• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pananaliksik Sa Fil 14 Student Manual

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pananaliksik Sa Fil 14 Student Manual"

Copied!
44
0
0

Teks penuh

(1)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. INTRODUKSYON

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga patakaran ng Student Manual sa Jose Rizal University. Nais malaman ng mga mananaliksik ang nilalaman ng

Student Manual sa Unibersidad at ang mga pananaw ng mga mga-aaral ukol

dito. Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito upang malaman kung epektibo ba ang pagkakaroon ng Student Manual upang sundin ng mga mag-aaral ang mga patakarang nakapaloob dito at kung ano ang kahalagahan at epekto ng pagkakaroon ng regulasyon at patakaran sa Unibersidad sa mga mag-aaral, kung ito ba ay nakatutulong upang mas ganahan sa pag-aaral ang mga mag-aaral sa JRU.

Ang Student Manual ay ang opisyal na pahayag ng patakaran at regulasyon ng isang Unibersidad o paaralan, at inaasahang pamantayan ng pag-uugali ng mag-aaral na naaangkop sa lahat ng mga mag-aaral. Ang pangunahing layunin ng mga patakaran at regulasyon, ay upang palawakin ang misyon ng Unibersidad at upang maprotektahan ang kapakanan ng komunidad.

(2)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Ang mga patakaran at regulasyon ang paraan upang paganahin ang lahat ng mga kasapi ng Unibersidad na gumana bilang isang mag-aaral at tumugon sa mga sitwasyon na nagbabanta o lumalabag sa mga regulasyon ng paaralan.

Ang mga patakaran at regulasyon ay ang mga alituntunin na sinusunod ng mga mag-aaral sa isang paaralan o Unibersidad. Ang Unibersidad ay ang kabuuan ng mga indibidwal na mga yunit at kasapi ng komunidad.Ang pagkakaroon ng mga regulasyon dapat maunawaan sa mas malawak na pag-iisip upang ito ay maisabuhay ng lahat ng mga mag-aaral. Ang mga patakaran ay dinisenyo upang mapahusay ang kaligtasan at kapakanan ng buong komunidad sa paaralan. Ang pagpapatupad ng mga alintuntunin ay ang paraan upang turuan ang mga mag-aaral na sumunod sa mga regulasyon, upang malaman ang karapatan ng bawat isa at magkaisa sa pag-aaral sa iba't ibang larangan.

Ang Jose Rizal University ay isang komunidad ng mga mag-aaral at propesor na nakatuon sa pananaliksik sa akademikong kahusayan, at ang mga hangarin at paglilinang ng pag-aaral. Bawat miyembro ng Unibersidad, mga mag-aaral, faculty, at kawani ay may mga patakaran at regulasyon na dapat sundin upang maging mapayapa ang buong komunidad. Ang Student Manual ay nakatuon sa mga mag-aaral. Gumagawa ng aksyon ang mga mag-aaral upang sundin ang mga regulasyon at patakaran na nakasaad dito at nagsusumikap

para sa personal at akademikong integridad,upang matrato ang iba na may karangalan at paggalang, upang igalang ang mga karapatan, upang

(3)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

magampanan ang responsibilidad at upang kumilos bilang isang responsableng mag-aaral sa komunidad at lipunan. Sinumang magbabanta na lumabag sa mga patakarang ito ay may kaukulang parusa. Ito ang paraan ng pagdidisiplina ng mga mag-aaral.

2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Ang Pananaw ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa Mga Patakaran sa Student Manual ng Jose Rizal University 2015 – 2016 ay naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang mambabasa tungkol sa Mga Patakaran sa Student

Manual ng Jose Rizal University. Nais din ng mga mananaliksik na masagot ang

mga sumusunod na katanungan:

a) Alin sa mga patakaran sa Student Manual ng Jose Rizal University ang hindi nasusunod?

b.) Ano ang kadahilanan sa paglabag ng ilang mga mag-aaral sa mga patakaran?

c.) Nakatutulong ba ang pagkakaroon ng Student Manual sa pagpapatupad ng mga patakaran sa Jose Rizal University?

(4)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay nilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga nabanggit na tao:

Sa Unibersidad – Malalaman ng Unibersidad ang ilan sa mga dahilan kung bakit di nasusunod ng mga mag-aaral ang mga patakaran na kanilang natatag at kung ang mga mag-aaral ba ay may sapat na kaalaman hinggil dito.

Sa mga Magulang – Mas mabantayan nila ang kanilang anak at malalaman kung sila ba ay gumagawa ng tama sa loob ng paaralan.

Sa mga Mag-aaral – Malalaman ang mga tamang patakaran sa loob ng Unibersidad. Malilimitahan ang pang-aabuso sa mga patakarang di na masyado pang napagtu-tuunan ng pansin. Sila’y mas maliliwanagan sa kahalagahan sa pagsunod ng mga patakaran na natatag ng pamunuan ng Unibersidad.

