• Tidak ada hasil yang ditemukan

TG .AP10-4.21.17

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "TG .AP10-4.21.17"

Copied!
403
0
0

Teks penuh

(1)

1

GABAY NG GURO

PANIMULA: ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN Markahan: Unang Markahan Bilang ng araw ng pagtuturo: 6 Aralin:

A. Isyu at Hamong Panlipunan 1. Ang Lipunan

2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan

A. MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

MGA ARALIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Isyu at Hamong Panlipunan 1. Ang Lipunan 2. Istrukturang Panlipunan at mga Elemento Nito 3. Kultura 4. Isyung Personal at Isyung Panlipunan

 Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito

 Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito

 Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan

 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung panlipunan

 Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan

▸ Baca selengkapnya: mga isyu sa kasarian at lipunan summary

(2)

2

Paalala sa Guro

Mahalagang isaalang-alang ng guro na ang bahaging ito ng ay ginawa upang magbigay ng pangkalahatang tingin (overview) sa pagtalakay ng lipunan at ang mga isyu at hamong kinahaharap nito. Dahil dito, naiiba ang daloy ng pagtalakay sa ibang modyul na mismong tumutuon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan. Ang apat na modyul ay naglalaman ng mga bahaging katulad ng Alamin, Paunlarin, Pagnilayan, at Ilipat. Subalit, dahil nga ang layunin ng bahaging ito ay magbigay ng overview mapapansin na may bahagi itong naglalaman lamang ng na Alamin, Paunlarin, Pagnilayan, at Pagtataya. Sa kabila nito, naglalaman ito ng mga gawain sa iba’t ibang lebel sa pagkatuto na inaasahang makatutulong sa guro sa pagtaya sa mga natutunan ng mga mag-aaral sa paksa.

Inaaasahan na ang mahusay na pagkatuto ng mga mag-aaral sa lipunan at mga isyu at hamong panlipunan ay makatutulong sa obhektibong pagtingin at pagtugon nila sa bawat isyu at hamong tatalakayin sa iba’t ibang modyul sa kabuuan. Mahalagang sa bahaging ito ay maipaunawa sa mga mag-aaral ang “Sociological Imagination”. Nararapat na makita nila na ang kanilang karanasan ay hindi iba o nalalayo sa mga isyu at hamong kinakaharap ng ating lipunan sa kasalukuyan. Bilang kabahagi ng lipunan, maaaring ang kanilang mga nararanasan ay may kaugnayan sa malaking kaganapang sa lipunang ating ginagalawan. Sa pagpapaunawa na ang lahat, kabilang ang mga mag-aaral, ay may ginagampanang bahagi sa pagkakaroon ng mga isyu at hamong panlipunan samakatuwid, ang lahat ay mayroon ding kabahagi sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang ating nararanasan.

(3)

3 B. PLANO SA PAGTATAYA Mapa ng Pagtataya Yugto ng Pagkatuto Gawain Uri ng Pagtataya ( Diagnostic, Formative, Summative ) Alamin Gawain 1: Larawan- Suri

Diagnostic

Paunlarin

Gawain 2: Timbangin Mo Gawain 3: Photo Essay

Gawain 4. Modified True or False

Gawain 5. Personal o Panlipunan?

Gawain 6. Pangatuwiranan mo!

Formative Formative Formative Formative Formative Pagnilayan at Unawain Gawain 7. Awit-Suri

Gawain 8. Ako ay Kabahagi

Formative Summative

C. MGA YUGTO NG PAGKATUTO Panimula

Tinatalakay sa panimulang aralin na ito ang mga katangian ng lipunan. Mahalaga ito sapagkat kailangan munang malaman ng mag-aaral kung ano-ano ang mga bumubuo sa lipunan upang maunawaan ang ugat ng mga isyu

(4)

4

at hamon na ating nararanasan sa kasalukuyan. Binibigyang-linaw rin sa panimulang aralin na ito na ang mga personal na isyu ay nararanasan ng isang indibiduwal subalit kung ito ay nararanasan ng mas nakararami at nakaapekto sa lipunan sa pangkalahatan, maituturingn itong na isyung panlipunan.

Tatalakayin sa kabuuan ng asignaturang ito ang mga isyu at hamon sa iba’t ibang aspekto ng lipunan katulad ng mga suliranin at hamon pangkapaligiran, isyung pangekonomiya, kasarian at lipunan (gender and

society) at pagkamamamayan (citizenship). Naglalayon ang bawat aralin na

maging mulat ang bawat mag-aaral sa mga isyu at hamong hinaharap ng lipunan at maging aktibong bahagi sa paglutas ng mga ito.

Panimulang Gawain

1. Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang Panimula at mga Gabay na Tanong sa Learner’s Module (LM.)

2. Ipatukoy ang mga aralin at saklaw ng modyul.

3. Ipaunawa ang Tsart ng mga Inaasahang Matututuhan sa Modyul at Mga Inaasahang Kakayahan.

Pre-Assessment Matrix Level of Assessment What will I assess? Multiple Choice Item/Constructed Response Item

Correct Answer and

(5)

5

Explanation/ How will I

score? Knowledge Natatalakay ang

katuturan ng

lipunan at ang mga bumubuo rito

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon A. lipunan. Ito ang batayang kahulugan ng lipunan na binaggit sa modyul

Process/ Skills Nasusuri ang istrukturang

panlipunan at ang mga elemento nito

Para sa bilang na ito, bigyang-pansin ang datos tungkol sa unemployment.

2. Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong

C. Ang

unemployment

ay bunga ng Halaw sa National Statistics Coordinating Board (NSCB), 2013

(6)

6

2013. Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO? A. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas.

B. Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino

C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan

D. Nagkakaroon ng mataas na unemploymentrate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin

pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan. Ang mga isyu at suliraning panlipunan ay maaaring bunga ng kakulangan o kapabayaan ng mga institusyong panlipunan. Subalit, hindi masasabing ito ay kasalanan lamang ng isang institusyon, kadalasan ang isang suliranin ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan.

(7)

7

Process/Skills Nasusuri ang kultura bilang mahalagang

bahagi ng pag-aaral ng lipunan

Para sa bilang na ito, suriin ang larawan

3. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura? A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo B. Norms Ang pagsunod sa batas, tulad halimbawa ng batas trapiko ay isa sa mga norms na inaasahang sundin ng mamamayan upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan

(8)

8

Understanding Naipaliliwanag ang

pagkakaiba at pagkakatulad ng

mga isyung

personal at isyung panlipunan

Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan

“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000

mamamayang maaaring

maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.”

