• Tidak ada hasil yang ditemukan

111903375 Thesis Sa Filipino Docx

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "111903375 Thesis Sa Filipino Docx"

Copied!
36
0
0

Teks penuh

(1)

Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral

(2)

Talaan ng mga Nilalaman

Paunang Pahina

Talaan Ng Mga Nilalaman Kabanata

I – Suliranin at Kaligiran Nito Panimula

Layunin ng Pag-aaral Kahalagahan ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Batayang Konseptwal

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

II – Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Kaugnay Na Literatura

(3)

III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik Respondente

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral

Instrumento ng Pananaliksik

Tritment ng Datos

Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento

IV – Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos na Kinalabasan Ng Pag-Aaral

Kinalabasan ng Pag-aaral

V – Paglalagom, Mga Natuklasan, Kongklusyon At Rekomendasyon Buod Konklusyon Rekomendasyon Bibliografi Apendiks Sarbey-Kwestyoneyr

(4)

Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman mababago sa mundo. Ang ama, ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi mapapalitan ng sinuman. Tunay ngang napakalaki ng impluwensiya ng pamilyasabuhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing napinakamaliit na yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito.

Ang karaniwang depinisyon ng pamilya ay isang grupo ng mga tao na binubuo ng ama, ina at ang mga anak kung saan ang bawat isa ay pinagbubuklod ng pagmamahal.Ito rin ay tinatawag nanuclear family. May iba’t ibang uri rin ng pamilya ayon sa dami ng miyembro nito at kabilang rito ang extended family. Ito ay nangahuhulugang kasama ng pangunahing pamilya ang iba pang mgaka-anak tulad ng mga lolo at lola sa iisang tahanan lamang. Ang

(5)

isa pang uri ay ang conjugal familykung saan ang tatay at nanay lamang ang miyembro ng isang pamilya.

Sa paglipas ng panahon, marami ngang pagbabago ang nagaganap sa mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matiibay na pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang marami namang pamilya ang nagkakawatak-watak. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang broken family o isang sirang tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay hindi magkasamang naninirahan sa iisang tahanan upang itaguyod ang kanilang mga anak

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng estudyante. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang mga saloobin patungkol sa usaping ito. Sa pananaliksik na ito malalaman, mauunawaan, masasagutan at matutugunan ang katanungan ng nakararami ukol sa problemang kinahaharap ng mga apektadong kabataan.

Dito malalaman ang mga dahilan ngpagkakawatak-watak ng isang pamilya. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang mga datos na kanilang nakalap at kinalabasan sapag-aaral na ito. Ito ay para man lamang kahit sa mumunting paraang ay makatulong sila na maipahayag ang mga pinagdadaanan ng isang kabataang hindi nakararanas ng benepisyo ng isang kumpletong pamilya. Isa pa’y nais din nilang maghatid ang pag-aaral na ito ng kaalamansa

(6)

mga susunod na henerasyon ng kabataan at nang sa gayon ay maging inspirasyon sa kanila ang mga paghihirap na painagdadaanan ng isang estudyanteng nagmula sa isang sirang tahanan.

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng Montalban Heights National Highschool. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na:

1. Malaman ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya ng mga mag-aaral;

2. Maunawaan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral;

3. Mailarawan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral;

4. Mailahad ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano nila malalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng pamilya.

(7)

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng ng Montalban Heights National Highschool. Ang mga resultan at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:

Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya at kung paano nila malalagpasan ang mga ito.Ito rin ay makapagbibigaysa kanila ng mga karagdagang impormasyon at gayon din sa kanila pang mga gagawing mga pag-aaral.Maaari rin nila itong gamitin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay para na rin maging aktibo sila pagdating sa usaping ito.

Mga Magulang. Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag-aruga sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pamilyang payapa at masaya. Ngunit sa mga pagkakataong hindi maiiwasan gaya ng paghihiwalayan, ang bawat panig ng magulang, ay nararapat na maging responsable sa paggabay, pagpapayo at pagmumulat sa kanilang mga anak sa mga ganitong sitwasyon.