Sa mga Guro – Malalaman ang totoong epekto ng pagkakaroon ng Student

Manual sa mga mag-aaral. Malalaman kung ang mga mag-aaral ba ay patuloy

na sumusunod sa mga ito kahit na hindi nakikita ng guro. Mas mapagtutuunan ng pansin ang pagdidisiplina sa mga mag-aaral upang lalong matupad ang patakaran ng Unibersidad.

(5)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

4. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pananaw ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kolehiyo na may Kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos sa Mga Patakaran sa Student Manual ng Jose Rizal University, 2015 – 2016. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng isang daan at animapu’t isang (161) opiniyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng Talatanungan sa mga mag-aaral sa Unang taon ng Kolehiyo na may kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutos (BSA) ng Jose Rizal University. Ang pag-aaral na ay limitado lamang sa minor offenses o maliit na paglabag sa Student Manual. Ang pag-aaral na ito ay para lamang isang semestre.

5. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Regulasyon – patakaran ng isang grupo o organisadong unibersidad na kailangang sundin.

Responsable – katangian na dapat taglayin ng mga respondante para sa magandang resulta ng pananaliksik.

(6)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Kaparusahan – ito ay pinapataw sa mga indibidwal na hindi nakasunod sa mga nasabing patakaran o regulasyon.

Pag-aaral – ito ay proseso na nangangalap ng impormasyon at nag aanalisa ng mga nakalap na impormasyon at datos.

Talatanungan – ito ay isang dokumento na ginamit ng mga mananaliksik upang makapangalap ng sapat na datos para sa pananaliksik.

Minor Offenses – dito nakapokus ang mga patakaran na tinutukoy ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Student Manual – ito ay nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa isang unibersidad o institusiyon na kanyang kinabibilangan.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

Ayon sa pananaliksik ng ilang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang uniporme ay sumasalamin sa imahe ng isang unibersidad. Ang ilang

(7)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

unibersidad ay may mga ipinapatupad na patakaran at isa na doon ang pagsuot ng nakatakdang uniporme. Mahigpit itong sinusunod sa bawat Kolehiyo ng mga Unibersidad na ito. May mga nakalaang parusa ang bawat unibersidad na may ganitong patakaran. Ang may mga ganitong patakarang Unibersidad ay halos nagkalat na sa buong mundo. Sa bansang Pilipinas, isa na ang Unibersidad ng Santo Tomas na may ganitong patakaran. kaya nama'y nagkaroon ng pag-susuri ang mga mananaliksik sa paraang sarbey at panayam upang malaman ang mga saloobin at opinyon ng mga estudyante sa Kolehiyo ng Komersyo mula sa pang-umagang sesyon ng mga taga-unang taon.

Ayon sa aklat ni Fleming, Jacqueline na Enhancing minority student

retention and academic performance: what we can learn from program

evaluations (copyright 2012), “Ang pagkakaroon ng mabisang academic support

program ay isang mahalagang kasangkapang pagbinbin dahil ang mga

institusyon na may istratehikong serye ng mga ganitong programa ay maaaring magkaroon ng mas mataas na retention rates kaysa sa ibang paraan.” Sa pag-aaral ni Fleming, marami siyang natuklasan na mga pamaraan ng mga kolehiyong mag-aaral kung papaano mas makakahikayat na lumago ang isang indibidwal sa paaralan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga retention program. Nakakaapekto din ang kapaligiran sa pag-sunod sa mga patakaran.

(8)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Sa pag-aaral naman ni Herwina Limpasan sa Philippine Normal University noong 2014, kailangang magsuot ng mga uniporme upang mapaunlad ang disiplina ng bawat indibidwal. Kailangan din ito upang maging komportable ang mga mag-aaral sa kanyang pamamalagi sa paaralan, at pairalin ang pagtitipid ng isang mag-aaral pati na rin ng kanilang magulang. At higit sa lahat, makilala ang isang indibidwal na responsable at hindi malimutan na dala niya ang pangalan ng kaniyang pamantasan.

Ayon kay Edward Hall ng University of Chicago (2016) ang Student

Manual ay ang opisyal na pahayag ng patakaran at regulasyon ng isang

Unibersidad. Ito ay naglalaman ng mga iba't ibang alintuntunin sa Unibersidad. Pinahayag dito ang mga patakaran ng mga mag-aaral na angkop sa kanilang taong kinabibilangan,edad at kasarian.Nakalagay na rin sa Student Manual ang mga kaukulang parusa sa sinumang lalabag sa mga regulasyon ng paaralan.Ayon dito,pinapatupad ang mga regulasyon at patakaran upang mapayapa ang buong paaralan at upang turuan ang mga mag-aaral na maging responsible sa pagsunod ng mga patakaran.Ito rin ang pamantayan ng ugali ng mga mag-aaral.

