• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Wikang Filipino Sa Taong 2000

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Wikang Filipino Sa Taong 2000"

Copied!
7
0
0

Teks penuh

(1)

Ang Wikang Filipino sa Taong 2000 ni Andrew Gonzalez, FSC

Tila yata napakaraming paksa ngayon na isinasali natin sa medium-term plan ng Pangulong Fidel V. Ramos tungkol sa ating layuning pambayan, ang pagpapaunlad ng ating bayan at ang pagiging Newly Industrializing Country (NIC) ng Pilipinas sa Taong 2000. Kaya nga’t pati na ang wika ay isinasama natin sa ating mga layunin.

Ngunit kung tutuusin, ang taong 2000 ay pitong na lamang at darating na. Halos naandoon na tayo. Maraming bagay ang mangyayari sa ating bayan sa susunod na pitong taon. Ngunit sa palagay ko naman hindi talaga magiging iba ang ating sitwasyon sa wika sa pagtatapos ng pitong taon. Magkakaroon nga ng progreso, ngunit ang mga senyales nito ay narito na. Kaya’t hindi na tayo kailangang manghula pa sapagkat kung titingnan lamang nating mabuti at susuriin ang kasalukuyan, tila narito na nga ang mga senyales para sa kinabukasan.

Bagama’t bago naman tingnan ang kinabukasan, kailangan nating sulyapan ang nakaraan sapagkat mahirap unawain ang kasalukuyan, lalo na ang kinabukasan, kung hindi natin kikilalanin ang nakaraan.

Sa ating Batasang Pambansa noong 1936, pagkatapos ng ratipikasyon ng ating Saligang Batas sa Gobyernong Commonwealth noong 1935, si Kinatawan Norberto Romualdez ay tumangkilik ng isang batas na tinatawag natin ngayon na ‘National Language Law.” Ang batas na ito ang siyang nagtatag sa National Institute of Language na pinalitan noong 1938 ng Institute of National Language o Surian ng Wikang Pambansa. Itong sangay na ito ng Pamahalaan ang nangasiwa sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa na pinili noong 1937 at base sa Tagalog. Noong 1939, mayroon na tayong balarila, ang balarila ni Lope K. Santos, at mayroon na ring bilingual wordlist noong panahong yaon. Ipinag-utos din ng ating pamahalaan ang pagtuturo ng ating wikang pambansa sa huling taon sa mataas na paaralan at bilang isang sabject sa mga kolehiyong pangguro

(teacher training colleges) noong 1940. Mayroon ding batas na ginawa ng Asemblea noong 1941 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay magiging opisyal na wika sa pagtatapos ng Gobyernong Commonwealth. Ang ibig sabihin ng isang wikang opisyal ay maaari itong gamitin sa iba’t ibang larangan ng burokrasya at gobyerno, kahit sa Asemblea mismo at sa pagsulat ng mga batas para sa bansa.

Ang ating wikang pambansa ay itinuro sa lahat ng mga antas ng ating paaralan mula noong 1946; noong 1959, sa pagpapasya ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero, muling pinalitan ang pangalan ng ating wika, Pilipino. Ito ay itinuturing din na ‘Tagalog-based Pilipino.’

Hindi na natin babanggitin ang maraming mga suliranin ukol sa pagkakabase ng ating wika sa Tagalog sapagkat may mga kapatid tayong sa Kabisayaan, lalo na sa Cebu, na magpasahanggang ngayon ay hindi sumasang-ayon sa pagkakapili ng ating wika base sa Tagalog. Ayon sa kanila, higit na marami ang mga gumagamit ng wikang Binisaya (Cebuano, Hiligaynon at Waray) kaya’t dapat ay Bisaya ang naging base ng ating wikang pambansa at hindi Tagalog. Ngunit sa palagay ng karamihan sa ating mga mamamayan at ayon sa pasya ng Korte Suprema, naaayon sa batas ang pagpili ng base sa wikang pambansa sa Tagalog mula pa noong 1937.

