• Tidak ada hasil yang ditemukan

Tekstong Argumentatibo

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Tekstong Argumentatibo"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi man natin namamalayan ay palagi tayong anig o kagustuhan. Halimbawa na ang pagpapaalam sa nangangatwiran upang igiit ang sariling p magulang upang umalis o umuwi nang gabi at pangangatwiran kung bakit sila dapat pumayag; paghingi ng dagdag na baon sa eskuwela, pagyayaya sa kaibigan na gawin ang isang bagay, at kahit pa sa panliligaw o pakilcipagbalikan sa minamahal. Sa bawat pagkakataong ito ng pangangatwiran, humahanap tayo ng mga ebidensiya at gumagawa ng matibay na argumento upang maging matibay ang pangangatwiran. Gayundin sa tekstong argumentatibo. Naglalayon itong hikayatin ang mambabasa na ibahin ang kanilang pananaw, tanggapin, o sang-ayunan ang inilalahad na panig, o hikayatin silang kumilos ayon sa ipinararating na argumento.

Ano ang Tekstong Argumentatibo? Ang tekstong argumentatibo ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit ang mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling karanasan, nabasa mula sa ibang teksto o akda, mga halimbawa buhat sa kasaysayan, at pananaliksik na susuporta sa kaniyang mga argumento.

Halimbawa

Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas

Pabor sa K-12 Hindi Pabor sa K-12

Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tangin2 bansa sa Asya na io taon lamang ang panahon ng pag-aaral ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang maka-hanap ng trabaho na kikiialanin maging sa ibang bansa.

Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang mga guro para ituro ang mga asignatura sa bagong kurikulum. Kulang din ng mga silid-aralan at guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng pagbabago para sa pagpasok ng Grade ii at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na ng mga guro at kawani.

Isa sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit tekstong argumentatibo ang  tesis

 posisyong papel  papel na pananaliksik

 editoryal  petisyon

(2)

Elemento ng Isang Tekstong Argumentatibo

 Naiiba ang tekstong argumentatibo sa tekstong nanghihikayat dahil, batay ito sa lohikal na pangangatwiran at suportado ng mga impormasyong hango sa pananaliksik upang mapatunayan ang punto para manaig ang posisyon. Sa kabilang banda, ang tekstong nanghihikayat naman ay kinakailangang makapanghimok sa pamamagitan ng pag-apela sa damdamin.

Tekstong NanghihikayatTekstong Argumentatibo  • Nakabatay sa opinyon • Walang

pagsasaalang-alang sa kasalungat na pananaw • Nanghihikayat sa pamamagitan ng apela sa emosyon at nakabatay ang kredibilidad sa karakter ng nagsasalita, at hindi sa merito ng ebidensiya at katwiran

 • Nakabatay sa emosyon

 Nakabatay sa mga totoong ebidensiya  May pagsasaalang-alang sa kasalungat na

pananaw

 Ang panghihikayat ay nakabatay sa katwiran at mga patunay na inilatag  Nakabatay sa Iohika

 Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng mabisang tekstong argumentatibo ang pagkakaroon ng pokus sa pamamagitan ng maayos na paghahayag ng tesis nito. Dapat itong nakasaad sa malinaw na pangungusap at napaninindigan sa pamamagitan ng mga ebidensiyang batay sa katotohanan.

 Pinakamahalagang elemento ng tekstong argumentatibo ang malinaw na paghahayag ng tesis nito. Nilalagom sa tesis ang posisyon ng may-akda tungkol sa isang usapin na sinusuportahan ng mga ebidensiya na hindi bababa sa tatlong suportang detalye. Ito ang rnagsisilbing argumento ng teksto. May mga pagkakataon na hindi ito tahasang nakahayag bilang isang pangungusap ngunit ipinahihiwatig ng lahat ng suportang pahayag tungkol dito. Tumitibay ang argumento ng isang teksto sa pamamagitan ng mga suportang pahayag na naglalaman ng mga ebidensiya o patunay ng argumento. Ang mga impormasyong ito ay dapat na hango sa katotohanan kung kaya nangangailangan ng masusing pananaliksik para maisulat. Maaari itong mga estatistika, anekdota, mga nabasa sa mga nailimbag na sanggunian, at iba pa. Dapat lang na komprehensibo ang pagtalakay sa bawat ebidensiya at sapat para suportahan ang paghahayag ng tesis. Ang pagtalakay sa mga ebidensiya ang nagsisilbing katawan ng tekstong argumentatibo kung kaya mahalagang organisado, mapagkakatiwalaan ang sanggunian, at lohikal ang nilalaman nito.

 Ang mga kasanayan sa pagbasa, na madalas nagagamit kapag nagbabasa ng tekstong argumentatibo ay ang kakayahang matukoy ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan at masuri kung balido o hindi ang ideya o pananaw. Mahalagang kasanayan ng isang manunulat ang pagtukoy sa mga lihis na pangangatwiran ng isang argumento. Ang lihis na pangangatwiran ay isang estratehiya sa argumento upang malinlang ang katunggali upang hindi makita ang linaw at katotohanan ng isang pahayag.