(9)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Ayon sa pag-aaral ni Veronica L. Gregorio (2013),ang GABRIELA Youth ang tanging Militanteng Organisasyon ng Kabataang kababaihan sa loob ng UP Diliman at UP Manila.Ang GAB Youth ay isang multi-issue

organization.Ang multi-issue organization ay malinaw na nagkakasundo sa

kanilang mga mithiihn bilang isang organisasyon.Ang pagdaos ng iba’t ibang aktibidad at kampanya ay nagpapatunay lamang kung gaano kalawak ang mga isyu na bitbit ng GAB Youth sa loob ng UP Diliman at UP Manila.Sila ay mayroong iisang pagsusuri sa mga isyu na kanilang tinutugunan bilang organisasyon ng kabataang kababaihan at sakop sa kanilang mga bitbit na isyuang mga usapin na dala rin ng GAB National. Ang pag-aaral na ito ay may

kaugnayan sa paksang aming napili sa pananaliksik sapagkat ito rin ay tungkol sa pagpapatupad ng patakaran kong ano lang ang organisasyon na pinapayagang bumuo sa kampus ng UP Diliman at UP Manila.

Ayon naman kina Braxton, J. M., et al., sa librong Rethinking College

Student Retention, mayroon silang nabigay na dalawag basehan kung papaano

maisasakatuparan ang mga alituntunin at panuntunan ng mga paaralan. Ang una ay “Panatilihin na alam ng mga mag-aaral ang mga patakarang institusyonal, alituntunin, at panuntunan ng paaralan at dapat maglaan din ng sapat na paliwanag sa kanilang panukala at sumite”. Ang pangalawa ay “Maglaan ng

(10)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

pagkakataon sa mga mag-aaral na sumali sa pagpapa-unlad, pagtitiyak, at rekomendasyon ng pagbabago ng mga patakaran, alituntunin, at panuntunan sa paaralan”. Ang dalawang rekomendasyon na ito ay nanggaling sa pagkilala ng patas na pamamahala ng alituntunin at panuntunan upang ma-impluwensyahan ng positibo ang pananaw ng mag-aaral sa kompromiso ng institusyon sa kanila.

Ayon sa pananaliksik ng De La Salle Lipa noong 2009, “Isang pag-aaral ukol sa Epekto ng Zero-Based Grading Sytem sa mga mag-pag-aaral ng Unang

Taon ng kolehiyo sa De La Salle Lipa Taong 2009-2010”, ang pagpapatupad nila ng zero-based grading system para sa mga mag-aaral ng Akawnting ay nagkaroon ng matinding pag-aaral at konsultasyon sa mga mag-aaral at saka sa kinauukulan ng De La Salle Lipa. Nakalahad sa College Student Handbook ng De La Salle Lipa na ang mga grado sa mga sabyek o kurso na may kinalaman sa board exam o ang mga tinatawag na major subjects na kinukuha ng mga mag-aaral na Akawntansi ay tinutuos o kinokompyut gamit ang zero-based grading system kung saan ang kabuuang bilang ng tamang marking nakuha ay dinibayd sa kabuuang bilang ng pagsusulit.

(11)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Ayon kina Boynton, M., at Boynton, C., sa libro nilang Educator’s

Guide to Assessing and Improving School Discipline Programs (Copyright 2007),

ang bawat paaralan ay dapat magtalaga ng lupon ng mga nagpapaganap ng mga tuntunin na laging nandiyan upang tipunin ang mga nakasulat na kautusan, pasiyahan ang mga bagay na konektado sa papapaganap ng disiplina, at laging inu-una ang disiplinadong akto sa lahat ng oras dahil sila ang magsisilbing gabay sa loob ng paaralan para sa mga mag-aaral upang maging disiplinado.

Ayon sa isang pagsusuri tungkol sa “Epekto ng mga School Activities sa Akademiko ng mga mag-aaral ng Ikaapat na Taon sa Taong Panuruan 2012-2013 ng San Beda College- Alabang High School ang mga mag-aaral ay nagkakaroon pa rin ng oras at pagkakataon na sumali sa kahit anong extra

co-curricular activities kahit na ito ay nag dudulot na nang pagkakahati ng oras nila

sa kanila namang akademik na asignatura ang mga mag-aaral na hindi naman sumasali ay may kani-kanila rin namang dahilan isa na rito nag pagiging stress.

Ayon naman kay Arum, R. sa librong Judging School Discipline: The

Crisis of Moral Authority (Copyright 2003), ang pagiging epektibo ng mga

(12)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

mga mag-aaral. Ito ay mas lalong magiging epektibo kung ang tingin ng mga mag-aaral sa mga alintuntunin ay makatarungan at tama. Dito mababase kung ang mga mag-aaral ay susunod o susuway.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib na pananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang deskiptibong - talatanungan Disenyo ng Pananaliksik. Ang nasabing uri ng deskriptibong pananaliksik ay gumagamit ng survey questionnaire o talatanugan sa pagkuha ng iba’t ibang datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

(13)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

2. MGA RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Slovene formula upang matukoy kung ilan ang mga mag-aaral na may kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (BSA) ang respondente o kalahok na kailangang mabigyan ng talatanungan.

