• Tidak ada hasil yang ditemukan

module filipino grade 8

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "module filipino grade 8"

Copied!
391
0
0

Teks penuh

(1)
(2)

2

BILANG NG MODYUL: 1

MODYUL 1:

SALAMIN NG KAHAPON…

BAKASIN NATIN NGAYON

BILANG NG SESYON: 7 LINGGO

PAALALA:

Ang Gabay ng Guro na ito ang magsisilbing tanglaw ng mga guro ng Baitang 8. Ito ay naglalaman ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at mga

estratehiya na maaring gamitin ng guro sa kaniyang pagtuturo. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa limang araw na pagtuturo sa loob ng 50 minuto bawat sesyon.

Inaasahan na ang gabay na ito na makatutulong sa guro ang paggamit nito. Gayundin, hinihikayat na higit na pagyamanin ng mga guro ang mga mungkahing gawain na nakapaloob dito upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin.

Modyul Para sa Sariling Pagkatuto

I. Panimula at mga Pokus na tanong

Pamantayang Pangnilalaman

Para sa Kabuuan ng Modyul 1

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa nilalaman, implikasiyon at kahalagahan ng mga akdang pampanitikan bago pa man dumating ang mga Espaῆol hanggang sa Panahon ng Hapon.

Pamantayan sa Pagganap ng

Modyul 1

Ang mga mag-aaral ay makabubuo ng scrapbook ng mga orihinal na akdanmg pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo, Espanol at Hapon

Pokus na Tanong

Bakit mahalagang kilalanin at unawain ang mga akdang pampanitikang lumaganap sa mga tiyak na panahon?

Mahahalagang Pag-unawa

Mahalagang kilalanin at unawain ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa mga tiyak na panahon sapagkat dito masasalamin ang kultura ng

mamamayan ng isang bansa tulad nating mga Pilipino . Makikilala rin ang mga

Gabay sa Pagtuturo

Nakapaloob sa bahaging ito ang Pamantayang Pangkalahatan

na pinagbatayan ng mga araling saklaw ng Modyul 1- Salamin

ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon. Bigyan ng pansin ng guro

ang mga pokus na tanong na pagtutuunan sa kabuuan ng

modyul upang malinang ng mag-aaral ang Kakailanganing

Pag-unawa.Gayundin, kailangang matukoy ng guro sa unang araw

pa lamang ang inaasahang pagganap na kailangang

maisakatuparan ng mag-aaral pagkatapos pag-aralan ang

kabuuan ng Modyul 1 nang sa gayon makapaghanda ang

mag-aaral.

(3)

3

Paano nakaapekto ang iba‟t ibang panahon sa kalagayang panlipunan na masasalamin sa mga akdang pampanitikan?

halimbawang akdang pampanitikan at mga manunulat na Pilipino na ating maipagmamalaki .

Ang pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa at pag-iral ng makasaysayang tagpo ay mga bagay na masasalamin sa mga akdang pampanitikan . Malaki ang epekto ng mga pangyayari at tagpong ito sa bansa dahil sa magkakaibang anyo o porma ng pananakop at pamamahala ng mga dayuhan gayundin kahit ang

pamamahala ay nasa kamay ng ating kababayan. Kaya kung nais mong makilala ang isang bansa, pag-aralan mo ang kaniyang panitikan.

II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO

Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang-bayan

( Salawikain, Sawikain at Kasabihan ) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing

Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat

“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio

b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

Nakapaloob sa bahaging ito ang mga araling pampanitikan at

panggramatika na saklaw ng Aralin 1.1- Panitikan sa Panahon ng

Katutubo, Aralin 1.2- Panitikan sa Panahon ng Español at Aralin

1.3- Panitikan sa Panahon ng Hapon. Nakatala din dito ang mga

akdang babasahin sa bawat araling nabanggit.

(4)

4

Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko

“Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan

Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula

“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay

“Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku

b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa

Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento

“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Aralin 1.1 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang-bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng Katutubo upang maunawaan ang

kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito at mapahalagahan ang kultura ng lahing ating pinagmulan.

Ang bahaging ito ay kinapapalooban ng mga inaasahang bunga na

dapat matamo ng mag-aaral pagkatapos mapag-aralan ang bawat

aralin sa buong Modyul 1.

(5)

5

Aralin1.2– Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa karagatan,duplo,tula at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga Español, partikular sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.

Aralin 1.3 - Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga at haiku, at maging sa maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon upang iyong mapahalagahan ang ilang kulturang naibahagi ng bansang ito sa ating bansa.

II. INAASAHANG MGA KASANAYAN

MODYUL 1: Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon

Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan

Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto / diskursong pinakinggan.

Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging maka totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan

Nakikinig nang may pag-unawa upang:

 mailahad ang layunin ng napakinggan  masagot ang mga tiyak na tanong  maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay

ng mga pangyayari

 masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari  mapatunayan ang kawastuan ng mga

impormasyon batay sa sariling karanasan Pagsasalita

Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng:

Nakapaloob sa bahaging ito ang mga kakayahan at kasanayan

na dapat malinang ng mag-aaral sa kabuuan ng pag-aaral ng

Modyul 1.Inaasahan na sa bawat aralin ay maisasagawa ng

mag-aaral ang mga kasanayan sa bawat domain. Sa kabuuan,

mayroong 8 domain ang Filipino Grade 8.

