• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pangalatok

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pangalatok"

Copied!
14
0
0

Teks penuh

(1)

Pangalatok

10/6/2015

0 Comments

Isinulat ni Chantel Ayla Dhillon

Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan) o Pangasinense Ito ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polenesian ng pamilya ng mga wikang

Austronesian. Sinasalita ang Panggasinan ng higit pa sa dalawang milyong tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga Amerikanong may kanunununuang Pangasinan. Ang Pangasinan ang isa sa labindalawang pangunahing wika sa Pilipinas. Ang kabuuang populasyon ng lalawigan ng Pangasinan ay 2 434 086, ayon sa sensus ng 2000. Ang pinapalagay na bilang ng mga katutubong mananalita ng wikang

Pangasinan ay 1.5 milyon.

Mga Halimbawa ng Wikang Pangasinense:

1. sino - siopa, sio, si 2. ano - anto

3. saan - iner

4. kailan - kapigan, pigan 5. paano - pano, panonto 6. lahat - amin

7. malaki - baleg 8. mahaba - andokey 9. mabigat - ambelat

10.maliit - melag, melanting, tingot, daiset

(2)

12.makipot - mainget

13.manipis - mabeng, maimpis 14.babae - bii

15.lalaki - laki, bolog 16.tao - too

17.bata - ogaw 18.hayop- ayep 19.isda - sira, ikano 20.ahas- oleg

0 Comments

Waray

9/25/2015

2 Comments

Isinulat ni Donnaliza Opulencia

Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy

(karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyte-Samarnon)

Ito ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.

Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo.

Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba naman sila sa mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba

(3)

ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.

Ayon sa Sanghiran san Binisaya ha Samar ug Leyte (Academy of the Visayan Language of Samar and Leyte) na nagsaliksik at nagrekomenda ng ortograpiya, ay wala pa ring opisyal na labas ukol sa natural na gamit nito. Ang epekto, magiging katanggap-tanggap ang anumang salita at bigkas gaya ng:

diri o dire ("hindi") hira o hera ("sila")

maopay o maupay ("mabuti") guinhatag o ginhatag ("binigay") direcho o diritso

Sa rehiyon 8 ay kinapapalooban ng probinsya ng samar, leyte at biliran island. Ang tacloban city ay isa sa mga siyudad sa leyte. ang rehiyon na ito ay pinalilibutan ng yamang tubig. Sa probinsya ng Leyte maraming diyalek ang sinasalita at ito ay

depende sa lugar kung nasaan ka. Kadalasan isa o dalawang oras na biyahe lang dito ay nagbabago agad ng dayalekto

Minsan ay waray o minsan ay bisaya. Ngunit kadalasan sa mga tao dito ay

nakakaintindi at nakakasalita ng parehas na lingwahe. pero may mga lugar sa samar na ginagamit nila ay waray s pero iba pa rin ito sa waray na ginagamit sa leyte,

halimbawa ang "sa" sa samar sa leyte ay "ha" . ang tawag dito ay waray "h" at waray "s".

Mga Salitang Waray:

Magandang (umaga/tanghali/hapon/gabi): Maupay nga (aga/udto/kulop/gab-i)

Nakakaintindi ka ba ng Waray?: Nakakaintindi/Nasabut ka hin Winaray? (hin o hiton) Salamat: Salamat

Ang ganda-ganda mo talaga: Kahuhusay nimo hin duro

Mahal kita: Hinihigugma ko ikaw o Ginhihigugma ko ikaw o Pina-ura ta ikaw Tagasaan ka? : Taga diin ka? o Taga nga-in ka? o Taga ha-in ka?

Magkano ito? : Tag pira ini?

Hindi ko maintindihan: Diri ako nakakaintindi o Di ak naabat Hindi ko alam: Diri ak maaram o Ambot

Ano: Nano o Anya Sino: Hin-o

Saan: Hain

Kailan (mangyayari pa lang): San-o Kailan (nakalipas): Kakan-o

Bakit: Kay-ano Paano: Gin-aano? Oo: Oo

(4)

Iyon/Hayun: Adto o Didto o Ngad-to Ito: Didi o Nganhi o Ini

Harap/sa harap: Atbang/Atubangan Gabi: Gab-i

Araw: Adlaw Wala: Waray Mabuti: Maupay Sino ka?: Hin-o ka?

