• Tidak ada hasil yang ditemukan

MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Dalam dokumen TG .AP10-4.21.17 (Halaman 34-40)

GABAY NG GURO

MODYUL 1: MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN Markahan: Unang Markahan Bilang ng araw ng pagtuturo: 24

A. MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

MGA ARALIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Aralin 1:

Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

 Natatalakay ang kasalukuyang

kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas

 Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran

 Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang pangalagaan ang kapaligiran

 Natataya ang kalagayang

pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran

Aralin 2:

Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

Naipaliliwanag ang katangian ng

top-down approach sa pagharap sa suliraning

pangkapaligiran

Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at

bottom up approach sa pagharap sa suliraning

pangkapaligiran

 Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na

approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran

Aralin 3:

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based

Disaster Risk Reduction

 Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan  Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan

 Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot Ang mga mag-aaral ay may

pag-unawa sa mga sanhi at

implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran upang maging

bahagi ng pagtugon na

makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao

35

and Management Plan ng mga suliraning pangkapaligiran

 Naisasagawa ang mga hakbang ng

CBDRRM Plan

 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran

 Nasusuri ang kahalagahan ng

Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Approach sa pagtugon sa

mga hamon at suliraning pangkapaligiran Kakailanganing Pagkatuto:

Ang mabisang pagtugon sa mga suliranin at hamong

pangkapaligiran ay

nakasalalay sa aktibong

pakikilahok ng mga

mamamayan, at iba’t ibang sektor ng lipunan sa mga gawain ng pamahalaan

upang maiwasan ang

malawakang pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan

Pokus na Tanong:

Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

Palala sa guro:

Ang yunit na ito ay nahahati sa tatlong aralin: (1) Ang Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran; (2) Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran; at (3) Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based

Disaster Risk Reduction and Management Plan. Sa unang aralin ay

pagtutuunan ng pansin ang mga sanhi, epekto, at mga pagsusumikap upang mabigyan ng kalutasan ang ilan sa mga suliraning pangkapaligiran sa ating bansa. Ang ikalawang aralin naman ay nakatuon sa mga sanhi,epekto at

36

mga pagsusumikap na ginagawa ng Pilipinas sa pagharap sa mga banta ng

Climate Change. Nakatuon naman ang ikatlong aralin sa mga hakbang na

dapat gawin sa pagbuo ng Community-based disaster risk reduction and

management plan.

Sa aralin 1, mahalagang maipaunawa sa mag-aaral na ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ay hindi lamang sa kalikasan mismo kundi ito ay malawak, magkakaugnay, at nararanasan sa iba’t ibang aspekto. Halimbawa, ang suliranin sa solid waste management sa Pilipinas ay hindi lamang nakaaapekto sa kapaligiran kundi maging sa kalusugan ng mga taong naninirahan malapit sa dumpsite, sa kalidad ng tubig-inumin, sa pagpapabilis at pagpapalubha ng climate change, at sa pisikal na kagandahan ng isang lugar. Makikita rin ang kaugnayan nito sa usapin ng kahirapan at kabuhayan. Maraming mga Pilipino na ang ikinabubuhay ay ang pamumulot ng basura o kaya ay pangangalakal sa mga dumpsite dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho, subalit, nanganganib ang kanilang kalusugan dahil sa kawalan ng sapat na proteksiyon sa katawan. Kung ipatitigil naman ang pamumulot ng basura sa mga dumpsite ay magugutom ang mga pamilyang umaasa dito.

Sa pagtatapos ng aralin 1, dapat na maunawaan din ng mga mag-aaral na karamihan sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ay dulot ng kawalang ng disiplina at mapang-abusong paggamit ng tao sa kaniyang kapaligiran. Maiuugnay ng guro ang mga paksa sa aralin 1 dahil ayon sa mga eksperto ang mga suliraning pangkapaligiran na ito ay nagpapalala sa epekto ng Climate Change. Ang ilan sa mga ito ay ang malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na bagyo. Ayon sa mga eksperto, angating mundo ay nasa estado kung saan hindi na maiiwasan pa ang climate change, kung kaya’t dapat na maging handa tayo sa pagharap sa mga hamon na dulot nito.

37

climate change kung kaya’t makararanas tayo ng mas mapanganib na mga kalamidad na maaaring kumitil ng maraming buhay at sumira ng maraming pag-aari. Kinakailangan nating maging handa sa pagharap mga hamon na ito. Paano nga ba natin ito haharapin? Kadalasan, ang pananaw ng mga Pilipino ay nakaatang sa balikat ng pamahalaan ang responsibilidad na mag-isip at kumilos sa panahon ng kalamidad. Hindi ba’t maraming mga kawani ng pamahalaan ang napupulaan kapag mabagal ang pagtugon nila sa panahon ng kalamidad. Ang mga pananaw na ito ay nakasalig sa tinatawag na top-down approach kung saan ang pamahalaan ang tagaplano at kumikilos habang ang mga mamamayan ay tagatanggap lamang. Subalit, sa lawak ng suliraning dulot ng mga kalamidad, mas nararapat na mayroong sariling inisyatibo ang mga mamamayan? Ang isang mamamayan ay hindi dapat maging tagatanggap lamang kundi dapat ay maging aktibong kabahagi ng pagpaplano at pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ito naman ang sinasabi ng bottom-up approach. Dapat maipanunawa ng guro sa mga mag-aaral ang kalakasan at kahinaan ng dalawang approach at kung paanong ang pagsasanib ng dalawang ito ay makatutulong sa mabisang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Sa aralin 3 ay matututuhan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang yugto sa pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Magkaugnay ang aralin 2 at aralin 3 dahil ang ang CBDRRM Plan ay nakabatay sa pinagsanib na top-down at bottom-up approach. Sa aralin 3 dapat na ipagawa sa bata ang unang yugto dahil sa