(6)

6

 dalawang uri ng paghahambing  mga Pang-abay

 pamanahon  panlunan  pamaraan

 mga eupemistikong pahayag  matatalinghagang pahayag

Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong:

 nagpapaliwanag  nangangatuwiran  nagsasalaysay  naglalarawan

Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian ng mga tauhan sa akda

Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig

Pag-unawa sa Binasa

Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito:  karunungang-bayan  alamat  epiko  karagatan  duplo  tula  sanaysay  maikling kuwento

Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin na may kaugnayan sa paksa

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:

(7)

7

 pagkilala sa kahulugan ng mga salita

 kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan  talinghaga

 pagbibigay ng hinuha batay sa:  mga ideya/pangyayari sa akda  dating kaalaman kaugnay sa binasa  pag-uugnay ng akda sa:

 sarili  kapaligiran  ibang tao

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may akda

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasangakda/teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto

nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto  nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan

o ideyang nakapaloob sa akda/teksto Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng:

 pagpili ng lohikal na wakas  paggawa ng sariling wakas  pagbabago ng wakas

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan

(8)

8

Pagsulat

Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung:

 totoo o hindi totoo

 may pagbabatayan o kathang-isip lamang

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/tekstong binasa at ng:

 pamantayang pansarili o sariling karanasan  pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang

babasahin

Nagagamit ang iba‟t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:  paghahawig o pagtutulad

 depinisyon  pagsusuri

Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang:

 kaakit-akit na pahayag  anekdota

 serye ng tanong Nakasusulat ng talata na :

 binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan

 nagpapakita ng bahagi nito  Simula

 Gitna  Wakas

Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng :

 pagbubuod

 makabuluhang obserbasyon  pangunahing kaisipan  pantulong na kaisipan

(9)

9

Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba‟t ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay.

Nagagamit ang iba‟t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa tulad ng:  depinisyon  paghahalimbawa  pagsusuri  paghahawig o pagtutulad  sanhi at bunga Tatas

Naipapamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan Sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo

Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon ( media literasi) Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan at pagkakataon

Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad.

Pakikitungo sa Wika at Panitikan

Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood, nabasa o napakinggan

Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga gramatika /retorika at iba‟t ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral

Estratehiya sa Pag-aaral

Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin

(10)

10

Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Pananaliksik

Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang :

 tuwiran  di-tuwiran

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba‟t ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na impormasyon sa pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet

(11)

11

IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Salamin ng Kahapon… Bakasin natin Ngayon

Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo

1.1.1 Panitikan: Karunungang-bayan (salawikain, sawikain at kasabihan) Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing

1.1.2 Panitikan: Alamat: “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio

Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

1.1.3 Panitikan: Epiko: “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo

Wika: Pang-abay na Pamaraan

Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español 1.2.1 Panitikan: Ang Karagatan at Duplo

Wika: Mga Eupemistikong Pahayag

1.2 .2 Panitikan: Tula: “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 1.2. 3 Panitikan: Sanaysay: “Ang Katamaran ng mga Pilipino”

ni Dr. Jose P. Rizal

Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon 1.3.1 Panitikan: Tanaga at Haiku

Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 1.3.2 Panitikan: Maikling Kuwento

“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng grapikong presentasyon ng

buong Modyul 1. Nakapaloob dito ang mga araling pampanitikan

at panggramatika na saklaw ng bawat aralin. Ipinakikita din sa

bahaging ito ang mga akdang gagamitin bilang lunsaran sa

pagtalakay ng bawat aralin.

(12)

12

Gagabayan ka ngilang paalaala sa mgadapat mong gawin.

1. Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo nauunawaan. 2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain.

3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyong kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko.

4. Alamin ang iba‟t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad

5. Subuking bumuo ng iba‟t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon.

V. PANIMULANG PAGTATAYA

____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?

a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay

b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na

pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay

c. Ito‟y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.

d. Ito‟y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.

____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa loob ng kahon. Ano ang kapuna-puna sa pangyayari?

a. makatotohanan c. posibleng maganap b. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala

Ang mga nakatala sa bahaging ito ay dapat maisakatuparan ng

mag-aaral habang pinag-aaralan ang Modyul 1. Dapat maibahagi

ng guro ang mga paalalang ito upang higit na magabayan ang

mag-aaral sa pag-aaral ng bawat aralin na nakapaloob dito.

Ang bahaging Panimulang Pagtataya ay susukat sa kaalaman na

taglay ng mag-aaral sa mga araling saklaw ng Modyul 1.

Tunghayan ng guro ang Susi sa Pagwawasto.

1. c

2. d

3. c

4. c

5. a

6. c

7. d

8. c

9. b

10.c

11.

(13)

13

Teksto A

____ 3. Ano ang pinapakahulugan ng salawikaing “ Anoman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”?

a.pakikisama c.

pagkakaisa

b.pagtitiis

d

.pakikipagkapwa

____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendace. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag- aaral. Ano ang iyong gagawin?

a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.

b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral.

c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.

―Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.‖ Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan

―Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.‖ Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at

tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz.

(14)

14

d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan.

____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?

a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang- bayan ng ating panitikan

b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video

_____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga minamahal.Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap?

a. siya c. namatay

b. malayo d. pag-asa

_____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang-turing ng salitang tanghali?

a. palatuntunan c. pawisan b. nagsipagdalo d. nag-umpisa

(15)

15

Basahin ang liham, Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 8-10. Teksto B

____8. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap?

a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon _____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham?

a. lugar b. panahon c. paraan d. pagsang-ayon 1809 Herrera st. Poblacion Lungsod ng Makati Ika- 7 ng Disyembre, 2012

Mahal kong Kaibigan,

Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang , mayroon pang Ibang-iba’t ibang activities saan ka man pumunta.Ganoon pa man, tulad mo ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay . Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon.

Hanggang sa muli.

Ang iyong kaibigan, Noreen

(16)

16

_____10. “Ganoon pa man, tulad mo ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay.” Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan?

a. Pasko b. mahal sa buhay c. sa bahay d. tawagan ---11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat?

a. duplo c. pamanhikan

b. karagatan d. Huego de Prenda

---12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sino mang nahatulang parusahan?

a. Balagtasan c. karagatan b. Batutuan d. duplo

_____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag? a. sumakabilang buhay para sa namatay

b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa c. buto‟t balat para sa payat

d. papatay-patay para sa hipong tulog

_____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu.

a. tula c. dula

b. sanaysay d. maikling kuwento

_____15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay-suporta sa pangunahing ideya?

a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa b. madalas na itinatanong sa pagsusulit

(17)

17

d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya _____16. Paano mo malalaman na haiku ang tula?

a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5

b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6

c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2

d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

_____17. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?

a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong

c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong

_____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama at mga anak

b. may masaganang pamumuhay c. nakatira sa maayos na bahay

d. may pagmamahalan at respeto sa isa‟t isa.

_____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?

a. magiging mapanagutang mamamayan b. magiging sikat na mamamayan.

c. hindi masasangkot sa anomang gulo sa pamayanan d. maayos ang pagpapalaki sa kanila.

(18)

18

_____20. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?

a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina

c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari

VI. YUGTO NG PAGKATUTO

ALAMIN

Nais mo bang mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng panitikan ng ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung paano napanatili at napaunlad ang ating panitikan sa kabila ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa ating bayan.

Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang mga ito, alamin muna natin kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Simulan na natin.

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong :

Maiugnay ang dating kaalaman ng mag-aaral ( prior

knowledge ) sa mga araling nakapaloob sa Modyul 1.

matukoy ang mga konseptong malabo at inaakalang tama

batay sa tugon ng mga mag-aaral.

matulungan ang mga mag-aaral na matukoy ang

mahahalagang pag-unawa/ konsepto sa mga araling saklaw

ng Modyul 1 sa tulong ng mahahalagang tanong .

(19)

19

GAWAIN 1: LARAWAN NG NAKALIPAS

Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na pinagdaanan ng ating panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat panahong nagdaan? Itala ang iyong sagot sa loob ng banner.

Panahon ng Katutbo

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Panahon ng Español

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Panahon ng mga Hapones

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Sa gawaing ito, inaasahan na masusuri ng mag-aaral ang mga

konseptong nais ipabatid ng larawan. Ang larawan ay dapat na

nakapaskil sa pisara at malinaw ang pagkakaguhit nito .

Kailangang masubaybayan ng guro ang mag-aaral sa pagsagot

upang kaniyang matukoy ang mahahalagang konsepto ng panitikan

sa bawat panahon.

(20)

20

Marahil ay nabuo na sa iyong isipan ang saklaw na mga aralin sa modyul na ito. Bago ka pumuna sa susunod na gawain, nais ko munang malaman ang iyong pananaw tungkol sa panitikan.

GAWAIN 2: IPABATID SA BAWAT LETRA

May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano

mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng Akrostik mula sa salitang Panitikan.

P A N I T I K A N

Sikapin ng guro na magabayan ang mag-aaral sa pagbuo ng

Akrostik. Mahalagang ituro sa mag-aaral ang teknik sa pagbuo

ng isang akrostik.

(21)

21

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na binanggit ko na sa panimula pa lamang. Sa pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang ilang araling panggramatika tulad ng Mga Uri ng Paghahambing, Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan, Eupemistikong Pahayag, Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin, at Pagtukoy ng Pangunahin at Pantulong na Kaisipan sa Isang Sanaysay. At bilang patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng awtentikong pagkatuto na iyong magagamit bilang isang responsableng mamamayan sa iyong bayang sinilangan.

Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 1.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong mapaunlad pa ang

dating kaalaman ng mag-aaral sa mga araling saklaw ng Modyul

1. Sa tulong ng mga gawain na nasa bahaging ito, matutulungan

ang mag-aaral na maunawaan ang kabuuan ng Modyul 1, kaya

inaasahan na maitatanong ng guro ang mahalagang tanong para

sa buong aralin.