Ako ay kaibigan: Sangkay ak.

Nawawala ako dito: Nawawara ak didi. Siguro: Bangin

Sana: Unta

Bukas: Buhas o Buwas Kahapon: Kakulop Ngayon: Yana 2 Comments

Sebwano

9/25/2015 0 Comments

Isinulat ni Fatima Regine Carpio

(Sebwano: Sinugboanon; Kastila: idioma cebuano)

Ito ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan at mga pamantasan.[2] Ito ang katutubong wika sa Gitnang Kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano

(nangangahulugang likas, o isang lugar).

Ang Sebwano ay katutubong sinasalita ng mga naninirahan sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at sa ilang bahagi ng Leyte at Samar at sa kabuuan ng Mindanao. Ito ay sinasalita rin sa iilang bayan sa pulo ng Samar. At hanggang 1975, nalagpasan ng Sebwano ang Wikang Tagalog sa dami ng katutubong nagsasalita nito. Ang ibang wikain ng Sebwano ay nabibigyan ng iba't ibang pangalan ang wika. Ang mga

naninirahan sa Bohol ay tinatawag itong Bol-anon samantalang sa mga tapagsalita ng Sebwano sa Leyte ay tinatawag naman itong Kana.

Ang Sebwano ay maraming salitang hango sa wikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita sa Ingles.

(5)

Mayroon din na galing sa salitang Arabo. Tagalog Kapampangan - Cebuano

1. Magandang Umaga - Maayong Buntag 2. Magandang Tanghali - Maayong Udto 3. Magandang Gabi - Maayong Gabi-i 4. Mahal Kita - Nahigugma Konino 5. Oo - Naa

6. Bakit - Nganoman 7. Saan - Asa Dapit 8. Paano - Unsa un 9. Kailan - Kanos-a 10. Ano Nano - Unsa na 11. Kamusta - Kamusta 12. Hindi - Didi ko 0 Comments

Ilocano

9/25/2015 0 Comments

Isinulat ni Chantel Ayla Dhillon

Ang Iloko (o Iluko, Iloco, puwede ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa

maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Tinatayang may mahigit 8 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.

Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado ng Hawaii at California sa America.

Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang wikang Iloko ang tinutukoy. Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong gumagamit ng wika o ang katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa wika o salita, at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.

Ang wikang Iloco ngayon, bukod sa gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa mga Filipino-Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang sakada(mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong Ilocano at hindi nakapagsasalita

(6)

ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog.

Idagdagpa diyan na sa loob ng libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang ito. Sa katotohanan, tinatayang ang Iloco ang pinakamatandang wika sa

Pilipinas at isa sa mga may pinakamayamang bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may kompletong bokabularyo bago pa

dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa gahum ng wikang banyaga. Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong panumbas sa ibang dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang kinikilalang lingua franca raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na tinatawag na rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar.

Sa Honululo ngayon ay may sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada. Ito ay ang pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang

paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa Tagalog.

Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. Wala silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala bilang Heritage Language sa Hawaii.

Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilocano sa buong mundo.

Mga Halimbawa ng Salitang Ilocano Magandang Umaga - Naimbag na bigat Magandang Tanghali - Naimbag na aldaw Magandang Gabi - Naimbag na rabi-i Mahal Kita - Ay-ayaten sika

Hindi - Haan Oo - Wen Bakit - Apay Saan - Idiay Ano - Inya Wala - Awan Meron - adda 0 Comments

Tausūg

(7)

9/22/2015

0 Comments

Isinulat ni Donnaliza Opulencia

Tausūg (Tausūg: Bahasa Sūg, Malay: Bahasa Suluk)