4.Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?

A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.

B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan. D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal. B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

(9)

9

Understanding Nasusuri ang

bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan

Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan (2015)

Sanggunian:

http://michaelamacan.blogspot.com/20 15/09/tugon-ng-mga-kabataan-sa-mga-isyu-ng.html

5. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap

sa mga isyu at hamong

panlipunan?

A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan B. Maging mulat sa mga isyu at

hamong panlipunan na

nararanasan sa sariling komunidad C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan

D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan Hindi sapat na maging mulat o umiwas lamang na maging sanhi ng isyu at hamong panlipunan kundi dapat ay maging aktibong kabahagi ka nito upang ito ay mabigyan ng solusyon.

Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan.

Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

(10)

10

Table of Specifications: Pre-test Aralin/ Pamantayan sa Pagkatuto Knowledge Process/

Skills

Understanding Total

Isyu at Hamong Panlipunan

Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito

1 1

Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito

1 1

Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan

1 1

Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung panlipunan

1 1

Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong

panlipunang kinahaharap sa

kasalukuyan

1 1

(11)

11

Aralin: Isyu at Hamong Panlipunan ALAMIN

Gawain 1. Headline-Suri

Ang Gawain 1 ay “Headline- Suri”. Ipasusuri ng guro ang ilang headlines na nagtataglay ng iba’t ibang isyung panlipunan. Layunin ng gawaing ito na mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang isyu kinahaharap ng lipunan. Upang lalong mapalalalim ang pagsusuri ng mag-aaral, may mga inihandang pamprosesong tanong para sa gawaing ito.

Sundin ang sumusunod na panuto sa pagsasagawa ng gawain.

1. Ang gawaing ito ay maaaring ipagawa nang pangkatan upang magkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbahagi sa grupo.

Sa bahaging ito ay aalamin ang mga dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan. Bibigyang-pansin din kung ang mga mag-aaral ay may sapat na kaalaman tungkol sa lipunan, institusyon, at elemento ng kultura.

 Ipabatid sa mga mag-aaral na ang paksang tatalakayin sa bahaging ito ng unang markahan ay ang katuturan ng mga isyu at hamong panlipunan. Bigyang-tuon na bago ang pagtalakay sa isyu at hamong pangkapaligiran, mahalagang magkaroon sila ng kaalaman sa lipunan at mga bumubuo rito. Gayundin naman mahalagang matutunan nila ang pagkakaiba ng suliraning personal at suliraning panlipunan. Sa ganitong paraan, magiging obhektibo ang kanilang pagtingin sa lahat ng isyu at hamong panlipunang tatalakayin sa lahat ng modyul.

 Hayaan silang makapaglahad ng mga posibleng kasagutan sa mga tanong upang maging gabay sa pagtuklas ng mga paksang dapat bigyang-diin. at unawain.

(12)

12

2. Pagkatapos ipasuri ang larawan ay maaaring ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong na makikita sa kanilang modyul.

3. Hinihikayat kayo bilang guro na mag-isip ng mga pamamaraan kung paano isasagawa ang pagproseso ng gawain bukod sa paggawa ng isang malayang talakayan.

4. Mahalagang matukoy ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyu kung ito ay personal o panlipunan matapos ang gawain.

(13)

13

P18.4B in ‘Yolanda’ emergency aid distributed late

By: Joey A. Gabieta, Nestor P. Burgos Jr. - @inquirerdotnet

Inquirer Visayas / 05:35 AM November 07, 2015

Members of the Philippine military unload relief goods for those affected by Typhoon Haiyan at the airport in Tacloban. AP FILE PHOTO

Sangunian: Joey A. Gabieta. Inquirer. net. Retrieved April 4, 2016. Unang Larawan

Sanggunian: Pasion, 2017. Rappler.com. Retrieved February 10, 2017 Ikalawang Larawan

DOLE order ending contractualization expected

in February

Labor secretary Silvestre Bello III wants to sign the department order on Valentine's Day, February14

NO TO ENDO. Workers belonging to the Nagkaisa Coalition march to Mendiola in Manila on January 4, 2016 to call on the government to end the practice of contractualization. File photo by Martin San Diego/Rappler

(14)

14

Ikatlong Larawan

Ikaapat na Larawan

Human rights activists light candles for the victims of extra-judicial killings around the country in the wake of "War on Drugs" campaign by Philippine President Rodrigo Duterte in suburban Quezon city northeast of Manila, Philippines, Aug. 15, 2016. (AP/Bullit Marquez)

(15)

15

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa headline na napunta sa inyo? Isulat ang mga ito sa diagram na katulad ng nasa ibaba.

2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakikita ng bawat headline? 3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

Mungkahing Gawain. Larawan- Suri

Ang gawaing ito ay naglalayong masuri ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyung panlipunang kinahaharap ng ilang mga indibiduwal. Hihikayatin ang mga mag-aaral na tukuyin kung ang isang isyu ay personal at panlipunan.

(16)

16

Pamprosesong mga Tanong:

1. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na? Ano ang iyong naramdaman?

2. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang Suliraning Personal at Suliraning Panlipunan? Ipaliwanag. Sagutin ito gamit ang chart.

Suliraning Personal Suliraning Panlipunan

Paliwanag Paliwanag

3. Ano ano sa mga suliraning nabanggit ang mahirap uriini kung ito ba ay suliraning personal o panlipunan? Ipaliwanag.

4. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan?

(17)

17

PAUNLARIN

Gawain 2. Timbangin Mo

Matapos ang naging pagtalakay sa konsepto ng lipunan at ang iba’t ibang elemento nito, tatayain ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga inihandang gawain. Sundin ang

Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matututuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang kaalaman at konsepto tungkol sa mga katangian ng isyu at hamong panlipunan, mga bumubuo sa lipunan, at pagkakaiba ng elemento ng estrukturang panlipunan at kultura. Susuriin rin kung tama ba o mali ang kanilang mga panimulang sagot sa mga gawain

 Sa bahaging ito, ang guro ay magsagawa ng iba’t ibang gawain upang magkaroon ng malinaw at maayos na pagtatalakay sa aralin at matiyak na nagamit ang mga kasanayang makapagsuri, at makapagpaliwanag ng pag-unawa sa mga sanhi at bunga at wastong pagpapahalaga.