(22)

22

ARALIN 1.1: PANAHON NG KATUTUBO

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon?

Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang lumipas. Kung gayon , masasabi nating makatutulong para sa atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan.

Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, buhay at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili at pag-unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa susunod na henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay mauunawaan mo sa pag-aaral ng modyul na ito.

Sa araling ito inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain na iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.

Ang Gabay ng Guro na ito ay magsisilbing patnubay ng guro sa

paglinang ng mga kasanayan na saklaw sa Aralin 1 . Nakapaloob dito

ang mga araling pampanitikan at pangwika na tatalakayin ng guro sa

Panahon ng Katutubo.

Sa tulong nito, ang guro ay magagabayan sa kanyang

pagtalakay sa mga paksa na nakapaloob dito.

Makatutulong ang bahaging ito upang malinang ng guro sa

mag-aaral ang mga kakailanganing pag-unawa sa pamamagitan ng

mahahalagang tanong na bibigyang pansin sa bawat bahagi ng

aralin.

Nakapaloob din dito ang mga mungkahing estratehiya na

maaaring magamit ng guro sa pagtalakay ng bawat paksa. Gayundin ,

inaasahan na makakatulong sa guro ang mga mungkahing gawain na

nakapaloob dito upang mabisang maunawaan ng mag-aaral ang

kinakailangang pag-unawa sa kabuuan ng aralin.

(23)

23

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito

Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito:

Aralin 1.1 – PANAHON NG KATUTUBO

Aralin 1.1.1 a .Panitikan : Karunungang – bayan

( Salawikain , Sawikain at Kasabihan ) b. Wika : Dalawang Uri ng Paghahambing

Aralin 1.1.2 a. Panitikan : Alamat

“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 a. Panitikan : Epiko

“Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo b. Wika : Pang-abay na Pamaraan III. Mga Inasahang Kasanayan

Aralin 1.1 Panahon

ng Katutubo

Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan

Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto / diskursong pinakinggan.

Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan

Nakikinig nang may pag-unawa upang:

 mailahad ang layunin ng napakinggan  masagot ang mga tiyak na tanong

Makikita sa bahaging ito ang mga tatalakaying aralin ng guro. Ang

araling pampanitikan ay inangkupan ng araling pangwika na dapat

pagsanibin ng guro sa gagawing talakayan.

Ang guro ay inaasahang maisasakatuparan ang mga kasanayang

dapat linangin ng mag-aaral sa bawat aralin.

Bibigyan ng pansin ng guro ang sumusunod na domain sa paglinang

ng mga inaasahang kasanayan:

Pag-unawa sa Napakinggan

Pagsasalita

Pag-unawa sa Binasa

Pagsulat

Tatas

Pakiktungo sa Wika at Panitikan

Estratehiya sa Pag-aaral

(24)

24

 maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

Pagsasalita

Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng:

 dalawang uri ng paghahambing  mga pang-abay na

 pamanahon  panlunan  pamaraan

Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong:

 nagpapaliwanag  nangangatuwiran  nagsasalaysay  naglalarawan

Pag-unawa sa Binasa

Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa mga katangian nito

Pagbibigay ng wastong hinuha sa:

 Pag-uugali/katangian ng mga tauhan sa akda

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:

 pagkilala sa kahulugan ng mga salita

 kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

 talinghaga

 pagbibigay ng hinuha batay sa:  mga ideya/pangyayari sa akda  dating kaalaman kaugnay sa

(25)

25

binasa

 pag-uugnay ng akda sa:  sarili

 kapaligiran  ibang tao

Naipaliliwanag kung paanong ang mga element ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan

Pagsulat

Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung:

 Totoo o hindi totoo

 May pagbabatayan o kathang-isip lamang

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/tekstong binasa at ng:

 Pamantayang pansarili o sariling karanasan

 Pamantayang galling sa ibang tao o sa ibang babasahin

Nagagamit ang iba‟t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:

 paghahawig o pagtutulad  depinisyon

 pagsusuri

Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang:

 kaakit-akit na pahayag  anekdota

(26)

26

Nakasusulat ng talata na :

 binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan

 nagpapakita ng bahagi nito  simula

 gitna  wakas

Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresyon sa pamamagitan ng :

 Pagbubuod

 Makabuluhang obserbasyon

Tatas

Naipapamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo

Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon ( media literasi) Pakikitungo sa Wika at Panitikan

Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood, nabasa o napakinggan

Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga gramatika /retorika at iba‟t ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral

Estratehiya sa Pag-aaral

Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

(27)

27

Pananaliksik

Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang :

 tuwiran  di-tuwiran

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba‟t ibang pagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na impormasyon sa pananaliksik

IV. Konseptuwal na Balangkas

PANAHON NG KATUTUBO

Karunungang -bayan Alamat Epiko

A. Panitikan -Salawikain -Sawikain -Kasabihan B. Wika Dalawang Uri ng Paghahambing A. Panitikan -Mina ng Ginto Alamat ng Baguio . B. Wika -Pang-abay ( Pamanahon at Panlunan ) A. Panitikan -Tuwaang Epiko ng mga Bagobo .B. Wika -Pang-abay na Pamaraan

Narito ang grapikong presentasyon ng Aralin 1.1 . Sa tulong nito ,

ang guro ay magkakaroon nang malinaw na larawan ng buong

aralin . Makabubuting ipaskil ng guro ang grapikong ito sa unang

araw ng talakayan upang malaman ng mag-aaral ang mga araling

kaniyang pag-aaralan.