Kung saan ang mga simbolong:

N ay populasyon, n ay dami ng kinatawan, at e ay margin ng error (0.05) n= N/ (1+Ne2) n= 270/ (1+270(0.05)2) n= 270/1.675 n= 161

Ang Jose Rizal University ay mayroong humigi’t kumulang na dalawangdaan’t pitumpo (270) bilang ng mga mag-aaral na may kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (BSA) . Sa populasyong ito kukuha lamang ang mga mananaliksik ng isangdaan at animnapu’t isa (161) na mga

(14)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

respondante na kailangang mabigyan ng talatanungan. Dito sila babase ng mga impormasyon na maaaring makatulong sa pag-aaral.

3. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito’y isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa mga patakaran at regulasyon na nakapaloob sa

Student Manual ng Jose Rizal University. Para sa lalong pagpapabuti ng

pag-aaral ay minabuti ng mga mananalik na mangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan tulad ng libro, pamanahong papel, at websayt.

4. TRITMENT NG MGA DATOS

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, tulad ng ng mga tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito. Kaya sa pagsususuri ng datos na nakalap ay gumamit

(15)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

ang mga mananaliksik ng Slovene Formula at pagta-tally upang makuha ang porsyento na siyang pinagbatayan sa pagkuha ng bawat datos na nakalap.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon.

Ipinapakita sa Grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Sa isangdaan’t animnapu’t isang (161) mag-aaral na tumugon, apatnapo’t pito (47) ang mga lalaki at isangdaan’t labingapat (114) naman ang mga babae.

(16)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Lalaking Respondente; 47 Babaeng Respondente; 114

Grap 1

Distribusyon ng Respondente Ayon sa Kasarian

Ipinapakita sa Grap 2 ang distribusyon ng mga respondente tungkol sa pagbabasa ng Student Manual ng Jose Rizal University. Sa isangdaan’t animnapu’t (161) na respondente, dalawampu’t lima (25) ang sumagot ng madalas nilang binabasa ang Student Manual, isangdaan’t dalawampu’t dalawa (122) naman ang nagsabing minsan, at labingapat (14) naman ang nagsabing hindi kailanman.

(17)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 Grap 2

Distribusyon ng mga Respondente tungkol sa Pagbabasa ng Student Manual

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 3 ang bilang ng mga respondente na gumagamit ng gadgets sa loob ng silid-aralan habang nagtuturo ang propesor. Sa isangdaan’t animnapu’t (161) na respondente, tatlompu’t tatlo (33) ang sumagot ng madalas silang gumagamit ng gadgets, isangdaan’t walo (108) naman ang nagsabing minsan, at dalawampu’t dalawa (22) ang nagsabing hindi kailanman.

(18)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 Grap 3

Bilang ng mga Respondente na Gumagamit ng Gadgets

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 4 ang bilang ng mga nagsusuot ng kompletong uniporme sa pagpasok sa Jose Rizal University. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, isangdaan’t limampu’t tatlo (153) ang sumagot ng madalas silang magsusuot ng kompletong uniporme sa pagpasok, walo (8) naman ang nagsabing minsan, at wala naman sumagot ng hindi kailanman.

(19)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 20 40 60 80 100 120 Grap 4

Bilang ng mga Respondente na Nagsusuot ng Uniporme

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 5 ang bilang ng mga Respondente na nagsusuot ng tsinelas kapag pumapasok sa Jose Rizal University. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, walang sumagot ng madalas, apat (4) naman ang nagsabing minsan silang nagsusuot ng tsinelas sa pagpasok, at isangdaan’t limampu’t pito (157) ang nagsabing hindi kailanman.

(20)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 20 40 60 80 100 120 Grap 5

Bilang ng mga Respondente na Nagsusuot ng Tsinelas sa Pagpasok

Lalaki Babae

Ipinapakita sa sa Graph 6 ang bilang ng mga respondente na wasto ang kulay ng buhok sa Jose Rizal University. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, isangdaan’t dalawampu’t isa (121) ang sumagot ng madalas silang pumasok ng wasto ang kulay ng buhok, tatlompu (30) ang nagsabing minsan, at sampu (10) naman ang nagsabing hindi kailanman.

(21)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 Grap 6

Bilang ng mga Respondente na Wasto ang Kulay ng buhok sa Pagpasok

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 7 ang bilang ng mga respondente na pumapasok na may kyutiks sa kuko. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, labinganim (16) ang sumagot ng madalas silang pumapasok na may kyutiks sa kuko, limampu’t dalawa (52) naman ang nagsabing minsan, at siyamnapu’t apat (94) naman ang nagsabing hindi kailanman.

(22)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 Grap7

Bilang ng mga Respondente na Pumapasok na may Kyutiks sa kuko

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 8 ang bilang ng mga respondente na kumakain sa loob ng silid-aralan habang may propesor. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, dalawampu’t walo (28) ang sumagot ng madalas silang kumakain sa loob ng silid-aralan habang may propesor, siyamnapu’t siyam (99) naman ang nagsabing minsan, at tatlompu’t apat (34) naman ang nagsabing hindi kailanman.