Malaking dahilan ng pagtatalo sa wika noong Constitutional Convention noong 1971 at hindi yata matatapos ang usapan; kaya nga ang batas o artikulo ng Konstitusyon ng 1973 at nagbigay ng direktibo na gagawa pa tayo ng wikang pambansa na pinangalanang Filipino at ito ay base sa lahat ng mga wikang Pilipino. Walang nangyari sa wika sa panahong mula 1973 hanggang 1986 sapagkat sa Interim Batasang Pambansa noong panahon ni Marcos ay walang batas na ginawa sa pagpapairal ng probisyon sa Konstitusyong hinggil sa wika. Ngunit noong 1986 sa Constitutional Commission sa pagtatangkilik ng Cory Aquino Government, may probisyon sa Saligang Batas na nagsasaad na ang wikang pambansa ng ating bayan ay Filipino. Sang-ayon sa

(2)

probisyong ito, hindi na pinoporma pa ang wikang pambansa sapagkat ito ay narito na, at ang pangalan nito ay Filipino. Ngunit hanggang ngayon, opisyal na wika pa rin ang Ingles at ang Pilipino (base sa Tagalog) ngunit ang wikang pambansa ay Filipino na, at ito ay gagamitin sa hinaharap, hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain kundi maging sa mga paaralan at pamantasan sa pagtuturo ng mga araling panlipunan at wika at maging sa agham at teknolohiya kapag sapat na ang pagpapaunlad nito.

Ang Filipino Ngayon at Bukas

Kung susuriin natin, ang Filipino ay base rin sa Tagalog ngunit sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wika, ito ay payayamanin ng mga salitang galing sa iba’t ibang wika ng ating kapuluan, hindi lamang sa mga wikang taal kundi maging sa mga wikang banyaga rin. Ang mga wikang banyagang ginagamit natin sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa ay ang Ingles at Kastila, ang wikang-Arabo, at marahil ang iba’t ibang mga wika na pag-aaralan pa natin sa hinaharap gaya ng wikang Hapones. Maaari rin tayong humiram ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang banyaga.

Ayon sa Census ng Taong 1990, ang bahagdan o percentage ng mga Filipinong marunong magsalita ng Filipino ay 84%. Kung gagawin nating isa ang Tagalog, Pilipino at Filipino, maaari nating tingnan ang mga datos mula sa mga census sa nakaraan at maaari nating makita ang progreso ng Filipino bilang katutubong wika o lingua franca o wikang ginagamit ng mga Filipino, na ang pangunahing wika o mother tongue ay hindi Tagalog. Ito ay tinatawag nating wikang pangkomunikasyon sa iba’t ibang grupong etniko dito sa Filipinas. Ito ang mga datos mula sa census:

Bilang ng mga Nakapagsasalita

Hindi natin matiyak kung gaanong karami sa ating mga

kababayan ang

makapagsasalita ng Filipino sa taong 2000. Ngunit sa estadistika, may mga paraan kung paano natin maipoproject

o maitutudla kung ano ang hinaharap, base sa mga trends na nangyayari ngayon. Ito ay tinatawag na extrapolation at simple ang matematikang ginagamit dito. Sa tulong ng isang dalubhasa sa estadistika, prinoject namin ang bilang at pagkatapos ng taon na ito, ang naging projection ay 97.1% ang marunong magsalita ng Filipino sa taong 2000.

Kaya kahit na wala tayong gagawin sa mga paaralan at sa mass media, dadami na at halos isang daang (100) porsyento na ang magiging dami ng marunong magsalita ng Filipino sa wakas ng dantaong ito. Talagang ‘widely disseminated’ o laganap na ang Filipino at kahit na ang mga mamamayan na may ibang mothertongue o wikang taal ay makakapagsalita na rin ng Filipino bilang pangawalang wika o ‘second language.’

Hindi na tayo kailangan pang magsipagtalo. Kahit na wala tayong gawin sa pagpapasigla ng Filipino, hindi na maaaring ihinto pa ang pag-unlad at paglaganap ng ating wikang pambansa.