(28)

28

V.Panimulang Pagtataya

A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang:

“Karunungang-bayan… Salamin ng Pagka-Pilipino”. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10 puntos)

RUBRIK

PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1)

Kaisahan Tiyak ang pag-talakay sa paksa

Hindi masyadong tiyak ang pag-talakay sa paksa

Hindi natalakay nang wasto ang paksa

Kaugnayan Angkop ang pag-uugnay-ugnay ng mga

pangungusap

Di masyadong angkop ang pag-uugnay-ugnay sa mga pangungusap Walang pag-uugnay-ugnay sa mga pangungusap

Kalinawan May pokus/ tuon sa ideyang nais ipabatid Di masyadong nakapokus sa ideyang nais ipabatid Walang pokus/tuon sa ideyang nais ipabatid

B. Bumuo ng sariling wakas ng akda ng “Ang Alamat ng Kasoy”. Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos)

Sa bahaging ito, matataya ng guro ang antas ng kaalaman ng

mag-aaral sa mga araling nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 1.1 : Ang

Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Para sa pagwawasto ng Gawain A,

pagbatayan ng guro ang rubrik na nakalaan para sa pagsulat ng

talata. Sa Gawain B, pagbatayan ang pamantayan. Sa Gawain C

naman, bigyan ng puntos sa pagwawasto ang sumusunod : kalinawan

ng salaysay , maayos ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari at

kawastuhan ng paggamit ng mga pang-abay ( panlunan, pamanahon

at pamaraan)

(29)

29

PAMANTAYAN:

Kaangkupan - Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga pangyayari

Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari

Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng mambabasa

Ang Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang

kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot. "Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako,

nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan." Naulinigan ng makapangyarihang Ada ang himutok ng Buto.

"Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?" "Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko.

Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito."

(30)

30

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.

C.Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong.Isaalang-alang sa

pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan. Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel. (10 puntos)

HANDIONG Epiko ng Bicol

(Salin sa Tagalog ni J. Arrogante) VIII

Ang Kabikolan ay isang lupain

Patagang mayaman sa mga baybayin Sa buong daigdig pinakamarikit Sagana sa butil, aming nakakamit. IX

Si Baltog ang lalaking kauna-unahang Naninirahan sa dakilang patagan Nagmulang Botavara,

(31)

31

X

Nang ito‟y kaniyang masukol, Sa sibat ito‟y nasapol

At sa brasong Herkules sa lakas Ang panga ng hayop ay nangagkapilas. XI

Bawat panga‟y sukat Sa habang sandipa

Dalawang katlo ang mga pangil Nang tanganan ng kaniyang sibat. XII

At siya‟y umuwi sa kanilang lupain Ang dalawang panga‟y kaniyang binitin Sa puno ng isang talisay

Sa Tondo, malapit sa bahay.

Ang ginawa mong pagsagot sa panimulang pagtataya ay makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 1.1 - Panitikan sa Panahon ng Katutubo.

(32)

32

VI.Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong

kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng Katutubo. Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman

.

GAWAIN 1.1.1.a: Tugon sa Pagkatuto

Basahin mo ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA.

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong :

maiugnay ang dating kaalaman ng mag-aaral ( prior

knowledge )

matukoy ang mga konseptong malabo at inaakalang tama

batay sa tugon ng mga mag-aaral.

matulungan ang mga mag-aaral na matukoy ang

mahahalagang pag-unawa sa tulong ng mahahalagang

tanong

(33)

33

ANTICIPATION- REACTION GUIDE

Bago Bumasa Mga

Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Kailanman, Hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Bago pa man dumating ang mga Español ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno.

Sumasang-ayon

Di sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di sumasang-ayon

Ang epiko, alamat at mga karunungang -bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Español.

Sumasang-ayon

Di sumasang-ayon

Nakalahad sa loob ng

Anticipation-Reaction-Guide ang mahahalagang konsepto ng mga

sumusunod na paksa:

Karunungang bayan

Alamat

Epiko

Sa bahaging ito, tatayain ng guro ang kaalaman

ng mag-aaral sa mga paksang saklaw ng aralin

1.1. Makatutulong sa pag-aaral ng mag-aaral

kung mayroong kopya na maibibigay ang guro

nang sa gayon sa proseso ng pag-aaral ay

nakikita ng mag-aaral ang kaniyang naging

tugon, kung ito’y tama o mali.

Karagdagang Impormasyon

Ang ginamit na Anticipation-

Reaction Guide ay kilala bilang

Map of Conceptual Change .Ilan

sa mga graphics na maaaring

gamitin bilang Map of

Conceptual Change :

IRF Worksheet

Generalization Table

KWHL Sheet

In the box…

Out of the box…

(34)

34

Sumasang-ayon

Di sumasang-ayon

Napatunayan ng mga Español na ang ating mga ninuno ay hindi mahiligin sa tula, awit, kuwento, bugtong at palaisipan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi sumasalamin sa panahon kung kailan isinulat ito.