(23)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 70 80 Grap 8

Bilang ng mga Respondente na Kumakain sa loob ng Silid- Aralan

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 9 ang bilang ng mga respondente na pumapasok na may pinta sa katawan. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, isa (1) ang sumagot ng madalas pumasok na may pinta sa katawan, dalawa (2) naman ang nagsabing minsan, at isangdaan’t limampu’t walo (158) ang nagsabi ng hindi kailanman.

(24)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 Grap 9

Bilang ng mga Respondente na Pumapasok na may Tattoo sa Katawan

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 10 ang bilang ng mga respondente na nagsusuot ng hikaw sa anumang parte ng katawan. Sa isangdaan’t animnapu’t isa (161) na respondente, labingtatlo (13) ang sumagot ng madalas silang pumasok ng may hikaw sa anumang parte ng katawan, labinganim (16) naman ang nagsabing minsan, at isangdaan’t tatlompu’t dalawa (132) naman ang nagsabing hindi kailanman.

(25)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 Grap 10

Bilang ng mga Respondente na Nagsusuot ng Hikaw sa anumang Parte ng Katawan

Lalaki Babae

Ipinapakita sa Grap 11 ang bilang ng mga respondenteng babae na may higit isang butas sa tainga. Sa isaangdaan’t labingapat (114) na respondenteng babae, labingisa (11) ang sumagot ng madalas silang pumasok na may higit isang butas sa tainga, apat (4) ang nagsabing minsan, at siyamnapu’t siyam (99) naman ang nagsabing hindi kailanman.

(26)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50 Grap 11

Bilang ng mga Respondenteng Babae na may Higit isang Butas sa Tainga

Babae

Ipinapakita sa Grap 12 ang bilang ng mga respondenteng lalaki na may butas sa tainga. Sa apatnapo’t pito (47) na respondenteng lalaki, isa (1) ang sumagot ng madalas, isa (1) naman ang nagsabing minsan, at apatnapo’t lima (45) ang nagsabing hindi kailanman sila pumasok ng may butas sa tainga.

(27)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Madalas Minsan Hindi Kailanman 0 5 10 15 20 25 Grap 12

Bilang ng mga Respondenteng Lalaki na may Butas sa Tainga

Lalaki

TALAHANAYAN 1

MGA PATAKARAN (Minor Offenses)

BILANG NG MGA SUMUSUWAY

KABUUANG

BILANG PORSYENTO RANGO

Gumagamit ng gadgets sa loob ng silid-aralan habang nagtuturo ang

propesor. (2.4.1) 139 161 86.34% 1

Kumakain sa loob ng silid-aralan

(28)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO Pumapasok ng may kyutiks sa kuko.

(2.4.6) 68 161 42.24% 3

Wasto ang kulay ng buhok. (2.4.4) 40 161 24.84% 4

Nagsusuot ng hikaw sa anumang

parte ng katawan. (2.4.9) 29 161 18.01% 5

Para sa mga kababaihan,may higit

isang butas sa tainga. (2.4.8) 15 114 13.16% 6

Nagsusuot ng kumpletong uniporme kapag pumapasok sa Jose Rizal

University. (2.4.2) 8 161 4.97% 7

Para sa mga kalalakihan,nagsusuot

ng hikaw. (2.4.7) 2 47 4.26% 8

Nagsusuot ng tsinelas kapag pumapasok sa Jose Rizal University.

(2.4.3) 4 161 2.48% 9

Pumapasok ng may tattoo sa

katawan. (2.4.10) 3 161 1.86% 10

Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang mga Minor Offenses o maliit na paglabag sa mga patakaran ng Student Manual. Makikita dito ang bilang ng mga sumusuway sa mga nasabing patakaran. At kinuha ang porsyento ng mga ito upang malaman ang kanilang rango at pagkakasunod-sunod ayon sa pinaka hindi nasusunod hanggang sa kasalukuyan ay nasusunod pa.

Sa pagkuha ng porsyento o percentage:

Porsyento = Bilang ng mga sumusuway x 100 Kabuuang Bilang

(29)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Sampung mga patakaran na nakasaad sa talahanayan ang paggamit ng gadyets sa loob ng silid-aralan habang may propesor (2.4.1) ay nakakuha ng walongpu’t anim at tatlompu’t apat na porsyento (86.34%) na siya ding pinakamataas samantanla ang pagpasok ng may pinta sa katawan (2.4.10) ay nakakuha ng isa at walongpu’t anim na porsyento (1.86%) na siya namang pinakamababa.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman kung ang mga mag-aaral na kumukuha ng Batsilyer sa Agham at Pagtutuos (BSA) sa Unang taon ng Jose Rizal University ay may kaalaman hinggil sa mga minor

(30)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

offenses na nakapaloob sa Student Manual ng Jose Rizal University, kung kanila

ba itong nasusunod, kung ang Student Manual ba ay nakakatulong sa pagpapatupad ng mga patakaran sa Jose Rizal University, at ano ang mga kadalasang nagiging kadahilanan ng mag-aaral kung minsang lumabag sa mga patakaran.

Gamit ang disenyong deskriptibong-talatanungan, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng talatanungan na pinasagutan sa isangdaan’t animnapu't isa (161) na mga mag-aaral ng Jose Rizal University na kumukuha ng Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos (BSA) sa Unang Taon ng Kolehiyo.

2. KONGKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Ang mga sumusunod ay mga patakaran na nakapaloob sa Student

Manual. At ito ay inayos ng mga mananaliksik ayon sa pinaka palagiang

hindi na nasusunod ng mga mag-aaral hanggang sa mga patakaran na palagian pang nasusunod ng mga mag-aaral.

(31)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

1. Gumagamit ng gadgets sa loob ng silid-aralan habang nagtuturo ang propesor.(2.4.1) nakakuha ng 86.34% na siyang pinakamataas at masasabing pinaka palagiang hindi nasusunod ng mga mag-aaral. 2. Kumakain sa loob ng silid-aralan habang may klase. (2.4.11) nakakuha

ng 78.88%

3. Pumapasok ng may kyutiks sa kuko. (2.4.6) na nakakuha ng 42.24% 4. Wasto ang kulay ng buhok. (2.4.4) na nakakuha ng 24.84%

5. Para sa mga kababaihan,may higit isang butas sa tainga. (2.4.9) nakakuha ng 18.01%.

6. Nagsusuot ng hikaw sa anumang parte ng katawan. (2.4.8) nakakuha ng 13.16%.

At ang apat na nakakuha ng pinakamababa at masasabing palagian pa ring nasusunod ng mga mag-aaral,

7. Nagsusuot ng kumpletong uniporme kapag pumapasok sa Jose Rizal University. ( 2.4.2) na nakakuha ng 4.97%

8. Para sa mga kalalakihan,nagsusuot sila ng hikaw. (2.4.7) nakakuha ng 4.26%

9. Nagsusuot ng tsinelas kapag pumapasok sa Jose Rizal University. (2.4.3) nakakuha ng 2.48%

10.Pumapasok ng may tattoo sa katawan. (2.4.10) na nakakuha ng 1.86% at siya namang pinakababa.

b. Karamihan sa mga respondente ay nagsasabing nakatutulong ang

pagkakaroon ng Student Manual sa pagpapatupad ng patakaran sa Jose Rizal University ngunit karamihan sa mga respondente ay minsan lang

(32)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

binabasa ang Student Manual, kaya naman nagiging dahilan din ito ng kanilang paglabag sapagkat ang iba sa kanila ay hindi alam o walang ideya na ang mga ito ay maituturing na maliit na paglabag sa patakaran.

c. Ang kalimitan na nagiging kadahilanan ng mga respondente sa paglabag

sa mga patakaran ay katulad ng mga sumusunod:

1.1 Ang paggamit ng gadgets sa loob ng silid-aralan habang nagtuturo ang

propesor ay dahil naiinip sila, wala naman silang ginagawa sa klase at may kailangan silang isaliksik sa internet.

1.2 Minsan,tinatamad na silang magpalit ng pang- P. E na unipome sa

loob ng Jose Rizal University kaya sila ay pumapasok na suot agad ang kanilang pang- P.E na uniporme.

1.3 Kumakain sila sa loob ng silid-aralan sapagkat sila ay nagugutom na o

para pangtanggal inip na rin.

1.4 Ang dahilan naman nila sa hindi pagsunod sa wastong kulay ng buhok,

pumapasok ng may kyutiks sa kuko, may higit isang butas sa tainga, ay dahil nakikiuso sila at naaayon sa porma na gusto nilang gayahin.

1.5 Pero ang kalimitan nilang nagiging dahilan ay dahil din sa udyok ng

(33)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO 3. REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga mag-aaral, basahing maigi ang mga patakaran sa Student

Manual at buong puso itong sundin.

b. Para sa mga propesor, paalalahanang mabuti ang mga mag-aaral tungkol sa mga patakaran ng unibersidad at maging instrumento sila sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga dapat at hindi dapat nilang gawin.

c. Para sa mga administrador ng unibersidad, magsagawa ng mga seminar na dadaluhan ng mga mag-aaral upang bigyan ng higit na pansin ang mga patakaran ng Student Manual at maging responsable sila sa pagsunod sa mga patakarang ito.

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Apostol, Joie., Cailing, Margareth., Garcia, Laureen., Gonzales, Patricia., Panelo, Fabienne., & Villaroman, Eliz. Isang pagsusuri tungkol sa epekto ng mga school

(34)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

activities sa akademiko ng mga mag-aaral ng ikaapat sa Taong Panunuran 2012-2013. Di-nalathalang pamanahong-papel. San Beda College – Alabang

Arum, Richard. Copyright 2003. Judging school discipline: The crisis of moral authority. Cambridge, MA, USA: Harvard University Press.

Boynton, Mark. & Boynton, Christine. Copyright 2007. Educator’s guide to assessing and improving school discipline programs. Alexandria, VA, USA: Association for Supervision & Curriculum Development (ASCD).