Ito ay isang wikang sinasalita sa lalawigan ng Sulu sa Pilipinas, sa estado ng Sabah, Malaysia, at sa Hilagang Kalimantan, Indonesia sa pamamagitan ng Tausūg ang mga tao. Malawak Ito ay ginagamit sa mga Sulu Archipelago (Basilan, Sulu at Tawi-Tawi), Zamboanga Peninsula (Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga City), Southern Palawan, Malaysia (Sabah) at Indonesia (North Kalimantan) . Ito ay napaka malapit na nauugnay sa mga Surigaonon wika ng

lalawigan Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur at ang Butuanon wika mula sa hilagang-silangan ng Mindanao lalo na sa root Tausug salita nang walang impluwensiya ng Arabic wika. Ang pangalan ng wika sa Tausūg ay Bahasa Sūg na nangangahulugang 'wika ng Sūg' Sūg kung saan ay dadalhin sa ibig sabihin ang lugar kung saan ito ginagamit (ie Sulu). Ang salitang Tausūg ay nagmula sa dalawang salita "Tau" na nangangahulugang "tao", at "sūg" na nangangahulugang "kasalukuyang". Ito ay maaaring dahil sa ang katunayan na ang mga tao ng Sulu Sea na si

pinamamahalaang upang mabuhay sa kanilang mga uri ng pang-ekonomiyang kabuhayan sa kabila ng malakas na kasalukuyang nasa Sulu Sea kung saan sila ginamit upang trans-navigate bilang mangingisda, perlas iba't iba at negosyante. Ang Sulu Sea ay naging paggamit bilang ang strategic ruta ng kalakalan sa katimugang Pilipinas at iba pang mga kalapit na ASEAN bansa, kahit na hanggang sa

kasalukuyan. Bilang maaga bilang ang ika-10 siglo ito ay naniniwala na nagkaroon na yumayabong daan ng pangangalakal sa pagitan ng Sulu sa Tsina at Hilagang Borneo. Talaga ang mga tao sa lugar na ito ay kilala bilang "mga tao ng kasalukuyang", kung saan ay ang literal na pagsasalin ng "Tausūg".

Halimbawa ng salitang tausug:

Dagitab- paraan upang makausap ang kapwa Gelgido- Ito yung lutuan ng mga Tausug

Bigsaer- kinikilala ng mga taong Tausug na Dyos Retyu- Ama Daser- Ina Yaut- Matulog Kihgda- Humiga Ngan- Pangalan bāy - Bahay lamisahan- mesa pagkaun-pagkain mangadji'-aral

(8)

0 Comments

Wika

9/21/2015

6 Comments

Isinulat ni Fatima Regine Carpio

Isa sa pinakatanyag na pagdiriwang ng wikang Filipino sa mga Pilipino ay ang Buwan ng Wika tuwing Agosto sa Pilipinas. Bakit kailangan pang ipaalala sa ating mga

Pilipino na ang ating wika ay Filipino? Ibig sabihin nito hindi pa natin napagwawagian ang kaisahan at kaganapan ng wika na pilit ipinapaangkin sa atin. Sa ibang bansa, hindi na kailangan ng pagdiriwang o pag-alala sa kanilang mga wika, ganap at buong giting nila itong ginagamit sa pang-araw araw nilang pamumuhay, kumbaga sa

kasuotan, ito ay kanilang brief at panty. Naku! Ano kaya ang katumbas sa wikang Filipino ng brief at panty? Malayo sa bahag ng ating katutubo. Sadya nga bang hubo tayo pagdating sa pag-angkin ng ating pagkakakilanlan? Maging sa wika, tayo’y tila ligaw. Ligaw sa sariling lupa.

Palawakin pa natin.

Kapansin pansin sa mga tindahan ng libro na bibihirang mailagay sa “Best Seller section” ang mga aklat na gawa ng mga Pilipino. Ang mga librong likha ng ating mga manunulat na Pilipino ay hindi din kumakain ng malaking lugar sa nasabing mga tindahan. Isa ito sa halimbawa na lumalamon ng alikabok ang wikang Filipino

kumpara sa banyagang wika lalo na sa wikang Ingles. Kumbaga sa telenobela, api ang karakter ng wikang Filipino at kontrabida naman ang Ingles, at hindi maglalaon ang pakiwari ko dahil yakap na yakap natin ang globalisasyong hindi napipigilan, mas lalawak ang wika ng mga Filipino. Para nang halu-halo ang ating wika. May Hapon, Koreano, Intsik, Kastila, at iba pang wika; ang resulta bekimon at jejemon, sa aking palagay.

