• Tidak ada hasil yang ditemukan

Susi sa Pagwawasto 1. b

Dalam dokumen module filipino grade 8 (Halaman 118-121)

a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya. b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan.

d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok. 2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa

pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?

a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga. b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma.

c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda.

3. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?

Ang Panimulang pagtataya ay susukat sa kaalaman ng

mag-aaral sa mga araling saklaw ng Aralin 1.2.

Susi sa Pagwawasto

1. b

2. c

3. a

4. a

5. d

6. d

7.b

8. a

9. b

10. b

119

a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon. b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.

c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.

4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo?

a. bilyako/bilyaka b. mambibigkas c. manunula d. prinsipe/prinsesa

5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?

a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.

b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.

c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula. d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula. 6.Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito?

a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan.

120

c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.

d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula. 7.Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong

pahayag?

a. tapat c. madaling umunawa

b. magalang d. malumanay magsalita 8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang

pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan? a. pag-ibig sa bayan

b. mga kaugaliang Pilipino c. pagmamahalan ng pamilya

d. pagpupuri sa pamahalaang España

9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espaῆol?

a. Nakipag-usap sa kinauukulan.

b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino

c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espaὴol.

d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaὴa.

10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________.

a. prosa c. pasalaysay b. patula d. tuluyan

121

VI. Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayo’y matuklasan mo kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, sagutin mo na ang huling kolum, ang L.

K

Ano ang alam mo na? (What do you know?)

W

Ano ang nais mong malaman?

(What do you want to find out)

H

Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what

you want to learn?) L

Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? What did you learn?) Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan.

Ang bahaging ito ng modyul na pinangalanang ALAMIN ay naglalayong

:

 Makagamit ng dating kaalaman ng mag-aaral

 Makabuo ng katugunan mula sa mga paunang gawain tungo sa

paglinang ng mahalagang tanong at kakailanganing pag-unawa

 Matukoy at malinaw ang mga konseptong malabo at inaakalang tama

batay sa tugon ng mga mag-aaral.

Ang KWHL Sheet ay isang estratehiya na nagpapakita ng Map of Conceptual

Change ay naglalayong tukuyin at gamitin ang dati nang kaalaman ng mag-aaral

bilang paghahanda sa mga paksang pag-aaralan sa modyul.

May iba‟t ibang graphic organizers na maaaring magpakita ng dating

kaalaman ng mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

 IRF Worksheet

 Generalization Table

 Anticipation-Relation Guide

 In the box …

Out of the box…

Ang guro ay maaring pumili ng alinman dito batay sa

pangangailangan. Inaasahan na sa pamamgitan ng Map of Conceptual

Change ay mapagtitibay ang dating kaalaman tungo sa bagong

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang gawaing ito ay maaaring nakasulat sa manila paper o power

point presentation upang malinaw na makita ng mga mag-aaral.

Dalam dokumen module filipino grade 8 (Halaman 118-121)

Dokumen terkait