Ang Intelektwalisasyon ng Filipino

Bagama’t lumalaganap ang Filipino at yumayabong na ang panitikan na kinakatha sa wikang ito, nangangailangan pa rin ng kultibasyon sa larangan ng intelektwalisasyon, Ano ang ibig sabihin ng salitang ito:

Sa buhay ng isang wika, ito ay ginagamit sa iba’t ibang larangan. Sa simula, ginagamit natin ang wika sa ordinaryong pamumuhay, bilang wika sa bahay sa pakikipag-usap natin tungkol sa mga bagay na pang-araw-araw sa

buhay ng isang pamilya at sa ating mga

Taon Tagalog/Filipi no Bahagdan 1939 4,060,859 25.5% 1948 7,101,196 39.4% 1960 11,968,809 46.1% 1970 20,130,467 56.2% 1980 34,301,468 74.9% 1990 50,990,693 84%

(3)

kaibigan, sa palengke at sa pang-ordinaryong pangangalakal.

Kung gagamitin natin ang isang wikang pambahay at pambayan sa ibang larangan at hindi pa tayo sanay sa paggamit nito, magkakaroon ng mga sagabal na kailangan pa nating lagpasan.

Hindi lamang tayo nangangailangan ng mga bagong salita lalung-lalo na sa mga sabject sa paaralan at sa pamantasan, nangangailangan din tayong gumawa ng mga bagong texto o libro at inilathalang sipi tungkol sa mga paksang hindi pang-araw-araw, gaya ng mga paksa sa agham at teknolohiya at sa iba’t ibang sabject sa kurikulum.

Ang paggamit ng isang wika sa larangan ng kaisipan at ng buhay pang-akademik ay yaong tinatawag nating ‘intelektwalisasyon’. Ito ay bagong tuklas pa lamang at hanggang ngayon ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga dimensyon ng penomenang ito, kung paano nating mapauunlad ang isang wikang gaya ng Filipino bilang wikang ginagamit sa larangan ng iskolarli diskors o diskursong pang-akademik. Kailangan ang mga pagsasalin ng maraming artikulo at libro sa Filipino galing sa mga wikang intelektwalisado na gaya ng Ingles at Kastila, Pranses, Hapones at Aleman. Nangangailangan tayo ng maraming dalubhasa sa iba’t ibang espesyalisasyon na magaling din sa wika upang maisalin nila sa isang uri ng Filipino na maaaring maunawaan ng mga estudyante ang mga artikulo at libro.

Hindi ito matatapos kaagad, sapagkat ang mga taong dalubhasa sa isang

espesyalisasyon at marunong ding magsalin sa wastong Filipino ayon sa antas ng mag-aaral ay hindi marami. Ito ay isang special gift at hindi lahat ng mga guro ay sanay sa wastong paggamit ng Filipino. Maraming tao ang kailangan bago makalikha ng mga kasulatan sa Filipino hindi lamang sa panitikan (marami na ang mga ito) ngunit gayon din sa larangan ng agham at teknolohiya at sa mga disiplina o sabject sa pamantasan. Ito ang tinatawag nating proseso ng intelektwalisasyon at maraming taon ang kailangan natin para dito.

Kaya nga sa palagay ko, ang pinakamabigat na gawain ng ating mga patriota o makabayan ay gamitin ang Filipino para sa intelektwalisasyon at paramihin ang corpus ng literatura pang-agham sa Filipino sa darating na pitong taon bago tayo pumasok sa ikadalawampu’t isang siglo ng ating panahon.

Pangwakas na Hamon

Bilang pangwakas, ang hamon sa bagong henerasyon o salinlahi ng mga guro ay payabungin ang ating wikang pambansa sa pag-intelektwalisa nito at gamitin ito sa larangan ng buhay pang-akademik. Gawin natin ang ating magagawa upang yumabong ang ating wika. Para sa gawaing ito, kailangan din nating maging dalubhasa sa Ingles upang maging tunay na tula mula sa Ingles tungo sa Filipino. Dapat maisalin natin ang kabihasaan natin sa Ingles upang magamit din ng madla at masa sa isang wikang gamay na nila at nauunawaan, ang ating wikang pambansa, ang ating minamahal na FILIPINO.