Nachorva mo na ba ang chinorva ni Cheverloo? Nauunawaan? Ei1 kohz phoz eh. Nawaley ang wallet me.

Nagbibihis ang wika, mabilis magpalit. Ang tanong, naabot ba ang hangarin na

pagkakaisa na mapagyaman ang wikang Filipino? Kung sinasabi nating ito ay bahagi ng kasaysayan, ng ating kultura at tradisyon maging pagkakakilanlan, hindi ba dapat pinayayabong ang ating wika?

Hindi man lamang tayo makipagsabayan sa paggawa ng mga nobela, maikling kuwento, at iba pang sulatin na magpapayaman sa ating panitikan. Gustong gusto nating basahin ang nobela na may kinalaman sa paninipsip ng dugo sa leeg upang manatiling bata at magandang lalaki ang bida o iakma ang ating mga sarili para

(9)

makisabay kung paano magpakawala ng mahika upang sa isang iglap ay maglahong parang bula. May nakalimbag bang nobela sa Filipino tungkol sa patagong relasyon ng duwende at kapre? O kung bakit nagpalaglag ang tikbalang pagkatapos siyang takbuhan ng garapata? O kung paanong ang bituka ng aswang ay hindi manlang nalaglag sa paglipad niya sa kalawakan? Bakit hindi gawing tinuhog na isaw ‘yon para malamnan ang gutom na si Juan? Ang punto ko, hindi natin inuuna ang paggawa ng sariling atin sa wikang alam ng mas nakararami. Pilit nating isinisiksik ang ating mga sarili sa kulturang ligaw sa ating mga dugo dahil sa paniniwalang mas angat tayo sa iba kapag alam natin ‘yon. Walang masama, hindi ipinagbabawal ang pag-aaral ng iba pa, ito ay isa ding hakbang sa pagpapalawak ng karunungan pero ang wikang Filipino ay parang isang nangingimong dalaga sa kaniyang kasintahan na nagmamahal ng mas higit na matingkad kaysa sa kaniya. Nagtatago sa sulok. Sinasambit na lamang ng pabulong kapag nag-iisa at walang makakadinig. Hindi mo ba napansin ang

malaking epekto nito sa kamalayan ng mas maraming Pilipino? Ito na ‘yon,

ipinagduduldulan natin na pansinin naman ang wikang Filipino. Ngayon sino ba ang pinakikiusapan nating ito, mga Hapon ba? Koreano? Kastila? Amerikano?

Nagmamakaawa at nagpapansin tayo sa mga kapwa natin Pilipino. Napakabisa ng dulot ng wikang Inges sa kamalayan nating mga Pilipino, nag-umpisa sa hangarin ng mga Amerikanong maituro ito upang tayo’y sumunod sa kanilang naisin at oo

pinagsamantalahan ang nanggigipuspos nating lakas mula sa pagkakaalipin ng mga Kastila at Hapon at sa iba pang nagpasarap sa Perlas ng Silangan. Hanggang ngayon kahit wala na sila mas namamayani naman ang kanluranin nating pag-iisip, pansinin mo, nagmula ‘yan sa wikang Ingles. Kung magkagayon, paniwalaan mong napakabisa din ng wikang Filipino kung mamahalin mo din gaya ng pagmamahal mo sa wikang Ingles.

Sa pag-aaral natin, gaano mo tinutukan ang pag-aaral ng wikang Filipino? Minani mo ba o parang wala lang. Filipino naman ‘yan, hindi masyadong mahalaga ‘yan.

Aminin man at sa hindi ng mga nagtuturo o ng ating mga guro sa kasalukuyan, gaano ba nila pinahahalagahan ang pag-aaral ng wikang Filipino? Nasa kailaliman ng ating isipan ang paniniwalang mas matatas ang isang taong maalam sa Ingles. Pwede mong pabulaanan pero ito’y parang nabubulok na laman na umaalingasaw hanggang sa kasalukuyan.