Braxton, J. M., Doyle, W. R., Hartley III, H. V., Hirschy, A. S., Jones, W. A., & McLendon, M. K. Copyright 2014. Rethinking college student retention. One Montgomery Street, Suite 1200, San Francisco, CA 94104-4594: Jossey-Bass. Fleming, Jacqueline. Copyright 2012. Enhancing minority student retention and academic performance: What we can learn from program evaluations. One Montgomery Street, Suite 1200, San Francisco, CA 94104-4594: Jossey-Bass. Gregorio, Veronica. 2013. GABRIELA Youth.

Hall, Edward. & Hall, Levi. 2016. http://studentmanual.uchicago.edu/

Limpasan, Herwina. 2014. https://prezi.com/qpgsb6bs36j4/pagsuot-ng-unipormelaban sa-pagsuot-ng-sibilyan/

2008. Uniporme sa isang unibersidad.

http://unipormesaisangunibersidad.blogspot.com/.

“Isang pag-aaral ukol sa epekto ng Zero-Based Grading System sa mga mag-aaral ng unang taon ng kolehiyo sa De La Salle Lipa taong 2009-2010”. https://www.scribd.com/doc/46742662/Zero-Based#

APENDIKS A

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSARBEY

(35)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO LEODIGARIO M. DAVID

Dekano

Kolehiyo ng Pagtutuos at Pagnenegosyo Jose Rizal University

Mahal naming Dekano, Maalab na pagbati!

Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral sa 102-A na kumukuha ng asignaturang FIL 14. Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel- pampananaliksik.

Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pamanahong –papel tungkol sa Pananaw ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kolehiyo na may Kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos sa Mga Patakaran sa Student Manual ng Jose Rizal University 2015-2016.

Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami’y makapamahagi ng sarbey-kwestyoner sa isang daan at animapu’t isa (161) na kumukuha ng kursong Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos.

Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po nang lubos sa aming pag-aaral.

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan. Lubos na gumagalang,

ARLEEN JOY C. BITO-ON Lider ng pangkat

Binigyang-pansin ni:

MA. LUISA M. CANTILLO Propesor sa Filipino 14

APENDIKS B TALATANUNGAN Mahal naming Respondante,

(36)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 14 na kumukuha ng kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos, na kasalukuyang nagsasagawa ng

pananaliksik tungkol sa Pananaw ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kolehiyo na may Kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos sa mga

Patakaran na Ipinapatupad ng Jose Rizal University 2015-2016. Kaugnay po nito, inihanda naming ang talatanungan na ito upan makatanggap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.

Hinihiling po naming ang inyong kooperasyon sa isinasagawa naming pananaliksik. Mangyari po lamang na sagutan ninyo ng buong katapatan ang mga sumusunod na mga katanungan. Makakaasa kayo na magiging

kumpidensyal ang inyong mga sagot. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang, Mga Mananaliksik Arleen Joy Bito-on Ronalyn Abargos Lyn Rose Adilan Angelica Belizar

PANGALAN: PETSA:

TAON: Unang Taon sa BSA PANGKAT:

KASARIAN:

Babae_____ Lalaki_____

(37)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga patakaran na nakapaloob sa minor offense na nasa Student Manual. Lagyan ng tsek ang hanay kung gaano kadalas ang pagsunod sa mga patakarang ito.

Mga Katanungan: Madalas Minsan Hindi

Kailanman 1. Binabasa ko ang nilalaman ng Student

Manual ng Jose Rizal University.

2. (2.4.1)Gumagamit ako ng gadgets sa loob ng silid-aralan, habang nagtuturo ang aking propesor.

3. (2.4.2)Nagsusuot ako ng kompletong uniporme sa pagpasok ko sa pasilidad ng Jose Rizal University.

4. (2.4.3)Nagsusuot ako ng tsinelas kapag pumapasok sa Jose Rizal University. 5. (2.4.4)Wasto ang kulay ng aking buhok. 6. (2.4.6)Pumapasok ako ng may kyutiks

sa kuko.

7. (2.4.11) Kumakain sa loob ng silid-aralan habang may klase.

8. (2.4.10)Pumapasok ako ng may tattoo sa katawan.

9. (2.4.9)Nagsusuot ako ng hikaw sa anumang parte ng aking katawan.

10. (2.4.8)Para sa kababaihan, may higit isa akong butas sa tainga.

(2.4.7)Para sa kalalakihan, nagsusuot ako ng hikaw.

Nakatutulong ba ang pagkakaroon ng Student Manual sa pagpapatupad ng mga patakan sa JRU? Oo o Hindi? Bakit?

(38)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Kung ikaw ay minsang lumabag sa patakaran ng unibersidad, Ano ang iyong naging mga kadahilanan?

Lagda:_____________________ APENDIKS C

TRANSKRIPSYON NG SAGOT SA TALATANUNGAN

Angelica: Nakakatulong ba ang pagkakaroon ng student manual sa pagpapatupad ng mga patakaran sa JRU? Oo o Hindi? Bakit?

Gwen: Hindi, Kasi di naman lahat ng estudyante nasusunod ito, karamihan nagagawa ito (ang mga bawal gawin sa loob ng JRU).

Angelica: Nakakatulong ba ang pagkakaroon ng student manual sa pagpapatupad ng mga patakaran sa JRU? Oo o Hindi? Bakit?

