• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Salita ng Hari ay Dapat Baliin

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2024

Membagikan "Ang Salita ng Hari ay Dapat Baliin"

Copied!
2
0
0

Teks penuh

(1)

5

Iyon nga lamang, dahil sa neokolonyal at neoliberal na sistemang nagpapatakbo sa bansa— na damang-dama sa sistema ng edukasyon—pinananaig ang wikang Ingles hindi bilang wikang pantulong kundi bilang primaryang wika—mula sa pag-aaral at pagtuturo, hanggang sa burukrasya ng negosyo at gobyerno, hanggang sa kultura, politika, at ekonomiya. At sa ganitong iskema, hinuhubog hindi lamang ang dila, kundi maging ang damdamin, pag-iisip, kamalayan, at mismong lipunan, para umayon sa monolitiko at nangmomonopolyong patakarang bitbit ng wikang Ingles ng neokolonyalismo at neoliberalismo.

Sa pagbabalik ng mga Marcos sa poder ng elitistang panunungkulan sa pambansang antas, magiging malinaw muli kung bakit pinananaig ang wikang Ingles sa Pilipinas—ito’y wika ng neokolonyalismo at

neoliberalismo; ito’y wikang pumapabor para sa pang-ekonomiyang ganansiya ng dayuhang amo at mamumuhunan. Sa katunayan, noong Hulyo 2022, malinaw ang salita ng hari. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na anak ng diktador na nais niyang patatagin ang pagiging “English-speaking people” ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon, kabilang ang pagpapanatili at pagpapalakas sa Ingles bilang primaryang wika ng pagtuturo’t pag-aaral. Ang pagtitiyak ng katatagan ng wikang Ingles bilang wika ng mga Pilipino ay paborable raw para sa dayuhang amo: “Foreign employers have always favored Filipino employees because of our command of the English language. This is an advantage that we must continue to enjoy.” Kung kaya’t lalo lamang pagtitibayin ng administrasyon ng anak ng diktador ang pagtatanghal sa wikang Ingles hindi lamang

TALA NG EDITOR

Ang Salita ng Hari ay Dapat Baliin

MICHAEL FRANCIS C. ANDRADA

[email protected]

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

K

olektibong danas ng mamamayan ang mag-aral sa wikang Ingles. O mas dapat sabihing pilit tayong pinag-aral at pinag-aaral sa wikang Ingles. Ang daklot ng hegemoniya ng ganitong sistema ay tumatagos maging sa labas ng mga paaralan. Wala namang problemang mag- aral ng wikang Ingles at maging ng iba pang dayuhang wika. Dahil ang pag-aaral ng mga wika, lalo na ng pambansang wika at mga sariling wika sa sariling bayan, ay magbibigay ng potensiyal at kapangyarihan para sa mamamayan na umunawa sa mas maraming lipunan.

(2)

6

DaluyanDDdluynTOMO XXVIII, BLG. 1, 2022

bilang primaryang wika ng pagtuturo kundi primaryang wika ng ekonomiya, politika, at kultura sa bansa.

Sa pagsasaysay ng anak ng diktador, bentahe ang pagiging maalam sa wikang Ingles.

Ngunit sa maikling pahayag na ito, mariing iginuguhit ang tadhana ng Pilipinong pinipilit na mag-Ingles: upang maging global na alipin ng mga dayuhang amo at kompanya. Ito mismo ang sentro-de-grabedad ng neokolonyalismo—

lumikha ng mga mamamayang matatas sa wikang Ingles upang magpakaalipin sa mga dayuhang amo’t mamumuhunan. Kabi-kabila ang hakbang ng anak ng diktador para sa mga kasunduan sa mga dayuhang gobyerno para sa eksportasyon ng murang lakas paggawa.

Sunod-sunod din ang pagbabakasyon sa mga dayuhang bansa ng anak ng diktador, kasama ang kaniyang neoliberal na barkada, upang kumuha ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang mga kasunduang ito’y pumapabor, kung susuriing mabuti, hindi para sa kapakanan ng bayan kundi para sa interes ng mga naghahari-hariang dayuhan at lokal na negosyo o monopolyo kapital. Mga kasunduang pinagkukunwaring magbubunsod ng pang-ekonomiyang pag-unlad sa Pilipinas—

diumano’y magbubukas ng maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino—ngunit

ang totoo’y ibinubukas lang ang bansa para sa pagdagsa ng dayuhang negosyo’t produkto at para sa pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo.

Hindi na malayong isipin ang tunay na koneksyon ng iginigiit na wikang Ingles sa iginigiit na neokolonyal at neoliberal na mga sistema. Iba’t iba man ang ipangalan ng bawat administrasyon sa mga hakbangin nila para sa wika at edukasyon, iisa ang malinaw: ang pagpupumilit na sanayin ang mamamayan sa wikang Ingles ay pagpupumilit na ipaanod ang bayan sa neokolonyalismo at neoliberalismo.

Paulit-ulit ang paalala sa mga nagpapatakbo ng gobyerno at mga institusyong pang-edukasyon: ang bayang pinagpupumilit na magsaysay sa neokolonyal at neoliberal na wika ay bayang pinalalayo sa sariling wika. Ang bayang sinasanay sumaysay at kumilos batay sa wika ng naghahari-hariang (kawalang-) kaayusan ay bayang patuloy na pinagkakaitan ng sariling wika, kasaysayan at kaunlaran. At ang pamahalaang ipinagkakait sa bayan ang pagpapaunlad at pagpapalakas ng pambansang wika at mga sariling wika ng bayan ay pamahalaang walang bait sa sarili at walang awa at walang pagmamahal sa mamamayan at bayan. n

Referensi

Dokumen terkait

bawat lipunan, nasa iisang bansa naman sila at tiyak na hindi maiiwasan ang pakikipagkalakan at pakikipag-interak sa ibang lipunan kaya naman, ang wikang partikular lamang sa

Makikita na si Rizal bilang isang manunulat na Tagalog na nabigong matapos ang isang akda dahil sa hindi na gamay ang wikang Tagalog.. Napakita din ng akda ang praylokasya, ang

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag- aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa

•Marami pang mga libro sa gramatika, bokabularyo, at iba pang babasahin at pag-aaral ang nalimbag pagkatapos nito dahil sa pagkakaroon ng imprenta sa apat na orden ng mga prayle

Ayon sa kanila, tinuturuan nito ang mga mag-aaral na maging tamad sapagkat alam nilang naroon na ang sagot kung kaya’t hindi na sila mag-aaral at kokopyahin na lamang ang mga ito, dahil

Para sa papel na ito, susuriin ko ang Abanao Square bilang isang espasyo sa mas malawak na konteksto ng lungsod ng Baguio.Matatagpuan sa baba ng City Hall ng Baguio at malapit lamang sa

Mailalarawan ito sa sumusunod na hanayan: Pangkalahatang Kasanayang Pangwika Katangian ng Wika Funsiyon ng Wika layunin o gamit ng wika Paglalarawan wikang nagagamit para ilarawan

Tumingin ang bayani sa mga kasamahan niya; wala na siyang maskara ngayon upang itago ang totoo niyang pagkatao na muntikan na rin niyang nakaligtaan dahil sa pagiging isang bayani..