Ilang Suliranin Tungkol sa

Intelektwalisasyon ng Filipino ni Bonifacio P. Sibayan

Tatalakayin ko sa artikulong ito ang ilang suliranin tungkol sa pagpapaunlad o intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Naniniwala ako na hindi natin maaaring sabihin na ang intelektwalisasyon ay susi sa maunlad na pagtuturo at pagkatuto kung

hindi natin mauunawaan kung bakit, paano, at kung anong larangan ng wikang Filipino ang dapat bigyan ng intelektwalisasyon. Pagpaplano ng Wika (Language Planning)

Lahat ng kasangkot sa pagtuturo at pagsusulong ng wikang Filipino ay dapat maging masugid sa pagbibigay-malasakit sa pagpaplano ng wika. Ang pagkuha ng isang

(4)

asignatura o subject sa Language Planning ang magpapakilala sa isang mag-aaral ng mga huwarang teorya at praktikal na pagkaunawa sa ilang bagay tulad ng mga sumusunod:

1.

Pagpapasya o pagpili ng wika (language determination or selection) 2. Paglinang at pagpapaunlad ng wika

(kung saan isang bahagi ang intelektwalisasyon)

3.

Patakaran ng pagbabalangkas ng wika (para maunawaan ang katwiran ng pag-aaral ng dalawang wika o ang sinasabi nating edukasyong bilinggwal o bilingual education)

4. Pagpoprograma ng wika

5. Pagsasagawa o implementasyon ng wika (kung saan paraan at pamamaraan ng pagtuturo ay dalawang paksa lamang)

6. Pagpapahalaga ng wika

Marami pang ibang masalimuot na paksa ang dapat maunawaan ng mga tagapagpaunlad, tagapagtaguyod, tagatangkilik, tagapagtanggol ng wikang Filipino. Ilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1.

Ang pagpapalit at pagbabago ng wika (language replacement and language shift)

2.

Ang tungkulin (role) o bahaging ginagampanan ng Filipino na may kinalaman sa Ingles at sa iba’t ibang katutubong wika ng mga di-Tagalog sa iba’t ibang larangan ng wika (language domains)

3. Ang tungkulin o bahaging ginagampanan ng Ingles sa intelektwalisasyon ng Filipino

4. Kung bakit kailangang maintelektwalisa ang Filipino, at kung paano ito isasagawa

5. Ang kontribusyon ng ibang katutubong wika sa pagsulong ng Filipino

6.

Ang karapatan ng isang tao o grupo sa wika (language rights)

7. Ang intelektwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang larangan ng wika

Ang Pagpapalit ng Isang Wika

Isa sa pinakamahalagang layunin sa pagpapaunlad ng Filipino ay ang paghalili nito sa Ingles balang araw.

Ipinahayag ng Executive Order No. 335 ang pagpapasiya sa paggamit ng Filipino na pampalit sa Ingles. Ngunit tinanggihan ng mga Cebuano ang nasabing pahayag. Bakit? Sapagkat ang mga mamamayang Pilipino, tulad ng mga Cebuano, na di likas na gumagamit ng wikang Tagalog, ay mawawalan ng silbi o malalaos.

Pansinin na ang mga Cebuano ay di tumutol sa paggamit ng Filipino sa mga larangan ng lingua franca o wikang pantelebisyon, pampelikula, at dyaryo o pahayagan. Ngunit sila ay tumutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles sa dalawang larangan ng wika – sa larangan ng pamahalaan at sa larangan ng edukasyon. Ang ibig sabihin nito, ang pagtanggap o pagtutol sa pagpapalit ng Filipino sa wikang Ingles ay may kinalaman sa mga larangan o pinanggagamitan ng wika.

Maraming katwiran ang mga Cebuano sa pagtutol sa pagpapalit ng wikang Filipino sa wikang Ingles. Ang dalawa sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1.

Hindi nila gusto ang ginagawang paglapastangan sa kanilang katutubo at natamong karapatan sa wika. Binigyang-diin ng vice-mayor ng Cebu ang bagay na ito nang sabihin niya sa isang kapulungan kamakailan sa De La Salle University na “ang mgaTagalog ay nagpupumilit na isungalngal ang wikang Tagalog sa aming lalamunan” (ram Tagalog down our throats).