Sumasang-ayon

Di sumasang-ayon

Matapos mong masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling iyong pag-aaralan ?

GAWAIN 1.1.1 b : Likas- Katutubo

Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Kastila. Gawin sa sagutang papel.

Ang gawaing ito ay makatutulong sa guro na

mataya ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa

mga unang taong nanirahan sa Pilipinas na

may malaking impluwensiya sa panitikang

Pilipino.

Ang guro ay maaaring gumamit ng sarili

niyang estratehiya upang maisakatuparan ang

Gawain 1.1.1.b

Karagdagang impormasyon

Narito ang pagkakasunod-sunod

ng mga naunang nanirahan sa

Pilipinas:

1. Negrito 4. Intsik

2. Indones 5. Bumbay

3. Malay 6. Arabe at Persiyano

Pagkatapos sagutin ng mag-aaral ang ARG,

ang guro ay magtatanong kung alin sa mga

konsepto ang kaniyang sinasang-ayunan.

Kailangang makapagbigay ng paliwanag ang

mag-aaral sa bawat naging tugon niya.

Sa paglalahad ng

konsepto, hindi kinakailangang

tama ang lahat ng ito. Ang guro

ay maaaring pumili ng konsepto

sa aralin na sadyang ilalahad

nang may kamalian upang tiyak

na mataya ang antas ng

(35)

35

Nakatutuwang isipin na nagawa mong sagutin ang gawain. Ngayon, iyo namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang inambag na nagging tulay upang masilayan natin ang tradisyon, paniniwala at kaugalian ng lahi na ating pinagmulan.

Gawain 1.1.1.c : I-Q nek

Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Negrito Espanyol Indones i Malay Arabe Amerikano

Mga Kagamitan:

larawan, flashcard ( nakasulat

ang pangalan ng ating mga

ninuno)

Sanggunian

Aklat:

Panitikang Kayumanggi pp. 1-4

Kailangang maipakita ng guro ang

presentasyong ito. Ang guro ay kailangang

maghanda ng mga larawan upang maganyak ang

mag-aaral sa gawain. Sikapin ng guro na

maipaliwanag ng mag-aaral ang naging sagot sa

gawaing ito. Huwag hayaan ng guro na iwan

ang gawain ng hindi siya nakapagbibigay nang

wastong impormasyon . Makatutulong sa

mag-aaral kung magbibigay ang guro ng mga

karagdagang impormasyon. Tunghayan ng guro

ang nakatalang karagdagang impormasyon na

nasa loob ng kahon para sa gawaing ito.

(36)

36

nobela

maikling kuwento Karagatan pasyon

awiting bayan Alamat moro-moro Kurido Haiku

Tanaga Mito epiko dula Timpalak Palanca

Komiks Magasin salawikain panradyodulang blog

duplo Palaisipan kasabihan sawikain bugtong

Tulang dula pelikula Dulang Pantelebisyon

sarsuela

Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.

Karagdagang impormasyon

Ang mga halimbawa ng

karunungang bayan na

lumaganap sa Panahon ng

Katutbo:

Awiting byan

Alamat

Mito

Epiko

Salawikain

Kasabihan

Sawikain

Karagdagang Impormasyon

Ang mga karunungang-bayan na

lumaganap sa Panahon ng

Katutubo ay ang sumusunod:

Awiting-bayan

Alamat

Mito

Epiko

Salawikain

Kasabihan

Sawikain

Bugtong atbp.

Matapos mataya ng guro ang kaalaman ng

mag-aaral sa mga unang taong nanirahan sa

Pilipinas, sa Gawain 1.1.1.c ay tatayain

naman ng guro ang kaalaman ng mag-aaral sa

naging impluwensiya ng ating mga ninuno sa

panitikan. Kailangang maipakita ng guro sa

mag-aaral ang graphic organizer na ito.

Tiyakin ng guro na tama ang mga sagot ng

mag-aaral. Makatutulong sa guro ang

karagdagang impormasyon na nakatala sa

kahon sa bahaging ito.

(37)

37

Tama! Payak ang pamumuhay noon ng mga

sinaunang Pilipino. Sa kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya at payapa. Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga karunungang-bayan.

Sa bahaging ito , nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Español ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay may malaking impluwensiya sa mga

Ang guro ay magbibigay ng ilang pangyayari o

sitwasyon noong unang panahon kung paano

nakatulong ang mga karunungang bayan sa

ating mga ninuno bilang panimula sa pagtalakay

ng paksa.

( Maaari ding magpanood ang guro sa bahaging

ito kung may makukuhang panoorin hinggil sa

buhay ng mga sinaunang Pilipino)

Mga Kagamitan:

(38)

38

Pilipino sa iba‟t ibang panahon.

Sa Aking Mga Kabatà (Jose Rizal)

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, At ang isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kayâ ang marapat pagyamaning kusà

Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin

Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una.