Ang karatula ng MMDA “ Bawal TUMAWID, May Namatay na Dito” ay mas

maiintindihan ng karamihan kaysa sa PED Xing. Sino o ano ba ang Ped Xing? Alam mo?

Kahit sa blogesperyo/blogsphere, kapag ang isang blogger ay piniling gamitin ang wikang Filipino sa kaniyang panulat, mahirap ibenta ito.Halatang halata na

kinatamarang basahin ang isang sinulat, bibihira ang nagpapakita ng interes, paano naging malalim ang wikang Filipino, baka naman sadyang pinababaw lamang natin ang pagkakaunawa dito. Kung magkagayon, mababaw ba ang pagtingin mo sa iyong pinagmulan?

(10)

komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga mamamayan. Naging paraan ito para sa paghahati-hati ng mga mamamayan.

Baduy, jologs, pangkanto. Ang wikang Filipino ay wika ng mga nangangatulong, ng magsasaka, basurero, nagwawalis, sa madali’t sabi, ang wikang Filipino ay wika ng mga totoong Pilipino. Sila ang mga totoong Pilipino. Hindi nabahiran ng kanluranin. Hindi sila mangmang, sadyang sila’y Pilipino.

Ang diskursong ito ay namamayani sa pagitan ng mga nakapag-aral,

nagpapakadalubhasa at tayo iyon. Kung tayo nga ang nagpapaligsahan kung alin at ano ba talaga ang Wikang Filipino,sana naman, makilala na natin ang pagiging Pilipino natin kahit sa wika man lamang.

Kabaduyan ba kapag sinambit mo ang salitang “Iniibig kita higit pa sa buhay ko? “, Hoy! ‘yong lahi mo diyan nabuo, sa banig ng panunuyo tanglaw ang aandap-andap na lampara ng bukas. At ngayong nakatikim ka na ng ibang lasa, ligaw, pinaghalu-halo, hindi mo na tuloy malaman ang pabalik. Saan nga ba tayo magbabalik? May

makapagtuturo kaya? ‘Yong ‘po at opo” na ramdam mo ang dalisay na paggalang sa mga nakakatanda, ‘iyan ay isang buhay na patotoo kung gaano kaganda ang wika natin.

Natatangi. Kayumanggi.

Ang watak-watak na heyograpiya ng ating bansa ay may epekto din sa wika. Bibigyan kita ng ilang halimbawa.

Ang pangungusap na pautos na “ Magsalita ka.” ay may iba’t ibang katawagan sa ibang lugar sa atin.

Magsalita ka..- Tagalog Mag-irgo ka.- Marindukehin Magtaram ka.- Bikolano Pagsiring- Waray

Mag-ingon ka- Cebuano Ag Sao Ka- Ilokano

Panambitan mo.- Panggalatok Ito pa.

(11)

Hindi daw totoong ang San Juanico Bridge ang pinakamabahang tulay sa Pilipinas, ayon sa maalamat na kuwento ng mga nalalasing sa kanto, ang Pampanga bridge daw diumano ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Bakit? Dahil ang itlog daw ng mga taga Bulakan pagdating sa San Fernando Pampanga, ebon na.

Hindi ba’t dito pa lamang, ibang ibang wika na ang mayroon tayo. Nagpakita ka ba ng pagkapukaw na alamin man lamang ang wika ng mga taga-Luzon, ng Bisaya at

maging sa taga-Mindanao? Bakit pa? Iyan ang malaking tanong.

Muli, ang wika ay bigkis ng isang lipi. Kapag tinatanong ka, taga-saan ka? Pilipinas po. Ano ang wika ninyo doon? Halu-halo po.

Matatas na tayo, kung kaya nating pag-aralan ang wika ng iba mas naniniwala akong kayang kaya nating paunlarin ang wikang Filipino ‘iyon ay kung itataas mo ang iyong pagtangi. Isipin mo na lamang na kunyari ang Wikang Filipino ay ang iyong ama at ina. Hindi ba’t sila’y ating mahal?