 Narito ang listahan ng mgalcaraniwang uri ng Lihis na Pangangatwiran o Fallacy sa Ingles. 

 1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter) - Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong kausap.

 Halimbawa:

 • Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan dahil iba ang kaniyang relihiyon at mukha siyang terorista.

 • Bakit ko sasagutin ang alegasyon ng isang abogadong hindi magaling at tatlong beses umulit ng bar exam? 

 2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng puwersa o pananakot): 

 Halimbawa:

 • Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog sa dagat-dagatang apoy. • Bata: Bakit ko pa kailangang pag-aralan pati ang mga paksang hindi pa namin tinatalakay?

 Magulang: Kapag hindi mo yan pinag-aralan, papaluin kita. 

 3. Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng awa o simpatya) — Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.

(3)

 Halimbawa:

 •"Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang akong anak-mahirap. Inaalipusta at minamaliit ako ng aking mga kalaban. Ang gusto ko lamang ay maglingkod. Ako lamang ang nakauunawa sa kalagayan ninyo ngunit patuldy ang paninira nila sa akin ng mga bagay na walang katotohanan.

 • "Ma'am, ipasa ninyo na po ako. Kailangan ko pong makapagtapos dahil ako na lang ang inaasahan sa aming pamilya. Kailangan ko na pong magtrabaho para mapagamot ang nanay ko na may TB dahil karpintero lang po ang trabaho ng tatay ko, at pinag-aaral pa po ang apat kong batang kapatid."

 4. Argumentum ad Numeram (Batay sa dami ng naniniwala sa argumento) Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng naniniwala rito.

 Halimbawa:

 Marami akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero wala silang diabetes kaya naman hindi ako naniniwalang masama ito sa kalusugan.

 Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung magsinungaling paminsan-minsan.

 5. Argurmentum ad Igonarantiam (Batay sa kawalan ng sapat na ebidensiya) Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali o tama ang pahayag.

 Halimbawa: 

 • Wala pa namang tumututol sa bagong patakaran ng pagsusuot ng uniporme, samakatuwid, marami ang sumasang-ayon dito.

 • Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay, alam na alam na nila ang aralin at handa na sila sa mahabang pagsusulit.

 6. Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay ng dalawang pangyayari) - Ang pangangawiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang pangyayaring ito.

 Halimbawa:

 • Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging mataas ang benta ko.

 • Ang mga batang tulad nina CJ de Silva at Shaira Luna ay gifted child dahil uminom sila ng isang uri ng gatas. Kaya naman ang lahat ng batang iinom ng gatas na iyon ay paniguradong magiging gifted child din. 

 7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa Pagkakasunod ng mga Pangyayari) — Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod na pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na pangyayari.

 Halimbawa:

 • Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

 • Talo na naman ang Tamaraw. Nanood kasi ako, eh. Sa tuwing nanonood ako ng laro nila ay lagi na lamang silang natatalo.

 8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan) Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag. 

 Halimbawa:

 • Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw manamit ang bokalista.

 • Magagaling na doktor ang mga magulang ng batang iyan. Tiyak na magiging isang magaling na dokor din siya pagdating ng araw.

9. Paikot-ikot na pangangratwiran (Circular Reasoning) - Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw nap unto.

(4)

 • Hindi ako nakarating sa pulong dahil lumiban ako nang araw na iyon.

 • Ang Bibliya ay mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng Diyos ay nasa Bibliya. 

10. Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization) - Paggawa ng panlahatang pahayag o kongklusyon batay lamang sa iilang patunay o katibayang may kinikilingan. Bumubuo ng argumento nang walang gaanong batayan.

 Halimbawa:

 • Nang minsan akong dumaan sa lugar na iyan ay nadukutan ako. Kaya huwag kang mapapagawi diyan dahil pawang mandurukot ang mga nariyan.

 • Masarap magluto ang kusinera naming Bisaya. Magagaling talagang magluto ang mga Bisaya. 

 Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Argumentatibo 

 Narito ang ilang mahalagang tanong na maaaring gamiting gabay sa pagbabasa ng tekstong argumentatibo.

Paghahayag ng tesis at balangkas ng teksto  • Paano sinimulan ang teksto?

 • Angkop ba sa paksa at tono ng isinusulat?

 • Nakakukuha ba ng interes ng mambabasa ang panimulang bahagi ng teksto?

 • Ano-anong impormasyon ang ibinigay na nakatulong para lalong maunawaan ang argumento ng may-akda?

 • Ano ang ipinahahayag ng tesis?

 • Ano ang ipinahahayag na panig at mga inilahad na ebidensiyang susuporta rito?  • Nakaayos ba ang katawan ng teksto at natatalakay ang bawat ebidensiyang binanggit?

Tibay ng argumento

 • Ano-ano ang suportang detalye at karagdagang impormasyong ginamit upang talakayin ang bawat ebidensiyang binanggit?