pamamagitan nito ay matataya nila ang kapasidad ng kanilang lugar sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Samantalang sa ikalawang yugto naman ay magiging hitik sa impormasyon dahil nakapokus ito sa mga bago at dapat gawin sa panahon ng kalamidad. Bilang guro, maaaring maging malikhain sa pagpapagawa nito sa mga mag-aaral. Maaaring magpagawa ng video, poster, dramatization, at kung ano pang

38

pamamaraan na angkop sa kakayahan at kagamitan ng inyong paaralan at mag-aaral. Samantala sa ikatlo at ikaapat na yugto ay maaaring magsagawa ng panayam ang mag-aaral sa mga mamamayan at kawani ng pamahalaan upang makakuha ng mga datos na kailangan sa yugtong ito.

Sa huli, dapat na maipaunawa sa mag-aaral na ang mabisang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay nakabataysa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan, at iba’t ibang sektor ng lipunan sa mga gawain ng pamahalaan upang maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

Inaasahang Produkto/Pagganap: Paggawa ng DRRM Plan na naaayon sa kalamidad na naranasan o maaaring maranasan sa inyong lugar. Ang pagsasagawa ng iba’t ibang yugto tulad ng Disaster Prevention and

Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response at Disaster Rehabilitation and Recovery ay dapat na isinagawa gamit ang top-down at bottom-up approach.

Rubric sa Pagmamarka ng DRRM Plan

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula

4 3 2 1

Kaangkupan Naaayon ang nilalaman ng DRRM plan sa resulta ng isinagawang hazard mapping, vulnerabilityassessmen t, at capability assessment ng pamayanan. Kumuha Naaayon ang nilalaman ng DRRM plan sa resulta ng isinagawang hazard mapping, vulnerabilityassessm ent, at capability assessment ng pamayanan. Hindi naaayon ang nilalaman ng DRRM plan sa resulta ng isinagawang hazard mapping, vulnerability assessment, at capability Hindi angkop sa komunidad ang nabuong DRRM plan.

39

ng karagdagang datos mula sa mga lokal na opisyal, mga residente ng lugar, at mga nakaranas ng nakaraang kalamidad at nagamit ito ng maayos.

Nagmula ang lahat ng datos mula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan o pamahalaang pambarangay. assessment ng pamayanan. Hindi Kumuha ng karagdagang datos mula sa mga lokal na opisyal, mga residente ng lugar, at mga nakaranas ng nakaraang kalamidad Nilalaman Impormatib ang

nabuong DRRM plan. Malinaw na sinasabi ang mga detalyeng dapat malaman ng mga mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad. Ang mga nakatalang datos at impormasyon ay updated at reliable. Impormatib ang nabuong DRRM plan. Malinaw na sinasabi ang mga detalyeng dapat malaman ng mga mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad. Ang mga nakatalang datos at impormasyon ay hindi updated at reliable.

Hindi malinaw na sinasabi ang mga detalyeng dapat malaman ng mga mamamayan sa pagharap sa mga kalamidad. Ang mga nakatalang datos at impormasyon ay hindi updated at reliable. Maraming nakalilitong impormasyon sa nabuong DRRM plan

Praktikalidad Ang mga suhestyon sa

DRRM plan ay

naaayon sa kakayahan ng pamayanan na

tugunan ang

kalamidad. Binigyang-diin ang lubusan at

Ang mga suhestyon sa DRRM plan ay naaayon sa kakayahan ng pamayanan na tugunan ang kalamidad. Ang mga suhestyon sa DRRM plan ay naaayon sa kakayahan ng pamayanan na tugunan ang Ang mga nabuong suhestyon ay hindi nakabatay sa kakayahan ng

40 episyenteng paggamit ng mga kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan. Madaling maunawaan ng mga mamamayan ang DRRM plan dahil sa pagkamit ng mga salita at simbolo na angkop sa kanilang pamayanan. Binigyang-diin ang lubusan at episyenteng paggamit ng mga kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan. Gumamit ng mga salita at termino na hindi gaanong maunawaan ng mga mamamayan. kalamidad. Hindi malinaw na natalakay ang lubusan at episyenteng paggamit ng kagamitan, oras, at pondo ng pamayanan. Gumamit ng mga salita at termino na hindi gaanong maunawaan ng mga mamamayan. pamayanan. Pagsunod sa Proseso

Kumpleto ang lahat ng bahagi ng isang DRRM plan. Binuo ito batay sa pagsasanib ng top-down at bottom-up approach.

Kumpleto ang lahat ng bahagi ng isang DRRM plan. Binuo ito gamit ang ang isa sa dalawang approach.

Mayroong mga bahagi ng DRRM plan ang hindi naisagawa. Hindi sumunod sa proseso ng pagbuo ng DRRM plan

Dalam dokumen TG .AP10-4.21.17 (Halaman 34-40)

Dokumen terkait