Kulang ang pagkakaunawa ko sa wikang Filipino. Maaaring may iba kang

pagkakaunawa, maaari mong ibahagi. Simulan nating magpayabong. Maaaring taliwas sa iyong napag-aralan at pinaniniwalaan. Mainam kung magbabahagi ka dahil ang wika ay hindi ipinagdadamot.

Read More

6 Comments

CREATE A FREE WEBSITE

POWERED BY

START YOU

Unibersal na Nukleyus bilang hugpungan ng mga wika sa Pilipinas ni Ronel Laranjo

BA Filipino

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

Binubuo ng mahigit sa pitong libong kapuluan ang Pilipinas, hindi man ganito karami, maituturing ding hindi biro ang pagkakaroon ng mahigit sa isandaang wika sa pareho ring bansa. Ang katangiang pisikal ng nasabing bansa ang nagluwal sa marami nitong wika. Dala ng pangangailangang makipagkomunikeyt sa kapwa tao sa parehong lugar tulad ng bundok, kapatagan, at maging sa loob ng pulo, nalikha ang iba’t ibang wika: wika ng mga kapatagan, wika ng mga taga-bundok, wika ng mga taga-pulo, wika ng mga taga-ibayo at marami pang iba. Bagaman iba-iba ang wikang sinasalita ng

(12)

bawat lipunan, nasa iisang bansa naman sila at tiyak na hindi maiiwasan ang pakikipagkalakan at pakikipag-interak sa ibang lipunan kaya naman, ang wikang partikular lamang sa isang lugar ay hindi na lamang sa kanila kundi nalalaman, nahahaluan at napapaunlad ng mga wika ring dati ay partikular lang din sa isang pamayanan. Base sa mga pag-aaral ng mga dalubwika, ang mga wika sa Pilipinas ay kabilang sa pamilya ng wikang Malayo-Polynesia na nagsanga-sanga. Nagsanga-sanga man ito, iisang puno pa rin ang pinagmulan nito at tulad ng tubig na dumadaloy sa mga buong kapuluan, tiyak na may hugpungan ang mga wikang nabanggit. Ang papel na ito ay tatalakay sa mga pagkakatulad ng mga wika sa Pilipinas batay sa Unibersal na Nukleyus (Paz,1995) na tumutukoy sa mga magkakaparehong elemento ng lahat ng mga wika sa Pilipinas. Saklaw nito ang pangunahing mga bahagi ng gramar: fonoloji, morfoloji at sintaks.

Fonoloji

Ayon kay Consuelo Paz, hindi gaanong magkakaiba ang mga wika sa Pilipinas, ganoon din sa pagkakabit-kabit ng mga tunog na ito sa pagbuo ng silabol o ng mga salita. Madalas na mapapansing nagkakapalitan ang mga tunog na /e/ at /i/ maging ang /o/ at /u/ dahil sa ang mga tunog na ito ay iisa lamang sa panahon ng mga katutubo ngunit dahil sa impluwensya ng mga banyagang salita tulad ng Espanyol, Ingles, Arabik, Sanskrit, Chinese at iba pa, naging hiwalay na mga ponema na ang mga nabanggit. Lahat ng mga wika sa Pilipinas ay may mga tunog na i, a, u, p, t, k, b, d, g, s, h, m, n, ng, r, l, w at y. Halos pareho ang pagbigkas sa mga nasabing tunog sa lahat ng mga wika sa bansa. Ponemik din sa lahat ng mga wika ang diin kung saan nagbabago ang kahulugan ng salita kapag nililipat ang diin. Halimbawa ang mga salitang Tagalog at Hilgaynon na púno na nangangahulugang mataas na halaman at punó na nangangahulugang wala ng maidagdag sa isang lalagyan. Gayundin ang mga salitang matá (mata) at máta(hilaw) sa wikang Ivatan at béleng (gubat) at beléng (lasing) sa wikang Binukid.

