• Tidak ada hasil yang ditemukan

Plus o Minus

Dalam dokumen TG .AP10-4.21.17 (Halaman 93-101)

GABAY NG GURO

Gawain 11. Plus o Minus

Makatitiyak ang guro na naunawaan ng mag-aaral ang katangian ng PDRRM Framework kung masasagot ng wasto ang gawaing ito.

Basahin ang magkatapat napahayag. Lagyan ng plus sign (+) ang maliit na kahon na katabi nito kung ang salita ay naayon sa National Disaster Risk

Reduction and Management Framework. Ilagay naman ang minus sign (-)

kung wala.

Pagpaplano sa pagharap sa kalamidad

Pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito

+ -

Isinusulong ang Top-down Approach

Isinusulong ang Community-Based Disaster Management Approach

- +

Tungkulin ng pamahalaan ang Disaster Management

Tungkulin ng lahat ang paglutas sa Suliraning Pangkapaligiran

- +

Dapat na kasama ang NGOs sa pagbuo ng Disaster Management Plan

Ang mga NGOs ang siyang mamumuno sa pagbuo ng Disaster Management Plan

+ -

Hinihingi ang tulong ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng Disaster Management Plan

Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster-resilient ang buong bansa

-94

Paksa: Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach

Sa paksang ito ay ilalahad sa mag-aaral ang dalawang magkaibang approach sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan: ang

top-down at bottom-up approach. Bigyang-diin ang kalakasan at kahinaan ng

bawat approach, subalit, sa huli ay gabayan ang mga mag-aaral upang maunawaan na higit na epektibo ang pagsasanib ng dalawang approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Masusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa nabuong Community-Based Disaster Risk Management Approach at sa top-down at bottom-up approach sa pamamagitan ng tatlong gawain: Dugtungan Mo, KKK Chart, at Pagsulat ng Sanaysay.

Gawain 12. Dugtungan Mo

Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa

Community-Based Disaster Risk Management Approach sa pamamagitan ng

paglalagay ng angkop na salita o parirala.

1. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay tumutukoy sa pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng

hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,

pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.

2. Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO, at business sectors.

3. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach

95

dahil kabilang sa framework ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management ang paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga

mamayan at paggamit ng lokal na kaalaman sa pagbuo ng DRRM Plan.

4. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan.

5. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, mamamayan, business

sectors, at NGO. Gawain 13. KKK Chart

Punan ng tamang sagot ang KKK chart. Gamiting batayan ang nabuong KKK chart upang sagutin ang kasunod na tanong.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang kalakasan ng top-down approach ang makatutulong sa maayos na pagbuo ng disaster management plan?

Mas makatutulong sa isang pamayanan ang pagsasanib ng dalawang approach dahil Kahulugan

Top-down Approach Bottom-up Approach

Kalakasan

96

2. Alin sa mga kalakasan ng bottom-up approach ang dapat bigyang-pansin sa proseso ng pagbuo ng disaster management plan?

3. Nararapat bang isang approach ang gamitin sa pagbuo ng disaster

management plan? Bakit?

Gawain 14.Pagsulat ng Sanaysay

Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagsasanib ng top-down approach at bottom-up approach sa pagbuo ng

disaster risk reduction and management plan. Gamiting batayan ang

sumusunod na pamantayan.

Rubric sa pagmamarka ng sanaysay

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nakuhang Puntos

Pag-unawa

Malinaw na nailahad ang kahalagahan ng CBDRM Approach. Nakapagbigay ng mga kongkretong halimbawa upang suportahan ang mga paliwanag.

6

Organisasyon

Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng ideya. Maayos na naipahayag ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga tinalakay na konsepto.

5

Nilalaman

Wasto at makatotohanan ang impormasyon. Nakabatay ang nilalaman

sa mga tinalakay na paksa. 5

Teknikalidad

Sumunod sa mga pamantayan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng paggamit ng tamang

97

pagdebelop ng kaisipan.

Kabuuan 20

Maaaring lagumin ang gawaing ito sa pamamagitan ng paggawa nito sa klase upang mailahad ang mga ideya ng mag-aaral tungkol sa pagsasanib ng top-down at bottom-up approach. Bigyang-diin sa paglalagom na ang pagsasanib na ito ay nangangahulugan ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawain ng pamahalaan at ng pagkakaroon ng inisyatibo ng mga mamamayan na magplano para sa kaligtasan ng komunidad.

Ihanda ang mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul, ang PAGNILAYAN at UNAWAIN para sa Aralin 2.

98

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Ang bahagi ng PAGNILAYAN AT UNAWAIN ay naglalayong mas mapalalim pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksa. Sinusubok ng bahaging ito ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga mapanghamong gawain. Kasabay nito ang iyong paggabay sa kanila sa pag-unawa ng paksang tatalakyin. Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay may malawak nang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsasanib ng top-down at bottom-up

approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

99

Gawain15. My Idea Pad

Ipasuri sa mga mag-aaral ang panukalang Process Framework nina Mercer at Gaillard(2010) sa pagsasanib ng dalawang approach sa pagbuo ng DRRM

plan, pagkatapos ay pasagutan ang My idea pad.

STEP 1: Community Engagement STEP 2: Identification of Vulnerability Factors STEP 3:

Identification of Local and Scientific Strategies STEP 4: Integrated Strategy Community Engagement: - Collaboration with community and stakeholders - Identification of community goals - Establishing a rapport and trust

Identification of intrinsic and extrinsic

components contributing to hazard vulnerability. Identification through: 1. Community situation analysis 2. Identification of priorities Local Strategies

- Past and present

- Examples may include: land use planning, building methods, food strategies, social linkages and environmental strategies Scientific Strategies

- Past and present

- Examples may include: land use planning, building methods, food strategies, social linkages and environmental strategies Integrated Strategy - Addressing intrinsic components to hazards - Dependent on effectiveness level of each strategy identified DRR

Ongoing revision and evaluation

Process Framework

integrating local and scientific knowledge (J. Mercer)

100

Binigyang-diin sa nakaraang paksa ang konsepto at kahalagahan ng

CBDRM Approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Ibig sabihin, hinihikayat ka bilang isang mag-aaral at bahagi ng pamayanan na maging aktibong kalahok sa pagsasagawa nito. Sa susunod na bahagi ng aralin ay pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang sa pagbuo ng Disaster

Risk Reduction and Management Plan. My Idea Pad

1. Anong bahagi ng framework makikita ang aktibong partisipasyon ng komunidad?

2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng komunidad sa iba’tibang bahagi ng pagbuo ng DRRM plan?

3. Saang bahagi nagkakaroon ng pagsasanib ang kaalamang lokal at siyentipikong kaalaman?

4. Magiging matagumpay kaya ang pagbuo ng DRRM plan kung ang gagamiting batayan sa STEP 3 ay ang mga siyentipikong kaalaman lamang? Bakit?

5. Ano ang mabubuo mong kongklusyon tungkol sa nararapat na approach sa pagbuo ng DRRM plan?

101

Lagumang Pagsusulit

I. Knowledge level

Identification

Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag.

Resilience1. Ito tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang

mga epekto na dulot ng kalamidad.

Vulnerability2. Tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastruktura na may

mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.

Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard3. Ito ay tumutukoy sa

mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.

Dalam dokumen TG .AP10-4.21.17 (Halaman 93-101)

Dokumen terkait