Himukin din ang mga mag-aaral na suriin, pag-isipan, o baguhin kung

kinakailangan ang mga naunang tanong, tugon, o palagay. Maaari ring magdagdag ng tanong na lalong makapagpapalalim sa pag-unawa sa paksa at makapagpapalitaw ang mga malalaking kaalaman (big ideas) na mahalaga sa kanilang pamumuhay.

Nagsimula ang pagtalakay sa bahagi ng Paunlarin sa pamamagitan ng pagpapabasa at pagpapasuri ng isang artikulo na tumatalakay sa isang isyu at hamong nararanasan sa ating lipunan. Tungkol ang artikulo sa kalagayan ng korupsiyon sa Pilipinas. Layunin nito na makapagbigay ng isang halimbawa ng isyu at suliraning panlipunan sa mga mag-aaral. Matapos nito, tatalakayin sa pamamagitan ng isang teksto ang konsepto ng lipunan upang maunawaan ito ng mga mag-aaral. Unang tatalakayin ang kahulugan ng lipunan, ang istrukturang panlipunan at mga elemento nito, at kultura bilang mahalagang aspeto ng lipunan. Matapos ang teksto, may mga inihandang gawain upang mataya ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinalakay.

(18)

18

sumusunod na panuto.

1. Ang gawaing ito ay isang formative assessment. Tatayain sa pamamagitan ng gawain na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay.

2. Iminumungkahing ipagawa ito sa mga mag-aaral ng indibiduwal upang mataya ang kaalaman ng bawat isa sa paksa.

3. Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawaing mabuti ang panuto bago sagutin ang gawain.

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang

nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

_A_1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan.

_C_2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga tanong may magkakawing na ugnayan at tungkulin.

B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan

_A_3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa

kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.

_D_4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary

(19)

19

B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa.

_A_5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.

B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang socialgroup ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.

Gawain 3. Photo Essay

Batay sa ginawang pagtalakay sa paksa, hayaan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang photo essay. Sundin ang mga sumusunod na mungkahi sa pagsasagawa ng gawain.

1. Ang gawaing ito ay isang formative assessment.

Tatayain sa pamamagitan ng gawain na ito ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay.

2. Iminumungkahing gawing pangkatan ang pagtugon sa gawaing ito. 3. Atasan ang mga mag-aaral na unawaing mabuti ang panuto sa paggawa ng gawain gayundin ang rubric na gagawing batayan sa pagmamarka ng photo essay..

Rubric sa pagmamarka ng Photo Essay

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang

Puntos Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at paliwanag ay

tumutugma sa paglalarawan at konsepto ng isang isyu at hamong panlipunan

7

Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbatayang pag-aaral, artikulo, o pagsasaliksik ang ginamit na datos.

6

Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng photo essay. Maayos na naipahayag ang konsepto ng isyu at hamong panlipunan gamit ang mga larawan at datos.

4

Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo essay. Gumamit ng mga angkop na disenyo at kulay upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng produkto.

3

(20)

20

Gawain 4. Modified True or False

Batay sa ginawang pagtalakay sa paksa, sagutin ang inihandang gawain. Sundin ang mga sumusunod na mungkahi sa pagsasagawa ng gawain.

1. Ang gawaing ito ay isang formative assessment.

Tatayain sa pamamagitan ng gawain na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa paksang tinalakay.

2. Iminumungkahing ipagawa ito sa mga mag-aaral ng indibiduwal upang

mataya ang kaalaman ng bawat isa sa paksa.

3. Atasan ang mga mag-aaral na basahin at unawaing mabuti ang panuto bago

sagutin ang gawain.

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung

ito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang nilalaman ng pahayag.

Tama 1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay

ng

mga mamamayan sa isang lipunan.

Norms 2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa

mga

asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang

lipunan.

Tama 3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap-

tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.

(21)

21

kaparusahan o sanctions.

Tama 5. Ang kultura ay nagsisilbing paglalarawan sa isang lipunan.

Gawain 5. Personal o Panlipunan?

Sa bahaging ito ay inaasahang may lubos nang kaalaman ang mga mag-aaral sa pagkakaiba ng isyung personal at panlipunan. Pagtitibayin ang kaalamang ito sa pamamagitan ng gawain. Sundin ang mga sumusunod na panuntunan sa pagganap sa gawaing ito.

Matapos ang pag-unawa sa mga tekstong inihanda tungkol sa lipunan pati na rin ang pagganap sa mga inihandang gawain upang mataya ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksa, tatalakayin naman sa bahaging ito ang konsepto ng isyu at suliraning panlipunan. Inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan. Gayundin, magkakaroon sila ng pag-unawa sa kaugnayan ng personal na karanasan ng isang indibiduwal sa lipunang kanyang ginagalawan.

Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral sa kanilang patuloy na pagkatuto. Makatutulong din ang mga inihandang gawain sa pagpapatatag ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa.

Dahil formative assessment ang mga inihandang gawain sa unahan, ito ay itatala ng guro subalit hindi basehan ng pagmamarka ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay matataya ang kahandaan ng mga mag-aaral sa susunod na bahagi ng aralin. Kung sa pagtataya ng guro ay hindi pa masyadong naunawaan ang paksa ng mga mag-aaral, maaaring magkaroon ng muling pagtalakay sa mga bahaging kung saan may kalituhan ang mga mag-aaral. Subalit kung batay sa pagtataya ng guro ay lubusan na itong naunawaan ng mga mag-aaral, maaari nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin upang lalo pang mapagtibay ang kaalaman ng mga mag-aaral.

(22)

22

1. Ang gawaing ito ay isang formative assessment. Tatayain sa pamamagitan ng gawain na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay.

2. Pangkatan ang paggawa sa gawaing ito.

Panuto: Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan.

Gawain 6. Pangatuwiranan mo!

Tatayain sa pamamagitan ng gawain na ito ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay. Makatutulong ito sa lalo pang pagpapatibay ng kanilang kaalaman sa paksang tinalakay.