Mga Guro. Ang mga problemang pinagdaraanan ng isang kabataang nagmula sa isang sirang tahanan ay malaki ang nagiging epekto sa kanilang pagkatao. Sa pag-aaral na ito, mas mauunawaanng mga guro ang mga dahilan at senyales kung bakit nagkakaroon ng mga di mabuting pag-uugali ang mga

(8)

apektading mag-aaral. Maaring gamitin ang pag-aaral na ito upang magabayan sa mga kinahaharap na sulianin ang kanilang mga mag-aaral.

Mga Mananaliksik at Mamababasa.Magsisilbi itong gabay at makapagbibigay ng impormasyon at inspirasyon sa mga pinagdadaanan ng mga mag-aaral na nanggaling sa nagkawatak-watak na pamilya. Ito ay magsisilbing paalala upang pasalamatan ang Panginoon at ang kanilang mga magulang sa pagmamahal at pagbibigay ng sitwasyong higit na nakabubuti kaysa mga apektadong mag-aaral.

(9)

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga epekto ng pagkakawatakwatak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya ng mga mag-aaral?

2. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral?

3. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-pag-aaral?

4. Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano nila nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng pamilya?

(10)

Batayang Konseptwal

Makikita sa dayagram na ito ang mga baryabol ng mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante sa ng Montalban Heights National Highschool na nakapalibot sa pananaliksik na ito. Ito ay ang alam sa mga posibleng sanhi, bunga, at mga taong responsable pag-aaral na ito.

(11)

Pigura 1 – Paradaym ng Batayang Konseptwal

Mga

Sanhi

Mga

Bunga

Mga

Apektadong

Mag-aaral

(12)

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng ng Montalban Heights National Highschool. Kung kaya’t ang mga ginamit na impormasyon ay nagmula o nagbase lamang sa resulta ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura. Ang mga respondente ay mula sa ng Montalban Heights National Highschool. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga sarbey-kwestyonyer sa mga estudyante salahat ng lebel ng mga kolehiyong mag-aaral ng kursong nabanggit, mapababae man o mapalalaki na nanggaling sa nagkawatak-watak na pamilya. Ang kaugnay na pag-aaral ay nanggaling sa internet, mga artikulo ng iba’t ibang mga manunulat, at mga pampublikong pahayagan.

(13)

Pagbibigay Kahulugan sa Mga Salita

1. Sirang Tahanan - anumangtahanannakungsaanang isa oparehongmga

magulangay hindinakatirakasamang mga bata

saisangnormalnarelasyongpamilya.Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o iba pang mga kadahilanan. (Campbell, 1932)

2. Diborsyo – legal na pagpapasawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa at lahat ng obligasyong nakapaloob rito. (http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce) 3. Disersyon – pang-iiwan ng isa o parehong magulang sa kanyang pamilya

at kanya o kanilang mga responsibilidad dito.

4. Single Parent –isang magulang na umaako ng lahat ng responsibilidad na dapat gawin nang magkatuwang ng mag-asawa. Ito ay nag-uugat sa pagkamatay ng asawa, diborsyo o isang magulang na hindi pa nag-aasawa.(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html) 5. Overseas Filipino Workers (OFW) – mga Pilipinong nagtatrabaho sa

(14)

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga propesyonal na ang sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpay ng bata sa paaralan. Gayunpaman, kaunti lang ang pagtatangka upang makagawa ng isang pang-agham na pagsisiyasat ng sitwasyon. Ang ulat na ito ay isang resulta ng isang pagsisikap upang pag-aralan ang mga bagay sa istatistika na paraan.

Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na kung saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang normal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. kung ang isang abnormal na bahay ay isang permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa paaralan, ito ay dapat na makikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang kapaligiran kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal na pamilya. (Campbell, 1932)

Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit

(15)

namarami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mga sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral, pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong sa droga at alak, pagsali sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga problemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay at sa hinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa nila ang mga ito dahil ang itinatatak nila sa isipan nila ay wala nang nagmamahal sa kanila at wala nang halaga ang kanilang buhay. (http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamicsga4.htm)

Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki ng solong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga batang naninirahan kasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang karanasan sa mga batang naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa kasunduang napag-usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng maayos, nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas sa pagkakaroon ng single-parent families.(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamicsga4.htm)

Napakahirap ng sitwasyong kinahaharap ng mga magulang nagpupumilit na itaguyod ang kanilang watak-watak na tahanan. Nararapat lamang nilang

(16)

tibayan ang kanilang loob upang magtagumpay sa pag-aaruga sa kanilang mga anak. Ito ang mga ilang payong maaari nilang gawin sa pagtataguyod ng kanilang pamilya:

ng plano sa pamilya na dapat sundin ng bawat miyembro. magdisiplina sa mga anak/

ng sapat na oras sa pakikipagkomunikasyon sa mga

ang mga taong nakapaligid sa mga anak (mga guro, kaibigan, mga kamag-aral at iba pa).

kalagayan ng pamilya sa usaping pinansyal ng tahanan. (http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)

(17)

Kaugnay na Pag-aaral

Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines, "Portrait of the Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sa pamilya sa Metro Manila na nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o dalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58% ng mga kabataang may nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na may trabaho sa labas ng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas workers. (Dy, 1994)

Nagdaos ng isang pag-aaral ang Scalabrini Migration Center noong 2003, ang 2003 Children and Families Studies. Mula sa nabanggit na pag-aaral, lumalabas ang mga datos, batay sa mga batang may edad 10 -12. Ang mga batang ito ay kabilang sa mga sumusunod na pamilya:

 NM - mga batang hindi OFW ang mga magulang  MM – mga batang OFW ang ina

 FL – mga batang sa OFW ang mga ama

(18)

 BP- mga batang nagtatrabaho pareho ang mga magulang. (http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)

Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may pamagat na “The Relationship of Single Parent Familyhood and Two Parent Familyhood on School Discipline and Academic Performance”, lumalabas na mas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang pamilya kaysa sa mga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang makabuluhang pagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa perpormans ng mga

(19)

mag-aaral, ang mga mag-aaral ay hindi apektado ng mga sirang tahanan sa kanilang pag-aaral. Isinasaad din na ang mga parehong magulang ay hindi nagkukulang o lumiliban sa mga obligasyon sa eskuwelang dapat nilang punan. Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa 400 mag-aaral ng Saint Louis University Laboratory High School sa 1994-1995. (http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)

(20)

Kabanata 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga halimbawa ng teknik, instrumento ng pananaliksik at ng mga statistical treatmentna ginamit bilang interpretasyon sa mga nalikom na datos.

Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghango sa mga primarya, sekondarya at elektronikong hanguan. Ang mga datos na aming nakalap ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na sinagutan ng tatlumpu’t isang (31) na respondent mula sa ng Montalban Heights National Highschool. Ito ang nagsilbing primaryang hanguan ng pag-aaral na ito. Nangalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon, artikulo at akda na nagmula sa mga pampublikong pahayagan at ang mga ito ang nagsilbing hanguan ng kanilang sekondaryang pag-aaral. Nangalap din sila ng mga impormasyon, mga pag-aaral at mga literatura sainternet at ito naman ang nagsilbing hanguan ng kanilang elektronikong pag-aaral.

(21)

Respondente

Ang napagkasunduang bilang ng respondente ay tatlumpu’t isang estudyanteng (31) ng Montalban Heights National Highschool.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling Technique. Ayon sa internet (Wadsworth Cengage Learning):

Ang Purposive Sampling Technique ay paraan ng pangungulekta ng datos mula sa mga grupo ng taong may mga katangiang maaaring tumugon o tumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.