Ang tulang “Sa Aking mga Kabata” ni Dr. Jose

Rizal ay gagamitin ng guro bilang lunsaran para

sa presentasyon ng paksang tatalakayin. Ang

tula ay dapat nakasulat sa manila paper .

Kailangang nakapaskil ito sa pisara upang

pagbatayan ng mag-aaral para sa susunod na

gawain. Sikapin din na maipabasa ito nang

malakas sa mag-aaral. Para sa karagdagang

impormasyon na ibabahagi ng guro sa

mag-aaral tungkol sa tula, tunghayan ng guro ang

kahon na nakatala ang karagdagang

impormasyon.

Karagadagang Impormasyon

Ang Sa Aking Mga Kabata ay

isang tula na nakasulat sa wikang

Tagalog tungkol sa pag-ibig ng

isang tao sa kanyang katutubong

wika. Madalas na pinapalagay na

ginawa ito ni Jose Rizal, ang

Pambansang Bayani ng Pilipinas

at sinasabing naisulat niya noong

1869 sa gulang na walong taon at

unang tulang ginawa ni Rizal.

Bagaman, may ilang mga

dalubhasa sa kasaysayan na

nagsasabing walang patotoo na si

Rizal ang may-akda ng tula at

panlilinlang ito. Pinaghihinalaan

ang mga makatang sina Gabriel

Beato Francisco o Herminigildo

Cruz ang tunay na may-akda.

Kagamitan: kopya ng tula

sanggunian:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Sa_

Aking_Mga_Kabata

(39)

39

GAWAIN 1.1.1.d : Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay mo ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

.

Palawakin pa natin ang iyong kaalaman hinggil sa paksa. Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa tulong ng mga angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito.

3.naggawad kahulugan:

___________

___________

__

1.kabagay kahulugan: ______________ _ 2.maalam kahulugan: _____________ _______ 4.sigwa kahulugan: _____________ ___________ 5.lunday kahulugan: _____________ _____

Sa bahaging ito, malaya ang guro sa

estratehiyang gagamitin para sa paglinang ng

talasalitaan. Maaari ding gumamit ang guro ng

iba pang tsart para sa presentasyon ng gawaing

ito. Matapos maibigay ng mag-aaral ang

wastong kahulugan sa bawat salita, gamitin ito

sa pangungusap. Makatutulong sa guro ang

kasagutan na nakatala sa loob ng kahon na nasa

kaliwang bahagi.

Paglinang ng Talasalitaan

1.Kabagay- kaparis;

kasang-ayon

2.maalam- marunong;

nakatatalos

3.naggawad-naghandog

4. sigwa-unos; bagyo

5.lunday- bangka

(40)

40

GAWAIN 1.1.1.e : Sa Antas ng iyong Pag-unawa

1.Suriin mo ang tula . Tukuyin mo ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad mo ang tiyak na kaisipan na nais nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat.

2. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang-bayan sa kaniyang tula, ikaw bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno?

Ang mga gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang kasabihan bilang karunungang-bayan ay kinapapalooban ng mensahe na magagamit sa buhay.

Sa Aking Mga Kabata

KASABIHAN __________________ __________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________

KAISIPAN

Ang guro ay malayang gumamit ng iba pang grapiko para sa

gawaing ito. Hikayatin ng guro ang mag-aaral na magbigay

ng iba pang halimbawa ng kasabihan upang makatutulong sa

labis na pag-unawa ng mag-aaral sa paksa.

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

Ang tugon ng mag-aaral para sa gawaing ito ay dapat nasa

anyong patalata. Kailangang makapagbigay ang guro ng panuto

tungkol dito. Maaari din namang magpagawa ang guro ng iba

pang gawain na magpapakita ng paggamit ng mag-aaral sa mga

nakilalang karungungang-bayan.

(41)

41

Gayundin naman ang iba pang karunungang-bayan tulad ng salawikain at sawikain/ kawikaan.Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon .

ALAM MO BA NA...

KARUNUNGANG-BAYAN Kasama sa kabang-yaman ng

karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang mga Espaῆol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Mga Halimbawa:

Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan

Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan “A wattu langan a kuruga mariga “Ing taung mapibabata’

Tattolay nga minagimamma .” Dasan na ing sablang buring ( Ibanag) na.” (Pampango)

“Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga Sa taong matiyaga. Natutupad ang ninanasa.

Ugnay-Panitikan

Sa bahaging ito magbibigay ng input ang guro tungkol sa

mahahalagang konsepto ng paksa. Ang paggamit ng angkop

na estratehiya sa pagtalakay ng aralin ay iminumungkahing

gawin ng guro.Makatutulong din sa kanya ang paggamit ng

mga kagamitang pampagtuturo.

(42)

42

Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa:

parang natuka ng ahas- natulala tandaan mo sa bato- pakatandaan malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Mga Halimbawa:

Tulak ng bibig Kasama sa gayak Kabig ng dibdib. Di kasama sa lakad.

Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya

Utos pa sa daga Bukas nakatunganga

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

3.Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain at kasabihan.Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat.

1. Ang magtanim ng hangin,

4. . Maitim ang gilagid.