1. Ang gawaing ito ay isang formative assessment.

2. Pangkatan ang paggawa sa gawaing ito, subalit sa bahagi ng

paglalahat, maaaring ipasagot ito nang indibiduwal upang mataya ng

(23)

23

guro ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa paksa. 4. Atasan ang mga mag-aaral na unawaing mabuti ang panuto

bago simulan ang paggawa ng gawain.

Panuto: Basahin ang mga situwasyon sa unang kolum. Ipaliwanag ang

sanhi at epekto ng bawat situwasyon gamit ang Sociological Imagination. Pagkatapos, punan ng tamang sagot ang kahon ng paglalahat.

Sitwasyon Paliwanag 1. Ayon sa istatistiks, labinglimang milyong Pilipino ang walang trabaho. 2. Isang mag-aaral ang nahihirapang gumawa ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan. 3. Dahil sa biglang paglakas ng ulan, malaking bahagi ng komunidad ang bumaha. Paglalahat

Kung gayon, masasabi ko na ang Isyung Panlipunan ay

_____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

(24)

24

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Gawain 7. Awit-Suri

Ipasuri sa mga mag-aaral ang awit na “Pananagutan”. Makabubuting ipagawa ang bahaging ito ng pangkatan. Hayaan ang bawat pangkat na sagutin ang bawat katanungan sa kahon. Bibigyan ang bawat grupo ng sapat na panahon sa pagtalakay at pagbabahagi ng kanilang “group output” sa klase. Matapos makapagtalakay ang lahat ng grupo, magkakaroon ng paglalagom ang guro sa mga natutunan ng mag-aaral sa bahaging ito ng aralin.

Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay

para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos Na kapiling Niya

Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man Tayo’y nagdadala ng balita ng

kaligtasan (Drilon, 2014)

Ano ang

ipinahihiwatig ng unang talata tungkol sa pagiging bahagi ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan? ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ Sa iyong palagay, ano ang kahulugan ng linyang “tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa? Ipaliwanag. ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________

Ano ang kahalagahan ng pagmamahalan at paglilingkod ng bawat tao sa isa’t isa bilang kabahagi ng lipunan? Ipaliwanag

_________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________

Sa bahaging ito, gagabayan mo ang mga mag-aaral sa pagpapalalim ng kanilang mga nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Inaasahan sa bahaging ito na ang mga mag-aaral ay kritikal na makapagsusuri ng kaugnayan ng mga personal na isyung nararanasan nila sa mga hamon at isyung panlipunang nararanasan sa kasalukuyan.

(25)

25

Gawain 8: Ako ay Kabahagi

Upang mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksang tinalakay, hayaan ang bawat mag-aaral na sagutin ang bahaging ito ng aralin. Magsisilbi itong pansariling repleksyon ng mga mag-aaral sa aralin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga bahagi ng gawain na ito. Nararapat na maipakita sa mga mag-aaral na may bahagi sila sa ilang mga isyu/hamong panlipunan at mayroon silang bahagi sa pagtugon sa mga isyu/hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan.

Isyu/ hamong Panlipunan:

___________________________________________

Ang aking bahagi sa pagkakaroon ng ganitong isyu/hamong panlipunan ay ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________

Ang aking bahagi sa pagtugon sa ganitong isyu/hamong panlipunan ay ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________

(26)

26

LAGUMANG PAGSUSULIT

Identification

Ang bahaging ito ng pagsusulit ay nasa lebel ng knowledge.

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong tinutukoy

ng bawat pahayag.

____Lipunan____1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

__Social Group__2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may

pagkakatulad na katangian ng nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atn bumubuo ng isang ugnayang

panlipunan.

_____Status____3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga summative assessment. Layunin ng mga gawain ito na mataya ang kabuuang pagkatuto ng mga mag-aaral sa paksa. Ang resulta ng mga pagtatayang ito ay gagamitin ng gurong batayan sa pagmaamrka sa mga mag-aaral.

(27)

27

_____Kultura___4. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay- kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong

panlipunan o isang lipunan sa kabuuan

Pagpapahalaga_5. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos, o gawi ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

_____Norms____6. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing

pamantayan sa isang lipunan.

_______________7. Tumutukoy sa isang pampublikong bagay na

karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan.

____Simbolo____8. Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong

gumagamit dito.

_______________9. Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga

personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan.

___Paniniwala___10. Tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

Isyung Panlipunan

Sociological Imagination

(28)

28

Ang Aking Lipunan

Ang bahaging ito ng lagumang pagsusulit ay nasa lebel ng Process/

skill.

Panuto: Gumuhit ng mapa ng iyong lipunan. Ipaliwanag ang ugnayan ng

mga istrukturang ito sa isa’t isa.

Pagsulat ng Sanaysay

Ang bahaging ito ng lagumang pagsusulit ay nasa lebel ng

Understanding.

Panuto: Sumulat ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong pag-unawa

tungkol sa pagkakaiba ng personal na isyu at isyung panlipunan. Gamitin ang sumusunod na rubric sa pagtupad ng gawain na ito.

Rubric sa pagmamarka ng sanaysay

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang

Puntos Pag-unawa Malinaw na naipaliwanag ang

pagkakaiba ng personal na isyu at isyung panlipunan. Nakapagbigay ng mga kongkretong halimbawa upang suportahan ang mga paliwanag.

6

Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng ideya. Maayos na naipahayag ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga tinalakay na konsepto.

5

Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. Nakabatay ang nilalaman sa mga tinalakay na paksa.

5

Teknikalidad Sumunod sa mga pamantayan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng paggamit ng tamang bantas, kaayusan ng pangungusap, at

(29)

29

pagdebelop ng kaisipan.

Kabuuan

POST- ASSESSMENT MATRIX Levels of

Assessment

What will I assess? MC ITEM CORRECT ANSWER Knowledge  Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito 1. “Tumutukoy sa

mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.” Ano ang binabanggit ng pahayag? A. Kultura B. Lipunan C. Pagpapahalaga D. Paniniwala B. Lipunan Ang nakalahad na pangungusap ay tumutukoy sa kahulugan ng lipunan.

Process/ Skills Nasusuri ang istrukturang

panlipunan at

ang mga elemento nito

Suriin ang

diyagram;

Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga elemento ng istrukturang panlipunan. Ang iyong kaalaman sa mga bagay na ito ay makakatulong sa pagsusuri at pag-unawa mo sa ilang isyu at hamong panlipunang tatalakayin sa bawat markahan.