Ang Purposive Sample ay pinili ng mga mananaliksik bilang asignatura. Ang mga mananaliksik ay sumubok na magkaroon ng sampol na magpapakita sa kanila ng representasyon ng populasyong saklaw ng pag-aaral.

Instrumentong Ginagamit sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang kasangkapan para mangalap ng datos at impormasyon. Gumawa ang mga mananaliksik ng mga katanungang rumeresponde ukol sa sinumiteng pag-aaral at binigyang kasagutan naman ang mga ito ng mga mag-aaral na nasa ng Montalban Heights National Highschool.

(22)

Tritment ng Datos

Ang mga mananaliksik ay namigay ng mga sarbey-kwestyoneyr sa paaralan ng ng Montalban Heights National Highschool.

Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento

Ginamit ng mga mananaliksik ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na pormula ay:

(23)

Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag nang maayos sa mga datos na naklap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan tungkol sa pagkakawatak-watak ng mga pamilya.

Talahanayan 1. Edad ng mga magulang nang sila ay magpakasal.

18-25 26-33 34 - pataas

Ama 45.16% 41.9 % 12.90%

Ina 51.61% 38.71% 9.68%

Ang talahanayan 1 ay nagsasaad ng mga edad ng mga magulang ng mga respondente nang sila ay magpakasal. Ayon sa resulta na nakalap ng mga mananaliksik, lumalabas na mas maraming mga magulang ang nagpakasal sa edad na 18-25. 45.16% ng mga ama ang nagpakasal at 51.61% naman ng mga ina ang nagpakasal sa nabanggit na gulang. Ang may pinakamababang porsyento naman ay ang mga magulang na nagpakasal sa edad na 34 at pataas. Layunin ng porsyong ito na malaman kung may makabuluhan nga bang epekto ang pag-aasawa ng mas maaga sa hiwalayan ng mga magulang.

(24)

Talahanayan 2. Trabaho ng mga magulang. OFW Lokal na manggagawa Walang Trabaho Ama 29.03% 54.84% 16.13% Ina 19.35% 45.17% 35.48%

Ang talahanayan 2 ay patungkol sa mga trabaho ng mga magulang ng respondente. Nasasabi sa nakalap na datos na malaking porsyento ng mga magulang ay mga lokal na manggagawa. Makikita dito na may 54.84% ng mga ama at 45.17% ng mga ina ay dito lamang sa Pilipinas nagtatrabaho. Layunin naman ng talahanayang itong maipakita kung mayroong makabuluhang epekto ang distansya ng relasyon sa paghihiwalay ng mga magulang.

Talahanayan 3. Tirahang tinutuluyan ng mga respondente.

Porsyento Ama 22.58% Ina 22.58% Iba pa Tito/Tita Lolo/Lola 54.84% 32.26% 22.58%

(25)

Ang talahanayan 3 ay nagsasabi ng mga tirahang tinutuluyan ng mga respondente. 54.84% ng kabuuang sampol ay nagsabing sila ay nakatira sa mga kamag-anak. May tig-22.58% naman ng mga respondente ang nakatira sa ama at ina. Lumalabas na mahigit kalahati ng mga respondente ay hindi nagagabayan ng isa man lamang sa kanilang mga magulang sapagkat sila ay kasama ng iba pa nilang kamag-anak.

Talahanayan 4. Edad ng respondente nang maghiwalay ang mga magulang.

Edad Porsyento

7-12 taong gulang 80.65%

13-17 taong gulang 19.35%

18-pataas 0%

Ang talahanayan 4 ay tungkol sa mga edad ng respondente noong maghiwalay ang kanilang mga magulang. Makikita dito na 80.65% ng kabuuang sampol ang naghiwalay ang mga magulang noong sila ay 7-12 taong gulang pa lamang. 19.37% naman ang nagsabing naghiwalay ang kanilang mga magulang noong sila ay 13.17 taong gulang pa lamang. Sinasabing ang gulang 7 hanggang 12 ay krusyal na edad ng mga bata kung saan ang tamang pag-uugali ay dapat lubusang mahubog. Ngunit sa kaso ng mga respondente, napakalaking bahagdan ang dumanas ng isang napakapait na karanasan at sitwasyon.