 • Ano-anong impormasyong batay sa estatistika, pananaliksik, at karanasan ang ibinigay ng teksto bilang karagdagang detalye sa pagtalakay ng mga ebidensiya?

 • Sa ano-anong uri ng sanggunian nagmula ang mga batayang ito?

 • Nakatulong ba ang mga detalyeng ito na pagtibayin ang talakay sa ebidensiya?  • Mayroon bang ipiriahayag na lihis na pangangatwiran ang teksto?

Bisa ng panghihikayat na teksto.

 • Matapos ilahad ang mga ebidensiya, rbuli ba. itong nal.agom sa bandang wakas ng teksto?  • Anong reaksiyon o aksiyon ang nilalayong makuha mula sa mambabasa?

 • Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng panghihikayat upang makumbinsi ang mga mambabasa?

 • Nahikayat ka ba o ang target na mambabasa at nahimok na kumilos o napaniwala ng teksto? Paano? 

Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

 Bago pa man sumulat ng tekstong argumentatibo, mahalagang suriin muna nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin. Magsaliksik at humanap ng mga ebidensiyang batay sa katotohanan at/o ginawan ng pag-aaral. Kung kailangang mamili ng panig o paksa, ang mga nasaliksik na impormasyong ito ang gawing batayan sa pagpili ng panig na susuportahan.

 Ang pinakasimple at diretso sa puntong balangkas ng tekstong argumentatibo ay binubuo ng limang bahagi. Una ang introduksiyon, kasunod ang tig-iisang talakay ng bawat ebidensiya, at panghuli ang kongklusyon.

(5)

 Dahil naglalayon din ang tekstong argumentatibo na manghimok, mahalaga na sa introduksiyon pa lang ay makuha na ang atensiyon at interes ng mambabasa tungkol sa paksa. Ito ang tinatawag na panghikayat ng isang sanaysay. Bahagi pa rin ng introduksiyon pagkatapos ng panghikayat ang pagbibigay ng pang-unang impormasyon tungkol sa paksa sakaling mangailangan ng pagpapaliwanag o pagbibigay ng karagdagang impormasyon sa mambabasa para lubusan nilang i-naunawaan ang nilalaman ng isusulat. Dito rin maaaring talakayin ang "pinanggagalingan" ng may-akda kung bakit niya naisipang bumuo ng argumento at igiit ang kaniyang panig. Bilang bahagi pa rin ng introduksiyon, sunod na dapat ipahayag ang tesis para maipabatid sa mga mambabasa ang patutungkulan ng kaniyang argumento.

 Sa pagsulat ng tekstong argumentatibo, pinakamahalagang unang mabuo ang pahayag ng tesis ng teksto. Kailangang malinaw na isaad nito ang posisyon o panig ng argumento at ang mga pangunahing ebidensiya na susuporta sa argumentong ito. Hindi dapat bumaba sa tatlo ang ibibigay na ebidensiya bilang suporta sa argumento.

 Kasunod ng introduksiyon ang katawan ng teksto. Dito tatalakayin ang bawat ebidensiyang sumusuporta sa argumento. Maglaan ng isang bahagi para sa pagtalakay ng bawat ebidensiya. Sa pagtalakay ng bawat ebidensiya ay kinakailangan pa ring magtampok ng pamaksang pangungusap at maaayos na suportang detalye. Maaaring gumamit ng retorika upang makadagdag sa elemento ng panghihikayat ngunit tandaang hindi nito dapat masapawan ang mga ebidensiya na batay sa katotohanan. Magagawa ito sa pamamgitan ng pagbibigay ng mga datos tuiad ng estatistika, mga resulta ng pag-aaral o pananaliksik, at iba pang impormasyorig pawang katotohanan. Siguruhin ding hindi masasamahan ng lihis na pangangatwiran ang talakay.

 Panghuli ay ang kongklusyon ng teksto upang lagumin ang mga pangunahing punto upang muling ipaalala sa mga mambabasa. Pag-isipan kung paano "isasara" ang teksto nang mag-iiwan ng impresyon sa mga mambabasa at tuluyan silang mahikayat na umaayon sa panig ng may-akda.

 

Referensi

Dokumen terkait

Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.. DALOY NG

estudyante na hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin, bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan tulad ng mga karunungang bayan, tula, dula at maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Katutubo,

Aalamin ng pag-aaral na ito ang lawak ng kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino.Sasagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang profile ng mga guro sa Mataas na Paaralan ng

At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang

Sa pag-aaral na tulad nito, hindi lamang salita o wika ang binusisi ng mananaliksik kundi maging ang kahulugan o silbi ng tula kaya may kiling ang

Batay dito, masasabi nating ang pag-aaral ay isang dahilan kung bakit nahahapo ang isang mag-aaral sapagkat ‘di lamang ang mga pangangailangan ng pag-aaral ang nakakabit dito

Maraming iskolar ang nagkakaroon ng mataas na interes sa pag-aaral ng mga panitikan ng Mindanao. Ito ay dahil sa tila kakaunting impluwensiya ng maka-Kanlurang kultura dito. Dahil