Kung may mga isyu na dulot ng hindi mabuting ugnayan ng mga Istrukturang panlipunan, mayroon din namang mga isyung may kaugnayan sa kultura. Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang iba’t ibang elemento ng kultura at kaugnayan nito sa mga isyu at hamong panlipunan.

(30)

30 Alin sa mga sumusunod ang tumpak na paliwanag sa istrukturang panlipunan ayon sa diyagram? A. Mahalaga ang pag-alam sa istrukturang panlipunan upang masagot ang mga isyung panlipunan. B. Ang istrukturang panlipunan ay binubuo ng mga elementong may kaugnayan sa bawat isa. C. Ang lipunan ay binubuo ng istrukturang panlipunan at element ng kultura. D. Ang bawat miyembro ng lipunan ay may gampaning sa pagpapa-unlad ng lipunang kanilang ginagalawan. B. Ang istrukturang panlipunan ay binubuo ng mga elementong may kaugnayan sa bawat isa. Ipinakikita ng diyagaram ang mga elementong bumubuo sa istrukturang panlipunan.

Process/ Skills  Nasusuri ang “Ang kultura ay A. Ang kultura

Elemento ng Istrukturang Panlipunan

Institusyon Social Groups Status Pamilya Relihiyon Pamahalaan Ekonomiya Edukasyon

Primary Group Secondary Group

Achieved Status Ascribed Status

Gampanin (Roles)

(31)

31 kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa

kabuuan.” Ano ang

ipinapahiwatig ng pahayag?

A. Ang kultura ang nagbibigay paglalarawan sa isang lipunan. B. Bawat lipunan ay may kani-kaniyang kultura. C. Mahalagang bahagi ng isang lipunan ang kultura. D. Pinapakahulugan ng kultura ang mga gawi ng tao sa isang lipunan. ang nagbibigay paglalarawan sa isang lipunan. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan. Understanding  Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at isyung panlipunan Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isyung panlipunan? A. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. B. Ang isyung panlipunan ay karaniwang D. Lahat ng nabanggit ay wasto tungkol sa isyung panlipunan. Ang lahat ng nilalaman ng bawat pamimilian ay maliwanag na naglalarawan sa isyung

(32)

32 kumakatawan sa suliraning panlipunan. C. Ang isyung panlipunan ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng lipunan. D. Lahat ng nabanggit ay wasto tungkol sa isyung panlipunan. panlipunan.

Understanding  Nasusuri ang

bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gampanin ng isang indibiduwal sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan? A. Ipagsawalang-bahala ang mga isyung hindi ka apektado. B. Iasa sa gobyerno ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan. C. Maging mulat sa lipunang ginagalawan. D. Maghanap ng lipunang walang isyung kinahaharap. C. Maging mulat sa lipunang ginagalawan. Ang pagiging mulat sa mga nagaganap sa lipunang ginagalawan ng isang indibiduwal ay pangunahing hakbang sa paghahanap ng katugunan sa mga isyung nararanasan sa isang lipunan.

(33)

33

GABAY NG GURO

MODYUL 1: MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN Markahan: Unang Markahan Bilang ng araw ng pagtuturo: 24 Mga Aralin:

A. Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran 1. Suliranin sa Solid Waste

2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman 3. Climate Change

B. Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

1.Disaster Management

2. Philippine Disaster Risk Reduction and Management

Framework

3. Community-Based Disaster and Risk Management Approach

C. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk

Reduction and Management Plan

1. Disaster Prevention and Mitigation 2. Disaster Preparedness

3.Disaster Response

(34)

34

A. MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

MGA ARALIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Aralin 1:

Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

 Natatalakay ang kasalukuyang

kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas

 Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran

 Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang pangalagaan ang kapaligiran

 Natataya ang kalagayang

pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran

Aralin 2:

Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

Naipaliliwanag ang katangian ng

top-down approach sa pagharap sa suliraning

pangkapaligiran

Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at

bottom up approach sa pagharap sa suliraning

pangkapaligiran

 Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na

approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran

Aralin 3:

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based

Disaster Risk Reduction

 Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan  Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan

 Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot Ang mga mag-aaral ay may

pag-unawa sa mga sanhi at

implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging

bahagi ng pagtugon na

makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao

(35)

35

and Management Plan ng mga suliraning pangkapaligiran

 Naisasagawa ang mga hakbang ng

CBDRRM Plan

 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran

 Nasusuri ang kahalagahan ng

Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Approach sa pagtugon sa

mga hamon at suliraning pangkapaligiran Kakailanganing Pagkatuto:

Ang mabisang pagtugon sa mga suliranin at hamong

pangkapaligiran ay

nakasalalay sa aktibong

pakikilahok ng mga

mamamayan, at iba’t ibang sektor ng lipunan sa mga gawain ng pamahalaan

upang maiwasan ang

malawakang pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan

Pokus na Tanong:

Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

Palala sa guro:

Ang yunit na ito ay nahahati sa tatlong aralin: (1) Ang Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran; (2) Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran; at (3) Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based

Disaster Risk Reduction and Management Plan. Sa unang aralin ay

pagtutuunan ng pansin ang mga sanhi, epekto, at mga pagsusumikap upang mabigyan ng kalutasan ang ilan sa mga suliraning pangkapaligiran sa ating bansa. Ang ikalawang aralin naman ay nakatuon sa mga sanhi,epekto at

(36)

36

mga pagsusumikap na ginagawa ng Pilipinas sa pagharap sa mga banta ng

Climate Change. Nakatuon naman ang ikatlong aralin sa mga hakbang na

dapat gawin sa pagbuo ng Community-based disaster risk reduction and

management plan.

Sa aralin 1, mahalagang maipaunawa sa mag-aaral na ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ay hindi lamang sa kalikasan mismo kundi ito ay malawak, magkakaugnay, at nararanasan sa iba’t ibang aspekto. Halimbawa, ang suliranin sa solid waste management sa Pilipinas ay hindi lamang nakaaapekto sa kapaligiran kundi maging sa kalusugan ng mga taong naninirahan malapit sa dumpsite, sa kalidad ng tubig-inumin, sa pagpapabilis at pagpapalubha ng climate change, at sa pisikal na kagandahan ng isang lugar. Makikita rin ang kaugnayan nito sa usapin ng kahirapan at kabuhayan. Maraming mga Pilipino na ang ikinabubuhay ay ang pamumulot ng basura o kaya ay pangangalakal sa mga dumpsite dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho, subalit, nanganganib ang kanilang kalusugan dahil sa kawalan ng sapat na proteksiyon sa katawan. Kung ipatitigil naman ang pamumulot ng basura sa mga dumpsite ay magugutom ang mga pamilyang umaasa dito.