(26)

Talahanayan 5.Mga taong nagsusustento ng pag-aaral ng mga respondente.

Porsyento

Ama 43.55%

Ina 30.64%

Iba pa 25.81%

Ang talahanayan 5 ay nagsasaad ng mga taong nagsusustento sa pag-aaral ng mga respondente. 43.55% ng mga respondente ay nagsabing ang kanilang ama ang nagsusustento ng kanilang pag-aaral. 30.64% naman ang nagsabi na ang kanilang ina ang nagpapaaral sa kanila.

Pigura 1. Resulta kung nakakaapekto ba ang paghihiwalay ng magulang sa pag-aaral ng mga respondente.

Oo 35.48%

Hindi 64.52%

(27)

Ang Pigura 1 ay nagsasabi ng mga pananaw ng respondente kung naka-aapekto ba ang kanilang problema sa pamilya sa kanilang pag-aaral. Lumalabas na 64.52% ang nagsabing sa tingin nila ay hindi nagdudulot ng masamang epekto ag kanilang problema sa kanilang pag-aaral. 35.48% naman ang nagsabing sila ay naapektuhan.

Talahanayan 6. Mga Dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang.

Porsyento Problemang Pinansyal 25.81% Problema sa Kamag-anak 22.58% Ibang Karelasyon 29.03% Sapilitang Pagsasama 9.68% Iba pa 12.90%

Ang talahanayan 6 ay patungkol sa mga dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang ng mga respondente. Sinasabi dito na 29.03% ng mga magulang ng respondente ay naghiwalay dahil sa pagkakaroon ng ibang karelasyon. Pangalawa namang dahilan ang problemang pinansyal na may 25.81%. Sinundan ito ng problema sa kamag-anak; 22.58%, at sapilitang pag-sasaama; 9.68%. 12.90% ng mga respondente ang nagsaad ng iba’t-ibang mga kadahilanan.

(28)

Talahanayan 7. Dami ng mga kaibigan ng mga respondente.

Porsyento

1-3 0%

4-7 32.26%

8 pataas 67.74%

Ang talahanayan 7 ay naglalayong bigyan pansin ang sosyal na aspeto ng mga respondente. Lumalabas na 60% ng mga respondent ay may magandang istatus sa kanilang pakikipagrelasyon sa kapwa.

Talahanayan 8. Mga bisyo ng mga respondente.

Porsyento

Paninigarilyo 24.19%

Pag-iinom 20.97%

Iba pa 0%

Walang Bisyo 54.84%

Ang talahanayan 8 ay nagsasaad ng mga bisyong natutunan na dulot ng pagkakawatak-watak ng pamilya ng mga respondente. 24.19% sa kanila ay nagsabing sila ay naninigarilyo at 20.97% ang nagsabing sila a24.19% sa kanila ay nagsabing sila ay naninigarilyo at 20.97% ang nagsabing sila ay umiinom.

(29)

Ngunit mas nakalalamang pa rin ang mga respondenteng walang bisyo. Ang makabuluhang pigurang ito ay nangangahulugang hindi sapat na dahilan ang pagkakawatak-watak ng kanilang tahanan upang sila ay magkaroon ng bisyo.

Talahanayan 9. Mga taong unang nilalapitan ng mga respondente sa tuwing sila ay may problema

Porsyento Ama 6.45% Ina 51.61% Kaibigan 6.45% Iba pa Tito/Tita Lolo/Lola 35.48% 19.35% 16.13%

Lumalabas sa Talahanayan 9 na halos malaki pa ring porsyento ng respondent ang humihingi ng tulong o lumalapit sa kanilang mga ina sa oras ng problema( 51.61%). Sinundan naman ito ng ibang mga kamag-anak na mayroong 35.48%.