2. Nararamdaman nila na sila’y nanganganib dahil hindi sila handang magsalita at magsulat sa Filipino. Ang pagtutol na ito ng mga Cebuano ay isang magandang halimbawa sa hirap ng pag-intelektwalisa sa isang wika at ng isang bansa. Totoong napakahirap palitan ang isang wikang intelektwalisado na tulad ng Ingles na ginagamit sa mahahalagang larangan ng wika. Noong araw, ay mas madaling napalitan ng Ingles ang Español

(5)

dahil ang Ingles ay intelekwalisado na noon pa man. Ang kailangan lang noon ay ang pagtuturo nito sa mga tao o pag-intelektwalisa sa mga tao. Sa ibang salita, handa na ang Ingles noon na pampalit sa Español.

Tatlong Uri ng Larangan ng Wika (Three Types of Language Domains)

Upang maintindihan natin ang hirap ng suliranin sa pag-intelektwalisa ng Filipino ay kailangan nating malaman ang teorya ng larangan ng wika (theory of language domains) at ang paggamit nito sa pag-unlad ng Filipino. Pag-aralan natin ang sumusunod na tatlong uri ng larangan ng wika : (i) di mahalagang larangan ng wika (non-controlling domain of language), (ii) medyo mahalagang larangan (semi-controlling domain); at (iii) mahalagang larangan ng wika (controlling domain of language).

Ang di mahalagang larangan ng wika ay maaaring di nakasulat at maaaring gamitin sa kahit anong wika. Halimbawa, ang larangan ng tahanan at ang larangan ng lingua franca. Hindi natin kailangang planuhin ang paggamit ng Filipino sa mga di mahalagang larangan. Isang malaking pagkakamali ang paniwalang dahil ang Filipino ay ginagamit sa pagsasalita at naiintindihan ng halos lahat ng mga Filipino sa di mahalagang larangan ay maaari na rin itong gamitin sa bahaging larangan ng pamantasan o higher education. Ang uri ng Filipino na sapat para sa tahanan o para sa lingua franca ay maaaring hindi sapat para sa larangan ng edukasyon sa pamantasan. Ang mga medyo mahalagang larangan ay ang mga larangan kung saan ang pagsusulat ay hindi sapilitan. Ang ibig sabihin nito ay maaaring sumali ang isang tao nang halos lubos sa mga ito maski hindi marunong magsulat at magbasa nang maayos. At hindi rin binibigyan ng pansin ng mga tao ang wikang ginagamit sa mga medyo mahalagang larangan. Ang mga halimbawa ng medyo mahalagang larangan ay ang relihiyon at ang libangan (entertainment).

Ang ikatlong uri ng larangan ng wika ay ang mga mahalagang larangan. Ang mahahalagang larangan ay ang larangan na nangangailangan ng mabuti at wastong pagbasa at pagsuat. Ang wika na kailangang gamitin sa mahalagang larangan ay ang tinatawag sa Ingles na learned language. Ito ang mga larangan ng wika na dapat bigyan ng pansin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Ang mga mahalagang larangan ay nangangailangan ng pagtatala, tulad ng computer data bank.

Sa ibang salita, maliwanag na ang mahalagang larangan ng wika ang nangangailangan ng intelektwalisasyon. Ang ilan sa mga importante o mahalagang larangan ay ang mga sumusunod: (i) edukasyon (lalo na ang hayskul at ang pamantasan); (ii) pamahalaan; (iii) pagbabatas; (iv) hukuman; (v) agham at teknolohiya; (vi) negosyo, pangkalakalan at industriya; (vii) ang mga propesyon na may bahaging larangan (sub-domain), tulad ng medisina, abogasya, atb.; (viii) mass media (broadcast and print); at (ix) literatura.

Ang Register

Kailangang tandaan natin na bawat bahaging larangan o bahaging-bahaging larang (sub- and sub-subdomain) ay may sariling register. Ang ibig sabihin ng register ay ang tanging paggamit ng wika sa isang larangan o bahaging-larangan. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pag-intindi ng mga suliranin ng intelektwalisasyon ng wika. Halimbawa, alam nating lahat na kung hindi tayo doktor, hindi natin maiintindihan ang register ng medisina na nakasulat sa Ingles.

Katangian ng Mahahalagang Larangan ng Wika

Ang mahahalagang larangan ng wika ay may sumusunod na mga katangian:

1. Idinidikta nila ang wika na kailangang pag-aralan at gamitin.

(6)

2.