Sa pagtatapos ng aralin 1, dapat na maunawaan din ng mga mag-aaral na karamihan sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ay dulot ng kawalang ng disiplina at mapang-abusong paggamit ng tao sa kaniyang kapaligiran. Maiuugnay ng guro ang mga paksa sa aralin 1 dahil ayon sa mga eksperto ang mga suliraning pangkapaligiran na ito ay nagpapalala sa epekto ng Climate Change. Ang ilan sa mga ito ay ang malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na bagyo. Ayon sa mga eksperto, angating mundo ay nasa estado kung saan hindi na maiiwasan pa ang climate change, kung kaya’t dapat na maging handa tayo sa pagharap sa mga hamon na dulot nito.

(37)

37

climate change kung kaya’t makararanas tayo ng mas mapanganib na mga

kalamidad na maaaring kumitil ng maraming buhay at sumira ng maraming pag-aari. Kinakailangan nating maging handa sa pagharap mga hamon na ito. Paano nga ba natin ito haharapin? Kadalasan, ang pananaw ng mga Pilipino ay nakaatang sa balikat ng pamahalaan ang responsibilidad na mag-isip at kumilos sa panahon ng kalamidad. Hindi ba’t maraming mga kawani ng pamahalaan ang napupulaan kapag mabagal ang pagtugon nila sa panahon ng kalamidad. Ang mga pananaw na ito ay nakasalig sa tinatawag na top-down approach kung saan ang pamahalaan ang tagaplano at kumikilos habang ang mga mamamayan ay tagatanggap lamang. Subalit, sa lawak ng suliraning dulot ng mga kalamidad, mas nararapat na mayroong sariling inisyatibo ang mga mamamayan? Ang isang mamamayan ay hindi dapat maging tagatanggap lamang kundi dapat ay maging aktibong kabahagi ng pagpaplano at pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ito naman ang sinasabi ng bottom-up approach. Dapat maipanunawa ng guro sa mga mag-aaral ang kalakasan at kahinaan ng dalawang approach at kung paanong ang pagsasanib ng dalawang ito ay makatutulong sa mabisang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Sa aralin 3 ay matututuhan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang yugto sa pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Magkaugnay ang aralin 2 at aralin 3 dahil ang ang CBDRRM Plan ay nakabatay sa pinagsanib na top-down at bottom-up approach. Sa aralin 3 dapat na ipagawa sa bata ang unang yugto dahil sa

pamamagitan nito ay matataya nila ang kapasidad ng kanilang lugar sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Samantalang sa ikalawang yugto naman ay magiging hitik sa impormasyon dahil nakapokus ito sa mga bago at dapat gawin sa panahon ng kalamidad. Bilang guro, maaaring maging malikhain sa pagpapagawa nito sa mga mag-aaral. Maaaring magpagawa ng video, poster, dramatization, at kung ano pang

(38)

38

pamamaraan na angkop sa kakayahan at kagamitan ng inyong paaralan at mag-aaral. Samantala sa ikatlo at ikaapat na yugto ay maaaring magsagawa ng panayam ang mag-aaral sa mga mamamayan at kawani ng pamahalaan upang makakuha ng mga datos na kailangan sa yugtong ito.

Sa huli, dapat na maipaunawa sa mag-aaral na ang mabisang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay nakabataysa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan, at iba’t ibang sektor ng lipunan sa mga gawain ng pamahalaan upang maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

Inaasahang Produkto/Pagganap: Paggawa ng DRRM Plan na naaayon sa kalamidad na naranasan o maaaring maranasan sa inyong lugar. Ang pagsasagawa ng iba’t ibang yugto tulad ng Disaster Prevention and

Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response at Disaster Rehabilitation and Recovery ay dapat na isinagawa gamit ang top-down at bottom-up approach.

Rubric sa Pagmamarka ng DRRM Plan

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula

4 3 2 1

Kaangkupan Naaayon ang nilalaman ng DRRM plan sa resulta ng isinagawang hazard mapping, vulnerabilityassessmen t, at capability assessment ng pamayanan. Kumuha Naaayon ang nilalaman ng DRRM plan sa resulta ng isinagawang hazard mapping, vulnerabilityassessm ent, at capability assessment ng pamayanan. Hindi naaayon ang nilalaman ng DRRM plan sa resulta ng isinagawang hazard mapping, vulnerability assessment, at capability Hindi angkop sa komunidad ang nabuong DRRM plan.

(39)

39

ng karagdagang datos mula sa mga lokal na opisyal, mga residente ng lugar, at mga nakaranas ng nakaraang kalamidad at nagamit ito ng maayos.

Nagmula ang lahat ng datos mula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan o pamahalaang pambarangay. assessment ng pamayanan. Hindi Kumuha ng karagdagang datos mula sa mga lokal na opisyal, mga residente ng lugar, at mga nakaranas ng nakaraang kalamidad Nilalaman Impormatib ang

nabuong DRRM plan. Malinaw na sinasabi ang mga detalyeng dapat malaman ng mga mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad. Ang mga nakatalang datos at impormasyon ay updated at reliable. Impormatib ang nabuong DRRM plan. Malinaw na sinasabi ang mga detalyeng dapat malaman ng mga mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad. Ang mga nakatalang datos at impormasyon ay hindi updated at reliable.