Angelika: Oo, para malaman kung tama ang iyong ginagawa sa loob ng paaralan at ito ay tumutulong para maging aware sa mga patakaran ng paaralan.

Angelica: Nakakatulong ba ang pagkakaroon ng student manual sa pagpapatupad ng mga patakaran sa JRU? Oo o Hindi? Bakit?

Respondente: Opo, dahil nakasulat dito and dapat malaman ng isang estudyante at pag nabasa ito ay makakatulong upang umarte ng wasto ang estudyante.

(39)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Lyn Rose: Nakatutulong ba ang pagkakaroon ng Student Manual sa pagpapatupad ng mga patakaran sa JRU? Oo o Hindi? Bakit?

Jewel Fritz S. Buendia: Oo, dahil marami akong nalaman tungkol sa mga patakaran sa ating paaralan na gagabay sa tulad kong nasa Unang Taon pa lamang.

Lyn Rose: Nakatutulong ba ang pagkakaroon ng Student Manual sa pagpapatupad ng mga patakaran sa JRU? Oo o Hindi ? Bakit ?

Jaymart Estrada: Oo, sapagkat dahil dito nagkakaroon ang bawat mag-aaral ng JRU ng kaalamn Kong ano ang mga patakaran na dapat sundin.

(40)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO APENDIKS D

(41)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

APENDIKS E

(42)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

Pamagat: Ang Pananaw ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon ng Kolehiyo na may Kursong Batsilyer sa Agham ng Pagtutuos sa Mga Patakaran sa Student Manual ng Jose Rizal University, 2015 – 2016

Mananaliksik: Abargos, Ronalyn D. Adilan, Lyn Rose Belizar, Angelica S.

Bito-on, Arleen Joy C.

Taon at Pangkat: BSA,102A Semestre: 2nd Taong Akademiko: 2015-2016 Sisteme ng Pagmamarka:

Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin:

1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa na pananaliksik? ________ 2. Sapat ba ang pagtatalakay sa introduksyon? ________ 3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa

upang makalikha ng mga valid na paglalahat? ________ 4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon

sa paksa ng pag-aaral? ________ 5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin ng

pag-aaral? ________ 6. Sapat at matalino ba nag pagpili sa mga terminong binigyan

ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat

isang termino? ________ Sub-total: ___________ B. Kaunay na Pag-aaral at Literatura

1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang

(43)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

2. Malinaw at maayos ba ang pagtatalakay sa mga pag-aaral at literaturang iyon? ________ 3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral

sa iba pang hanguang ginamit? ________

Sub-total: ___________

C. Disenyo ng Pag-aaral

1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit

sa pananaliksik? ________ 2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon

sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? ________ 3. Sapat at angkop ba ang respondeng napili sa paksa ng

pananaliksik? ________ 4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit

sa pangangalap ng datos? ________

Sub-total: ___________

D. Presentasyon

1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? ________ 2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal

tritment ang mga datos? ________ 3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga

datos? ________ 4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at

tabular/grapikal na presentasyon ng mga datos? ________

Sub-total:___________

E. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? ________ 2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba

iyon sa mga datos na nakalap? ________ 3. Nasagot bas a konklusyon ang mga ispesipikong

Katanungan sa layunin ng pag-aaral? ________ 4. Lohikal, posibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad

na rekomendasyon? Makalulutas ba ang mga iyon sa mga

(44)

JOSE RIZAL UNIVERSITY – KOLEHIYO

5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom,

kongklusyon at rekomendasyon? ________ Sub-total: ___________ F. Mekaniks at Pormat

1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahon Papel? Nasusunod ba ang mga tuntunin at tagubiling

tinalakay sa klase? ________ 2. Nasusunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto

ng pamanahong papel? ________ 3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit

ng pamanahong papel? ________

Sub-total: ___________

Kabuuang/katumbas na Marka: ___________ Ebalweytor: __________________________ Petsa: _______________________________

Referensi

Dokumen terkait

Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral sa unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing ay ang “pag-aaral at

Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.. DALOY NG

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan- Kalookan na kasalukuyang nag-aaral ngayong ikalawang semestre taong

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng ideya, pananaw, saloobin, at mga karanasan hinggil sa pagtangkilik ng mas murang gamot. Saklaw nito ang mga mag- aaral na nasa

Sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang ng taon ng hayskul sa Dasmariñas

Nagsaad ng sarbey ang mga mananaliksik sa mga estudyante ng PATTS upang malaman ang mga ideya at opinyon ng mga mag-aaral HRM tungkol sa epekto ng pasilidad

Bilang tugon sa mga pahayag na nabanggit, ang mga mananaliksik ay naglalayon na alamin kung ano nga ba ang epekto ng paglalaro ng Clash of Clans sa pag-aaral ng mga mag-aaral at nais

LAYUNIN NG PAG-AARAL Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang pananaw ng mga tagasagot sa social-distancing na mga selebrasyon at pagdiriwang batay sa kaarawan, kapistahan,