(30)

Kabanata 5

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante. Nais ng mga mananaliksik na maipakitaang lahat ng datos na kanilang nakalap tungkol sa pag-aaral na ito.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng Montalban Heights National Highschool. May tatlumpu’t isang(31) mga repondenteng mula sa ng Montalban Heights National Highschool.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na may 54.84% at 45.17% ng mga ama at ina ng mga respondente ay lokal na manggagawa. Nakita rin ng mga mananaliksik ang makabuluhang resulta sa edad ng mga magulang nang sila ay mag-asawa. Lumalabas na halos kalahati o more or less 50 % ng mga magulang na nauwi sa hiwalayan ay nagpakasal sa edad na 18-25 taong gulang. At makikita rin sa mga resulta ng mga mananaliksik na 80.65% ng kabuuang sampol ay mayroong edad na pito (7) hanggang labingdalawang taon (12) noong maghiwalay ang kanilang mga magulang. Sa kabila ng pagkakawatak-watak ng pamilya, 80.65% ang nagsabing hindi ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Malalaman sa mga datos na nakalap na ang pinakadahilan ng paghihiwalay ng

(31)

mga magulang ng respondente ay ang pagkakaroon ng ibang karelasyon na mayroong 29.03%. Sumunod dito ang problemang pinansyal; 25.81%, at ang pangatlo ay ang problema sa kamag-anak na umaabot ng 22.58%.

Konklusyon

Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi kailanman mababago sa mundo Tunay ngang napakalaking impluwensya ng pamilya sa paghubog ng pagkatao ninuman. Sinasabi ng marami na ang isang mapayapa at matatag na pamilya ay isang hakbang tungo sa matagumpay na buhay ng sinuman. Ngunit sa pagkakataong ito na ibang klase ng pamilya ang pinagmulan ng mga respondente, masusong nasuri ang mga sumusunod na konklusyon:

Halos kalahati ng mga magulang na maagang nagpakasal ay nauwi sa pagkakawatak-watak ng pamilya. At ang nangungunang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-asawa ay ang pagkakaroon nila ng ibang karelasyon.Sa kabila ng pagkakawatak-watak ng pamilya, lumalabas na hindi naman nito naaapektuhan ang pag-aaral ng mga respondente.

May makabuluhang pagkakaugnay ang mga baryabol na edad, kabuuan ng pamilya, presensya at gabay ng mga magulang, trabaho ng ama at ina, gulang ng pag-aasawa ng mga magulang, at tirahang tinutuluyan ng mga respondente at ang mga malayang baryable na may mahalagang naiambag sa mga sikolohikal at sosyal na paniniwala, gawi at perpormans sa pag-aaral ng mga respondente.

(32)

Rekomendasyon

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kurso ng ng Montalban Heights National Highschool.

Ang pagiging isang magulang ay isang hamon. Nangangahulugan ito ng buong puso at tapang sa pagharap sa mga responsibilidad sa anak. Hindi man maiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa, kailagan pa rin nilang gabayan ang kanilang mga anak upang sila ay lumaking maayos, may kumpiyansa sa sarili, responsible sa pag-aaral at higit sa lahat, may pananalig sa Diyos.

Para naman sa mga kabataang nagmula sa sirang tahanan, nararapat pa ring suklian ang ng pagmamahal ang mga sakripisyo na ginagawa ng kanilang mga magulang. Ang pag-aaral ng mabuti, pagrespeto at pagsunod sa kanila, sa kabila ng hindi man nila pagsasama ay isang utos ng Panginoon. Bilang tao, maraming pagsubok ang maaari nilang pagdaanan. Nariyan ang pinansyal, emosyonal at sosyal na problema sa loob at labas ng tahanan at paaralan. Ngunit sa kabila ng mga ito, nararapat lamang silang maging matatag at maging responsable lalo na sa kanilang pag-aaral sapagkat baling-araw, ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Mula sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, isang napakabuting resulta ang kanilang natuklasan. Malaking bahagi ng mga respondent ang

(33)

nagsusumikap na pabutihin ang kanilang sitwasyon. Para maisantabi ang mga problemang pinagdaraanan sa pamilya, ang mga respondente ay inilalaan ang kanilang oras sa pag-aaral ng mabuti. Sinisikap din nilang makipagkaibigan sapagkat naniniwala silang ang kanilang mga kaibigan ay ang kanilang pangalawang pamilya.