Hindi malinaw na sinasabi ang mga detalyeng dapat malaman ng mga mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad. Ang mga nakatalang datos at impormasyon ay hindi updated at reliable. Maraming nakalilitong impormasyon sa nabuong DRRM plan

Praktikalidad Ang mga suhestyon sa

DRRM plan ay

naaayon sa kakayahan ng pamayanan na

tugunan ang

kalamidad. Binigyang-diin ang lubusan at

Ang mga suhestyon sa DRRM plan ay naaayon sa kakayahan ng pamayanan na tugunan ang kalamidad. Ang mga suhestyon sa DRRM plan ay naaayon sa kakayahan ng pamayanan na tugunan ang Ang mga nabuong suhestyon ay hindi nakabatay sa kakayahan ng

(40)

40 episyenteng paggamit ng mga kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan. Madaling maunawaan ng mga mamamayan ang DRRM plan dahil sa pagkamit ng mga salita at simbolo na angkop sa kanilang pamayanan. Binigyang-diin ang lubusan at episyenteng paggamit ng mga kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan. Gumamit ng mga salita at termino na hindi gaanong maunawaan ng mga mamamayan. kalamidad. Hindi malinaw na natalakay ang lubusan at episyenteng paggamit ng kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan. Gumamit ng mga salita at termino na hindi gaanong maunawaan ng mga mamamayan. pamayanan. Pagsunod sa Proseso

Kumpleto ang lahat ng bahagi ng isang DRRM plan. Binuo ito batay sa pagsasanib ng top-down at bottom-up approach.

Kumpleto ang lahat ng bahagi ng isang DRRM plan. Binuo ito gamit ang ang isa sa dalawang approach.

Mayroong mga bahagi ng DRRM plan ang hindi naisagawa. Hindi sumunod sa proseso ng pagbuo ng DRRM plan B. PLANO SA PAGTATAYA Mapa ng Pagtataya Yugto ng Pagkatuto Gawain Uri ng Pagtataya ( Diagnostic, Formative, Summative )

(41)

41 Alamin Gawain 1. Sa Gitna ng Kalamidad Diagnostic Gawain 2. Inner/Outer Circle Diagnostic

Paunlarin Gawain 3. Data Retrieval Chart Formative Gawain 4. Sa Aking Komunidad Formative Gawain 5. Thesis Proof Worksheet Formative Gawain 6. Status Report Formative Gawain 7. Climate Change Forum Formative Gawain 8. Environmental Issue Map Formative Pagnilayan at Unawain Gawain 9. Generalization Chart Formative Paunlarin Gawain 10. Situational Analysis Formative Gawain 11. Plus o Minus Formative Gawain 12. Dugtungan Mo Formative Gawain 13. KKK Formative

(42)

42 Chart Gawain 14. Pagsulat ng Sanaysay Formative Pagnilayan at Unawain Gawain 15. My Idea Pad Formative Paunlarin Gawain 16. Hazard Assessment Map Formative Gawain 17. Vulnerability Assessment Map Formative Gawain 18. Capacity Assessment Template Formative Gawain 19. Be informed Formative Gawain 20. Flash Reporter Formative Gawain 21. Kung Ikaw Kaya Formative Pagnilayan at Unawain Gawain 22. Summary Chart Formative Ilipat/Isabuhay Gawain 23. We Are Ready! Summative

(43)

43

C. MGA YUGTO NG PAGKATUTO Panimula

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan. Bilang mag-aaral at mahalagang bahagi ng lipunan, mahalagang magabayan ng guro ang mga mag-aaral na malaman kung ano ang iba’t ibang uri ng mga hamong pangkapaligiran na ating nararanasan upang maging angkop ang gagawing pagtugon. Mahalaga rin na maipasuri sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga sanhi at bunga ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa tao, lipunan at sa ekonomiya. Kakailanganin ito ng mga mag-aaral upang sila ay maging aktibong kalahok sa mga gawain ng pamahalaang tumutugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang masagot ng mga mag-aaral ang tanong na : Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at

hamong pangkapaligirann?

Ang gabay sa gurong ito ay naglalayong tulungan ang mga guro na magsagawa ng isang pagtuturong makahulugan para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

(44)

44

Panimulang Gawain

1. Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang Panimula at Gabay na Tanong sa Learner’s Module (LM).

2. Ipatukoy ang mga aralin at saklaw ng modyul.

3. Ipaunawa ang Tsart ng mga Inaasahang Matututuhan sa Modyul. Ipasagot ang Panimulang Pagtataya. Ito ay pasasagutan sa mga mag-aaral upang mataya ang kanilang kaalaman, kasanayan, at pag-unawa sa mga paksang tatalakayin.

Pre-Assessment Matrix Level of Assessment What will I assess? Multiple Choice Item/Constructed Response Item

Correct Answer and Explanation/ How will I score? Knowledge Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligir an ng Pilipinas

1. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang tinalakay sa talata?

A. Yamang tubig C. Yamang gubat B. Yamang lupa D. Yamang mineral

C. Yamang gubat. Ang teksto ay tungkol sa mga kapakinabang an na nakukuha mula sa kagubatan

(45)

45

Knowledge Nasusuri ang epekto ng mga

suliraning pangkapaligir an

Para sa bilang 2-4, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning Office tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa Pilipinas. National Disaster at a Glance(Senate

Economic Planning Office, 2013)

2. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?

A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan

Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also affected more than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual damages of US$251.58 million.

(46)

46

B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan

D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan

Process/ Skills 3. Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng tao. Rubric para sa pagmamarka ng graphic organizer 1 – kung ipinapakita sa graphic organizer na ang kalamidad ay may epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng tao .75 – kung ang naipakitang epekto ay nakasentro lamang sa kalikasan o kapaligiran .5 – kung hindi naipakita ang kahit na anong epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng tao

(47)

47

Understanding 4. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa iyong mabubuong kaisipan tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa pamumuhay ng tao. Rubric para sa pagmamarka ng talata 1 – kung ipinapakita sa talata na ang mga suliraning pangkapaligira n ay magkakaugna y at may epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay .75 – kung ipinakita sa talata na ang mga suliraning pangkapaligira n ay magkakaugna y .5 – kung hindi naipakita sa talata na ang suliraning pangkapaligira n ay may epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay Knowledge Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang pangalagaan

5. Anong batas ang ipinatupad upang

magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?

A. Republic Act 9003

(48)

48 ang

kapaligiran

A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942 B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

Process/ Skills Natataya ang kalagayang pangkapaligir an ng Pilipinas batay sa epekto at pagtugon sa mga hamong pangkapaligir an

Para sa bilang 6, tignan ang graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2015. 26.5 26.0 25.5 25.0 24.5 24.0 23.5 23.0 22.5 22.0 1990 - 2015 2005 2010 2015 1990 1995 2000

(49)

49

Ano ang ipinakikita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?

A. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.

C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015. D. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.

C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015. Under-standing Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang pangalagaan ang kapaligiran

7. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?