Ang wikang ginagamit ay specialized at learned. Samakatwid, kinakailangan ng kaalaman na tiyak, kaya kailangan ng specialization.

3.

Ang mga mahalagang larangan

ay nangangailangan ng dunong ng pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat; kailangan dito ay precise language o tiyak, tumpak, ganap na salita; hindi katulad ng ginagamit natin sa di mahalagang larangan ng wika.

4.

Ang kaalaman sa mahalagang

larangan ay iniipon (cumulative). Kung kaya’t kinakailangang malaman ang karunungan ng nakalipas (past knowledge) at kasalukuyan. Ang karunungan ng nakalipas ay nasa mga aklat, journals, at ngayong may computer na, nakaimbak sa data banks. Maliwanag na maliwanag na halos lahat ng nakalipas na karunungan sa mahalagang larangan ay hindi magagamit sa Filipino.

5.

Ang pagdami ng kaalaman sa mahalagang larangan ng wika ay mabilis. Ang kasalukuyang karunungan ay nasa bagong mga aklat, pangkasalukuyang journals at pananaliksik na papel (research papers). Ito ay hind makukuha sa Filipino. Ang pagsabog (explosion) ng karunungan sa mahalagang larangan ay katakut-takot. Ang paghahabol sa pagsabog ng kaalaman na nakasulat at nakatala ay isa sa pinakamalaking suliranin sa intelektwalisasyon ng Filipino at ang pagpapalit nito sa Ingles. Sa kasalukuyan, ang bagong karunungan ay batay sa nakalipas na karunungan na matatagpuan ng mga Pilipino sa Ingles at hindi sa wikang Filipino.

Samakatwid, inaasahan natin ang pag-unlad ng Filipino sa mahalagang larangan at bahaging larangan; kinakailangan natin ang nakalipas at ang kasalukuyang karunungan sa Filipino. Ito ay isang kailangang gawain. Ang lawak ng suliranin ay sobrang malaki at nakakalito. Kung inaasahan natin na papalitan ng Filipino ang Ingles, kailangan na hindi lamang ang wikang Filipino ang maintelektwalisa; isama natin ang pag-intelektwalisa ng mga tao, ng mga Pilipino sa buong bansa.

Ang isa sa mga unang dapat gawin sa intelektwalisasyon ng Filipino ay ang isang intelektwalisadong wikang katulad ng Ingles na ginagamit sa mga mahalagang larangan ay hindi maaaring palitan nang basta ganoon lang ng isang wikang hindi intelektwalisado. Malinaw na kinakailangang mas mabuti ang ipapalit.

Hindi sapat ang mga dahilang nasyonalismo, o pagkamakabayan at patriotismo o pag-ibig sa bayang tinubuan, gayundin ang pagkakakilanlan (identity) upang palitan ang Ingles. Karamihan sa mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga di Tagalog, ay hindi naniniwala na ang Filipino ay tatak ng nasyonalismo o patriotismo. Tama sila. Ito ay bahagi ng kanilang karapatang pangwika.

Ang Bahagi o Papel (Role) ng Ingles sa Intelektwalisasyon ng Filipino

May paniwala ang maraming tagapagtanggol ng Filipino na hindi natin kailangan ang Ingles. Sapat na rin daw na marunong magsalita, magbasa, at magsulat sa Filipino. Hindi lamang ito isang malaking pagkakamali; ito ay delikado sa kasalukuyang kalagayan ng Filipino. Ang tagapagtaguyod ng Filipino ay dapat magaling sa Ingles dahil ang wikang Ingles lamang ang paraan kung paano maiintelektwalisa ang Filipino.

Harapin natin ang katotohanan. Kaunti lamang ang kaalaman, kung mayroon man, sa syensyang panlipunan, agham at teknolohya, matematika, medisina, batas, atbp., sa wikang Filipino. Ang kaalaman ukol sa mga larangang ito ay maaaring makuha

(7)

sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasalin (translation). Ngunit halos wala pang naisasalin sa mga larangang ito. Halimbawa, paano ipamamahagi ang karunungan sa medisina sa isang taong marunong lamang sa Filipino. Imposible. Hindi maaari.