Bagyo ang aanihin

2. Itaga mo sa bato.

5. Ang taong walang kibo

Nasa loob ang kulo.

3. Kasama sa gayak,

6. Ubos-ubos biyaya,

Di kasama sa lakad.

Bukas nakatunganga.

Maaaring dagdagan ng guro ang mga nakatalang salawikain, sawikain

at kasabihan sa gawaing ito.

(43)

43

Salawikain Sawikain Kasabihan

1. 2. 1. 2. 1. 2.

Madali mo bang nakilala ang salawikain, sawikain at kasabihan? Nakilala mo ba ang mga ito dahil sa taglay nilang mga katangian? Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga ito, makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan pa ang iyong kaalaman hinggil dito.

4. Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat.

Karunungang bayan

salawikain sawikain kasabihan

Taong nanunuyo Dala-dala’y bukayo Kahulugan:

____________

____________

____

Itaga mo sa bato Kahulugan:

______________

______________

______________

___

Malakas ang loob Mahina ang tuhod Kahulugan:

____________

____________

Sikapin ng guro na makagawa ang bata ng tsart upang doon itala ng

mag-aaral ang mga salawikain, sawikain at kasabihan na inihanay.

Hinihikayat ang guro na gamitin ang tsart na

ito para sa presentsyon ng gawain.

Karagdagang Impormasyon:

Madalas magkarooon ng

misconception ang tatlong

karunungang bayan kaya

ma-halagang maipaghambing ito

upang maging malinaw ang

kani-kanilang katangian at

gamit.

(44)

44

5.Batay sa iyong sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan.Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Sa tulong ng mga gawain na inilaan ng modyul na ito ay maaari mo nang maisantabi ang maling pag-unawa sa salawikain, sawikain at kasabihan.

Ngayon ay nagawa mong paghambingin ang salawikain, sawikain at kasabihan. Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao, bagay , pangyayari, ideya at iba pa, kailangan ang isang maayos na paghahambing .

Ang aralin na ito ay naglaan ng mga gawain upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa paghahambing.

A Katangian ng B bawat isa C D- Pagkakatulad ng tatlo D

Ang paggamit ng ganitong klaseng Venn

Diagram ay kailangang malinaw sa mga

mag-aaral. Kailangan tukuyin ng guro kung saan

itatala ng mag-aaral ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng salawikain, sawikain at

kasabihan

Sa bahaging ito, inaasahan na ang guro ay

magbibigay nang pahapyaw na paglalahad sa

araling panggramatika.

(45)

45

6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng paghahambing. Isulat sa papel ang sagot.

Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin rin ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako.Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.

Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.

Pagkatapos mong sagutan ang gawain, nadagdagan ba ang iyong kaalaman sa ating pinag-aaralang araling panggramatika ? Sa araling ito , malalaman mo kung

paano susuriin ang antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. Mabuting basahin at unawin mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

Sagot:

Mga pangungusap na napapakita ng paghahambing

1.____________________________________________________________________________________________________________ 2.____________________________________________________________________________________________________________ 3.____________________________________________________________________________________________________________ 4.____________________________________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________________________________

(46)

46

ALAM MO BA NA…

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 1. Paghahambing na magkatulad

- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng

mga panlaping kasing, sing, magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa at pareho.

2. Paghahambing na di-magkatulad

- Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.

May dalawang uri ito:

2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di- gasino

2.2 Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak.

Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika, subukin mong maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito.

Ugnay-Wika

Sa bahaging ito, magbibigay ang guro ng input sa araling

panggramatika. Hikayatin ang mag-aaral na makapagbigay ng ilang

pangungusap na ginagamitan ng paghahambing.

Referensi

Dokumen terkait

Kekeringan merupakan fenomena alam yang tidak dapat dihindari sebagai salah satu dampak dari perubahan iklim yang mengancam berbagai macam sektor kehidupan. Untuk itu diperlukan

Lokasi timbunan tanah Komplek Northern Hill, jenis perkuatan yang dilakukan adalah grouting... Daerah penelitian memiliki litologi berupa pasir kerakal, breksi

Tujuan dari penelitian ini adalah untuk mengetahui: (1) tingkat kemampuan berpikir divergen dalam keterampilan proses sains aspek biologi (KBDKPSAB) pada siswa

Perbedaan yang terjadi pada pertumbuhan pendapatan per kapita antara Jawa dengan luar Jawa menggunakan data migas lebih disebabkan oleh adanya perbedaan efisiensi

 Tujuh kelompok pengeluaran yang diteliti, tiga terbesar yang mengalami inflasi adalah kelompok makanan jadi, minuman, rokok & tembakau 0,39 persen; kelompok perumahan,

Terkadang kita meremehkan orang lain dan telah menganggap sistem yang kita bangun sudah benar-benaraman. Padahal, sampai detik ini, tidak ada suatu sistem yang bisa

Jumlah angka yang harus di raih dalam satu set permainan bola voli adalah «« angka5.

(4) Hambatan dalam penerapan kurikulum yaitu perencanaan pembelajaran yang tidak tepat waktu, Guru dituntut harus kreatif dalam mengembangkan RKM dan RKH serta keterbatasan