Morfoloji

Nasa mga salita naman ang pinakamaraming pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas kaya halos hindi magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang wika. Sa kabila nito, halos limampung porsyento naman ang magkakatulad na mga salita sa mga wika sa bansa. Tinatawag na kogneyt (cognate) ang mga salitang pareho ang kahulugan, bigkas o anyo. Halimbawa nito ay ang salitang walú sa mga wikang Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Ibanag, Itawes, Pangasinan, Bontok, Naga Bikol, Waray, Agutaynen, Maranaw, Tagbanwa at Buhi; wálu naman sa wikang Blaan at Binukid; wálu? sa wikang Yakan; gwálu sa wikang Subanen; wólu sa wikang Bagobo; waxú sa wikang Itbayat; weyu sa wikang Isinay; wago sa wikang Aklanon; walú sa wikang Kalinga; wawú sa wikang Sebwano at waw sa wikang Ilongot. Makikita pa ang maraming patunay ng aspektong ito ng gramar sa pag-aaral ni Paz na A Reconstruction of proto-Philippine phonemes and

(13)

Isa pang taglay ng mga wika sa Pilipinas ang sistema ng paglalapi. Maaaring kabitan ng isa o mahigit pang panlapi ang salitang ugat at stem. Karaniwang matatagpuan sa mga wika ng Pilipinas ang mga panlaping pandiwa tulad ng mag-, -in-, i-, na-; mga panlaping ikinakabit sa mga pang-uri tulad ng ma-, pala-; at panlaping causative o sanhi na pa-.

Sintaks

Sa dalawang pag-aaral ni Ernesto Constantino na The Sentence Pattern of Twenty-six Philippine Languages at The Deep

Structures of Philippine Languages, tinalakay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga pangungusap sa mga wika sa

Pilipinas. Ayon sa kanyang analisis, lahat ng payak na pangungusap sa mga wika sa bansa ay may nakapangilalim na unibersal na istruktura na nabubuo ng isang preys (phrase) na may pandiwa at isang preys na complement ng pandiwa o keys. Kung gayon, pare-pareho ang pagbubuo ng mga pangungusap sa lahat ng wika sa Pilipinas. Binubuo ng pangngalan at ng panandang pang-simuno ang sabjek o simuno, halimbawa: ang aso (Tagalog), an iru (Sebwano), at dyay asu (Ilokano). Maaari ring madagdagan ito ng possessive phrase: ang asomo (Tagalog), ang iru mu (Sebwano), at dya asum (Ilokano). At maaari ring madagdagan ng locative phrase: ang kambing sa bukid (Tagalog), ang kandingsa uma (Sebwano), dya kalding diyay taltalun (Ilokano). Maaari namang buuin ang panaguri ng mga sumusunod: isang pandiwa- Tumakbo ang aso. (Tagalog),Nidalagan an iru. (Sebwano), Nagtaray dyay asu. (Ilokano); Pandiwa at pariralang pangngalan- Kumain ng mangga ang bata (Tagalog), Kinmaun hin mangga ang bata. (Waray), Kinminan tu mangga i abbing (Ibanag); Pariralang pangngalan- Abugado ang kapatid ko. (Tagalog), Abugadu ang tud ku (Hiligaynon), Abugaw in tymanghud ku; at pariralang pang-uri- Gwapo ang binata. (Filipino), Gwapu an sultero. (Bikol), Gwapu su bagit ley. (Pangasinan).

Isa ring katangian ng mga wika sa Pilipinas ang pagmamarka ng pangngalan kung tiyak na pangalan o hindi na nangyayari sa simuno ng pangungusap: Manunulat si Juana. Manunulat ang kapatid ko. (Tagalog), Manunulat hi Juana. Manunulat in taymanghad ku. (Tausug), Mannurat ni Juana. Mannurat dyaykabsat ku. (Ilokano). Nangyayari din sa mga complement ng pandiwa: Pumunta ang bata kay Ana. Pumunta ang bata sa bukid. (Tagalog), Niadtu ang bata kangAna. NIadtu ang bata sa uma. (Sebwano), Myattu in bat kan Ana. Myattu in batha uma. Makikita rin ito sa mga pariralang possessive: Gumanda ang bahay niJuan. Gumanda ang bahay ng pulis. (Tagalog), Hinmusay an balay ni Juan. Hinmusay an balay san pulis. (Waray), Limingkat in bay hi Juan. Limingkat in bay sin pulis. (Tausug).

