mgawika kung ihahambing sa mga

indibidwal navarayti ng wika.

1.6.

Sa gitan ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sapagkakaiba-ib ang mga gawain at

tungkulin ngtao sa lipunan at iba pang mga factor, maaaririn naming itaguyod ng

isang estado angpagkakaroon ng pagkakaisa sa pagkakaiba viz.wika. Ito ang

ginawa ng Indonesia sa

BhinnekaTunggal Ika

(Pagkakaisa sa Pagkakaiba) at ngPilipinas sa islogang

Isang Bansa, Isang Diwa, Isang Wika.

2.

Ang mga pangunahing teorya sa sosyolinggwistiksay ang pagpapalagay na ang

wika ay panlipunan atang speech ay pang-indibidwal; ang wika nabinubuo ng

signifayer at signifayd; ang wika bilangheterogeno; ang paghati sa dalawang

dimension ngmga varyabilidad ng wika sa heograpiko at sosyal namga dimension;

atbp.3.

Ang

wika

bilang

panlipunan

at ang

speech

(

langue

) bilang

pang

-indibidwal

.3.1.

Naniniwala ang teoryang ito ni Sapir na ang

wika, bagama’t isang instrument ng

(10)

Ayon naman kay Saussure, ang wika ay hindikumpleto sa sinumang tagapagsalita,

umiirallamang ito sa loob ng isang kolektibo.4.

Ayon din kay Saussure, ang wika ay binubuo ng

signifayer

(langue) na isang kabuuang set ng mgagawaing pangwika na nagbibigay ng daan

saindibidwal na umintindi at maintindihan, at ang

signifayd

(parole) na gamit ng wika sa pagsasalita.5.

Ang wika ay

heterogeno

; ang iba’t

-ibang anyo ngwika ay galling sa iba-ibang mga factor sa lipunan.5.1.

Ang wika ay hindi lamang isang simplenginstrument ng komunikasyon kung hindi

isangkolektibong pwersa na pinagsama-samang anyosa magkakaibang kulutral at

sosyal nabakgrawnd at grupo.5.2.

Idyolek

ang tawag sa kanya-kanyang paraan ngpaggamit ng wika.5.3.

Sosyolek

naman ang tawag sa varayti ng wikana bunga ng mga faktor tulad ng

edukasyon,trabaho, sosyoekonomikong grupo, kaanak,kasarian, atbp. Ang

dimensyong sosyal ng wikaay nagbubunsod sa mga

rejister

o jargon navarayti ng wika.5.4.

Dayalek

ang tawag sa varayti ng wika bungang faktor ng lokasyon, i.e., ang

Tagalog-Bulacan ay may pinagkaiba sa Tagalog-Maynila at Tagalog-Batangas.6.

Ayon naman kay Rousseau, dahil sa pagkakaroon ngrejister, nagkakaroon rin ng

hayrarki sa mga varayting wika: may

MATAAS/MABABA,STANDARD/DI-ISTANDARD, atbp.7.

Nababatay sa

teorya ng akomodasyon

ni Giles ang

(11)

linguistic divergence at convergence

sa SLA o

Second Language Acquisition.

7.1.

Ang isang taong sumasailalim sa SLA ay maytendensi na gumaya o bumagay sa

pagsasalitang kanyang kausap upang bumagay,makipagpalagayang-loob,

makisama,makilahok, at magmalaki sa pagiging kabilangsa grupo. Ito ang

convergence

.7.2.

Samantala ang isang taong sumasailalim saSLA naman ay minsang pipiliting

ibahin angpananalita sa kausap upang ipakita o piahayagang pagkakaiba,

di-pakikiisa, o lalong paggigiitsa sariling kakayahan at identidad. Ito ang

divergence

7.3.

Ang

interference

phenomenon

ay nakapokussa impluwensya ng unang wika sa pangalawangwika na makikita sa

bigkas, leksikon,morpolohiya, at minsan hait sa sintaktika.7.4.

Ang

interlanugage

, o

mental grammar

, ayang pagbabago ng tagapagsalita ng grammar sapapmamagitan ng pagdagdag,

pagbawas, atpagbago ng mga alintuntunin ng wika.

II. Kaugnayan sa Pagtuturo, Saliksik, at WikangPambansa

1.May tatlong perspektibo ang pagsusuri ng wikangpambansa:

a.sikolohiko

b.pedagohikal

c.intelektwal

(12)

2.Sa perspektibong sikolohiko

-ang batayan ay angpalagay na may sapat na kaalaman ang estudyante atguro sa

konsepto ng varatyi ng wikang Filipino atang pulitikal na kasaysayan ng pag-unlad

nito.2.1.

Bilang multilinggwal na bansa na dumaan sakolonisasyon, angpagpili ng isa sa

mgapangunahing wika para maging batayan ngwikang pambansa ay mahirap; hindi

nitonapag-iisa ang diwa at bansa ng mga Pilipino.2.2.

Naging hangarin ng mga framers ngKonstitusyon ng 1973 at 1987 na iadap

angFilipino batay sa lahat ng wika sa Pilipinas,kabilang na ang Ingles at Espanyol

sapaghahangad ng mga framers na gawing linguafranca ang Filipino.2.3.

Dito nabuo ang varayti ng Filipino batay salinggwistiko/heograpikong

dimensyon:Sebuwano Filipino, Ilokano Filipino, atbp.2.4.

Ang pagkakaroon ng varayti sa wikang Filipinoay inaasahang mapaglago at

mapaglinang angwikang pambansa at mapagbuklod ang mgamamamayan.3.

Sa puntong pedagohikal, malaki ang implikasyon sapagtuturo ng Filipino sa loob

ng silid-aralan.3.1.

Tutulong ito sa pagiging interaktibo ng wika atang bawat isa ay makapagbabahagi

ng datosmula sa kanilang sariling bakgrawnd.3.2.

Ito’y isang stratehiyang stude

nt-centered dahilbuhay ang klase atmagkakaroon ang lahat ngkamalaang hindi

amin/kanila,mayaman/mahirap, burgis/konyo, atbp.4.

Sa puntong intelektwal, masasabing ang varayti ngwika ay mayamang balon ng

mga paksa at mgadapat masaliksik ng mga guro at estudyante4.1.

Figur

Memperbarui...

Related subjects :