(34)

BIBLIOGRAPHY

Campbell, Marian W. “The Effect of the Broken Home upon the Child in School.”

1932.

Dy, Manuel B. Jr. “Pilosopikal na Btayang Espiritwalidad ng Pamilyang Pilipino.” Pambansang Samahan Para sa Pagpapalahaga, Inc., Baguio City, 1994.

(http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce) (http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122) (http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamicsga4.htm) (http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamicsga4.htm) (http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b) (http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html) (http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b) (http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)

(35)

APPENDIX

Mga palatanungang inihanda ng mga mananaliksik para sa pananaliksik,

Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng Montalban Heights National Highschool

Pangalan (opsyunal):______________________________ Edad: __________

Kasarian: ________________________ Lebel sa Kolehiyo: ________________

Panuto: Pakisagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek (✓) o pagsulat ng mga sagot sa patlang.

Edad ng Ama noong magpakasal: ____ Trabaho: __________Saan: ________

Edad ng Ina noong magpakasal: _____ Trabaho: __________ Saan: ________

1. Kanino ka nakatira ngayon?

_____ Ama ______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad) 2. Ilang taon ka noong maghiwalay ang iyong mga magulang?

_____ 7-12 _____ 13-17 _____ 18 pataas 3. Sinong nagsusustento ng iyong pag-aaral?

_____ Ama ______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

4. Sa iyong palagay, nakakaapekto ba ang paghihiwalay ng iyong mga magulang sa iyong pag-aaral?

(36)

5. Ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?

_____ Problemang Pinansyal _____ Problema sa Kamag-anak _____ Ibang Karelasyon _____ Sapilitang Pagsasama _______________ Iba pa (pakisaad)

6. Ilan ang iyong mga kaibigan?

_____ 1-3 _____ 4-7 _____ 8 pataas

7. May bisyo ka ba? Kung meron, pumili sa mga sumusunod: _____ Wala

_____ Paninigarilyo _____ Pag-iinom _____ Iba pa 8. Sino ang una mong nilalapitan sa tuwing ikaw ay may problema?

_____ Ama ______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

9. Ano ang ginagawa mong paraan upang makalimutan ang iyong mga problema sa pamilya?

Referensi

Dokumen terkait

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang

Layunin ng tesis na ito na alamin ang mga dahilan sa pagkaadik ng mga mag- aaral sa cellphone upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon o hakbangin ng kanilang mga magulang na

Kahit na hindi kinakailangan na magkaroon ng personal na pagkakalapit sa mga miyembro ng pamilya, sinasabi sa pag-aaral na pagkakaroon ng suporta mula sa

Sa pag-aaral na tulad nito, hindi lamang salita o wika ang binusisi ng mananaliksik kundi maging ang kahulugan o silbi ng tula kaya may kiling ang

Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang ng taon ng hayskul sa Dasmariñas

Bagamat nagbibigay kasiyahan sa kanila ang paninigarilyo, maraming masasamang epekto sa larangan ng ating kalusugan, pag-aaral, at pakikipag-

Ilan sa aming mga palagay ay ang mga sumusunod na dahilan: (1) Maaring mataas na ang pamantayan ng bagong kurikulum ng paaralan at hindi angkop sa antas ng mag-aaral ang sabjek

Narito ang iilan sa mga nabanggit ng mga kalahok ng pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng hardware tools sa pagtuturo: “Maayos kong naituturo ang mga paksa sa Filipino dahil may