Lahat ng mga wika ay may mga pangungusap na nabubuo ng isang salita lamang: Umuulan. (Tagalog), Nagaulan. (Sebwano), Immulan. (Tausug), Agtudtudu. (Ilokano), Mumuran. (Kapampangan). Nadudugtungan din ang mga ito ng mga particle: Madilim na. (Tagalog), Madulum na. (Hiligaynon) Malindum na. (Tausug), Nasipngeten. (Ilokano), Madulumdum na. (Kapampangan).

(14)

Naipapakita rin kung isa (singular) o marami (plural) ang isang bagay at ipinapakita ito sa paggamit ng pluralizer tulad ng manga (mga) sa Tagalog, Binukid, Manobo, Waray, Sebwano, Tausug atbp. Makikita rin sa mga sistema ng panghalip ang pagiging isa o marami, gayundin ang pagiging ng dalawa o dual tulad ng kita at kata sa Tagalog, Sebwano at Bikol. Pare-pareho rin ang sistema ng pagtatanong na nilalagyan ng mga morfim: Maaga pa, di ba? (Tagalog), Maaga pa, diri ba? (Waray) Sayu pa, di ba?(Sebwano), Kaaga pa, bukun ba? (Romblon), Nasa pa pay, saan kadi? (Ilokano), Bibihat pay, boon adi?, (Isinay), Maranun pa, ali mo? (Kapampangan)

Masasabing ang Unibersal na Nukleyus ang hugpungan, tagpuan at nagbibigkis sa mga wika sa Pilipinas na minsa’y maaaring isang wika lamang. Ang mga elementong nabanggit ang basehan sa pagkakaroon ng Filipino, na hindi lamang base sa iisang wika, kundi taglay ng lahat mga wika mula Luzon hanggang Mindanao. Isang lingua franca na buhay, patuloy na yumayabong sa pamamagitan ng patuloy na pag-aambag ng mga wika sa Pilipinas na dinagdagan pa ng iba pang umiiral na wika. Dahil ang bansa ay isang demokratikong lipunan, malaya ring nakikisangkot ang mga wika sa kapwa wika sa pagpapaunlad ng Pambansang Wika ng sambayanang Pilipino.

Bibliografi

Constantino, Ernesto A. “The deep structures of the Philippine languages.” Ph. D. Dissertation Unibersidad ng Pilipinas, Diliman,1970.

__________________. The sentence patterns of twenty-six Philippine languages. Amsterdam: North Holland Publication,1965.

Paz, Consuelo. Ang Wikang Filipino Atin Ito. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas-Sistema.1995.

Referensi

Dokumen terkait

Sumasaksi ang nagdaang buwan ng Abril sa pagtatapos ng kawan-kawang mga estudyante sa iba't ibang paaralan sa bansa. Depende sa antas ng edukasyong natamo ng

pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sisitema ng bawat paaralan.Dito itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit itong

Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tangin2 bansa sa Asya na io taon lamang ang panahon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon

mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa an ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa

Ang panguhing layunin ng pag-aaral na ito ay madalumat ang mga salitang taboo sa Visayas partikular sa Rehiyon VII at Rehiyon VIII na nakatuon sa mga wikang ginagamit na nagkakaroon

Sa ibang salita, kung ang Pilipinas ang kanyang tinataya bilang “unified organic climax community” na nakapagdiriin lamang sa kapuluang ito bilang isang “steady and sustainable state”

Kung si Marian Rivera ay isinasaalang-alang hindi lamang ang pananaw ng kaniyang mga tagahanga ngunit ng mas malaking populasyon ng lipunan, si Duterte naman ay sinusuportahan ng mga

Ipinapanukala naman ang babaylanismo bilang isang teoryang tutuon sa lakas ng kababaihan sa loob ng ekolohiya sa pamamagitan ng kaniyang pakikilahok sa mga ugnayan sa kapuwa, sa lipunan