Ano, samakatwid, ang magiging gamit ng Filipino kung hindi ito maaaring gamitin sa pagkuha ng karunungan?

Mga Mungkahi

Kung maaari akong magbigay ng mungkahi, ang aking mungkahi ay ang mga sumusunod:

1.

Lahat ng tagapagtaguyod ng Filipino, lalung-lalo na sa larangan ng edukasyon, na hindi pa nag-aaral ng Language Planning, ay dapat mag-umpisa na.

2. Ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay dapat makaalam tungkol sa mga suliranin ng pagpapalit at pagbabago ng wika.

3. Hindi sapat na ang mga tagapagtanggol ng Filipino ay marunong lamang sa pamamaraan ng pagtuturo sa Filipino. Dapat ay magaling sila sa Ingles at Filipino. Bukod sa pagiging guro, dapat sila ay mga iskolar, tagapagsaliksik, at manunulat sa tiyak na karunungan. 4. Ang Filipino, upang umunlad at

maging intelektwalisado, ay dapat gumamit ng Ingles.

5. Bigyang-diin ang karunungan, hindi ang pamamaraan.

6.

Ang mga guro, tagapagtaguyod ng Filipino, at mga kasapi sa mga samahang pangwika ay dapat magsaliksik para sa Language Planning. Ang mga solusyon sa mga suliranin ng wikang Filipino ay kailangan ng karunungan o iskolarsyip; hindi paghula at pakiramdam.

7. Sapagkat ang karunungan ay iniipon (cumulative), ang mga tala ng nakalipas na karunungan ay dapat isalin. Ito ang dapat gawin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Isang Bagay na Dapat Pansamantalang Tigilan

Sa wakas, uulitin ko: May mga bagay-bagay na dapat huwag nang bigyang diin ng mga pinuno o tagapagtaguyod ng wikang Filipino para mas mabigyang tugon ang mahigpit na pangangailangan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Halimbawa, ang mga tagapagtaguyod ng Filipino ay dapat tumigil muna sandali sa pag-uukol ng panahon sa mga pamamaraan o methods of teaching. Iminumungkahi ko na dapat pag-ukulan ng pag-aaral ng mga tagapagtaguyod ng Filipino ang larangan ng karunungan na nauukol sa Language Planning. Napakahirap intindihan ang paksang intelektwalisasyon ng Filipino kung hindi natin alam ang iba’t ibang bahagi at kuntil-butil o detalye ng Language Planning.

Referensi

Dokumen terkait

Berdasarkan hasil penelitian, terlihat bahwa terdapat perbedaan rata-rata kemampuan berpikir kritis matematis yang signifikan antara siswa yang mendapatkan model

Medikua etorri de N ARTE , ezin izan dugu ezer egin  Hasta que ha venido el médico, no hemos podido hacer nada Ez mugitu HARIK ETA nik esaten dizudan ARTE  No te muevas hasta

Segala puji syukur kehadirat Allah SWT atas segala nikmat, rahmat, dan hidayah-Nya tidak lupa shalawat serta salam tercurah pada Rasulullah SAW sehingga Tugas

** Persentase untuk butir 39 = jumlah guru yang memiliki sertifikat pendidik dibagi jumlah seluruh guru dikali

Kontrasepsi mantap, -arang sekali !ilakukan para pasangan suami istri( Kalau pun !ilakukan !i!asari alasan .ang sangat umum .akni merasa cukup !engan -umla% anak .ang !imiliki(

Baş bölgesi, kalp, akciğerler, mide ve bağırsaklar, böbrekler, Tanden, Vücudun yansı (Hanshin Chiryo), vücudun ağrılı bölgeleri. (Grip olduğum zaman hemen yatar,

Apabila dilihat dari kondisi fisik sekolah sudah lumayan bagus. Lantai sudah berkeramik, cat tembok masih bagus, kebersihan lingkunganpun terjaga. Keadaan seperti

bersangkutan atau dengan sistem lain yang ditetapkan dan dilaksanakan sesuai jadwal penerimaan peserta didik baru yang akan ditentukan lebih lanjut oleh Dinas Pendidikan