A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.

B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.

D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.

A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran .

(50)

50 Knowledge Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligir an

8. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?

A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.

B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.

C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.

D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

(51)

51

Process/ Skills Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottom up approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligir an

Basahin ang teksto para sa bilang 9-10

9. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, suriin ang pagkakatulad at pakakaiba ng katangian ng top-down at bottom-up approach.

1 – kung nasuri ang lahat ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang approach .75 – kung nasuri lamang ang lahat ng pagkakatulad o pagkakaiba dalawang approach .5 – kung hindi nasuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang approach Sa bottom-up approach, nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor

ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan. Ito ay taliwas satop-down approach. Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyonkung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Binigyang-diin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.

Ang kahinaang ito ng top-down approach ang nais bigyang katugunan ng bottom-up approach. Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at pangagangilangan ng pamayanan. Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.

(52)

52

10. Batay sa teksto, ano ang iyong mabubuong pangkalahatang ideya sa pagkakaiba ng top-down at bottom-up approach? Ilahad ito gamit ang tatlo hanggang limang pangungusap.

Rubric para sa pagmamarka ng talata 1 – kung ipinapakita sa talata na higit na epektibo ang pagsasanib ng dalawang approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligira n .75 – kung ipinapakita sa talata na mas epektibo ang isa sa dalawang approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligira n .5 – kung hindi naipakita sa ang ideya tungkol sa nararapat na approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligira n

(53)

53 Process/Skill Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligir an

Tignan ang kasunod na pigura upang masagot ang tanong bilang 11-12:

STEP 1: Community Engagement STEP 2: Identification of Vulnerability Factors STEP 3:

Identification of Local and Scientific Strategies STEP 4: Integrated Strategy Community Engagement: - Collaboration with community and stakeholders - Identification of community goals - Establishing a rapport and trust

Identification of intrinsic and extrinsic

components contributing to hazard vulnerability. Identification through: 1. Community situation analysis 2. Identification of priorities Local Strategies

- Past and present

- Examples may include: land use planning, building methods, food strategies, social linkages and environmental strategies Scientific Strategies

- Past and present

- Examples may include: land use planning, building methods, food strategies, social linkages and environmental strategies Integrated Strategy - Addressing intrinsic components to hazards - Dependent on effectiveness level of each strategy identified DRR

Ongoing revision and evaluation

Process Framework

integrating local and scientific knowledge (J. Mercer)

(54)

54

11. Pagtuunan ng pansin ang Step 1, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang collaboration with community and stakeholder?

A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo

B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor

D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan Understanding 12. Suriin ang Step 3 at Step 4, bakit mas

hinihikayat ang pagsasanib o integrasyon ng mga lokal at siyentipikong istratehiya sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan? Ilahad ito sa tatlo hanggang limang pangungsap.

1 – kung naipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasanib ng top-down at bottom-up approach .75 – kung natalakay ang kalakasan ng isang approach lamang

(55)

55 .5 – kung hindi naipaliwanag ang kahalagahan ng kahit na anong approach Knowledge Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan

13.Ano ang unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?

A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response

C. Hazard Assessment

D. Recovery and Rehabilitation Knowledge Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan

14. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan? A. Capability Assessment

B. Hazard Assessment C. Loss Assessment

(56)

56 Process/Skill Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan

Basahin ang kasunod na teksto para sa bilang 15-17:

Ang Disaster Risk Reduction and Management Plan ay mayroong apat na yugto: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa unang yugto ay isinasagawa ang iba’t ibang pagtataya tulad ng hazard assessment, risk, vulnerability assessment, at capacity assessment. Ang mga impormasyong makukuha rito ay gagamitin bilang batayan sa iba pang yugto ng plano. Sa ikalawang yugto naman ay ipinagbibigay-alam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin bago at habang nararanasan ang isang kalamidad upang maiwasan ang higit na pinsala sa buhay at ari-arian. Samantala sa ikatlong yugto ay inilalahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang nararanasan ang kalamidad. Sa ikaapat na yugto ay inilalatag ang plano kung paano matutulungan ang mga nasalanta at maging ang komunidad na bumangon mula sa naganap na kalamidad.

(57)

57

Para sa tatlong puntos, gumawa ng flowchartna nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng apat at dahilan kung bakit isinasagawa ang apat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.

(58)

58

Understanding Nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Approach sa pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligir an

Para sa 18-20, basahin ang sumusunod na artikulo at punan ng tamang sagot ang summary chart

Unang artikulo.Ang unang artikulo ay

hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.

3 puntos – kung napunan ng tamang sagot ang lahat ng bahagi ng summary chart at nagawang masuri ang pagkakatulad ng ideyang inilhahad ng mga nabasang teksto

Geography and Public Planning: Albay and Disaster Risk Management

Agnes Espinas

Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang isang barangay na magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad. Ang iba ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang kalamidad.

Gambar

Table of Specifications: Pre-test  Aralin/  Pamantayan sa Pagkatuto  Knowledge   Process/

Referensi

Dokumen terkait

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng

Upang makakuha ng wastong bilang ng mga mag-aaral sa mga pamantasang nabanggit, ang mga may-akda ay nagpunta sa mga tanggapan ng mga pamantasang napili upang

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga

Kung pag-aaralan ang datos na nakalap mula sa isinagawang sarbey, hindi pa rin sanay ang karamihan sa mga mag-aaral ng UP gumamit ng e-textbook kahit marami

Ayon sa pag-aaral na ito, ang negatibong implikasyon ng pakikinig ng musika sa mga mag- aaral na nasa ika-apat na taon ng mataas na paaralan ng Baliuag University ay nawawalan

Batay dito, masasabi nating ang pag-aaral ay isang dahilan kung bakit nahahapo ang isang mag-aaral sapagkat ‘di lamang ang mga pangangailangan ng pag-aaral ang nakakabit dito

Ang pag-aaral ay hindi na kailangang face-to-face ang guro at mga mag-aaral dahil sinasabing marami nang paraan upang matuto ang isang bata kahit ito ay nasa loob lamang ng kanilang

ay nakauubos ng oras para sa pag-aaral, kung kaya’t naii-stress ako sa posibleng magkapatong-patong ng mga gawain sa paaralan dahil hindi ko pa ito masimulan.” —ito ang nangungunang